Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pinoy na akusado ng pananaksak, humarap sa korte

Posted on 13 October 2022 No comments

The SUN

Kuha ng isa sa mga biktima habang nasa ambulansya (Facebook post)

Dalawang Pilipino na kinasuhan ng mga pulis dahil sa nangyaring pananaksak at gulpi sa Wanchai noong Linggo ang humarap sa Eastern Court kanina.

Kinilala ang unang akusado bilang si Romeo Dimatulac Miranda, 46 taong gulang, at isang construction worker. Kinasuhan siya ng “wounding” sa pamamagitan ng pananaksak kay Benson Jy Mateo Agunoy sa labas ng palaruan sa Tai Wo Street sa Wanchai nong Oct. 9.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Si Miranda ay hindi pinayagang magpiyansa kaya mananatili siya sa kulungan hanggang sa susunod na pagdinig sa kaso sa Nov. 24.

Ang pangalawang akusado ay si Delfin dela Cruz Villaremo, 55 taong gulang, at isang family driver. Kinasuhan siya ng “assault occasioning bodily harm” o panggugulpi kay William Licban Maun sa kaparehong lugar sa Wanchai.

Ang pangalawang akusado ay tumigil sa labas ng korte pansamantala pagkatapos magpiyansa

Pinayagan si Villaremo na makalaya pansamantala sa bisa ng $1,000 na piyansa, na may kundisyon na palagi siyang magre-report sa pulisya, isu-surender ang kanyang pasaporte, at hindi aalis ng Hong Kong.

Ilang minuto pagkatapos ng pagdinig sa kaso ay lumabas sa korte si Villaremo kasama ang dalawang Pilipina na nagbayad ng kanyang piyansa. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang pinakamabigat na parusa sa parehong kaso ay tatlong taong pagkabilanggo ayon sa Offences Against the Persons Ordinance ng Hong Kong.

Ang dalawang akusado ay inaresto noong Martes ng umaga matapos diumanong tumakas pagkatapos ng insidente noong Linggo, bandang 9:42pm.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Naaresto ang dalawa pagkalipas ng isang araw. Si Miranda ay nakita sa isang lugar sa Wanchai samantalang si Villaremo ay sa Happy Valley daw natagpuan.

Ayon sa mga pulis, hindi magkakilala ang mga akusado at mga biktima, at nagkaroon lang daw ng pagtatalo dahil sa maliit na bagay.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Namumuong bagyo sa Pilipinas mararamdaman sa HK sa Martes

Posted on 12 October 2022 No comments

 

Mapang nagpapakita ng sirkulasyon ng hangin. (HKO photo)

Binabantayan ng Hong Kong Observatory ang dalawang namumuong bagyo sa magkabilang gilid ng Luzon, at mararamdaman ang dalang hangin ng isa sa kanila sa papasok na linggo.

Dahil low pressure area (LPA) pa lang, hindi pa pinapangalanan ang pamumuo ng kumpol ng mga ulap sa kanluran ng Luzon (na ang sentro ay nasa 650 kilometro sa kanluran ng San Jose, Occidental Mindoro), pero inaasahang magsasanhi ito ng paagbugso ng hangin at ulan sa malaking bahagi ng South China Sea sa pag-usad nito pakanluran.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa Hong Kong, ang epekto nito ay mararamdaman sa manaka-nakang pag-ulan at bugso ng hangin, at pagbaba ng temperatura sa 21 degrees celsius sa umaga ng Martes, na inaasahan pang bumaba sa 21 degrees sa Miyerkules.

Ang Tropical Depression Maymay naman na nasa 190 kilometro sa silangan ng Casiguran, Aurora, ay inaasahang lalakas din at tatawid sa hilagang Luzon papuntang South China Sea. Pero hindi pa matanto ang epekto nito sa Hong Kong dahil marami itong dadaanan na maaring makaapekto sa direksyon nito sa mga susunod na araw.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero bago dito, tag-init muli mula bukas hanggang Lunes, at inaasahan ang temperaturang 24 degrees sa umaga at 30 degrees sa hapon

Nakataas pa rin ang Red (o pula) Fire Danger Warning dahil sa mataas na panganib na magkasunog, lalo na sa mga tuyong damuhan sa gilid ng mga bundok.

Pinaalalahanan ang mga aakyat ng bundok na magbaon ng luto nang pagkain upang hindi na magsimula ng apoy at maiwasang magka-sunog.

Ang parusa sa pagsisimula ng sunog sa mga bundok ay multang $25,000 at isang taong pagkabilanggo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pinaalalahanan din sila na maging alerto kapag makakita ng usok, kahit malayo, dahil mabilis kumalat ang sunog sa mga panahong ito.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

2 Pilipinong suspek sa pananaksak, arestado

Posted on No comments

Ng The SUN

 

Tumakas ang 2 suspek matapos ang pananaksak sa parkeng ito sa Wanchai Linggo ng gabi

Naaresto na kahapon, Martes, ang dalawang Pilipino na pinaghihinalaang sumaksak sa dalawang kababayan matapos ang alitan sa isang parke sa Wanchai noong Linggo ng gabi.

Ayon sa pulisya, ang dalawa ay magkahiwalay na inaresto ng mga pulis sa anti-triad division ng Wanchai Police Station kahapon ng umaga.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang isa ay 46 taong gulang at naaresto sa hindi sinabing lugar sa Wanchai, samantalang ang pangalawa ay 55 taong gulang at nasakote sa Happy Valley. Pareho silang may HK ID card, na ang ibig sabihin ay hindi sila torture claimant, o naninirahan sa Hong Kong nang ilegal.

Ayon sa pinakahuling report mula sa mga pulis, ang nakababata sa dalawa ay kinasuhan na ng "wounding" samantalang ang pangalawa ay "assault occasioning bodily harm." Pareho pa ring nasa kustodiya ng pulis ang dalawa, at nakatakdang humarap sa Eastern Magistracy bukas, Huwebes.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang dalawa ay sinasabing tumakas matapos saksakin ng kutsilyo ang dalawang kapwa Pilipino sa Tai Wo Street Playground sa Wanchai bandang 9:42pm noong Linggo.

Nagka-alitan daw ang dalawang grupo sa isang maliit na bagay. Hindi magkakilala ang dalawang grupo, pero ang mga nasaksak ay magkaibigan.

Itinakbo sa Ruttonjee Hospital ang dalawang biktima, edad 36 at 40 taong gulang, na nagtamo ng mga sugat sa mukha, bibig at ulo. Pareho ding may HKID card ang dalawa.

Agad na nagpalabas ng babala ang pulis na pinaghahanap nila ang mga suspek. Ang isa ay  nakasuot ng t-shirt na may guhit na asul at puti, at dark brown na pantalon habang ang pangalawa ay naka pink na pantaas at khaki na shorts.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pinanood din ng mga pulis ang mga kuha sa isang CCTV camera sa lugar ng pinangyarihan.

Ayon sa isang tagapagsalita ng pulis, ang mga nahuli ay parehong tumugon sa mga pagsasalarawan sa kanila ng mga testigo.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Pilipina, itinanggi ang kasong pagnanakaw laban sa kanya

Posted on 11 October 2022 No comments

 

Iginiit ni Glenny Flores sa pagdinig sa Eastern Court na hindi siya nagkasala

Tumanggi ang isang Pilipina sa kasong pagnanakaw ng dalawang shopping bag ng mga pinamili sa isang tindahan nang humarap siya sa Eastern Court ngayon (Oct. 11).

Sa pamamagitan ng kanyang abogado, iginiit ni G. Flores na napagbintangan siya matapos magkasagutan sila ng cashier at hindi nagka-intindihan sa isang sangay ng Fusion Supermarket sa Happy Valley noong July 1.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Dahil dito, itinakda ni Principal Magistrate Ada Yim sa Nov. 28 ang pre-trial review upang balangkasin ang mga ebidensiya at saksi laban kay Flores, 34 taong gulang at domestic helper, at upang siya rin ay makapaghanda ng kanyang depensa.

Kinasuhan si Flores matapos arestuhin ng pulis dahil dalawang beses tumunog ang alarm sa may pintuan ng tindahan habang siya ay papalabas, na nagpapahiwatig sa staff na may inilalabas na produktong hindi nabayaran.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Dala-dala niya noon ang kanyang pinamili na 21 pakete ng tsokolate, isang bote ng shampoo, tatlong bote ng conditioner, dalawang pakete ng plaster para sa sakit ng katawan at dalawang tubo ng pang-spray na liniment na nakasilid sa dalawang shopping bag.

Noong tumunog ang alarma habang paalis si Flores, bumalik siya sa cashier upang bayaran ang produktong nagsanhi ng alarma, na isang tsokolate.

Nang papalabas na siyang muli at tumunog ang alarma, bumalik muli siya sa cashier. Dito na sila nagkasagutan – siya sa Inggles at ang cashier sa Cantonese. Tumawag naman ng pulis ang staff ng tindahan at pinaresto siya.

Ayon sa abogado ni Flores, walang intensiyon si Flores na hindi bayaran ang isang tsokolate na nagsanhi ng ikalawang pagtunog ng alarma. Wala ring CCTV footage ang tindahan, dagdag niya.

Hiningi ng abugado na isalang sa korte ang pulis na umaresto kay Flores upang mausisa sa isang cross-examination, at tawagin ang isa pang pulis bilang testigo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sinabi ni Magistrate Yim na kataka-taka na dalawang beses tumunog ang alarma at walang CCTV footage ang tindahan. 

Sinabi rin niyang kailangang maipaliwanag ni Flores kung bakit binayaran niya ang isang tsokolate, pero hindi ang pangalawa.

Inutusan niya ang taga-usig na magdala sa korte ng mapa ng loob ng tindahan upang makita kung gaano kalayo ang cashier at ang labasan, at mga larawan nito.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

PHL passes SIM card registration bill

Posted on No comments

By The SUN

 

All pre-paid SIM cards will now have to be registered in the names of their users

A legislative measure requiring all mobile phone users in the Philippines to register their real names and other personal details when acquiring or using SIM cards (or Subcriber Identity Module card) was signed into law on Monday.

President Ferdinand Marcos Jr. affixed the final signature to the SIM Registration Act or Republic Act 11934, which seeks to end text and online scams by anonymous people using unregistered SIM cards.

A valid identification document must now be presented to buy a SIM card, and existing ones need to be registered, with a valid ID also as proof.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Telecommunication companies, in turn, must maintain a register of SIM card subscribers, and submit a list of authorized sellers to the government. 

About 149 million pre-paid SIM cards being used now are among those that need to be registered within 180 days after the passing of the law.

In his speech, Marcos said the government has provided law enforcers with a tool to resolve crimes committed through the use of unregistered SIM cards, and which will also serve as a deterrent to fraudulent acts.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

As a first step to implementing the law, all public telecommunication entities (PTEs) must submit a verified list of their authorized dealers and agents nationwide to the National Telecommunications Commission (NTC) and update the list every quarter of each year.

The NTC will set the period for registration, and failure by the PTEs to comply by the deadline will automatically result in the deactivation of its services to existing prepaid SIM subscribers.

A key feature of the new law is the confidentiality and non-disclosure provision, which states that no information on a subscriber can be disclosed without his/her written consent, unless upon subpoena or lawful order from a court, or written request from a law enforcement agency in pursuit of an investigation of a crime.

"Crucially as well, included in this crucial piece of legislation are provisions that make paramount the protection of confidentiality and data privacy rights of subscribers, which shall begin to take effect at the point of sale," the President said.

The law provides that this confidentiality clause in the SIM registration shall take effect at the point of sale.

Department of Communication and Information Technology Secretary Ivan Uy said getting the law enforced should not be a problem.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

“I think madali na, maraming process... for instance, one way I'm thinking of approaching it is lahat tayo may cellphone na eh. So the telcos will just send you a notice na please go to this site and validate, put in your validation na kayo 'yun and then take a picture of your ID and then upload it and then they can verify whether that's correct or not," he added.

Senators quickly welcomed the passing of the law, with Grace Poe, chairperson of the Senate Committee on Public Services, saying it was “long overdue.”

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Nawawalang Pilipina, natagpuan na

Posted on 10 October 2022 No comments

 


Ang Pilipinang naiulat na nawawala simula noong Huwebes ng nakaraang linggo ay natagpuan na.

Ayon sa pulisya, si Leticia M. Wong, 76 taong gulang, ay natagpuan sa isang ospital sa Gascoine Road sa Yau Ma Tei kahapon (Oct. 9).

PINDUTIN PARA SA DETALYE
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Walang nakitang pinsala sa kanyang katawan o anumang kahina-hinalang mga nangyari sa kanya.

Hindi ipinaliwanag kung paano nakarating sa Lola Leticia sa Yau Ma Tei mula sa Tung Chung.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ibinalita na huli siyang nakita noong Oct. 6 sa may tabi ng cable car terminal sa Tat Tung Road sa Tung Chung.

Inireport ng kanyang pamilya kinabukasan ang kanyang pagkawala.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Pilipina kulong ng 10 linggo dahil nagnakaw ng $6,000 sa red packet

Posted on No comments

 

Inamin ng Pilipina ang sakdal nang humarap sa West Kowloon Magistrates' Court.

Isang Pilipinang domestic helper ang ipinakulong nang 10 linggo at pinagbayad ng $1,500 matapos siyang umamin sa West Kowloon Magistracy na nagnakaw ng $6,000 sa kanyang amo sa Mong Kok, Kowloon.

Inamin ni Rubilyn Lagmay, 46 taong gulang, na kinuha niya ang pera sa mga red packet na nakatago sa drawer sa silid ng kanyang amo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa sakdal, naglagay ng tig-$2,000 at $1,000 sa mga pulang sobre ang amo ni Lagmay para ipamigay sa nakaraang Chinese New Year noong Pebrero, at itinago niya sa kanyang drawer ang mga hindi naipamigay.

Noong Aug. 2 ay nadiskubre niyang nawawala ang tatlong red packet na may lamang tig-$2,000, at tumawag siya ng pulis.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa paghingi ng mas mababang sentensya, sinabi ng abogado ni Lagmay na ang Pilipina ay may malinis na rekord mula nang dumating sa Hong Kong bilang domestic helper noong 2015, at nagawa lang niyang magnakaw dahil nangailangan siya ng malaking halaga matapos maaksidente at maospital ng kanyang anak na lalaking 23 taong gulang.

Sinabi rin niya na nagsisisi ang Pilipina at gustong ibalik ang kanyang ninakaw, pero ang mayroon lang siya ay $1,000.

Ayon kay Magistrate Peter Yu, kailangang makulong si Lagmay dahil seryoso ang ginawa niyang paglabag sa tiwala ng kanyang amo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Mula sa 15 buwang pagkakakulong, binawasan niya ng 1/3 ang parusa ni Lagmay dahil sa pag-amin nito, at ipinabayad ang hawak niyang $1,000 sa kanyang amo. Nang maalala niyang may $500 na piyansa pang mababawi si Lagmay sa korte, idinagdag niya ito sa ipinababayad sa amo.

Agad na binalik sa kulungan si Lagmay pagkatapos para pagdusahan ang nagawa niyang kasalanan.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

 

Don't Miss