Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Hamon ng Gabriela HK sa kababaihan: tumindig, huwag matakot

Posted on 09 November 2022 No comments

 

Si Bonifacio (may salamin) kasama ang ilang miyembro ng Gabriela HK sa isang panawagan

“Mas nakakabingi ang katahimikan kesa mag-ingay at lumaban.”

Ito ang mensahe ni Shiela Tebia-Bonifacio, presidente ng Gabriela Hong Kong, nang ipagdiwang ng kanyang grupo ang kanilang ika-13 taong anibersaryo nitong Nob. 6. sa Pier 3 sa Central.

Hinamon ni Bonifacio ang mga kababaihan na manindigan para sa katotohanan, kawalan ng hustisya, at sa pagtatangka ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at kanyang mga kasangga na baguhin ang tunay na kasaysayan ng bansa.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

“Huwag tayong matakot, dahil mas nakakatakot ang kahihinatnan ng ating bansa kung magpapatuloy ang karahasan, mas nakakatakot kung mabago nila ang kasaysayan ng paglaban ng ating mga ninuno laban sa diktadurang Marcos, dahil maaring maulit ang malagim na Martial Law,” sabi niya.

Nagpasalamat din si Bonifacio sa patuloy na pagsuporta ng maraming mga organisasyon sa Gabriela sa kabila ng patuloy na paninira at pagkakalat ng maling impormasyon tungkol sa kanila, lalo na yung “red tagging” o ang pagbansag sa kanila bilang mga komunista.

HOW TO JOIN? PINDUTIN ANG AD

“ Napakalaking bagay sa amin na makita ang kalakhan ng mga organisasyon ng Filipino community dito sa Hong Kong ay suportado kami at hindi nadadala sa mga fake news na ipinaparatang sa aming mga taga Gabriela,” wika niya.

Sa halip na mapasama ay lalo naman daw nakilala ang Gabriela sa buong mundo bilang isang grupo ng mga kababaihan na hindi nangingiming ilantad ang totoo at walang takot pumuna sa kahit presidente kung ang mga polisiya nito ay hindi makatao.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Bilang mga migranteng manggagawa, kailangan daw na isulong ng mga nasa Hong Kong ang interest ng bawa’t mamamayang Pilipino at umambag sa panawagan na bigyan ng trabaho ang mga Pilipino hindi sa labas, kundi sa loob ng bansa, upang wala ng inang mawawalay pa sa kanyang mga anak.

Naging tampok sa pagdiriwang ng Gabriela HK ng kanilang anibersaryo ang isang patimpalak sa pagsusulat na may temang “Babae ako, babae na may tapang na harapin ang hamon ng pandemya!”

Press for details

Nakamit ni Sherly Bulandan Ojas ng Lesbian Couples ang unang pwesto sa katha niyang “Babae Ako, Hindi Babae Lang” na nagtamo ng markang 91%. Pumangalawa si Ody Munson ng Horizons International sa obra niyang “Pagtanglaw ni Eba sa Pandemya,” na nagkamit ng 90.67%; at pumangatlo si Marites Palma ng Social Justice na ang kathang “Ayuda” ay may marking 89.67%.

(Ilalathala ng The SUN ang kanilang mga obra sa isang hiwalay na artikulo).

BASAHIN ANG DETALYE

Ang iba pang kasali ay sina Baby Jean de Leon ng OFW Help Group na ang titulo ng katha ay “Ako ay Migranteng Matapang”; Lily Decena ng Luzviminda OFW in HK, “OFW Diyos ang Aking Sandigan,” Erna Linan Velardo ng PinkNoy, “Pamilya at Pandemya,” at Mariela R. Tadalan ng Mission Movers, “Ako’y Babae, Patuloy na Lalaban.”

Ang mga tumayong hurado ay sina Cynthia Tellez, general manager ng Mission for Migrant Workers, Trina Federis, writer; at Daisy CL Mandap, editor ng The SUN Hong Kong.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Total lunar eclipse tinakpan ng ulap

Posted on 08 November 2022 No comments

 

Kuha mula sa livestream ng HK Observatory sa Tsim Sha Tsui

Pinaghandaan ng Hong Kong ang hindi pangkaraniwang tanawin sa langit na mangyayari sa eksaktong 6:16 ng gabi ngayon (Nov. 8) -- ang nakatakdang pagpula ng buwan habang dumaraan ito sa anino ng mundo, sa isang total lunar eclipse -- pero nasayang ang pagkakataon nang takpan ng makapal na ulap ang kalangitan.

Maliban sa eclipse, nabulilyaso din ang sana'y pagpapakita ng planetang Uranus habang dumadaan ito sa likod ng buwan. Karaniwang hindi maaninag ang Uranus sa mga ganitong pangyayari, dahil lagi itong natatabunan ng liwanag ng buwan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
HOW TO JOIN? PINDUTIN ANG AD

Sa isa’t kalahating oras na palabas sana ng kalikasan, walang naipakita ang mga livestream ng limang nagtulong-tulong na organisasyon sa iba’t ibang lugar sa Hong Kong kundi ulap at, kalaunan, kadiliman

Ang mga livestream na sana ay nagpakita ng lunar eclipse ay mula sa Hong Kong Observatory sa Tsim Sha Tsui, sa Hong Kong Space Museum sa Pak Tam, Sai Kung (na may komentaryo pang Cantonese), sa Ho Koon Nature Education cum Astronomical Center sa Tsim Bei Tsui, sa Po Leung Kuk Ngan Po Ling College sa To Kwa Wan at sa HongKong Federation of Youth Groups sa Pak Shek Kok.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
Press for details

Ayon sa website ng HK Observatory, kung saan matatagpuan ang mga livestream, inaasahan na nila ang pagiging maulap na panahon, kaya may pauna na itong pasabi na posibleng magkakaroon ito ng epekto sa livestream.

Kung hindi sana maulap, ang lunar eclipse ay makikita ng mga tao sa buong Hong Kong sa bandang silangan. Kailangan lang nila ng telescope kung gusto nilang makita pati ang pagdaan ng Uranus sa likod ng buwan.

BASAHIN ANG DETALYE

Ang susunod na ganitong palabas ng kalangitan ay mangyayari ulit sa Sept. 8, 2025.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

CE says no plan to stop masking, vaccine pass

Posted on No comments

By The SUN

 

CE Lee says the '0+3' scheme has worked well in controlling the spread of the virus

Chief Executive John Lee has dashed hopes for a more drastic relaxation of Covid-19 restrictions, saying masks and the vaccine pass under the health code system are here to stay – at least until the winter.

Speaking ahead of the Executive Council meeting this morning, CE Lee said that the current “0+3” arrangement for inbound travelers - meaning no quarantine but three days of restricted activities – has served its purpose well.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

He said that with this system in place, a lot of activities have already been taking place, including the recently concluded Rugby Sevens.

“It was a very successful event, and I think the international world has seen that Hong Kong has come back to the centre stage for international activities,” he said, adding that more and more tourists have been coming in.

HOW TO JOIN? PINDUTIN ANG AD

He also said, “Masks will stay on because I think all experts have indicated masks are important in controlling the spread of the disease.”

With winter approaching, and the possibility of the flu spreading at the same time as the coronavirus, he said people will need the additional “safety factor” that masks provide.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

However, he said the governments will continue to make special arrangements to allow some international events to take place, such as last week’s Global Financial Leaders’ Investment Summit and the Hong Kong Sevens.

Yesterday, the government also announced that inbound tour groups will be allowed to visit theme parks and eat at designated restaurants, even during the amber code restrictions on the first three days of their arrival.

Press for details

Meanwhile, the Centre for Health Protection reported 4,649 Covid-19 cases today, a slight decrease from Monday’s tally of 5,200.

The new infections included 399 travelers who just arrived in Hong Kong.

BASAHIN ANG DETALYE

Four more Covid-19 patients have died.

The government said new features have been added to online declaration platforms for Covid patients, which will require them to furnish names and mobile phone numbers of their household contacts.

 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Emry’s ex-owner set to challenge $5.7M money laundering case

Posted on No comments

By Daisy CL Mandap

 

A barrister is defending Ylagan against the money laundering charges (File)

A lawyer representing former employment agency owner Ester Ylagan indicated at the District Court today, Tuesday, that she intends to dispute four charges of money laundering she allegedly committed in 2016, involving a total of $5.7 million.

Barrister Michael Delaney asked for more time to review the case before a pre-trial review is set, saying it has been six years since the offences were allegedly committed, and four years since Ylagan was arrested.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

He said there are more than 4,000 depositions to go through and 43 persons named as witnesses, including 25 listed as victims. He expects the trial to last from five to 10 days.

But when Judge Justin Ko King-sau asked if the defense could indicate by the next hearing date when a trial might be held, Delaney assured him they also want an early disposition as Ylagan is already 70 years old and is “anxious to have this matter dealt with.”

HOW TO JOIN? PINDUTIN ANG AD

After the prosecution raised no objection, Judge Ko set down the next hearing date on January 5 next year, with a pre-trial review being held on May 25, 2023.

Ylagan’s bail of $40,000 was extended on the same terms until then. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Earlier, she was asked if she wanted a Tagalog interpreter in court, and she answered she could understand and speak in English. However, she eventually opted to keep a Tagalog interpreter during the succeeding hearings.

The former owner of Emry's Service Staff Employment Agency, which used to be the biggest recruiter of foreign domestic workers from the Philippines, came to court on her own.

Press for details

The four money laundering charges against Ylagan allegedly took place between Jan 29 to Jul 8, 2016, and involved a series of transactions, all in violation of the Organized and Serious Crimes Ordinance.

The first charge alleges that Ylagan dealt with property known or believed to be proceeds from a crime between Jan 29 and May 5, 2016, in the sum of HK$2,633,181.52 and US$44,658 (HK$347,439). The total sum of HK$2,980,620 was dealt with in cash.

BASAHIN ANG DETALYE

The second count allegedly happened between May 12 to 23, 2016, during which the total sum of USD300,00 (HK2,334,000) was moved by Ylagan from an account with Standard Chartered Bank.

Her alleged offences were an offshoot of complaints made by some 400 Filipino migrant workers that she had recruited them for non-existent jobs in Britain and Canada from 2015 to 2016, for which they were charged between $10,000 and $15,000.

No one among the applicants managed to get back their money, despite attempts by the Mission for Migrant Workers to help them pursue claims against Ylagan in the Small Claims Tribunal and later, in the District Court.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

P500,000 WORTH NG PAPREMYO SA PINAKAMALAKING OFW BEAUTY PAGEANT SA HONG KONG!

Posted on No comments


Pagkatapos ng halos 3 taon, nagbabalik na ang Ms Barkadahan! 

Lampas 2 dekada na rin nagbibigay ng telecommunication services ang SmarTone para sa Filipino Community. Hindi lang ito ang nagagawa ng Barkadahan. Kungdi iba't ibang events na may malalaking papremyo. 

Sa darating na pageant, hanggang P500,000 pesos na naman ang ipamimigay sa mga winners. Malaking tulong talaga ito sa mga OFW lalo na sa panahon ng pandemya. 

Hindi lang malaking premyo ang naibibigay ng Ms Barkadahan sa mga sumasali dito. Sa lahat ng mga sumali dito, winners o hindi, nadevelop nila ang kanilang self-confidence, communication skills, poise, character, overcoming shyness at marami pang iba. Total make over ang nagiging resulta kapag sumali ka sa biggest at longest running pageant na ito. 

Kaya ano pang hinihintay niyo? Ito na chance ninyong manalo at masama sa grupo ng Ms Barkadahan ladies. Sabi nga nila: “Dreams come true pag sumali sa Ms Barkadahan 2023!” 

Sino ba ang pwede sumali? 

- Female and MUST BE A Barkadahan sa SmarTone subscriber

- Holding a domestic helper visa

Paano mag apply? 

I-ready ang iyong latest profile photo (close up at full body) at gumawa ng short introduction video (30 seconds). Sabihin ang iyong pangalan, edad, taga saan sa Pilipinas at iyong kasabihan. Plus, your personal information below:

- Name (Same as HKID)

- HKID# (first 2 letters & 4 digits / sample WX1234)

- Must have a Barkadahan mobile number

- Age

- Contract expiry date

- Skills (Singing / Dancing / Others)

- Member of Community group (if any)

At i-submit ang above information sa WhatsApp https://wa.me/85291352520

Kung may questions naman sa pageant, mag send sa WhatsApp https://wa.me/85294478231

Balikan ang Ms Barkadahan 2019 highlights, panoorin ang video: https://www.youtube.com/watch?v=x3RFTmNTrq4

Reminder! 

SMS notice ay i-send sa mga chosen applicants on or before 2 December 2022. Yung mga may SMS notice lang ang qualified mag-audition sa 4 December 2022. Kailangan ng personal appearance. Ang Finale ng Ms Barkadahan ay sa Feb 19, 2023 sa Hong Kong Convention Center. 

Mas bongga talaga sa Barkadahan, pramis! 

Barkadahan sa SmarTone for the OFW, with the OFW!


Pilipina ang 2 naospital dahil sa paggamit ng Goree cream, sabi ng Konsulado

Posted on No comments

Sobrang dami ng mercury ang nakahalo sa produktong ito, sabi ng Health Dept

Nagpalabas ng babala ang Konsulado ng Pilipinas laban sa paggamit ng dalawang produkto ng pampaputi sa mukha matapos diumanong maospital ang dalawang Pilipina dahil dito.

Ayon sa nauna nang pahayag ng Department of Health ng Hong Kong, nakitaan ang dalawa ng “proteinuria,” na tanda na may sobrang dami ng mercury sa kanilang katawan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang pinakamalalang sakit na maaring makuha ng dahil dito ay ang pagkakasakit sa bato o kidney, na kadalasan ay isang panghabambuhay na kundisyon.

Nang sinuri naman ang mga produktong kanilang ginamit, ang “Goree Day and Night Beauty Cream Oil Free” ay natagpuan na may sobrang dami itong sangkap na mercury.

Ang pangalawang produkto, ang “Goree Beauty Cream with Lycopene, Avocado & Aloevera” ay kasalukuyan pa ring sinusuri.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Kinumpirma naman ng Konsulado sa isang pahayag na inilabas sa Facebook nitong Lunes na ang dalawang babae na edad 39 at 43 na binanggit sa babala ng DH ay parehong Pilipina.

May ilang buwan na daw na gumagamit ng mga nasabing produkto ng Goree ang dalawa.

Ang sobrang mercury sa katawan ay maaaring magsanhi ng mga sumusunod na sintomas: panginginig ng katawan, pagiging mainisin, pagkasira ng memorya, paglabo ng paningin, paghina ng pandinig, at pagkakasakit sa bato.

Press for details

Agad ding sinabihan ng Konsulado ang lahat ng mga Pilipino na iwasan o itigil na ang paggamit ng mga nasabing produkto. Ang sino mang magkaroon ng mga nasabing sintomas ay dapat na kumunsulta agad sa doktor.

Batay sa mga komento na iniwan sa nauna nang istorya ng The SUN tungkol dito, ay popular talaga ang dalawang produkto sa mga Pilipina sa Hong Kong dahil mabisa daw itong pampaputi ng balat.

Ibinibenta ito sa mga tindahan na Pilipino ang maraming suki, o online, kung saan mga Pilipino din ang mga karaniwang kostumer.

BASAHIN ANG DETALYE

Ayon naman sa HD, tuloy-tuloy pa rin ang kanilang sariling imbestigasyon sa kaso, bagamat nanghingi na rin sila ng tulong sa mga pulis at iba pang sangay ng gobyerno para mas mapabilis ang proseso.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Don't Miss