Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Athletic Pinay dies of stroke

Posted on 11 May 2019 No comments
By Vir B. Lumicao and Marites Palma

Jennelin (with yellow cap) on a hike with friend Rosamie

Jennelin S. Gariando was preparing dinner around 5pm on Wednesday, May 8, when she collapsed in the kitchen of her employer’s house in Happy Valley. At past 11am the next day, she passed away. She was 51.
Jennelin, who came to Hong Kong in 1998 and had worked for the same family for about 20 years, was comatose when an ambulance called by her employers took her to Pamela Youde Nethersole Eastern Hospital in Chai Wan.

Doctors in the hospital told the employers that Jennelino had a fractured skull, apparently caused by her head hitting the concrete floor when she collapsed.
Her sister Mary Grace Gariando, 44, told The SUN that her elder sister had no known ailment. Friends said she was a volleyball player and a hiker.

But Mary Grace said her sister might have been suffering from high blood pressure without her knowing about it. She said their mother also died of a stroke at age 75.
The Gariandos are natives of Hinigaran, Negros Occidental. The deceased was married and had a 27-year-old daughter and two young granddaughters in Bacolod City whom she was helping send to school.

Her daughter Cristina said in a phone interview that her mother initially spent 10 years working for the Lau family in Happy Valley. She went home when she fell ill but the Laus asked her to return to them after she recovered. In all, she had been employed by the family for 20 years.
Mary Grace said she had invited her sister to join her on a vacation to Negros earlier this month, but the deceased declined because she was processing her contract renewal.

So Mary Grace, who works for a sister of the deceased's employer, went home alone on May 5. Three days later she had to fly back to Hong Kong after her employer told her about her sister’s stroke. But she did not get to see Jennelin alive again.
The Lau family was shocked and saddened by Jennelin’s death, Mary Grace said. The deceased had looked after the employers’ daughter while she was growing up, so she is particularly in grief over her che-che’s death.

Friends of Jennelin said she was a volleyball player who regularly hiked with them in the cool months when their team Crasherz had no scheduled matches.
“Nagkakilala kami sa volleyball team Crasherz tapos yun na, lagi na kami sa bahay ng amo niya. Mabait ang amo niya, doon kami natutulog kapag Saturday night. Minsan, pag may mga sunud-sunod na holiday doon kami sa kanya,” said Rosamie Borromeo.

Borromeo said they last hiked in January, and Jennelin had not complained of any health problem.

Jennelin was known to be some sort of a daredevil. She was once shown in a photo on an OFW webpage standing precariously outside the window of her employer’s high-rise flat while hanging laundry.

Soon after Borromeo posted on Facebook on May 9 the news that Gariando was in hospital, her many friends and hiking buddies expressed their wishes for her recovery.

 “Te Jen, kaya mo yan, laban lang, Tol. Maghahiking pa tayo ulit,” said Lorena David.

In her last Mother’s Day message to Jennelin, her daughter Cristina had written: “Gusto kong magpasalamat sa lahat-lahat ng hirap niya para makaahon kami sa hirap. Salamat sa sakripisyo kahit nakikita namin na nahihirapan na siya, di nya iniinda. Mahal na mahal ko siya, ng mga apo niya, pati na si Papa… at nasa puso siya naming lahat.”



===I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!


Call us now!

Call us!




Abot-kamay ang pangarap

Posted on 09 May 2019 No comments


Ni Jacklyn R. Evangelista

Ang may-akda, isang domestic worker na 29 taong gulang, ay nagpahanga sa maraming kapwa migrante kamakailan nang ipakita niya sa isang Facebook post ang kanyang mga dibuho, at sinabing ginugugol niya sa pagguhit at pagpinta ang kanyang mga libreng oras. Suwerte daw siya dahil todo-suporta sa kanya ang kanyang amo. Agad na umani ng mahigit 1,000 “likes” ang kanyang post, at halos lahat ay nagpahatid ng kanilang paghanga sa galing ng kanyang kamay. Sa kanyang artikulo, nagpakita si Jacklyn ng galing sa iba pang larangan, ang pagsulat. Tunghayan ang kanyang naiibang karanasan. – Ed


Ako ay mula sa Brgy. Minuli, Carranglan,Nueva Ecija, at dito nagtatrabaho sa Tai Po, New Territories. Apat na taon na ako sa Hong Kong, at finished contract sa dalawang amo, at ngayon ay kare-recontract pa lang.

