Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

High Court rejects Filipina’s appeal against conviction in 2 immigration cases

Posted on 17 December 2022 No comments

 

High Court judge confirms Filipina's conviction.

A Filipina’s appeal against conviction for two charges of breach of condition of stay has been dismissed by a Court of First Instance judge who ordered her to now serve her 12-month sentence.

“The appeal is dismissed.  The sentence of the Magistrate stands.  The appellant must return to carry out her sentence forthwith,” said Judge Audrey Campbell-Moffat in a decision released Friday by of the High Court.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Jasmin Andaya, a former domestic helper and former wife of a Hong Kong resident, had been convicted of overstaying from October 2005 until she was arrested on Jan 2, 2020 in an Immigration raid on a restaurant in Tai Hang, and of illegally taking up employment as an odd job worker in that restaurant.

For the first charge, she was sentenced to 12 months in jail by Magistrate Frances Leung  at the Shatin Magistrates’ Courts; for the second, she was sentenced to three months. Both sentences will run at the same time.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The judge supported the magistrate’s conclusion that Andaya had overstayed,

“The learned magistrate analyzed the evidence in a simple and straightforward manner….  The appellant, was, as a matter of fact, an over-stayer who was not allowed to work.  There was no evidence before her to suggest otherwise,” Judge Campbell-Moffat said. 

“She found, contrary to the defence case, that the appellant, on her own admission, knew that she had been a visitor in Hong Kong but had overstayed and that she was not allowed to work.”

Pindutin para sa detalye

She dismissed Andaya’s claim to have paid income taxes to prove that she believed she could lawfully work and that she was allowed to remain after October 2005. “The argument that she had paid salaries tax did not affect her status as a visitor nor her conditions of stay.  She remained in breach of them.,” the judge added.

The case began when Andaya was arrested in a raid by Immigration officers on Jan 2, 2020 on Palki Restaurant on Tsing Fung Street, Tin Hau. She failed to present identity documents but a check with the Immigration Department database showed that she had been overstaying since 2005.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The Immigration officer who arrested her testified that she admitted she worked at the restaurant as a waitress and said she had done so for less than a year.  She maintained that she was paid $400 per day.

In the recorded interview that followed, where Andaya was assisted by an Ilocano interpreter, she admitted that Immigration refused her application for a dependant visa after she and her husband separated and he refused to sponsor her.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

She thus became a visitor and was allowed to stay in Hong Kong until October 2005.  “I knew I cannot work in Hong Kong.  I should leave before October 2005,” she said in the recording.

She added that she stayed in because she was hoping she and her husband would reconcile. She has  since lost her passport and Hong Kong ID card, and did not replace them,

BASAHIN ANG DETALYE

Judge Campbell-Moffat also dismissed Andaya’s lawyer’s assertion that because she lied about having worked at the restaurant for less than a year, when she had in fact worked there since 2014, all her other admissions should therefore be treated as lies.

The lawyer did not present evidence or submissions to disprove that she was overstaying from October 2005 onwards, she said.

 “The applicable law is trite.  Section 41 of the IO (Immigration Ordinance), Cap 115 (“s41”), requires the prosecution to prove that the appellant was subject to a condition of stay which was contravened and that the appellant knew of the relevant condition,’ she said.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Pilipinang nakulong kasama ang sanggol niya, mananatili pa ng 2 buwan sa preso

Posted on 16 December 2022 No comments

 

Nahatulan sa Eastern Magistracy ang Pilipina. 

Isang Pilipina na nauna nang nahatulang nagkasala sa limang kasong isinampa sa kanya sa Eastern Magistracy – apat na may kinalaman sa pagpapatakbo ng isang kainan sa Central at isa dahil nag-trabaho siya nang bawal -- ang ikinulong ngayon nang 10 linggo.

Dahil napagsilbihan na ni Mary May Soriano ang dalawang linggo sa kanyang sentensiya, na kasama ang kanyang sanggol na anak na babae, makalalabas na ang mag-ina sa loob ng dalawang buwan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nahuli si Soriano at isa pang Pilipina noong March 13, 2021 sa Room 203 ng Fai Man Bldg., sa Li Yuen West sa Central sa isang raid ng mga pulis kaugnay ng kampanya ng gobyernong Hong Kong laban sa ilegal na pagtatrabaho.

Noong Nov. 30 ay nahatulan ni Magistrate Edward Wong na nagkasala si Soriano sa lima sa siyam na paratang sa kanya, pero pinawalang sala ang kasama niyang si Jenivib Balanggao matapos nitong igiit na customer lang siya nang magkahulihan sa kainan.

Pindutin para sa detalye

Ang ipinataw na parusa kay Soriano ay 12 linggong kulong para sa salang pagtitinda ng alak nang walang lisensiya at pagkakaroon ng alak na pambenta nang walang lisensiya.

Pinarusahan din siya ng dalawang linggo para sa dalawang kaso ng paglabag sa panuntunang ipinatutupad noon laban sa pagkalat ng Covid-19 – dahil nanatiling bukas ang kainan lampas sa 10pm na itinakdang oras ng pagsasaran ayon sa utos ng Secretary of Food and Health, at ang pagpayag na magkumpulan ang mga tao sa lugar na kanyang pinatatakbo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Para sa pagtatrabaho nang ilegal – dahil ayon sa Immigration Ordinance ay bawal magtrabaho o magtayo ng negosyo ang isang turistang gaya niya -- ay pinarusahan siya ng 12 linggo sa kulungan.

Dahil inutos din ni Magistrate Wong sa sabay-sabay na pagdusahan ni Soriano ang mga parusa, ang naging kabuuang parusa ay 12 linggo.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

At bilang pagtugon sa panawagan ng abogado ni Soriano na bigyan siya ng kaluwagan sa pagpaparusa dahil may alaga siyang sanggol sa kulungan, binawasan ni Magistrate Wong ng dalawang linggo ang sentensiya niya.

BASAHIN ANG DETALYE

Basahin ang naunang balita tungkol dito: https://www.sunwebhk.com/2022/11/pilipina-ikinulong-kasama-ang-anak-na.html

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

OS na Pinay, binawasan ang parusang kulong dahil sa asawa na maysakit

Posted on No comments

 

Kulong pa rin ang hatol sa Pilipinang na overstay ng halos 2 1/2 na taon

Anim na linggong pagkakakulong ang ipinataw na sentensiya sa isang Pilipina nitong Huwebes, Dec. 15, ng Shatin Magistrates’ Court dahil sa kanyang pag overstay ng dalawang taon at limang buwan sa Hong Kong.

Si Arlyn Albe Tuquero, na nasa 60s na ang edad, ay isang dating domestic helper na nakapangasawa diumano ng isang 83 anyos na lokal na Intsik dito sa Hong Kong. Si Tuquero ay may limang anak sa unang asawa nito sa Pilipinas.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Matapos matanggal sa trabaho bilang domestic helper, napilitang mag overstay si Tuquero  bunsod na rin ng matinding pangangailangang pinansyal para suportahan ang kanyang mga anak noong kasagsagan ng pagkalat ng Covid-19.

Matapos basahan ng sakdal ay agad inamin ni Tuquero ang pagkakasala. Pero, dagdag niya, siya lang ang nag-aalaga sa kanyang asawa, at kalalabas lang nito sa ospital kahapon, Dec. 14, matapos magkasakit.

Pindutin para sa detalye

Hiniling ni Tuquero sa korte na bigyan siya ng magaan na sentensiya para tuloy-tuloy na maalagaan niya ang kanyang asawa.

Bilang tugon, sinabi ni Mahistrado David Cheung kay Tuquero na ipaabot nito ang hiling niya sa korte sa pamamagitan ng kanyang abugado.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Hindi malinaw kung bakit nag-overstay si Tuquero sa kabila ng siya ay nakapag-asawa naman ng isang lokal na Intsik noong Hunyo 2018, ayon sa dokumento na isinumite ng kanyang abugado sa korte.

Hiniling ng abugado na ang kusang loob na pagsuko ni Tuquero at ang kasaluyang personal na kundisyon nito na kinakailangang mag-alaga sa asawa, ay bigyan sana ng halaga sa pagpataw ng sentensiya sa kanya.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Binigyang pansin naman ng mahistrado ang hiling ng abugado, nguni’t nagdesisyon pa rin na kailangang makulong si Tuquero.

Mula sa dapat sana’y 12 linggong pagkakakulong, ay binawasan ang sentensiya ng 1/3 o apat na linggo dahil sa kanyang pag-amin. May dinagdag pang dalawang linggong diskwento ang mahistrado dahil sa personal na sitwasyon ni Tuquero kaya nauwi sa anim na linggo sa kulungan ang kanyang parusa.

BASAHIN ANG DETALYE

Habang pinagsisilbihan niya ang kanyang sentensiya ay pumayag si Tuquero sa suhestiyon ng korte na ipasa pansamantala sa Social Welfare Department ang pangangalaga sa kanyang asawa.

Humarap si Tuquero sa korte kasama ng kanyang mga kaibigan.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Lahat ng di-rehistradong SIM card, mawawalan na ng bisa sa Feb 23

Posted on No comments

 Ng The SUN

Mawawalan na ng bisa ang mga SIM card na hindi nakarehistro simula sa Feb 23

Kung hindi naka rehistro sa iyong pangalan ang SIM card na gamit mo sa iyong telepono ay agad mo na itong ipa-rehistro dahil simula sa Feb 23, 2023 ay hindi mo na ito magagamit.

Ito ang ipinahayag ng gobyerno ngayon, Dec 16.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Payo din nito, kung may kakilala o kasama kayo sa bahay na hirap mag rehistro online, lalo na iyong mga may edad, ay tulungan silang gawin ito.

Maaring mag rehistro sa pamamagitan ng website o mobile app ng inyong service provider.

Pindutin para sa detalye

Para sa mga hirap gawin ito online ay maaring pumunta sa alin mang shop ng inyong service provider, o sa mga service counter na ilalagay sa 18 post offices. Narito ang lugar kung saan sila matatagpuan: https://gia.info.gov.hk/general/202212/16/P2022121600165_408685_1_1671162268071.pdf

Kailangan lang dalhin ang HKID card, ang SIM card at telepono na makakatanggap ng text o SMS.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

May itatayo ding mga mobile support station sa 25 istasyon ng MTR para sagutin ang mga tanong tungkol sa pagrehistro ng SIM card, simula bukas, Dec 17, hanggang Jan. 7, 2023, mula 9am hanggang 6pm araw-araw. Narito ang kanilang kinaroroonan: https://gia.info.gov.hk/general/202212/16/P2022121600165_408706_1_1671162268079.pdf

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Maari ding makakuha ng dagdag na impormasyon tungkol dito sa webpage na: www.ofca.gov.hk/simreg o tumawag sa hotline ng Office of the Communications Authority, 2961 6699.

BASAHIN ANG DETALYE

May video din na maaring panoorin para sa dagdag-kaalaman na mula sa RTHK at makikita dito: youtu.be/BQ_oYiNSgJw and youtu.be/oErmmX5eJv8).


https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Pinay na OS, ikinulong matapos bigong iapela ang torture claim

Posted on No comments

Ang mga tumututol sa pagpapauwi sa kanila ay sa Immigration muna lumalapit (UNHCR photo)

Hinatulan ng 12 linggong pagkakakulong ang isang Pilipina matapos umamin sa kasong pag-overstay ng mahigit apat na taon nang humarap sa korte sa Shatin noong Dec. 14.

Bago ito ay nabigo si Loida T. Dontogan, 53 taong gulang, na makuha ang permiso ng High Court na dinggin ang pagtutol niya sa desisyon ng Torture Claims Adjudication Board at Immigration Department na payagan siyang manatili sa Hong Kong dahil sa tangka diumano sa kanyang buhay.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa desisyon na inilabas ng Mataas na Hukuman nitong Abril ng kasalukuyang taon, walang basehan ang reklamo ni Dontogan na nagkamali ang TACB sa pagbalewala sa sinasabi niyang banta sa kanyang buhay ng isang pinagkakautangan niya.

Kahit tinanggap ng TACB na maaaring nanganganib ang kanyang buhay, marami naman daw siyang maaring pagtaguan sa Pilipinas liban sa kanyang bayan sa Benguet, at pwede din siyang humingi ng proteksyon sa mga pulis.

Pindutin para sa detalye

Sabi pa ng korte, ordinaryong kaso lang ito ng utangan at hindi sapat na dahilan para payagan si Dontogan na manatili pa sa Hong Kong kahit matagal nang paso ang kanyang visa.

Ayon sa mga dokumento sa korte, bumalik si Dontogan sa Hong Kong para magtrabaho bilang domestic worker noong Feb. 18, 2008. Una siyang dumating dito noong 1986 pero umuwi pagkalipas ng 11 taon.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nang matapos ang kanyang kontrata noong Set. 15, 2010 ay sinikap niyang makahanap ng bagong amo nguni't siya'y nabigo. Nagdesisyon siyang huwag munang umuwi.

Lumipas ang mahigit apat na taon bago nagdesisyon si Dontogan na sumuko sa Immigration Department noong Feb 16, 2015, pero agad ding nagsampa ng non-refoulement claim, o ang pagpigil sa pagpapauwi sa kanya sa Pilipinas.

Pinayagan siyang makalabas pansamantala habang dinidinig ang kanyang kaso.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Si Dontogan ay ipinanganak sa Lepanto Mankayan, Benguet. Hindi niya tinapos ang kanyang pag-aaral at diretsong nagtrabaho sa Hong Kong noong 1986.

Noong 1997 ay bumalik siya sa Pilipinas para samahan ang kanyang mga magulang. 

Taong 2004 nang magdesisyon siyang mangutang para makapag-umpisa ng negosyo. Sa kasamaang palad ay biglang nakitaan ng cancer ang kanyang ama at nagamit niya ang inutang na pera para ipagamot ito.

BASAHIN ANG DETALYE

Nang mamatay ang tatay niya sa sakit ay siya pa rin ang gumastos sa pagpapalibing, kaya hindi niya nabayaran ang inutang na pera.

Bumalik siya sa Hong Kong noong 2008 na ang intensiyon ay bayaran ang kanyang utang unti-unti mula sa kanyang sahod. Pero nang hindi siya makahanap ng bagong amo noong Sept 2010 matapos ang kanyang kontrata ay nagtago na lang siya dahil sa takot na saktan siya ng mga nagpautang sa kanya.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss