 |
Isa sa mga pasyenteng nangangailangan ng dugo |
Nananawagan ang Hong Kong Red Cross ng dagdag na donasyon ng
dugo dahil tatagal na lang ng tatlo hanggang apat na araw ang pondo nito.
Sinabi ng Hong Kong Red Cross Blood Transfusion Service
(BTS) na dalawang linggo nang hindi umaabot ang koleksyon nito ng dugo sa
target na 650 unit bawa’t araw.
Ang target na ito ay pangtapat sa pangangailangan ng mga
ospital para sa mga pasyenteng kailangan ang dugo sa kanilang paggagamot.
Ilan sa mga maaapektuhan ang kalagayan kung hindi
matutugunan ang kanilang pangangailangan sa dugo ay mga may sakit na thalassaemia,
na pang habangbuhay ang pag-asa sa paglilipat ng dugo para mabuhay.
Inaasahan ding mas tataas pa ang pangangailangan sa dugo dahil
sa pagsapit ng taglamig, lalo pa’t patuloy ang pagkalat ng Covid-19.
Inaanyayahan ng Red Cross ang lahat na magbigay ng dugo.
Mas mapapabilis ang proseso ng donasyon kung magrerehistro
at mag-appointment sa Donor Web Portal (blooddonor.ha.org.hk) o sa "HK
Blood" mobile app na pwedeng I download mula sa Apple App Store o sa Google
Play.
Tumatanggap din ng walk-in sa mga BTS donor centre, na nakalista
sa ibaba:
Sze Pang Nien
Memorial Headquarters Donor Centre
15 King's Park Rise, near Wylie Road
For Reserved Group Donation Only
Mongkok Donor Centre
15/F, Chow Tai Fook Centre, 580A Nathan Road, Mongkok
(MTR Yau Ma Tei Station Exit A2 or MTR Mongkok Station
Kwun Tong Donor
Centre
Units 2301 & 2316, 23/F, Millennium City 5, 418 Kwun
Tong Road, Kwun Tong
(MTR Kwun Tong Station Exit A2)
West Kowloon Donor
Centre
6/F, Hong Kong Red Cross Headquarters,19 Hoi Ting Road, West
Kowloon
Central District
Donor Centre
1/F, Tung Ming Building, 40-42 Des Voeux Road Central,
Central ( MTR Central station Exit C)
Causeway Bay Donor
Centre
14/F, Plaza 2000, 2-4 Russell Street, Causeway Bay
MTR Causeway Bay Station Exit A
Wan Chai Donor Centre
Unit 3, G/F, Immigration Tower, 7 Gloucester Road, Wan Chai
Shatin Donor Centre
(Temporarily Relocated)
Units 916-917, 9/F, Grand Central Plaza Tower 1, 138 Sha Tin
Rural Committee Road, Sha Tin
Tsuen Wan Donor
Centre
8 Tai Ho Road, Tsuen Wan
(MTR Tsuen Wan Station Exit A)
Yuen Long Donor
Centre
Unit Nos. 704-705, 7/F, Yuen Long Landmark,
115-127 Yuen Long Castle Peak Road, Yuen Long