Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Makinig kasi sa payo

Posted on 30 June 2019 No comments


Nataranta si Margarette nang aksidenteng ma delete sa telepono niya ang screen shot ng kanyang OEC habang nakabakasyon siya sa Pilipinas.

Dahil mabagal ang internet connection sa kanilang probinsiya ay napilitan siyang pumunta sa isang computer shop para subukang mag log in sa BM Online at humanap ng paraan kung paano ulit lalabas ang OEC niya.

Call us!

Pero inabot na siya ng isang oras doon ay hindi pa rin siya makapag sign in sa kanyang account. Kailangan pa naman niya ang OEC para makabalik sa Hong Kong.

Mabuti at naisipan niyang tawagan ang hotline ng Domestic Workers Corner, isang Facebook group sa Hong Kong na tumutulong sa mga migranteng manggagawa, lalo na sa mga baguhan.

Call now!

Laking pasasalamat ni Margarette dahil wala pang limang minuto niyang nako kontak ang DWC hotline ay naipadala na ang kopya ng OEC exemption niya sa kanya.

Umuwi si Margarette noong ika-10 ng Hunyo para mag-exit pagkatapos pumirma sa bagong kontrata.

Call us!

Pagkakakuha niya ng kanyang OEC ay hindi niya sinunod ang payo ng mga administrator ng DWC na i-print ang kanyang OEC dahil baka aksidenteng ma delete ang litrato niya nito sa kanyang telepono o kaya ay mawala mismo ang telepono.

Pwede ding mabura ito ng kanyang anak, kasama ang iba pang litrato, o mag low bat ang cell phone niya habang  nasa airport na siya paalis ng bansa.

Bagamat naging pasaway siya ay buong lugod pa rin siyang tinulungan ng DWC, kaya ganoon na lang ang pasasalamat niya.

Pabalik na ng HK si Margarette, 36 taong gulang, at taga Capiz.
Tatlong taon na siya sa among nakatira sa Lok Fu. — Rodelia Villar
===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!
CALL US TODAY!

LET deadline, free training

Posted on 27 June 2019 No comments

LET online registration on until Jul 31

Online registration for applicants to the 2019 Licensure Examination for Teachers in Hong Kong will last until Jul 31. The examination will be held on Sept 29 at the Delia Memorial School in Hip Wo, Kowloon.

Those aspiring to sit for the exam are advised to be ready with the following when registering online:

1) Deposit slip for the examination fee to be paid to the Landbank account of the PRC;
2) 4 pcs of passport-size picture with name tag, white blouse with collar and white background;
3) Copy of Transcript of Records;
4) Photocopy of passport;
5) If married, copy of marriage contract.

For those who need help with their OEC:
Text the following details on 68091069 through Whatsapp:
1) copy of your passport with at least 6 mos validity counted from date of return to HK, visa and contract:
2) your email and password, or just say you have none yet;
3) your HK mobile number, or your FB profile;
4) date and time of flight;
5) last exit from the Philippines;
6) date of return to HK;
7) complete MAIDEN name of your mother;
8)if married, complete name (with middle name) of spouse;
9) complete name of your beneficiary and date of birth, and your relationship to him or her.
10) preferred date and time of appointment when you will pay and obtain your OEC. This is a free service.

Free training;
For all OFWs who want to receive free livelihood, financial literacy and other trainings, please like the FB page of OWWA HONG KONG, then register online for the training you like. Shortlisted participants will also be posted in the same OWWA HONG KONG FB Page.

Ano ang mangyayari sa buwang ito?

