Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Health officials mum on lawmaker's infection after Xi meet-up

Posted on 03 July 2022 No comments

By The SUN

 

Ho (encircled) was among 100 officials who attended a meeting with Presidenti Xi on Thursday 

The Centre for Health Protection has refused to comment on coronavirus infections among officials who attended Hong Kong’s handover anniversary celebration where Chinese President Xi Jinping was the guest of honor.

Dr Albert Au said he would not comment on individual cases. He added that a general investigation would be conducted and family members and everyone the infected person had face-to-face contact with would be classified as close contacts.

Earlier, Steven Ho Chun-yin, a member of the pro-Beijing party, Democratic Alliance for the Betterment and Progress of Hong Kong confirmed he tested positive for Covid-19.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

He had posed for a group photo with President Xi on Thursday, and tested indeterminate the next day, so he skipped other Handover events.

Ho was the second DAB member to test positive during the recent festivities. Tam Yiu-chung, Hong Kong's sole representative to the National People’s Congress, tested positive on Thursday and had to stay away from all events.

Au’s statement came during the daily conference, when he also reported a total of 1,828 new infections, including 147 imported cases.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

He said that the cases may be lower than it should be because of community testing centers had to close yesterday when the storm signal no 8 was up until late in the afternoon.

Among the imported cases, 80 were detected at the airport, 58 at quarantine hotels and nine after the seven-day compulsory quarantine.

The total tally from the fifth wave is now 1.239 million.

HOW? PINDUTIN LANG ANG PICTURE

No new death was reported so the overall fatality toll remains at 9,192.

Three new cases were reported by customers who had been to Hotpot Foodie in Kwun Tong, raising the number of cases in the cluster to 14.

The restaurant was not found to have violated any anti-pandemic regulation, and all its staff, as well as the environmental samples taken from the place tested negative for the virus.

Press for details

Au said that the more contagious Omicron sub-variants, BA.4 or BA. 5 may have caused the outbreak as there was nothing wrong with the restaurant’s ventilation.

New results from genome sequencing revealed 28 cases previously reported were carrying BA.4 or BA.5, three of them imported and the rest, locally acquired.

Another 23 cases were found to carry the BA.2.12.1 sub-variant, among which 20 were unlinked to other infections.

PRESS FOR MORE DETAILS

Over the long holiday, 1,073 confirmed cases were reported from schools, involving 899 students and 174 staff members. 

Four more elderly homes reported new infections, including four staffers ad one resident.

There are now 761 patients receiving treatment at public hospitals. Eleven of them are in critical condition and 13 are in serious condition.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Pilipinang sinasaktan ng alaga, nakipag-ayos sa halagang $20k

Posted on No comments

Ni Daisy CL Mandap

 

Ang ganda ng ngiti ni May habang binabalita na nakipag-ayos na ang employer niya

Alamin mo ang iyong karapatan at ipaglaban mo.

Ito ang tumatakbo sa isip ngayon ni May E, na nakahinga ng maluwag matapos makipagkasundo ang dating employer na nag terminate sa kanya noong nakaraang buwan dahil sinubukan niyang i-video ang pagtatangka ng kanyang alagang walong taong gulang na tusukin siya sa mata.

Hindi lang nakipag-usap ng maayos ang employer kundi pumunta pa sa Mission for Migrant
Workers noong nakaraang Lunes, Jun 27, para ibigay ng buo ang hinihingi niyang kabayaran na umabot sa $19,837.90.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nakumbinsi kasi ito ng case worker ng Mission na si Esther Bangcawayan na mas maigi na mag-ayos na lang sila imbes umabot pa sa korte ang kanilang kaso. Dagdag pa ni Bangcawayan, matagal din naman ang ginawang pagsisilbi sa kanila ni May na umabot ng halos apat na taon.

Kasama sa binayaran ng amo ang severance pay, na sa unang akala ni May ay hindi niya dapat singilin dahil sabi ng ilang kaibigan ay dapat nakapagsilbi siya ng hindi kukulangin sa apat na taon, at hindi na kukuha ng kapalit ang employer niya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Laking tuwa niya nang malaman niya sa The SUN na 24 buwang paninilbihan lang ang kailangan para makasingil nito. Bukod dito, sinabi sa kanya sa Mission na dapat ay maipakita ng employer na kumuha na ito ng kapalit niya sa loob ng14 araw matapos niyang bumaba, kung hindi ay hindi na nito pwedeng itatwa na hindi na siya papalitan.

