Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

How to recover illegally collected placement fees

Posted on 14 April 2016 No comments
This is a continuation of our November 2015 topic column on illegal agency fees. We traced the historical development of government policies and laws in imposing agency fees and why, despite the prohibition against the collection of placement fees under the 2006 POEA Guidelines for Filipinos taking up household service work overseas, they still find themselves indebted because of exorbitant and illegal agency fees.
We gave some pointers on what to do when you find yourself in such situation. The Philippine Overseas Labor Office in Hong Kong (POLO -HK) is the place to go to pursue the refund of illegal fees collected, or seek punishment for erring recruitment agencies.
Remember that the Hong Kong-based agency is the principal agency in the whole recruitment process from your application in the Philippines for job in Hong Kong and is therefore equally responsible to ensure legal procedures are observed in placing individual foreign workers. But take note that the Hong Kong government does not require any migrant worker to process their papers through a recruitment agency.
If your case/claim is to be referred to the POEA and you are returning home to the Philippines, you need the following:
1) Your detailed statement that will be attached to the "First Indorsement" issued by POLO-Hong Kong. Always remember to make sure that you have with you your detailed statement, which is an account of the process on how the illegal charges happened. This is a sort of a statement of facts and incidents that will prove your case, including instances where you might be forced to take up a loan. You can visit the Mission for Migrant Workers before you leave if you need any assistance.
2) Prepare all pieces of evidence that you can gather to prove your case and keep photocopies of them.
3) Make sure you have a copy of your employment contract and passport.
Bring all documents referring to the termination of contract if it is a case of premature termination. It should also carry with it your detailed statement relating to the contract termination.
Once in the Philippines, proceed to the POEA with all your documents. Make sure that what you submit to any government offices are photocopies only of your documents and if the original document is required, ask the particular office to make an official receipt of those documents.
Keep a diary of all these procedures that you are going through and organize your document files.
Your first visit to the POEA is important to note down as you are proving that you are serious in your claim. If you can, make sure to ask for the next appointment. If no definite date is given you, follow it up after a month. Take note of the name of officers who dealt with you, reference number, file number, Docket Number and all information that can trace your case when you follow up.
Many times, what discourages a claimant is the period of waiting. This is when you are most vulnerable to offers of small amount of money to appease you. This is actually an amicable settlement, which will prohibit you from pursuing your full contractual claims/case.
So we say, do not be too bothered by the waiting period. PREPARATION FOR EVERY VISIT AND FOLLOW-UP IS IMPORTANT but you should avoid thinking only of the case every minute of your life to the point of immobilizing you. Make a calendar, a schedule of these visits or appointments to be able to know when to pause from your daily chores/work /preoccupation and prepare for your next visit to pursue your case. Remember, you are claiming back what is yours that was taken away from you deceitfully.
The MFMW can also refer you to our partners in the Philippines such as Migrante International who can provide guidance through its Rights and Welfare Assistance Program (RWAP).
When we come across such agency fees-related problems at the Mission with kababayans who are still employed, one of our initial suggestions would be to let the employer know about the situation as it is your responsibility to explain how it all happened so they will understand your difficulty. In many cases, in the absence of such explanations, some employers tend to generalize that their workers are simply "fond of borrowing money". In this situation where the loans are made upon arrangement of recruitment agencies, this is not true.  To be able to address this problem without jeopardizing your employment, tell your employer the story especially if you are one who was forced to borrow money at the very last minute (a few days before your departure) you may yet be able to make your employer understand a stark reality in overseas migration.
So if you wish to pursue your claim but are unable to return home because of your job, you should assign a person that you know is knowledgeable or well informed about the process, as well of the details of your story.  So, together with the "First Indorsement", you should make an affidavit with help from the assistance to nationals (ATN) section of the Philippine Consulate General (PCG-HK) giving your representative a "Special Power of Attorney" to act on your behalf in filing such claims and making decisions at any given time. Thus, in choosing such representative, s/he should be someone you definitely trust in:
- answering questions related to the details of your case;
- consulting with you or with any legal/paralegal officers any time it is needed; and
- making decisions  when necessary.
At the Mission, we connect you with our network to ensure that you have someone to consult with when you decide to pursue your case; because apart from claiming back illegal agency fees, the agency is solidarily liable with your former employer in Hong Kong for any unpaid wages and contractual obligations. If you are able to prove that the termination of your contract is not your fault, or that it was because you had committed a crime, you may claim all benefits that are due you, subject to the existing policy on migrant workers.


---
This is the monthly column from the Mission for Migrant Workers, an institution that has been serving the needs of migrant workers in Hong Kong for over 31 years. The Mission, headed by its general manager, Cynthia Tellez, assists migrant workers who are in distress, and  focuses its efforts on crisis intervention and prevention through migrant empowerment. Mission has its offices at St John’s Cathedral on Garden Road, Central, and may be reached through tel. no. 2522 8264.

AlDub you

Posted on No comments
Araw ng Linggo kamakailan ay mistulang pilahan sa pagkuha ng OEC ang haba ng pila sa BDO sa Worldwide Plaza. Kabilang si Ellie sa pumila para lang makabili ng tiket para sa pelikulang My Bebe Love na ipalalabas dito sa Hong Kong. Sa pag-aakalang wala pang pila ay inagahan ni Ellie ang pagpunta doon. Bago pa mag-alas otso ng umaga ay nasa harapan na siya ng bangko, na ang takdang pagbubukas ay alas nuwebe, pero ganoon na lang ang gulat niya dahil mahaba na ang pila. Inabot siya ng halos kalahating araw para lang makabili ng tiket para sa kanilang magkakaibigan. Masugid silang mga tagahanga nina Alden Richards at Maine Mendoza na mas kilala bilang AlDub. Ayon kay Ellie, daan-daang katao ang pumila para bumili ng tiket at mapanood ang kanilang mga idolo. Mabuti naman na hindi siya nainip dahil marami siyang nakilala at naka-kuwentuhan na kapwa niya fans ng AlDub. Karamihan sa mga nakapila ay miyembro ng fans club sa Hong Kong ng kanilang mga idolo. Gulat si Ellie dahil napakarami daw pala nila. Kahit diehard fan siya ay hindi sila sumasali sa mga grupong ganito, at sinusubaybayan na lang ang mga idolo sa Twitter at sa Facebook. Matapos ang ilang oras na pagtayo at pakikipagsiksikan ay masayang napasakamay na rin ni Ellie ang pinilahang tiket. Tuwang tuwa siya dahil marami siyang nakilalang mga bagong kaibigan na kapareho niya ang hilig. Masayang nagpaalam si Ellie sa mga bagong kakilala sa pamamagitan ng “pabebe wave” at pagsasabi ng  “AlDub you” na pinauso ng kanilang mga idolo sa TV.  Si Ellie ay isang dalaga at kasalukuyang nagtatrabaho sa Pokfulam. – Jo Campos

Luho

Posted on No comments
Nitong huling uwi ni Gloria sa Pilipinas ay walang ibang kahilingan ang anak na pasalubong kung hindi hoverboard. Medyo may kamahalan na luho para sa 12 taong gulang bata pero pinagbigyan ng Gloria ang anak. Sa kanyang pag-iikot sa Mong Kok ay may nakita siyang mura kumpara sa presyo nito sa Pilipinas kaya binili na niya. Pero hindi niya ito nadala pauwi dahil tinanggihan siyang i-check in ito sa eroplano. Ganun na lang ang pagkadismaya ng anak niya nang dumating siya na hindi dala ang pasalubong. Ayaw nitong tanggapin ang  paliwanag niya at dahil ayaw niyang sumama ang loob niya ay pikit-mata siyang bumili ng isa pang hoverboard sa Pilipinas. Habang ikinukwento ni Gloria ang nangyari sa kasama niyang si Mila ay hindi nito napigilang magbigay ng unsolicited advice. Hindi daw kasi dapat na ibigay ang lahat ng kahilingan ng mga anak lalo na kung hindi naman kailangan ang hinihingi. Pero sumagot si Gloria na hindi naiintindihan ni Mila ang ginawa niya dahil wala naman itong anak. Para hindi mauwi sa debate ang kanilang pag-uusap ay iniba na lang ni Mila ang usapan. Si Mila ay taga-Cebu at taga-Bohol naman si Gloria. ---Gina N. Ordona


Walang forever

Posted on No comments
Mahigit 10 taon din naging magkasintahan sina Ditas at Jeff. Dito na sila nagkakilala sa Hong Kong at nagsimulang mag-ibigan. Di man ito gaanong tanggap ng lipunan dahil si Jeff ay isang “tibo”, di ito naging hadlang sa kanila ni Ditas dahil hindi naging balakid ang kani-kanilang pamilya sa kanilang relasyon. Para sa kanila, ang mahalaga lang ay ang kanilang damdamin para sa isa’t-isa. Sa pagdaan ng mga taon ay unti-unti silang bumuo ng mga pangarap. Pero pagkatapos ng matagal na panahon ay nagkaroon sila ng matinding problema dahil sa selos, at sa sinasabing “third party”, na nauwi sa hiwalayan. Pagkatapos ng ilang taon ay naging magkaibigan muli ang dalawa, hanggang si Ditas ay nagdesisyong umuwi na sa Pilipinas. Hindi naman naputol ang kanilang komunikasyon sa isa’t-isa kahit pareho silang nagkaroon ng ibang karelasyon. Si Ditas ay nag-asawa at naging kaibigan din ni Jeff ang lalaki. Kalaunan ay nabalitaan ni Jeff na nagpunta si Ditas ng Canada matapos makipaghiwalay sa asawa. Patuloy pa rin ang kanilang komunikasyon habang nasa Canada si Ditas, bagamat madalang na lang. Kamakailan ay nag-chat sila online, na nauwi sa mas madalas nilang kamustahan. Nalibang silang dalawa sa pagbabalik-tanaw sa mga nakaraan nilang alaala. Unti-unti ay napansin ni Jeff na nahuhulog muli ang loob niya sa dating karelasyon, at alam niyang ganoon din ito sa kanya. Hindi magawang buksan ni Jeff ang paksang iyon dahil natatakot siyang baka totoo nga ang kanyang hinala. Sa ngayon ay patuloy pa rin ang kanilang chat ngunit umiiwas na lang si Jeff na mauwi ang usapan sa kanilang nakalipas. Ayaw na daw kasi niyang masaktang muli ang dating karelasyon. Mas mabuti daw na manatili na lang silang magkaibigan. – Jo Campos


Kalabisan!

Posted on No comments
Patapos na ang pangalawang kontrata ni Ailene sa kanyang amo na taga-Shatin nanag sabihin ng kanyang amo na hindi na ito pipirma ng panibagong kontrata. Nanghinayang si Ailene dahil sa loob ng 10 taon niya dito sa HK ay sa naturang amo lang siya nakatapos ng kontrata. Nang magkaroon siya ng pagkakataon ay dumulog siya sa tanggapan ng OWWA dahil gusto niyang ipakuwenta kung magkano ang makukuha niyang severance fee. Bitbit ang manipis na libro na naglalaman ng labor ordinance para sa mga kasambahay sa Hong Kong ay matiyaga siyang pumila kahit maraming tao para malaman kung magkano ang makukuha niya. Walang humpay ang pagkukwento niya sa mga kasama sa pila na obligasyon ng amo na bigyan siya ng severance fee, pero sumabad ang isa sa mga kausap na makakatanggap lang siya nito kung hindi na siya pipirmahan ng amo dahil sa redunduncy o kalabisan. Ibig sabihin, hindi na ito kukuha ng ibang katulong, at hindi lang dahil ayaw na sa kanya. Nanlumo si Ailene dahil sa palagay niya ay may balak pang kumuha ng kapalit niya ang amo dahil dalawang taon pa lang ang anak nito na pinaalagaan sa kanya. Halata ang pagkadismaya niya kaya sinabi ng kausap na ituloy pa rin ang paghingi ng kuwenta ng maaari niyang matanggal kung sakaling sabihin ng amo na hindi na ito kukuha ng bagong katulong. ---Gina N. Ordona


Maltrato

Posted on No comments
Maysakit ang amo ni Anna at tila wala nang lunas. Unti-unting nagiging paralisado ito at kinakailangan ng pag-aalaga. Hindi na rin nakakakain mag-isa at ang mga bagay na karaniwang ginagawa ay hindi na nito kaya. Dahil dito ay kinailangan na kumuha ng kasama ni Anna para ito ang tumutok sa pag-aalaga sa kanilang among babae. Hindi man gaanong nagkakasundo ang dalawang Pinay ay maayos naman nilang nagagawa ang  kanilang mga tungkulin sa bahay. Matagal nang nagtatrabaho si Anna sa mag asawang Intsik at wala siyang masasabi sa mga ito dahil napakabait, kaya lubha siyang nalungkot nang malaman niya ang kondisyon ng kanyang among babae. Lumipas ang mahigit isang taon, at kahit paano ay natuto na ring pakisamahan ni Anna ang kakaibang ugali ng kasama niya. Pero nitong mga nagdaang araw ay nagtataka siya dahil nahahalata niya na parang takot ang kanyang amo sa tagapag-alaga niya. Kapag aalis kasi si Anna ay tila nalulungkot at nababalisa ang kanyang amo, at tuwing magpapaalam siya ay mahigpit siyang hinahawakan, at ayaw bumitiw. Inobsebahan ni Anna ang biglang pagkabalisa ng kanyang amo at napansin niya na kapag kaharap na ang kanyang kasamang Pinay ay parang takot ito. Napansin din ni Anna na medyo marahas ang ginagawang pagpapasubo ng kasamahan sa kanilang amo tuwing pinapakain ito. Naririnig din niya na pasigaw at tila galit ang kapwa katulong kapag kausap ang inaalagaang maysakit. Naikuwento ito ni Anna sa isang kaibigan at hinala ng kaibigan ay baka minamaltrato ang amo ng kanyang kasamang Pinay. Likas kasing mabait ang amo at malamang na hindi lang ito nagsusumbong. Mungkahi nga ng kaibigan ni Anna, dapat daw ay sabihin na niya sa kanyang among lalaki ang mga nangyayari sa loob ng kanilang bahay dahil karatapan naman iyon ng kanyang asawa. Hindi naman magkaroon ng lakas ng loob si Anna na magsumbong dahil baka itanggi lang iyon ng kanyang kasama at siya pa ang lumabas na gumagawa ng usap. Hindi rin naman kasi nagsusumbong ang among babae sa kanyang asawa. Ang ginawa na lang ni Anna ay hinigpitan ang pagbabantay sa kasama para masiguradong hindi nito sinasaktan ang matanda. –Jo Campos


Pahirap

Posted on No comments
Halos araw-araw ay nagkukumahog si May sa paghahanda, pamamalengke at pagluluto ng pagkain para sa kanyang mga amo sa Tai Po. Hapon pa lang ay nakasalang na ang sabaw at mula alas singko ay naghahanda na ng pagkain. Hindi naman niya puwedeng lutuin ng maaga ang apat na putaheng ulam hangga’t di dumarating ang buong pamilya dahil nagagalit ang kanyang amo kapag ininit lang niya ang mga pagkain. Kadalasan ay naghihintay siya hanggang alas otso ng gabi at doon pa lang siya mag-uumpisang magluto. Ang problema ay isang burner lang ang kalan na gamit niya kaya kung minsan ay natataranta siya lalo na’t kada minuto ay tinatanong siya ng kanyang alaga kung luto na ba ang pagkain. Minsan ay dinaya na niyang lutuin ng maaga ang isang putahe para di siya gabihin sa pagluluto pero sinumbong naman siya ng kanyang alaga sa ina nito. Sermon ang inabot ni May kaya hindi na niya ito inulit. Kadalasan ay mga madadaling lutuin na lang ang inihahanda niya para di na siya makarinig pa ng reklamo. Sa isip niya, hindi naman niya kasalanan kung ginagabi sila sa pagkain ng hapunan dahil alas otso na kung dumating ang kanyang mga amo. Inaabot tuloy ng hanggang alas diyes ng gabi ang paghuhugas niya ng mga gamit sa kusina at mga pinagkainan. Halos araw-araw ay ganito ang gawain niya kaya lupaypay na siya pagpasok sa kanyang kuwarto. Si May na may asawa at dalawang anak ay halos dalawang taon nang nagtatrabaho sa kanyang mga amo. Balak niyang lumipat ng amo kapag natapos na ang kanyang kontrata dahil sa hindi makatarungang pagpapahirap sa kanya ng mga ito. –Jo Campos


DH faces jail term for beating boy

Posted on No comments
By Vir B. Lumicao

For losing her cool and hitting her seven-year-old ward with a wooden back scratcher, a Filipina domestic helper has been told by a magistrate in Kowloon court that she faces a "deterrent sentence", meaning she will have to spend time in jail.
Rosemarie Castillo, 32, pleaded guilty on Jan 8 to a charge of "willful assault causing injury to a child" for beating the boy when he threw a tantrum and refused to take a shower over his elder brother's refusal to play with him.
The incident happened in the evening of Oct 5, 2015, in the employers' flat in Sham Shui Po, Kowloon.
The maid said she lost her temper as she was suffering from a headache and was busy trying to finish all her chores before her employers returned home from work.
In a “momentary loss of control,” Castillo grabbed the scratcher and beat the boy, leaving bruises on his left cheek, on the left side of his neck and on his left arm.  
The parents saw the bruises when they arrived and called the police. Castillo was arrested and taken into custody. She was later granted bail.
During mitigation, the defense lawyer asked that the magistrate spare the helper from a custodial sentence, saying that the parents themselves had instructed the maid to hit the boy if he became uncontrollable.
She said that on that fateful evening, the boy was throwing a tantrum after a fight with his brother over his refusal to play with him.
“The defendant had a big headache and was busy doing all the chores, and when she told the boy to stop and go take a shower, the more he rolled on the floor crying and yelling,” the lawyer said.
“I hope you will accept her remorse. This is not a case that calls for custodial sentence,” she said.
But Magistrate Eric Cheung turned down the lawyer’s plea. “I will adopt a deterrent sentence because the defendant has committed a serious offense. The parents hired a domestic helper to take good care of the child,” he said.
Cheung said that before sentencing he would call for an impact assessment report “to find out if the child has suffered psychological harm.”
The female prosecutor stood up and tried to dissuade the magistrate from doing so by saying the boy was back in his usual self just days after the incident and that such an assessment could only revive the trauma from the incident.
The magistrate told her that he needed to see the impact assessment report nevertheless.
Cheung adjourned the sentencing to Feb 2.
“Defendant, as you heard from the discussion between this court and the lawyer, I will impose a deterrent sentence and cancel your bail. You will be put in custody,” he said.

Elderly Pinay overstayer jailed 6 months

Posted on No comments
By Vir B. Lumicao

Tarcila Alabastro, the 65-year-old former domestic worker who gave herself up after overstaying for more than 12 years in Hong Kong, was convicted and sentenced on Jan 8 by a Shatin court to six months in jail term.
Alabastro, fondly called "Nanay Tarcila" by her OFW friends and supporters, appeared before Principal Magistrate Andrew Ma and pleaded guilty to a charge of breaching her conditions of stay.
Esther Bangcawayan of the Bethune House Migrant Women's Refuge who attended the hearing, said Ma gave a discount in the sentence for Alabastro's voluntary surrender and in consideration of her physical condition.
Alabastro could hardly walk because of osteoarthritis when she surrendered on Dec 9 to the Immigration authorities. Two weeks later, she was taken to Queen Elizabeth Hospital by Bangcawayan after her blood pressure shot up.
The woman was accompanied to court by Lorna Mojica of the Consulate's assistance to nationals section, and had her picked up by a consular vehicle because of her condition.
"Kalmado naman si Nanay nang sinisintensiyahan siya ng mahistrado, ngunit halata rin sa kanyang mukha ang pagkabahala," Bangcawayan told The SUN.
"Inihanda naman namin siya sa anumang magiging resulta ng kanyang pagharap sa korte at hindi namin siya pinaasa na hindi siya makukulong," she said.
Bangcawayan said she had explained beforehand to Alabastro three possibilities in the event of her conviction: immediate deportation; a suspended sentence that would allow her to return home soon, or a discounted jail sentence based on the number of years she had overstayed.    
News of her jailing has saddened the OFWs who helped work out Alabastro's surrender, including Alexise Tiu, who helped Alabastro inch her way to the Overseas Workers Welfare Administration and to the ATN when she surfaced on Dec 6, and to the Immigration Department to surrender on Dec 9.
"Ang final result na nakulong siya nakakalungkot..nakakaawa dahil sa katandaan niya pero bago pa man isinuko alam ko naman na may katapat na parusa ang pag-overstay niya dahil ang batas dito ay batas at kailangan na sundin," Tiu said.
But she philosophically said the elderly woman's stay in jail would give her time to recover her health and get proper medical care as she was not able to see a doctor during the years that she overstayed.