May alaga akong babae na 11 taong gulang at alam ng amo ko na marunong akong gumuhit dahil nung simula palang na nainterview nila ako ay agad nila akong tinanong kung anong skills ko, at agad ko ding sinagot na pagguhit, at natuwa naman sila dahil sa wakas daw ay may magtuturo na sa anak nila.


Press ad to find out 5 selected agent
locations, and terms of this promo.
Natatandaan ko pa na noong bata pa lang ako, mga edad anim na taon, ay hilig ko nang humawak ng lapis at kahit anong klase ng papel, gaya ng likurang pahina ng kalendaryo, o di kaya’y poster ng mga produkto. Noong nagsimula na akong pumasok sa eskwelahan, nauubos agad yung isang pad na papel ko sa kakaguhit! Doon na napansin ng pamilya ko ang hilig ko. Tinuruan ako ng kuya ko kung paano gumuhit ng simpleng palasyo.Ganon din ang tatay ko, kung paano naman gumuhit ng makatotohanang mukha ng mga tao, o maging mga hayop. Ang ate ko naman, noong mga panahong nasa kolehiyo kami, pareho kaming major in drafting, tinuruan niya akong gumuhit gamit ang charcoal pencil, at pag-aralang iguhit ang imahe Ni Hesukristo.

ANG MGA IGINUHIT NI JACKLYN:







Sa high school, sumali ako sa mga patimpalak gaya ng paggawa ng poster at slogan. Lagi akong pumapangalawa, pero sa slogan ay minsan ko nang nakuha ang pangunahing premyo kaya tuwang tuwa ako sa mga panahong iyon..

Sa kabila ng maraming pagsubok na dumaan sa buhay ko, lalo na sa mga problemang may kinalaman sa pamilya, binibigyan ko pa rin ng pansin ang pagguhit dahil sa paraang ito ay natatakasan ko ang mga sandali ng kalungkutan o kaya’y kabiguan. Kahit  ordinaryong lapis at papel lang ang hawak ko ay kontento na ako.


PRESS FOR MORE SPECIAL OFFERS!

Natatandaan ko pa noong nagpa medical check-up ako bago lumipad papunta ng Hong Kong. Sa part eng psychology ay kailangang gumuhit ng tao at bahay. Lahat ng nakakita sa gawa ko ay gulat na gulat dahil ang husay ko daw! Hindi ko naman maiwasang matuwa sa kanilang sinabi, at pumalakpak ang aking mga tenga.

Ipinagpatuloy ko ang aking pagguhit hanggang makarating ako sa Hong Kong.

Call us!

Sa unang kontratang natapos ko ay maluwag ang oras ko dahil madalas magbiyahe ng matagal na panahon ang aking mga amosa former employer ko doon po ako may maluwag na oras sa pag guhit dahil parati po akong naiiwang mag isa pag sila ay nasa travel ng mahabang panahon.At doon din po ako unang nagkainteres sa pagpinta katuwang ko ang mga painting tutorials na napapanood sa youtube.Ito pong amo ko ngayon ay laking tuwa dahil nagkakainteres na ang alaga ko sa pag guhit kaso nga lang hindi na po gaya ng una kong amo na may maluwag akong oras para gawin ang pagpinta o pag guhit.Nagagawa ko nalang pagka umaalis sila saglit.

CALL US NOW!

Wala po akong group page na sinalihan na base po sa art o pag guhit,kundi DWC help po na kung saan ako nakakabasa ng mga real talk ng ating mga kababayan sa kanilang kani kaniyang amo.Dito ko rin po inupload mga guhit ko na di ko inaasahang magkakaroon ng 1k+reactions at mga comment na kinagagalak ko ng sobra! Maraming gustong magpaguhit at nagtatanong kung magkano ang halaga kaso hindi ko po talaga alam isasagot ko! Haha.

Call now!

May mga imbitasyon din akong natatanggap na magjoin sa Pintura Circle at Guhit Kulay.Sobrang nakakaeksayted pong sumali at maging part ng ilang mga exhibition nila.

Marami po tayong mga kababayan na nagsasabing wala silang katale-talento kundi ang kumain lamang.Ang masasabi ko lang po sa kanila,sige lang.kain lang po!(biro lang!)

CALL US

Bawat tao ay may kani kanyang talento.Subukang alamin,dahil may mga talentong natututunan.

===I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!



Call us now!

Call us!

Mahirap ang mahirap

Posted on No comments

Ni George Manalansan

Our columnist for this issue is George Manalansan, one of the most prolific contributors of The SUN. When not busy composing and poring over his stories, George spends his time helping out with the financial literacy training of CARD HK Foundation, where he is one of the trainors, or helping promote Philippine culture through Lakbay Dangal, where he is one of the officers. George, a true-blue Capampangan, has been working as a driver in Hong Kong since 1994. He is married to a fellow former OFW Rose, with whom he has three grown-up children: Euro Jerome, Jerico and Abigael. – Ed



Napapaluha si Sayong, 56, tuwing ikinukwento ang hindi malimutang karanasan sa ibayong dagat. Ang pinakamasaklap na sumubok sa kanyang katatagan ay nangyari taong 1985 nang biglang mamatay ang kanyang ama, tatlong buwan lang pagkatapos niyang tumulak papuntang Singapore.

Nasambit daw niya noon ang, “Diyos ko, bakit ba napaka unfair ng buhay?”

Press ad to find out 5 selected agent
locations, and terms of this promo.

Pangarap kasi niyang mabigyan ng ginhawa ang ama at iba pang miyembro ng kanyang pamilya, pero sa kanyang pag-alis ay hindi niya akalain na hindi na pala niya ito makikitang muli. Ni hindi man lang niya nasulyapan ang ama sa huling hantungan.

Inilihim sa kanya ng pamilya ang nangyari dahil alam nilang hindi naman siya basta-basta makakaalis at wala ding pera dahil inutang lang din ang ibinayad niya sa ahensya. Nalaman din niya ito bandang huli sa kanyang pinsan, pero nailibing na ang kanyang mahal na ama.


PRESS FOR MORE SPECIAL OFFERS!

Ayon diumano sa doktor, “pumuti” o nalason ang dugo ng kanyang ama, at ang posibleng dahilan ay ang insecticide na ginagamit nila na pang spray ng palay.

Sa mga panahong iyon, ramdam na ramdan niya ang hirap ng nangangamuhan. Isinusulit daw  talaga ng employer ang pasweldo nito. Nandyan na pati pagpintura, pagbakbak ng lumang flooring, pagluluto, paglilinis, pag-aalaga ng bata, aso, at kung ano mang kailangang gawin ay kasama siya.

Call us!

“Ah, basta mahirap” wika niya.

Hong Kong ang sumunod niyang pinuntahan at dito siya tumagal ng 20 taon. Nakapag-asawa siya at nagkaroon sila ng tatlong anak sa loob ng panahong ito.

Sa mga panahong iyon, ang talagang tumatak sa isip niya ay kailangan niyang magsikap dahil sadya daw na napakahirap ang maging mahirap. Isinumpa niya sa sarili na kung hindi man siya yayaman ay titiyakin pa rin niya na hindi siya kukulangin sa kanyang pangangailangan.

CALL US NOW!

Ngayon ay nakabalik na siyang muli sa Pilipinas at napagtapos na ang dalawang anak sa kolehiyo, katuwang ang kanyang mister sa Pampanga. Laking pasasalamat niya dahil hindi siya pinabayaan ng Panginoon, kahit minsan na rin niyang kinuwestiyon kung bakit sunod-sunod ang naging dagok sa buhay niya.

Penitensya

Daig pa ni Rica, 45, ang nagpenitensya nitong nakaraang Mahal na Araw dahil sa dami ng mga inutos sa kanyang gawin hindi lang ng mga amo, kundi pati ng mga kamag-anak ng mga ito.

Ayon kay Rica, nagbakasyon ang mga amo niya sa South America, pero imbes makapahinga ay mas lalo daw dumami ang mga pinapagawa sa kanya. “Ugali na yata ng Intsik ang ipasulit ang pasweldo,” himutok ni Rica.

Call now!

Unang una sa pahirap na trabaho na pinagawa sa kanya ay iyong ipa shampoo ang malawak na carpet sa bahay ng mga amo. Dati-rati ay umuupa daw ang mga ito ng mga professional na tagalinis ng carpet, pero dahil sa sulsol ng isang kaibigan, bumili ang mga amo niya ng mamahalin na multi-function vacuum cleaner at pinaturuan siya kung paano gamitin ito. Ayun, halos maghapon niyang ginamit ito para malinis ang carpet ng akala mo ay propesyunal ang gumawa.

Bukod sa iba-ibang bilin ng mga amo ay kabi-kabila din daw ang mga nakakairitang tawag ng mga kamag-anak ng amo para ipagluto niya sila, kabilang na ang anak ng mga ito na may asawa. Tingin daw siguro ng mga ito ay libreng libre siya dahil wala ang kanyang mga amo.

Ayon kay Rica, mas gusto pa niya na nasa Hong Kong ang mga amo dahil sa pakiramdam niya ay mas pagod pa siya kapag umalis sila. Sa loob ng tatlong linggo na wala ang mga amo ay pinutakte daw siya ng mga pakisuyo ng mga kamag-anak ng mga ito kaya daig pa niya ang may panata.

CALL US

Nadagdagan pang lalo ang mga gawain niya dahil isiningit niya ang pag empake ng kahon para ipadala sa Pilipinas. Buong akala daw kasi niya ay marami siyang libreng oras, yun pala ay mas lalo siyang patay sa pagod. Inisip na lang niya na talagang penitensya para sa Mahal na Araw ang ginagawa niya.

Ngayong Mayo ay parating na ang kanyang mga amo, kaya bilang na ang araw ng kanyang kalbaryo. Tuwang tuwa si Rica dahil sa wakas ay iisang pamilya na lang ulit ang pagsisilbihan niya.

Sa kabila ng mga ito, hindi na bago kay Rica ang makita at marinig ang mga nagpe penitensya sa ganitong panahon. Siya ay tubong Pampanga, at nakalakhan na niyang makita ang mga namamanata na may pasan na krus habang nilalatigo ang sugat-sugat na likod. Ang iba nga ay taon-taon na nagpapako sa krus bilang tanda na sila ay nagtitika sa kanilang kasalanan.

===I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!


Call us now!

Call us!

Cooking in a flash

Posted on No comments
(Recipes compiled by Rodelia Villar, DWC founder and administrator)

This issue we’re focusing on some dishes that one can cook in a rush - save for one: a mouth-watering baby back ribs dish that takes a lot of time and patience to pull off. As this dish needs no less than 10 hours to prepare and cook, it could only be finger-lickin good.

On the other hand we have a fried pork chop dish that can be cooked in a jiffy after marinating for at least an hour.

Then we have an interesting chicken dish cooked with Coke (the real thing), and two tofu dishes to soothe the palate, both taking only a few minutes to prepare.

