Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Mag-inang Pilipina, bigong muli na pigilan ang pagpapauwi sa kanila

Posted on 12 March 2023 No comments

 

Hindi na muling makakapagsampa ng kaso ang mag-ina ng walang permiso ang korte

Muling sinabi ng Mataas na Hukuman na masyadong malaki ang Pilipinas para makapagtago ang isang umiiwas sa kapahamakan, at may mga awtoridad na maaring hingan ng tulong ng isang nanganganib ang buhay o natatakot na pasakitan.

Sinabi ito ni Judge K.W. Leung, kay H.M. David at sa anak niyang si G., nang tanggihan niya ang hiling nila na muling hamunin ang desisyon ng Immigration Department na huwag silang payagang makapanatili pa sa Hong Kong.

Dahil diumano sa paulit-ulit na pagsasampa ng kaso ng mag-ina ay lumalabas na inaabuso na nila ang proseso ng korte, kaya naglabas si Judge Leung ng “Restrictive Proceedings Order” laban sa kanila.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ang ibig nitong sabihin ay hindi na muling makakapagsampa ng kaso ang mag-ina sa parehong dahilan nang walang pahintulot ang hukom. Marami din silang kailangang gawin para patunayan na may dahilan ang muli nilang pagsasampa ng kaso.

Payagan man silang magkaso muli ay wala nang pagdinig ang magaganap, kundi palitan na lang ng dokumento.

Sa huling pagdinig ng kanyang kaso noong February 13 ay ipinaliwanag kay David kung ano ang ibig sabihin ng RPO, at matapos nito ay sinabi niyang pumapayag siya sa mga kundisyong nakapaloob doon.

Press caption for details
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Unang dumating si David noong Marso ng 2013 para magtrabaho bilang domestic helper. Pero nong May 2013 ay nahuli siya sa aktong pag-aalok ng panandaliang aliw, at paglabag sa kundisyon ng kanyang visa.

Nang mailipat ang kaso niya sa Immigration Department ay pinayagan siyang makalabas pansamantala noong July 27, 2013.

Noong March 11, 2014 ay nagsampa si David ng “refoulement claim” o pagtutol sa pagpapauwi sa kanya dahil daw sa nakaambang panganib sa kanya doon.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Noong Sept 23, 2014 ay ipinanganak niya si G. na ang ama ay isang lalaki na nakilala ni David sa Hong Kong. Hindi naglaon ay nagsampa din si David ng kaso para sa kanyang anak. Pareho daw kasing nanganganib ang kanilang buhay sa kamay ng kanyang asawa sa Pilipinas.

Pero nabigo sila na kumbinsihin ang Director ng Immigration na payagan silang manatili sa Hong Kong. Nagbaba ito ng desisyon noong Apr 26, 2016, na inulit nooong July 10, 2017 dahil sa pagpupumilit ng mag-ina.

Umapela ang dalawa sa Torture Claims Appeal Board, pero sinang-ayunan nito ang desisyon ng Immigration Director sa pamamagitan ng utos noong Oct 27, 2017.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sumunod dito ay lumapit naman sila sa Mataas na Hukuman para humingi ng permiso na iapela ang desisyon ng Immigration Director at TACB pero muli ay nabasura din ito.

Hindi nawalan ng pag-asa si David, na ang sumunod na pinuntirya ay ang paghihingi naman ng permiso sa High Court na iapela ang desisyon nito sa Court of Appeal kahit lampas na ito sa taning. Muli ay hindi sila pinayagan.

Nangyari ang pagbasura sa kanilang apela ng Court of Appeal noong Sept. 10, 2021. Imbes tanggapin ang desisyon ay muling hinamon ng dalawa ang desisyon.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Noong Oct 8, 2020 ay ang Court of Appeal naman ang pumigil sa hiling nila na itaas sa Court of Final Appeal ang kanilang kaso.

Noong June 9, 2022 ang Pinakamataas na Hukuman na mismo ang nagsabi na hindi na nila pwedeng iapela ang kanilang kaso.

Sa halip mawalan ng pag-asa ay bumalik sila sa Director ng Immigration para humingi naman ng proteksyon laban sa pagpapauwi sa kanila. Isinaad nila ito sa pamamagitan ng sulat na ginawa noong July 15 at July 17 noong nakaraang taon.

Pindutin para sa detalye!

Ayon kay David, may bagong pahiwatig na gusto siyang saktan, pati na ang kanyang anak, ng kanyang asawa na nasa Pilipinas. Binantaan daw siya nito na papatayin matapos malaman na hindi siya kasal sa ama ng bata.

Pumunta diumano ang kanyang asawa sa bahay ng kanyang ina at itinulak ito sa sahig, pero hindi nasaktan kaya hindi na nagreklamo.

Dagdag pa ni David, natatakot siya na kasuhan siya ng kanyang asawa ng pakikiapid sa ibang lalaki. Samantala, natatakot din daw siya na tratuhin nang hindi tama ang kanyang anak kapag nalaman ng iba na anak ito sa labas.

Tumanggi naman ang Director na bigyan si David ng isa pang pagkakataon na makapanatili pa sa Hong Kong. Wala naman daw bago sa sinabi nito. Kahit pa totoong sinugod ng kanyang asawa ang kanyang ina ay hindi naman ito sinaktan.

Base sa impormasyon tungkol sa Pilipinas, maraming mga grupo, sa gobyerno man o sa pribadong sector, na maaring makatulong sa kanilang mag-ina. May mga pulis o iba pang tagapangalaga ng katahimikan na maari nilang lapitan.

Sumang-ayon naman si Judge Leung sa desisyon ng Director, at sinabi na hindi pakikialaman ng korte ang desisyon ng Immigration liban na lang kung may matibay na basehan para sabihin na nagkamali ito sa pagpapatupad ng batas.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Mga Pilipino, umani ng paghanga sa HK Flower Show

Posted on No comments

 

Umani ng masigabong palakpakan ang pagsasayaw ng Tinikling nang nakapiring ang mga mata

Masigabong palakpakan ang sumalubong sa mga OFW nang magbalik sila kanina sa entablado ng Hong Kong Flower Show sa Victoria Park, Causeway Bay.

Masayang naghiyawan at pumalakpak sa paghanga ang mga manonood nang magsuot ng  piring ang mga nagsasayaw ng Tinikling -- ang grupong Tinikling Group of Migrants -- bilang finale ng 30-minutong pagtatanghal ng apat na grupo ng OFW.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Umani rin ng karangalan ang lahat ng booth ng Pilipinas sa Flower Show.

'Design Excellence' ang pinanalunan ng World Flower Council (Philippines)

Parehong nakatanggap ng Grand Award ang dalawang grupo na nagmula sa Pilipinas. Ang "Whispers of Wind" ng World Flower Council (Philippines Chapter) ay natanggap ang parangal para sa "Design Excellence" samantalang ang "Rotors" ng Blue Grass Project ay para sa "Unique Feature" sa non-local na patimpalak.

Kakaiba o "unique'' talaga ang disenyo ng Blue Grass Project 

Press caption for details
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang booth ng Konsulado, na pinamagatang "Bliss in Bloom" na hango sa Pahiyas Festival ng Lucban, Quezon, ay ginawaran ng Award of Merit "For Unique Feature."

Ang "Pahiyas" ng Konsulado.

Naunang sinayaw ng Tinikling Group ang Binasuan kung saan nagbalanse ng baso ang mga mananayaw sa kanilang ulo at mga kamay; Sakuting, kung saan ang mga mananayaw ay animo’y naglalaban sa arnis at Sayaw sa Bangko. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang huling sayaw nila ay Tinikling kung saan ang bawa’t hakbang ay pag-iwas na maipit sa mga kawayang ipinag-uuntog ng kanilang kasamahan.

Napahanga ang mga manonood nang maglagay ng piring sa mata ang mga mananayaw, at  kampanteng humakbang sa bawa’t paghawi ng mga kawayan, at tiyempo ring nagtaas ng mga paa upang umiwas sa kasunod na pag-uuntugan ng mga kawayan. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa likod ng natatanging sayaw na ito ay si Marie Velarde, lider at pangunahing mananayaw ng ng Tinikling Group at siya lumakad sa gobyerno ng Hong Kong upang maisali sila sa tanghalan ng Flower Show.

“Yung finale namin na Blindfolded Tinikling ang talagang hiniyawan ng maraming manonood,” ika nya.

 

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

“Nagpapasalamat po ako sa mga grupong kasama kong nag perform, sa cooperation at full support nila kahit medyo mainit kanina,” dagdag niya.

Maliban sa Tinikling Group, binuo ng tatlo pang organisasyong OFW ang apat pang sayaw na sunod-sunod na ipinamalas nila sa 30-minutong pagtatanghal.

Pindutin para sa detalye!

Ang mga grupong ito ay ang:

  • Migrant Ilonggo Cultural Dance Troupe, na nagsayaw ng Pamaypay de Manila at Sayaw sa Cuyo.
  • Star Pinoy HK, na naghandog ng Gaway Gaway.
  • Global Alliance Hong Kong na sumayaw ng Mamang Sorbetero.

Isa sa naki-palakpak sa pagtatanghal ng mga OFW ay si Consul General Raly Tejada, na sumama na rin nang magpakuha ng larawan ang mga mananayaw.

Samantala, dumagsa ang mga tao sa Hong Kong Flower Festival, na muling nagbabalik pagkatapos matigil ng tatlong taon dahil sa pandemya. 

Kabilang sa libo-libong katao na pumila para makita ang makukulay at naggagandahang mga bulaklak at halaman sa loob ng Victoria Park at magkuhanan na rin ng mga litrato ay mga Pilipinong migrante.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!



‘Pahiyas,’ tampok sa booth ng Pilipinas sa Flower Show

Posted on 11 March 2023 No comments


Ang 'Pahiyas' booth ng Pilipinas sa Flower Show sa Victoria Park (kuha ni Beth Rizardo)

Muling nagbabalik ang Hong Kong Flower Show sa Victoria Park sa taong ito, at ang "Pahiyas," ang sikat na pasinaya ng pasasalamat sa magandang ani ng mga taga Lucban, Quezon ang tampok sa booth ng Pilipinas.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ayon sa Konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong, nagkamit ng “Merit Award for Unique Feature” ang booth ng Pahiyas.

Kabilang din daw sa mga kalahok ang World Flower Council Philippines at Blue Grass Project Philippines na parehong nagkamit ng Grand Awards.

Press caption for details
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Isang karangalan din sa Pilipinas ang makapagsayaw sa pangunahing entablado ang Tinikling Group of Migrants ngayong Linggo, 10:30 ng umaga. Tampok dito ang pagsasayaw ng Tinikling nang nakapiring ng pangunahing miyembro ng grupo.

Ang nanalong halaman sa Open Competition
Samantala, ipinayahag naman ng gobyerno ng Hong Kong ang mga nagwagi sa mga iba-ibang patimpalak para sa mga local na kasali sa Flower Show.

Nagwagi ang halaman na isinali ni Lee Tak-keung sa Open Competition, samantalang ang mga estudyante naman ng SPHRC Kung Yik She Secondary School ang nagwagi sa paligsahan sa mga eskwela, sa pamamagitan ng kanilang tatlong makukulay na tanim ng bulaklak na nakasabit sa basket.


Pindutin para sa detalye


Ang nanalo naman sa pa-kumpetisyon ng Leisure and Cultural Services Department bilang Best Western Style Garden ay ang distrito ng Sai Kung samantalang ang Sha tin naman ang wagi sa Best Oriental Style Garden.

Best Western Style Garden

Ang tema ng palabas ngayong 2023, ang unang pagkakataon na itinanghal ito sa loob ng tatlong taon, ay “Bliss in Bloom” at hydrangea naman ang tampok na bulaklak.

May 400,000 na mga bulaklak, kabilang ang 40,000 hydrangeas, ang makikita sa flower show. Kalahok dito ang mahigit 220 grupo na mula sa iba-ibang bansa.

May mga palaro at sari-saring pakulpo sa mga booth bilang dagdag-kasiyahan ang mga bibisita. May mga nagtitinda din ng bulaklak at ibang gamit sa pagtatanim. Pinapaalalahanan lang ang lahat na magdalang sariling lalagyan para sa mga bibilhing tanim.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ang flower show ay bukas mula 9am hanggang 9pm araw-araw, hanggang March 19. May bayad na $14 ang pagpasok, at $7 sa mga bata edad 4-14 taong gulang, may edad na 60 pataas ang edad, o may kapansanan tuwing araw ng Sabado at Linggo. Libre ang mga bata, may edad at may kapansanan mula Lunes hanggang Biyernes.

Pindutin para sa detalye!

Para sa iba pang impormasyon, bumisita lang sa webpage na ww.hkflowershow.hk/en/hkfs/2023/index.html o tumawag sa telepono bilang 2601 8260.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

 

Immigration renews warning against illegal work

Posted on No comments

 

Immigration officers round up suspected illegal workers arrested during the operation

The Immigration Department has renewed its warning against working illegaly and employing people without proper working permits.

The department issued the warning after the arrest of 13 suspected illegal workers and four suspected employers during raids on 37 target locations all over Hong Kong.

The raids were mounted under its anti-illegal worker operation codenamed "Twilight" and joint operations with Hong Kong Police codenamed "Champion" and "Windsand" for four days, on March 6-9.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Press caption for details
PINDUTIN PARA SA DETALYE

In its Twilight operation, Immigration Task Force officers raided 23 locations including an industrial building, premises under renovation, residential buildings, restaurants, a retail store and a wet market.

Eight suspected illegal workers and four suspected employers were arrested.

The arrested workers comprised two men and six women, aged 28 to 53. Among them, one woman was a holder of recognizance form, which prohibits her from taking any employment, and one woman was had a forged Hong Kong identity card.

Pindutin para sa detalye

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Also arrested were three men and one woman, aged 35 to 64, for employing the workers.

In operation Champion, enforcement officers raided 13 target locations in Central district, including a construction site and restaurants, and arrested three women, aged 24 to 40, for working illegally.

During operation Windsand, two Mainland visitors -- a man aged 23 and a woman, 44 -- were arrested for breaching their conditions of stay by being involved in suspected parallel goods trading at San Wan Road and Ka Fu Close in Sheung Shui district. The goods included skincare products, cosmetics products, health products and food.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Pindutin para sa detalye!

Those arrested for illegal work will be charged in court and, if convicted, could face punishments such as imprisonment for up to three years and fine of up to $50,000.

Those convicted of for employing illegal workers can face imprisonment of up to one year and fine of up to $500,000.

 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Filipino jailed 19 months for burglary

Posted on 10 March 2023 No comments

The case was heard at the District Court in Wanchai

A Filipino resident who admitted entering a shop in Causeway Bay and taking a safe, $58,000 in cash and three mobile phones, was sentenced today in the District Court to 19 months in jail for burglary.

Manuel Sy Jr., 38 years old, was jailed along with Alexander O’Neill, a Briton who was sentenced to 12 months for handling stolen property.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Deputy District Judge Jocelyn Leung noted that Sy had three earlier convictions, having been fined $1,000 for shoplifting in March 2018, jailed 2 weeks for shoplifting in July 2018, and jailed two years and two months for burglary on 14 May 2019.

"In my view, D1’s remorse is highly questionable. He committed a similar offence within a short period of time," she said in her decision released today.

Press caption for details
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sy had pleaded guilty last Jan. 7 and offered to testify against O’Neill, both of which were acknowledged by Judge Leung by reducing by 42 per cent the 33 months which she set as starting point for the sentence.

But she set aside other points in his lawyer’s plea for a lighter sentence.

Pindutin para sa detalye

“It was submitted by his counsel that D1 was remorseful for committing the present offence. He was unemployed at the time of the offence and had the urgency to financially provide for his three children. He worked very hard at his last job and intends to ask his previous employer to hire him and hopes that he does, so that he can make a fresh start to life,” she noted.

She also cited Sy’s letter expressing his remorse. “He mentioned that he committed the present offence out of economic reason i.e. to make provision for his children in the Philippines. He said that during his remand, he has taken steps to rehabilitate by following religion practice and has shown determination to improve his behavior. He promised not to commit any further crime and asked for the Court’s leniency.”

PINDUTIN PARA SA DETALYE

But Sy’s “personal circumstances do not constitute any valid grounds for reduction in the sentence,” she said.

The case arose after Sy and a man he identified as Cloyd entered a ground floor unit shop inside the Haven Court on Leighton Road in Causeway Bay (“the Shop”) at 4am on June 26, 2021 and stole one safe, cash of $58,000 and three mobile phones.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Sy had claimed that Cloyd, who was not charged in this case, used a tool to cut the lock of the shop and he was very scared so he stepped back.

Judge Leung recounted: “Cloyd then entered the shop and asked him to enter as well. After entering the shop, Cloyd passed him an object similar to the shape of a microwave oven. The object was heavy. They then left the Shop.”

Pindutin para sa detalye!

The CCTV recorded the two as they left the shop, with Sy carrying the safe.

O’Neill, who pleaded not guilty, got involved in the case when he accompanied the two an hour later to a buyer named Howard.

“In my opinion, D2’s handling provided an opportune and convenient assistance to D1 and Cloyd in the burglary,” the judge said.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!


Don't Miss