Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Dugyot si amo

Posted on 04 January 2020 No comments

Inirelease ng amo si Gen dahil sa maninirahan na sa Canada ang mga ito.

Sa loob ng anim taong panunungkulan ni Gen sa kanila ay naging masaya siya dahil magaan ang kanyang trabaho at malinis sa bahay ang mga amo.

May mga araw lang na napupuyat siya kapag may mahjong ang mga ito pero hindi naman siya masyadong nababahala dahil nabibigyan siya ng pera ng mga bisita.

CALL NOW!

Plano na sana niyang umuwi dahil sa edad niyang 52 ay malamang hindi na siya makakuha ng bagong amo.

Ngunit sinuwerte pa rin siya dahil may among taga Peak at mag-isa lang sa bahay ang kumuha sa kanya.

Akala ni Gen ay swerte siya dahil mukhang edukado ang amo ngunit mali pala siya. Kabaligtaran ng dati ang bago niyang amo dahil sobrang dugyot at tamad nito.

CALL OUR HOTLINE!

Nagkalat ang mga tissue na ginamit nito kahit katabi na niya ang basurahan kaya laging si Gen ang pumupulot ng mga ito sa sahig para itapon sa basurahan.

Ubod din ito ng tamad dahil kahit abot-kamay na ang mga kailangan ay tatawagin pa si Gen para iabot ang mga ito sa kanya.

May baltik din ito dahil minsan naman ay bigla itong nagpalinis ng mga bintana kahit maulan.

Call us!

Ang isa pang ikinakainis ni Gen ay tawag ito ng tawag sa kanya kahit may ginagawa siya kaya madalas silang mag away. 

akiramdam ni Gen, sinusulit nito ang pasweldo sa kanya dahil mag-isa lang siyang pinagsisilbihan.

 Para naman kay Gen mas malala pa ito sa bata kung umasta. Wala itong ginagawa maghapon kundi manood ng video gamit ang cellphone, at mag computer.

Ayon kay Gen plano niya na tapusin na lang ang kontrata at umuwi na for good para makasama ang pamilya at makapagpahinga na rin siya.

May sapat naman siyang ipon at marami nang alam na pwedeng pagkakitaan sa probinsya nila sa Cagayan. Si Gen ay 15 taon na sa abroad at dalaga. – Ellen Asis
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.

DH filmed doing prohibited window cleaning seeks $46k for ‘illegal firing’

Posted on 03 January 2020 No comments
By Vir B. Lumicao

The Filipina is seeking payment for unearned income, rest days and meal allowance

A Filipina domestic worker who was filmed cleaning the outside part of the window in her employer’s flat is claiming nearly $46,000 in damages stemming from her alleged illegal termination.

Nerie Mier raised her claim on Friday, Jan 3, from the original $3,759.90 she filed in April last year, after adding her unearned salary for the time she had been unable to work while her case was pending in the Labour Tribunal.
Mier’s decision to jack up her damage claim against her former employer, Ip Kam-tim Garfield, prompted Tribunal officer Michael Lok to adjourn the case until Monday.

Earlier, Mier said that on Feb 26 last year, Ip told her to pack her things, leave the house and go to the employment agency that deployed her.

Since that day, Mier said she had not been able to work because of an Immigration prohibition on her taking on a job as her case was not yet resolved.
She said as her case dragged on for nearly a year, her farmer husband and their two children were suffering because she could not send them money.

Mier also claimed for unpaid rest days and meal allowance, saying she and another helper in the household were only given leftovers, so they often just ate noodles.

But the employer rejected Mier’s claim about being fired, saying the helper handed him a resignation letter on Feb 15, 2019 citing her soured relationship with her co-worker and Ip’s wife.

Call us!

Ip also disclosed the Consulate had called him because it had received a video showing Mier cleaning the exterior of his flat’s window, a task banned by Hong Kong since 2018.

Officer Lok called for a break in the trial to allow Ip to make copies of the helper’s documents. But when the case resumed in the afternoon, Mier suddenly asked to amend her damage claim to $45,931 to cover her jobless period until the date of trial.

The hearing of Mier’s claim began last September but stalled on the damages issue. At the time, Mier accepted $2,465 from Ip as payment for her wages in lieu of notice for Feb 26 to Mar 15 last year.
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.




Employer who fired DH over stroke fear sued for disability discrimination

Posted on No comments
Image result for Disability Discrimination Ordinance HK photo
The EOC is prosecuting the case in the District Court, citing an alleged violation of the Disability Discrimination Ordinance

By The SUN  

The Equal Opportunities Commission has charged an employer with disability discrimination for allegedly firing her Filipina domestic worker, fearing she might have inherited her parents’ predisposition to stroke.

The case involving Melanie T. Dejucos and her former employer Luk Ngai Si Icy was set down for hearing before Judge Phoebe Man in District Court on Jan 3.

But the EOC prosecutor said Dejucos was not present because the actual case was not yet being heard. The next hearing has been set down for May 20 this year.
No other details were mentioned in court, but in a press release issued in November last year, the EOC said dismissing foreign domestic workers based on their parents’ medical history could be discriminatory.

It cited a provision in the Disability Discrimination Ordinance which prohibits a worker being treated unfairly on the ground of the disabilities of her associates – in this case, her parents.

The EOC said it took up the cudgels for an unnamed FDW who claimed to have been dismissed by her employers after learning that her parents both died of stroke in their fifties.
The press statement said the claimant had to be hospitalized after experiencing high blood pressure, dizziness and slurred speech after her employer made her do heavy renovation work.

While she was in hospital, her employer asked about her family medical history, and she mentioned about her parents dying in their ‘50s because of stroke.

On the night she was discharged from hospital, the employer terminated her employment with immediate effect, citing her deceased parents’ medical history as reason.


CALL OUR HOTLINE!

Citing the DDO, the EOC said it is unlawful for a person to discriminate against another another “by treating him or her less favorably on the ground of the disability of the latter’s ‘associate’, which could include a spouse, another person living in the same flat, or a relative.
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.


Bawal gumamit ng CR

Posted on No comments

Masama ang loob ni Joan na bagong dating, habang nagkukuwento sa kaibigang si Dorie tungkol sa mahigpit na pagbabawal ng matandang ina ng kanyang amo na huwag siyang gagamit ng kanilang mga palikuran.

Mula sa pagligo hanggang pagdumi at ihi ay kailangan siyang bumaba ng kanilang building para makigamit sa toilet ng clubhouse nila.

CALL NOW!

Mabuti na lang at mabait ang naglilinis doon at hinahayaan siya. Kailangan na maaga siyang gumising para makigamit sa public toilet, na hindi madali lalo na ngayong panahon ng taglamig.

Hindi niya maubos maisip kung bakit mahigpit si lola sa pagbabawal gayong dalawa naman ang kanilang palikuran.

CALL OUR HOTLINE!

Ilang araw pa lamang si Joan ay ramdam na niya na hindi siya magiging masaya sa mga amo dahil sa masamang ugali ni lola.

Minsan ay nagtanong siya sa amo kung bakit bawal siyang gumamit ng toilet pero ang matanda ang sumagot, at sinabing basta bawal kaya walang magawa ang kanyang amo.

Call us!

Tanong ni Joan sa mga kabayan kung ganoon na ba siya karumi o kabaho kaya ayaw ng matanda na nakikigamit siya ng kanilang palikuran?
Bakit daw hindi makatao ang turing sa kanya? Pinagdarasal na lang niya ngayon na sana ay magbago na ang trato ng matanda sa kanya.

Si Joan ay tubong Cagayan Valley, 35 taong gulang, may asawa at anak. -  Marites Palma
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.


Pamaskong handog

Posted on 02 January 2020 No comments

“You are both going to the Philippines this Christmas!”

Ito ang mga salitang lubos na nakapagpaligaya sa magkapatid na Silmar at Allyn nang umuwi sila sa bahay ng amo pagkatapos mag day off noong Dec. 1.

Ayon sa kanilang mga amo sorpresa nila ito sa magkapatid dahil alam nilang matutuwa ang dalawa kapag nakapiling ang kanilang pamilya sa araw ng Pasko.

Napag-alaman kasi ng kanilang among lalaki nang ipadala siya ng kanyang kumpanya sa Pilipinas na simula Setyembre ay ipinagdidiwang na doon ang Pasko.

CALL NOW!

Nakita daw nito na puno na ng palamuti ng kapaskuhan ang ibat-ibang lugar sa bansa lalo na ang mga mall, nang pumunta ito doon noong Septyembre.

Dalawang taon pa lang naninilbihan ang panganay na si Silmar sa mga amo na bagong kasal noon. Nang mabuntis ang among babae sa pangalawang anak ay kinailangan nilang kumuha ng makakasama ni Silmar kaya inerekomenda nito ang kapatid na si Allyn na kababalik lang sa Pilipinas galing sa pagtatrabaho sa Malaysia.

Masaya ang magkapatid sa kanilang paninilbihan dahil mababait ang mga amo at kahit ano ang ihain nila sa mga ito ay kinakain.

CALL OUR HOTLINE!

Minsan kapag walang maisip na iluto ay hinahandaan ang mga ito ni Silmar ng adobo at paksiw at walang kahit na anong reklamo ang naririnig niya.

Sa sorpresa ng mga amo ay lalong sumaya ang magkapatid dahil matagal-tagal na rin na  hindi nagkakasama ng buo ang kanilang pamilya.

Si Silmar ay hindi pa nakakapag Pasko muli sa Pilipinas simula nang mag abroad siya papuntang Singapore, hanggang malipat siya sa Hong Kong.

Call us!

Siya ang panganay sa kanilang mga magkakapatid at naging tagapagtaguyod ng pamilya nang pumanaw ang kanilang ama. Si Allyn naman ay maagang nag asawa kaya kailangan na ring kumayod para mapaaral ang mga anak.

Nagpunta siya sa Malaysia dahil kulang na pantustos ang kinikita ng kanyang asawa sa kanilang sakahan.

Si Silmar ay binigyan ng isang buwan bakasyon at dalawang linggo naman kay Allyn na mag-iisang taon pa lang sa mga amo.

Umuwi noong Dec. 22 ang magkapatid na tubong Bacolod. – Ellen Asis
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.


Don't Miss