Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Binabarat kaya mahina ang kita

Posted on 19 November 2018 No comments
Dismayado si Lily 34, at isang Ilokana dahil halos tabla lang ang naging resulta ng kanyang pamumuhunan sa palayan. 

Dangan kasi, pilit na binabarat ng mga mayayamang negosyante na kung tutuusin ay mga middleman lang, ang palay na inaani ng kanyang ama, na siya naman ang namumuhunan.

Sa katatapos na anihan noong buwan ng Oktubre, halimbawa, ang dating presyo na P25 bawat kilo ay pilit binabarat ng P16 na lang bawat kilo, gayong sobrang mahal ng bigas sa pamilihan.

“Ano ito? Lokohan? May mali sa sistema”, sambit ni Lily sa sarili, habang nagngingitngit. Bakit daw ba ang pilit pinapayaman ng gobyerno ay iyong mga ganid na negosyante na halos wala namang hirap, imbes na ang magsasaka na hirap na hirap na sa pagtatrabaho, tapos ay pilit pang ginigipit?

Maganda pa naman ang ani ng kanyang ama, kaya walang dahilan para ito ibenta ng palugi.



Sinabi niya sa ama na ibilad muna ang palay at itambak sa kanilang bahay habang naghihintay ng pagtaas muli ng halaga nito. Kasi, kung papayag sila sa presyong alok ay hindi na niya halos mababawi ang kanyang puhunan.



Masuwerte pa nga sina Lily dahil may trabaho siya sa Hong Kong kaya mayroon silang pantawid-gutom.



Ayon sa kanyang ama, naawa siya sa mga kasamahang magsasaka dahil inutang lang nila ng patubuan ang puhunan sa pagtatanim, kaya napipilitan silang magbenta ng palay sa murang halaga.



Dahil dito, talagang halos isang kahig, isang tuka sila. Kung nagkataong nasira sa ulan ang kanilang ani, malamang na lugi pa ang kalalabasan nila.

Tanong ni Lily sa ama, kailan daw kaya maayos o makokontrol ang ganitong sistema na laging ang magsasaka ang talunan.? – George Manansala 

Suportahan natin ang ating mga sponsor:














Pagkamatay ng Pilipina, inuusisa ng HK Labour Department

Posted on 18 November 2018 No comments

Welfare Officer Nini Clarin
Iniimbestigahan ng Hong Kong Labour Department ang biglaang pagkamatay ng isang Pilipina sa bahay ng amo niya noong nakaraang Agosto

Ayon kay welfare officer Nini Clarin, mismong ang Employees' Compensation Division ng Labour Department ang tumawag sa isang kaanak ni Luzviminda Simon Pedronan, 54, para itanong kung gusto nitong magsampa ng kaso para makuha ang benepisyong nararapat sa kanilang pamilya.

Tseung Kwan O Hospital
Natagpuang patay si Pedronan, na mula sa Claveria, Cagayan, sa palikuran ng bahay ng amo. Dinala siya sa Tseung Kwan O Hospital, kung saan idineklara siyang patay noong ika-2 ng Agosto.

Ayon sa death certificate, si Pedronan ay namatay sa “spontaneous intracerebral haemorrhage” o pagdudugo sa loob ng utak, na karaniwan ay sanhi ng pagputok ng ugat. Hindi malinaw kung ang sanhi nito ay aksidente o isang sakit.



Ayon kay Clarin, naiuwi na ang bangkay ng OFW sa Pilipinas bago nila natanggap ang tawag tungkol sa pag-iimbestiga ng Labour Department sa kaso.

Ayon sa batas ng Hong Kong, ang isang manggagawa na namatay dahil sa aksidente o sa isang sakit na nagmula sa kanyang pagtatrabaho ay maaring humingi ng bayad-pinsala sa kanyang employer. Ang minimum o pinakamababa na maaring matanggap bilang bayad-pinsala sa pagkamatay ng dahil sa aksidente o sakit na nagmula sa trabaho ay $408,960. Ang pambayad dito ay karaniwan nang nanggagaling sa insurance na dapat kunin ng employer, ayon sa batas.



Bukod dito, dapat panagutan ng employer ang pagpapalibing at gastos sa ospital ng isang namatay na manggagawa sa kabuuang halaga na hindi lalampas sa $83,700.

Makakatanggap din ang pamilya ng nasawi mula sa Overseas Workers’ Welfare Administration ng Pilipinas ng P20,000 para sa pagpapalibing, at karagdagang P200,000 kung aksidente ang sanhi ng pagkamatay, o P100,000 kung hindi.



Ayon kay Clasin, isang kaibigan ng pamilya, si Judelyn Cabasoy, ang umaasikaso ngayon sa mga papeles na kailangan ng Employees' Compensation Division ng Labour Department, upang makuha ang mga benepisyong itinakda ng batas ng Hong Kong para sa mga naiwan niya.



Siya ay nakikipagtulungan sa OWWA sa Hong Kong upang makalap ang mga papeles na kakailanganin para sa hinihinging danyos ng pamilya, lalo na iyong mga mula pa sa Pilipinas.

Ang benepisyong ito ay mapupunta sa pamilyang naiwan ng nasawi kapag naisumite na ang lahat ng dokumentong kailangan ng Labour Department, gaya ng mga patunay ng relasyon niya sa mga miyembro ng kanyang pamilya sa Pilipinas. 

Suportahan natin ang ating mga sponsor:




















Madaling malinlang ang kumakalam ang tiyan

Posted on No comments
Ni Vir B. Lumicao

Madaling mapaniwala ang dalawang uri ng tao: ang masiba at ang kumakalam ang tiyan. Ito ay aral na pamantayan na hango sa pagsusuri sa personalidad ng isang tao batay sa kanyang ikinikilos.

Ito rin ang dahilan kung bakit ang mga manlilinlang ay nakakapanloko ng marami at, sa kasamaang-palad, marami sa mga nalilinlang nila – at sa mga nambibiktima sa kanila – ay mga kababayan din nila.

Kasakiman at ang pangarap na makaalpas sa kahirapan ang dalawang magkataliwas na elemento na palaging napapaloob sa mga kaso ng panlilinlang ng mga illegal recruiter sa kanilang mga biktimang naghahangad magtrabaho sa ibang bansa.

Hindi pa natatagalan nang daan-daang mga OFW rito sa Hong Kong ang nabiktima ng dating pinakamalaking ahensiya ng empleo ng mga kasambahay na Pilipino rito.

 Ayon sa mga humigit-kumulang sa 500 kataong nabiktima ng Emry’s Staff Services and Employment Agency at Mike’s Secretarial Services noong 2016, nagbayad sila ng $10,000 para sa alok na trabaho sa Britain at $15,000 para makapagtrabaho sa Canada.



Marami sa mga nalinlang ang ayaw maniwala nang binabalaan sila na kaduda-duda ang mga alok na trabaho sa Britain at Canada dahil naningil kaagad ng bayad ang ahensiya kahit walang maipakitang mga job order. Bukod pa rito, alam ng lahat na hindi ganoon kadali para sa isang Pilipino ang makakuha ng trabaho sa dalawang bansang ito.

Umiyak ang marami sa mga nabiktima nang lumipas ang mga buwan at hindi natupad ang mga trabahong ipinangako sa kanila.



Tinanong namin ang ilan sa kanila at pare-pareho ang isinagot: dahil daw sa kagustuhan nilang kumita ng malaki upang matupad ang kanilang mga pangarap na hanguin ang kani-kanilang mga pamilya sa kahirapan.

Ganoon din ang sagot ng mga nahikayat ng mga illegal recruiter papunta sa Russia, Turkey at sa ilang pang mga bansang walang kasunduan sa Pilipinas para kumuha ng mga kasambahay at iba pang mga trabahador na Pinoy doon.



Nitong nakaraang dalawang taon, ibang uri naman ng panlilinlang na kinasasangkutan din ng mga Pilipino ang nabunyag dito rin sa Hong Kong. Ito ay ang mga nabigong pagtatangkang magpapalit sa mga bangko rito ng mga huwad na tseke at iba pang mga papel de bangko na nagtataglay ng napakalalaking halaga.

Batay sa dalawang kasong napagpasiyahan na ng mga korte kamakailan, napaniwala ang mga may dala ng mga huwad na tseke at papel de bangko na ang mga dokumentong iyon ay bahagi ng limpak-limpak na kayamanan ni dating diktador Ferdinand Marcos na nakatago diumano sa mga bangko sa Hong Kong.



Sa dalawang kasong iyon, parehong tinanong ng magkaibang huwes ang mga akusado kung bakit hindi sila nagtaka na ipinagkatiwala sa kanila ang ganoong kalalaking halaga ng pera kahit hindi sila lubos na kilala ng mga nag-utos sa kanila.

Kahit iginiit ng isang akusado na dinala niya sa bangko ang tseke dahil nais lang niyang tumulong sa isang kaibigang nakiusap sa kanya kahit walang inaasahang kabayaran, ipinahiwatig ng huwes na ang talagang nag-udyok sa kanya ay ang magiging bayad niya..

Sa dalawang kasong iyon, malamang na nasilaw ang mga akusado sa laki ng halagang taglay ng mga tsekeng dala nila. Hindi nila naisip na ang mga ganoong kalaking transaksiyon ay hindi isinasagawa sa bank counter dahil may limitasyon ang halaga na puwedeng tanggapin ng mga teller.

Totoo man o hindi ang “Marcos connection” sa mga kasong iyon, malinaw na ang nag-udyok sa mga akusado ay kasakiman. Tulad nila, kasakiman din ang nag-udyok sa sinumang nag-utos sa kanila na ipalit o ideposito ang mga pekeng tsekeng iyon sa pagbabaka-sakaling magtatagumpay sila.

Maraming mga katulad na kaso ang naghihintay pa ng kapasyahan ng husgado. Kamakailan lang ay may bagong-dating na Pinoy sa Hong Kong na nahuli sa isa pa diumanong pagtatangkang ipalit ang isang bagong uri naman ng papel de bangko.

Higit na malaki ang halaga ng transaksiyon, lalong hindi kapani-paniwala. Ngunit patuloy ang pagsulpot dito ng mga ganyang kasong dala ng mga Pinoy dahil siguro sa walang pagkabusog na kasakiman at patuloy na pagkalam ng tiyan ng mga mamamayan.
Suportahan natin ang ating mga sponsor:













Pinay accused of stealing blouse acquitted by West Kowloon judge

Posted on 16 November 2018 No comments

A prosecution witness cannot establish the intent of a theft suspect even if close-circuit television footage shows the defendant has taken merchandise and failed to pay for it before leaving a shop.

West Kowloon courthouse.
Thus said a West Kowloon magistrate as he acquitted on Friday, Nov 15, as Filipina domestic helper who was accused of stealing a blouse from a clothing chain outlet in Kowloon in May.

The defendant, Anita S. Villanueva, 57, was blushing with joy and relief after Magistrate Alan Ng Hoi-lun exonerated her because the prosecution could not prove her guilt beyond reasonable doubt.


Ng said Villanueva, 57, has a clear record and was trusted by her employer. Nevertheless, he said the prosecution witness was honest and reliable.

According to the summary of the case read by Ng, the domestic helper and her elderly female employer for eight years, Madame Leng, entered the two-storey 6ixty8ight fashion shop on the second floor of a mall in Prince Edward, Mong Kok, and took the escalator to the first-floor level.


The magistrate, citing evidence given by the first prosecution witness -- a shop attendant--and CCTV footage played back by the prosecution, said Villanueva and her employer went around the shelves checking out the merchandise.

Before they ascended the escalator back to the upper level, Villanueva took a black and white checkered blouse from a shelf and put it in her recyclable shopping bag because she had to support the old woman on the way up.


When they reached the upper level, the employer tugged at the helper’s right arm gesturing her to hurry up and headed for the exit. Confused, the maid forgot about going to the cashier to pay for the clothing.

The shop attendant followed and stopped the maid after the two left the shop. She told Villanueva she had not paid for the clothing in her bag and called the police. The maid was arrested and charged with theft. She was released on police bail.


The Filipina insisted from that moment on that she did not intend to steal the item and was, in fact, set to pay for it at the upper-level cashier when her employer tugged at her.

Villanueva was represented by private lawyers hired by her employer. Throughout the episode, the employer supported Villanueva and kept her on the job.

The prosecution said the CCTV footage showed that, after taking the item, the helper and her employer were leaving the store in haste.

But the defense lawyer said the footage was an inconclusive proof that the defendant intended to steal the blouse, and the magistrate agreed with her.

Ng said neither the CCTV footage nor the store attendant could prove intent or tell what was going on in the mind of the defendant at the time. So, he acquitted Villanueva. 

On her way out of the courthouse with her lawyers, a joyful Villanueva said she loves her employers very much because they had staunchly supported her since the case began, even hiring private lawyers to defend her.

She said she would continue to serve them. 

Suportahan natin ang ating mga sponsor:












OFWs stranded by Xiamen plane skid have until Nov 29 to claim payout

Posted on 15 November 2018 No comments
Tens of thousands of passengers stranded at NAIA after a Xiamen plane overshot the runway on Aug 16


By The SUN

PCG Advisory 
The Consulate has set Nov. 29 as the deadline for claiming compensation by overseas Filipino workers left stranded at the Ninoy Aquino International Airport on Aug 16-18 after a Xiamen Air jet skidded off the runway.

A notice posted on the Consulate’s Facebook page listed the requirements for making the application, such as a photocopy of their passport, original air ticket, rebooking proof, immigration stamp showing date of departure from the Philippines, and boarding pass.
 
Reports from Manila said the compensation, paid for by the Department of Foreign Affairs, was set at Php5,000 (HK$715) per affected OFW passenger.

Thousands of passengers, mostly OFWs, were affected by delayed or cancelled flights at NAIA after the runway was closed for nearly two days due to the accident.
About a thousand OFWs had reportedly claimed the financial help before flying out of NAIA but most did not bother applying for it as they were focused on just getting the first available flight out.

Those who failed to get the payout in Manila were advised to apply for it at any Philippine embassy or consulate abroad.
In Hong Kong, Consul Paul Saret said at a Filipino community meeting held on Nov 11 that 206 out of 326 claimants have already received payment.

He said he was still inquiring with the DFA’s Office of Migrant Workers Affairs if those who were unable to take their flights from Hong Kong to the Philippines are also entitled to compensation.
“The guidelines are not clear if the compensation applies both ways,” he said.

Aside from extending financial aid, the DFA had instructed all its overseas posts to help explain to employers, through certifications or direct contact, why their Filipino employees were delayed in returning to work.
Xiamen Air was fined a total of Php33 million for causing havoc at NAIA because of the incident which was traced to pilot error. 

Suportahan natin ang ating mga sponsor:










Don't Miss