Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

DH taken to work in China loses claim vs employer, ordered to pay costs

Posted on 15 June 2019 No comments
Labour Tribunal

By Vir B. Lumicao

A Filipina domestic worker has lost her bid to claim compensation of more than $100,000 against her Hong Kong employer who fired her in 2015 for refusing to return to China to work for another.

Rowena Obilas only managed to win $1,500 as fare for a one-way air ticket to Manila, but even this may go to naught because Labour Tribunal’s presiding officer PC Lai ordered her to pay court costs.

Call us!

The costs include any expenses or loss of income that the former employer, Wong San-wing, may claim against Obilas.

Lai issued her decision on Jun 11 following a trial in May, during which the helper stubbornly pushed her compensation claim.

Obilas had claimed around $113,000 from Wong as a result of her termination in early October 2015 when she refused to continue working for a certain Madam Hung in Guangzhou, who was either a cousin or sister of the employer.

Call us now!

Obilas said she was owed this amount due to the long period that she could not work as police investigated a human trafficking case and an Immigration  “conspiracy to defraud” case against Wong, Hung and her employment agent.

The three defendants were eventually convicted in the Immigration case, but the human trafficking investigation did  not prosper.

In her defense, Wong said Obilas had in fact, found a new employer shortly after she was fired, but she was also terminated after a month. The helper again found other employers but was also dismissed, Wong said.



Then she went home and traveled later to the United Arab Emirates before she returned to Hong Kong and filed her claim, Wong said.

In her ruling, Lai said Obilas could not claim compensation on the ground that she could not find an employer after her dismissal. This was shown by the fact that she signed a contract with a new employer during her 14-day stay here after termination.The court costs Obilas needs to pay will have to be determined by the Tribunal.
===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!


Mag-isip muna bago magsangla ng pasaporte

Posted on 14 June 2019 No comments

Ni Vir B. Lumicao

Paulit-ulit nang nagbabala ang mga opisyal ng Konsulado dito sa Hong Kong at ganundin ang Department of Foreign Affairs sa Maynila na hindi dapat isangla o gamiting kolateral sa utang ang pasaporte ng Pilipinas dahil pag-aari ito ng pamahalaan.

Gayunman, tila nagtatayngang-kawali lamang ang marami sa mga kababayan natin.

Muling nalantad ang tiwaling gawaing ito nang samsamin noong Hunyo 5 ng pulisya ng Hong Kong ang mahigit sa 1,400 pasaporteng Pilipinas sa isang bahay-pautangan sa Sheung Wan.

Kung iniisip ng mga nagprenda na mababawi pa nila ang kanilang mga pasaporteng nakumpiska ng mga pulis, nagkakamali sila dahil hindi na mangyayari iyon.

Call us!

May kasunduan ang Konsulado at ang pulisya na ang mga pasaporteng nasasamsam sa mga raid sa mga illegal na pautangan ay ipapasa sa Konsulado ng mga alagad ng batas.

Nagkamali lang ang pulisya sa pinakahuling kaso na ibalik sa tinatayang 30 katao ang kanilang mga pasaporte matapos silang magbayad ng utang o gumawa ng mga kasulatang nangangakong magbabayad sila.

Hindi na magiging madali sa kanila ang pagkuha ng bagong pasaporte: ayon sa bagong patakarang ipinatutupad na ng Konsulado, ang sinumang nasamsaman o naipitan ang pasaporte sa pautangan ay kailangang sa DFA mismo mag-apply ng kapalit.

Call us now!

Kailangan niyang kumuha ng isang one-way travel document sa Konsulado para makauwi siya sa Maynila at doon mag-apply ng panibagong pasaporte.

Walang katiyakan sa tagal o bilis ng pagkuha ng pasaporte, dahil ayon sa ilang opisyal ng Konsulado, titingnan nang masusi ng DFA ang bawat kaso ng pagkawala ng pasaporte.

Kung nawala iyon dahil talagang nanakaw sa mayhawak, maari itong palitan ng Konsulado, pero hindi ang pasaporteng nawala dahil nakumpiska ng pulisya sa raid sa mga illegal na pautangan, o sadyang inipit ng nagpapautang dahil hindi nakakabayad ang mayhawak.

Nakataya sa buong prosesong ito ang mismong trabaho ng nagprenda ng pasaporte dahil walang among kumukunsinti sa utang ng kanyang katulong, at lalong wala sa kanila ang maghihintay nang matagal habang nasa Maynila ka at naghihintay ng bagong pasaporte. 



