Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Monet’s masterpieces at HK’s Heritage Museum

Posted on 01 June 2016 No comments
By Vir B. Lumicao

If Claude Monet were around today, he would most likely be displaying in an exhibition of his works  an image of Lek Yuen Bridge arching slightly in a shroud of warm, light and dark colors across Shatin’s Shing Mun River.
The French painter called his style, introduced in 1860, as Impressionism, or the use of dabs and strokes of primary unmixed colors to simulate on canvas actual reflected light on natural objects.
The style soon became a movement that other masters such as Edgar Degas, Edouard Manet, and Pierre-Auguste Renoir embraced as they broke away from the Realists of the era.
Now, art lovers in Hong Kong need not spend a fortune to travel to France and elsewhere in Europe to see one of the biggest collections of Monet’s paintings ever brought to the territory. The priceless art collection, all 17 masterpieces, can be viewed up close at the Heritage Museum in Shatin
Compared with at least $20,000 a Hong Kong individual spends on a trip to Paris to view the masterpieces at the Louvre, ticket prices at the Shatin museum starts at $5 for students, persons with disabilities and seniors on Wednesdays and $10 for adults.
On regular days the prices double. The museum is closed on Tuesdays
The exhibition, dubbed “The Spirit of Place –A Walk-through into the Art of Claude Monet,” opened on May 4 and ends on July 11
On display are the artist’s most emblematic and predominantly oil on canvas obras including Nymphéas, Break-Up of the Ice at Vétheuil, facing Lavacourt, Water Lilies, Effect of Spring, Giverny; Water Lily Pond in Giverny, and The Houses of Parliament, and Wisteria.
The works were his mental snapshots of the places around France and across Europe where he painted. Only one of them was done in pastel, a rarity in Monet’s time.
“His works explore all possible viewpoints, seasons and variations of the beautiful nature. Capturing the momentary effects of light, atmosphere and imperceptible details illuminating a landscape’s spirit, we can understand his appreciation of nature and his transformation from simple illustration of places to series of paintings and modern art in this exhibition,” said the Heritage Museum in its introduction to the exhibition.
Monet was inspired by the colors of nature, and he found these sources of great inspiration in his garden in Giverny, from which he had made scores of drawings and paintings. As he tended his garden, he came to discover its wealth.
“I must have flowers, always, and always,” he wrote in one essay about his works, saying his garden was his greatest masterpiece and “color is my daylong obsession, joy, and torment” in another.
While doing his series on “The Houses of Parliament” in London, he used variations of bright and dark color combinations to capture different moments and moods on a single object. He said he “jotted down the colors I thought I could see in the water”.
The blending of mountains, greenery and modern civilization in Shatin, where the Shing Mun River cuts a watery path to Tolo Harbour, would have inspired the artist further were he alive today and lived next to nature. For his appetite for beauty was boundless.
“Every day I discover more and more beautiful things. It’s enough to drive one mad. I have such a desire to do everything, my head is bursting with it,” Monet had said.
For art lovers in the Filipino community in Hong Kong, here is a once in a lifetime opportunity to savor some of the genius’ paintings and be a part of his beautiful world.
And for a price just half of a Café de Coral lunchbox, the gallery also offers guests free entry to the Bruce Lee museum and an exhibit of ancient Chinese ceramics, many of which date back to the Han dynasty in the second century.

BM Online Brigade

Posted on No comments
Ni Marites Palma

Pagtulong sa kapwa ang nag-udyok sa isang grupo ng 12 OFW na nagtapos ng dalawang taong kurso na associate in information technology sa isang paaralan sa Hong Kong na tumalima sa kahilingan na mamahagi ng kaalaman tungkol sa pagkuha ng overseas employment certificate o OEC, gamit ang internet.
Laging laman kasi ng mga balita ang walang katapusang problema na dulot ng patakaran na kailangang kumuha ng OEC ang mga OFW na magbabakasyon sa Pilipinas para sila makabalik sa trabaho. Ang resulta, kapag dagsa ang gustong umuwi sa mga panahong katulad ng Mahal na Araw, pagtatapos sa eskwela o Pasko, inaabot ng maghapon ang pagpila para sa kapiranggot na papel na nagkakahalaga ng $20.
Isang paraan para maiwasan ang pilahan ay ang pagrehistro sa Balik Manggagawa Online (o BM Online), kung saan ipapasok ang mga personal na detalye ng isang manggagawa para makakuha siya ng OEC. Kapag tagumpay ang pag-re-rehistro ay maari na siyang magbayad sa ilang itinalagang bangko para makuha ang dokumento na gagamitin niya para makaalis ng bansa at malibre sa pagbabayad ng buwis at iba pang bayarin sa paliparan.
Ngunit dahil sa ilang mga problemang lumitaw sa pagrehistro sa BM Online, bukod pa sa hindi lahat ng OFW ay maalam sa paggamit ng computer, marami ang patuloy na nagtitiyaga na pumila para dito.
Si assistant labor attache Henry Tianero na itinalaga bilang tagapamahala ng BM Online ang gumawa ng paraan para mahikayat ang grupong ito na tumulong sa pagpapaliwanag ng mga benepisyo ng paggamit ng internet para umiwas sa pila.
Unang sumabak sa boluntaryong pag-aayuda ang grupo noong Marso 27. Ang bilin sa kanila ay tulugan ang kanilang mga kapwa OFW na maintindihan ang kahalaga-han ng pagre-rehistro sa BM Online, at pati ang paggamit ng computer kung hindi pa nila ito alam. Tumutulong din ang grupo na makagawa ng email account ang aplikante para makarehistro.
Katulad din ng ginawa nilang pagsisikap upang makapagtapos ng kurso habang naninilbihan bilang kasambahay sa Hong Kong, naninilbihan ang grupo sa mga kapwa OFW tuwing Linggo.
Ayon sa kanila, madalas silang napapaharap sa mga taong mainipin, masusungit, lubhang seryoso o maproblema at mahirap umintindi sa paliwanag, bagamat mayroon din na malawak ang pag-iisip at hindi lubos ang pasasalamat sa kanilang pagtulong.
Pilit na lang daw silang nagtitimpi kapag napapasabak sa mga problemadong OFW. Todo ngiti pa rin sila at mahinahong nakikipag-usap at nagpapaliwanag sa kung ano ang dapat gawin ng mga aplikante para sa susunod na pagkuha nila ng OEC.
May mga pagkakataong napapahiya daw sila dahil tinitingnan sila mula ulo hanggang paa ng isang aplikante, pero ngiti lamang ang pwede nilang isukli sa mga matatalim na tingin sa kanila. Kung kakayanin ay dinadaan na lamang nila sa biruan ang usapan para nila makuha ang loob ng kanilang tinutulungan. Hindi daw sila pwedeng magtaray dahil pangalan ng gobyerno ang masisira kapag nagkataon.
Sa kabila ng hindi magandang karanasan na inaabot nila ay pasalamat pa rin ang grupo dahil marami daw silang natututunan sa tamang pakikisalamuha sa ibang tao, katulad ng paano kontrolin ang sarili. Natutuwa din sila dahil kahit sa isang maliit na paraan ay nakatulong silang maibsan ang dagdag problema sa mga kapwa nila OFW.
Ayon kay Jeistela Coñaliza na isa sa mga volunteer, ang ganitong pananaw ang nakakatulong ng malaki upang tumatag ang kanilang adhikain na patuloy na magsilbi. Gaano man kahirap ang kanilang nararanasan tuwing Linggo ay masaya pa rin daw sila at inspirado dahil alam nilang sa maliit na paraan ay nakakatulong silang mapagaan ang dinadala ng kanilang kapwa OFW.
Katuwang din nila sa pagtulong ang iba pang grupo ng Pilipino na pinakiusapan naman ng bagong labor attache Jalilo de la Torre na tumulong din para maibsan ang problema tungkol sa pilahan para sa OEC.
Kabilang sa kanila ang Global Alliance na pinangungunahan ni Leo Selomenio, na nakatokang mamigay ng mga application form sa mga aplikante na pumupunta sa shop ng Smart sa Worldwide Plaza tuwing araw ng Sabado, kung kailan sarado ang POLO.
May iba pang grupo na umaayuda naman sa mga nagpupunta sa Metrobank sa Admiralty at iba pang lugar sa labas ng POLO na napakiusapan din ni Labatt de la Torre na tumulong.
Bagamat nabawasan ng malaki ang bilang ng mga pumupunta sa POLO para kumuha ng OEC dahil sa mga pamamaraang ito, ang tunay na hamon ay makikita sa darating na buwan, kapag dumagsa muli ang gustong umuwi sa Pilipinas. Muling masasabak ang BM Online volunteers at iba pang grupo na tumutulong para tugunan ang matagal nang problemang dulot ng OEC.
Ngunit para sa mga nakararaming OFW, ang tunay na solusyon ay wala sa pag-aayos ng pila o pagkumbinsi sa marami na mag-online sa pagkuha ng OEC. Ang kalutasan ay nasa pagtanggal na nang tuluyan sa kapirasong papel na ito, na hindi lang kalabisan na patunay, kundi nagdudulot pa ng dagdag na sakit ng ulo at bayarin sa mga OFW.