Kin of ‘charcoal’ suicide seek autopsy waiver

Posted on No comments
By Vir B. Lumicao

Relatives of a Filipino domestic worker who apparently committed suicide because of financial problems have reportedly asked for a waiver of a police autopsy on the body so it could be brought home sooner.
The mother of Janice, the victim, was expected to arrive on Jan. 13 to fetch the remains.
Janice was found dead in an empty luxury flat in Kowloon City on Jan. 6, with burnt charcoal nearby.
Vice Consul Alex Vallespin, acting head of the assistance to nationals section of the Consulate, told The SUN about the relatives’ desire to dispense with the autopsy.
The autopsy is a standard procedure for “reportable” deaths – or those not due to natural  causes - in Hong Kong unless the family personally applies for a waiver with the coroner.
The police has initially classified the case as “dead body found”.
According to the Police Public Relations Branch the victim’s body would be autopsied to find out the exact cause of death.
The police report indicates that Janice’s body was found by her employer inside the washroom of a unit in Earl Gardens, Kowloon City, at 10:13 am on Jan. 13.
When police went to check, they found the victim lying on the washroom floor beside a pile of burning charcoal.
The employer reportedly told police that before her death, the victim was having financial problems.
According to the Consulate, Janice had been employed for almost six years as a domestic helper who also drove for the employer’s family.
She took over the position when her predecessor, who had served the same employer for 16 years, returned home for good.
The employer has arranged for the victim’s mother and the former driver to come to Hong Kong to fetch the body.

Master showman German Moreno, 82

Posted on No comments
Bumuhos ang pakikiramay at pasasalamat sa namayapang Master Showman na si German Moreno. Binawian ng buhay ang mabait na komedyante/radio at TV host/ producer/ mentor at star builder noong umaga ng January 8, sa edad na 82.
Sa loob ng 52 taon sa show business, mula nang ma-discover siya bilang talent sa Clover Theatre kung saan una siyang namasukan noon bilang isang janitor, kinilala si Kuya Germs bilang pangunahing star builder dahil sa dami ng natulungan niyang maging sikat na artista, singer o TV host.
Sa kanyang programang GMA Supershow nahasa sa hosting sina Zsazsa Padilla, Vina Morales, Dawn Zulueta at Sharon Cuneta, pero ang pinakamalaking nai-ambag niya sa showbiz ay ang pag-discover niya ng mga bagong artista at singers sa kanyang programang That's Entertainment. Kabilang sa mga mga ito sina Lea Salonga, Judy Ann Santos, Sheryl Cruz, Manilyn Reynes, Tina Paner, Janno Gibbs, Keempee de Leon, Piolo Pascual (PJ Pascual), Romnick Sarmenta, Herbert Bautista, Harlene Bautista, Gelli de Belen, JC Bonnin, Jonjon Hernandez, Cris Villanueva, Ronel Victor, Lotlot de Leon, Ramon Christopher, Michael Locsin, Rita Avila, Sunshine Dizon, Chuckie Dreyfuss, Patricia Javier, Angelica Jones, Zoren Legaspi, Kier Legaspi, Nadia Montenegro, Vina Morales, Aiko Melendez, Rufa Mae Quinto, Gladys Reyes, Donita Rose, Jennifer Sevilla, Carmina Villaroel, Jessa Zaragoza, Karla Estrada, Iza Calzado (Izadora Calzado), Sunshine Cruz, John Arcilla, Jojo Alejar, Isabel Granada, Lilet, Ara Mina (Hazel Reyes), Isko Moreno, Jovit Moya, Francine Prieto (Anna Marie Falcon), Lovely Rivero, Romano Vasquez, Ana Roces, Asssunta de Rossi (Assunta Schiavone), Francis Magalona, Ian Veneracion, Bunny Paras, Smokey Manaloto, Priscilla Almeda (Abby Viduya), Dranreb Belleza, Kyla (Melanie Hernandez), Keno, Aljon Jimenez at marami pang iba. Dito rin nagsimula sa showbiz si Billy (Billy Joe) Crawford, noong apat na taong gulang siya, at pinakabata sa grupo.
Siya rin ang founder ng Walk of Fame Philippines sa Eastwood, Quezon City, na ginaya sa Hollywood Walk of Fame sa Amerika. Ang huling nabigyan niya ng stars dito noong December 1, 2015 ay ang phenomenal loveteam ng AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza at ang JoWaPao group nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros ng Eat Bulaga. Kasama ring binigyan ng star ang loveteam nina Jake Vargas at Julie Ann San Jose.
Na-stroke si Kuya Germs noong Jan 2 ng nakaraang taon, dalawang araw matapos siyang mapanood sa 2015 New Year countdown ng GMA Network. Matagal- tagal din siyang nawala dahil kinailangan siyang magpahinga at dumaan sa iba't ibang therapy upang muli siyang makapagsalita at makapaglakad. Hindi man bumalik sa dati ang kanyang kalusugan, hindi pa rin siya napigilan na balikan ang kanyang TV show na "Walang Tulugan' (with the Master Showman) at radio show na "Walang Siesta", at gampanan ang iba pang showbiz events. Huli siyang napanood sa New Year (2016) countdown ng GMA Network na ginanap sa Mall of Asia (MOA).
Naulila niya ang kanyang adopted son na si Federico Moreno, ang asawa nitong si Shiela (ate nina Vina Morales at Shaina Magdayao) at ang apat nilang anak.
Ibinurol si Kuya Germs sa Mt. Carmel Church sa Quezon City, kung saan ay dumagsa agad ang mga naging kasamahan niya sa showbiz gaya nina Nora Aunor, Gloria Romero, Susan Roces, Plita Corrales, Jackielou Blanco, Gary Valenciano, Martin Nievera, Sharon Cuneta, Eddie Gutierrez, Dawn, at marami pang iba. Mistulang naging malaking reunion ng That's Entertainment at iba pa niyang shows ang kanyang burol.
Inihatid siya sa huling hantungan noong Jan. 14.

JUDY ANN, NANGANAK
Nanganak na si Judy Ann Santos sa pangatlong anak nila ng asawang si Ryan Agoncillo noong gabi ng Jan 8. Ang baby girl ay pinangalanan nilang Juana Luisa, at binigyan ng palayaw na Luna.
Ang dalawa pa nilang anak ay sina Johanna Louise (Yohann) at Juan Luis (Lucho). Nasa show niyang Eat Bulaga si Ryan nang biglang magpaalam dahil kailangan na daw niyang puntahan ang asawa dahil manganganak na ito.
Ang TV series na Someone to Watch Over Me na pagbibidahan dapat ni Juday ay hindi natuloy na ipalabas dahil sa pagbubuntis niya. Sinabihan  niya ang ABS CBN na sa ibang artista na ito ibigay, pero mas minabuti ng pamunuan ng Kapamilya station na maghintay na lang kung kailan siya pwedeng magtrabaho ulit. Makakasama niya sina Richard Yap at Diether Ocampo.

VIC-PAULEEN WEDDING
Tila malaking produksyon ng Eat Bulaga ang magiging kasal nina Vic Sotto at Pauleen Luna dahil karamihan ng nasa entourage ay mga kasamahan nila sa show, mga kamag-anak at ilang matatalik na kaibigan, gaya ni Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach, na isa sa mga bridesmaids. Uuwi sa Pilipinas si Pia sa January 23 upang magbakasyon, at daluhan ang kasal ni Pauleen, na matagal na niyang kaibigan.
Ang iba pang kasali sa kasal:
Principal sponsors: Sen. Vicente "Tito" Sotto at Carmencita Garcia, Mr. & Mrs. Tony at  at Madeleine Tuviera at Joey de Leon at Dr. Salvacion Gatchalian.
Matron of Honor: Ruby Rodriguez, Maid of Honor: Franchesca Que; Best Man: Vico Sotto, Groomsmen:  Val Sotto, Maru Sotto, Anjo Yllana, Wally Bayola,  Jose Manalo at Paolo Ballesteros.
Bridesmaids: Pia Wurtzbach, Anne Margaret Luna, Leah Camille Agcaoili at Mara Isabel Sotto
Secondary sponsors: Danica Sotto-Pingris at Marc Pingris (veil), Oyo Sotto at Kristine Hermosa-Sotto (cord)
Flower Girls: Ryzza Mae Dizon, Anielle Micaela Pingris, at Ondrea Bliss Sotto
Ring Bearer: Jean Michel Pingris, Coin Bearer: Kristian Daniel Sotto
Bible Bearer: Alessandro Jose Sotto
Rosary Bearer: Marciano Dominico Antonio
Sa surprise bachelor's party para kay si Vic Sotto na ginanap kamakailan, namataan ang mga kapatid niyang sina Tito, Maru at Val Sotto. Naroon din ang mga anak ni Vic na sina Oyo at Vico Sotto at Eat Bulaga dabarkads na sina Anjo Yllana, Jose Manalo, Wally Bayola at producer na si Tony Tuviera at paboritong director ni Vic na si Tony Reyes.
Si Pauleen ay binigyan din ng bridal shower ng kanyang malalapit na kaibigan, kabilang na sina Camille Prats, Ruby Rodriguez, Sherilyn Reyes-Tan, at Yayo Aguila. Ginanap ito noong January 9 sa Café Lima sa Greenhills.
Sa January 30 gaganapin ang kanilang kasal. Ito ang pangalawang kasal ni Vic. Una siyang ikinasal kay Dina Bonnevie, ina nina Danica at Oyo, pero matagal na silang hiwalay at annulled na ang kasal. Si Vic ay 61 yrs old, samantalang si Pauleen ay 26.

ALDEN, MAY KARIBAL
Habang nasa Dubai si Alden Richards ay inilabas na ng kalyeserye ang misteryosong "Jake" na naging malapit kay Maine Mendoza, at panay ang tawag sa telepono. Dalawang Jake ang lumabas, na ang una ay isang bading na sumayaw-sayaw; at ang pangalawa ay isang mestisuhin at guwapong binata, na naging kaklase daw ni Yaya Dub sa marketing class. Ito ay si Juan Emilio "Jake" Ejercito, anak nina Joseph Estrada at dating aktres na si Larni Enriquez.
Game na nakipagkuwentuhan si Jake kina Lola Nidora, at pinakain siya ng banana cue at isaw na isinawsaw sa kape, pinag-dub-smash at pinasayaw pa. Nagustuhan daw siya ng tatlong lola dahil guwapo, matalino at gentleman daw ito.
Naikuwento ni Jake na nag-aral siya ng elementary at high school sa Xavier School sa San Juan, at nag-kolehiyo sa London (business management). Kasalukuyang tinatapos ni Jake ang kanyang master's degree sa  Singapore. Maingat ang mga taga-Eat Bulaga na hindi magalit ang AlDub nation kaya binanggit nila na may girlfriend si Jake na nasa London. Magkaibigan lang daw sila ni Yaya Dub, at gusto rin daw makilala ni Jake si Alden.
Ayon kay Laarni, matagal nang gustong mag-artista ni Jake, pero ayaw raw siyang payagan ng kanyang ama hangga't hindi ito nakatapos ng pag-aaral. Si Jake ay hindi na baguhan sa limelight dahil marami siyang kaibigang artista at celebrities, at lagi rin siyang isinasama ng kanyang ama sa mga political at social events. Naging off and on din ang kanyang relasyon kay Andi Eigenmann, at natsismis na siya ang tunay na ama ng anak ni Andi at hindi si Albie Casino na naging boyfriend din ng actress.
Samantala, may pinaplano raw ang GMA Network na bigyan ng sariling TV series sina Alden at Maine, pero wala pa silang balita kung papayagan ng APT Entertainment si Maine. Ttila naiipit ang loyalty ni Alden sa GMA Network, kung saan siya naka-kontrata, kaya hindi siya makatanggi sa bawa't utos nilang mag-show siya sa iba’t ibang lugar, at sa APT Entertainment na nagbigay sa popularidad na tinatamasa dahil sa AlDub nation.

Less

Posted on No comments
Onli in da Pilipins:
• Our Phones – Wireless
• Cooking – Fireless
• Cars – Keyless
• Food – Fatless
• Tires –Tubeless
• Dress – Sleeveless
• Youth – Jobless
• Leaders – Shameless
• Relationships – Meaningless
• Attitudes – Careless
• Babies – Fatherless
• Feelings – Heartless
• Education – Valueless
• Children – Mannerless
• Country – Godless
We are SPEECHLESS,
Government is CLUELESS,
And our Politicians are WORTHLESS!

Mahigpit
Guard: Sir, ID po ninyo?
Dodong: Eto, oh!
Guard: I-pin po ninyo.
Dodong: Sobra naman kayong mahigpit dito. Pati ipin, ini-inspeksyon.


Man machine
An old guy was working out at the gym when he spotted a young hot girl walking in. He asked the trainer standing next to him, “What machine should I use to impress that girl over there?”
The trainer looked him up and down and said; “I would recommend the ATM in the lobby.”

Nude hanging
Convicted of murder and sentenced to death, the shapely young woman asked, as a last request, that she be hanged in the nude. Although the warden thought this unusual, he felt a last request was not something to be denied.
When the condemned prisoner arrived at the gallows, the hangman gasped, “My God, you have the most beautiful body I’ve ever seen.”
Came the whispered reply, “It’s all yours if you keep your trap shut.”

Unfamiliar
Saturday morning the weather was too bad for golf. Suddenly there was a knock on the door. I opened it to find a young, well-dressed man standing there who said:
“Hello sir, I’m a Jehovah’s Witness.”
So I said, “Come in and sit down.”
I offered him a fresh cup of coffee and asked, “What do you want to talk about?”
He said, “Beats the hell out of me. Nobody’s ever let me in before.”

Provoked
My wife and I went into town and visited a shop. When we came out, there was a cop writing out a parking ticket.
We went up to him and I said, “come on man, how about giving a senior citizen a break?”  He just ignored us and continued writing the ticket.
I called him an “a**hole.”  He glared at me and started writing another ticket for having worn-out tires.
So Shirley (my wife) called him a “s*it head.” He finished the second ticket and put it on the windshield with the first. Then he started writing more tickets.
This went on for about 20 minutes. The more we abused him, the more tickets he wrote.  He finally finished, sneered at us and walked away.
Just then our bus arrived, and we got on it and went home.
We always look for cars with Trump stickers.  We try to have a little fun each day now that we’re retired.  Its so important at our age!

Wise sayings
Confucius says:
Kiss is merely shopping upstairs,
For merchandise downstairs.
-o-
 Confucius says:
Better to lose a lover
Than love a loser.
-o-
Confucius says:
Man with broken condom
Often called Daddy
-o-
Confucius says:
Sex is same as bank account.
You put it in, you take it out.... you lose interest.
-o-
Confucius says:
Viagra just like Disneyland ...
One hour wait for 5 minute ride.
-o-
Confucius says:
Much better to want the mate you do not have
Than to have the mate you do not want.
-o-
Confucius says:
Joke is like sex.
Neither any good if you don’t get it.

Sweet and Sour Pork

Posted on No comments
Ingredients:
400 g. half fatty pork belly
1 small green bell pepper
1 small yellow bell pepper
½ onion
3 slices of pineapple
1big red chili (optional)

For the marinade:
1tsp. cornstarch
1tsp. sugar
1tsp. light soy sauce
a pinch of ground white pepper

For the sauce:
¾ cup tomato sauce
½ cup vinegar
1 tbsp. cane sugar
1tsp. cornstarch

Procedure:
1.    Cut the pork belly into chunks. Add
marinade and leave it for 3 hours.
2.    Cut onion, bell peppers and pineapple into wedges.
3.    Fry marinated pork belly until golden brown. Set aside.
4.    Stir fry onion and bell peppers. Set aside.
5.    Bring the sauce into a boil on medium heat, covered.
6.    Add pork, onion and bell peppers. Stir to blend all ingredients together.
7.    Cook for 2 minutes, then add pineapple and red chili.
8.    Cover and let it simmer for another minute. Serve hot with rice.

Ang resipeng ito ay padala ni Fea Tilo ng Yuen Long

For the period Jan. 16-31

Posted on No comments

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91
Gagamitin mo nang husto ang iyong karisma ngayon, at itotodo mo ang iyong alas upang makuha ang gusto mo. Walang makakatiis sa iyo maging ang naiilang sa iyo sa umpisa, dahil makukuha mo rin ang simpatiya nila. Panindigan mo ang tiwalang ibinigay ng mga tao sa iyo. Iwasang magbitaw ng brutal na pananalita at makasakit ng damdamin upang masabi ang iyong opinyon kahit alam mong tama ito. Lucky numbers: 10,13,19 at 29.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Magpapakita ka ng diplomasya at maayos mo ang gusot, lalo na kung kaanak mo ang sangkot sa usapin. Magiging matiyaga ka hanggang maabot mo ang inaasam. Magkakaroon din ng balanse ang iba't ibang aspeto ng iyong buhay. Pananakit ng leeg ang mararanasan dahil sa lamig. Subukang ma-relax ang muscle sa leeg sa pamamagitan ng hair dryer o pahiran ng balsamo na may taglay na camphor. Lucky numbers: 12,21,33 at 41.
44.
TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Magkakaroon ka ng magandang sorpresa na siguradong ikakagulat at ikakasaya mo. Ikaw ang dahilan ng masayang tahanan dahil maeengganyo mo ang iyong pamilya na kumilos at mag-enjoy nang husto sa lahat ng inyong ginagawa. Sa kabila ng pag-eenjoy mo sa buhay ngayon, seryoso rin ang ginagawa mong paghahanda sa inyong kinabukasan. Lucky numbers: 17, 19, 25 at 35.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Magiging masaya ang panahong ito para sa mga walang karelasyon. Hindi maaring hindi ka mapansin at maraming mabibighani sa iyong karisma. Kumilos at samantalahin ang mga pagkakataong dumarating sa iyo ngayon. Ito na marahil ang oras upang matapos na ang iyong kalungkutan. Sa kalusugan, nababawasan ang iyong sigla, kahit hindi mo aminin ito at alam mo kung ano ang nararapat mong kinakain. Lucky numbers: 9, 15, 26 at 39.
.
BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
May mga biglaan kang nararamdaman, at pag-iisipan mo ng malalim ang nangyayari sa iyong buhay: ang iyong mga pagpili, kagustuhan, hinaing at naging ugali. Makakaalitan mo ang isa among kapitbahay, gamitan ng talino at diplomasya ang pakikipag-usap upang maayos ang problema. Ibubuhos mo ng husto ang iyong atensyon sa pinakaimportanteng proyekto mo sa ngayon, at kakayanin mong lampasan ang lahat ng pagsubok upang magtagumpay ka. Lucky numbers: 5, 18, 22 at 42.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96
Magkakaroon ka ngayon ng lakas ng loob at tapang, at may ngiti kang susubok sa isang mapangahas na bagay. Sa lovelife, walang pagbabagong magaganap, pero mag-ingat sa mga tsismis. Kung ibubuhos ang buong atensyon sa gawain at iwasan ang nakagawiang pangangarap ng gising, ay matatapos mo agad ito ng maayos. Sanayin ang sarili na magtrabaho ng husto para makaiwas mag-isip ng kung anu-ano. Lucky numbers: 15, 17, 20 at 37.
 39.
BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97
Lahat ay magiging maayos sa iyong trabaho kung babawasan mo ang labis na pagsasalita. Hindi ka komportable dito dahil nasanay kang magsabi agad ng gusto mong mangyari, pero mas mahalaga na magkaroon ng tahimik at maayos na samahan. Hindi nakukuha sa taas ng boses ang lahat, alalahanin na ang pagiging ma-diplomasya ay hindi nakakasakit ng tao, pero higit na mabisa ito sa lahat ng pagkakataon. Lucky numbers: 3, 11, 19 at 27.
.
TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98
Desidido kang ipaglaban ngayon ang tunay na nararamdaman. Kung palagay mo ay niloloko ka lang ng isang taong kinagigiliwan mo, makakaganti ka rin sa paraang nararapat. Magiging matalas ka sa negosyong pagkakakitaan, at makikinabang ka ng husto. May dagdag kang swerte sa sugal o pakikipagsapalaran. Ang tahimik at payapang karisma mo ang makakaakit sa mga bagong kakilala, at magpapakita ng interes na makilala ka ng lubos. Lucky numbers: 12,31,32,40 at 47.

 KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87
Makikinabang ka sa positibong lagay ng relasyon sa pribadong buhay at maging sa trabaho. Panibagong sigla at maganda ang direksyon sa trabaho ngayon. Kung single, malaki ang tsansa na maibsan na ang kalungkutan. Mai-enjoy mo rin ang samahan ninyong magkakaibigan. Kung ang pinto sa sa relasyon ay nagsara, mahirap nang ibalik ang dating ugnayan; tanggalin ang pamamataas at agad na gumawa ng paraan na makipagbati. Lucky numbers: 16,21,30 at 40.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88
Nalilito ka sa dami ng nangyayari sa buhay mo ngayon, maging kalmado at kontrolin ang sarili. Dahil sa pabigla-biglang kilos ay maaring mahanap mo ang relasyong hindi inaasahan, pero mahirap ding maakusahan na hindi ka seryoso sa iyong ginagawa. May diskusyon sa pamilya tungkol sa pagbili ng isang bagay, pero kung mapag-uusapan ito nang maayos ay maaaring hindi na lumala pa ang sitwasyon. Sa love life, ang hiling mo ay matutupad ng walang gaanong hirap. Lucky numbers: 4,7,18 at 36.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89
Ang ilang problema sa pamilya ay maaring lumaki. Ang maaaring pagmulan nito ay ang edukasyon ng mga anak at ang direksyong gusto mo para sa iyong ambisyon. Ang negosyo mo sa ngayon ay maayos at walang problema kaya pwede kang maghinay-hinay at harapin ang ibang bagay. Susumpong muli ang allergies na dulot ng alikabok, linisin at i-vacuum nang husto ang kama at silid at pagpagin ang mga kurtina. Lucky numbers: 7,13, 28 at 44.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
May mga problemang darating, katulad ng mga hindi inaasahang gastusin at pagpapaayos ng mga nasirang gamit o kasangkapan sa bahay. Masyado kang na-o-obssess na makahanap ng ideyal na katuwang sa buhay, pero mag-isip mabuti at huwag basta mabulag sa panlabas na anyo dahil baka ka magsisi. Kung may asawa, ngayon ang tamang oras na pag-usapan nang maayos ang bagay na matagal nyo nang pinagtatalunan. Lucky numbers: 12, 26, 28 at 39.

Filipina in alleged hot iron attack goes home

Posted on No comments
By Vir B. Lumicao

The Filipina domestic helper allegedly attacked by her elderly employer with a hot iron on Dec 12, flew back to Manila on Christmas Eve after deciding to abandon her case.
Rizza del Rosario’s decision left her supporters baffled, including those from the Mission for Migrant Workers and the Consulate, who had offered to help the Filipina pursue the filing of criminal charges and compensation claims against her employer.
In fact, the employer won’t be able to hire another Filipina maid again as the Consulate has blacklisted him and his wife, and has endorsed her case to the Hong Kong government for action, a Consulate official said
“Rizza confided to me that she is abandoning her case and is flying back to Manila on Dec 24. She has already bought a plane ticket,” said Edwina Antonio, executive director of the Mission's Bethune House Migrant Women's Refuge on Dec. 2.
Antonio said Del Rosario had claimed she was being prodded by her husband and mother to return home, and asked that her change of mind not be divulged until after she had left Hong Kong.
Her sister Rona, who had been staying with Del Rosario at the government’s shelter since Day 3 after the incident, told The SUN that she learned about this development only before Rizza boarded her flight
“It’s frustrating because she has a strong case against her employer and we are supporting her. I have even reserved a bed for her in the shelter,” Antonio said.
Vice Consul Fatima Quintin, head of the Consulate’s assistance to nationals section, told The SUN that the employer, surnamed Tang, had been blacklisted by the Consulate. She said the employer’s wife would be included in the complaint to the police.
Del Rosario went to the Consulate on Dec.14, the day after The SUN accompanied her to the Mission to seek assistance. The next day, she and her sister Rona went to Ruttonjee Hospital for treatment of Rizza's burn injuries, as well as to the police and Consulate to report the attack.
Rona was reportedly fired by her boss, the son of Rizza's attacker, for allegedly colluding with her sister to make up the flatiron scalding story.
But pictures taken of Rizza's back clearly showed two fresh burns on each side, corroborating her claim that her elderly employer had applied the flat iron twice on her back.
Del Rosario completed her written statement to the police on Dec 16 and on the same day she and her sister went to the Consulate and were offered shelter at the Filipino Workers’ Resource Center in Kennedy Town.
The Consulate endorsed the case, along with several other labor cases, to the Hong Kong government in a meeting of the Technical Working Group on Dec 16, Quintin said.
“We have given the TWG a copy of the victim’s complaint and we’re certain that the Hong Kong government will act on it,” said Quintin.
The TWG comprises the Consulate, Labour Department, Immigration Department, Hong Kong Police and Employment Agencies Administration. It was formed in 2014 to tackle OFWs’ complaints against abusive employers and employment agencies that charge excessive fees
ATN officer Danny Baldon, who handled Del Rosario’s case, said he would bring it to the attention of the Labour Relations Commission so she could file a monetary claim for the premature termination of her contract.
Del Rosario had earlier shown The SUN a handwritten resignation letter that she was reportedly made to write and sign under duress on the evening of the attack. “My employer said I could not leave unless I signed the letter, so I was forced to sign it,” she said.
Rona said her sister had decided not to lodge a case against her boss and fly home on Dec 27 instead because her employer of three-and-a-half years had paid her for everything that was owed her.
Rizza had reportedly found a new employer through an agency that offered to place her after she paid a $1,000 down payment. She did not reveal the name of the agency.
Meanwhile, Quintin reminded all OFWs in Hong Kong to seek the Consulate’s help immediately when they are physically or verbally abused by their employers.
“Hindi kami nagsasawang magpaalala sa mga workers dito, mga OFW, lalung-lalo yung mga kararating lang, hindi pa sanay sa trabaho dito … Kung may na-experience silang abuso na physical or even verbal, ireport agad sa Konsulado,” Quintin said. “Nandito lang naman po kami para tumulong sa kanila. Nandito rin po ang mga concerned citizens at partner organizations dito para tulungan sila na i-file yung case sa police at sa Labour Department. So huwag po silang mag-atubiling pumunta o dumulog sa Konsulado.”
The Consulate is open Sunday to Thursday and its hotline takes calls 24 hours a day, seven days a week, Quintin said. “Ang hotline natin ay 9155 4023. Bukas po yon. Kung natatakot silang magreport sa police, tumawag lang sa hotline ng Konsulado para matulungan namin sila agad,” the vice consul said.

Humiwalay

Posted on No comments
Limang taong hindi nakapagbakasyon si Sheena sa Pilipinas. Marami siyang nabalitaang hindi maganda ukol sa kanyang asawa ngunit hindi niya sinisita iyon tuwing nakakausap niya sa telepono. Kaya nitong nakaraang Disyembre ay nabuo ang kanyang plano dahil pinapagbakasyon siya ng kanyang mga amo. Nais na niyang hiwalayan ang batugang asawa dahil nahihirapan na siya sa pag-unawa rito. Wala na ngang trabaho ay nakukuha pang mambabae gamit ang perang pinadadala niya para sa kanilang anak. Nasa eroplano pa lamang si Sheena ay nanggigigil na ito at nag-aalala rin sa maaaring mangyari sa paghaharap nila ng kanyang asawa. Dahil pagod si Sheena sa biyahe ay nagpasiyang magpahinga muna sa bahay ng isang kaibigan sa kabilang bayan dahil nais niyang maging malakas siya pagharap sa pamilya niya at sa asawa. Katabi pa mismo ng kanilang family house ang itinayo niyang bahay kaya ikinundisyon muna ang katawan bago humarap sa kanila. Si Sheena ay tubong-Isabela, 38 taong gulang at kasalukuyang nakabasyon sa Pilipinas. Siya ay nakatakdang bumalik sa Hong Kong sa Enero. — Marites Palma

Naisahan

Posted on No comments
Naantig ang puso ni Ela sa isang pasaherong umiiyak sa tabi matapos humarap sa check-in counter, kaya tinanong niya ang kapwa-Pinay kung ayos lang siya. Bumalot ang lungkot na mukha ng Pinay at sinabing wala palang nabili ang amo na extra kilo para sa kanyang luggage. Pinapabayad siya ng $450 para sa kanyang bagahe, ngunit wala na raw siyang dalang pera dahil pinadala na niya ito sa kanyang account sa Pilipinas. Naawa si Ela at nagtiwala kaagad kaya pinahiram niya ng pera ang pobreng pasahero. Nakialam ang katabi nilang Pinay na nakamasid sa kanilang pag-uusap at nagmungkahing kunan niya ng larawan ang Hong Kong ID nito. Nagpaunlak naman ang huli. Maaliwalas na ang mukha nito at masaya nang nakipagkwentuhan tungkol sa kanilang mga pamilyang naiwan sa Pilipinas at sa mga sasalubong sa kanila. Nangako siya na iaabot din ang pera kahit sa katumbas na halaga sa peso pagdating ng asawa dahil nagpahiram na daw siya ng pambayad. Ngunit biglang naglaho ang pinautangan paglabas nila sa Immigration. Nakalabas na lahat ang mga kasabayan nila sa eroplano pero hindi na iyon nahagilap ni Ela. Kasama na niya ang kanyang asawa sa paghahanap ngunit hindi na nila talaga nakita ang babae. Naabutan niya sa labas ang kasabay na nagmungkahing kuhanan ng larawan ang ID niya, at humingi ng tulong na hanapin ang babaeng iyon sa Facebook. Nagpalitan sila ng Hong Kong telephone number para makapagkumustahan sila pagbalik nila sa Hong Kong. Si Ela ay tubong-Iloilo, may asawa at anak, at apat na taon nang naninilbihan sa Mongkok. — Marites Palma

Bawal ang heater

Posted on No comments
Dalawang taong nagtiis si Marie na maligo ng malamig na tubig kahit taglamig dahil mahigpit na ipinagbabawal ng kanyang napakakuripot na amo ang paggamit ng heater dahil makunsumo raw iyon sa koryente. Kaya tuwing naliligo si Marie ay napapahiyaw siya sa ginaw at napapaiyak tuwing nanginginig na ang kanyang katawan pagkatapos niyang maligo. Ngunit tiniis niya iyon sa loob ng dalawang taon sa tindi ang kanyang pangangailangan ng pera, dahil ayaw niyang mahinto sa pag-aaral ang mga anak. Nawawala lamang ang nararamdaman niyang ginaw tuwing napapasakamay niya ang kanyang buwanang sahod. Noong malapit nang matapos ang kanyang kontrata ay kinausap siya ng kanyang among Intsik na pipirmahan siya muli ngunit buong tapang na siyang tumanggi at sinabing hindi na niya kayang maligo na walang heater tuwing taglamig. Nagkibit-balikat lamang ang kanyang amo at sinabing kukuha na lang daw sila ng bago na galing sa Pilipinas. Hindi naman nahirapang humanap ng bagong amo si Marie. Naging masuwerte siya sa pangalawang amo dahil pwede na siyang gumamit ng heater sa paliligo at maging sa paglilinis at paghuhugas. Si Marie ay tubong-Cagayan Valley at kasalukuyang naninilniban sa New Territories. Siya ay may asawa at anak.— Marites Palma

Malungkot na Pasko

Posted on No comments
Nasanay na si Bella na kapag Pasko ay kasama niya ang kanyang pamilya sa Cavite, kabilang ang kanyang dalawang anak na lalaki. Ngunit ilang buwan. bago itong pinakahuling Pasko ay inabisuhan siya ng kanyang amo na hindi siya makakauwi dahil isasama siya sa holiday ng mga ito sa Thailand. Noon pa man ay nalungkot na siya dahil hindi lang sa Pasko niya hindi  makakasama  ang mga anak, kundi pati sa kaarawan ng kanyang bunso ilang araw bago magpasko. Pilit na lang niyang inisip na  trabaho naman ang pinunta niya dito sa Hong Kong at kung iyon ang gusto ng kanyang mga amo, wala naman siyang magagawa. Pero pagdating pa lang nila sa Thailand ay nanibago na siya dahil di gaya dito sa Hong Kong ay wala man lang kahit anong diwa ng kapaskuhan sa paligid. Lalo lang siyang nalungkot kaya kapag nag uusap sila ng kanyang mga best friends ay puro hinaing ang kanyang sinasabi. Nililibang na lang siya ng mga ito at kinakantiyawan para maging masaya ang usapan. Ang mga kaibigan din naman ni Bella ay hindi rin nakauwi ngayong Pasko, kaya ika nga nila ay patas lang silang apat na magkakaibigan. Pare pareho na lang silang nabibilang sa SMP, ang samahang malalamig ang pasko! Sa kabila nito, sa pamamagitan ng chat sa FB ay sama-sama pa rin silang nag uusap at nagsasaya para kahit paano ay hindi sila nalulungkot, Isang malaking dahilan ito kaya naiibsan nang husto ang hinaing ni Bella, na nakatira sa Causeway Bay, at mahigit 10 taon nang nagtatrabaho sa Hong Kong. — Jo Campos


Simbang gabi

Posted on No comments
Sa kagustuhang makapag simbang gabi, naglakas-loob si Emi na magpaalam sa kanyang amo. Hindi kasi nakakalabas ng bahay si Emi kung hindi rin lang day off,at lalong hindi sa gabi, dahil mahigpit ang kanyang amo sa Discovery Bay. Kahit mahigit 10 taon na siyang nagtatrabaho sa kanyang amo ay tila wala pa rin itong tiwala sa kanya. Matiyaga lang talaga si Emi dahil tumagal din siya sa paninilbihan dito.  Dininig naman ang dasal niya dahil pinayagan naman siya,  yun nga lang ay marami pang sinabi ang amo.Pinagbintangan pa siyang napaghinalaan pa siyang may kinakatagpo umanong boyfriend sa gabi. Natawa na lang si Emi sa mga sinasabi ng kanyang amo dahil ang talagang hangarin lang niya ay ang makalabas ng gabi para magsimba.  laking tuwa nita nang makumpleto niya ang siyam na gabing novena para sa simbang gabi. Panalangin niya namatupad na ang kanyang sikretong kahilingan na kapalit man lang sana ng kanyang kababaang loob,  kasipagan, at pagtitiyaga sa kasungitan ng kanyang amo. — Jo Campos


Don't Miss