Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Nine persons arrested in anti-illegal work operations

Posted on 03 December 2022 No comments

 

Suspected illegal workers arrested during an operation are escorted by officers

Eight workers and one employer were arrested in two operations against illegal work on Nov. 28 to Dec.1, involving raids on 28 locations all over Hong Kong.

The operation codenamed "Twilight" was mounted by the Immigration Department and a joint operation with the Hong Kong Police Force codenamed "Champion" targeted premises under renovation, residential buildings, restaurants and a retail shop.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Arrested for illegal work in operation Twilight on 13 establishments were one man and five women, aged 29 to 56. Also arrested was one man, aged 47, suspected of employing them.

In operation Champion in the Western district, two women aged 34 and 39 were arrested for illegal work. One of them was a holder of a recognizance form, which prohibits her from taking any employment.

Pindutin para sa detalye

The Immigration said those who violate a condition of their stay in Hong Kong as well as visitors are not allowed to take employment in Hong Kong, whether paid or unpaid, without the permission of the Director of Immigration. Offenders may face a maximum fine of $50,000 and up to two years' imprisonment.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
BASAHIN ANG DETALYE

Also prohibited from working and joining in any business are illegal immigrants, those who are subject of a removal order or a deportation order, overstayers or those refused permission to land.

 Offenders are liable upon conviction to a maximum fine of $50,000 and up to three years' imprisonment.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

May nahimatay, may nagwala dahil sa OEC

Posted on No comments

 Ni Daisy CL Mandap

Nahimatay habang nakapila para sa OEC ang isang OFW na namatayan ng kapamilya
(mula sa video ni Ellen Tamayo na pinost sa Facebook)

Patuloy pa rin ang paghihinagpis ng maraming mga migranteng Pilipino sa Hong Kong dahil sa hirap nang pagkuha ng overseas employment certificate (OEC) na kailangan nila para makabalik sa kanilang trabaho matapos umuwi sa Pilipinas.

Sa isang Facebook post na nag viral ay nakita ang isang Pilipinang nahimatay habang nakapila para sa OEC.  (heto ang link: https://www.facebook.com/reel/670499984603339)

Sa isa pang post ay nakita naman ang isa pang Pilipina na nanggagalaiti sa galit dahil hindi diumano natulungan na maayos ang kanyang mga papeles para makakuha ng OEC. (link: https://fb.watch/ha4D1o23f0/)

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon kay Ellen Tamayo, na nag post ng video ng babaeng hinimatay, nangyari ang insidente noong Huwebes, Dec. 1. Base sa kuwento ng isang katabi ng babae ay nagmamadali daw ito na makakuha ng OEC dahil gusto nang umuwi at namatayan.

“Kawawa naman sya, sobrang stress, walang kain at nagmamadali sa OEC at namatayan sila. Nawalan siya ng malay habang nakapila,” sabi ni Tamayo sa kanyang post.

Mabuti na lang daw at may dala siyang white flower liniment at iyon ang pinaamoy sa babae ng isang lalaking staff ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) na biglang tumakbo mula sa service counter para tulungan yung nahimatay.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

“Hindi ko na nakuhanan ng video nang nilagay ni sir sa tissue (yung white flower) tapos pinaamoy sa babae hanggang nakatayo siya at pinaupo sya,” kwento pa ni Tamayo.

Marami daw tao noon at nagkataong nandoon siya para mag-verify ng kanyang kontrata. Napansin niya na walang linya para sa mga may emergency katulad nung babaeng hinimatay.

“Sana naman ay maayos na yan (problema sa OEC) dahil kawawa naman ang mga OFW na matagal-tagal na din na hindi nakauwi sa mga pamilya, tapos pahirapan pa sa OEC,” dagdag niya.

Pindutin para sa detalye

Sa post naman ni Bryan Belisario ay makikita ang isang babae na biglang umalis sa harap ng mga service counter sa Polo at nagsisigaw sa galit.

Galit na lumayo sa counter ng Polo ang babae na hindi daw natulungan para makakuha ng OEC

“Hirap na kami sa trabaho namin, pati ba naman dito, pahihirapan pa? Diyos ko naman, nasaan ang mga puso ninyo?,” sabi ng babae. Dagdag pa nito, wala namang masyadong tao pero hindi pa rin siya natulungan.

Paliwanag ni Belisario, “They won’t entertain enquiries (or those) asking for assistance.” (Hindi sila sumasagot ng tanong o yung nanghihingi ng tulong).

Kaya daw lalong sumasama ang loob ng marami ay ang Polo dapat ang kanlungan ng mga may pinagdadaanang problema, pero lalo pa itong nakakadagdag sa kanilang dinadala dahil ayaw silang tulungan.

Mabuti na lang daw at naturuan ng kanyang grupo ang babae, kaya noong huli ay siya na ang tumulong sa mga kapwa OFW na kumuha ng OEC.

Ang isa pang ikinasasama ng loob ng maraming OFW, ayon kay Belisario, ay parang mas mabilis makakuha ng appointment ang mga negosyante sa ikalawang palapag ng United Centre, kung saan naroon din ang Konsulado at Polo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa halagang $60 daw ay tinutulungan ng mga negosyante ang mga OFW na makakuha agad ng OEC, samantalang kung sa mismong Polo sila pupunta ay kailangan pa ng appointment.

“May appointment sa itaas, sa baba may bayad, walang appointment,” sabi niya.

BASAHIN ANG DETALYE

Ito rin ang himutok ng ilang mga lider ng komunidad, katulad ni Dolores Balladares-Pelaez ng United Filipinos in Hong Kong (Unifil-Migrante) na nananawagan na tanggalin na ang OEC na matagal na raw nagpapahirap sa mga OFW.

Habang hindi pa daw nila ito magawa ay ibalik na lang ng Polo ang mga volunteer sa kanilang opisina para tulungan ang maraming OFW na hirap na hirap na makakuha ng OEC. Tigilan na rin daw ang pagkabit ng Pag-IBIG Fund sa OEC dahil isa pa itong nagdadagdag ng pahirap sa mga OFW.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!


Panawagan ng Red Cross, magbigay ng dugo dahil paubos na ang reserba nito

Posted on 02 December 2022 No comments
Isa sa mga pasyenteng nangangailangan ng dugo

Nananawagan ang Hong Kong Red Cross ng dagdag na donasyon ng dugo dahil tatagal na lang ng tatlo hanggang apat na araw ang pondo nito.

Sinabi ng Hong Kong Red Cross Blood Transfusion Service (BTS) na dalawang linggo nang hindi umaabot ang koleksyon nito ng dugo sa target na 650 unit bawa’t araw.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang target na ito ay pangtapat sa pangangailangan ng mga ospital para sa mga pasyenteng kailangan ang dugo sa kanilang paggagamot.

Ilan sa mga maaapektuhan ang kalagayan kung hindi matutugunan ang kanilang pangangailangan sa dugo ay mga may sakit na thalassaemia, na pang habangbuhay ang pag-asa sa paglilipat ng dugo para mabuhay.

Pindutin para sa detalye

Inaasahan ding mas tataas pa ang pangangailangan sa dugo dahil sa pagsapit ng taglamig, lalo pa’t patuloy ang pagkalat ng Covid-19.

Inaanyayahan ng Red Cross ang lahat na magbigay ng dugo.

Mas mapapabilis ang proseso ng donasyon kung magrerehistro at mag-appointment sa Donor Web Portal (blooddonor.ha.org.hk) o sa "HK Blood" mobile app na pwedeng I download mula sa Apple App Store o sa Google Play.

Tumatanggap din ng walk-in sa mga BTS donor centre, na nakalista sa ibaba:

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sze Pang Nien Memorial Headquarters Donor Centre

15 King's Park Rise, near Wylie Road

For Reserved Group Donation Only

Mongkok Donor Centre

15/F, Chow Tai Fook Centre, 580A Nathan Road, Mongkok

(MTR Yau Ma Tei Station Exit A2 or MTR Mongkok Station

 

Press for details

Kwun Tong Donor Centre

Units 2301 & 2316, 23/F, Millennium City 5, 418 Kwun Tong Road, Kwun Tong

(MTR Kwun Tong Station Exit A2)

West Kowloon Donor Centre

6/F, Hong Kong Red Cross Headquarters,19 Hoi Ting Road, West Kowloon

Central District Donor Centre

1/F, Tung Ming Building, 40-42 Des Voeux Road Central, Central ( MTR Central station Exit C)

Causeway Bay Donor Centre

14/F, Plaza 2000, 2-4 Russell Street, Causeway Bay

MTR Causeway Bay Station Exit A

Wan Chai Donor Centre

Unit 3, G/F, Immigration Tower, 7 Gloucester Road, Wan Chai

BASAHIN ANG DETALYE

Shatin Donor Centre (Temporarily Relocated)

Units 916-917, 9/F, Grand Central Plaza Tower 1, 138 Sha Tin Rural Committee Road, Sha Tin

Tsuen Wan Donor Centre

8 Tai Ho Road, Tsuen Wan

(MTR Tsuen Wan Station Exit A)

Yuen Long Donor Centre

Unit Nos. 704-705, 7/F, Yuen Long Landmark,

115-127 Yuen Long Castle Peak Road, Yuen Long

 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS
CALL US!

2 Pilipina, kinasuhan ng pagnanakaw ng alahas

Posted on No comments

 

stock photo by Pixabay

Dalawang Pilipinang domestic helper ang humarap sa magkahiwalay na korte ngayon matapos akusahan ng pagnanakaw ng alahas.

Itinakda sa  Dec. 5 ang paghahatol kay Virginia Tullao, 43 taong gulang, sa apat na  kasong pagnanakaw sa amo niyang nakatira sa Tai Po, New Territories ng mga alahas na ang kabuuang halaga ay $50,468.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Si Tullao ay inakusahang nagnakaw ng isang pulseras na ginto na nagkakahalaga ng $12,673 noong Aug 14, ikalawang pulseras na ginto na may halagang $12,560 noong Sept. 11, ikatlong pulseras na ginto na may halagang $12.675 noong Aug. 14, at ikaapat na pulseras na may halagang $12,560 noong Sept. 11.

Inutos ni Deputy Magistrate Fung Lim-wai ng Fanling Magistracy na ibalik muna si Tullao sa kulungan habang hinihintay ang kanyang hatol.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa Kwun Tong Magistracy naman ay humarap kay Acting Principal Magistrate Amy Chan si Lorna Mejia, 39 taong gulang, na akusado sa pagnanakaw ng isang brilyanteng singsing at isang pares ng hikaw na nagkakahalaga ng $73,680.

Sa asunto, hindi tinukoy ng pulis kung saan eksakto nangyari ang krimen maliban sa pagsasabing “somewhere in Hong Kong” at kung kailan, maliban sa pagsasabing sa pagitan ng November 2021 at January 2022.

Press for details
BASAHIN ANG DETALYE

Parehong inakusahan ang dalawang Pilipina ng paglabag sa Section 9 ang Theft Ordinance ng Hong Kong.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS
CALL US!

Mga pauwi sa Pilipinas, eTravel pass na ang dapat ipakita

Posted on No comments

 

Lahat ng bibiyahe papuntang Pilipinas simula ngayon ay dapat sa eTravel na magrerehistro

Simula ngayong araw ay hindi na epass ang dapat gamitin ng mga bibiyahe papunta sa Pilipinas para irehistro ang kanilang mga personal na detalye, kundi ang bagong eTravel.

Ayon sa pahayag ng gobyerno ang mga pasahero na papasok sa dating website na www.onehealthpass.com.ph simula ngayon, Dec. 2, ay mapupunta sa bagong eTravel platform: https://etravel.gov.ph/ para doon sila magrehistro sa loob ng 72 oras bago ang takdang paglipad patungo sa Pilipinas.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pindutin para sa detalye

Hindi na tatanggapin ang pagrerehistro gamit ang papel kaya dapat ay online na ito gagawin ng lahat ng mga darating sa Pilipinas.

Simula sa Dec 5 ay isasara na ang lumang onehealthpass website, kaya dapat ay sa etravel platform na dumiretso ang mga parating.

Layunin daw ng bagong sistema na mas mapabilis ang pagrehistro ng lahat ng papasok ng bansa, para din mas mapaaayos ang pagkolekta ng impormasyon ng pamahalaan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pinapaalala din sa lahat na libre ang pagrehistro para sa eTravel kaya dapat ay maging maingat sa pakikipag-ugnayan sa mga nagpapatakbo ng website kung saan sinisingil ang mga gustong makakuha ng eTravel pass.

Bukod sa eTravel pass, dapat ding magpakita ng patunay ng bakuna kontra Covid-19 ang mga biyahero. Ang mga edad 18 pataas at may booster o pangatlong dose ng bakuna at mga batang edad 12 pababa na may dalawang turok ay hindi na kailangang magpakita ng negatibong resulta ng PCR test.

Press for details

BASAHIN ANG DETALYE

Ang mga hindi nabakunahan o kulang ang bakuna ay kailangang magpakita ng negatibong resulta sa isang PCR test na kinuha sa loob ng 48 oras bago ang takdang pagsakay ng eroplano papunta sa Pilipinas – o rapid antigen test na isinagawa ng isang laboratory 24 oras o mas maiksi pa, bago ang takdang lipad.

Kailangan ding may passport na hindi kukulangin sa anim na buwan ang validity o bisa.

 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS
CALL US!
Don't Miss