Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pinay who claims husband might kill her fails to stop deportation from HK

Posted on 25 November 2019 No comments
By The SUN

Judge says there's no basis for claimant to fear being killed for her infidelity

Another Filipina former domestic worker who filed a torture claim after overstaying her visa, has failed in her attempt in the High Court to prevent her deportation from Hong Kong.

A. P. Libao cited as reason for resisting her deportation her fear of being harmed or killed by her husband in the Philippines because of her intimate relationship with another man in Hong Kong.

But Judge Bruno Chan dismissed her application for leave to apply for judicial review on Nov. 22, saying it had no prospect of success.

Libao tried to seek the judicial review against the decision of both the Director of Immigration and the Torture Claims Adjudication Board rejecting her claim for non-refoulement, or against being sent back home.
The applicant arrived on a two-year domestic worker visa in Hong Kong in December 2015, but her work contract was terminated on Feb 12, 2017.

She overstayed 16 days before surrendering to Immigration and filed a non-refoulement claim, citing her alleged fear of being killed by her husband.

She also claimed a cousin who had a land dispute with her father in 2014 had threatened to kill their entire family.

Call us now!

But on Jan 25, 2018 the Immigration Director rejected her claim, saying the risk to her life was low due to the absence of any past ill-treatment from her husband or cousin.

Libao appealed to the Torture Claims Adjudication Board but this was also dismissed.
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.
CALL US!


Di man kasali ay damay tayo

Posted on No comments

Ni Vir B. Lumicao

Ito ay hindi pangkaraniwang panahon sa Hong Kong. Sa nakaraang anim na buwan ay naranasan nating naririto ang isang mapanganib na yugto ng kasaysayan nitong lungsod.

Dahil sa mga pangyayari sa larangang pampulitika ay biglang nabago ang takbo ng buhay natin, at pati ang ating mga pangarap ay kahit paano naaapektuhan ng mga pangyayari.

Noong panahon ng tinatawag na Umbrella Revolution ay hindi tayo gaanong nabagabag dahil hindi iyon kasindahas at kasintagal ng kasalukuyang pakikibaba para mapanatili ang demokrasya rito kapag ganap nang pamamahalaan ng China ang lugar na ito.

Call us!

Hindi gaanong marahas ang kilos protestang iyon dahil sa pagtitimpi ng bawat panig, lalo na ng puwersa ng gobyerno na talagang lamang sa sandatang payong ng mga aktibista.

Noong panahong iyon ay tila mahaba pa ang pasensiya ng mga alagad ng batas sa mga protesta ng masa na nanatiling mapayapa kung hindi rin lang dadahasin ng kapulisan.

Kung kaya noon ay hindi gaanong nababahala ang mga naninirahan sa Hong Kong, maging mga lokal na mamamayan o mga dayuhang tulad natin.

Hindi pa mababangis ang mga pulis noon kaya maraming dayuhan, kabilang na ang mga kababayan natin, ang sumama sa protesta at naghayag din ng kanilang mga sama ng loob.

Call us now!

Nagkaroon man ng dagok ang pag-aalsa, na nabansagan ding Occupy Hong Kong, mabilis na nakabawi ang pook na ito at naibalik sa normal ang buhay ng mga mamamayan. Tayong mga dumayo rito upang maghanap-buhay ay di gaanong nabahala.

Sa ating pagbabalik-tanaw, maganda ang ibinunga ng kilusang protestang iyon dahil ipinakita niya sa mga namumuno sa Hong Kong at sa buong mundo na kung kailangang magkaisa at manindigan para sa kanilang karapatan ay tumatalima ang mga mamamayan.

Bumubuhos sa mga lansangan ang milyun-milyong tao upang ibulalas ang kanilang mga hinaing at saloobin, lalo na ang mga pangamba nila sa kanilang magiging kinabukasan.

Ngunit may mga elemento ng lipunang hindi natuwa sa mga pangyayari at sa bandang katapusan ng pag-aalsang iyon ay gumamit sila ng mga maton upang marahas na sawatain ang mga nagpuprotesta.

Marahil nakita ng ilang mga nasa puwesto na mabisang paraan sa pagsawata ng protesta ang ipaubaya sa mga butangero ang pagpaparusa sa mga ayaw sumunod sa batas.

Nang muling bumangon ang mga taga-Hong Kong noong Hunyo upang labanan ang napipintong pagsasabatas ng Extradition Bill ay napaghandaaan na ng mga alagad ng batas ang mga nagmamartsa.