Ang nais iukilkil sa pamahalaan sa madla, lalo na sa mga OFW, ay ang umiwas sa pagsasangla ng pasaporte at sa pagkakabaon sa utang.

Matagal na kasing problema ng mga migranteng mangagagawa rito ang pagkakabaon sa utang na kadalasan ay nauuwi sa ibang mas mabigat na problema tulad ng pagnanakaw, panlilinlang sa kapwa manggagawa at pagpasok sa iba pang masasamang aktibidad dahil sa kagipitan.

Marami sa nakita naming mga kaso ng pagnanakaw sa hukuman ng Hong Kong ang bunsod ng pagkakabaon sa utang.

May nangungutang dahil sa mga binabayarang obligasyon sa Pilipinas. May nagkakautang dahil sa bisyo tulad ng sugal, droga at kamunduhan. Marami naman ang tumatakbo sa hiraman dahil may kaanak o kaibigan sa Pilipinas na humihingi ng tulong.

May mga nangungutang naman dahil naging sakit na nila ang manghiram ng pera kahit hindi naman nila kailangang-kailangan.

Nakatutukso ang mangutang dito sa Hong Kong dahil ang mga pautangan mismo ang lalapit o tatawag sa iyo upang alukin ka ng pautang. Maiisip mo na mas madali palang maghiram ng pera rito kaysa sa ating sariling bayan.

Lalong nakatutukso ang mangutang kung ikaw ay madaling masilaw sa mga panindang nakalatag sa harapan mo sa bawat sulok ng lungsod na ito. Nasa iyo iyan kung mababalani ka sa mga ito at kakagat ka sa alok na pautang upang bilhin ang mga iyon.

Ang pangungutang ay may kaakibat na responsibilidad: ang katiyakang kaya mong bayaran ang iyong uutangin.

Batid ng mga nagpapautang na habang mas maliit ang iyong kinikita ay mas malaki ang panganib na hindi mo mababayaran ang iyong utang at ikaw ay bigla na lamang mawawala isang araw. Kaya hinihingi ng mga pautangan ang iyong pasaporte o kontrata.

Ang isang simpleng gabay upang hindi ka magkakaproblema sa pasaporte ay ang pag-iwas sa utang. Madali iyan kung sanayin mo ang iyong sarili na huwag gumasta nang higit sa iyong kinikita.

Isang batayang aral iyan na gabay din para manatili ka sa trabaho.
===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!


Advisory from the Philippine Consulate:

Posted on No comments
12 June 2019 - In view of the on-going mass protests in Hong Kong, the Philippine Consulate General advises our Filipino nationals in Hong Kong to keep away from demonstration areas which are generally concentrated outside the government central offices, particularly the Legislative Complex, in Admiralty and in Tamar Park.

Should our nationals find themselves among the crowds of protesters, they should exercise extreme caution and vigilance in order to keep themselves safe from any isolated act of violence that might occur.

Call us now!

The Consulate further advises the public that unless their need is absolutely immediate, they should consider rescheduling their consular transactions at the Consulate which is located very near the demonstration areas.

The Consulate requests our Filipinos in Hong Kong to keep themselves updated with the security situation in Hong Kong as of this time through media reports.

The Consulate shall continue to monitor the situation and provide public advisories from time to time as necessary.

For the public’s information and guidance.



From Labor Attache Jalilo dela Torre:

There is another protest event being planned for Sunday (June 16), and possibly Monday, per media reports. Workers who have appointments at, or intend to go to, POLO in Wan Chai, are advised to plan out your routes well, avoiding Admiralty, particularly the MTR. You can stop at Central and walk towards United Centre in Admiralty if your business is with PCG. Trams might go no farther than Wan Chai. If your business is with POLO, and you’re walking, try to take routes not close to the Central Government complex at Admiralty.

LET on Sept 29
The next Licensure Examination for Teachers will be held on Sept 29 in Hong Kong. Those aspiring to sit for the exam are advised to wait for the announcement when to register and what the requirements are.

Call us now!

Last year, the following were required:
1) Online registration and payment at a Landbank account of the PRC;
2) 4 pcs of passport-size picture with name tag, white blouse with collar and white background;
3) Copy of Transcript of Records;
4) Photocopy of passport;
5) If married, copy of marriage contract.

For those who need help with their OEC:
Text the following details on 68091069 through Whatsapp:
1) copy of your passport with at least 6 mos validity counted from date of return to HK, visa and contract:
2) your email and password, or just say you have none yet;
3) your HK mobile number, or your FB profile;
4) date and time of flight;
5) last exit from the Philippines;
6) date of return to HK;
7) complete MAIDEN name of your mother;
8)if married, complete name (with middle name) of spouse;
9) complete name of your beneficiary and date of birth, and your relationship to him or her.
10) preferred date and time of appointment when you will pay and obtain your OEC. This is a free service.

Free training;
For all OFWs who want to receive free livelihood, financial literacy and other trainings, please like the FB page of OWWA HONG KONG, then register online for the training you like. Shortlisted participants will also be posted in the same OWWA HONG KONG FB Page.
===

I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!

For the period June 15-30

Posted on No comments


BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Napapanahon ang romantikong pagtatagpo, pag-iibigan at pagiging malumanay. Makakaranas ng masasayang sandali sa piling ng minamahal. Makakaramdam ng pananakit ng tiyan, pero madali rin itong mawawala. Maganda ang resulta sa trabaho. Maswerte ka sa pera ngayon, kaya maso-sorpresa ang pamilya kung bibili ka ng bagong bahay at mamuhay ng mas maayos. Lucky numbers: 17, 20, 28 at 40.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96 
Masaya ang lovelife ngayon, magkasundo kayo ng karelasyon o makakatagpo ka ng taong mamahalin mo. Sa trabaho, tagumpay na matatapos ang bagay na sinimulan mo. Protektahan ang katawan sa lamig at bawasan ang pagkain upang makaiwas sa sakit. Bawasan ang pagiging istrikto sa anak. May kaunting swerte kaya subukang tumaya sa lotto. Lucky numbers: 11, 19, 30 at 41.

Call us!

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97 
Dahil sa labis na pag-iisip, negatibong bagay ang pumapasok sa utak mo. Napapanahon ang pagpapaayos ng bahay. Iwasan ang pag-iilusyon sa taong matagal mo nang gusto. Huwag umasa sa intuisyon ngayon; gamitin ang sentido kumon upang maiwasang magkamali. Kung maysakit, ipahinga ng husto ang katawan at isip. Lucky numbers: 9, 12, 37 at 41.

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98 
Mahihilig ka sa pilosopya at relihiyon ngayon. Sari-saring emosyon ang mararanasan: magandang pagkikita, mga salitang puno ng emosyon o pakikipag-laro sa pag-ibig. Ang enerhiya ay lalakas at magagamit mo ng husto. Maiinip ka sa trabaho na tila walang asenso. Kumalma at magtiyagang maghintay ng tamang oras para gawin ang gusto mo. Lucky numbers: 16, 22, 31 at 45.

Call us now!

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87 
Promosyon sa trabaho ang maari mong makamit ngayon. Sa pag-ibig, malaki ang tsansa mo, pero huwag mong madaliin ang lahat. Huwag gaanong umasa sa mga kaibigan tungkol sa problema sa pera. Magiging abala ka dahil sa dumaraming mga kakilala. Huwag mag-atubiling sumubok at gumawa ng mga bagong bagay. Lucky numbers: 7, 11, 16 at 23.

DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88 
May sapat kang lakas at pagnanasa upang tapusin ang dapat mong gawin. Iwasan ang mga relasyon na mag-aaksaya lang ng iyong oras. Ang pag-ibig ay lalong titingkad. Masaya rin ang tahanan mo ngayon. Pero magkakaroon ng pangangati sa balat. Mag-ingat na mawalan ng malaking halaga ng dahil sa transaksyong hindi pinag-isipan. Lucky numbers: 9, 15, 25 at 40.



AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89 
Sa trabaho, mahaharap sa mahirap at hindi inaasahang sitwasyon. May tensiyon sa dating mga kaibigan pero masaya ka sa mga bagong kakilala. Magtiwala sa sarili, huwag ipag-alala ang mga bagay na pwedeng hindi naman mangyayari. Oras na upang kontrolin ang mga gastusin. Magkakaroon ng problema sa atay at tiyan kaya iwasan ang maaanghang napagkain, sigarilyo at alak. Lucky numbers: 20, 21, 27 at 39.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Ang tensiyon sa pagsasama ay unti-unting mawawala. Magiging masaya ka pero makakaramdam ng labis na pagod. May kakayahan kang mabaligtad ang kasalukuyang sitwasyon. Hindi ka kapos sa kakayahan, importanteng maipakita mo ang kaya mong gawin. Kung maganda ang takbo ng trabaho o negosyo, tigilan na ang ibang bagay na nahihirapan kang  gawin. Lucky numbers: 16, 24, 25, at 38.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91 
Labis na pagod, negatibong pag-iisip o masakit na panaginip ang maaring pagdaanan. Makakaasa ka ng tulong sa trabaho sa mga dati at bagong kaibigan.  Subukang dagdagan ang tiwala sa asawa. Sakit sa atay ang dadanasin mo kung hindi mo kokontrolin ang dami ng kinakain mo. Kung may problema sa pera, huwag nang mag-alala dahil mababago na ang sitwasyon mo. Lucky numbers: 13, 14, 36 at 44.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Magiging magana kang kumain ngayon. Ang hilig sa pagkain ay katumbas din ng hilig mo sa masarap na buhay. Huwag ipilit ang mga mga bagay na mahirap gawin; makuntento sa maliliit na bagay pero madaling gawin. Maging mapagmatyag at umiwas muna sa malalakingtransaksyon. Makakasira sa pribadong buhay ang pagkilos mong hindi pinag-isipang mabuti. Lucky numbers: 19, 26, 29 at 32.

TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Naaapektuhan ang kilos mo dahil nahihirapan ka sa trabaho. Iwasang maapektuhan ang pamilya ng dahil sa problema mo. Piliing tapusin muna ang madadaling trabaho upang mapaghandaan ang malaking proyektong matagal monang inaasam, pero hindi ito ikatutuwa ng iba. Lucky numbers: 2, 5, 11 at 14.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Nasa rurok ka ng sigla at malinaw na pag-iisip. Mag-ingat sa bibitawang salita sa mga magulang.  Maganda ang takbo ng trabaho ngayon. Ang problema sa love life ay malulutas na  kaya muling aaliwalas ang iyong paligid. Bantayan ang iyong pananalapi. Magi-enjoy ka ulit sa piling ng mga kaibigan. Lucky numbers:  17, 22, 28 at 41.
===

I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!

Eddie Garcia, kritikal pa rin ang kalagayan

Posted on No comments

Nasa kritikal na kalagayan pa rin ang beteranong actor na si Eddie Garcia, 92, mula nang isugod siya sa ospital matapos siyang maaksidente sa taping ng bago niyang TVseries sa GMA 7 noong June 8. Base sa video na inilabas ng GMA Network, kinukunan siya ng eksena sa “Rosang Agimat”, kasama sina Jestoni Alarcon at Romnick Sarmenta, nang mapatid siya ng kable at nadapa. Nawalan siya ng malay kaya itinakbo siya agad sa Mary Johnston Hospital, at inilipat sa Makati Medical Center (MCC) kinabukasan.

Taliwas sa unang pahayag ng pamilya ni Eddie na inatake siya sa puso, nabali raw ang spinal cord ng aktor sa lakas ng kanyang pagkakabagsak, at hanggang ngayon ay hindi pa nagkakamalay. Sa panayam ni Ricky Lo ng Philstar sa long-time partner ni Eddie na si Lillibeth Romero, idineklarang DOA (dead on arrival) si Eddie sa unang ospital na pinagdalhan sa kanya, pero na-revive daw ito, kaya inilipat na nila ito sa MCC.


Ang kanyang tiyuhin na si Dr. Enrique Lagman daw ang nagsabi na hindi atake sa puso o aneurism ang dahilan ng pagkaka-coma ng actor. Ganunpaman, may halong hinanakit sa nabanggit niya na dapat ay naiwasan ang aksidente. Wala raw naka-antabay na medical team o sasakyan sa set, kaya isinakay lang sa taxi si Eddie ng mga hubad-barong mga lalaki na mga naka-istambay sa paligid.

Ayon pa sa kanya, maganda ang kalusugan ni Eddie, at normal ang blood pressure at blood sugar nito, at nagpapa-executive check-up pa kada ikatlong buwan. Kinaya pa raw nitong mangampanya para sa isang party-list sa kainitan ng araw noong nakaraang eleksyon.

Marami ang nagsasabi na sa edad ni Eddie ay hindi na dapat siyang binibigyan ng eksenang ma-aksyon at sapat na ang mga malulutong na dialog, (gaya nang pinagawa sa kanya sa huling mga eksena niya sa “Ang Probinsyano”) dahil mahusay pa rin itong umarte.

Call us!