All these dishes were shared by very helpful administrators and members of the self-help Facebook group, Domestic Workers Corner, which aims to help newly arrived Filipino domestic helpers in Hong Kong adapt to working and living in the city.

Through their help, it can be assumed many of the workers are relieved of at least one challenge - that of cooking the Chinese way.


Baked baby-back pork rib in homemade bbq sauce .

By Lalai Kieth 

Ingredients:
2 packs pork ribs
2 lemon (kalamansi is better)
1 cup light soy sauce (1/2 if dark)
1 tbsp ground black pepper
3 tbsp sugar (preferably brown)
1 tbsp apple cider vinegar
2 tbsp ketchup
Garlic powder or blenderized garlic

Press ad to find out 5 selected agent
locations, and terms of this promo.

Procedure:
1. Brine (soak in salt water) the pork ribs for 5hrs or more (para mawala ang amoy ng baboy at mas lumambot).
2. Put together lemon, soy sauce, pepper, sugar, cider and garlic. Mix well then set aside 3. Remove the pork from the water (brine) then strain to remove excess water.
4. Marinate the pork ribs using the mixture for 5hrs (overnight is much better)
5. Pre heat oven to 350 degrees F or 180 C.
6. Put foil on the baking sheet (so it will be easier to wash after).


PRESS FOR MORE SPECIAL OFFERS!

7. Remove the pork ribs from marinate mixture
8. In another foil put the pork ribs and cover each side carefully to prevent sauce from leaking.
9. Bake ribs for 1 hour?10. Bring to boil the marinated sauce for 5mins, then strain (through the thick part)
11. Let cool, then mix in the ketchup, and adjust the taste with sugar.
12. After baking for 1 hour remove from oven. Open the foil and put the sauce on top.
13. Bake again for 15-20mins
14. When done you may cut per rib or serve whole - it’s your choice!


Pork chop with black pepper sauce

By Marie DeGuzman Bautista 

Ingredients:
Pork chops
Pepper powder
Sugar
Cornstarch
Soy sauce
Sesame oil
Garlic, minced
Cooking oil
Dark & light soy sauce
Oyster sauce

Call us!

Procedure:
1. Using the hammer-like meat tenderizer, pound on the pork chops. Wash and drain.
2. Cut each pork chop slice into three, then marinate with pepper powder, sugar, cornstarch, soy sauce and sesame oil.
3. Sauté onions until translucent. Take out of frying pan then set aside.

CALL US NOW!

4. Fry pork chops for two minutes, add some minced garlic, saute til fragrant, add the onions, season with light soy sauce, dark soy sauce and oyster sauce, (according to your taste).
5. Add ground black pepper and hot water (just enough to cook the pork).
6. Cover and simmer for 15 mins until sauce thickens.


Coca Cola Chicken Wings

By MaRie DeGuzman Bautista

Ingredients:
Chicken wings
Coke original flavour
Shallot
Garlic
Ginger
Spring onions
Oyster sauce
Ground black pepper

Call now!

Method:
1. Blanche chicken wings in boiling water with salt and sliced ginger. Drain. Set aside.
2. Heat oil, then saute shallot, ginger and garlic until fragrant.

CALL US

3. Add the chicken wings, then stir fry a bit. Season with oyster sauce and ground black pepper.
4. Pour in the coke, let it boil, then simmer for 20 mins or until the sauce thickens.
5. Garnish with chopped spring onions.


Steamed Lettuce with Tofu

By Jhen Li Shen

Ingredients:
Lettuce
Tofu for steaming

Procedure: 
Blanche lettuce so it softens. Then put tofu on top and steam for 10 minutes.
You may choose your own sauce.


Steamed egg tofu with minced pork 

(My own recipe)
By Jhen Li Shen

Ingredients
Minced pork mix
Lght soy sauce
Sugar
Black pepper
Minced garlic
Spring onions.

Procedure
Arrange all ingredients on a steaming plate then steam for 10 minutes
===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!




Call us now!

CALL US!

Call us!

Don't Miss