Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

OS na Pinay, binawasan ang parusang kulong dahil sa asawa na maysakit

Posted on 16 December 2022 No comments

 

Kulong pa rin ang hatol sa Pilipinang na overstay ng halos 2 1/2 na taon

Anim na linggong pagkakakulong ang ipinataw na sentensiya sa isang Pilipina nitong Huwebes, Dec. 15, ng Shatin Magistrates’ Court dahil sa kanyang pag overstay ng dalawang taon at limang buwan sa Hong Kong.

Si Arlyn Albe Tuquero, na nasa 60s na ang edad, ay isang dating domestic helper na nakapangasawa diumano ng isang 83 anyos na lokal na Intsik dito sa Hong Kong. Si Tuquero ay may limang anak sa unang asawa nito sa Pilipinas.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Matapos matanggal sa trabaho bilang domestic helper, napilitang mag overstay si Tuquero  bunsod na rin ng matinding pangangailangang pinansyal para suportahan ang kanyang mga anak noong kasagsagan ng pagkalat ng Covid-19.

Matapos basahan ng sakdal ay agad inamin ni Tuquero ang pagkakasala. Pero, dagdag niya, siya lang ang nag-aalaga sa kanyang asawa, at kalalabas lang nito sa ospital kahapon, Dec. 14, matapos magkasakit.

Pindutin para sa detalye

Hiniling ni Tuquero sa korte na bigyan siya ng magaan na sentensiya para tuloy-tuloy na maalagaan niya ang kanyang asawa.

Bilang tugon, sinabi ni Mahistrado David Cheung kay Tuquero na ipaabot nito ang hiling niya sa korte sa pamamagitan ng kanyang abugado.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Hindi malinaw kung bakit nag-overstay si Tuquero sa kabila ng siya ay nakapag-asawa naman ng isang lokal na Intsik noong Hunyo 2018, ayon sa dokumento na isinumite ng kanyang abugado sa korte.

Hiniling ng abugado na ang kusang loob na pagsuko ni Tuquero at ang kasaluyang personal na kundisyon nito na kinakailangang mag-alaga sa asawa, ay bigyan sana ng halaga sa pagpataw ng sentensiya sa kanya.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Binigyang pansin naman ng mahistrado ang hiling ng abugado, nguni’t nagdesisyon pa rin na kailangang makulong si Tuquero.

Mula sa dapat sana’y 12 linggong pagkakakulong, ay binawasan ang sentensiya ng 1/3 o apat na linggo dahil sa kanyang pag-amin. May dinagdag pang dalawang linggong diskwento ang mahistrado dahil sa personal na sitwasyon ni Tuquero kaya nauwi sa anim na linggo sa kulungan ang kanyang parusa.

BASAHIN ANG DETALYE

Habang pinagsisilbihan niya ang kanyang sentensiya ay pumayag si Tuquero sa suhestiyon ng korte na ipasa pansamantala sa Social Welfare Department ang pangangalaga sa kanyang asawa.

Humarap si Tuquero sa korte kasama ng kanyang mga kaibigan.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Lahat ng di-rehistradong SIM card, mawawalan na ng bisa sa Feb 23

Posted on 16 December 2022 No comments

 Ng The SUN

Mawawalan na ng bisa ang mga SIM card na hindi nakarehistro simula sa Feb 23

Kung hindi naka rehistro sa iyong pangalan ang SIM card na gamit mo sa iyong telepono ay agad mo na itong ipa-rehistro dahil simula sa Feb 23, 2023 ay hindi mo na ito magagamit.

Ito ang ipinahayag ng gobyerno ngayon, Dec 16.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Payo din nito, kung may kakilala o kasama kayo sa bahay na hirap mag rehistro online, lalo na iyong mga may edad, ay tulungan silang gawin ito.

Maaring mag rehistro sa pamamagitan ng website o mobile app ng inyong service provider.

Pindutin para sa detalye

Para sa mga hirap gawin ito online ay maaring pumunta sa alin mang shop ng inyong service provider, o sa mga service counter na ilalagay sa 18 post offices. Narito ang lugar kung saan sila matatagpuan: https://gia.info.gov.hk/general/202212/16/P2022121600165_408685_1_1671162268071.pdf

Kailangan lang dalhin ang HKID card, ang SIM card at telepono na makakatanggap ng text o SMS.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

May itatayo ding mga mobile support station sa 25 istasyon ng MTR para sagutin ang mga tanong tungkol sa pagrehistro ng SIM card, simula bukas, Dec 17, hanggang Jan. 7, 2023, mula 9am hanggang 6pm araw-araw. Narito ang kanilang kinaroroonan: https://gia.info.gov.hk/general/202212/16/P2022121600165_408706_1_1671162268079.pdf

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Maari ding makakuha ng dagdag na impormasyon tungkol dito sa webpage na: www.ofca.gov.hk/simreg o tumawag sa hotline ng Office of the Communications Authority, 2961 6699.

BASAHIN ANG DETALYE

May video din na maaring panoorin para sa dagdag-kaalaman na mula sa RTHK at makikita dito: youtu.be/BQ_oYiNSgJw and youtu.be/oErmmX5eJv8).


https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Pinay na OS, ikinulong matapos bigong iapela ang torture claim

Posted on 16 December 2022 No comments

Ang mga tumututol sa pagpapauwi sa kanila ay sa Immigration muna lumalapit (UNHCR photo)

Hinatulan ng 12 linggong pagkakakulong ang isang Pilipina matapos umamin sa kasong pag-overstay ng mahigit apat na taon nang humarap sa korte sa Shatin noong Dec. 14.