Posted on No comments



Project HealthWise Outreach Schedule:
(A FREE Basic Medical Check-up for Filipino migrant workers)
Jun 30 - St. Vincent Church, Hang Hau
Jul 7 -  Annunciation Church, Tsuen Wan
Jul 14 - St Thomas Church, Tsing Yi
Jul 21 -St. Francis’ Church Tai Wai
Outreach services include assistance with BMOnline registration for securing overseas employment certificate.
A joint project of: Philippine Overseas Labor Office and Domestic Workers Corner
Take note that free medical check-ups will continue at POLO even during the outreach missions on these days: Saturday, 10am – 1pm and Sunday to Thursday, 9am-4pm
POLO services are available on the 18th floor, Mass Mutual Tower, 33 Lockhart Road, Wan Chai. For more information, send a message to the Facebook page of Domestic Workers Corner Hong Kong
Free Seminar on Doing Business in the Phl
Jul 14, 1:30-5pm
PCG Conference Room
Speaker: Delia Ayano, Regional Director,
Department of Trade and Industry Region 11
Who should attend:
1) Those who have attended courses on financial literacy, social development and business enterprise
2) People with entrepreneurial mindset
3) Those who plan to set up a business in the Philippiens
Co-organized by: PCG, Wimler Foundation and BPI Foundation To register, call Ann Regulacion at 65009288 or Lorna Mojica at 2823 8505
CARD HK Free Financial Literacy Seminar
Saturday: Aug 17, Sunday: July 21
Organized by: CARD HK Foundation
To reserve your slot, call 56002526, 54238196 or 95296392
Guaranteed no networking involved.
Free handouts provided and certificates will be given
Please tell your friends so they can join, too
Domestic Workers Corner 2nd Anniversary
Sat, Sept 14 (Statutory Holiday)
Venue to be arranged, but should be in a seminar room


Planned activities include talks on financial literacy and migrants rights. Members are asked to pay $50 each for the food to be shared. For more information, send a message to DWC’s Facebook pages or to founder Lovely

===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!
CALL US TODAY!

National artist award, isinusulong para kay Manoy

Posted on No comments

Dinagsa ng mga kasamahan sa industriya ng pelikula, mga kamag-anak at fans ang burol ng namayapang batikang aktor na si Eddie Garcia, 90, (Eduardo Verchez Garcia sa tunay na buhay) na ginanap sa Heritage Park sa Taguig.  Pumanaw siya noong ika-20 ng Hunyo, 12 araw mula nang isugod siya sa ospital dahil natisod at bumagsak sa set ng ginagawa niyang TV series para sa GMA Network, ang “Rosang Agimat”. 

Binigyan siya ng military honors ng Philippine Army, kabilang ang pagbabantay ng mga sundalo sa kanyang burol at paglagay ng bandila ng Pilipinas sa tabi ng kanyang labi na nakalagay sa urn, matapos siyang i-cremate. Si Eddie ay naglingkod bilang Philippine Scout at naipadala sa Okinawa, Japan noong panahon ng World War II, noong 19 taong gulang lang siya.

Naulila ni Eddie ang kanyang anak na si Erwin at mga apo, at ang kanyang longtime partner na si Lilybeth Romero, at mga anak nito.

Call us!

Kabilang sa mga nakiramay ay sina Susan Roces, Gloria Romero, Coco Martin, Vilma Santos, Nora Aunor, Philip Salvador, Lito Lapid, Bong Revilla, Richard Gomez at Lucy Torres, Tito Sotto at Helen Gamboa, Chiz Escudero at Heart Evangelista, Christopher de Leon at marami pang iba. Halos lahat ng mga artista ay sang-ayon na igawad kay Eddie Garcia ang National Artist award dahil sa malaking nai-ambag niya sa industriya ng pelikulang Pilipino na pinaglingkuran niya ng 70 taon.

Mahirap nang mapantayan ang nagawa niyang mahigit na 600 pelikula at pagtanggap ng napakaraming awards. Siya pa lamang ang nakatanggap ng 3 Hall of Fame awards sa Famas (6- best supporting actor, 5- best actor at 5 – best director awards).  Ang pinakahuling award niya ay sa katatapos na Gawad Urian na ginanap noong June 18, kung saan siya ang nanalo bilang best actor para sa pelikulang “ML” (Martial Law).

Kumikilos na ang mga artista na nasa pulitika ngayon, gaya nina Vilma, Lito, Richard, Bong at Tito, na mapabilis ang proseso upang maideklarang National Artist si Eddie.

Samantala, nakatakdang mag-file ng bill sa kongreso si Cong. Mikee Romero (1Pacman party list representative), anak ni Lilibeth, at itinuturing na stepson ni Eddie,  ang Actors Occupational Safety and Health Standard Bill o ang tinagurian niyang “Eddie Garcia Law”, na naglalayong ma-protektahan ang mga artista na nagtatrabaho sa TV networks at film companies. Kabilang sa mahalagang bahagi nito ang pagbibigay ng mandatory insurance, takdang bilang ng oras ng trabaho, medical at safety procedures, pagtatalaga ng mga safety officers sa lugar ng trabaho, emergency standards at pagbibigay ng parusa sa mga hindi susunod sa patakaran. 

Call now!

JACQUI MAGNO, 65
Sumakabilang buhay na ang magaling na jazz singer na si Jacqui Magno noong June 21 sa sakit na pancreatic cancer, sa edad na 65.

Si Jacqui ay sumikat noong ‘70 bilang miyembro ng sikat na grupong Circus Band, kung saan ay nakasama niya rin ang mga mahuhusay na singers gaya nina Basil Valdez, Hajji Alejandro, Tillie Moreno, Pat Castillo at Pabs Dadivas.

Ang kakaibang istilo niya sa pag-awit ay lalo pang na-develop nang makatrabaho niya ang jazz pianist na si Bong Penera at ang banda nitong Batucada.

Naging star singer din  si Jacqui sa Calesa Bar ng Hyatt Regency Bar, Birds of the same Feather (Birdland), Strumm’s at Merk’s.

Call us!

ALDEN, DUMALAW SA ABS CBN
Sinamahan at inilibot ni Kathryn Bernardo si Alden Richards sa ABS CBN compound kamakailan nang magpunta sila doon para gumawa ng video plugs at digital shoots para sa   promotion ng pelikula nilang “Hello, Love, Goodbye” ng Star Cinema.

Malaking bahagi ng naturang pelikula ay kinunan sa Hong Kong, kaya’t marami na ang nag-aabang kung kailan ito maipalalabas dito.

Pinuntahan nina Kathryn at Alden ang tanggapan ng Star Cinema kung saan naabutan nila ang misa at binasbasan pa sila ng pari para sa tagumpay ng kanilang pelikula. Nagpakuha sila ng mga larawan na kasama si Olive Lamasan, managing director ng Star Cinema, at kasabay nila itong kumain ng pananghalian. 

Hindi nila nakasama ang kanilang director na si Cathy Garcia-Molina dahil abala ito sa post-production ng kanilang pelikula.


POPS-MARTIN  CONCERT
Matagal nang hiwalay ang dating mag-asawang sina Martin Nievera at Pops Fernandez, na tinagurian noong Concert King and Queen, pero nananatili silang magkaibigan. Wala naman daw silang magagawa kundi ayusin ang kanilang relasyon para sa kanilang dalawang anak na sina Ram at Robin, na masaya daw na nananatiling magkaibigan ang kanilang mga magulang.

Ayon kay Pops, mas naging maganda pa ang relasyon nila ngayon ni Martin dahil mas naging open sila sa isa’isa at nasasabi nila kung ano ang kanilang nararamdaman, kahit wala na silang romantic involvement. “Honestly, parang okey na okey na kami as friends”, ang dagdag ni Pops.

Ilang taon ding nagpahinga si Pops sa pagkanta dahil sa kanyang matinding acid reflux, kaya itinuon na lang niya ang oras sa negosyo at production. Ngayon ay unti-unti nang  bumabalik ang kanyang boses, kaya pumayag siyang mag-concert ulit, basta’t si Martin ang kanyang makakasama. Wala daw gaanong pressure kapag si Martin ang kasama niya dahil sanay na silang umalalay sa isa’t isa.

Ang kanilang concert na Two-Gether Again ay gaganapin sa Sept 6 sa Chicago, Illinois. Nag-meeting na raw sila tungkol sa mga kantang aawitin nila, at nagkasundo na mga bagong awitin at bagong version ng mga pinasikat nilang mga awitin noon ang kanilang itatanghal.


AT BABY SHOWER PARA KAY ANDI 
Binigyan ng masayang baby shower si Andi Eigenmann para sa magiging anak nila ng kanyang partner na si Philmar Alipayo, isang magaling na surfer, noong June 22 sa Rockwell Centre sa Makati.

