Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Filipina, 35, dies of heart attack

Posted on 17 January 2023 No comments

By The SUN

 

Rowena's grateful post shortly after she was rushed to hospital

Sariling laban. (emojis) Kala ko mamatay na ako kagabi, wag muna ang bata ko pa. thank you Lord.”

(My own struggle. I thought I would die last night, I shouldn’t, I am too young. Thank you Lord.”

This was the Facebook post made by 35-year-old Rowena Butacan shortly after being told at Pamela Youde Nethersole Eastern Hospital last Friday, Jan. 13, that she had a heart attack.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

She lived just long enough to make the post and have a chat with her longtime partner, Red Ramos  when she had another cardiac arrest, more massive this time, from which she never woke up.

Rowena was officially declared dead at about 5am on Saturday, after she was unplugged from a life support machine.



Red still  recalls the last conversation they had, when Rowena told him about how the doctors had told her that she almost died from a heart attack. Though grateful that she survived it, she did not pay it much heed.

Little did they know that it would be their last conversation with each other.

Red and Rowena in a picture taken in September last year, when she took a month-long vacation

Rowena’s sudden death is double the heartache for Red because he had just arrived in Poland the previous day, to take up the job of a machine operator. That means going back to their home in Cagayan in time for his partner’s funeral and console their seven-year-old daughter Reine is out of the question.

Now, all that their family wants is for Rowena’s remains to be repatriated as soon as possible, though they have been told by the Consulate that the process would take between two to three weeks.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Her friends have also indicated a desire to see Rowena for the last time, so a public viewing of her remains is being planned. 

Red said Rowena had been on medication for her high blood measure, but had no other underlying condition.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Wala po siyang sakit, nagulat na lang po sya nung sinabi ng doktor na may sakit siya sa puso,” said Red. (She had no known ailment, so she was surprised when the doctor told her that she had a heart condition).

Rowena had been with her current employer for three years, but had worked previously in Taiwan, as well as in Hong Kong. Before each deployment, she had to undergo a medical check-up to make sure she was fit to work abroad.

Red said Rowena passed all these tests without a problem.

A fit-looking Rowena in one of her hikes

Her Facebook posts also show she was quite active, having taken up hiking in Hong Kong. One post said she had scaled the Devil’s Peak but vowed not to do it again.

Just before she was rushed to hospital, Rowena had complained of severe chest pains that her employer, who had tested positive and was isolating at home, had to call an ambulance for her.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Her sudden death at a relatively young age is something her family and friends are still having difficulty coming to terms with.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Pilipinang overstay, kulong ng 15 buwan dahil sa ilegal na pagtatrabaho

Posted on No comments

 

Hinatulan sa Shatin court ng 15 buwang pagkabilanggo ang Pilipina 

Isang Pilipina ang nakulong ng 15 buwan ngayon matapos umamin sa Shatin Magistracy na ilegal siyang nagtrabaho sa isang kainan sa Wanchai matapos siyang ma-overstay.

Nadagdagan ng anim na araw ang pagkabilanggo ni Mary Ann Silva, 44 taong gulang, dahil umamin din siya sa kasong breach of condition of stay, o paglabag sa kondisyon ng kanyang pagtira sa Hong Kong,

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nang mahuli kasi siya noong Dec. 1, 2022, ay halos dalawang buwan na siyang overstay. Nakauwi na dapat siya dalawang linggo matapos siyang ma-terminate bilang domestic helper noong Sept. 30, 2022, ayon sa Immigration Ordinance.

Pero inutos ni Acting Principal Magistrate Cheng Lim-chi na sabay na paglingkuran ni Silva ang dalawang sentensiya kaya 15 buwan pa rin ang kanyang ilalagi sa kulungan.

Ang sentensya kay Silva para sa illegal na pagtatrabaho ay di hamak na magaan kung ibabase sa  Immigration Ordinance na nagtatakda ng multang $50,000 at pagkabilanggo nang hindi lalampas sa tatlong taon sa mga kaparehong kaso.

Samantala, nakaiwas sa kulong si Arlene Jorial, 51 taong gulang na domestic helper, kahit umamin siya na may dalawa at magkaibang pangalan siyang inirehistro sa Immigration Department.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nabisto siya nang kumuha ng bagong Hong Kong ID noong Aug. 1, 2022. Dahil sa fingerprint ay nalaman na rehistrado rin siya bilang Ma. Carlota Sagarino.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Pinatawan siya ni Magistrate Cheng ng dalawang linggong pagkabilanggo, na suspendido ng dalawang taon. Nangangahulugan ito na hindi siya makukulong kung hindi siya lalabag sa batas sa loob ng dalawang taon.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pinatawan din siya ng multang $1,000.

Nauna rito, iniurong ng tagausig ang isa pang kaso laban kay Jorial, ang pagsisinungaling sa isang Immigration Officer. Sa isang panayam noong July 23, 2022 itinanggi ni Jorial ang pagpapalit niya ng angalan. 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Pandaigdigang kampanya para tanggalin ang OEC, ikinasa

Posted on 16 January 2023 No comments

 The SUN

Naging tagapagsalita sa pulong ang pinuno ng Migrante International na si Joanna Concepcion

Nagkaisa ang mga lider ng 38 organisasyon ng mga migranteng manggagawa na nagpulong kahapon sa St John’s Cathedral sa Central na isulong ang pandaigdigang kampanya para tanggalin na ang overseas employment certificate (OEC) na matagal nang nagpapahirap sa mga OFW.

Naging tampok sa “Leaders’ Kapihan” sina Joanna Concepcion, tagapangulo ng Migrante International at Edwin dela Cruz mula sa International Seafarers Action Network.

Naging tampok na usapin ang OEC at mga bayarin na pwersahang pinapataw sa mga OFW, gaya ng PhilHealth, Pag-IBIG, SSS, mandatory insurance, at gayon din ang hindi pagtupad ng Overseas Workers Welfare Administration na bigyan ng cash assistance ang lahat ng mga OFW na nagka Covid-19.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Bilang kagyat na aksyon ay nagkaisa ang mga lider na palaganapin pa sa ibang bansa ang kampanya para sa pagbasura sa OEC na inumpisahan na sa Hong Kong.

Layon ng grupo na makakalap ng 40,000 katao na pipirma sa panukala na ipapadala sa Migrant Workers Office (dating Philippine Overseas Labor Office), Kongreso at Department of Migrant Workers. Kapag naabot na ang target na bilang ay hihingi ng diyalogo ang grupo sa DMW Secretary Susan Ople para ibigay ang listahan at talakayin na rin ang iba pang maiinit na usapin na may kinalaman sa mga OFW.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Kasabay nito ang paglulunsad ng mas maraming talakayan at kilos-protesta katuwang ang iba-ibang grupo para palaganapin pa ang mga kaalaman tungkol sa mga usaping pang OFW.

Nagkasundo din ang mga dumalo na gumawa ng sulat na nanghihingi ng kapatawaran para kay Mary Jane Veloso na kasalukuyan pa ring nakapiit sa Indonesia dahil sa pagtutulak diumano ng droga, para mapauwi na siya sa Pilipinas. Iaabot ang sulat sa kinatawan ng Indonesian Consulate.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Naging dagdag-kaalaman sa marami ang iba-ibang isyu na hinaharap ng mga Pilipinong naglalayag, o seafarers, na tinalakay  ni Dela Cruz na isang abugado.

Kabilang dito ang blacklisting sa mga seaman para di na sila makasakay ng barko, at ang kawalan ng sahod o allowance para sa bagong pasa na seaman na sumasakay ng barko para magkaroon ng karanasan sa pagsakay.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Isa sa mga dumalo si Aleng Marina na galit na nagkuwento kung paano pinagkakakitaan ang kanyang anak at iba pang estudyante ng marino dahil sa paulit ulit na pagpaparating sa kanila ng mga barko bago sumakay, at paulit-ulit na pagsasanay at paggasta kahit walang katiyakan sa pagsakay.

Bandang huli ay nagkasundo ang lahat na ang lahat ng mga problema at isyu ng mga migrante ay kayang masolusyonan kung magpapatuloy ang paglalantad at paglaban sa kawalang-aksyon at kapabayaan ng pamahalaan ng Pilipinas.


https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Batang Pinoy, maaaring makaiwas-kulong kahit umaming nagnakaw

Posted on No comments

 

Babalik sa korte ang Pilipino sa Feb. 2 para sa kanyang sentensiya

Isang Pilipino na umaming nagnakaw ng isang iPhone 13 habang naglalaro ang may-ari nito sa isang basketball court sa Tsim Sha Tsui, ang hindi agad pinarusahan sa isang pagdinig sa Kowloon City Magistracy.

Sa halip ay inutos ni Acting Principal Magistrate Peony Wong na gawan ng background report si C. Zulueta, 20 taong gulang, upang malaman kung mas makabubuti sa kanya ang Community Service Order (CSO).

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ipinagpaliban sa Feb. 2 ang pagsentensiya kay Zulueta. Nakalaya siya nang pansamantala sa piyansang $2,000.

Ayon kay Magistrate Wong, ang pagnanakaw ay isang mabigat na pagkakasala na karaniwan ay may parusang pagkabilanggo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero dahil sa edad ni Zulueta, na noon ay 19, pakikinggan niya ang pakiusap ng abogado nito na parusahan siya nang hindi makukulong, upang mabigyan siya ng isa pang pagkakataon sa buhay, dagdag niya.

Ayon sa Community Service Orders Ordinance, ang isang nagkasala ay hindi ikukulong kung magbibigay ng hanggang 240 oras na serbisyo sa komunidad sa ilalim ng pangangasiwa ng isang probation officer na magbibigay-payo sa kanya.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ang layon nito, maliban sa pagbayarin sa kanyang krimen, ay upang mabago ang kanyang pagtingin sa buhay.

Nagsimula ang kaso ni Zulueta nang kunin niya ang iPhone 13 sa isang nakabukas na bag sa basketball court ng Hong Tat Path Garden sa Tsim Sha Tsui noong Aug. 26, 2022.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Umamin naman siya nang mahuli ng pulis, at kasuhan ng pagnanakaw.

Sinabi ng kanyang abogado na wala sa pagkatao ni Zulueta ang magnakaw, at nagawa lang niya ito dahil natukso.

Sinabi ng abogado na nagtatrabaho ang nasasakdal bilang assistant sa isang tindahan ng libro at kumikita ng $14,000 kada buwan, at plano niyang tapusin ang kanyang kurso sa kolehiyo.

Sumulat na rin siya sa korte upang ipahayag ang pagsisisi, dagdag ng abogado.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Isa pang pasahero ng Cebu Pac, nawalan ng bagahe

Posted on 15 January 2023 No comments

 

Hindi napasama sa eroplanong sinakyan ni Elsa Faye noong Jan 4 ang kanyang maleta

Umabot na sa 12 araw na nawawala ang bagahe ng isang Pilipinang domestic helper na dumating sa Hong Kong sakay ng Cebu Pacific mula Tuguegarao at Maynila noon pang Jan. 4.

Ayon kay Elsa Faye Agoncillo, nagreklamo siya agad sa Hong Kong International Airport tungkol sa nawawala niyang maleta, at ang sabi sa kanya ay hindi ito dumating kasabay niya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Tumawag din siya sa Ninoy Aquino International Airport sa Maynila, at pati sa opisina ng Cebu Pacific, ngunit wala daw makapagsabi sa kanya kung nasaan na ang kanyang bagahe.

“Inip na po ako sa kahihintay kasi mga importanteng gamit ko ang nandun, lalo na ang mga damit ko,” ani Agoncillo.

Sa tantiya niya, aabot sa $8,000 ang kabuuang halaga ng nawala sa kanya dahil bago ang kanyang maleta, at maraming mga damit niya ang mga nandoon, kasama ang mga binili ng kanyang amo na “lulu” ang tatak.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

“Marami po akong damit dun…ala na nga akong susuutin (dahil) konti lang ang iniwan ko dito,” dagdag niya.

Sa kanyang huling pakikipag-usap sa mga taga NAIA ay sinabihan daw siya na babayaran na lang ang mga nawala niyang gamit dahil lumampas na sa taning na pitong araw ang kanyang paghihintay.

Ang hindi lang malinaw ay kung sino ang mananagot sa kanyang mga nawalang gamit. Ang sabi sa Maynila ay itatawag nila sa Hong Kong airport ang tungkol dito, pero hindi pa rin tinukoy kung sino ang dapat niyang habulin para sa kabayaran.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa website ng Cebu Pacific, ang mga bagahe nila ay naka insure sa Travel Sure, kaya mag-aalok sila ng kabayaran para sa pagkawala o pagkasira ng maleta na isinakay sa kanila.

Aabot daw sa Php200,000 ang maari nilang bayaran sa pasahero na nawalan ng bagahe, o hanggang Php40,000 naman sa nasirang maleta.

Ang ganitong insurance ay para daw sa lahat ng kanilang mga pasahero na bumibiyahe palabas ng Pilipinas, South Korea, Japan, Taiwan o Macau, pero walang binigay na detalye kung saan, o paano maningil para sa danyos na ito.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Hindi ito ang unang kaso ng isang Pilipinong OFW na nawalan ng maleta kamakailan pagkatapos magbiyahe papunta ng Hong Kong.

Noong Dec 31 ay may isang Pilipina na wala ding kasamang maleta nang dumating.

PINDUTIN PARA SA DETALYE 

Inabot ng siyam na araw at masigasig na pakikipagtalastasan bago nakatanggap ang Pilipina ng mensahe na nakita na ang kanyang bagahe sa Maynila.

Ayon sa mensahe ng airline, wala na daw kasing tag ang maleta kaya hindi nila alam kung saan dapat isasakay.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss