Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

OFW’s mom earns high school diploma at 82

Posted on 03 December 2018 No comments
Danica and her grandmother Nicanora Calsas at graduation. 

By Vir B. Lumicao

At 82, Nicanora Calsas has finally fulfilled a lifetime dream to obtain a high school diploma, proving it is never too late to study.

The widow surprised her daughter, Hong Kong-based OFW poet and baseball player Cecil Calsas, on Nov 17 when she proudly marched onstage, along with 837 younger high school and elementary graduates.

Lola Cano was the oldest secondary school graduate at ceremonies held at the Dr. Catalino G. Nava National High School in San Lorenzo, Guimaras. But the spotlight was shared by a 90-year-old man who finished his elementary education.

“I was surprised that she graduated. I’m happy for her,” said Calsas, who recounted to The SUN how her mother was teary-eyed at the special event, thinking that none of her two grandchildren by Calsas was around.

The kids who Lola Cano raised while their mother was scrubbing toilet floors or working the wok in Hong Kong were supposedly in Iloilo City pursuing their studies.

So, when her “apo” Danica Jelyn, 18, suddenly appeared at her side, the granny hugged her
tight as tears flowed down her wrinkled face.

Lola Cano, resplendent in her royal blue toga, was the star of the event as she was well known in the community. She had been a barangay official for about 40 years, assuming such roles as kagawad, secretary and, when someone in the village died, as prayer leader.

Calsas said her mom, who will be 83 on Jan 10, is the oldest barangay health worker in San Lorenzo and still very active in the community, mainly in senior citizen affairs.



Yet, she squeezed into her busy schedule her studies for the two-year abbreviated high school course offered by the government under the Alternative Learning System. ALS caters to those who could not continue their studies in their younger years.

Like any other student, the ALS enrollees went to public schools that offered the courses they wanted to pursue.



In the case of Lola Cano, who was on a home-study plan, it was the teachers who went to her house regularly to instruct her. Danica and her brother Filamer, 21, meanwhile, helped their grandmother with her homework.
Lola Cano reportedly resumed her studies about 70 years after her schooling was interrupted in the post-Second World War by the death of her father.     



“She finished Grade 6. At the time, that seemed to be the highest level of education,” Calsas said, fondly describing her mother as a very intelligent woman who spoke fluent English.
Lola Cano married years later, when destiny brought her and Felipe Calsas together. She bore six children – four girls, including Cecil who is second to the youngest, and two boys.

“But I was her favorite child,” Calsas said proudly.
Lola Cano and Felipe worked hard to give their children education. Four of the siblings, including Calsas, went through university while the other two did not finish their courses because their father died in 2000.



Like any typical mother of an OFW daughter, Lola Cano has raised Calsas’ children since September 2007, when the latter came to Hong Kong to join the army of domestic helpers here.
In return, Calsas has been supporting them financially.

“Siya ang nagpalaki sa mga anak ko. Kung wala siya, hindi ko ma-imagine ang buhay ko at baka mga walang galang ang mga anak ko. Sobrang mahal siya nila, lalo na ni Danica,” said Calsas.

That explains why Danica, a senior high school student at West Visayas State University in Iloilo City, sailed home on Nov 17 to surprise her Lola Cano on her graduation with her presence.

SUPORTAHAN PO NATIN ANG ATING MGA SPONSOR:



















Libreng bakasyon sa Japan mula sa alaga

Posted on 01 December 2018 No comments
Ni Ellen Asis

Si Adelaida Valencia na ang nagpalaki sa alaga niyang si Tommy na isa nang artist at professional photographer na naninirahan sa Tokyo, Japan. Naging masaya ang kanilang samahan kaya kahit na matagal nang wala si Aida sa pamilya nina Tommy ay nagpatuloy pa rin ang kanilang komunikasyon.



Dahil dito ay nalaman ni Tommy na nakatakdang magbakasyon ang dating yaya, at agad niya itong inimbitahan na sa Japan na pumunta.



Hindi na nagdalawang-isip si Aida dahil kasama sa alok ng alaga ang libreng tiket sa eroplano, at pagtira sa bahay nito sa Tokyo.



Paglapag ng eroplanong sinakyan ni Aida ay nandoon na si Tommy para sunduin siya. Dinala siya nito sa kanyang bahay, at tuwing umaga ay pinagluluto siya ng almusal. Naglaan pa ito ng isang araw para ipasyal siya sa Tokyo. Sumakay sila sa bullet train, namasyal sa iba-ibang parke at museum, na labis na nagpasaya sa dating yaya.



Hindi akalain ni Aida na ganoon siya minahal ng alaga, na talagang inasikaso siya katulad ng pag-aasikaso niya dati dito.

Noong maliit kasi si Tommy ay siya lagi ang kasa-kasama nito, at tumayong magulang sa mga panahon na wala ang mga magulang nito dahil sa pag aasikaso sa negosyo.