Dumalo ang nanay ni Andi na si Jaclyn Jose, na laging nakasuporta kay Andi sa kanyang mga desisyon sa buhay. Naroon din ang panganay na anak ni Andi na si Ellie, 7, (anak niya kay Jake Ejercito), kapatid na si Gwen Guck (anak ni Jaclyn) ang mga Eigenmann half siblings niyang sina Gabby Eigenmann, Sid Lucero, Stevie Eigenmann, at Max Eigenmann at ang kani-kanilang pamilya.

Nandoon din ang tiyo niyang si Michael de Mesa at pamilya nito.

Advance birthday celebration din ito ni Andi para sa kanyang 29th birthday noong June 25.

Masaya si Andi kahit nagdesisyon siyang mamuhay ng simple, na malayo sa kanyang ina at mga kapatid. Sa Siargao na sila naninirahan ni Philmar kasama ang isa nitong anak na lalaki (ang isa ay nasa France), at anak niyang si Ellie, na masayang masaya daw dahil babae ang kanyang magiging kapatid. 

Pipilitin daw ni Andi na maging mas mabuti siyang ina sa pangalawa niyang anak, dahil noong ipinagbuntis niya si Ellie ay bata pa siya at halos wala pang alam.

Alam din niyang magiging mabuting ate si Ellie sa magiging kapatid nito dahil excited na itong makita ang kapatid. Humihiling pa nga raw ito na magka-terno sila ng damit ng kanyang baby sister.

Bagama’t hindi na napapanood sa TV si Andi, paminsan-minsan ay gumagawa siya ng indie film, pero ito ay kung may oras siya, at gusto niya ang project.


===
 
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!
CALL US TODAY!

Ano ang swerteng hatid ng Hulyo

Posted on No comments


BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95/07
Ngayon ay may tsansa kang ipakita ang iyong galing at husay. Magkakaroon ka rin ng mga bagong kaibigan at masasayang alaala ang mabubuo. Mag-ingat sa kinakain mo, lalo na’t  mababa ang resistensya mo ngayon. Magiging masaya kayo ng mga mahal sa buhay, pero bantayan ang iyong pananalapi dahil malaking problema ang haharapin mo kapag hindi mo nakontrol ang paggastos.  Lucky numbers: 5, 18, 23 at 45.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96/08
Handa kang ipaglaban ang pagmamahal mo, at magiging matapang kang sundin ang nasa puso mo. Kailangang doblehin ang kayod mo ngayon at samantalahin ang magandang kalagayan sa trabaho. Kung balak mong magbawas ng timbang, ito na ang tamang oras. Maganda ang relasyon mo sa mga tao, lalo na kung alam mo ang pangangailangan nila at paano mo sila kausapin. Lucky numbers: 9, 12, 34 at 46.

Call us!

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97/09
Matutukso kang sumubok, base sa iyong intuisyon o ideya, pero mailap pa rin ang tagumpay. Makakaranas ng problema sa pananalapi, pero makakaahon ka naman. Dahil pinahahalagahan mo ang iyong kalayaan, mapipilitan kang mamili sa ayaw at gusto mo. Nasasaiyo kung dapat mo nang ipagtapat ang nilalaman ng puso mo at ialay ang mga bituin sa langit sa iyong sinisinta. Pero mag-ingat na mawalan ng gana pagdating ng araw. Lucky numbers: 17, 19, 22 at 40.

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98/10
Kulang ka sa sigla dahil sa panahon ngayon; uminom ng vitamin B1 at kumain ng brown rice, skimmed milk at atay ng baka. Ang labis na pag-iisip sa trabahong inaasam ay hindi makakabuti. Pagtuunan ng atensyon ang love life upang sumigla. Mahalaga sa iyo ang iyong mga kaibigan, pero iwasang magsabi ng mga sikreto sa ilan sa kanila dahil baka pagsimulan ito ng pagkasira ng relasyon.Lucky numbers: 21, 25, 31 at 39.

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87/99
Magiging magulo ang relasyon sa minamahal dahil sa pabago-bago mong isip at sumpong. Upang maibalik ang magandang balanse sa kalusugang pisikal at emosyon, piliting magkaroon ng regular at kalmadong pamumuhay. Kailangan ding patatagin ang kalagayan at seguridad ng pamilya. Iwasang ma-stress dahil madali kang igupo nito. Mag-ingat sa mga taong naiinggit at gusto kang saktan dahil sa katayuan mo; siguraduhin mong  nasa ayos ang iyong mga dokumento. Lucky numbers: 14, 15, 18 at 28.

Call now!

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88/00
Maipapakita mo ang husay mo sa diplomasya at pakikipag-usap dahil maisasara mo ang isang magandang transaksyon ng walang problema. Kung kailangan mo ng pera, huwag mangutang, singilin mo ang mga may utang sa iyo.  Sa ngayon ay pwede ka nang magdesisyon na mag-iba ng trabaho at magkaroon ng bagong direksyon.  Ang mga nararamdamang sakit sa katawan na hindi matukoy ang dahilan ay maaaring nasa isip lamang. Lucky numbers: 19, 33, 37 at 42.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89/01
Ang pagiging palaban mo ngayon ang magpapabago sa iyo at mapagtagumpayan ang mga bagay na hindi kayang gawin ng mga nauna sa iyo.  Umiwas sa mga matatabang pagkain na maaaring maging sanhi ng sakit sa puso. Mas gugustuhin mong maging malaya upang magawa ang mga bagay na gusto mong gawin. Maiirita ka sa pamilya; bawasan ang pagiging mapagmando at hayaan silang mag-isip sa sarili nilang paraan, gaya nang ginagawa mo sa sarili. Lucky numbers: 9, 13, 20 at 36.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90/02
Tatayaan mo ang pang-matagalang trabaho at matibay na relasyon. Kung ikaw ang papipiliin, mas gugustuhin mo ang mga bagay na hindi kumukupas sa paglipas ng panahon. Maswerte ka ngayon sa sugal at transaksyong pinansiyal at maaayos ang problema sa kasong legal. Mataas ang enerhiya mo at kaya mong pagsabayin ang iba’t ibang gawain na lalong nagpapasigla sa iyo. Lucky numbers: 13, 29, 31 at 39.

Call us!

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79/91/03
Marami kang trabahong dapat gawin at matatapos mo ito ng maayos, pero kailangan mo ng tulong. Malalaman mo ang totoong kaibigan kapag nasubukan mo sila;  sa ganitong paraan, maiiwasan mo ang mga hindi tapat at totoong sumusuporta sa iyo. May dahilan kang magalit sa isa sa mga anak, pero huwag gaanong maging malupit. Iwasang magpakapagod sa trabaho dahil kailangan mo ng sapat na pahinga at tulog. Siguraduhing  malinis ang kinakain at iniinom. Lucky numbers: 6, 12, 27 at 45.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92/04
Masusubukan ang pagsasama ngayon dahil sa mga problemang mararanasan. Ayusin ang pananalapi upang masiguro ang kinabukasan. Mag-ingat sa mga galaw at kilos mo na maaaring maging sanhi ng aksidente sa trabaho man o tahanan. Sa maayos na pananalita, magagawan mo ng paraan na mapakalma at maayos ang alitan sa pamilya at maiwasan ang mga bayolenteng reaksyon.  Lucky numbers: 14, 21, 33 at 44.

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93/05
Kampante ka at mataas ang kumpiyansa mo sa sarili ngayon. Ang mga hadlang sa gusto mo ay isa-isang mawawala. Mas magiging masaya kang kausap kaya magiging magiliw din ang lahat sa iyo. Huwag pagsamahin ang trabaho at pribadong buhay  at iwasang makasagabal sa gawain ang emosyonal na problema. Positibong pagbabago ang magaganap sa relasyon kung mas magiging mabait at maunawain ka sa kapartner. Lucky numbers: 3, 7, 18 at 43.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94/06
Pabigla-bigla ng mga desisyon mo ngayon; kontrolin ang sarili, pag-isipang mabuti ang lahat bago magdesisyon. May pagtatalo sa mag-asawa tungkol sa mga anak. Makakatulong ang exercise upang makapag-relax, pero dapat gawin itong regular. Hirap kang makabuo ng mga ideya; maging realistiko at itapak ang paa sa lupa dahil kung hindi, baka masaktan ka lang sa mga punang ibabato sa iyo. Lucky numbers: 16, 24, 29 at 34.
===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!
CALL US TODAY!

Don't Miss