Habang nagmamatigas ang pamahalaan sa panawagang ibasura ang Extradition Bill ay ginagamitan naman ng pulisya ng higit na dahas ang mga kontra sa panukala.

Muling gumamit ng mga maton ang mga nasa poder at nag-angkat pa sila ng mga taga-China upang mansuhin ang mga aktibista. Tumaas ang antas ng karahasang gamit ng mga pulis at natural na magtanggol sa sarili ang mga aktibista.

Mariing dagok sa kabuhayan ng Hong Kong ang kaguluhan ng nakalipas na anim na buwan, at maging tayong mga ayaw sumali sa mga nangyayari ay nakakaramdam ng epekto ng walang katapusang tunggalian.

Ang isang ekonomiyang tulad ng Hong Kong na umaasa sa perang ipapasok ng mga serbisyo sa pananalapi at turismo ay nagdaranas ng matinding epekto ng pag-iwas ng mga negosyo at mga turista sa lungsod na ito.

Hindi magtatagal ay may maririnig na tayong mga kababayang nawawalan ng trabaho dahil hindi na kayang bayaran ng mga negosyong kumuha sa kanila. Makakabalita rin tayo ng mga OFW na pauuwiin na dahil ang mga mismong amo ay wala nang trabaho.

Sa araw-araw na magpapatuloy at umiigting ang labanan ay lumalapit tayo sa bangin, sa ayaw natin at sa gusto. At ang katotohanang ito ay dapat nating mapaghandaan.

---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.
CALL US!




Napaaga ang bakasyon

Posted on 24 November 2019 No comments

Pinabakasyon si Karen ng matagal sa Pilipinas nang mawalan ng trabaho ang kanyang amo ng dahil sa patuloy na kaguluhan sa Hong Kong.

Mag-iisang taon pa lang si Karen sa mga amo ngayong December at wala naman siyang problema.

May dalawa siyang alagang bata, edad lima at walong taong gulang.

Call us!

Kinausap siya ng kanyang amo at pinapili kung gusto niyang i-terminate na ang kanilang kontrata o magbakasyon muna ng dalawang buwan ng walang sahod habang naghahanap ng bagong trabaho ang kanyang amo.

Siya na muna daw ang mag-aalaga sa mga anak.

Ayaw sana ng mga bata na pauwiin si Karen ngunit kinausap niya ang mga ito at sinabing babalik naman sya.

Call us now!

Mas pinili ni Karen ang umuwi muna sa Pilipinas dahil kung ma-terminate siya ay gagastos na naman siya at baka maghintay ulit ng matagal kahit makahanap siya ng bagong amo.

Sa pagtatanong niya sa mga kaibigan nalaman din niya na may problema sa pagkuha ng OEC ang mga aplikante na galing sa Pilipinas kaya mas lalong tumibay ang desisyon niya na magbakasyon na muna.

Call now!

Tutal, may trabaho pa naman siyang babalikan.

Mabuti na lang at nakapag-ipon siya at hindi nangutang kaya wala siyang problema kahit hindi siya susuweldo ng dalawang buwan ayon sa kasunduan nila ng kanyang amo.

Si Karen ay tubong Bulacan, 38 taong gulang, solong magulang sa dalawang anak at nagtatrabaho sa Kennedy Town.
Rodelia Pedro


---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.

Congen Tejada, ayaw na umuwi ang mga OFW na luhaan dahil sa utang

Posted on 23 November 2019 No comments
Ni George Manalansan
Image may contain: 1 person, smiling, standing
Ayaw ni Congen Raly na umuwing luhaan ang mga OFW

Hangad daw ni Consul General Raly Tejada na mabawasan ang bilang ng mga Pilipinong luhaan na araw-araw na pumupunta sa Konsulado dahil sa utang at iba pang problema sa pera.

Sinabi ito ni Congen Tejada nang magsalita siya bilang tampok na panauhin sa pagtatapos ng may 200 migranteng manggagawa na lumahok sa mga libreng pagsasanay sa tamang paggastos at pagnenegosyo na hatid ng Card Hong Kong Foundation.

Isinagawa ang pagtatapos sa conference room ng Philippine Overseas Labor Office sa YF Life Tower sa Wanchai noong ika-17 ng Nobyembre.
Binanggit ni Congen Tejada ang isang pag-aaral na isinagawa ng Bangko Sentral na nagpapakita na 70% ng mga migranteng Pilipinong manggagawa ay nagdurusa dahil sa kakulangan ng kaalaman sa paghawak ng pera.

Kadalasan, nagpaplano diumano ang mga Pilipino na magtrabaho sa ibang bansa ng mula tatlo hanggang limang taon lamang, nguni’t marami ang hindi nakakauwi hanggang umabot na sila ng hanggang 20  o 30 taon sa ibayong dagat.

Kabilang sa mga mithiin niya, ani Congen Tejada, ay ang makauwi ang mga OFW na may ipon at kakayanang magsimula ng negosyo dahil sa kaalamang natamo mula sa mga grupong katulad ng Card. Umaasa daw siya na ang mga nagtapos sa araw na iyon ay hindi mabibilang sa mga umuuwing luhaan.



Payo niya, “Gamitin ang natutunan sa Card.”

Sa umpisa ng kanyang mensahe, sinabi ni Congen Tejada na nananatiling ligtas ang mga Pilipino sa Hong Kong kaya walang katotohanan ang pilit na ipinapakalat na balita ng ilan na magsisimula na ang paglilikas o evacuation mula dito dahil nag martial law na.

“Fake news” daw ang mga ito at hindi dapat ikalat. Para makasiguro, subaybayan lang daw ang mga opisyal na pahayag o anunsyo ng gobyerno sa Facebook page ng Konsulado o website ng Department of Foreign Affairs.

Natutuwa naman daw siya na matatalino ang mga Pilipino at marunong umiwas sa gulo kaya walang naiipit sa sagupaan ng mga nagpo protesta at pulis.

Sa unang bahagi ng pagtitipon naman ay si Acting Labor Attache Antonio Villafuerte ang naging tampok na panauhin.
 
Si ALA Tony (nakasalamin, gitna) kasama ang mga nagtapos at lider ng Card
Pinatawa ni ALA Villafuerte ang mga nagtapos sa kanyang mga pagbibiro, katulad ng pagsasabi na ang ibig daw sabihin ng PhD minsan ay “Puro Hangin Daw”, at yung MNSA ay “may ninong sa administrasyon.”

Pero seryoso ang naging payo niya sa mga nagtapos na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral tungo sa tunay na tagumpay.

Aniya, "It is not just something you do to advance in life - because you will not going very far in life based on what you already know - but you are going to advance in life by what you are going to learn.”

Sinabi naman ni Alex Aquino, chairman ng Card HK Foundation, na tatlo ang kanilang isinasawang pagsasanay para sa mga OFW: ang financial literacy, skills training at entrepreneurship seminar, kasama ang business planning.

Simula sa Enero ng darating na taon, uumpisahan na daw ang pagtuturo ng paggawa ng kakanin para pangkabuhayan.
Image may contain: 10 people, including Leo A. Deocadiz
Ang panunumpa ng mga nagsanay ay kabilang sa programa ng pagtatapos
Sa kasalukuyan, umaabot na sa 3,121 ang bilang ng mga nakapagtapos sa pagsasanay ng Card HK, at 2,287 nang mga ka-pamilya nila ang nabisita ng Card sa Pilipinas. Mahigit kalahati sa mga ito, o 1,655, ang nakikinabang na sa mga produkto at serbisyo ng Card MRI, ang punong organisasyon ng Card HK.

Isinalaysay naman ni Jireh Duhina, isang manager sa Card MRI, na sinimulan ni Dr. Aristotle Alip ang kumpanya noong Disyembre 1986 sa halagang beinte pesos lang, at gamit ang isang lumang makinilya. Ginamit daw niya ang mga ito para humanap ng kasangga sa misyon niyang putulin ang kahirapan sa Pilipinas.

Sa nagdaang 33 taon ay umusbong nang husto ang Card MRI at sa ngayon ay may 22 institusyon na gaya ng bangko, kumpanya ng seguro, pautangan, at paaralan para sa mga gustong mag negosyo.

Kabilang din sa programa ang mga nagbigay-patotoo mula sa hanay ng mga nagtapos ng kung paano sila natulungan ng kanilang natutunan mula sa Card HK.

Mayroon sa kanila na dating baon sa utang, mayroon namang bumagsak ang negosyo, at may isa na bulagsak sa pera. Dahil sa mga natutunan nila mula sa Card HK, mas  naging malinaw na raw ang kanilang patutunguhan sa buhay.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga libreng pagsasanay ng Card, mangyari lang na hanapin ang kanilang Facebook page, "CARD Hong Kong Foundation" at magpadala ng mensahe doon.
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.

Call now!
CALL US!


Don't Miss