Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pilipinang nag-shoplift, overstay din pala

Posted on 15 December 2022 No comments

 

Dito nagsimula ang kaso ng Pilipina

Nang mahuli si Genelyn Cusay na nag-shoplift sa isang tindahan ng Wellcome Supermarket sa Lantau noong Nov. 22, nabisto rin na overstay na siya nang higit sa anim na taon.

Kanina (Dec. 15), mas malaking parusa ang iginawad kay Cusay sa paglabag niya sa section 41 ng Immigration Ordinance -- dalawang buwan sa kulungan – kesa sa anim na araw para sa una niyang kasalanan, ang pagnanakaw ng paninda ng Wellcome.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Natanggap ni Cusay ang sentensiya mula kay Magistrate Jeffrey Sze matapos siyang umamin sa dalawang paratang sa pagdinig sa West Kowloon magistracy.

Inutos ni Magistrate Sze na pagsilbihan niya nang sabay ang dalawang parusa.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Unang nahuli si Cusay na nagnakaw ng dalawang pakete ng beer, dalawang botelya ng gata, isang balot ng luya, isang bungkos ng talong, isang pakete ng green pepper, at isang bote ng kape na nagkakahalaga ng kabuuang $257.10 mula sa tindahan ng Wellcome sa Yat Tung Shopping Center sa Lantau.

Kinasuhan siya ng paglabag sa Theft Ordinance.

BASAHIN ANG DETALYE

Habang iniimbestigahan, lumabas din na paso na ang kanyang visa bilang turista, na may bisa lamang hanggang June 22, 2016.

Kinasuhan siya ng breach of condition of stay, o paglabag sa kondisyong ibinigay ng Immigration Department para sa kanyang paglagi sa Hong Kong, na may parusang multa na aabot sa $50,000 at kulong na dalawang taon. 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Daily Covid-19 tally hits 17k

Posted on No comments

 

The Omicron variant continues to spread within Hong Kong

Hong Kong has recorded a total of 17,080 new Covid cases on Thursday, the highest daily tally since late March. 

A government statement said 831 of the cases were imported and more than half of them, or 474, were detected on arrival at the airport.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Of the positive local cases, 3,000 were detected through PCR tests, and the rest, through rapid antigen tests or RATs.

Nineteen more patients with coronavirus have died.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Of the local cases, 893 were reported from schools at various levels, leading to the suspension of 20 classes. Infections were also found in 23 care homes for the elderly and nine in facilities for the disabled.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Meanwhile, Health Secretary Lo Chung-mau is under home quarantine after a member of his household tested positive for Covid-19.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

A government statement said the health chief will work from home during his quarantine. He tested negative on a PCR test conducted yesterday, and on a rapid antigen test earlier today.

BASAHIN ANG DETALYE

For enquiries on Covid-19, check: www.coronavirus.gov.hk/eng/index.html#hotline.


https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Dahil sa kinupit na $500, DH ikinulong nang 10 araw

Posted on 14 December 2022 No comments

 

Umamin ang Pilipina na kumupit ng $500 sa pitaka ng amo 
 

Dahil nangupit ng $500 sa pitaka ng amo niya, isang Pilipinang domestic helper ang ikinulong nang 10 araw matapos ang pagdinig ngayon sa Eastern Magistracy.

Inamin ni A. Lacwayan, 35 taong gulang, ang paratang nang iharap siya kay Magistrate Edward Wong, na agad namang nagbigay ng hatol.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang dapat na parusa kay Lacwayan ay 15 araw na kulong base sa itinakdang panuntunan sa korte, pero  binawasan ni Magistrate Wong ng 1/3 dahil inamin niya agad ang paratang, kahit noong iniimbestigahan pa siya ng pulis, kaya nauwi sa 10 araw ang kulong niya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nangyari ang nakawan noong Dec 8, nang madiskubre ng amo ni Lacwayan na nawawala ang isang $500 sa kanyang pitaka sa kanilang bahay sa Regalia Bay sa Stanley, Hong Kong.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Tumawag ng pulis ang amo at sa imbestigasyon noong Dec. 13 ay inamin niya na siya ang kumuha ng pera.

Ayon sa kanyang abogado, nasa ikalawang kontrata na si Lacwayan sa kanyang amo nang mangyari ang nakawan.

BASAHIN ANG DETALYE

Nag-iisa siyang tumataguyod sa anak na lalaki na siyam na taong gulang, at iniwan niya sa pagangalaga ng kanyang mga magulang sa Pilipinas.

Hindi rin kayang ibalik ng nasasakdal ang pera sa amo, dagdag pa nito.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Akusado sa pagnanakaw sa Worldwide, ipinaaresto nang hindi sumipot sa korte

Posted on No comments

 

Ang pinangyarihan ng krimen

Isang Pilipina ang ipinaaresto dahil hindi magpakita sa Eastern Magistracy nang dinggin ang kanyang kasong pagnanakaw ng mga paninda sa isang tindahan sa Worldwide House.

Inutos din ni Magistrate Edward Wong na dagdagan ng $2,000 ang piyansa ni M.C. Talento, 44 na taong gulang, kapalit ng patuloy na paglaya kapag nahuli siya ng pulis.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ginawa ni Magistrate Wong ang hakbang dahil walang sumagot nang tawagin ang kaso ni Talento upang dinggin. Lumabas ang interpreter na Pilipino sa korte upang tawagin siya sakaling nasa labas lang, pero bumalik itong bigo.

Nahaharap si Talento sa kasong paglabag sa Section 9 ng Theft Ordinance dahil kumuha siya ng mga paninda ng Victory Supermarket sa first floor ng Worldwide noong Nov. 13, nang hindi nagbabayad.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS
BASAHIN ANG DETALYE

Ayon sa salaysay ng pulis, kumuha siya ng isang pakete ng kape, isang pakete ng tsitsiryang Pilipino, limang pakete ng M&M chocolate, limang pakete ng Cadbury Roast Almond Chocolate, limang pakete ng Cadbury Fruit & Nut Chocolate, tatlong pakete ng Hershey Kisses almond chocolate, dalawang pakete ng Hershey Kisses dark chocolate, dalawang lata ng Coca Cola, at dalawang lata ng pineaple juice.

Hindi binaggit ang kabuuang halaga ng mga produkto.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

 

HK to import 3k more care workers next year

Posted on No comments

 

A resident in a care home gets vaccinated as government officials look on

Hong Kong’s Chief Executive in Council has approved a special scheme to import 3,000 additional care workers for residential care homes starting in the second half of next year.

According to a statement issued on behalf of the Labour and Welfare Bureau, the care workers to be hired from overseas next year will supplement the 4,000 imported workers already here, all from the Mainland. That will mean filling up the entire 7,000 quota that has been set for imported care workers.

As the sector will need at least 4,500 more care workers in the next three years, there will still be a lot of opportunities for local workers to fill the gap, said the Bureau.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The scheme is not limited to hiring workers from the Mainland, but the ease of communicating with the residents in care homes could be a factor in getting someone hired from overseas.

The plan to import more care workers was brought up by Chief Executive John Lee in his maiden policy address earlier this year, as a means to address acute manpower shortage in residential care homes.

Currently, only private homes are allowed to import care workers, but only if they hire two locals for every worker that is brought in from overseas.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Under the scheme, even subvented or subsidized care homes can hire imported workers on a 1:2 ratio. For private homes, the ratio has been changed to 1:1, meaning there could be one imported worker for every one local worker.

A Bureau spokesman said that in addition, homes must prove that they tried and failed to hire  local workers before applying to import them. 

Homes are also required to pay local recruits more than the imported workers, and the non-locals’ salary must be higher than the median monthly wage for a care worker.  

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Once the scheme is implemented by the second quarter of next year, the vetting of applications could be cut short from five to two months, according to the Bureau.

The plan has been met with criticism from local unions, whose leaders said they were upset because the government did not consult them beforehand.

They also warned of abuse in the process because applications by care homes to import labour will not pass through the Labour Advisory Board of which they are a part.

BASAHIN ANG DETALYE

They also called for an increase in pay for the care workers so more local people could be enticed to apply.

Previously, the government said that only 20% of locals who took part in trainings last year ended up working in care homes. Many were apparently unhappy with the salary offer of between $12,000 to $20,000, and the long working hours.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Wala ng scanning ng ‘LeaveHomeSafe’ app mula ngayon

Posted on No comments

 Ng The SUN

 

Tanggal na lahat ang ganitong QR code sa mga restaurant at iba pang pampublikong lugar

Simula ngayon, Miyerkules, ay hindi na kailangang mag-scan ng LeaveHomeSafe app para makapasok sa ilang tukoy na lugar katulad ng mga restaurant, paaralan, supermarket at iba pa. Tatanggalin na rin sa mga lugar na ito ang kanilang QR code na dapat i-scan ng lahat ng papasok.

Nguni’t mananatili pa rin ang tinatawag na “Vaccine Pass” na ang ibig sabihin ay kailangan pa ring magpakita ng patunay na kumpleto sa bakuna ang sino mang papasok sa mga pampublikong lugar na ito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Maari nila itong gawin sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang QR code (pero hindi na i-scan) na nasa LHS, LHS, "iAM Smart" or "eHealth" na mobile app, o litrato ng kanilang vaccination record na nasa kanilang mobile phone, o yung mismong papel nito.

Para sa mga edad 12 pataas, dapat na may hindi kukulangin sa tatlong bakuna kontra sa Covid-19; at dalawang turok naman sa mga batang edad 3 hanggang 11 para makakuha ng Vaccine Pass.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Bukod dito, may apat na iba pang pagbabago sa patakaran na ipinahayag ng pamahalaan kahapon, at ito ang: 


1)      Wala nang amber code sa mga bagong dating sa Hong Kong, na nagpipigil dati sa kanila na makapasok sa mga restaurant at iba pang lugar na itinuturing na “high risk.” Bukod sa red code na binibigay sa mga nag positibo sa Covid-19, ang lahat ng papasok ng Hong Kong ay bibigyan ng blue code.

2)      Pero kailangan pa ring sumailalim sa PCR test ang lahat pagdating sa HK airport, at sa ikatlong araw ng kanilang pagdating. Mananatili din ang utos na mag rapid antigen test (RAT) sila sa 5 araw mula nang kanilang pagdating.

3)      Tatanggalin na ang pag-RAT ng mga papasok sa Mainland o Macau mula sa HK, pero kailangan pa ring magpakita ng negative na resulta sa PCR na isinagawa 48 oras bago ang takda nilang paglipad o pagpasok sa pamamagitan ng land border crossing


BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

4)      Hindi na oobligahin na sumailalim sa regular PCR testing ang mga nagtatrabaho sa mga restaurant, airport, cruise ship, quarantine center, matadero, paaralan at iba pang nasa kategorya na “high risk” – maliban na lang kung hindi sila kumpleto sa bakuna.

Pero kailangan pa ring isagawa ito ng mga nagtatrabaho sa mga ospital at care homes sa mga may edad at kapansanan. Hinihimok din na magpatuloy sa pagsasagawa ng RAT ang mga dating inoobligahan na mag PCR test.

Kasabay nito ay babawasan na ang pag-uutos sa mga nakatira sa mga tukoy na gusali na sumailalim sa “compulsory testing order” – pero mananatili ang pamimigay ng mga RAT kit para makumbinsi ang mga may sintomas na mag-check kung may Covid-19 sila.

5)      Tatanggalin na ang pag-oobliga sa mga naka isolate sa kanilang bahay na magsuot ng electronic wristband na ginagamit para masiguro na hindi sila lumalabas sa loob ng takdang panahon. Itutuloy din ang pamimigay sa kanila ng mga gamit na pangontrol sa coronavirus, at paniniguro na hindi nila nilalabag ang utos na huwag silang lalabas hanggang hindi pa sila nadeklarang nagamot na.


BASAHIN ANG DETALYE

Kasabay ng pagluluwag ng mga patakaran, nagpaalala ang pamahalaan na patuloy na mag-ingat

para hindi kumalat ang coronavirus sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga pagtitipon, lalo na ngayong magpa Pasko.

 

Dapat ding pagsikapin ng lahat na kumpletuhin ang kanilang bakuna at pati ng mga may edad at bata sa kanilang pamilya para mabawasan ang pagkalat ng sakit at ang maaring pagkamatay o paglala ng sakit ng mga delikado ang kalagayan.

 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss