Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Patients clog public hospitals as Covid cases ease to below 20k

Posted on 26 December 2022 No comments

 

Elderly patients make up the bulk of those who seek treatment at public hospitals (File)

Hong Kong authorities reported a total of 19,398 Covid-19 cases on Boxing Day, a slight drop from the previous two days when the daily caseload topped 21,000.

Another 47 related deaths were reported.

Amid the renewed surge in infections, the Hospital Authority reported that the waiting time at seven out of 18 public hospitals stretched to at least eight hours today, Dec 26.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The HA identified the swamped hospitals as Eastern Hospital, Ruttonjee Hospital, Kwong Wah Hospital, United Christian Hospital,  North District Hospital, Princess Margaret Hospital and Tin Shui Wai Hospital.

Doctors have advised patients with mild symptoms to consult general outpatient clinics or private clinics instead of queuing up in A&Es of public hospitals to help cut the waiting time there.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The HA also said the occupancy rate in acute hospitals is around 112 percent.

As of yesterday, a total of 4,665 patients who tested positive for Covid-19 were hospitalized for treatment.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Among them were 586 new patients, including 22 who were listed in critical condition and 32 in serious condition.

They pushed up the number of critical patients to 174 and 192 for those in serious condition.

BASAHIN ANG DETALYE

The HA reported that among those admitted to public hospitals in the past week were 928 Covid-19 patients residing in care homes for the elderly. This is said to be worrying as the number was significantly higher than those recorded in the past two weeks.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!


Pinay na OS, bigong pigilan ang pagpapauwi sa kanya para makaiwas sa utang

Posted on No comments

 

Tinuldukan na ng High Court ang apela ni Ticuala na huwag siyang pauwiin sa Pilipinas

Lilitisin ang isang dating domestic helper sa Shatin Court ngayong Enero 20, 2023 dahil bigong pigilan ang pagpapauwi sa kanya pagkatapos niyang mag overstay ng halos tatlong taon.

Si Isabel Magna S. Ticuala, 44 taong gulang at tubong Tadian, Mountain Province, ay unang hinuli ng mga pulis noong Abril 11, 2009. Noon nabisto na hindi siya umalis sa loob ng 14 na araw matapos i-terminate ng dating amo ang kanilang kontrata noong Agosto 26, 2006.

Matapos mahuli ay agad hiniling ni Ticuala sa Immigration na huwag siyang pauwiin sa bisa ng “non-refoulement claim” dahil pinagbantaan umano siyang papatayin ng mga nautangan niya sa Pilipinas.

Nauna nang tinanggihan ng Immigration ang kanyang hiling, pero inabot pa ng 13 taon ang kanyang kaso dahil inapela niya ang desisyon na ito sa mataas na hukuman.

Ayon sa hukom, walang basehan ang pagsasabi ni Ticuala na nanganganib ang kanyang buhay sa Pilipinas. Dagdag pa nito, ang usaping utang ay pribado at hindi din naman siya inuusig ng gobyerno doon.

Ayon sa dokumento na nasa korte, tatlo ang pinagkautangan ni Ticuala sa Pilipinas ngunit hindi binanggit kung magkano ang kabuuang halaga niya sa mga ito.

Unang inutangan ni Ticuala ang tiyahin niya noong 1996. Ginamit niya ang pera sa pagproseso ng aplikasyon para makapagtrabaho sa South Korea. Nauwi sa wala ang paggastos niyang ito dahil hindi naman siya nakakuha ng trabaho doon.

Sumubok ulit si Ticuala na maghanap ng trabaho sa China at Hong Kong at umutang sa dalawang magka-hiwalay na pautangan noong 1997 para isakatuparan ito. Pagkatapos ng siyam na taon ay noon lang siya nakahanap ng trabaho dito.

Dumating si Ticuala sa Hong Kong noong Marso 15, 2006 na may pahintulot na magtrabaho bilang domestic helper hanggang Marso 15, 2007. Pero matapos lang ang limang buwan ay natanggal na siya sa trabaho.

Hindi nakapagbayad si Ticuala sa lahat ng mga nautangan niya dahil imposible diumanong makapag-ipon siya para dito sa maiksing panahon na itinagal niya sa trabaho. Dahil baon pa rin sa utang ay nagdesisyon siyang mag overstay na lang.

Sa pagitan ng Abril 2009 hanggang Mayo 2015 ay ipinaglaban ni Ticuala ang pakiusap na huwag siyang pauwiin dahil maari daw siyang mapatay o ma torture ng mga nagpautang sa kanya.

Subalit noong Setyembre 10, 2015 ay tinanggihan ng Direktor ng Immigration sa huling pagkakataon ang hiling na proteksyon ni Ticuala. Ayon sa Director, walang basehan ang dahilan na ibinigay ng Pilipina.

Una, wala naman daw opisyal ng gobyerno sa Pilipinas na sangkot sa pagbabanta sa kanya, tulad ng kapulisan, at maari din umano siyang humingi ng proteksyon sa mga opisyal sa kanilang bayan.

Ang isa pang maari niyang gawin ay umalis sa kanilang bayan at pumirmi sa ibang parte ng Pilipinas kung saan siya maaring humingi ng proteksyon sa mga local na opisyal doon.

Hindi naman nawalan ng loob si Ticuala, at sinubukan na iapela ang desisyon ng Immigration sa Torture Claims Adjudication Board at sa High Court, ngunit bigo siyang makumbinsi ang mga ito na katigan siya.

Nang humarap si Ticuala sa Shatin Court noong Disyembre 23, hiniling ng tagausig kay Mahistrado David Cheung na ipagpaliban ang susunod na pagdinig ng kaso sa Enero 20, 2023 kung saan nakatakda itong basahan ng sakdal.

Pansamantala namang pinayagan muling makalaya si Ticuala sa bisa ng kanyang piyansa sa halagang $8,000.

Uuwi na si Marsha

Posted on 25 December 2022 No comments

Ni Daisy CL Mandap

Masayang malungkot ang pag-uwi ni Marsha, na nabigyan ng suspendidong parusa sa Shatin court

Nakatakdang umuwi sa Pilipinas bukas, Dec 26, si Marsha Love Anabeza, para tuldukan na rin sa wakas ang tatlong taong pagdurusa niya sa Hong Kong dahil lang nagkamali siya ng pagtitiwala sa isang ahente na nag-alok sa kanya ng bogus na trabaho.

Ang ahente na si Anita Li ay nasentensyahan ng anim na buwang pagkabilanggo noong Dec 14, ayon sa mga opisyal ng Immigration na humawak sa kaso ni Marsha.

“Masaya ako na kahit anim na buwan lang ang kanyang kulong ay nabigyan din ako ng justice,” sabi ni Marsha.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

“Ang tatlong taon kong pakikipaglaban ay mararanasan din niya sa loob ng kulungan.”

Bukod sa hindi siya nakapagtrabaho ay pinigilan din si Marsha na umalis ng Hong Kong ng mga taga Immigration habang iniimbestiga nila ang kanyang kaso.

Inabot ng isang taon bago kinasuhan si Marsha ng ilegal na pagpapanggap at pagbibigay ng maling impormasyon sa Immigration. At isa pa muling taon bago naman hinuli si Li at kinasuhan ng pagtulong kay Marsha sa kanyang pagsisinungaling.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang unang kaso ay isinampa dahil sa pagpasok ni Marsha sa Hong Kong noong Pebrero ng 2019 gamit ang employment visa na dapat ay kanselado na dahil ang among pumirma sa kanyang kontrata ay umatras para makaalis at manirahan sa ibang bansa.

Ang pangalawa ay ang pagkuha niya ng Hong Kong ID gamit ang pekeng address ng amo niyang umatras, at ang pangatlo ay dahil nagpasa siya ng sulat na pirmado kunyari ng kanyang dating amo, na nagsasabi na pinuputol na nito ang kanilang kontrata.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Dahil sa isip niya ay wala siyang kasalanan at sa tutuusin ay biktima pa ng isang mapanggap na recruiter ay itinanggi ni Marsha ang mga paratang noong una. Ang sabi niya, ang lahat ng kanyang nagawang mali ay dahil sa utos ni Li, na siya pa mismong pumirma sa termination letter na kunyari ay galing sa amo niya.

Pero sa kalaunan ay napagod din siya sa kahihintay at pag-alala sa kanyang sitwasyon kaya pumayag na siyang umamin sa mga paratang sa kanya.

Mabuti na lang at sa kanyang huling pagharap sa Sha Tin law courts  noong Dec 1 ay nagdesisyon si Magistrate David Cheung na suspendihin ang apat na buwang pagkakakulong na ipinataw sa kanya, kaya libre na siyang asikasuhin ang kanyang pag-uwi.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Agad na dumulog si Marsha sa assistance to nationals section ng Konsulado, at pagkatapos ng ilang paliwanagan ay hindi lang one-way travel document ang binigay nila sa kanya, kundi pati ticket pauwi na rin.

Ayon kay Marsha, gusto sana niyang ituloy ang naudlot niyang pagtatrabaho sa Hong Kong dahil kailangan niyang sustentuhan ang pangangailangan ng dalawa niyang anak na naiwan sa kanyang mga biyenan sa Koronadal, South Cotabato.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Kaya lang, hindi pumayag ang Immigration na manatili pa siya dito dahil sa ginawa niyang pag-amin sa mga paratang sa kanya.

Pero hindi mananatiling sarado ang pintuan ng Hong Kong sa kanya dahil ayon sa mga taga Immigration ay maari pa rin siyang makapasok bilang foreign domestic helper pagkalipas ng dalawang taon.

BASAHIN ANG DETALYE

Sakaling dumating ang pagkakataong ito ay sisiguraduhin daw ni Marsha na dadaan na siya sa tama at siguradong proseso, at hindi na muling magpapadala sa matatamis na salita ng isang huwad na recruiter.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

More than 21k new Covid cases reported for second day in row

Posted on No comments

 By The SUN

Christmas Day saw another 21,255 new Covid-19 being detected in HK

Health authorities reported 21,255 new Covid-19 cases on Christmas day, the second consecutive day that the daily caseload had breached the 21,000 mark. The tally is just a little less than the 21,362 that was recorded on Saturday.

Among the new infections were 964 that were imported, meaning, they were detected among newly arrived travelers in Hong Kong.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Another 50 Covid-19 patients have died.

The new surge in infections has resulted in two quarantine centers located at Halls 6 and 9 of the AsiaWorld-Expo, being converted to holding centres for elderly persons who test positive for Covid-19 but are asymptomatic or have mild symptoms.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The two halls will provide a total of 270 beds each starting tomorrow, Dec 26.

Private medical practitioners will be asked to provide support in line with an agreement between them and the Hospital Authority.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Care services to the elderly patients will be provided by Richgreat International Development Limited and Kato Limited.

Meanwhile, China has stopped releasing daily Covid-19 tally from today, after the Omicron variant has begun to spread like wildfire across the country in the wake of the government’s decision to relax border control.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

In a brief public statement, the National Health Commission said that instead of releasing daily pandemic information, the Chinese Centre for Disease Control and Prevention will publish “relevant pandemic information for reference and research.”

The NHC had been giving the daily case tally since China’s new coronavirus outbreak that started in Wuhan on Jan. 21, 2020.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

It did not give any reason for the decision to halt the daily infection tally.

On Saturday, the government reported only 4,128 cases and no new deaths. This was a week after it narrowed the definition of Covid-related deaths to include only those patients who died of respiratory failure directly attributable to the coronavirus.

BASAHIN ANG DETALYE

However, media reports coming from the country indicate severe shortages of fever and pain drugs, antigen test kits and even oxygen machines for use at home. Hospitals are said to be overwhelmed at the moment.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

HK records more than 21k Covid-19 cases

Posted on 24 December 2022 No comments

Among the new local cases is a 15-month-old boy in serious condition at Prince of Wales Hospital
 

Health officials have reported a total of 21,362 Covid-19 cases on Saturday, the biggest daily tally recorded since March 17, when the fifth wave of the pandemic had just begun to ease.

Among the new infections were 902 imported cases.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The local cases, on the other hand, included three children listed in critical condition, according to a statement from the Hospital Authority.

The latest to be admitted was a 31-month-old girl who is in critical condition at Tuen Mun Hospital while a 15-month-old boy at Prince of Wales Hospital in Shatin is in serious condition.

Pindutin para sa detalye

The HA has urged parents to step up the protection of their children and arrange for them to receive vaccination for both Covid-19 and seasonal flu as soon as possible to reduce the risk of death o
f falling seriously ill.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Saturday was the second day that the daily caseload had breached the 20,000 mark. Yesterday, a total of 20,252 infections were recorded.

On March 17, the city logged 21,650 cases, in a sign that the fifth wave of Covid-19 spread had begun to wane. Just a week earlier or on March 9, a record 58,757 were reported.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Another 39 deaths were recorded today, while yesterday’s fatalities numbered 43.

There are a total of 4,394 patients with Covid-19 who are now receiving treatment in public hospitals. Among them, 154 are in critical condition (including 45 who are in intensive care units) and 163 in serious condition.

BASAHIN ANG DETALYE

The new surge in cases has sparked a frenzy for stocking up on pain-relief and fever medicines, especially Panadol. Other similar medicines of different brands are however, still available in most pharmacies.

Doctors are advising the public not to panic and just buy whatever they need to prevent an artificial shortage. They also say all paracetamols are effective in treating fever and providing relief from pain.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

 

Pilipinang akusado sa pananakit sa alaga, pinayagang magpiyansa

Posted on No comments

 


Magpapasko nang malaya ang isang Pilipina matapos payagan siyang mag-piyansa sa kaso niyang pananakit sa kanyang alaga sa isang pagdinig sa West Kowloon Courts.

Pinag-piyansa si Jogie Escala, 46 taong gulang, ni Acting Principal Magistrate Veronica Heung ng $1,000 upang pansamantalang makalaya hanggang sa susunod na pagdinig sa Feb. 7, 2023.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa pagdinig noong Biyernes (Dec. 23), hiningi ng taga-usig na ipagpaliban ang kaso upang bigyan ng dagdag na oras ang imbestigasyon ng pulis at konsultang legal.

Pindutin para sa detalye

Inakusahan si Escala, bilang isang tagapag-alaga na nasa edad na higit 16 na taon, ng pananakit sa isang lalaking sanggol na 11 buwan. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nangyari ang pananakit noong Dec. 15 sa bahay ng kanyang amo sa Seaview Crescent sa Tung Chung, Lantau.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ang kaso ay paglabag sa Section 27(1) ng Offences against the Person Ordinance, na tumatalakay sa krimeng pananakit sa bata at nagtatakda ng kaparusahan para dito.

BASAHIN ANG DETALYE

Ayon sa batas na ito, ang nagkasala ay maaring makulong nang hanggang tatlong taon kung umamin agad sa kasalanan at hanggang 10 taon kung tumanggi sa paratang ngunit napatunayang nagkasala pagkatapos ng paglilitis. 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss