Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Mission holds final ‘Give Care’ fair for the year

Posted on 24 December 2018 No comments
By Cynthia Tellez

Sunday, Dec 8, was unusually busy for the Mission For Migrant Workers, one of the oldest and trusted service providers for migrants in Hong Kong.

Its biggest event for the day was the final Give Care to Our Caregivers (GCC) fair for the year which was held on the grounds of St. John’s Cathedral.

Mission’s general manager Cynthia Abdon-Tellez said more than 1,000 migrant workers were provided service during the fair.

The highlight of the GCC was the Happy Homes Christmas Wish Tree, where migrant workers were asked to write their wishes for the year 2019, hang it on the Christmas tree, and pick a prize.
The stage backdrop summarizes the sentiment behind the Give Care to Caregivers project of the Mission for Migrant Workers. 


‘Soon,’ Tellez said, ‘the tree was adorned with wishes ranging from lighthearted requests to fervent prayers.’

The service booths were again a hit with participants, in particular, that of the chiropractors, which was full of waiting participants from the time it opened, until the very end.

Various booths offer various services, such as blood pressure and blood sugar readings, and Chinese medicine relief for the occasional ache and pain.


In the afternoon, a workshop for one of the Mission’s partners, HER Fund, and training on the Mission’s Know Your Rights pamphlet, were simultaneously held.

The twin event was well-attended, and Tellez said the knowledge the participants gathered will serve them well in helping others.

The final activity was the recognition ceremony for the participants of the Mission’s training sessions this year, and the awarding of the Seal of Approval under the Happy Homes project.



St John’s Dean Matthias Der welcomed everyone to the gathering with a heartwarming message about how love is shared through work.

The participants looked radiant as they received their certificates of participation. Three of them shared their insights on the training they receiving, saying it gave them more confidence in performing their responsibilities, and strengthened their resolve to uphold the rights of their fellow migrant workers.



The Happy Homes awarding was a celebration of harmony in the household. Eight households were gathered to show how this works through performances and testimonies.

A former Mission intern, Charisse, performed slam poetry on the life of her “yaya”, infusing her every line with anguish, understanding, and hope.



‘Last Sunday was a success. We thank all our partners who selflessly shared their resources to make this happen,” said Tellez.

“We also thank the migrant workers who joined us despite the drizzle, particularly those who helped us set up and manage the booths, those who provided massage and blood pressure checks, served food and helped in the clean-up afterwards.



Rest assured we will hold more GCCs in the years to come.

A very merry Christmas to all!”

---
This is the monthly column from the Mission for Migrant Workers, an institution that has been serving the needs of migrant workers in Hong Kong for over 31 years. The Mission, headed by its general manager, Cynthia Tellez, assists migrant workers who are in distress, and  focuses its efforts on crisis intervention and prevention through migrant empowerment. Mission has its offices at St John’s Cathedral on Garden Road, Central, and may be reached through tel. 2522 8264.















Bakit kailangang bumoto ang OFW

Posted on No comments
Sa Mayo 13, 2019 ang susunod na eleksiyon para sa 12 senador ng bansa na papalit sa ganoon ding bilang ng mga senador na matatapos na ang paglilingkod sa Hulyo.

Itinatadhana ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987 ang pagbabago sa paghahalal ng mga senador mula sa 8 tuwing ikalawang taon, tungo sa 12 tuwing ikatlong taon.

Ang tinatawag na “midterm election” ay itinuturing na panukat sa pananaw ng madlang mamamayan sa mga nagawa ng administrasyon ng nakaupong Pangulo ng Pilipinas.

Samakatwid, kung mananalo sa darating na halalan ang mga kandidatong suportado o sumusuporta kay Pangulong Duterte ay lalabas na ang pagkakapanalo nila ay boto ng pagsang-ayon ng madla sa mga nagawa ng lider ng bansa.

Kung matatalo sa Mayo ang mga maka-Duterteng kakandidato para sa Senado ay hudyat iyon na ayaw na ng masa sa lider na iniluklok nila sa puwesto noong Mayo 2016.



Mahalaga ang eleksiyong darating dahil ang ihahalal ng madla ang mga taong gagawa ng mga batas na may tuwirang kaugnayan sa pambansang kabuhayan at magiging batayan ng mga patakarang makakaapekto sa mga mamamayan.

Gayunman, parang hindi pa lubos na nauunawaan ng mga OFW ang halaga ng eleksiyon, kung pagbabatayan natin ang bilang ng mga bumoto rito sa Hong Kong noong nakaraang eleksiyon.



Ayon sa estadistikang binanggit ni Election Commisioner for Overseas Voting Rowena Guanzon sa Konsulado sa pakikipagpulong sa mga lider ng OFW noong Disyembre 9, nasa 50% lamang ng 87,000 registered voters sa Hong Kong ang bumoto.

Nagtaka si Guanzon kung bakit ganoon lang ang porsiyento ng bumoto at hangad niyang mahimok ang 60% ng mga overseas voters dito na bumoto. Sinabi niyang kilangang imulat ang mga OFW rito na mahalaga ang darating na eleksiyon para sa kanila at sa mga mahal nila sa buhay.



Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa Center for Migrant Advocacy noong 2016, lumakas ang partisipasyon ng mga botante sa presidential and national elections ng taong iyon, lalung-lalo na sa Hong Kong at Singapore.

 Sinabi ng CMA na ito ay taliwas sa mga nakaraang eleksion, nang bumagsak ang Overseas Absentee Voting  sa 25.99% noong 2010, o 153,323 ang bumoto sa 589,830 rehistradong botante, mula 64.89% noong 2004, o 233,137 sa 359,296 nagrehistro.



Sa midterm election noong 2007, ang kabuuang porsiyento ng mga bumoto ay 16.21 o 81,732 ng kabuuang 504,124.

Ayon sa nabanggit na pag-aaral, 589,830 lamang ng botanteng Pilipino sa labas ng bansa ang naghalal ng mga opisyal, o mahigit lang sa kalahati ng isang milyong pinupuntirya noon ng Comelec.

Dito sa Hong Kong, noong halalan ng 2016, ang naitalang bilang ng mga bumotong Pilipino na dito nakatira o nagtatrabaho ay mahigit 50% ng 87,000 nakarehistro rito. Ito ay kinatampukan ang pagkakapanalo ni Duterte nang may malaking agwat sa mga kalaban.

Batay sa pagsusuri ng CMA, lumitaw ang mga sumusunod na katanungan ukol sa halaga nating mga nasa ibang bansa sa mga eleksiyon sa Pilipinas:
1) Nabigyan ba ang mga OFW ng sapat na oras at puwang sa halalan?
2) May sapat bang representasyon ang mga OFW sa pamahalaan?
3) Napapakinggan ba ang ating mga tinig pagkatapos ng halalan?

Matapos nating maiparinig sa lahat ang ating tinig sa pamamagitan ng pagpili sa mga nakaluklok na mga opisyal, makikita sa darating na midterm election sa Mayo kung paano bibigyan ng marka ng mga OFW ang nagawa ng ating mga ibinoto.

Dahil diyan natin masusukat kung napabuti nila ang kabuhayan at kalagayan nating mga nag-aambag ng malaki sa ekonomiya.

Mabibigyan tayo ng halaga ng mga iniluluklok natin sa puwesto kung batid nilang alam natin ang mga isyu at hindi natin binabale-wala ang paghalal sa mga mambabatas.   


















Ayaw na sa suspetsosang amo

Posted on 23 December 2018 No comments
Kahit may isang taon pang natitira sa ikalawang kontrata ni Patsy sa kanyang mga amo na taga Mid-Levels ay nagdesisyon siyang huwag nang pumirma ulit.

Kahit kasi apat na taon na siyang nagsisilbi sa kanila ay para pa ring wala silang tiwala sa kanya. Kinukuha pa rin ng amo ang kanyang pasaporte at minsan ay muntik na rin siyang sinaktan.

Natigil lang ito nang sinabi niya ang, “Kung ayaw na ninyo sa akin, i-terminate na ninyo ako at ibalik ang pasaporte ko.”

Nang matapos ang una niyang kontrata ay nag-isip daw siyang lumipat na sa iba, pero naawa sa kanyang alagang bata.

Ayon kay Patsy may mga panahon na mabait naman ang kanyang amo, pero madalas ay madakdak.



Nitong mga nakaraang araw ay mas lalo pa daw lumala.

Kamakailan ay sinabi daw niyang hihiramin niya ang passport niya para makapag-open ng account, pero imbes pumayag ay nagtatalak na naman ang amo, na kesyo hindi niya nilinis nang maigi ang kanilang sasakyan, at kung ano-ano pa.



Lalo pang tumibay ang desisyon ni Patsy nang masama sa isang chat group, at karamihan ng mga kasali ay nagsabi na hindi dapat kinukuha ng amo ang pasaporte ng kasambahay dahil ito ay ilegal.



Ang pasaporte ay pag-aari ng gobyerno ng Pilipinas, at ito ay pinagkakaloob lang sa may hawak bilang tanda na ito ay isang mamayan ng Pilipinas, kaya hindi puwedeng mapasakamay ng iba.

Napag-isip isip ni Patsy na tama na ang apat na taong pagbibigay sa amo niyang suspetsosa at mareklamo.



Magtitiis na lang daw muna siya hanggang matapos ang kanyang kontrata, at hahanap na ng malilipatan.

Sana daw ay suwertihin na siya sa susunod na amo.

Si Patsy ay taga Capiz, single mother at may dalawang anak. “Pero may bf na po ngayon,” ang bawi niya. Kahit na kasi problemado daw siya ay marunong pa rin siyang magdala ng stress. – DCLM
















Naalala ang dating amo nang siya'y gininaw

Posted on No comments
Noong natapos ang one-month notice ni Celia sa mga amo ay binawi nila lahat ang mga winter clothes na binigay sa kanya noong nakaraang winter, kaya noong biglang bumagsak ang temperatura ay manipis na jacket lamang ang suot niya.

Hindi pa daw siya makabili ng mga damit panglamig dahil noong isang linggo pa lang siya sa kanyang bagong amo ay namatay ang kanyang ina, at kinailangan niyang umuwi.

Binilhan naman siya ng tiket pauwi ng amo sa kundisyon na ikakaltas ang bayad sa kanyang unang buwang sahod.



Naawa ang mga nakasabay niya sa MTR sa kanyang hitsura na lamig na lamig, at nangakong bibigyan siya ng mga makakapal na damit sa susunod na magkita sila.

Naisip ni Celia na mabait pa rin ang mga among iniwan dahil binigyan siya ng winter clothes samantalang itong mga bago ay walang pakialam kahit nakitang wala siyang angkop na damit sa biglang pagbabago ng klima.



Inalisan daw niya ang mga unang amo dahil lagi siyang pinagbibintangan ni Popo na may Alzheimer’s sa mga bagay-bagay na wala naman siyang kinalaman.

Sumama daw kasi ang loob niya sa mga akusasyon ni Popo.



Pero ngayon na napag-isip isip niya na mas malasakit naman ang mga dating amo sa kanya ay huli na ang lahat.

Ang bago niyang amo ay ubod ng istrikto, lalo na pagdating sa mga alaga niyang aso.



Naisip niyang pagtiisan na muna ang bagong amo at baka sakaling magbago ang ugali kapag pinakitaan niya ng magandaang kalooban.

Si Celia ay tubong Cagayan, 35 taong gulang, dalaga at kasalukuyang naninilbihan sa mga among Intsik sa Taipo. – Marites Palma
















Don't Miss