Sa ngayon ay masama pa rin ang kalagayan ng aktor, kahit may nakakabit na life support machine sa kanya sa ICU ng MCC, at pinag-iisipan daw ng pamilya nila kung tatanggalin na ito o papayag pa silang i-resuscitate si Eddie.

Kabilang sa mga kasamahan sa trabaho ng actor na nakadalaw na ay sina Robin Padilla, Philip Salvador, at Coco Martin, na matagal niyang nakasama sa “Ang Probinsyano”, bago siya bumalik sa Kapuso network.

Si Eddie ay itinuturing na isa sa pinakamahuhusay na aktor at direktor ng pelikulang Pilipino. Wala na sigurong makakapantay sa kanya sa dami ng awards na nakamit niya bilang best supporting actor, best actor,  best director at Hall of Fame awardee sa halos lahat ng award giving bodies sa Pilipinas. Huli siyang napanood sa pelikula sa “Rainbow’s Sunset” sa Metro Manila Film Festival 2018, kung saan ay muli siya naging nominado bilang best actor.

Call us now!

BB PILIPINAS WINNERS
Si Gazini Ganados ng Talisay, Cebu ang bagong Miss Universe Philippines 2019, kapalit ni Miss Universe 2018 na si Catriona Gray sa ginanap na grand coronation night noong June 9 sa Araneta Coliseum.

Ang nagwagi naman bilang Bb Pilipinas International 2019 ay si Bea Patricia Magtanong, isang batang abugada at modelo na nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas.

Ang ilan pang beauty queens na panlaban ng Pilipinas sa iba pang international beauty contests ay sina:

Bb. Pilipinas Supranational 2019 - Resham Ramirez Saeed

Bb. Pilipinas Intercontinental 2019 - Emma Mary Tiglao                                                               
Bb. Pilipinas Grand International 2019 - Samantha Lo                                                                         
Bb. Pilipinas Globe 2019 - Leren Mae Bautista

Itinanghal naman bilang first runner-up ang kandidata mula sa Pasig City na si Maria Andrea Verdadero Abesamis, habang second runner-up naman si Samantha Bernardo mula sa Palawan.

Dalawang special awards—ang Face of Binibini at Best in Long Gown—ang nakuha ni Gazini.

Dalawa rin ang naiuwing special award ni Bea Patricia. Ito ay ang Best in Swimsuit at Bb. Megawide. Nakuha naman ni Emma Mary Tiglao ang Pitoy Moreno Best in National Costume at Miss Pizza Hut.




Anim na special awards ang naiuwi ni Vickie Rushton, (girlfriend ni Jason Abalos, at isa sa mga inaasahang mananalo ng dating Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach)  kahit hindi ito nanalo ng korona. Kabilang dito ang Bb. Poten Cee Gandang Palaban 2019, Miss World Balance, Miss Creamsilk, Manila Bulletin Reader’s Choice Award, Miss Ever Bilena, at Jag Denim Queen.

Binibining Friendship ang napanalunan ni Sherry Ann Tormes ng Polangui, Albay, Best in Talent si

Cassandra Chan at si Martina Diaz ng Muntinlupa ang tinanghal na Miss Philippine Airlines.

Nasira ang tsansa ni Vickie sa korona dahil hindi naging maganda ang sagot niya sa Question and Answer portion ng contest sa tanong sa kanyang “ Why is mental health as important as physical health?”. Umani pa siya ng pambabatikos dahil nasabi niyang mental health ang advocacy niya.

Ipinagtanggol naman siya ni Pia sa mensahe nito sa kanya sa Instagram: “However, my heart also breaks for Vickie. I hope she can try again. I believe this girl is smart. Nerves can happen to even the best of us. It’s not easy to compete. Keep your chin up, Vickie.”

Si Pia ay tatlong beses sumali sa Bb Pilipinas bago siya nanalo Miss Universe Philippines noong 2015, at pinalad pang maiuwi ang korona bilang Miss Universe 2015.


CHERIE GIL, AYAW PATAWAG NG “ TITA”
Miss Cherie ang tawag ni Kyline Alcantara kay Cherie Gil, isa sa tatlong member ng Starstruck Season 7 council. Ayaw ni Cherie na tinatawag siya na tita ng mga artista na hindi naman niya kamag-anak. Ate Heart naman ang tawag ni Kyline kay Heart Evangelista. Magkasama ang dalawa sa Starstruck Season 7, si Kyline ang online host ng programa.

===

I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!











Don't Miss