Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Buhay o trabaho?

Posted on 19 January 2020 No comments

May nagkunsulta kung ano ang dapat niyang gawin dahil pinapalinis ng kanyang amo ang kanilang malaking bintana gamit ang panlinis na may mahabang stick.

Ang problema ay walang grilles ang bintana, kaya kahit kamay lang niya ang inilalabas niya ay halos matumba na siya palabas mula sa tinutuntungan niya dahil kailangan niyang abutin ang dulo ng malapad at mataas na bintana.

Call us!

Nagpadala pa siya ng video na nagpapakita kung paano niya pinipilit linisin ang malaking bintana ayon sa utos ng kanyang amo.

Sabi pa niya ay ganun daw kasi ang ginagawa ng dating katulong ng kanyang amo.

Pinayuhan naman siya na bawal ang ginagawa niya dahil walang grilles ang bintana.

Call us now!

Kahit kamay lang ang inilalabas niya ay malaki ang tsansa na mangalay siya at tuloy mahulog mula sa malaking bintana dahil walang harang iyon.

Ang payo sa kanya ay ipakita ang kanilang kontrata sa amo kung saan nakasulat na bawal maglinis ng bintana mula sa labas kung (1) may ibang parte ng katawan bukod sa kamay ang ilalabas at (2) walang grilles ang bintana.

Call now!

Kung hindi daw niya kayang sabihan ang amo niya ay humingi siya ng tulong sa Philippine Overseas Labor Office para sila ang magsabi sa agency niya.

Sagot naman niya, kamag-anak daw kasi ng kanyang amo ang may-ari ng agency, kaya malamang na makarating sa employer niya ang sumbong.

“Baka ma terminate ako, wala akong makuhang ibang employer pag di ko siya sinunod,” sabi pa niya.

Tinapos ng ka chat niya ang usapan sa isang tanong, “Mamili ka, trabaho mo o buhay mo?”. -DCLM
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.

21 OFWs named Fight Crime Ambassadors

Posted on 18 January 2020 No comments
The new group of overseas Filipino workers appointed as the latest batch of Fight Crime Ambassadors, with Senior Insp. Rick Tsai, community relations officer of Central Police District (center).

A new group of overseas Filipino workers has been appointed as the latest batch of Fight Crime Ambassadors of Central District.

Of the 207 who initially joined the program, 21 made the grade, and of these, 18 were able to attend the ceremony held in their honor on Jan 12.

Call us!

Senior Insp. Rick Tsai, community relations officer of Central Police District, presented the appointment certificates to the newly appointed ambassadors

To qualify for the role of Fight Crime Ambassador, participants must complete four compulsory seminars covering local laws, traffic regulations, law and order situation in Hong Kong, the Hong Kong police force, police powers and procedures, as well as a session on crime prevention campaign.


Call us now!
The program was initiated in 2017 by the Hong Kong Police in cooperation with the Philippine Consulate as part of the campaign to involve Filipino domestic workers in:

1) Helping prevent fellow Filipino from falling prey to crimes or to break the law due to unfamiliarity with Hong Kong’s laws and regulations;

Call now!

2) Disseminating crime prevention messages among Filipinos in Hong Kong as well as the family members of employers of those working as domestic helpers;

3) Enhancing mutual understanding between the police and Filipino domestic workers in terms of ensuring better police services and assistance
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.

Ang iyong kapalaran

Posted on No comments
.

BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Mas marami kang magagawa sa araw ng Martes at Miyerkules, pero matutong tumanggi sa mga taong mahilig magpasa ng kanilang trabaho sa iyo. Kailangang tawanan mo na lang din ang mga hindi inaasahang bagay na dumarating. Ipagpaliban muna ang pakikipag-usap lalo na kung gusto mo pa ng dagdag na panahon o umiwas na tanggihan o ayawan ka agad, lalo na kung tungkol sa pag-ibig. Lucky numbers: 9, 13, 28 at 37.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96 
Hindi mo maiwasang maging emosyonal ngayon kaya naapektuhan ang trabaho at tahanan. Bigyan ng kunsiderasyon ang damdamin ng ibang tao. Walang mangyayari sa pakikipag-usap kung hindi ka magbibigay-daan sa kahit maliit na bagay. May maganda kang ideya kung paanong makatipid na magugustuhan ng mga kasamahan. Makakakuha ka ng atensyon sa Sabado, at magiging masaya ang love life mo. Lucky numbers: 11, 22, 31 at 45.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97 
Pagtuunan ng pansin ang nabibinbing trabaho o proyekto at paghandaan ang isang mahalagang pakikipagpulong. Posibleng tumanggap ka ng gantimpala sa malaking tulong mo sa nakaraang proyekto. Kung single, ikaw ang mananalo sa puso ng nililigawan. Magagandang alaala ang mapapasaiyo sa linggong ito. Ang relasyon ay mas lalong lalalim at magiging seryoso. Lucky numbers: 6, 19, 24 at 39.

Call us!

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98 
Mas magiging agresibo ang mga tao sa linggong ito. Maging alerto sa kumpetisyong nagaganap. Huwag silang hayaang mag-away away at makuha ang bagong proyekto na alam mong para sa iyo. Ayusin ang schedule upang mapaghandaan ang lahat. Gumawa ng espesyal na bagay sa linggong ito. Sa araw ng pahinga, mag-relax at ipunin ang lakas, kahit na marami ang nag-iimbita sa iyo. Lucky numbers: 21, 25, 33 at 42.

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87 
Kakailanganin mo ng husto ang iyong karisma upang sumang-ayon ang lahat. Ilaan ang araw ng Martes sa mga taong mahirap kausap. Planuhin din ang iyong social life, maaaring makilala mo ang isang espesyal na tao. Sa kabila ng pagiging abala sa mga araw na ito, huwag kaligtaang kumustahin ang pamilya. May tsansa kang mapahinga at makapag-relax sa mga susunod na araw. Lucky numbers: 5, 12, 18 at 37.

DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88 
Tapusin agad ang trabaho sa umpisa ng linggo, sa kataasan ng iyong enerhiya. Pero mag-ingat na magmadali ng husto at makaligtaan ang ilang bagay na dapat busisiin. Matalas ang isip mo kapag pera ang pinag-uusapan. Makakapukaw ka ng atensyon sa huling bahagi ng linggo, at magiging aktibo ang social life mo. Lucky numbers: 16, 19, 26 at 44.

Call us now!

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89 
Maswerte ka sa trabaho o negosyo ngayon at magiging masaya rin ang love life. Magiging masyado kang abala kaya hayaang tulungan ka ng ibang tao na ayusin ang dapat gawin, pati na ang oras para sa social at romantic moments. Mas lalakas ang enerhiya kung susundin ang kapartner mo, dahil alam niya ang mas makakabuti sa iyo. Lucky numbers: 9, 26, 33 at 40.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Maging sunud-sunuran ka muna, kahit kakaiba ang ideyang sinasabi sa iyo. Lalabas din ang husay mo at madadaig mo ang lahat ng kakumpitensya sa negosyo o maging sa pag-ibig. Gaganda ang kalagayan ng bank account mo. May espesyal na taong makikilala sa tulong ng kaibigan. Gawing espesyal ang araw ng Linggo upang maganda ang pakiramdam para sa mga susunod na araw. Lucky numbers: 11, 17, 39 at 46.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91 
Samantalahin ang mga unang araw ng linggo dahil mas madaling kumbinsihin ang mga tao. Pero kailangang kunin ang kanilang atensyon at handa kang makipag-kompromiso. Bantayang mabuti ang trabaho at ilista ang mga ipinangako; huwag umasa lang sa iyong memorya. Magiging masaya ka hangga’t nagagawa mong maging magaan lagi ang mga usapan at hindi seryoso. Lucky numbers: 13, 27, 38 at 41.

Call now!

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Siguraduhin mong ang sinusundam mo ay ang tamang tao. Hindi ito ang oras na magkamali ka kung saang grupo ka kasali. Makakahanap ka ng taong magtuturo o makikipagtulungan sa iyo. Planuhin ang gagawin mo sa mga susunod na araw. Mag-ingat sa araw ng Linggo at baka mapasubo ka sa gastusin, lalo na at gipit ka. Lucky numbers: 3, 17, 29 at 30.

TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Mare-relax ka sa iyong tahanan ngayon. Bantayan ang kalusugan ng mga anak; siguraduhing napabaku-nahan sila. Ibubuhos mo ang lahat ng makakaya sa iyong proyekto, at makakasiguro ka ng magandang resulta. Ang love life mo ngayon ay parang roller coaster, pero nai-enjoy mo pa rin ito. Mag-ingat sa ilang kaibigan. Kung paiiralin ang pagiging positibo at realistiko, marami kang mapapagtagumpayan. Lucky numbers:  6, 13, 24 at 38.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Nagiging emosyonal ka dahil lagi mong naaalala ng nakaraan na sagabal upang makabangon ka at samantalahin ang mga oportunidad. Matutong humindi sa mga inilalapit sa iyo ng mga kakilala dahil lalo lang aabusuhin ang pagiging matulungin at mapagbigay mo. Dumalo sa mga sosyalan dahil may tsansang makilala ang taong muling magpapatibok sa puso mo. Lucky numbers: 9, 13, 28 at 45.
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.

Kinagat ng aso ang kanyang daliri

Posted on 17 January 2020 No comments


Ni Marites Palma

Naputol ang gitnang daliri sa kanang kamay ni Junelyn B. Gameje dahil sa kagat  ng isang German Shepherd na nakasalubong niya habang inilalakad ang alagang aso sa Clear Water Bay nitong nakalipas na ika-10 ng Disyembre.

Agad naman siyang naitakbo sa Tseung Kwan O Hospital kung saan siya nabigyan ng karampatang lunas. Tinahi ang nakagat niyang daliri at agad siyang pinauwi bagamat araw-araw pa rin siyang pumupunta sa ospital para ipalinis ang kanyang sugat.

Call us!

Pinaniniwalaang kinain ng asong kumagat kay Gameje ang naputol na daliri dahil hindi ito mahanap sa lugar kung saan nangyari ang insidente.

Dumating noong Dec 22 ang asawa ni Gameje upang alalayan siya at suportahan. Hindi ito agad nakarating sa Hong Kong dahil inipit ng ahensyang pinag-aplayan niya ng trabaho ang kanyang pasaporte, at kinailangan niyang tubusin ito ngPhp8,000 para lang makaalis.

Call us now!

Nai-report na sa Labour Department ni Gameje ang nangyari sa kanya para sa karampatang kabayaran dahil nangyari ang sakuna habang siya ay nagtatrabaho. Nagharap na rin sila ng may-ari ng aso at nangako naman ito na sasagutin ang anumang danyos na hihingin niya.

Call now!

Payo niya sa mga kapwa OFW, huwag balewalain ang anumang sakuna na may kinalaman sa aso, sino man ang may-ari nito. Ang mga kagat na natamo ay maaaring gamitin na dahilan para maghabol ng danyos, kahit pa ang may-ari ng hayop ay ang amo nila mismo.
---
I-try mo ito, Kabayan: Kung interesado kang ma-contact ang mga advertiser namin dito, pindutin lang ang kanilang ad, at lalabas ang auto-dialer. Pindutin ulit upang tumawag. Hindi na kailangang pindutin ang mga numero.
Don't Miss