Ang mensahe ng amo na nakikipag kasundo

Nang bumaba si May sa bahay ng amo sa Fanling noong Jun 24 ay halos yung suweldo lang niya ng isang buwan at bayad sa annual leave at ticket ang gustong bayaran sa kanya. Pati ang air ticket niya pauwi sa Dumaguete City ay pilit tinatawaran  ng $1,500 dahil yun lang daw ang halagang nakita nito sa internet.

Kung hindi siya naglakas-loob na magtanong-tanong tungkol sa kung ano ang dapat niyang makuha mula sa amo ay malamang na napapayag si May sa gusto ng employer. Pati kasi ang dati niyang agency ay panay ang udyok na makipagkasundo na lang siya sa amo niya para daw bigyan siya nito ng magandang termination letter.

Sabi ng agency, mahihirapan si May na humanap ng malilipatan kapag hindi maganda ang isinulat ng amo sa termination letter dahil terminated siya. Dagdag pa nito, huwag din daw umasa si May na makakuha ng sahod na mas mataas sa minimum.

HOW? PINDUTIN LANG ANG PICTURE

Dahil sa mga payo sa kanya ng The SUN at Mission ay nagpasya si May na magtanong sa ibang agency. Ganoon na lang ang tuwa niya nang may naibigay agad sa kanyang employer na agad na pumirma ng kontrata, at nag-alok ng sahod na $5,500.

Sa ngayon ay naghihintay na lang si May ng paglabas ng visa niya. Sa tulong ng Mission, lalo na ng case officer nila at executive director ng Bethune House na si Edwina Antonio ay nakasulat na rin siya sa Immigration Department para sabihin ang mga nangyari bago siya na terminate.

Ayon sa sulat ni May, mula nang dumating siya sa bahay ng amo noong October 25, 2018 ay lagi na siyang sinasaktan ng nag-iisang anak nito na lalaki na apat na taong gulang lang noon. Nariyan yung kalmutin siya, kagatin sa braso, sipain, tusukin, duraan at hampasin ng payong at kung ano-ano.

Press for details

“Sa lahat ng mga ganitong pagkakataon, hindi ako naprotektahan ng amo kong babae sa pananakit ng anak niya,” sabi pa ni May sa sulat. Hindi daw nagtatrabaho ang nanay nung bata kaya nakikita lagi ang pananakit ng anak niya pero hindi niya ito inaawat.

Kalmot sa braso ni May na gawa ng alaga

“Ang mas masaklap, kapag nasugatan ako o namaga ang braso ko dahil sa pananakit ng anak niya ay ayaw pa akong dalhin sa ospital ng amo kong babae o bilhan man lang sana ako ng gamot.”

Hindi rin maalwan ang sitwasyon ni May dahil 16 oras araw-araw ang trabaho niya. Gigising siya ng 6am at nagpapahinga lang ng 15 minuto para kumain, tapos balik-trabaho ulit hanggang umabot ang 10pm.

Tipid na tipid din sila sa pagkain. Sa umaga ay oatmeal, lugaw o isang pirasong siopao lang ang binibigay sa kanyang almusal. Ni walang kape kaya mainit na tubig lang lagi ang iniinom niya.

PRESS FOR MORE DETAILS

Dagdag pa niya, pati sa pagtulog ay hindi siya lubos na makapahinga dahil sa sala lang siya pinapahiga.

Sa kabila ng lahat ng ito ay nagtiis si May. Una, dahil sa isip niya ay bata lang ang nanakit, at umaasa siyang titino din ito paglaon. Pangalawa, may tatlong anak siyang pinapag-aral, na ang dalawa ay nasa kolehiyo na. Kahit katuwang niya ang asawa niya sa pag-aalaga sa mga ito ay siguradong mahihirapan siya sakaling mapauwi siya.

Pero ang lahat ay may hangganan. Noong Mar 28 ng nakaraang taon ay nagpa doktor na si May matapos siyang kagatin at kalmutin sa kaliwang braso ng bata, bago nito tinangkang tusukin ang mata niya gamit ang chopsticks.

Kinunan ni May ng litrato ang kanyang mga sugat at pasa, at humingi ng medical certificate mula sa doctor na nagpatunay na ginamot siya nito para sa mga kagat at pananakit sa kanyang braso.

Madalas din tusukin si May ng bata sa harap mismo ng nanay nito

Pero muli ay pinakiusapan daw siya ng nanay ng bata na huminahon at huwag nang iparating sa iba ang nangyari.

Nitong May 19 ay muling nagwala ang bata, at tinangka na naman muling tusukin ang mata ni May. Sa pagkakataong ito ay nagdesisyon si May na kunan ng video ang ginagawa ng bata bilang pruweba at para takutin ang bata.

Nagalit lang daw ang bata nang sabihin ng ina na si May ang sasama sa kanya sa tutorial school.

Kinagabihan ay nalaman ng ama ng bata ang nangyari, pero imbes na pangaralan ang anak ay si May pa ang pinagalitan dahil illegal daw ang ginawa nito na pag video sa anak nila na menor de edad.

Muli ay napapaniwala si May kaya nang sabihan siyang terminated na siya noong May 25 pero kailangan pa rin niyang magsilbi ng isang buwan ay napapayag siya.

Habang naghihintay makababa ay nagpasya si May na isumbong na ang pananakit ng bata sa kanya dahil alam niyang mali. Pero nandoon pa rin ang takot na baka pauwiin siya ng Immigration at hindi na payagang makalipat sa ibang employer.

Mabuti na lang at pinatibay ng ilang tao ang kanyang loob, lalo na ng mga taga Mission for Migrant Workers.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

HK reports 2,227 new Covid cases and 3 deaths

Posted on 02 July 2022 No comments

By The SUN

 

Covid testing resumed 2 hours after T8 was lifted

Health authorities reported a total of 2,227 new coronavirus cases Saturday, including 143 imported ones.

The report was made in a statement issued in place of the daily press briefing which was canceled because of Typhoon Chaba.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Among the new cases, 714 were confirmed through PCR tests and 1,370 were verified rapid antigen tests.

The tally from the fifth wave now stands at 1,237,7111.

Covid-related deaths also rose to 9,192 for the same period after three additional deaths were reported today. Overall, said the CHP statement, the death tally in Hong Kong is at 9,405.

Pindutin para sa detalye

The latest results from genome sequencing analysis also found additional cases involving Omicron sub-variants. Those who carry the BA.2.12.1 sub-variant now number 599; while the tally for BA.5 cases has gone up to 75; and 35 for BA.4.

HOW? PINDUTIN LANG ANG PICTURE

Flight TK070 operated by Turkish Airlines has been suspended from flying to Hong Kong for five days starting tomorrow after a number of passengers on its Jun 30 flight from Istanbul tested positive for Covid-19 on arrival, breaching the government threshold.

Press for details

Meanwhile, no compulsory testing notice was issued today because Storm Signal No 8 was in force.

However, community testing centers resumed services two hours after the signal was lifted at 4:20pm. Mobile specimen collection stations remain closed.

PRESS FOR MORE DETAILS

All CTNs that were set to be complied with on Jun 29 and Jun when T3 was in force have been extended to Jul 3 and Jul 4, respectively.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Mananatiling maulan bagamat ibinaba na ang T8

Posted on No comments

 Ng The SUN

 

Nakataas pa rin ang Storm Signal No  ngayong gabi 

Mananatiling maulan na may panaka-nakang pagkulog bukas, araw ng Linggo.

Ito ay ayon sa Hong Kong Obsevatory, na ibinaba sa Storm Signal No 3 ang dating Signal No 8  nang makalayo na papuntang timog na bahagi ng Guangxi ang bagyong si Chaba.

Inaasahan na mananatiling nakataas ang T3 hanggang alas kuwatro ng umaga bukas. Bagamat paalis na ang bagyo, may babala pa rin na mataas ang alon sa dagat kaya iwasan ang paglangoy o paglalaro sa pampang.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Dahil sa babalang ito ay kinansela ng ilang grupo ng mga Pilipino ang nakatakda nilang pagtitipon-tipon bukas sa Repulse Bay.

Kabilang dito ang United Filipinos-Migrante Hong Kong na nagdiriwang ng ika-37 taon nilang anibersaryo, at ang Wanchai Boys na nakatakdang idaos ang kanilang ika-28 taong anibersaryo.

Pindutin para sa detalye

Hindi rin nakaalis ang dalawang flights ng Cebu Pacific papuntang Maynila kaninang umaga, pero  ang pangatlo nilang flight ngayong gabi ay nakaalis ng 10:17pm, mahigit isang oras sa takda nitong paglipad.

Ang Philippine Airlines naman ay umalis sa takdang oras kaninang 9:45 ng umaga, samantalang ang Cathay Pacific ay nakalipad din tatlong minuto makalipas ang takda nitong pag-alis ng 4:35pm.