Bago ito ay nabigo si Loida T. Dontogan, 53 taong gulang, na makuha ang permiso ng High Court na dinggin ang pagtutol niya sa desisyon ng Torture Claims Adjudication Board at Immigration Department na payagan siyang manatili sa Hong Kong dahil sa tangka diumano sa kanyang buhay.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa desisyon na inilabas ng Mataas na Hukuman nitong Abril ng kasalukuyang taon, walang basehan ang reklamo ni Dontogan na nagkamali ang TACB sa pagbalewala sa sinasabi niyang banta sa kanyang buhay ng isang pinagkakautangan niya.

Kahit tinanggap ng TACB na maaaring nanganganib ang kanyang buhay, marami naman daw siyang maaring pagtaguan sa Pilipinas liban sa kanyang bayan sa Benguet, at pwede din siyang humingi ng proteksyon sa mga pulis.

Pindutin para sa detalye

Sabi pa ng korte, ordinaryong kaso lang ito ng utangan at hindi sapat na dahilan para payagan si Dontogan na manatili pa sa Hong Kong kahit matagal nang paso ang kanyang visa.

Ayon sa mga dokumento sa korte, bumalik si Dontogan sa Hong Kong para magtrabaho bilang domestic worker noong Feb. 18, 2008. Una siyang dumating dito noong 1986 pero umuwi pagkalipas ng 11 taon.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nang matapos ang kanyang kontrata noong Set. 15, 2010 ay sinikap niyang makahanap ng bagong amo nguni't siya'y nabigo. Nagdesisyon siyang huwag munang umuwi.

Lumipas ang mahigit apat na taon bago nagdesisyon si Dontogan na sumuko sa Immigration Department noong Feb 16, 2015, pero agad ding nagsampa ng non-refoulement claim, o ang pagpigil sa pagpapauwi sa kanya sa Pilipinas.

Pinayagan siyang makalabas pansamantala habang dinidinig ang kanyang kaso.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Si Dontogan ay ipinanganak sa Lepanto Mankayan, Benguet. Hindi niya tinapos ang kanyang pag-aaral at diretsong nagtrabaho sa Hong Kong noong 1986.

Noong 1997 ay bumalik siya sa Pilipinas para samahan ang kanyang mga magulang. 

Taong 2004 nang magdesisyon siyang mangutang para makapag-umpisa ng negosyo. Sa kasamaang palad ay biglang nakitaan ng cancer ang kanyang ama at nagamit niya ang inutang na pera para ipagamot ito.

BASAHIN ANG DETALYE

Nang mamatay ang tatay niya sa sakit ay siya pa rin ang gumastos sa pagpapalibing, kaya hindi niya nabayaran ang inutang na pera.

Bumalik siya sa Hong Kong noong 2008 na ang intensiyon ay bayaran ang kanyang utang unti-unti mula sa kanyang sahod. Pero nang hindi siya makahanap ng bagong amo noong Sept 2010 matapos ang kanyang kontrata ay nagtago na lang siya dahil sa takot na saktan siya ng mga nagpautang sa kanya.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Pilipinang nag-shoplift, overstay din pala

Posted on 15 December 2022 No comments

 

Dito nagsimula ang kaso ng Pilipina

Nang mahuli si Genelyn Cusay na nag-shoplift sa isang tindahan ng Wellcome Supermarket sa Lantau noong Nov. 22, nabisto rin na overstay na siya nang higit sa anim na taon.

Kanina (Dec. 15), mas malaking parusa ang iginawad kay Cusay sa paglabag niya sa section 41 ng Immigration Ordinance -- dalawang buwan sa kulungan – kesa sa anim na araw para sa una niyang kasalanan, ang pagnanakaw ng paninda ng Wellcome.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Natanggap ni Cusay ang sentensiya mula kay Magistrate Jeffrey Sze matapos siyang umamin sa dalawang paratang sa pagdinig sa West Kowloon magistracy.

Inutos ni Magistrate Sze na pagsilbihan niya nang sabay ang dalawang parusa.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Unang nahuli si Cusay na nagnakaw ng dalawang pakete ng beer, dalawang botelya ng gata, isang balot ng luya, isang bungkos ng talong, isang pakete ng green pepper, at isang bote ng kape na nagkakahalaga ng kabuuang $257.10 mula sa tindahan ng Wellcome sa Yat Tung Shopping Center sa Lantau.

Kinasuhan siya ng paglabag sa Theft Ordinance.

BASAHIN ANG DETALYE

Habang iniimbestigahan, lumabas din na paso na ang kanyang visa bilang turista, na may bisa lamang hanggang June 22, 2016.

Kinasuhan siya ng breach of condition of stay, o paglabag sa kondisyong ibinigay ng Immigration Department para sa kanyang paglagi sa Hong Kong, na may parusang multa na aabot sa $50,000 at kulong na dalawang taon. 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Daily Covid-19 tally hits 17k

Posted on 15 December 2022 No comments

 

The Omicron variant continues to spread within Hong Kong

Hong Kong has recorded a total of 17,080 new Covid cases on Thursday, the highest daily tally since late March. 

A government statement said 831 of the cases were imported and more than half of them, or 474, were detected on arrival at the airport.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Of the positive local cases, 3,000 were detected through PCR tests, and the rest, through rapid antigen tests or RATs.

Nineteen more patients with coronavirus have died.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Of the local cases, 893 were reported from schools at various levels, leading to the suspension of 20 classes. Infections were also found in 23 care homes for the elderly and nine in facilities for the disabled.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Meanwhile, Health Secretary Lo Chung-mau is under home quarantine after a member of his household tested positive for Covid-19.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

A government statement said the health chief will work from home during his quarantine. He tested negative on a PCR test conducted yesterday, and on a rapid antigen test earlier today.

BASAHIN ANG DETALYE

For enquiries on Covid-19, check: www.coronavirus.gov.hk/eng/index.html#hotline.


https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss