Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Music never ends for HKMU’s veteran members

Posted on 08 December 2022 No comments

 By Daisy CL Mandap

 

85-year-old Clarin Ebron on fire

It was a musical treat like no other.

Imagine an 85-year-old keyboard player who hesitated at first when called to perform on stage, but as soon as he sat down to play, appeared to have shed not just his inhibitions, but also half his age.

Then there was also the 81-year-old lounge singer who retired ages ago, but stood upright as she took to the stage to sing in her alluring voice as if she were back under the spotlight of the Hong Kong Country Club, where she was the featured singer for decades.

Don't let that cane fool you: Valiente and Ledesma can still sing the blues away

The keyboard whiz was Clarin Ebron, who used to play with, and was a close pal of the late musical legend Tony Carpio; while the singer was Lulu Valiente, who performed with both men when they were all much younger.

Ebron and Valiente were among a select group of long-retired musicians who were invited to get together on Tuesday, Dec 6, for the so-called Veterans Day of the Hong Kong Musicians Union, held at their headquarters in Mirador Mansion, Tsim Sha Tsui.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

According to HKMU chairman, Lito Castillo, he and his fellow officers decided it was time they paid tribute to their more senior peers.

“We noticed we have been seeing each other only during funerals, so we thought we should gather our veteran musicians and have fun instead,” Castillo said.

And fun they did, with the invited vets hitting their instruments with pure joy, or singing to their hearts’ content. They included Paul Candelaria who tirelessly played bass, crooner Anita Barce-Ledesma who has kept her sexy singing style at age 77, vocalist Boying Sinacsi who would have given Louis Armstrong a run for his money, and several others who would have been happy just catching up with each other.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

As it turned out, Ebron was not even the oldest among them. Band leader Ding Herrera, a former HKMU chair who also jammed with the other vets, is a sprightly 86-year-old.

Ebron, Herrera, Bedana, Galagar are happy to see each other again 

Happily serving as their back-ups were Castillo, vice-chairman Bong Galagar, secretary Maricel Bedana, and the seasoned drummer of the renowned Family Birth Control band in the Philippines, Alex Ahongon.

Bedana, who took charge of feeding and looking after the guests, said she took the initiative of calling them up one by one after seeing them at Carpio’s funeral last month.

Press for details

Thus, even while all HKMU officers were busy doing pre-Christmas gigs, they pushed ahead with the gathering, much to the delight of the retirees who had not been on stage for years.

For Ebron, who traveled alone from his home in Lantau, it was double the happiness as he told everyone it was his first time to see the HKMU office, which has been home to its members for more than seven decades.

BASAHIN ANG DETALYE

But the feeling was mutual. Bedana said she was so overjoyed to see the invited musicians giving it all and having fun.

Candelaria with the show organizers: Bedana, Galagar and Castillo

Nakakaiyak sa saya na mabigyan sila ng chance na makatugtog at makakanta ulit,” she said. (It makes me weep with joy, thinking how we have given them the chance to play and sing again).

The HKMU now plans to stage a second round of the happy reunion to accommodate the others who could not be invited to this initial stage, as their office is not big enough to hold them all.

The only problem is, the lucky ones who just got invited so enjoyed themselves that they are asking to be included in the next gathering as well. 

It's a happy aftermath that the HKMU would certainly find a way to accommodate.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Aktibistang OFW, yumao matapos atakihin sa puso

Posted on No comments

Ng The SUN

 

Si Lilybeth ay aktibong miyembro ng Unifil-Migrante HK

Nagluluksa ang kilusang migrante sa Hong Kong dahil sa pagkamatay kahapon, Miyerkules, ng isa sa kanilang aktibong miyembro na si Lilibeth Perez Mulat sanhi ng atake sa puso.

Tamang tama lang na nakarating sa Hong Kong ang anak nitong si Princess bago idineklarang  wala ng buhay si Lilibeth na ilang araw na rin nakaratay nang walang malay sa Ruttonjee Hospital sa Wanchai.

Ayon kay Esther Bangcawayan ng Bethune House Migrant Women’s Refuge kung saan isang volunteer si Lilibeth ay nahilo lang daw ito habang naglalakad sa may  Wanchai Market noong Biyernes, Dec. 2, at agad na itinakbo sa ospital pero hindi na nagkamalay.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Katatapos lang niyang maoperahan sa Pamela Youde Eastern Hospital sa Chai Wan para sa kanyang varicose veins at naka sick leave pa hanggang Dec 5 nang atakihin siya.

Base sa mismong post ni Lilibeth sa Facebook noong Nov. 30 ay tagumpay ang kanyang operasyon at nagpapagaling na lang siya.

Pero sa sulat ng doktor na tumingin sa kanya sa Ruttonjee ay kritikal na ang kundisyon nito dahil sa atake sa puso, at iminungkahi ang dagliang pagbisita ng kanyang pamilya para makita siya sa huling sandal.

“She has suffered from a cardiac arrest secondary to massive pulmonary embolism. Her condition is complicated with hypoxic ischemic encephalopathy, and she is in critical condition,” sabi ni Dr Anthony Yu.

“We suggest for her family members to visit her as soon as possible due to her grave prognosis.”

Agad namang naghanda sa kanyang pag-alis si Princess mula sa kanilang bahay sa Quezon nguni’t nabalam nang ilang araw dahil sinubukan munang nagpunta sa opisina ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Maynila para humingi ng tulong.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nabigo si Princess sa kanyang pakay dahil imbes tulungan agad ay sinabihan daw ito sa OWWA na sa Senado pumunta para mapabilis ang pag-asikaso sa kanyang hiling.

Agad namang sumulat si Bangcawayan sa OWWA sa Hong Kong para idaan sa kanila ang hiling ng pamilya ni Lilybeth at makiusap na rin na dalawin nila ang maysakit sa ospital “para malaman ang kanyang kundisyon at matulungan siya at kanyang pamilya.”

Pero ilang oras lang matapos ito ay nabalitaan nilang pumanaw na si Lilybeth, at si Princess ay nakarating sa Hong Kong para makita siya sa huling pagkakataon.

Paglalakad ang isa sa mga paboritong ginagawa ni Lilybeth sa araw ng pahinga

Agad na nagpahayag ng pagkalungkot ang mga grupong kaanib ng United Filipinos in Hong Kong, kung saan naging aktibong miyembro si Lilybeth.

Kamakailan lang ay umani ito ng papuri nang may sunduin itong isang migranteng na-terminate sa gitna ng bagyo, at hinatid ito sa Bethune House.

“Safe na si kabayan. Kahit bago walang makakapigil sa aking pagtulong,” sabi ni Lilybeth sa kanyang Facebook post, na nilakipan pa niya ng dalawang litrato ng kababayan na tinulungan niya.

Press for details

Ang kanyang kabaitan at determinasyon na ipaglaban ang mga karapatan ng kapwa migrante ay binigyang puri ng ilang mga kaibigan bilang pagtanaw sa kanyang naging buhay dito sa Hong Kong.

“Isa na namang kasama sa kilusang migrante ang naging bayani kanina,” sabi ni Eman Villanueva, chairperson ng Bayan Hong Kong at Macau, at secretary general ng Unifil.

“Si kasamang Beth ay nanindigan para sa kapakanan ng mga migrante at sambayanan. Naglaan ng kanyang panahon para paglingkuran ang kapwa-OFW," dagdag niya.

BASAHIN ANG DETALYE

“Igawad natin ang pinakamataas na pagpupugay kay kasamang Beth. Isang migranteng manggagawa, aktibistang pangkultura, naglingkod sa masang migrante hanggang sa kahulihulihan.”

Inalala naman ni Janette Carnay na “hindi madamot” sa pagtulong Lilybeth sa kanilang ka-miyembro sa Unifil, lalo na sa pagbabahagi ng kanyang husay sa pagsasayaw at pagtulong sa mga gawain ng grupo.

Inulila ni Lilybeth ang kanyang asawa at tatlong anak na babae.


https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Alok na piyansa ng 2 Pilipino tinanggihan

Posted on 07 December 2022 No comments

Nabigong kumbinsihin ng dalawang Pilipino na payagan silang magpiyansa sa Shatin Magistracy

Dalawang Pilipino na kinasuhan ng paglabag sa Immigration Ordinance ang tinanggihan nang mag-alok ng piyansa sa magkahiwalay na kaso ngayon sa Shatin Magistracy, kaya ibinalik sila sa kulungan.

Sinabi ni acting Principal Magistrate David Cheung sa dalawa na mabigat ang kinasangkutan nilang krimen, malakas ang ebidensya laban sa kanila, at walang kasiguruhan na babalik sila sa korte sa takdang araw, dahil wala silang tirahan sa labas.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nabigong kumbinsihin ni June Ernie Togle, 45 taong gulang, ang korte na palayain siya nang pansamantala kahit itinaas niya sa $10,000 ang kanyang alok na piyansa mula $5,000, at dinagdagan pa ng $10,000 na garantiya ng isa niyang kaibigan.

Nahuli si Togle noong Oct. 25 na nagtatrabaho nang ilegal sa isang restaurant sa Lamma Island.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Bilang aplikante sa non-refoulement, o pagbabawal na pwersahang pagpapauwi sa kanya, siya ay pinakalooban ng recognizance paper upang manatili sa Hong Kong, pero bawal sa kanya ang magtrabaho o sumali sa negosyo.

Nahuli rin na kasama niya sa trabaho si Florian Funa, na may visa bilang domestic helper.

Ayon sa Immigration Ordinance, bawal magtrabaho si Funa sa labas ng bahay ng amo niyang nakalista sa Immigration Department. Hindi siya ikinulong matapos payagang magpiyansa ng $1,000.

Itinakda ni Magistrate Cheung ang paglilitis sa kaso nila sa March 13-14.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang ikalawang tinanggihan ay si Joy Yecyec, 41 taong gulang, na nag-alok naman ng $1,000 bilang piyansa sa isang bail review, upang makalabas ng kulungan habang hinihintay ang susunod niyang pagdinig sa Jan. 10 sa dalawang kasong isinampa laban sa kanya ng Immigration.

Press for details

Inakusahan siyang nagpanggap na domestic helper at nagsumite ng pekeng kontrata noong July 22 sa Immigration Department upang mabigyan ng visa.

Pagkalipas ng siyam na araw, gumamit siya ng pekeng impormasyon galing dito upang makakuha ng Hong Kong ID.

BASAHIN ANG DETALYE

Ang taong nakalagay sa kontrata bilang amo niya ay tumanggi na nagtrabaho siya sa kanila o pinirmahan ang kontrata niya. Siya at ang asawa nito ang testigo ng taga-usig laban kay Yecyec.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

OS na Pinay, ligtas sa kulong dahil sumuko

Posted on No comments

 

Pauwi si Elcy Manabat matapos marinig ang hatol sa kaso niya.

The SUN

Isang Pilipina na napilitang mag overstay matapos mawalan ng trabaho noong Abril 20, 2020, kasagsagan ng pagkalat ng Covid-19, ang nakaligtas sa kulong matapos umamin sa kanyang pagkakasala pagharap sa Shatin Court kanina.

Si Elcy Manabat, 43 taong gulang, may asawa at apat na anak at tubong Tarlac, ay kusang sumuko sa mga awtoridad nitong Nobyembre 22, para tuldukan ang dalawang taon at limang buwan na pananatili sa Hong Kong ng walang karampatang visa.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa kanyang abogado, sinikap ni Elcy na humanap ng bagong mapapasukan nang i-terminate ng dating amo ang kanilang kontrata noong Sept. 6, 2020 nguni’t siya ay nabigo. 

Nang matapos ang dalawang linggong palugit na binigay sa kanya para manatili sa Hong Kong ay nagdesisyon siyang magtago.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Dahil malinis ang kanyang record, bukod sa kanyang kusang loob na pagsuko at pag-amin sa kasalanan, ay binawasan ni Mahistrado David Cheung Chi-Wai ang dapat 12 linggong pagkakulong niya at ginawa itong walong linggo, na sinuspindi pa ng dalawang taon.

Press for details

BASAHIN ANG DETALYE

Ibig sabihin, hindi makukulong si Elcy kung sa loob ng dalawang taon ay hindi siya muling lalabag sa batas.

Sinabi ng isang Immigration officer sa kanya sa labas ng korte na maari na niyang mabawi ang kanyang passport sa opisina nito sa Kowloon Bay.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Nanira ng pinto ng dating girlfriend, pinagbayad ng $8,130

Posted on 06 December 2022 No comments

Ang pasukan ng gusaling pinangyarihan ng insidente

Ang pakay niya lang sana ay mabawi ang kanyang mga gamit sa opisina ng kanyang dating girlfriend. Pero nang hindi siya pagbuksan, nagwala si B. E. Invento at pinagsisipa niya ang pinto ng opisina hanggang masira.

Ngayon, maliban sa nagsisisi sa ginawa, nagkagastos pa siya ng kabuuang $8,130 nang patawan siya ng parusa ni Acting Principal Magistrate Veronica Heung sa West Kowloon Magistracy sa Cheung Sha Wan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang parusa ay binubuo ng multang $6,000 at $2,130 na ibinayad sa kanyang dating girlfriend para sa pagpapakumpuni ng pintong sinira niya.

Ibabawas ito sa $10,000 piyansang inilagak niya sa korte upang pansamantalang makalaya.

Umamin si Invento nang humarap siya sa korte ngayon at basahan ng salaysay ng pangyayari .

Ayon sa sakdal, nagpunta siya sa opisina ng kanyang dating girlfriend, ang The Nest Trading Co., sa 16th floor ng Pakpolee Commercial Centre sa Sai Yeung Choi South sa Mongkok, Kowloon, upang kunin ang kanyang mga gamit.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero nang hindi siya pagbuksan ay nagwala siya at pinagsisipa ang pinto hanggang ito ay masira at siya ay makapasok. Habang ginagawa niya ito ay tumatakbo ang CCTV at nakunan ang buong pagyayari.

Maya maya ay dumating ang kapatid na lalaki ng girlfriend niya, at nakasalubong pa siyang paalis. Tumawag ito ng pulis nang makita ang sirang pinto.

Press for details

Kinasuhan si Invento ng pulis ng kasong “criminal damage” noong Sept. 23.

Sa pagdinig kanina, humingi ang abogado ni Invento ng pagluluwag sa pagpaparusa sa nagawa nito.

BASAHIN ANG DETALYE

Sinabi ng abogado na may malinis itong rekord at nagsisisi sa ginawa niya, na handa siyang bayaran ang nasira at malayong uulit dahil ang nangyari ay nagmula lamang sa bugso ng damdamin.

Si Invento, 23 taong gulang at isang waiter, ay ipinanganak at lumaki sa Hong Kong.


Don't Miss