Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

OS na Pinay, ligtas sa kulong dahil sumuko

Posted on 07 December 2022 No comments

 

Pauwi si Elcy Manabat matapos marinig ang hatol sa kaso niya.

The SUN

Isang Pilipina na napilitang mag overstay matapos mawalan ng trabaho noong Abril 20, 2020, kasagsagan ng pagkalat ng Covid-19, ang nakaligtas sa kulong matapos umamin sa kanyang pagkakasala pagharap sa Shatin Court kanina.

Si Elcy Manabat, 43 taong gulang, may asawa at apat na anak at tubong Tarlac, ay kusang sumuko sa mga awtoridad nitong Nobyembre 22, para tuldukan ang dalawang taon at limang buwan na pananatili sa Hong Kong ng walang karampatang visa.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa kanyang abogado, sinikap ni Elcy na humanap ng bagong mapapasukan nang i-terminate ng dating amo ang kanilang kontrata noong Sept. 6, 2020 nguni’t siya ay nabigo. 

Nang matapos ang dalawang linggong palugit na binigay sa kanya para manatili sa Hong Kong ay nagdesisyon siyang magtago.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Dahil malinis ang kanyang record, bukod sa kanyang kusang loob na pagsuko at pag-amin sa kasalanan, ay binawasan ni Mahistrado David Cheung Chi-Wai ang dapat 12 linggong pagkakulong niya at ginawa itong walong linggo, na sinuspindi pa ng dalawang taon.

Press for details

BASAHIN ANG DETALYE

Ibig sabihin, hindi makukulong si Elcy kung sa loob ng dalawang taon ay hindi siya muling lalabag sa batas.

Sinabi ng isang Immigration officer sa kanya sa labas ng korte na maari na niyang mabawi ang kanyang passport sa opisina nito sa Kowloon Bay.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Nanira ng pinto ng dating girlfriend, pinagbayad ng $8,130

Posted on 06 December 2022 No comments

Ang pasukan ng gusaling pinangyarihan ng insidente

Ang pakay niya lang sana ay mabawi ang kanyang mga gamit sa opisina ng kanyang dating girlfriend. Pero nang hindi siya pagbuksan, nagwala si B. E. Invento at pinagsisipa niya ang pinto ng opisina hanggang masira.

Ngayon, maliban sa nagsisisi sa ginawa, nagkagastos pa siya ng kabuuang $8,130 nang patawan siya ng parusa ni Acting Principal Magistrate Veronica Heung sa West Kowloon Magistracy sa Cheung Sha Wan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang parusa ay binubuo ng multang $6,000 at $2,130 na ibinayad sa kanyang dating girlfriend para sa pagpapakumpuni ng pintong sinira niya.

Ibabawas ito sa $10,000 piyansang inilagak niya sa korte upang pansamantalang makalaya.

Umamin si Invento nang humarap siya sa korte ngayon at basahan ng salaysay ng pangyayari .

Ayon sa sakdal, nagpunta siya sa opisina ng kanyang dating girlfriend, ang The Nest Trading Co., sa 16th floor ng Pakpolee Commercial Centre sa Sai Yeung Choi South sa Mongkok, Kowloon, upang kunin ang kanyang mga gamit.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero nang hindi siya pagbuksan ay nagwala siya at pinagsisipa ang pinto hanggang ito ay masira at siya ay makapasok. Habang ginagawa niya ito ay tumatakbo ang CCTV at nakunan ang buong pagyayari.

Maya maya ay dumating ang kapatid na lalaki ng girlfriend niya, at nakasalubong pa siyang paalis. Tumawag ito ng pulis nang makita ang sirang pinto.

Press for details

Kinasuhan si Invento ng pulis ng kasong “criminal damage” noong Sept. 23.

Sa pagdinig kanina, humingi ang abogado ni Invento ng pagluluwag sa pagpaparusa sa nagawa nito.

BASAHIN ANG DETALYE

Sinabi ng abogado na may malinis itong rekord at nagsisisi sa ginawa niya, na handa siyang bayaran ang nasira at malayong uulit dahil ang nangyari ay nagmula lamang sa bugso ng damdamin.

Si Invento, 23 taong gulang at isang waiter, ay ipinanganak at lumaki sa Hong Kong.


UPAA-HK keeps up the fun as it elects new officers

Posted on No comments

By The SUN

The happy bunch from UPAA-HK pose for a group photo

Covid or not, the University of the Philippines Alumni Association of Hong Kong (UPAA-HK) has continued its tradition of holding its annual Christmas party and election of officers this year.

The event, held on Saturday, Dec 3, at the Platform in Sai Ying Pun, was made more fun by a trivia quiz show that has become a staple of many UPAA-HK gatherings, a raffle draw, as well as a sumptuous dinner all put together by the outgoing officers led by president JV Villafuerte.

Elected as officers for year 2023 were: Klervin John B. Collado, president; Rey Oliver P. Favros, vice president; Marie Abigail G. Perez, secretary; Simon Alec J. Askin, treasurer; Carmela Emilia S.A. Biag, P.R.O.; and Kalayaan F. Magno, auditor.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

They were immediately inducted into office by guest speaker, Vice Consul Angelo D.G. Manuel, himself an alumnus of UP.

Vice Consul Manuel took the opportunity to invite the newcomers in Hong Kong to register for the next overseas voting for Filipinos which will take place in 2024.

The new officers take their oath before Vice Consul Gelo Manuel

In his report to the membership, Villafuerte recalled the difficulty of keeping the organization going amid the severe restrictions imposed by the Hong Kong government as the fifth and deadliest wave of the pandemic took hold in the first part of the year.

“Despite the daunting task ahead, UPAA-HK was able to stage various activities that developed camaraderie among its members while contributing to society by conducting an online talk for OFWs and participating in the conduct of the overseas voting for the 2022 Philippine elections,” he said.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Apart from these community projects, and amid the strict social gathering rules, members found a way to hold fellowship nights, including eTambayan in March when members were asked to gather via zoom to eat and drink together, and play games.

In October, they had a successful face-to-face trivia night and fundraising event dubbed “Patalinuhan 2022”at David Bistro Café in Sheung Wan.

Villafuerte (seated, leftmost) with past officers and Collado with the current ones

Asked what advice he would give to the next batch of officers, Villafuerte said they should “continue to foster goodwill within the UPAA-HK community, to serve fellow Filipinos in HK whenever possible, and to remember to enjoy the journey.”

He added, “At the end of the day, it is all worth it.”

Press for details
BASAHIN ANG DETALYE

Apart from Villafuerte, who graduated from UP with a degree in business economics (1997); the other outgoing officers are: Charo Logarta Lagamon, vice president; Joane Rabang Mata, secretary; Chad de Guzman, treasurer; Tess Turingan, PRO; and Lucky Bunao, auditor.

 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Kulong at multa ang parusa sa 2 Pilipinang nagnakaw

Posted on 05 December 2022 No comments

 

Kaukulang parusa ang natamo ng dalawang Pilipina sa korte sa Kwun Tong at West Kowloon

Dalawang Pilipina ang umamin sa pagnanakaw at napatawan ngayon ng kaukulang parusa sa magkahiwalay na pagdinig sa korte.

Si Maxima Elsie Quirit, 34 taong gulang, ay pinatawan ng apat na linggong pagkakakulong sa dalawang kaso ng pagnanakaw sa kanyang amo sa tinitirhan nila sa Kai Yip Road sa Kowloon Bay, Kowloon.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang unang kaso ay nangyari noong nakaraang Pebrero nang kunin niya ang isang singsing na brilyante na may halagang $40,000.

Ang ikalawa ay noong April 1, nang nakawin niya ang isang kwintas na may palawit na krus na may brilyante, at isang gintong pulseras na nagkakahalaga ng $11,800.

Ayon sa salaysay ng pulis na sinang-ayunan ni Quirit, siya ang pinaghinalaan nang mapansin ng amo na nawawala ang kanyang mga alahas sa drawer na pinagtaguan nito sa master bedroom ng bahay.

Tumawag siya ng pulis at hinalughog ang mga gamit ni Quirit. Nakita doon ang  mga resibo ng sanglaan.

Nang tubusin sa sanglaan ang nasa resibo, nakompirma na ang mga alahas na ito ang mga nawawala ng amo. Umabot lang sa $850 ang naging sangla sa alahas.

Sa kanyang apela upang mapagaan ang parusa ni Quirit, sinabi ng kanyang abogado na napilitan itong magnakaw dahil nawalan ng trabaho ang kanyang asawa sa Pilipinas kaya siya na lang ang inaasahang bumuhay sa kanilang anak na babae.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nalubog din siya sa utang na umabot sa $20,000.

Pero sinabi ni Magistrate Minnie Wat ng Kwun Tong Court na dahil kasama sa krimeng ito ang paglabag ng tiwala, at dahil na rin sa malaking halaga ng mga ninakaw, hindi maiiwasan ang kulong bilang parusa.

Press for details

Pinatawan niya si Quirit ng tig-anim na linggong pagkabilanggo sa dalawang kaso. Dahil sa pag-amin niya,  binawasan ang mga ito ng tig-dalawang linggo. At dahil ang natirang mga parusa ay pagsisilbihan niya nang sabay, ang kabuuang parusa ay naging apat na linggo.

Samantala, sa West Kowloon Magistracy, pinagmulta ng $1,000 si Apryl Ruth Peningeo matapos siyang umamin na nag-shoplift sa sangay ng Wellcome Supermarket sa Mei Foo Sun Chuen sa Cheung Sha Wan, Kowloon noong Nov. 25.

BASAHIN ANG DETALYE

Ang ninakaw niya: tatlong pakete ng gulay, isang pakete ng tinapay, at isang pakete ng salmon na nagkakahalaga ng kabuuang $138.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

PAHK holds first election in 3 years

Posted on No comments

By The SUN

PAHK's incoming Board of Directors after the election in 'bahay kubo' of St Joseph's Church

The Philippine Association of Hong Kong, the oldest organization of Filipino professionals and entrepreneurs in the city, had its first Annual General Meeting and election of officers for the first time in three years last Saturday night at the St Joseph’s Church grounds in Central.

PAHK, which was founded in 1961, was unable to hold an election as well as its traditional events like the annual Philippine Independence Day Ball starting in 2020 due to the pandemic.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

PINDUTIN PARA SA DETALYE

But the current board managed to stage a dinner concert titled "Paskong Pinoy" in December last year.

Thus, Katherine de Guzman, who was elected in December 2019, became a holdover chairperson of the association for the past three years.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The only other time the June Independence Day Ball was not held was in 2003, when Hong Kong was gripped by a deadly outbreak of SARS (Severe Acute Respiratory Syndrome). Instead, a PAHK Goes Bayanihan ball was held in October that year, along with a Filcom show in Chater Garden.

PAHK members had dinner before the election

Elected as the 15 members of the PAHK Board of Directors for 2023 are: Estephanie Chan of Philippine Airlines, Marc Gonda of Philippine National Bank, Lucas Reganit of BDO Remit, Miguel Rubio of AGM Financial Group, Victorino Baltazar of International Montessori School, Mark Yabut of Metrobank, Paul Joseph dela Cruz of Pacific Ace, Yolanda Marquez of AFreight, Eric Goyena of LBC, Noel Tabernilla of PLDT, Noemi Selomenio of Kath & Mine, Joefrey Fajardo of Bank of the Philippine Islands, Pol Elago of PCL and Julius Barcela of Metrobank.

Press for details

BASAHIN ANG DETALYE

The new directors will meet this week to elect the new officers, including the chairman and the vice-chairman, who will play key roles in steering the organization toward achieving its goals of fostering camaraderie among members while undertaking projects that benefit the Filipino community as a whole.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss