Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pilipinang nahuli na nagtatrabaho ng ilegal, ikinulong kasama ang sanggol

Posted on 30 November 2022 No comments

 

Dito sa Fai Man building sa ale-ale nahuli si Soriano na nagtatrabaho ng ilegal

Isang Pilipinang turista ang ipinasok sa kulungan ngayon kasama ang kanyang anak na dalawang buwang gulang matapos mahatulang nagkasala sa lima sa siyam na  kasong isinampa laban sa kanya sa Eastern Magistracy.

Umiiyak na niyakap ni Mary May Soriano ang anak na lalaki matapos itong ipasok sa korte ng isang kaibigang nag-alaga sa bata sa labas habang dinidinig ang mga kasong laban sa kanya.

Ipinagpaliban ni Magistrate Edward Wong sa Dec. 16 ang pagbibigay ng sentensya upang hintayin ang background report tungkol kay Soriano, pero inutos niyang ipasok ito sa kulungan agad dahil ang kasalanan niya ay may parusang pagkabilanggo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nang sabihing may anak na sanggol si Soriano na nasa labas, inutos ng mahistrado na ipasok ito para magkasama ang mag-ina sa kulungan.

Si Jenivib Balanggao, na gaya ni Soriano ay humarap din sa siyam na kaso, ay pinawalang sala sa lahat ng akusasyon.

Sina Soriano at Balanggao, na parehong dating domestic helper, ay nahuli noong madaling-araw ng March 13 nang mag-raid ang pulis sa isang kainan sa 2nd floor ng Fai Man Bldg. sa Li Yuen West (na mas lalong kilala sa mga Pilipino bilang Ale-ale) sa Central.

Itinanggi ng dalawa ang mga paratang noong una silang humarap kay Magistrate Wong noong Nov. 1. Pareho silang nakalaya dahil nakapagpiyansa ng tig-$2,000.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa salaysay ng umarestong pulis na tumestigo, noong gabi pa ng March 12 nila minamanmanan ang gusali na kinalalagyan ng kainan, bago nila ito ni-raid pagkalipas ng hatinggabi.

Ito ang dahilan kung bakit may apat na magkaparehong kaso sina Soriano at Balanggao sa dalawang araw na nabanggit: ang pagtitinda ng alak nang walang lisensiya, ang pagkakaroon nila ng alak na pangbenta nang walang lisensiya, ang pangangasiwa nila sa isang kainan na dapat ay sarado sa mga oras na iyon dahil sa utos ng gobyerno, at pagkakaroon bawal na pagtitipon sa lugar na kanilang pinapatakbo.

Press for details

Nahatulang nagkasala si Soriano sa apat na kasong nangyari noong March 13 at pinawalang sala sa apat na nangyari noong March 12.

Maliban dito ay nahatulan din siyang lumabag sa kondisyon ng kanyang paglagi sa Hong Kong, dahil bilang turista, bawal siyang magtrabaho o magtayo ng negosyo nang walang permiso sa Immigration Department.

BASAHIN ANG DETALYE

Si Balanggao naman ay napawalang sala sa batas-Immigration na nagbabawal sa mga katulad niyang may hawak ng recognizance (bilang aplikante laban sa sapilitang pagpapauwi sa kanya), na magtrabaho o mag-negosyo.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!


Public hospitals get ready for winter service surge

Posted on No comments

 

Keep warm and healthy to avoid clogging the public health sytem (File)

The Hospital Authority is set to launch a series of measures tomorrow, Dec. 1, in response to the likely surge in demand for services at the accident and emergency departments as a result of the sudden drop in temperatures.

At the same time, the HA has appealed to the public to get vaccinated for seasonal flu, and complete their Covid-19 doses to reduce their and their family’s risk of being infected.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The moves come as the temperature plunged to about 20 degrees from 27 late this afternoon, and is forecast to drop further to between 13 and 16 degrees in the next two days.

According to a government statement, the HA has allocated over $700 million to arrange facilities and prepare staff to enhance service for patients during the expected surge in demand for services.

HA chief manager Dr Michael Wong explained this means public hospitals have the resources to open temporary beds and deploy enough manpower should the need arises.

"General out-patient clinics service will be enhanced by an addition of 18 000 service quotas, including around 3 500 quotas during the long holidays. More clinics will provide service during Christmas, Chinese New Year and Easter long holidays, to cover more districts," Dr Wong added.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

But at the same time, Dr Wong said the HA will strengthen its gate-keeping against unnecessary hospital admissions.

The Emergency Operation Command should be able to mobilize facilities and resources at any time to cope with the rise in service demands.

Press for details

Meanwhile, the HA will continue working with the private sector so suitable patients may be transferred to private hospitals for treatment to avert an overflow of patients in public hospitals.

The HA is also asking the public's help to prevent an overflow at the A&E departments. Non-urgent patients are advised to go to general outpatient clinics (GOPC), private doctors or the 24-hour clinics of private hospitals.

BASAHIN ANG DETALYE

To choose a suitable family doctor and related clinic service, they can check the Primary Care Directory of the Food and Health Bureau at www.pcdirectory.gov.hk.

To help those who need to access public hospital services during the winter surge, the HA will display key service statistics, A&E waiting times and medical consultation information at the designated website www.ha.org.hk/goto/wintersurge/en and in "Service Surge Online" on the "HA Go" mobile application from tomorrow onwards.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Probation, iniutos laban sa Pilipinong nanakit ng dalagitang anak

Posted on No comments

By The SUN

 

Dahil sa maling pagdisiplina sa anak ay nakasuhan ang Pilipinong driver

Dahil sa kagustuhan niyang madisiplina ang babaeng anak na 17 taong gulang ay nakasuhan ng pananakit ang isang Pilipinong driver, at pagkatapos humarap sa korte kanina, ay isinailalim sa “probation order” sa loob ng 18 buwan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang probation ay isang uri ng parusa sa isang lumabag sa batas kung saan nangangako siyang magpapakabait at makikipag-ugnayan sa kanyang probation officer sa loob ng itinakdang panahon. Kapag nilabag niya ang kasunduang ito ay maari siyang ibalik sa korte para masentensyahan.

Si Elmer B. Hernandez, 51 taong gulang, ay kinasuhan ng “assault occasioning bodily harm” dahil sa pananakit sa anak na si Trexie noong ika-22 ng Hunyo ng taong kasalukuyan sa kanilang tirahan sa Chun Yeung Street sa North Point.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Agad naman niyang inamin ang pagkakamali, at sinabing nagawa lang niya yun dahil gusto niyang bigyan ng leksyon ang anak at hindi na niya madisiplina.

Press for details

Sinamahan siya ng kanyang asawa sa korte kanina nang humarap siya kay Mahistrado Lau Suk-han sa Eastern Court, bilang tanda ng pagsuporta. Nagpahiwatig din siya ng pag sang-ayon sa probation order na iminungkahi ng kanyang abugado.

Pagkatapos alamin ang edad ng kanyang anak ay sinabihan ng mahistrado si Hernandez na subukang ayusin ang relasyon nila ng anak dahil dapat ay hindi humahantong sa korte ang anumang hidwaan sa pagitan nila.

BASAHIN ANG DETALYE

Nagbabala din siya na sakaling lumabag sa probation order ang nasasakdal ay maaring buhayin ng kanyang anak muli ang kaso laban sa kanya.

Ayon naman kay Hernandez ay maayos na ang relasyon nilang mag-ama sa ngayon.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Ilonggang namatay nang biglaan, inuwi na ang bangkay

Posted on No comments

 

Isinara ang kabaong ni Rowelyn bago ang huling pagbiyahe niya pauwi sa Iloilo

Imbes ang inaasam na pag-uwi niya ngayong Pasko ay malamig na bangkay na si Rowelyn Olandesca Ledesma, 56 taong gulang, nang makarating sa kanyang bayan sa Barotac Nuevo, Iloilo, nitong umaga ng Nov. 30.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
Natagpuang walang malay si Rowelyn sa banyo ng kanyang amo sa Pokfulam noong umaga ng Nov. 14 at idineklarang patay pagdating sa Queen Mary Hospital.

Ayon sa kanyang mga kaibigan ay aneurysm o pagputok ng ugat ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Nagtipon-tipon ang kanyang mga kaibigan sa Universal Parlor sa Hung Hom noong Lunes, Nov. 28, para makita si Rowelyn sa huling pagkakataon. Nandoon din ang kanyang mga employer ng 11 taon at dalawang kamag-anak.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nakatawag-pansin ang isang malaking korona mula sa pamilya ng kanyang employer na si Dennis Hausdorf na may nakalagay na “In fond memories of Rowelyn Olandesca Ledesma” at “May you rest in peace in God’s heaven.”

Koronang may tanda ng pagmamahal mula sa kanyang mga employer

Ayon naman sa isa niyang kaibigan, hindi niya napigilan ang mapaluha nang makitang nasa kabaong na si Rowelyn at hindi na nila makakasama ulit.

Press for details

Marami ang nalungkot sa biglang pagyao ni Rowelyn, lalo na at inaasam-asam daw nito ang nalalapit niyang pag-uwi para doon mag Pasko. Ito sana ang una niyang pag-uwi mula sa Hong Kong sa loob ng limang taon.

Dati na raw itong may hypertension, at noong nakaraang taon ay ipinagamot pa ng mga amo dahil dito.

Kuha ni Rowelyn nang magtipon-tipon sa may City Hall ang RMN Fans Iloilo

Si Rowelyn ay isang biyuda at mag-isang itinaguyod ang dalawang anak na parehong nakapagtapos. Ang isa sa mga ito ay seaman, at nakatakdang umuwi din ngayong Disyembre para sana makapiling muli ang ina.

BASAHIN ANG DETALYE

Kilala si Rowelyn na aktibo sa grupo ng mga Ilonggo, kabilang na ang RMN Iloilo Fans Club Hong Kong Chapter na pinamumunuan ni Jessica Cordero.- may dagdag na balita ni Marites Palma

.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

OEC may soon be linked to contract verification, says labor official

Posted on 29 November 2022 No comments

By Daisy CL Mandap

 

Asst Labor Attache Angel Sunga disclosed the plan in The SUN Interviews

The Department of Migrant Workers is planning to link the overseas employment certificate (OEC) to contract verification in a bid to ease the long-standing problem encountered by many overseas Filipino workers in securing the pass that they need before they are allowed to leave the country.

This was according to Assistant Labour Attache Angelica Sunga during a Facebook Live interview with The SUN last Wednesday, during which she was asked why the government is still insisting on requiring outbound OFWs to secure the OEC, despite it serving no obvious purpose.

There have been talks po na i-link na yung OEC sa verification pa lang, so hintayin po natin yun. Pag mag verify ka ng kontrata, may OEC ka na. Inaayos na po, it’s a work in progress,” said ALA Sunga.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

(There have been talks of linking the OEC to the verification of contracts, so let’s wait for that. If you get your contract verified, you will already have an OEC. It’s in the works, it’s a work in progress.)

Sunga said the plan is the brainchild of Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople, who is also pushing for the digitization of both the OEC and contract verification. This would mean that personal appearance could also be dispensed with when verifying contracts with the Philippine Overseas Labor Office.

Sunga’s disclosure was in response to a call for the scrapping of the OEC from Marites Palma, founder of Social Justice for Migrant Workers. Echoing the call of most Filipino community leaders, Palma said the OEC is superfluous because all OFWs already have employment visas in their passports which could serve as proof that they still have obs waiting for them abroad.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Hanggang ngayon, hindi ko maisip kung bakit nandyan pa rin ang OEC na pahirap (sa mga OFW) mula noon hanggang ngayon,” said Palma. “Ano pa ba ang gusto nilang patunayan ng mga OFW?”

(Until now, I can’t see the reason why the OEC is still around, when it has caused hardship to OFWs in the past, and until now. What more do they want the OFWs to prove?”

Sunga said even Polo is looking forward to getting this plan implemented, admitting that the OEC has been giving headaches not only to OFWs but also to their staff.

Global Alliance's OEC desk at St Joseph's church was packed last Sunday

But asked for a reaction to this news, Dolores Balladares-Pelaez, chairperson of United Filipinos in Hong Kong, which has been calling for decades to scrap the OEC, was dismissive.

“Lahat na lang online, inaasa sa teknolohiya, sumasabay kuno sa modernization pero di naman sila nagtuturo, hindi angkop,” she said. “Sobrang walang malasakit ang mga nasa gobyerno. Dapat sa kanila mag-resign.”

(They are trying to do everything online, relying on technology and keeping up ostensibly with modernization but they do not even provide training, it’s not right. Those in government do not care about us at all. They should ust resign).

Press for details

The longtime migrant rights advocate was feeling frustrated, having just issued a call for Sunday protests against the often-chaotic process of obtaining the OEC just days before hundreds, if not thousands, of OFWs are set to go home for the Christmas holidays.

Despite the many complaints aired by OFWs who find it difficult, even impossible, navigating the new online portal set up for obtaining the OEC, Polo has seen it fit not to keep the volunteers who used to provide help in gaining access to the all-important document.

Sunga said this was done to prevent Polo being accused of providing OFWs with parttime employment.

BASAHIN ANG DETALYE

However, even the Consulate has had to rely on the help of OFW volunteers to maintain orderly queuing for those on the way to its offices, and when big events are being held, such as the overseas voting for Filipinos.

Because no physical help is provided to those who cannot or do not even know how to access their employment records online, various groups such as Social Justice, Global Alliance, Mission Movers and Domestic Workers Corner, have been setting up makeshift desks in various places across the city to provide assistance.

Some businesses operating in United Centre, the building where both the Consulate and Polo are located, have taken advantage of this problem by also lending a hand – for a price. Their charges range between $40 and $100, and often, this is just to help workers set an appointment with Polo.

Asked why they could not accommodate walk-in applicants, like what the Hong Kong Immigration Department does, Sunga said they do entertain them, but only at around 4pm, when all those with appointments had been served.

But, she hastened to clarify, this is not the typical walk-in assistance, as the OFW still has to secure an appointment first on another date and time. “So we can see your records,” she said.

But even with Polo assisting, there are certain cases where the OFW is told that nothing could be done for them in Hong Kong. Instead, they must go to the nearest branch of the Philippine Overseas Employment Administration (POEA) – no matter how far from their home – to secure the all-important exit pass.

Often, these are the workers who, in utter frustration because they keep forgetting the email address they registered earlier, or their password, have created new accounts just so they could obtain an OEC before going home.

POLO warns, having multiple accounts could lead you to trouble

In yet another blow, the Polo issued a warning yesterday that those who created “multiple accounts” could be construed as having committed misrepresentation, and as such, be subjected to legal action.

There were many other concerns raised during the online interview with ALA Sunga and the four Filcom leaders who have personal knowledge of the difficulties encountered by practically all those who had tried to access the OEC portal.

Apart from issues they encountered navigating the website or failing to advance to the next page to set up an interview, there were also a lot of problems getting a new password to their accounts, and the long delay in getting a “ticket” for setting up an appointment at Polo.

Questions were raised also as to why membership in Pag-IBIG Fund was made mandatory for all those applying for an OEC.

Everyone agreed that the only way these problems could be overcome was to junk the OEC, once and for all.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Dahil sa pagpirma, muntik nang hindi makasingil ng tama ang isang DH

Posted on No comments

 

Sakay ng bus si Menalyn Agustin pagkatapos ng pagdinig ng kaso niya sa Labour Tribunal.

Huwag agad pipirma, kahit pangakuan o takutin ka pa ng employer mo.

Ito ang aral na nakuha ni Menalyn Agustin nang magharap sila ang dating amo niyang si Lam Kit Man sa Labour Tribunal ngayon (Nov. 29) upang habulin ang mga dapat bayaran sa kanya pagkatapos siyang mag-terminate ng kontrata bilang domestic helper.

Mabuti na lang at lumabas din ang katotohanan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Umabot sa $18,569.53 ang hinabol ni Agustin: $3,136.45 para sa hindi nabayarang suweldo niya, $844.08 para sa annual leave, $2,489 para pambili ng air ticket mula Hong Kong hanggang Laoag, $100  bilang food and travelling allowance at  $12,000 bilang “damages” o danyos dahil sa stress na inabot daw niya noong nagtatrabaho pa siya sa employer.

Pero ayon sa dokumentong iprinisinta ng employer kay Presiding Officer Charmaine Lo, na nagsilbing tagapamagitan sa dalawang panig, wala nang dapat habulin si Agustin dahil nabayaran na siya ng sapat. Ang dokumento ay pinirmahan ng mag-amo noong Aug 14.

Inamin ni Agustin na pumirma siya sa dokumento dahil tiwala siya na babayaran siya bago sumapit ang napagkasunduan nilang pagbaba niya noong Aug 21, pero hindi daw ito ang nangyari. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

“Hindi magiging madali para sa iyo na pasinungalingan ang dokumentong ito,” ika ni Lo kay Agustin.

Base sa dokumentong pinirmahan niya, ang mali lamang sa mga nabayaran ay ang para sa annual leave niya na 5.5 na araw, imbes na 5 araw, kaya kulang ng $83.28 ang naibayad kay Agustin, dagdag ni Lo. 

Napansin din niya na kulang ng anim na araw ang pinagsilbihang one-month notice ni Agustin, kaya dapat niya rin itong bayaran.

Pero sa pagtatanong ni Lo, lumabas na may isa pang pinapirmahan ang amo kay Agustin.

Nang sumapit ang araw ng pagbaba niya, hindi pumayag ang amo at asawa nito, dahil may pinapirmahan din silang dokumento na dapat magbigay si Agustin ng tatlong buwang pasabi bago bumaba, at kung hindi ay magbabayad siya ng $6,000. 

Press for details

Alam ni Agustin na labag ito sa Employment Ordinance, kaya tumawag siya ng pulis para tulungan siyang makaalis. Dahil dito, lumabas din na hindi talaga nabayaran si Agustin ng kanyang suweldo at ng para sa tiket niya pauwi. 

Nang usisain naman ni Lo ang tungkol sa air ticket, nagreklamo ang employer na masyadong mahal ang presyong inilagay ni Agustin. Bilang tugon ay hiniling ni Lo na kumuha ang dalawang panig ng dalawa pang quotation upang malaman kung ano talaga ang dapat na presyo ng tiket.

At nang iginiit ni Agustin na hindi naging maganda ang trato sa kanya ng employer sa loob ng dalawang taon at walong buwang inilagi niya, sinabi ni Lo na ang Labour Tribunal ay obligadong aksiyonan ang mga alegasyong tulad nito kaya may posibilidad na iakyat sa korte ang kaso.

Ayon sa kanya, ang pinakamaagang pagdinig ay sa susunod na taon na, at baka abutin ito ng isang taon bago ma-resolba. Malaki rin ang gastusin, dahil kailangang kumuha ng abogado, maliban pa sa oras na gugugulin nila.

BASAHIN ANG DETALYE

Pero ipinaliwanag niya na sinisikap ng Labour Tribunal na mapagkasundo ang dalawang panig nang walang lumalabas na biktima at may sala; wala ring mananalo at matatalo.

Kaya itinigil muna ni Lo ang pagdinig upang pag-isipan ng magkabilang panig ang susunod nilang hakbang.

Habang nasa recess, tinanong si Agustin ng staff ni Lo kung tatanggapin ba niya ang alok ng employer na $2,000. Nang tumanggi siya, tinanong siya nito kung ano ang halagang katanggap-tanggap sa kanya. Sinabi niya na makikipag-ayos siya kapalit ng $5,000.

Pagbalik nila sa korte ay nagkasundo sila na babayaran ni Lam si Agustin ng $4,500 bago magpirmahan para isara na nang tuluyan ang kanilang alitan.

Tinanong ni Lo si Agustin bilang paniguro: “Kinukumpirma mo ba na pinirmahan mo ito nang boluntaryo?”

“Opo,” sagot naman niya.

Sa panayam sa The Sun, sinabi ni Agustin na hindi naman talaga siya seryosong habulin ang $12,000 na danyos. Idinagdag lang nya ito sa kaso dahil may nagsabi sa kanya na tinatanggap lang ng Labour Tribunal ang mga kaso kung ang halagang hinahabol ay hindi bababa sa $15,000.

Kapag bumaba sa halagang ito ang pinagtatalunang halaga ay dapat sa Minor Claims Adudication Board dapat isampa ang kaso.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!
Don't Miss