Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pilipina kulong ng 10 linggo dahil nagnakaw ng $6,000 sa red packet

Posted on 10 October 2022 No comments

 

Inamin ng Pilipina ang sakdal nang humarap sa West Kowloon Magistrates' Court.

Isang Pilipinang domestic helper ang ipinakulong nang 10 linggo at pinagbayad ng $1,500 matapos siyang umamin sa West Kowloon Magistracy na nagnakaw ng $6,000 sa kanyang amo sa Mong Kok, Kowloon.

Inamin ni Rubilyn Lagmay, 46 taong gulang, na kinuha niya ang pera sa mga red packet na nakatago sa drawer sa silid ng kanyang amo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa sakdal, naglagay ng tig-$2,000 at $1,000 sa mga pulang sobre ang amo ni Lagmay para ipamigay sa nakaraang Chinese New Year noong Pebrero, at itinago niya sa kanyang drawer ang mga hindi naipamigay.

Noong Aug. 2 ay nadiskubre niyang nawawala ang tatlong red packet na may lamang tig-$2,000, at tumawag siya ng pulis.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa paghingi ng mas mababang sentensya, sinabi ng abogado ni Lagmay na ang Pilipina ay may malinis na rekord mula nang dumating sa Hong Kong bilang domestic helper noong 2015, at nagawa lang niyang magnakaw dahil nangailangan siya ng malaking halaga matapos maaksidente at maospital ng kanyang anak na lalaking 23 taong gulang.

Sinabi rin niya na nagsisisi ang Pilipina at gustong ibalik ang kanyang ninakaw, pero ang mayroon lang siya ay $1,000.

Ayon kay Magistrate Peter Yu, kailangang makulong si Lagmay dahil seryoso ang ginawa niyang paglabag sa tiwala ng kanyang amo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Mula sa 15 buwang pagkakakulong, binawasan niya ng 1/3 ang parusa ni Lagmay dahil sa pag-amin nito, at ipinabayad ang hawak niyang $1,000 sa kanyang amo. Nang maalala niyang may $500 na piyansa pang mababawi si Lagmay sa korte, idinagdag niya ito sa ipinababayad sa amo.

Agad na binalik sa kulungan si Lagmay pagkatapos para pagdusahan ang nagawa niyang kasalanan.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

 

2 Pinoy, pinaghahanap matapos saksakin ang 2 kababayan

Posted on No comments

Ng The SUN

 

Nangyari ang pananaksak sa parkeng ito sa Wanchai kagabi

Dalawang Pilipino ang pinaghahanap ngayon matapos diumanong saksakin ng kutsilyo ang dalawang kababayan sa isang parke sa Wanchai, bago tumakas.

Ayon sa pulisya, hindi magkakilala ang dalawang grupo ng lalaki at nagkainitan lang habang nakaistambay sa palaruan sa Tai Wo Street sa Wan Chai bandang 9:42pm kagabi.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nasaksak ang dalawang magkaibigan na ang isa ay edad 40 at ang pangalawa ay 36 taong gulang naman. Itinakbo silang duguan sa Ruttonjee Hospital kung saan sila nakaratay hanggang ngayon.

Ang mas matanda sa dalawa ay nagtamo ng sugat sa bibig at mukha at ang kasama niya ay nasugatan naman sa bibig at ulo. Pareho silang may HKID card.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Wala na ang mga salarin pagdating ng mga pulis. Pero ayon sa mga saksi, ang dalawa ay parehong nasa 40 ang edad at may taas na 1.8 meters (5’10).

Ang isa ay nakasuot ng t-shirt na may guhit na asul at puti, at dark brown na pantalon. Ang pangalawa naman ay nakasuot ng pink na pantaas at khaki na shorts.

Pinanood din ng mga pulis ang mga kuha ng CCTV sa malapit para mas mapabilis ang paghahanap sa mga suspek.

Isang kaso ng “wounding” o pananakit ang itinala ng mga pulis dahil sa pangyayari. Kakasuhan ang mga suspek nito kapag sila ay nahuli.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang sino mang may alam o nakasaksi sa pangyayari ay hinihikayat na dumulog sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya para makipagtalastasan.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Mag-uumpisa nang guminaw sa HK bukas ng umaga

Posted on 09 October 2022 No comments

 

Maaliwalas ang panahon ngayong gabi. (HKO Photo) 

Gigising ang Hong Kong sa malamig na umaga bukas (Lunes) at sa Martes sa isa pang pagpapaalala na malapit na ang taglamig.

Ayon sa Hong Kong Observatory, ang pinakamababang temperatura bukas ay 22 degrees Celsius, na bababa pa sa 21 degrees sa Martes.

Pero dahil patuloy pa rin ang maaliwalas na papawirin na dala ng Northeast Monsoon (na kilala sa Pilipinas bilang hanging Habagat), mananatiling mainit pa rin dahil sa sikat ng araw sa hapon, na aabot sa 28 degrees bukas at 27 degrees sa Martes. Sa papasok na linggo, ang pinakamainit ay 30 degrees na inaasahan sa Linggo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Magiging malaliwalas ang panahon sa buong linggo, na may manakanakang pag-ulan.

Pero dahil sa init at sa tuyong hangin na dala nito, nagtaas ng Yellow fire danger warning ang Observatory.

Nagbabala ito na nanganganib na magkaron ng sunog, lalo na sa mga damuhan sa gilid ng bundok, kaya pinag-iingat ang lahat.

Press for details

Ayon sa Observatory inaasahang mas mainit sa karaniwan ang panahon mula Oktubre hanggang Disyembre ng taong kasalukuyan, dahil sa pandaigdigang pag-init at pagkakadikit-dikit ng mga gusali sa siyudad.

Inaasahan na magpapatuloy ang pagtaas ng temperatura sa mga susunod na taon.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang klima ng Hong Kong ay pinaka-komportable sa pagitan ng Nobyembre at Disyembre. 

Pagdating ng malamig na hangin at makakapal na  ulap mula sa Norte sa Enero, babagsak ang temperatura sa 10 degrees o mas mababa pa. May mga taon pa na umabot sa 0 ang temperatura sa ilang panig ng New Territories, dagdag pa ng Observatory. 

CALL US!

CS says HK will keep ‘0+3’ scheme for now

Posted on No comments

By The SUN

 

The Chief Secretary says the 3-day health monitoring of inbound travelers will remain 

Chief Secretary Eric Chan said Sunday that the three-day medical surveillance rule for inbound travelers will have to stay for now to prevent a possible rebound in cases.

In a social media post, Chan said he was aware of persistent calls from the business sector to drop the so-called “0+3” arrangement, under which new arrivals no longer have to undergo hotel quarantine but will be prevented from entering high-risk places such as restaurants and bars for three days.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Chan said this scheme is still the best arrangement for Hong Kong as it maintains the city’s competitiveness while keeping imported cases of Covid-19 at bay.

“We must balance the risk in our anti-epidemic efforts, otherwise the loss will outweigh the gain if there’s a rebound,” said Chan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

But through the new arrangement, he said those in business are now able to interact with clients and local counterparts, and even join big exhibitions and conferences as soon as they land in Hong Kong.

Thus, different international tournaments, activities and concerts can now be held, allowing Hong Kong to regain its “international reputation as a vibrant city and enhance its competitiveness.”

Chan added the government will not slacken in its fight to keep the coronavirus under control.

Meanwhile, the Centre for Health Protection reported 4,890 new Covid-19 cases, including 328 imported infections.

Press for details

The daily tally was slightly down from the 4,900 reported on Saturday.

Three more Covid-19 patients had died.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

As of the latest count, more than 1,600 Covid-19 patients are receiving treatment in various public hospitals.

CALL US!

‘I was wrong and I am sorry,’ says Filipina DH who sent SOS through window

Posted on No comments

 By Daisy CL Mandap

 

Reguyal posted her apology on several Facebook group accounts 

Taos puso akong nanghihingi ng paumanhin at kapatawaran sa aking amo at kanyang pamilya sa pagkakasalang pagkuha ng picture ng kanilang personal documents ng walang pahintulot. Ngayon ko nauunawaan na malaking paglabag sa kanilang privacy ang naging pagkakamali ko.”

(I would like to sincerely apologize and ask for forgiveness from my employer and her family  for my mistake in taking pictures of their personal documents without their permission. I now realize that I had seriously violated their privacy because of my mistake).

This was what Mary Jane Reguyal had posted on several social media sites today, Sunday, to admit her mistake in shoving a handwritten note through a window in her employer’s high-rise flat yesterday afternoon asking people to contact her sister, Maria Gracia – which sparked widespread concern.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Reguyal, who has worked in Hong Kong for more than three years, said she only wanted her sister to know that she did not have her phone with her, in case their family got worried after she lost touch with them for two days.

She was also worried because her employer had given her a warning after seeing pictures of their family’s personal documents in her phone, and had taken it away to prevent her from sharing them online.

She admitted that she had taken photos not only of her employers’ HKID cards, but also their passports, travel itineraries, and even their children’s tuition fee payments.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Asked why she did all these when they were unnecessary for taking out a loan which was the excuse she had given her employer, she said, “Parang natuwa lang po ako.” (I just took a fancy to them).

But all the other allegations made by kibitzers against her employers, like she was being starved and had been locked up, were not true, she said.

She also said it was not her intention to cause the widespread alarm that followed the sharing of her photo online, saying she just wanted someone to contact her sister so she could share her concern that she would be punished for her misdeed.

Little did she know that someone who had seen her seemingly desperate appeal would take a photo and upload it online, and that it would get out of hand from thereon.

Saret warns migrant workers against taking photos of their employer's properties 

This afternoon, Reguyal and her sister went to the Consulate and personally apologized to the employer before Consul Paul Saret, head of the assistance to nationals section. The sisters told the employer that Reguyal needed to keep her job badly.

Consul Saret said the employer was adamant at first about taking action against Reguyal, saying her family was put in a bad light because of what the helper had done.

“Everyone now thinks we are bad,” the employer reportedly said.

Press for details

Saret said the employer had talked about consulting a lawyer over the matter not only because Reguyal had violated her family’s privacy but also because she had cast doubts on their reputation.

But after being assured that the helper would issue a public apology and own up to her mistakes, the employer was appeased and agreed to take her back as a show of good faith.

During the conciliation meeting, Saret said he also learned that there was a landline in the employer’s house which the helper could have used anytime except that she had not memorized her sister’s telephone number.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

She also could leave the house anytime, and had actually gone down to the lobby to speak with police officers who had responded to calls for help on her behalf from concerned netizens.

Police had been to the employer's house twice in response to calls for help made by people who saw Reguyal's photo on Facebook, but left after brief inquiries, classifying the case as "misunderstanding" the first time, and "dispute" the second time.

Saret said this incident should serve as a reminder to all Filipino domestic workers the importance of protecting the privacy of the family they work with.

“They should never take pictures of their employers’ personal documents and worse, upload these or use them for such transactions as taking out a loan,” he said. “Violation of someone else’s privacy is a serious offence in Hong Kong.”

Reguyal said she learned this lesson the hard way. Not only was her sister dragged into a mess she had created, but it also got their father in the Philippines worried, she said.

Kasalanan ko naman po talaga ito. Ako ang nagkamali, at kailangan kong linisin ang pangalan ng employer ko,” she said. (This is really my fault. I made a mistake, and I have to clear up my employer’s name).

Her final appeal is for people who posted and shared her viral photo to delete it so she could start afresh.

CALL US!

Pulis umapela para makita ang nawawalang Pilipina

Posted on 08 October 2022 No comments

 

Ang nawawalang si Leticia M. Wong

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ang isang Pilipinang inireport sa pulis ng kanyang pamilya na nawawala.

Huling nakita si Leticia M. Wong, 76 taong gulang, sa tabi ng Cable Car Terminal sa Tat Tung Road, Tung Chung, noong Huwebes, Oct. 6.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
Pindutin para sa detalye

Ang Pilipina ay may taas na 1.5 metro (4 feet 11 inches), may bigat na 45 kilo (99.2 labs.), at payat ang pangangatawan.

Ayon sa report ng pulis, siya ay tsinita, may mahabang mukha at itim na buhok.

Press for details

Ang suot niya noong huli siyang nakita ay orange-red short-sleeved shirt, dark-colored skirt at itim na sapatos. May dala siyang puting handbag.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Kung sino man ang nakakita sa kanya ay tumawag lang sa Regional Missing Person Unit of Kowloon West sa numerong 3661 8038 o 9020 6542 o mag-email sa rmpu-kw@police.gov.hk, o kumontak sa kahit saang police station.

CALL US!

Don't Miss