Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Nasentensyahan dahil sa ninakaw na $145 na earphones

Posted on 31 March 2023 No comments

 By The SUN

Pinaaresto ng amo ang akusado matapos nitong kunin ang kanyang earphones  

Huwag na huwag kukuha ng anumang bagay na hindi sa iyo dahil maaari kang makasuhan ng pagnanakaw.

Ito ang masakit na leksyon na natutunan ni J. Albuero, 27 taong gulang, nang masentensyahan siya sa Eastern Magistrates Court kanina matapos umamin na ninakaw niya ang “PLG wired earphones” ng kanyang among lalaki na nagkakahalaga ng $145.

Hindi niya napigilan ang humagulgol pagkalabas ng korte kasama ang mga umalalay sa kanya mula sa Bethune House Migrant Women’s Refuge.  

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Kahit kasi sinuspindi ang kanyang sentensyang dalawang buwan at isang linggong pagkabilanggo sa loob ng 12 buwan ay may record na siya, at malamang na mapauwi na.

Bale isang buwan lang nakapagtrabaho si Albuero sa mga among taga Victoria Road sa Sai Wan nang maaresto siya noong Jan 15 matapos malaman ng among si Kwok Koon Wang ang pagkuha niya ng earphone.

Una diumanong napansin ni Kwok na nawawala ang kanyang earphone noong Jan 12 kaya tinanong niya si Albuero kung kinuha niya ito, pero tumanggi siya sa paratang.  

Pindutin para sa detalye

Noong Jan 15 ay sinabi ng asawa ni Kwok na nakita niyang ginagamit ni Albuero ang earphone kaya tinanong nila ito muli. Dito na inamin ng akusado na kinuha niya ang earphone dahil nakatuwaan niya, pero sinauli niya ito muli sa lalagyan.

Ang lahat ng kanilang mga usapan ay nakunan sa CCTV.

Nakiusap si Albuero sa mga amo na patawarin na lang siya, pero hindi pumayag si Kwok, at agad siyang pinaaresto.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa kanyang abugado, si Albuero ang tanging sumusuporta sa kanyang dalawang anak na nasa Pilipinas, na edad 9 at 4 na taon. Ito ang una niyang pagtatrabaho sa Hong Kong, at dumating siya dito noong Disyembre ng nakaraang taon.

Hiniling ng abugado na patawan si Albuero ng magaang na sentensya dahil pinagsisihan niya nang lubos ang nagawa niyang pagkakamali, at agad niya itong inamin. Maliit lang din daw ang halaga ng gamit na kinuha niya, at maisasauli pa ito sa amo pagkatapos ng paglilitis.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ayon kay Magistrado Minnie Wat, wala siyang nakitang dahilan sa mga pinahayag ng abugado para bawasan niya ang sentensya ng nasasakdal. Mabigat daw ang kaso dahil nilabag ng akusado ang tiwalang ibinigay sa kanya ng kanyang amo.

Pero dahil inamin niya ang kanyang pagkakasala ay mababawasan ang dapat na sentensyang tatlong buwang pagkakabilanggo ng ¼, kaya magiging 2 buwan at 1 linggo na lang ito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Isinaalang-alang din daw niya na maliit lang ang halaga ng ninakaw, na maibabalik pa sa may-ari, kaya nagdesisyon siyang isuspindi ang sentensya ng 12 buwan.

Pero binalaan niya si Albuero na sakaling lumabag itong muli sa batas sa loob ng panahon na ito ay itutuloy ang pagkulong sa kanya base sa sentensya, bukod pa sa ano pa mang parusa ang ipapataw sa kanya sa bagong kaso.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Filipina appears in DC, charged with stealing 40 jewelry pieces from employer

Posted on No comments

 By The SUN

It was the first time that the accused appeared in the District Court

No plea was taken from Ligaya Ao-wat Banisal, who turned 43 years old in custody, and she was returned to jail after the prosecution asked for more time to study the case.

The court list had earlier indicated Banisal was set to enter a plea,

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Judge C.P. Pang ordered the case set down for mention again on May 18, and told Banisal that she will need to return to court on that day, during which a Tagalog interpreter will again be provided for her.

Pindutin para sa detalye

It was the first time for Banisal to appear in the District Court, after her case was transferred from the Kwun Tong Magistracy on Mar 9.

The transfer indicated the more serious nature of her case.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
At the District Court, an accused can be imprisoned for up to 10 years, compared to the usual maximum sentence of two years imposed in a magistrate’s court. The monetary claim in the case should also be more than $75,000 but should not exceeed $3 million.

Banisal was arrested on October 16 last year and charged with one count of theft two days later.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

She is accused of stealing several pieces of jewelry from a flat on the 38th floor of Hemera in Lohas Park, Tseung Kwan O, between about November 2021 and October 2022.

During earlier hearings, the prosecution said the jewelry stolen comprised of 18 gold bangles, 2 gold necklaces, 5 gold bracelets, 2 rings, 4 gold rings and 9 necklaces, all belonging to employer Hui Sau-ling.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The court was told then that the prosecution was still awaiting word on whether some of the jewelry that was lost could still be redeemed from pawnshops where the accused had allegedly taken them.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Sarado ang Konsulado mula Apr 5-9

Posted on 30 March 2023 No comments

 

Mula sa Facebook page ng PCG

Nakatakdang magsara ang Konsulado sa Miyerkules, Apr 5 (Ching Ming holiday), Apr 6 (Maundy Thursday), at Apr 9 (Araw ng Kagitingan).

Dahil regular naman silang nakasara tuwing Biyernes at Sabado ay bale limang araw na diretso na wala silang serbisyo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ang Ching Ming Festival ay holiday sa Hong Kong samantalang ang Maundy Thursday at Araw ng Kagitingan ay holiday naman sa Pilipinas.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Samantala, holiday pa rin sa Hong Kong ang Lunes, Apr 10 dahil Easter Monday, pero magbubukas na ang Konsulado base sa kanilang pahayag sa Facebook.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Para sa mga nangangailan ng agarang tulong, maaring tumawag sa mga sumusunod na hotline:

Assistance to Nationals Section – 9155 4023

Pindutin para sa detalye!

Migrant Workers Office (dating POLO) – 5529 1880

Overseas Workers Welfare Administration – 6345 9324

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Pag-import ng mga karagdagang manggagawa, pag-aaralan

Posted on No comments

 Ng The SUN

Libo-libong construction worker ang planong papasukin mula sa ibang bansa

May posibilidad na kumuha na rin ng mga trabahador sa ibang bansa ang Hong Kong para sa construction at transportation sector, ayon kay Labour Secretary Chris Sun.

Nasabi niya ang ito nang tanungin sa Legislative Council kanina, Miyerkules, kung pina plano ba ng gobyerno na umangkat na rin ng mga trabahador para sa dalawang industriya na ito, katulad ng planong pagpapasok ng mga caregiver mula sa ibang bansa simula sa Hunyo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Inamin niya na kasalukuyang malaki ang pangangailangan ng mga manggagawa sa dalawang sector na nabanggit, kaya plano ng gobyerno na gawan ito ng paraan sa kalagitnaan ng taon.

Sa kasalukuyan ay para lang daw sa mga care worker ang plano na pag-angkat. Pero inaasahan daw nila na maglalatag ng sariling panukala na katulad nito ang mga grupo na kumakatawan sa industriya ng construction at transportation.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Dagdag pa niya, natural lang daw na gawing basehan dito ang plano na binalangkas para sa mga care homes.

Ayon naman sa ibang balita, libo-libong mga construction worker ang malamang na papasukin sa Hong Kong simula sa Hunyo dahil kailangang kailangan sila.

Sa kasalukuyan ay may mga trabahador mula sa China ang pinapayagang magtrabaho dito pero limitado ang kanilang bilang at kailangan nilang dumaan sa mas matagal na proseso sa ilalim ng supplementary labour scheme.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAIL

Samantala, lumitaw sa mga balita kamakailan na kulang na kulang din ang mga driver sa mga pampublikong sasakyan, kaya marami sa mga pinapayagang magmaneho ng taxi ay edad 60 pataas na, at nasasangkot sa mga seryosong aksidente.

Sa katunayan, ang isang driver na kinasuhan matapos makasagasa ng ilang katao sa Fortress Hill kamakailan ay 85 taong gulang na.

Susog naman ni Tommy Cheung, ang mambabatas na kumakatawan sa mga restaurant, kailangan din daw umangkat ang Hong Kong ng mga manggagawa para sa kanilang sector.

Pindutin para sa detalye!

Nangangamba daw siya na kapag dumagsa ang mga turista dito na naengganyo sa kampanyang “Hello, Hong Kong” ay hindi magiging maganda ang kanilang karanasan dahil kulang na kulang sila sa mga tao.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!


Pinoy na nabaril sa Peng Chau, kinasuhan ng pananakit sa pulis

Posted on 29 March 2023 No comments

 

Inaresto ng mga pulis si Arimas matapos mabaril. (File)

Nadagdagan ang kasong kinakaharap ni Oliver Dairo Arimas, ang Pilipinong nabaril ng pulis na sinakal niya diumano at itinulak sa hagdan noong Jan 24 nang rumesponde ito sa reklamo tungkol sa pag-iingay ng mga nag-iinumang mga Pilipino sa isang paupahang silid sa Peng Chau.

Sa pagdinig ngayon sa Eastern Court, sinabi ng taga-usig na dalawang kaso ng pananakit o assault sa dalawang pulis ang isinampa laban kay Arimas, 43 taong gulang na negosyante.

Ipinalit ang dalawang kaso sa “assault with intent to prevent lawful apprehension” o pananakit na ang intensyon ay pigilan ang pag-aresto sa kanya, na unang inihain laban kay Arimas.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Idinagdag ng taga-usig na kakasuhan din ang isa pang Pilipino na kasama ni Arimas noong gabi ng insidente.

Hindi sinabi ang pangalan ng pangalawang akusado, pero base sa mga naunang balita, may isang Pilipinong kainuman ni Arimas noong gabi ding iyon na inaresto din, ngunit pinayagang magpiyansa ng mga pulis.

Hiningi ng taga-usig na ipagpaliban ang pagdinig sa April 19 upang mabigyan ng panahon ang pagbuo ng kaso laban sa ikalawang akusado.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Dahil hindi humiling si Arimas na payagan siyang magpiyansa ay inutos ng Magistrate Lam Tsz-kan na ibalik siya sa kulungan hanggang sa susunod na pagdinig ng kaso.

Nabaril si Arimas noong ikalawang araw ng Chinese New Year, bandang 10:40 ng gabi, sa second floor ng No 6 Wing On Street, Peng Chau. 

Ayon sa tagausig, nakadalawang tawag sa pulis ang mga kapitbahay para magreklamo dahil sa pag-iingay ng isang grupo ng mga Pilipinong nag-iinuman sa isang kuwarto doon, kasama si Arimas. 

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Pagdating ng mga pulis ay dinakma daw sa leeg ni Arimas ang isa sa kanila bago itinulak sa hagdanan, kaya napilitan itong paputukan siya ng tatlong beses, na tumama lahat sa katawan niya.

Itinakbo si Arimas sa Pamela Youde Nethersole Eastern Hospital na kritikal ang kalagayan, at sinampahan ng kaso sa ikalawang araw kahit na hindi siya makapunta sa korte.

Naratay si Arimas sa ospital nang mahigit isang buwan bago humarap sa korte noong March 1.

Pindutin para sa detalye!

Hiningi ng kanyang abogado na pakawalan siya kapalit ng $5,000 na piyansa upang mas maalagaan daw ang sugat niya at mabantayan niya ang tatlo niyang anak habang ang kanyang asawa at nagtatrabaho sa isang beauty parlor sa Central, pero hindi siya pinayagan.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Tinutulan ng tagausig ang hiling ni Arimas, at sinabing malala ang kasong kinakaharap niya kaya dapat siyang manatili sa kulungan.

Filipinos among those being repatriated at faster rate

Posted on No comments

By Daisy CL Mandap

Immigration has stepped up repatriation since the last quarter of last year

The Immigration Department has continued the repatriation of non-residents who have either served their sentences for various offences like overstaying their visas or taking illegal employment, or have failed in their bid to resist being sent home.

Among those being sent back at a faster rate since the last quarter of 2022 are Filipinos, as can be gleaned from the spike in the number of one-way travel documents being issued by the Consulate on a regular basis.

Late on Tuesday, a group of about 10 Filipinas who had completed their sentences were taken to the Consulate by police officers so they could have their travel documents readied ahead of their being sent back to the Philippines.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Consul Paul Saret, head of the assistance to nationals section, confirmed that there has been a marked increase in the number of Filipinos being sent home in recent months.

The big bulk of the repatriates involves those who failed to substantiate their claim against non-refoulement, or against being told to return to their home country because of alleged threats to their life.

But Consul Saret said they also include overstayers and other detainees who have already served their sentences.

PINDUTIN PARA SA DETALYE


The uptick was the result of a major policy shift approved by legislators in December which allows authorities to immediately expel asylum seekers whose applications were rejected by Immigration even if they are still awaiting the outcome of their appeal.

This was what happened in the case of Brudencio J. Bolanos, who was sent back to the Philippines in October last year, five months before the Court of Appeal could decide on his case.

A further 1,100 are said to be facing the same fate in the near future. And if the trend continues, a big chunk of some 15,000 asylum seekers still in Hong Kong could also find themselves in the same boat.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

The claimants are asking to be relocated to a third country, as Hong Kong does not grant refugee status to asylum seekers. However, there is just a slim chance that they will succeed, as over 99% of the claims filed over the past decade have been rejected.

Previously, claimants were allowed to seek various remedies after failing to get the Immigration Department’s approval for them to stay and be processed for possible asylum in a third country.

First, they could seek remedy at the Torture Claims Appeal Board. If this also fails, they could file for leave for a judicial review at the High Court of the decision to deny them non-refoulement.

Pindutin para sa detalye!

If still unsuccessful, appellants can progressively launch legal challenges at various levels of court, all the way to the Final Court of Appeal.

The lenient but more universally accepted approach to handling the claims has led to courts being clogged with judicial review cases. 

According to a report recently furnished to the Legislative Council, a total of 2,537 JR cases were pending before the Court of First Instance in 2021, or 60 times the number in 2014.

As they were previously allowed to stay before the completion of the appeal or judicial procedures, a total of 14,819 claimants were residing in Hong Kong at the end of 2021. 

Among them, 64% were male and 36% were female, and included around 470 children under the age of 5.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

Don't Miss