Laking pasasalamat ni Aida na lumaking mabait at mapagmahal ang batang inalagaan niya at minahal sa loob ng ilang taon.

Si Aida ay tubong Zambales, dalaga, at nagsisilbi sa mga kasalukuyang among Amerikano na naninirahan sa Shau Kei Wan.

Suportahan natin ang ating mga sponsor:

















Tabla-talo ang raket

Posted on No comments
Mahilig sa raket ang mga migranteng Pilipino, katunayan ay maraming naglalako ng kung ano-ano sa Central tuwing Linggo.

Kabilang sa kanila si Nenita na nagkaroon ng raket ng hindi sinasadya.

Minsan na nakatambay sila sa may Hong Kong bank ay nakiusap ang isa niyang kaibigan na linisan siya ang kuko gamit ang sarili nitong gamit na panlinis ng kuko.

Nang makita siya ng ilan sa mga nakatambay din doon ay nakiusap na rin silang magpalinis ng mga kuko, kaya hindi nagtagal ay dumami na ang kanyang mga kostumer.

Ang ginagawa lang niya ay tumatambay doon na nakalabas ang kanyang cleaning kit, at lalapit na lamang sa kanya ang mga gustong magpalinis ng kuko.



Hindi nagtagal ay nagkaroon na ng ilang kostumer si Nenita, na kumikita ng $500 kapag bagong suweldo ang mga kostumer, at mga $300 naman kapag matumal.

Ngunit  wala rin natitira sa kinikita niya dahil bawat dumaan na nagbebenta ay bumibili siya, mapa alahas, punda ng unan, kumot, damit at sapatos. Kahit ano ang tinda ng mga dumadaan ay bumibili siya at ipinapadala sa Pilipinas.



Ang resulta, wala din siyang naiipon.

Tuwing umaalis siya pag day off niya ay wala siyang bibit ngunit pagbalik sa gamit ay hindi magkandaugaga sa bitbit.



Napapasabi na lang ang kanyang mabait na amo ng “Oh so many!” kapag nakikita siya sa kanyang pag-uwi.

Lagi naman niyang sinasabi na sa pamilya niya sa Pilipinas ang lahat ng mga binibili.



Minsan nanghihinayang si Nenita sa nawawaldas niyang pera sa kakabili ng mga hindi kailangan, pero iniisip na lang niya na sa raket naman galing ang ginagastos niya at hindi mula sa suweldo.

Gayunpaman, gusto niyang matigil na rin ang bisyo niyang ito para makaipon siya ng mas mabilis at makabalik na sa pamilya. Si Nenita ay 42 anyos ay tubong Pangasinan, may asawa at mga anak. Ang mga amo niya ay Indian na nakatira sa Bonham Road. – Ellen Asis

Suportahan natin ang ating mga sponsor:



















Chinese horoscope for Dec. 1-15

Posted on No comments
ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94/06
Protektado ka sa mga hindi magandang bagay na darating; malaki ang tsansa na matupad ang gusto mo. Ngayon pa lang, ituon ang atensyon sa tamang direksyon at iwasang magpaikot-ikot. Pagka-irita at pagka-inis ang dadanasin sa loob ng tahanan, at posibleng magkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa magulang. Lumabas at libangin ang sarili sa sports. Kaibigan man o karelasyon, laging mainam kung may kasama ka. Lucky numbers: 7, 12, 31 at 46.

BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95/07
Kailangang harapin ang mahirap na sitwasyon, at madidiskubre mong kaya mo itong ayusin. Sa halip na matakot na hindi kakayanin, maging positibo sa pag-atake sa problema. Huwag mag-alangan, gawin ang makakaya hanggang sa huli. Ang pagiging magalang at mahinahon mo ay papupurihan ng lahat ng makakakilalala sa iyo. Hayaan ang sariling mag-enjoy sa ginagawa sa kabila ng mga nararanasang hirap at problema. Lucky numbers: 19, 26, 30 at 40.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96/08
Ang mga kasamahan ay magpapakita ng kagaspangan at kawalang-asal, at iisipin mong sinasadya ito upang magsimula ng away kaya mahihirapan kang kontrolin ang sarili na magalit. Hindi ka na sasabihan na masyadong seryoso dahil maipapakita mo ang ibang karakter na magaan at madaling pakisamahan at mai-enjoy mo ang pakikipag-biruan. Kung mababa ang posisyon, hindi ka papayag na hindi ma-promote at mabigyan ng tungkulin; magtatagumpay ka dito. Lucky numbers:3, 15, 23 at 37.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97/09
Mailap ang pag-ibig sa iyo at malayo na rin ang narating mo sa paghanap sa kaligayahan na lagi na lang nakakaalpas, at sa panahong akala mo ay nahanap mo na ito. Mahaharap sa seryosong problema sa pera, lalo na at may utang pang binabayaran; ibayong pagtitipid ang kailangan, at ipahinga muna ang iyong credit card kahit na gaano pa kaganda ang bagay na inaalok sa iyo. Lucky numbers: 16, 22, 31 at 44.



TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98/10
Magiging masayahin, mapagbigay, masigla at maayos kang makipag-usap sa mga tao sa paligid mo ngayon. Sa trabaho, malakas ang imahinasyon at marami kang magagandang ideya. Ang malamig na panahon ay nagdudulot ng antok at katamaran, subukang kumain ng marami sa almusal bago magtrabaho upang mapanatili ang enerhiya. Huwag hayaang masira ang kapayapaan ng loob ng dahil sa nababasa o naririnig. Iwasang magreklamo. Lucky numbers: 20, 25, 33 at 47.

KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87/99
Mag-ingat sa food poisoning! Upang maiwasan ang mikrobyo, ilagay ang tirang pagkain at ugaliing i-defrost ang iladong karne sa loob ng refrigerator. Iwasan ang labis na pagkain ng hilaw na pagkain, at siguraduhin din na nilutong maigi ang kinakain. Ang pinagkakaabalahang proyekto ay mabubuo ng mas mabilis pa sa inakala mong oras. Tama lang na bantayang mabuti ang iyong pinagpapaguran dahil marami ka pang mga balakid na pagdadaanan. Lucky numbers: 11, 27, 38 at 45.



 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88/00
May mga hindi ka inaasahang reaksyon, at ang galak na ipinapakita sa mga kasamahan ay kalimitang nasusundan ng kagustuhan mong mapag-isa. Dahil sa biglang pagbabago ng disposisyon kaya nahihirapan kang intindihin ng mga kasamahan, pero ipagkikibit- balikat mo lang ito. Maaring makaranas ng hindi makontrol na pagsinok; kung hindi mawala agad ito, kumunsulta sa doktor. Lucky numbers: 4, 18, 36 at 40.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89/01
Kaya mong baguhin ang negatibong bagay sa personalidad mo para maging maaliwalas ang iyong dating. Kung gusto mo nang magkaroon ng pamilya, may tsansa kang makilala ang taong magpapatatag sa iyong buhay. Huwag gaanong lakihan ang pangarap dahil baka mahirapan kang mabuo at matupad ito. Bantayan ang paggastos, huwag munang ituloy ang pagbili ng bagay na matagal mo nang gusto. Umiwas din sa sugal dahil mababawasan ang iyong determinasyon. Lucky numbers: 12, 29, 34 at 42.



KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90/02
Ituloy mo lang ang pagsisikap habang kontrolado mo ang lahat, at iwasan din ang walang kuwentang pagtatalo. Sigurado na ang tagumpay mo. Mas gaganda ang pagsasama, at maging ang mga mag-asawang may seryosong problema ay magkaka-ayos. Huwag hayaang maapektuhan ang pagkakaibigan ng dahil sa problema sa pera. Ang totoong magkaibigan ay nagdadamayan. Lucky numbers: 6, 17, 27 at 44.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79/91/03
Mas madali para sa iyo na magtrabaho ng may mga kasama. Papabor sa inyo ang lahat, at magkakaroon ka ng pagkakataong maipakita ang kaya mong gawin ng walang nagdidikta sa iyo. Mag-ingat at huwag maging kampante upang maiwasan ang gulo, at higit sa lahat, mag-ingat sa pananalita. Kung gusto mong manatiling sariwa at magmukhang bata, tigilan ang paninigarilyo. Lucky numbers: 12, 13, 21 at 28.



UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92/04
Maligaya sa ka panahong ito. Pero kung matatanto mong hindi magiging maayos ang lahat, tanungin ang sarili at isiping mabuti ang lahat upang malaman ang totoong problema. Magaan ang lagay ng pananalapi at makakabayad ka sa mga utang at makakapamili ng mga gamit. Malaki ang tsansang magtagumpay ang negosyo. Mas bibigyan mo ng atensyon na mapaganda ang personalidad, kaysa panlabas na anyo. Lucky numbers: 4, 14, 16 at 39.

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93/05
Marami kang magiging kaibigan ngayon. Hindi ka makukuntento sa simpleng relasyon, dahil mas gusto mo pang mapalapit ng husto sa mga taong hinahangaan o mahal mo, o sa mga taong interesado kang makilala pa. Piliting maaayos ang problema sa pinangangasiwaan o materyal na bagay at tapusin din ang gawaing bahay. Kulang ka sa kritikal na pag-iisip ngayon, kaya iwasang magbigay ng opinyon o payo kahit kanino. Lucky numbers: 16, 28, 31 at 43.

Suportahan natin ang ating mga sponsor:










Don't Miss