Vietnamese Chicken Noodle Soup

Posted on No comments

Ingredients:
• 1 tbsp. oil
• 3 shallots, sliced
• 3 garlic cloves, sliced
• 1 lemongrass stalk, chopped
• 1 inch ginger, sliced
• spice mix (3 whole star anise, 1 cinnamon stick, 1 teaspoon coriander seeds, ¼ teaspoon Chinese five-spice, ¼ teaspoon black peppercorns)
• 1 tsp. sugar
• 1 tbsp. fish sauce
• good quality fresh chicken stock 1.25 - 1.5 liters (5-6 cups)
• 500 g. free range boneless skinless chicken breasts (or use roasted chicken)
• 250-300 g. dried thin rice stick noodles
To serve:
• 1 carrot, shredded or peeled into ribbons with a vegetable peeler
• 2 spring onions, sliced
• mung bean sprouts, 2 large handfuls
• fresh coriander, chopped
• mint leaves chopped
• red chili 1, thinly sliced (optional)
• crispy fried shallots* 2 tablespoons (optional)
• 1 kaffir lime leaf , tough central stalk removed, very finely sliced (optional)
• 1 lime , cut into wedges
• fish sauce and chili sauce to taste
• crispy Asian shallots

Procedure:
1. Heat oil in a small fry pan on medium heat and gently cook shallots and garlic until caramelized and golden brown (about 4-5 minutes).
2. In a large-size pot combine caramelized shallots and garlic, lemongrass, ginger, Chinese five-spice, sugar, fish sauce, chicken stock and chicken breasts. Cover with a lid and bring to a very gentle simmer. Simmer very gently for about 15 minutes to allow all the flavors to infuse and the chicken breasts are just cooked.
3. Meanwhile, prep the vegetables and cook the noodles according to packet instructions until just cooked through (do not over-cook). Rinse under cold water to prevent them sticking together. Drain and divide between serving bowls.
4. Remove the cooked chicken breasts from the soup and shred the meat using two forks. Divide shredded meat between bowls of noodles.
5. Strain the soup through a sieve. Return soup to the pot and bring to a boil. Season to taste with more fish sauce if needed.
6. To serve, ladle piping hot soup into bowls of noodles and chicken, and top with carrot, spring onion, bean sprouts, herbs, crispy shallots and kaffir lime leaf. Serve with a lime wedge to squeeze over, and more fish sauce and chili to add according to taste.

Daisy of all trades

Posted on No comments
By Jo Campos


One of the main requirements when being hired as a domestic worker here in Hong Kong usually is one’s cooking skills, probably next to childcare and household work.  OFWs take pride of their efficiency in their jobs. Although for some, learning to cook is just part of the job while some takes passion and continue to expand their knowledge.  Their cooking skills can be used for their future plans like setting up a food business when they go back to the Philippines for good. One particular ex OFW we featured in this column is now a flourishing entrepreneur in food business back home in the Philippines.
    Like most OFWs, our featured Celebrity Chef takes pride of her baking skills. Daisy Eugenio, married with 2 children from Baguio City came to Hong Kong 11 years ago to work as a domestic helper. The first few years were hard for Daisy, she went through undesirable working conditions which forced her to break contract a few times. Luckily, she found an employer who is kind and who supports her eagerness to learn skills.  Daisy is currently employed by a British family for more than 2 years in Discovery Bay. “Marami akong pinagdaanang hirap bago ako napunta dito sa present employer ko.” “Nagpapasalamat ako dahil suportado niya ako at handang turuan ako.” Daisy said. As for baking cakes, she said that it has been her dream to learn the art of cake decorating.  To learn more of her passion, she enrolled in a livelihood program in Baking and Cake Decorating at the Methodist Church in 2012. She continued to learn more techniques in making fondant icing through instructional videos in the internet.  At present, with the full support of her employer, she makes custom made cakes for all occasions in the comfort of her employer’s kitchen. Daisy is gaining popularity and clientele around DB area. Although she doesn’t make a lot of profit from the cakes she makes, Daisy said, “ hindi naman malaki ang tinutubo o kumikita ako sa mga cakes, yung mabawi lang ang gastos sa mga ingredients na binibili, okay na iyon. At least, nasasanay ako sa paggawa at lalo ko napapaganda ang mga cakes na order sa akin.”
    Daisy’s culinary skills include cooking savory dishes too. She likes cooking Indian and
Southeast Asian cuisine. One of her favorite dish to make is a Vietnamese soup noodle. Pho Ga, the savory, light broth made of chicken simmered to make that clear, aromatic soup base that brings out the flavor of the ingredients combined.
    Her thirst for learning doesn’t stop with cooking, she is currently taking up LSE (Leadership and Social Entrepreneurship) course this year. Daisy also finished a course last January this year in Beauty Treatment and Massage Therapy in YMCA. Also a fitness enthusiast, she attends Yoga classes in Discovery Bay on Tuesday nights and attends free health and wellness workshops and activities offered for free in DB community.
    Daisy believes that these courses will help her prepare for reintegration in the Philippines. She said that working in Hong Kong is not a permanent job and it is important to use her day off in a productive way.
Pho’ Ga


Vietnamese Chicken Noodle Soup
Ingredients:
• 1 tbsp. oil
• 3 shallots, sliced
• 3 garlic cloves, sliced
• 1 lemongrass stalk, chopped
• 1 inch ginger, sliced
• spice mix (3 whole star anise, 1 cinnamon stick, 1 teaspoon coriander seeds, ¼ teaspoon Chinese five-spice, ¼ teaspoon black peppercorns)
• 1 tsp. sugar
• 1 tbsp. fish sauce
• good quality fresh chicken stock 1.25 - 1.5 liters (5-6 cups)
• 500 g. free range boneless skinless chicken breasts (or use roasted chicken)
• 250-300 g. dried thin rice stick noodles
To serve:
• 1 carrot, shredded or peeled into ribbons with a vegetable peeler
• 2 spring onions, sliced
• mung bean sprouts, 2 large handfuls
• fresh coriander, chopped
• mint leaves chopped
• red chili 1, thinly sliced (optional)
• crispy fried shallots* 2 tablespoons (optional)
• 1 kaffir lime leaf , tough central stalk removed, very finely sliced (optional)
• 1 lime , cut into wedges
• fish sauce and chili sauce to taste
• crispy Asian shallots

Procedure:
1. Heat oil in a small fry pan on medium heat and gently cook shallots and garlic until caramelized and golden brown (about 4-5 minutes).
2. In a large-size pot combine caramelized shallots and garlic, lemongrass, ginger, Chinese five-spice, sugar, fish sauce, chicken stock and chicken breasts. Cover with a lid and bring to a very gentle simmer. Simmer very gently for about 15 minutes to allow all the flavors to infuse and the chicken breasts are just cooked.
3. Meanwhile, prep the vegetables and cook the noodles according to packet instructions until just cooked through (do not over-cook). Rinse under cold water to prevent them sticking together. Drain and divide between serving bowls.
4. Remove the cooked chicken breasts from the soup and shred the meat using two forks. Divide shredded meat between bowls of noodles.
5. Strain the soup through a sieve. Return soup to the pot and bring to a boil. Season to taste with more fish sauce if needed.
6. To serve, ladle piping hot soup into bowls of noodles and chicken, and top with carrot, spring onion, bean sprouts, herbs, crispy shallots and kaffir lime leaf. Serve with a lime wedge to squeeze over, and more fish sauce and chili to add according to taste.


Demanding

Posted on No comments
Nakatanggap si Kathy ng tawag minsan sa isang Pilipinang DH na inilapit ng dating kakilala sa Hong Kong na nasa ibang bansa na. Ayon sa tumawag, gusto na daw nitong umalis sa amo na pinagsilbihan niya ng isang buwan pa lang. Nang tanungin ni Kathy kung bakit ay isang mahabang litanya ang pinakawalan ng kausap, sa tonong nanghihihingi ng awa. Unang una sa mga reklamo nito ay ang pag-uwi daw ng amo ng hatinggabi mula sa trabaho. Napupuyat daw lagi ang Pilipina dahil siya ang nagbabantay sa bagong silang na sanggol ng amo. Nang tanungin ni Kathy kung anong oras siya gumigising kinabukasan ay sumagot ito ng alas sais, sabay litanya ulit ng mga pinagdadaanan nitong hirap. Ayon pa sa Pilipina, nagkabukol siya sa likod dahil sa pagkarga-karga sa alagang sanggol. Nang sabihin ni Kathy na malabong ang pagkarga sa bata ang dahilan ng kanyang bukol sa likod, lalo na at isang buwan pa lang siya sa mga amo ay agad itong sumagot na "fit to work" naman daw ang sinabi sa kanyang medical certificate bago siya umalis para magtrabaho sa ibang bansa. Marami pang reklamo ang Pilipina na hindi umani ng simpatiya kay Kathy, dahil pawang mababaw ang dahilan, katulad ng maiingay diumano ang dalawa pang anak ng amo na 12 at 16 taong gulang. Aminado naman ang kausap na napakabait ng mga amo, at tinapat siya na malaking halaga ang ibinayad sa agency para lang makuha siya. Walang tigil din ang mag-asawa sa pagtatrabaho para masuportahan ang pangangailangan ng tatlong anak. Sa kabila nito ay handa pa rin daw ang mga amo na pakawalan si Kathy basta magbigay siya ng pasabi. Payag din ang mag-asawa na patingnan siya sa doktor dahil sa inirereklamo niyang bukol sa likod. Hindi na nakatiis si Kathy sa pagsasabi na parang hindi handa ang kausap na manilbihan sa Hong Kong. Agad naman itong umamin na parang ganoon na nga, kaya pati ang ina nito ay nagsabi na umuwi na lang siya sa Pilipinas. Ang problema ng Pilipina ay dinala daw siya ng kanyang agency sa isang pautangan, at pinapirma para sa $10,000 na utang. Ang $ $8,500 ay kinaltas para daw sa kanyang placement fee, at ang $1,500 ay ibinigay sa kanya para panggastos. Sinabihan na lang ni Kathy ang kausap na pumunta sa Philippine Overseas Labor Office para magpatulong na mabura ang kanyang utang at baka kahit nakauwi na siya sa Pilipinas ay ipahabol pa rin siya sa kolektor doon. -- DCLM

Mabaho

Posted on No comments
Tuwing umuuwi galing sa trabaho ang amo ni Doris ay nahihilo siya sa mabahong amoy ng mga paa nito. Nagtataka siya tuloy kung hindi pa naamoy ng amo ang sarili nitong paa.  Malinis naman ito sa katawan pero sobrang bantot talaga ng mga paa nito kapag hinubad na ang mga sapatos pagdating sa bahay. Kahit ang amo niyang lalaki ay parang hindi naamoy ang mga paa ng asawa, o dili kaya ay nasanay na lang ito. Anim na buwan pa lamang na naninilbihan si Doris sa mga amo kaya wala siyang sapat ng lakas ng loob na sabihin sa amo kung ano ang dapat nitong gawin sa mga paang mabaho. Sabi niya sa sarili, hintayin na lamang  niya na makapagsalita ang alaga para ito na lang ang magsabi sa ina tungkol sa mga mabaho nitong paa. Minsan kapag hindi niya halos matiis ang amoy ay naiisip niya na regaluhan ang amo ng pulbos para pantanggal sa amoy pero nauunahan siya ng hiya, at baka din siyang i-terminate nito kapag napahiya. Ang kainaman lamang ay super bait ang mag asawa kaya todo pa rin ang ngiti niya tuwing dumarating ang mga ito, pati ang among babae na mabaho ang paa. Si Doris ay tubong Isabela at solong magulang. - Marites Palma


Nagsisi

Posted on No comments
Akala ni Alice ay hindi na sila magkakausap pa ng kanyang matalik na kaibigan pagkatapos ng away nila sa Facebook dahil magkaiba ang kandidato  na kanilang sinuportahan sa katatapos na halalan. Nalungkot si Alice dahil nag-iba ang pag-uugali ng kaibigan. Naging brutal ito sa pananalita at naging palamura pa. Hinayaan lamang niya ang kaibigan, at tumahimik na lang. Hindi na niya ito sinabayan sa mga lakad tuwing araw ng pahinga, at hindi sila nag-imikan ng ilang linggo hanggang natapos ang halalan. Natalo ang sinuportahan ni Alice kaya naging mas mapagmataas sa FB ang kaibigan. Ngunit isang araw ay hindi inaasahang nagpang-abot sila sa dati nilang tambayan kung saan sila kumakain tuwing araw ng suweldo. Hindi nila napigilang magngitian, sabay sabi ng "baliw", at tuluyan nang nagkayapan. Tapos na ang pulitika sabi ng isa, at hindi yun ang dahilan upang masira ang matagal na nating pagkakaibigan. Pasensya ka na ha sabi ni Alice sa kaibigan kung bakit dumistansya ako sa iyo, ayaw ko kasi ng away, alam mo naman tahimik akong tao. Sagot ng isa, ako nga dapat humingi ng paumanhin sa iyo kasi masyado akong nagpadala sa aking emosyon sa paghahangad ng pagbabago sa ating gobyerno pero napag-isip isip ko na tayo pala ang talo dahil puro trapo din ang napipisil na italaga ng papasok na pangulo sa kanyang gabinete. Tama na ang drama, sagot naman ni Alice, mag-order ka na at ikaw ang taya dahil nanalo ang pangulo mo, bago sabay na nagtawanan ang dalawa. Si Alice at ang kaibigan ay parehong tubong Cagayan Valley at matagal ng naninilbihan bilang kasambahay sa mga among taga New Territories. -- Marites Palma


Pasasalamat

Posted on No comments
Para kay Lorie, masuwerte pa rin siya dahil kahit na hindi naging maganda ang kanyang karanasan sa malupit na amo ay maraming tumutulong sa kanya. Baguhan lang si Lorie sa Hong Kong. Dumating siya dito noong Pebrero upang magtrabaho sa among Intsik sa Lantau. Sa unang suweldo pa lang niya ay nagtaka siya dahil napalaki ng kaltas dito at nang itanong niya kung bakit ay sinagot siya ng amo na base umano ang sahod niya sa kanyang pagtatrabaho. Hindi na lang umimik si Lorie at tinanggap ang sahod kahit ito ay kulang. Lumipas ang ilang buwan at hindi pa rin siya pinalalabas upang mag day off kaya’t binanggit niya ito sa amo ngunit nagalit lamang ito. Hindi rin binabayaran ang mga day off na pinagtrabahuhan niya. Nagpasya si Lorie na magtiis sa ganitong kalakaran dahil takot siyang mawalan ng trabaho, ngunit isang araw ay bigla na lang siyang pinalayas ng palalong amo. Tahasang sinabi nito na mag impake na siya ng kanyang mga gamit at lumayas, at kung hindi ay tatawag daw ito ng pulis. Hindi alam ni Lorie kung anong kasalanan ang kanyang nagawa upang palayasin siya ng amo. Ngunit dahil sa takot ay agad ding umalis si Lorie dala ang kanyang mga gamit. Walang ibinigay sa kanya ang kanyang amo ng kahit ano. Walang suweldo, air ticket o release letter. Sa kabutihang palad ay may kababayan siyang nagmalasakit at dinala siya sa isang grupo na tumutulong sa mga OFW na may problema. Dinala siya ng grupo sa Labour Department at Immigration. Agad naman siyang nabigyan ng kaukulang visa para makapanatili sa Hong Kong habang naghihintay ng araw ng paghaharap nila ng kanyang amo sa Labour Department. Handa si Lorie na harapin ang kanyang amo at sabihin lahat ng kanyang dinanas at makuha ang mga benepisyong nararapat para sa kanya. Ngunit dahil hindi siya puwedeng magtrabaho habang naghihintay na matapos ang kanyang kaso ay umaasa na lang siya sa mga abot na tulong ng kapwa Pinay. Ang iba ay nagbibigay ng pagkain at ang iba naman ay kaunting pera para sa kanyang mga pangangailangan. Napakalaki ng pasasalamat ni Lorie sa mga kapwa Pinay na tumutulong sa kanya at nagpapayo na ipaglaban niya ang kanyang karapatan. Umaasa din si Lorie na makakahanap siya ng bagong amo, at kung maaari ay iyong makatao at hindi sakim.  –Jo Campos


Ang payong

Posted on No comments
Noong nakaraang eleksyon na ginanap sa Bayanihan Center, tuwing Linggo ay napakahaba ng pila ng mga botanteng OFW. Ang mga volunteer ang siyang namamahala ng kaayusan sa pilahan at pagbibigay ng kaalaman kung paano magiging maayos ang proseso sa pagboto. Isa si Delia sa mga volunteer na nakatoka sa may pintuan ng Bayanihan. Buong araw siyang matiyagang nanatili sa kanyang puwesto. Isang araw ng Linggo noon nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Isang lalaki ang nasa pilahan na walang dalang payong ang nababasa na at napansin iyon ni Delia. Agad naman niyang pinahiram ng kanyang payong sa lalaki at sinabing “Kuya pakibalik na lang sa akin ang payong ko pagkatapos mong bumoto.” Nangako naman ang Pinoy na kausap niya na ibabalik sa kanya ang kanyang payong. Lumipas na ang maghapon ngunit walang nagbalik ng payong ni Delia. Hangga’t nakalipas na muli ang isang linggo ngunit tila wala na siyang aasahan pang magbalik ng kanyang payong. Bukod sa panghihinayang dahil ang payong na iyon ay paborito ni Delia, tila madadala na raw siyang magmagandang loob sa susunod dahil sa karanasan niyang ito. Nakakadala raw minsan na tumulong ka na sa iba, hindi na nga nagpasalamat, tinangay pa ang gamit mo. Sagot naman ng kaibigan ni Delia, hayaan na raw at ituring na lang niyang isang remembrance kay Kuya ang hiniram na kanyang payong. Nais nga sana niyang manawagan dito sa The SUN upang ipaabot sa kababayang Pinoy na isauli ang kanyang payong.  –Jo Campos


Xyza’s ‘Modern Slavery’ series

Posted on No comments
By William Elvin

Followers of Filipina photographer Xyza Cruz Bacani’s career will be pleasantly surprised by the subtlety and simplicity displayed in her latest solo exhibit in Hong Kong entitled ‘Modern Slavery’.
Patrons who have become accustomed to Bacani’s frantic black and white capturing of busy streets and people will find the silent and serene tone of the photographs refreshing.
It is also notable that although the artist has touched on abuse and slavery as subject matter in earlier exhibits, a more mature artistic layering and use of subtext dominate this deliberately low-key collection.
But whatever the technique, Bacani continues to present us with colorful stories through a simple palette of black, white, and gray.
The former domestic helper’s gallery presents human trafficking victims in New York, the United Arab Emirates, Singapore and Hong Kong in seemingly mundane situations. There are no depictions of actual abuse and horror, yet seeing the subjects and knowing their pain beyond the facade of ordinary activities such as socializing and participating in cultural and religious rituals give Bacani’s material more emotional power.
According to Bacani, the goal of the exhibit is to “humanize the global problem of human labor trafficking”.
By moving away from a direct and in-your-face approach to presenting the abuse victims, Bacani has succeeded in bringing to the forefront the beauty and vitality that could emerge from their experiences .
In the process, observers are able to connect and sympathize with the subjects, not because they have been bombarded by bloody and gory images, but because the victims still choose to be human – to still be among us -  despite the massive pain and abuse they must have endured.
‘Modern Slavery’is displayed at KONG Art Space in Villa Serene, 3 Staunton Street, Central from May 21 to June 10, and is sponsored by the U.S. Consulate and KONG Art Space. For inquries, please call 9887 9840.

Gupta opens first solo photo exhibit

Posted on No comments
Gupta (center) with two of her guests.
Up-and-coming Filipina painter and photographer Janet Pancho-Gupta opened her first photo exhibit at the Culture Club gallery in Central on May 4.
The show, "Finding Space," runs until June 4. It features a collection of photos that capture daily life in Hong Kong, the busy urban landscape, and of nature.
"When I do photography I am completely happy and rejuvenated especially (after) a long day in the studio contemplating my next subject to paint.  My photography expresses a lot of my free spirited nature and my silent wishes.  I like macro photography because it brings me back to my child-like curiosities and beliefs in finding magic in ordinary places," said Gupta of her collection.
Gupta, a former Filipino migrant worker, has also held solo and group exhibitions of her paintings in the past eight years in Hong Kong. She’s currently working on her next solo painting exhibition towards the end of the year. For more about her works visit her official website www.janetpanchoguptafineart. com.

Jaclyn Jose best actress sa Cannes

Posted on No comments
Ipinagbunyi ng Pilipinas ang pagwawagi ni Jaclyn Jose bilang best actress sa prestihiyosong Cannes Film Festival para sa pelikulang Ma’ Rosa ng batikang director na si Brillante Mendoza. Si Jaclyn ang kauna-unahang Pilipino na nagwagi ng acting award dito, at tinalo niya ang mga sikat na Hollywood actresses na sina Marion Cotillard at Charlize Theron.
Naging madamdamin ang pagtanggap niya ng award nang hilahin niya upang isama sa stage ang kanyang anak na si Andi Eigenmann, na kasama rin niya sa Ma’ Rosa. "I’m at a loss for words! I am so surprised and moved. Thank you from the bottom of my heart to all the jury members. I thank the director Brillante Mendoza, whose instructions I simply followed,. He’s a brilliant director, a genius. I am so happy you liked the film. I’d like to salute the Philippine people,", ang sabi ni Jaclyn.

Sinabi pa ng aktres na hindi raw siya nagpaka-stage mother nang isama niya ng kanyang anak, at hindi daw niya ibinebenta si Andi sa mga foreign producers na nasa audience. Gusto lang daw niyang i-share ang kanyang special moment kay Andi. Kailangan din nya ng moral support dahil nanginginig siya habang nasa stage, pero nang hawakan niya ang kamay ng anak ay nakapagsalita siya ng maayos dahil nabigyan siya ng lakas nito. Tinanggap daw niya ang Ma’ Rosa upang mabigyan ng tsansa si Andi na maka-attend ng film festival na gaya ng Cannes. Gusto daw niyang ibigay sa anak ang mga naging karanasan niya sa pagdalo sa mga ganitong okasyon.
Ang iba pang nanalo sa Cannes sa taong ito: best picture (Palme d’Or) – I, Daniel Blake, Grand Prix – It’s Only the End of The World, Jury Prize – American Honey; best actor – Shahab Hosseini (The Salesman); best directors: Cristian Mungiu (Graduation) at Olivier Assayas (Personal Shopper).
Nang bumalik ang kanilang grupo sa Pilipinas noong May 24 ay sumabak na agad sa trabaho si Jaclyn. Matapos siyang magpaunlak sa mga sumalubong sa kanya sa airport ay tumuloy siya sa presscon ng kanyang bagong Kapuso TV series na “A1 Ko Sa ‘Yo”. Kinabukasan ay binigyan siya ng munting salu-salo nga kanyang mga kasamahan sa “A Millionaire’s Wife”. Kasama ding binigyan ng cake na may “Congratulations” ang isa pa nilang kasamahan na si Sid Lucero na nanalo ring best actor sa Los Angeles Comedy Festival para sa pelikulang “Toto”, na nanalo ring best foreign film.
Ang Ma’ Rosa ay balak isali sa Metro Film Festival sa December, at kung sakali itong mapiling kalahok, halos nakatitiyak nang panalo ulit si Jaclyn bilang best actress.


SOLENN, BONGGA ANG KASAL
Isang masayang pagtitipon ang kasal ng Kapuso star na si Solenn Heussaff  kay Nico Bolzico, isang Argentinian businessman na limang taon na niyang karelasyon. Ginanap ang kanilang kasal sa Eglise Notre Dame sa Combourg, France noong May 21. Sinaksihan ito ng pamilya ni Solenn, kabilang na ang kanyang ama na isang French, ang kanyang ina na isang Filipina at mga kapatid. Naroon din ang barkada ni Solenn na tinaguriang mga IT girls na binubuo nina Georgina Wilson, Anne Curtis, Liz Uy, at Isabelle Diaz, kasama ang kani-kanilang mga kapartner.
Simple pero elegante ang wedding gown ni Solenn, na gawa ni Lihi Tod na isang Israeli designer. Ang suot ng mga bridesmaids at maging mga guests ay pawang pastel shades at earth tones, at walang mga makikintab na ornaments.
Sunud sunod nang nagpapakasal ang mga IT girls. Nauna si Georgina na nagpakasal sa England sa isang Briton na si Arthur Burnand. Pagkatapos ni Solenn, si Isabelle naman ang nakatakdang ikasal sa Italy sa kanyang French boyfriend na si Adrien Semblat bago matapos ang taong ito. Si Anne ay baka magpakasal na rin kay Erwan Heusaff na kapatid ni Solenn, dahil matagal na rin ang kanilang relasyon.
Dumalo rin sa kasal sina Tim Yap, Rajo Laurel, Carla Humpries, at mga kaibigan ni Solenn na pawang mina-manage ni Leo Dominguez na sina Lovi Poe, Paulo Avelino at Bianca King. Naroon din ang kapatid ni Anne na si Jasmine Curtis-Smith, kasama ang bagong boyfriend na si Jeff Ortega.Tila hindi nakadalo ang isa pang barkada nina Solenn na si Raymond Gutierrez. Magpapakasal muli sa Pilipinas sina Solenn at Nico na gaganapin naman sa San Antonio Parish sa Forbes Park sa Makati.

39th URIAN AWARDS NOMINEES
Pinangungunahan ni John Lloyd Cruz ang mga nominado sa 39th Gawad Urian Awards na gaganapin sa June 21 sa Kia Theatre. Nominado bilang best actor si John Lloyd para sa pelikulang “Honor Thy Father” at “A Second Chance”. Ipinagdarasal daw niya na sana ay manalo siya sa Urian dahil ito ay matagal na nilang pangarap ng kanyang ina
Ang beteranong aktor na si Lou Veloso ay nominado rin bilang best actor ( Da Dog Show) at best supporting actor ( Taklub), samantalang si Alessandra de Rossi ay nominado bilang best actress (Bambanti) at sa best music (Water Lemon)
Ang iba pang mga nominado:
Best Actress: Nora Aunor ( Taklub ), Angeli Bayani ( Iisa ), Mercedes Cabral ( Da Dog Show), Alessandra de Rossi ( Bambanti), Anika Dlonius ( Apocalypse Child), Jennylyn Mercado ( Walang Forever), Ces Quesada ( Imbisibol), LJ Reyes (Anino sa Likod ng Buwan) .
Best Actor: Luis Alandy ( Anino sa Likod ng Buwan), John Arcila ( Heneral Luna), John Lloyd Cruz ( Honor Thy Father at A Second Chance ), Ricky Davao ( Dayang Asu), Anthony Falcon(Anino sa Likod ng Buwan) , Sid Lucero  (Apocalypse Child) , Junjun Quintana ( Water Lemon), Jericho Rosales (Walang Forever), Dennis Trillo ( Felix Manalo), Lou Veloso (Da Dog Show), Francisco Guinto ( ARI: My Life with a King)
Best Supporting Actor: Julio Diaz ( Taklub), Lou Veloso  ( Taklub), Tirso Cruz III (Honor Thy Father), JM De Guzman (Imbisibol), Bernardo Bernardo ( Imbisibol),
Micko Laurente ( Bambanti), RK Bagatsing ( Apocalypse Child), Alion Ibanez (Da Dog Show)
Best Supporting Actress: Rio Locsin ( Iisa), Anna Abad Santos (Apocalypse Child),  Gwen Zamora (Apocalypse Child), Mylene Dizon ( Heneral Luna), Tessie Tomas (Water Lemon), Liza Dino ( Toto), Cecil Yumol (ARI: My Life with a King).
Best Film: “Anino sa Likod ng Buwan”, “Ari”, “Bambanti”, “Da Dog Show”, “Heneral Luna”, “Honor Thy Father”, “Imbisibol”, “Taklub”, “ARI: My Life with a King”
Director: Ralston Jover ( Da Dog Show ), Jerrold Tarog ( Heneral Luna), Brilliante Mendoza (Taklub), Jun Lana (Anino sa Likod ng Buwan), Erik Matti (Honor Thy Father), Lawrence Fajardo (Imbisibol), Carlo Enciso Catu (Bambanti), Zig Madamba Dulay (Apocalypse Child), Mario Cornejo (Balikbayan #1: Memories of Overdevelopment), Kidlat Tahimik ( Redux III)
Special Award: Natatanging Gawad Urian Award: Mr. Romy Vitug

LOTLOT, BALAK NANG MAGPAKASAL
Balak nang magpakasal ni Lotlot de Leon sa kanyang Lebanese boyfriend na si Fred El Soury. Ayon sa aktres, “Maikli lang ang buhay. Stop the hate. Dapat lahat tayo ay nagmamahalan. Kapag may pagkakataon kayong magmahal, magmahal kayo nang magmahal. Walang masama doon.
Noong  2008 nagkahiwalay sina Lotlot at asawang si Ramon Christopher Gutierrez, matapos ang halos 19 taon nilang pagsasama. Sila ay may apat na anak: sina Janine, Maxine, Jessica at Diego Gutierrez, na mga dalaga’t binata na. Tila wala namang magiging problema si Lotlot sa mga anak dahil tanggap na nila ang kanyang boyfriend.
Ayon sa panganay niyang anak na si Janine Gutierrez, masaya silang magkakapatid para sa kanilang ina, kahit na noong una ay nagseselos daw sila na may bagong tao sa buhay nila dahil nasanay sila na sila-sila lang ang magkakasama. Gusto rin nilang protektahan at manigurado na okay ang taong ito para sa kanilang ina. Pero nang makilala nila ito ng husto ay napapayag sila dahil mabait at maalaga si Fred. Masaya na rin daw siya dahil alam niyang may magbabantay sa kanilang ina.
Kapwa abala sina Lotlot at Janine sa kani-kanilang projects sa GMA Network. Napapanood si Janine sa “Once Again”, katambal si Aljur Abrenica, samantalang si Lotlot ay gumaganap bilang ina ni Heart Evangelista sa sexy romantic comedy na Juan Happy Love Story.

VICKI AT HAYDEN, MAY BABY NA
Marami ang nagulat nang biglang inilabas ni Hayden Kho ang mga larawan ng isang cute na baby na ipinakilala niya sa Facebook bilang si Scarlet Snow, na anak daw nila ni Dr. Vicki Belo. Lingid sa kaalaman ng publiko, noong nakaraang taon pa ito bininyagan, pero ayaw muna nila itong ilantad.
Bago inamin ni Hayden ito, marami na ang nakapansin sa larawan ng baby sa mga billboard ng Belo products. Ayon kay Hayden, isinilang ang kanilang anak sa pamamagitan ng isang surrogate mother sa Amerika, pero anak nila ito ni Vicki.
Sinabi ni Vicki na na tama lang na magkaroon na sila ng anak dahil may pera siya at marami siyang oras.
Si Hayden ay napakahusay ding ama dahil matiyaga itong mag-alaga. Mas lalo din daw tumibay ang kanilang pagsasama ngayon dahil kay Scarlet, na kamukhang kamukha ng ama.

What's on where

Posted on No comments
Philippine Independence Day Celebrations

Philippine Independence Day Ball
June 11, 6:00 pm onwards, Ballroom, Conrad Hotel
Guest Performer: Jed MaddelaOrganizer: Philippine Association of Hong Kong
Beneficiaries: Bayanihan Centre, Bethune House Migrant Women's Refuge, Wimler Foundation, Gawad Kalinga and the PAHK scholarship program.
Tickets are on sale at $2,000, $1,600 and $1,300 per person. For tickets and other information, contact Edith, 5213 3588

Kapangyawan Friendship Festival
June 12 (Sunday), 9:00 am onwards,
Chater Road, Central
Organizer: Philippine Consulate General, Philippine Association of Hong Kong and Philippine Alliance
Open to the public

Independence Day Cocktail Reception
June 14 , Granville and Nathan Rooms, Conrad Hong Kong
Host: PCG.
Strictly by invitation only

‘Modern Slavery’
A Photo Exhibition on Human Traffickingby Xyza Cruz Bacani.
May 21 to June 10, KONG Art Space in Villa Serene, 3 Staunton Street, Central
Sponsored by the U.S. Consulate and KONG Art Space.
For inquries, please call 9887 9840.

“The Spirit of Place”
A rare exhibit of the art of French master Claude Monet
May 4 to July 11, Heritage Art Gallery, Shatin
Entrance Fee: $10 for adults, $5 for students, seniors and PWDs every Wednesday. Double or $20 and $10 on all other days, except Tuesday when the museum is closed

Bloodletting Day
June 5, Red Cross Centre, Causeway Bay
Organizer: PGBI AGUILA
Contact: Gener @55908253

ICM Annual Banquet
Oct 24, 6pm onwards, Hong Kong Convention and Exhibition Centre, Wanchai.
This is an annual fundraising for the “poorest of the poor” in the Philippines. Table prices with 12 persons each range from $30,000 to $100,000. For more information or any questions, please email banquet@caremin.com or call +852 2548 9038.

Short and sweet

Posted on No comments
Boy: Baril ka ba?
Girl: Alam ko na ‘yan. Kasi mukhang tunamaan ka sa akin?
Boy: Hindi. Ang lakas kasi ng putok mo.
-o-
Guy 1: I jUst left my job. I couldn’t work after what my boss saId to me.
Guy 2: What did he say to you?
Guy 1: You are fired!
-o-
Mom: You have two options for dinner.
Dad: What are they?
Mom: Eat it or go hungry.
-o-
Whoever thinks money does not bring happiness, please transfer  it to my account.
-o-
Teacher: Class, our topic today is genetics. Question: What do you call the child of a girl from Iceland and a boy from Cuba.
Class: What?
Teacher: Ice cube!
-o-
Boy friend.
You see that little space between the two words? That’s called “friend zone”.
-o-
When you clean a vaccum cleaner, you become a “vaccum cleaner”.
-o-
Behind every angry woman stands a man, who have absolutely no idea what he did wrong.
-o-
I want a girl who likes long romantic walks. Because I don’t have a car.
-o-
Manager: So why do you want this job?
Applicant: Because I always have been passionate about not starving to death.
-o-
Professor: What inspired you to write  this eassy?
Student: The deadline.
-o-
New rule being proposed:
Peo-le should be required to read a book for every 10 selfies  they take.
-o-
Says a graduating high school student: I’m gonna stay a virgin for life so I can set a good example for my children.
-o-
Husbands are the best people to share your secrets with. They’ll never tell anyone because they aren’t listening, in the first place.
-o-
During disaster, women and children are evacuated first.
The reason: So the men can think of a solution in silence.
-o-
One day in Mars lasts 1,408 hours.
It’s the same as Monday on Earth.
-o-
When an application form asks who to contact in an emergency, I always put ambulance of police. I mean, what can my mother do in an emergency?

For the period June 1-15, 2016

Posted on No comments

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96
Nakakabagot ang paglipas ng araw sa trabaho ngunit huwag panghinaan ng loob dahil makakamit din ang tagumpay. Maaring mabigo sa pag-ibig ngunit madaling makabawi lalo na kung laging positibo ang pananaw. Matinding pagod ang mararamdaman kaya maglaan ng sapat na oras sa pahinga para mabawi ang nawalang lakas. Magkakaroon ng problema sa asal ng anak.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97
Huwag itali ang sarili sa responsibilidad lalo na kung nagigung pabigat na ito para walang dapat pagsisihan sa bandang huli. Maging mapagmatyag sa mga nangyayari sa paligid upang maiwasan ang nakaambang panganib at ang matinding gusot na dulot nito. Mag-ingat sa mga taong mapagsamantala at  kilalanin nang husto ang mga kaibigan.

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98
May darating na hindi inaasahang pagbabago at maari itong magdulot ng matinding dalamhati sa iyo pero huwag mag-alala dahil maganda ang resultang kaakibat nito.   Mabibigo sa pag-uugali ng mga anak pero huwag magpaapekto bagkus ay ipakita na kaya mong kontrolin ang sitwasyon. May problema sa sikmura kaya iwasan ang mamantikang pagkain, kape at alak.

 KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87
Maraming biyaya  ang bigla na lamang tatambad sa iyong harapan.  Panahon na para talikuran ang mga nakasanayang gawi sa trabaho at sanayin ang sarili na makipagkumpetensiya para maabot ang tagumpay. Maaring mawala ang perang inutang lang sa kaibigan at masisira din ang inyong relasyon sa isat-isa. Unti-unting magkakaroon ang katuparan ang mga pangarap lalo na sa usapin ng pag-ibig.
.
 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88
Mahigpit ang pangangailangan sa pera kaya huwag gumastos sa mga bagay na hindi kailangan. Siguraduhin na hindi mauwi sa pagtatalo ang talakayan sa pagitan ng bawat miyembro ng pamilya. Huwag hayaang matali ang sarili sa relasyon na walang patutunguhan. Sa mga walang asawa, maaring makilala ang taong magpapatibok sa puso. Maglaan ng sapat na panahon para sa sarili upang makapagpahinga ng husto.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89
Malaking pagbabago ang magaganap dala na rin ng magandang takbo ng negosyo. Sa mga mag-asawa, maglaan ng panahon para mapag-usapan ng  seryoso ang plano upang maging malinaw ang patutunguhan ng relasyon. Kung kailangang gumawa ng agarang desisyon, pag-aralang mabuti ang hakbang upang hindi mapahamak. Matinding pananakit ng ulo ang mararanasan kaya iwasan ang mataong lugar o magulong paligid.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Maganda ang pasok ng pera kaya mapapasaiyo ang mga nais bilhin. Makakaramdam ng panghihina at malaki ang maitutulong kung bahagyang bagalan ang takbo ng iyong buhay. Makikilala na sa wakas ang taong magbibigay o magpupuno ng iyong kaligayahan. Maraming oportunidad ang uusbong sa trabaho kaya samantalahin ang bawat pagkakataon para maipamalas  ang kakayahan.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91
May malaking problema sa pera sa linggong ito pero kung malaki ang impok sa bangko ay makakatulong ito ng husto. Maglaan ng oras sa pamilya gaano man kaabala ang iyong buhay. Nakakatakot magkamali sa trabaho pero kailangan mong sumige para makilala ang iyong kakayahan. Makakatanggapng sulat na naglalaman ng magandang balita. Mag-ingat sa mga patibong ng mga kasamahan sa trabaho.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Angkop ang panahon para gumawa ng desisyon base sa hinala at sentido kumon. Panatilihing masaya ang disposisyon sa buhay kahit maraming problema na dapat atupagin. Sa mga mag-asawa, punan ng pang-unawa ang pagkukulang ng bawat isa. Asikasuhing mabuti ang pangangailangan ng mga anak.

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Malakas ang iyong intwisyon at makakatulong ito ng husto upang maiwasan ang matinding pagkakamali. Malaki ang kakailanganing pera pero hanggat maari ay huwag kumapit sa patalim. Makakakuha ng positibong tugon kung magpapamalas ng tunay na pagkagiliw sa taong napupusuan. Sa kabila ng abalang takbo ng buhay, tiyakin na may oras pa rin para sa pamilya. Aani ng tagumpay ang mga proyekto kaya linangin ng husto ang sariling kaalaman.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Maaring magkaroon ng malaking problema lalo na kung hindi mag-seseryoso sa buhay. Piliin mabuti ang sasabihan ng sikreto dahil sa bawat natatamong tagumpay ay nadadagdagan din ang mga kaaway. Panatilihin ang mababang loob at laging ituon ang isip sa mga bagay na makakatulong sa iyong pag-asenso. Walang problema sa kalusugan pero huwag pabaya para manatiling masigla ang isip at katawan. Matiwasay ang loob ng tahanan.

BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Madaling maibagay ang sarili kaya maaring pakinabangan ang lahat ng pagkakataon. Babalik ang lakas mula sa hindi maipaliwanag na pananamlay kaya kailangan ibaon sa limot ang masamang alaala. Huwag magpadala sa silakbo ng damdamin. May malaking problema sa loob ng tahanan kaya maging matatag dahil nasa iyo ang lakas ng buong pamilya.

Duterte, Marcos post big wins in HK

Posted on 14 May 2016 No comments
The Special Board of Canvassers headed by Deputy Consul General Kit de Jesus tallies Hong Kong votes at Bayanihan.











By the SUN Staff
Rodrigo Duterte won a landslide victory in the presidential race in Hong Kong on May 9, as the mostly OFW voters in the city expressed their sentiment against the alleged neglect of the workers’ plight by the government in Manila.
His triumph in Hong Kong, where more than 46,000 Filipinos began voting on April 9, was replicated in the Philippines as well as in other OFW destinations abroad and gave the Philippines its first president from Mindanao.
Votes tallied by the Special Board of Canvassers at the Bayanihan Center in Kennedy Town showed Duterte on top with 30,277 votes when the panel adjourned at 3:30 a.m.
The 72-year-old incumbent Davao City mayor was followed by Miriam Defensor-Santiago with 7,089 votes.
Trailing them were Mar Roxas with 4,533, Grace Poe with 2,898 and Jojo Binay with 1,118.
Roy Señeres, who died Feb 8 but whose name was not taken off the ballots, got 10 votes.
Ferdinand “Bongbong” Marcos also pulled away with 25,432 votes, with his closest rival Alan Peter Cayetano getting 12,496 votes, Leni Robredo with 6,155, Chiz Escudero with 1,382, Antonio Trillanes IV with 287, and Gringo Honasan with 178.
The votes counted came from 46,396 voters who cast their ballots during the month-long exercise, representing a 49% turnout by the 93,978 registered voters listed in 224 clustered precincts. The precincts totaled 95.
Hopes that Hong Kong would clinch a 50% turnout faded when only 839 people voted on the final day.
This followed the disappointing 5,474 votes on May 8, the last Sunday of overseas voting that Consulate officials had hoped would add about 7,000 votes more to the total tally for the month-long elections.
The atmosphere was largely somber in the main hall of Bayanihan Center, where a crowd dominated by poll watchers from the Duterte and Migrante camps observed the counting.
Heavy rain over a vast area of Guangdong province including Hong Kong delayed the canvassing of votes cast by Filipinos in Taiwan, Macau, Beijing and the rest of China.
The SBOC was originally scheduled to reconvene at 2pm of May 10 to count the votes,
But the rainstorm delayed the arrival of election results from China, according to Consulate officials. Canvassing resumed only at past 7pm.
Consul General Bernardita Catalla was at Bayanihan on the last day of voting, overseeing the processing of arriving voters. Then in the evening she mingled with the media and community leaders as she watched the canvassing of the votes in the center’s auditorium.
In this year’s general elections, a better version of the controversial PCOS vote counting machine was used, which improved the election process from the voting to the vote counting.
The system calls for the collation of SD cards in the precincts upstairs, for uploading of data to the Collating and Canvassing System, which will transmit the results to the national canvassing center in Manila.
Some unexplained glitches in the system, however, sparked rumors of cheating, but only five affidavits of complaint related to vote counting machine malfunction had been lodged with the polling center secretariat. They were transmitted to the Commission on Elections in Manila for investigation.
Tidying up after one-month election period.
However, election officials said complaints of missing names or the wrong candidates appearing on the receipt printout could have been due to human error.
On the last day of voting, for instance, one voter said she chose Duterte as president then went on to mark the bullet on the next line, thinking it was for his vice presidential candidate Cayetano. That “over-voting” mistake invalidated her vote for Duterte.
Vigilance of the special board of election inspectors in one precinct was challenged on May 8 when a man who was not a registered voter went up to one of the rooms, presented his coupon, and was handed a ballot.
It was too late when the SBEI members noticed he was not the same man as in the picture on the ballot registry. By the time the lapse was noticed, the man had already marked the names of some candidates on the ballot. The SBEI took back the spoiled ballot and handed the man to the secretariat.
It turned out the coupon was handed to him by one of the political campaigners along Victoria Road outside the Bayanihan.
On May 6, a total of 546 more voters cast their ballots following a dramatic surge on May 5 as members of the Iglesia Ni Cristo began casting their ballots.
At the close of polling, 829 votes had been tallied, a record high for a weekday, which drove up the total votes to 37,399.
The total represented a 40.5% turnout of the more than 93,000 registered Filipino voters in Hong Kong. An otherwise smooth going in the precincts was marred by another complaint from a voter about an alleged receipt misprint.
“The voter said she marked Bongbong Marcos for vice president but it was the name of Gregorio Honasan that appeared on the printed receipt,” said Consul Charles Macaspac, the officer of the day.
He said the woman filed an affidavit, the sixth to do so out of about 20 who made a similar complaint.
Election officials in Hong Kong have been urging voters to fill up a pro forma affidavit if they believe they have been cheated out of their votes so that the Comelec could investigate their complaints.
The number of voters rose abruptly to 546 on May 4, bringing the total tally since April 9 to 36,570.
Meanwhile, Vice Consul Alex Vallespin, who was in charge of the elections, said the special board of election inspectors in the cities in Greater China where elections for overseas Filipinos were held would be asked to print out results of the balloting, which their representatives would bring to Hong Kong for canvassing. He said the printed election results would be counted manually.
Whoever will be named to represent the Beijing post would join Consul General Lilibeth Deapera of the Consulate in Macau and Deputy Consul General Christian de Jesus to constitute the SBOC.
Only 369 voted on May 3, one of the lowest daily results, but it still helped lift the total tally after 25 days to 36,024, or a turnout of 38.7%.
The overseas voting in Hong Kong has attracted foreign media, with a staff from Japan’s Nikkei visiting Bayanihan on May 3 to interview Vallespin and other election officials about the balloting.
On April 30, TVB interviewed ConGen Catalla about the 2016 elections.
Foreign investors are watching the unfolding events in the Philippines as the outcome can influence business decisions.
A total of 3,627 voted on May 2, as Filipinos took advantage of the holiday to cast their ballots. The votes lifted the tally in Hong Kong to 35,655.
With just a full week of voting left, Consulate officials look hard-pressed to reach their 50% turnout target but did not seem overly concerned.
ConGen Catalla said she was satisfied with the conduct of the elections, citing the nearly 9,000 people who voted in the past two days alone.
“We’ve been urging people to come out and vote because this is the life of our nation, it is part of decision-making. Ngayon, kung yung mga pinili natin ay hindi karapat-dapat, sisisihin tayo ng mga generations after us; kung maayos, pasasalamatan tayo,” she said.
Consulate and POLO staff pose forposterity with volunteers.
Vallespin said there were two reports of ballot receipt misprints on May 2, but in both cases the voters refused to file a formal complaint.
In Room 502, a woman complained to the SBEI that the vote counting machine did not print out the names of her choices for president and vice president. She later admitted that she failed to properly shade the circles corresponding to her candidates. She declined to file an affidavit about the problem.
The second incident involved a woman who made a scene in room 501 because her voting receipt allegedly bore the name of Alma Moreno instead of her chosen senator.
She also refused to file a formal complaint.
On May 1, with just eight days to go in the overseas voting, Consulate officials remained positive that turnout would hit 50% even if the number of voters fell to 5,327, below expectations.
About 40 people were unable to vote after finding themselves having been deactivated by the Comelec. About 115 other had registered but their names were missing on the voters list and waited for the election secretariat to get them Comelec clearance to vote.
Election officials said earlier in the exercise that they were expecting the Sunday voter crowd to reach 7,000, but that did not materialize.
At one point, followers of Duterte got so raucous that Vallespin and about six police officers rushed to the terminal to ask the campaigners to tone down.
“It turned out that somebody made a 999 call because one group was becoming rowdy,” said Vallespin, who spoke to leaders of the various campaign groups at the terminal.
Two voting-related incidents were reported, with one voter complaining she picked Marcos as her vice president but her ballot receipt bore the name of Honasan.
“I asked the voter if she was sure about what she’s saying and she said ‘yes,’ because she was even campaigning for Bongbong,” said Jun Carlos, a Bongbong campaign leader.
He cast doubt on claims by some quarters that there was cheating in the overseas voting in Hong Kong just because there were 2 out of over 26,000 who claimed so.
A woman filed an affidavit of complaint about her failing to vote because when she went to a mobile registration in Discovery Bay on Sept 5, she was told she did not have to register as she was still an active voter.
She was told she had been deactivated.

Vicks Maid victims fail to get back money

Posted on No comments
EAA's complaint hotline
By Vir B. Lumicao

Eight months after they won their cases at the Small Claims Tribunal against a recruitment agency that charged them thousands of dollars for fake jobs in China, at least eight complainants still have to get a full or partial refund of their money.
The agency, Vicks Maid Consultant Company, has been stripped of its license by the Labour Department after its conviction for overcharging a job-seeker and operating an agency at a place not specified in the license.
One of those who won their cases against Vicks Maid told The Sun on Apr 28 that the agency operator, Lennis Ebrahim, had yet to comply with the tribunal’s order to return her money.
The claimant, Jennifer Garcia, said that she was awarded her full claim of $10,000 plus costs in August last year, after Ebrahim failed to appear during the hearing of her case.
She said she tried to get the judgment enforced, but backed out when the tribunal’s bailiff said she needed to pay a $2,000 fee.
Garcia said the Vicks Maid licensee and owner charged her $10,000 for a job at a golf course in China or Saikung for her son. She said her supportive employer lent her money to pay the agency so her son could get a job. 
When the promised employment did not come, Garcia’s employer called up Ebrahim, who sent a check for $10,000. But the check bounced, so the employer helped Garcia to file a case.
Seven other domestic helpers filed a claim against Ebrahim for collecting fees ranging from $10,000 to $40,000, also for fictitious jobs in a resort in Shenzhen.
Again, the agency owner did not show up for the case hearing, so the complainants were granted their full claims. However, not one of the seven has been paid as directed by the tribunal.
Esther Bangcawayan, case officer of the Mission for Migrants, told The SUN that enforcing the awards was difficult because of the bailiff fee that had to be paid upfront.
She said some of the victims accepted Ebrahim’s offer of $500 or $1,000 repayment, rather than not getting back any amount.
But others said “they would just leave it to God, or to karma,” said Bangcawayan,.
On Apr 29, the Employment Agencies Administration revoked Vicks’ Maid license to operate after its conviction for overcharging a jobseeker.
The agency was also found guilty of moving its office from Causeway Bay to Shatin but did not inform the EAA about it.
The agency tried, but failed, to get the license cancellation revoked by the Administrative Appeals Board.
For enquiries or complaints about unlicensed operations or agencies overcharging job-seekers, call the Employment Agencies Administration at 2115 3667, or visit its office at unit 906, 9/F, One Mong Kok Road Commercial Centre, 1 Mong Kok Road, Kowloon.

Dagsa ang naghabol ng oras para maging huling botante

Posted on No comments
Ni Virgilio B. Lumicao
Ang pinakahuling bunmoto: the last one was this woman, is Rhaezcy Dulnuan.


Parang naghahabulang pusa’t daga paakyat at pababa sa tatlong palapag ng botohan sa Bayanihan Centre ang paghahanap namin sa pinakahuling botante noong Mayo 9.
Sa mga huling sandali ng botohan ay may ilang dumating na humahangos na hinabol namin paakyat. Patuloy naman ang hiyawan sa ibaba para sa mga paparating pa na inuudyukan ng mga tao para magmadali at nang makakahabol pa. Humigit-kumulang sila sa 10 katao.
Pinakahuli sa dumating para bumoto si Rhaezcy Dulnuan, 27, isang taga-Baguio. Matapos mahanap sa listahan ng Comelec ang kanyang pangalan ay ibinigay sa kanya ang kanyang precinct coupon: SBEI 06, Room 502.
Agad namin siyang sinundan sa pagboto upang makunan siya ng larawan sa aktong pagboto.
Bagamat ibinigay niya ang kanyang pangalan, naging matipid siya sa pagsagot sa tanong.
Bago siya dumating, may hinabol kaming isang lalaki na sa pag-aakala naming siya na ang pinakahuling botante.
May sinundan din kaming tatlong volunteer ng Bayanihan na nagpahuli, pero di sinuwerte.
Ang huling grupo na dumating ay panay babae, kasama si Dulnuan.
Isang residenteng matipuno ang katawan ang pinakahuling lumapit sa secretariat para kumuha ng verification slip para sa kanyang presinto, nguni’t inamin din niya na nakaboto na siya.
Ayon kay J. de Luna, alam na niya kung saang presinto siya dapat, at itinaon niya ng eksaktong alas singko ang pagpasok ng kanyang balota sa vote counting machine, dahil sa pag-aakalang iyon ang takda na siya ang pinakahuling botante.
Ang hindi niya alam, ang itinakdang pagtatapos ay para lang sa pagsasara ng gate ng Bayanihan, kaya ang lahat na nakaabot doon bago sa takdang oras ay pinayagan pa ring umakyat para bumoto.
Gayunman, ang pinakahuli, kung tutuusin, ay ang tatlong babae at isang lalaki na dumating noong bago mag-alas-6 ng gabi. Dahil sarado na ang gate sa harap ay doon sila  pumanhik sa hagdanang batong papalabas sa Bayanihan, at agad na lumapit sa mga taga Konsulado.
Galit sila dahil alas-7 raw ang nakalagay sa Facebook post ng Konsulado kaya dumating sila nang malapit nang mag-alas-6. Ang dalawang babae ay mga kasambahay, isang taga-Causeway Bay at isang taga-Mid Levels. Noon lang daw sila nakaalis dahil inuna muna ang trabaho.
Ang isa ay isang negosyante na 22 taon na daw sa Hong Kong. Hindi rin umano ito nakaalis agad sa trabaho sa Tsimshatsui. Ang kasabay niyang lalaki ay hindi na lang kumibo.
“Kung sinabi lang dito 3pm, e di 3pm, no problem,” sabi ni Nora Alconaba, ang negosyante, na noon lang daw nabigo na bumoto,
Naasar din si Met Tuico, isa sa mga kasambahay, at 1990 pa dumating sa Hong Kong. “Hindi naman kami basta-basta nakakaalis dahil may amo kami,” sabi niya.
Sinikap ipaliwanag ni Vice Consul Fatima Quintin na Abril 12 pa inilagay ng Konsulado sa Facebook ang binagong oras ng pagtatapos, ngunit hndi sila napahinuhod.
Humingi naman ng paumanhin si Consul Charles Macaspac dahil nakatanggap umano siya sa Comelec ng mensahe na puwedeng patagalin hanggang alas-6 ang pagboto, ngunit nang matanggap iyon ay alas-5:38 na ng hapon, at dahil wala nang dumarating ay pinasara na nila ang mga presinto.

Nagkalayo dahil sa away pulitika

Posted on No comments
Matagal nang magkaibigan sina Jay at Harold. Labing limang taon na halos silang magkaibigan at “bestie” ang kanilang tawagan. Dito sila nagkakilala sa Hong Kong, at kahit pumunta na si Harold sa France upang makasama ang nobya na ngayon ay asawa na niya, ay hindi nawala ang kanilang komunikasyon. Naging ninang pa si Jay ng anak ni Harold at wala silang naging tampuhan minsan man. Nitong nakaraang eleksyon, nabago ang pagkakaibigan nila dahil sa magkasalungat na paniniwala. Pareho silang aktibo sa kanilang mga kandidato at madalas magpalitan ng kuro-kuro at pananaw sa Facebook. Ito ang naging ugat ng kanilang samaan ng loob. Naging masyadong personal ang kanilang palitan ng mga salita at kahit ang iba nilang mga kaibigan ay nabahala na rin. Para kay Jay, hindi naman niya pinepersonal ang mga palitan nila ng salita dahil labas iyon sa kanilang pagkakaibigan. Hindi niya ito sinasabi kay Harold dahil iniiwasan din niyang mabuksan ang paksa at marahil ay ayaw din niyang malaman na may sama ng loob sa kanya ang kaibigan. Halata niya kasing pinersonal ng kaibigan ang pinahuling comment niya sa isang post nito dahil agad itong binura. Naghihintayan ngayon ang magkaibigan na humupa na muna ang isyu para subukang manumbalik ang kanilang pagkakaibigan. Sabi nga ng mga kaibigan nila, hindi naman daw ito malaking bagay para masira ang kanilang pagkakaibigan. Mismong si Jay ay umaasa na sana ay hindi maging hadlang ang kanilang magkaibang pananaw sa pulitika para masira ang pagkakaibigan nila ni Harold na itinuturing niya na isang nakakabatang kapatid, -Jo Campos

Dahil lang sa lumang sinelas

Posted on No comments
Alalang-alala si Gal nang makita ang text ng isang kakilala sa kanya kamakailan. Humihingi pala ito ng tulong sa kanya bandang alas dos ng madaling araw, ilang oras bago niya makita ang text, dahil pinapulis daw ito ng among taga Repulse Bay matapos pagbintangang nagnakaw ng tsinelas at isang lumang pouch. Hindi na ma-contact ni Gal ang kaibigan kaya naisip niyang tuluyan na itong kinulong. Humingi na lang siya ng payo kung paano niya makakausap ang kaibigan, at mabigyan ng tulong sa abot ng kanyang makakaya. Ang isa sa kanyang nilapitan ay nagsabing dapat na ipaalam sa Konsulado ang kaso, pero kung gusto niyang malaman agad ang kundisyon ng kaibigan ay kailangan niyang maibigay ang tunay nitong pangalan. Hindi naman nagtagal ay nakuha na niya ang buong pangalan ng kaibigan mula sa ilang mga kakilala, ngunit ganoon na lang ang kanyang pagkabigla nang malaman na natatawagan na itong muli. Pinayagan pala itong magpiyansa ng mga pulis habang iniimbestigahan ang kanyang kaso. Bagamat malaki ang pag-asa na ibasura na ng pulis ang kaso, nag-aalala pa rin si Gal sa kaibigan dahil nawalan ito ng trabaho matapos lang ang dalawang buwan, at ngayon ay iniimbestigahan pa dahil sa maling bintang. Ayon sa report ng pulis, nakuha mula sa kanyang kaibigan ang dalawang pares ng hindi kamahalang tsinelas, isang gamit na pouch na pinulot nito matapos itapon ng amo, at dalawang gunting na ipinatago sa kanyang kuwarto. Umaasa si Gal na maibasura na nang tuluyan ang kaso ng kaibigan para makapagtrabaho na itong muli. Si Gal isang dalagang taga Davao at mahigit 10 taon nang nagtatrabaho sa Hong Kong. -- DCLM


Don't Miss