HOW? PINDUTIN LANG ANG PICTURE

Samantala ang Air Asia na dapat umalis ngayong 8:45pm ay bukas na ng 5:45am ang takdang pag-alis.

Ayon sa Observatory, mananatiling masama ang panahon sa mga darating na araw.

Samantala, unti-unti namang bumalik sa biyahe ang mga pampublikong sasakyan isang oras matapos ibaba ang No 8 na babala dahil sa bagyo.

Press for details

Ang New World First Bus at Citybus ay nagsabi na magbabalik-pasada ang kanilang mga sasakyan kaninang 5pm, samantalang ang KMB at Long Win Bus Company naman ay 5:30pm.

Ang MTR na hindi tumigil ang serbisyo ay sinabi namang mas dadalas na ang biyahe ng kanilang tren at babalik-pasada na din ang kanilang mga bus.

Ibinalik ang tig-limang minute ang pagitan ng mga biyahe sa Island Line, at mula North Point hanggang sa istasyon ng Po Lam sa linya ng Tseung Kwan O.

PRESS FOR MORE DETAILS

Ibinalik na din ang mga biyahe ng Star Ferry mula Central papunta ng Tsim Sha Tsui at mula a TST papunta ng Wan Chai simula 6:30pm

Ang Sun Ferry naman sa pagitan ng Central at Cheung Chau at Mui Wo ay nagsimulang bumiyahe muli ng 6pm, pero ang ibang mga biyahe ay bukas na lahat uumpisahan.

Ang Hong Kong and Kowloon Ferry ay nag-umpisa na ring bumiyahe mula Central hanggang Yung Shue Wan,So Kwu Wan, Peng Chau at Hei Ling Chaun. Pero ipinagpaliban na bukas ang pagbabalik ng biyahe mula Tsuen Wan West papunta sa Park Island.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

T8, itinaas ngayong gabi

Posted on 01 July 2022 No comments

Ng The SUN 

Punuan ang mga tram kahit maulan dahil sa libreng sakay ngayong araw 

Itinaas ang Storm Signal No 8 ngayong 7:40 ng gabi sa Hong Kong dahil sa papalapit na bagyong si Chaba.

Inaasahang lalapit nang husto ang bagyo sa may timog-kanlurang bahagi ng Hong Kong bukas ng madaling araw.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa Observatory ay malamang na manatiling nakataas ang T8, na ngayon lang itinaas sa taong kasalukuyan, hanggang ika-5 ng umaga bukas.

Bagama’t may badya nang malakas na hangin at ulan ay nanatiling maraming tao sa daan ngayong gabi, at pati mga bus at MTR ay patuloy pa rin ang biyahe. Ang mga tram at ferry lang ang tumigil sa pagbibiyahe.

Pindutin para sa detalye

Piyesta opisyal kasi ngayong araw dahil ika-25 taong anibersaryo ng pagkatatag ng Hong Kong Special Administrative Region sa ilalim ng China, at takdang araw din sa panunumpa ng bagong Chief Executive na si John Lee.

Bilang pagdiriwang ay libre ang sakay sa tram at Star Ferry, at pati ang pagpasok sa mga museo sa buong Hong Kong.

HOW? PINDUTIN LANG ANG PICTURE

Sinamantala ito ng marami, kabilang ang mga foreign domestic helper na holiday din ngayon. Punuan ang mga tram ng hanggang hapon, at pati mga restaurant din na puntahan ng mga foreign domestic worker dahil nagkataong araw din ng sahuran ngayon.

Bumagal ng kaunti ang takbo ng mga ferry dahil sa bahagyang pag-alon 

Ayon sa Observatory, nasa 370 kilometro ang layo ni Chaba sa Hong Kong bandang alas otso ng gabi, habang papalapit sa kanlurang bahagi ng Guangdong.

Dala-dala daw ng bagyo ang malakas na hangin na lalo pang titindi ngayong magdamag, at mararamdaman nang husto sa bandang katimugan ng Hong Kong.

Press for details


Pinapa alalahanan ang lahat na iwasan ang paglapit sa pangpang, o mga lugar na sadyang bahain.

Samantala ay nagbukas ang Home Affairs Department ng pansamantalang silungan ng mga walang tinutuluyan.

PRESS FOR MORE DETAILS

Ang malakas na hangin at pabugso-bugsong pag-ulan ay inaasahan na mananatili bukas maghapon, at hanggang sa Linggo. Magkakaroon pa din ng manaka-nakang pag-ulang hanggang sa kalagitnaan ng susunod na linggo.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Don't Miss