Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

CHP warns of double whammy from colds and Covid as HK enters flu season

Posted on 07 April 2023 No comments
CHP warns against both the flu and Covid-19


Hong Kong has entered the influenza season and the Centre for Health Protection (CHP) of the Department of Health has advised people to take extra precautions to avoid the flu.

This comes as the Hospital Authority warned of a surge in the number of children catching the flu, overwhelmigng hospitals.

The HA said the number of children admitted to hospital with flu has risen by more than 40 percent in the past week. This has led to the occupancy rate in children's wards to rise to between 70 and 80 percent.

Overall, the jump in the number of cases has been nearly tenfold.

According to the CHP's latest surveillance data, the weekly percentage of those that tested positive for seasonal flu viruses has increased from below 1 per cent in the first week of March, to 9.89 per cent in the week ending April 1.


PINDUTIN PARA SA DETALYE!

CHP said seasonal influenza activity has been low over the past three years, so the public’s immunity as a whole may be relatively weaker than in the past.

“We urge the public, particularly children, the elderly and chronic disease patients, to receive seasonal influenza vaccination (SIV) as early as possible. Strict personal, hand and environmental hygiene should also be observed at all times. Those who have plans to travel abroad during the Easter holidays are also reminded to pay special attention to the influenza situations of their travel destinations before departure and strengthen personal protection," CHP said.

At the same time, CHP also warned of a slight increase in the number of people testing positive for Covid-19 as well as per capita viral load in relation to Covid-19 from sewage surveillance.

"Although the number of severe illness cases and death cases of Covid-19 remains relatively stable, the the public should complete the recommended dosage of Covid-19 and flu vaccines as early as possible since a person who gets influenza and Covid-19 at the same time may be more seriously ill and would have a higher risk of death," it said.


Pindutin para sa detalye

The majority of positive detections in that period were influenza A(H1) (around 77 per cent) and A(H3) (around 21 per cent), with very low influenza B activity.

The admission rate for influenza in public hospitals is also rising, from 0.01 per 10 000 population in the first week of March to 0.25 per 10 000 population in the week ending April 1.

Separately, institutional influenza-like illness outbreaks reported to the CHP per week rose from one or two in the first half of March, to 12 outbreaks in the week ending April 1, affecting 49 persons. The 12 outbreaks included five in primary schools, one in a secondary school, two in residential care homes for the elderly, one in a residential care home for persons with disabilities, two in special schools and one in a hospital.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

As of April 2, about 1.53 million doses of SIV had been administered via the Government Vaccination Program, the Vaccination Subsidy Scheme (VSS) and the Seasonal Influenza Vaccination School Outreach (Free of Charge) Program 2022/23, representing a roughly 24 per cent rise over the same period in 2021/22 season.

CHP listed tips to avoid getting the flu or Covid-19:

  • Maintain good personal and environmental hygiene against influenza and other respiratory illnesses.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

  • Wear surgical masks to prevent transmission of respiratory viruses from ill persons.
  • For high-risk persons (e.g. persons with underlying medical conditions or immunocompromised), wear a surgical mask when taking public transport or staying in crowded places.
  • Avoid touching one's eyes, mouth and nose;
  • Wash hands with liquid soap and water properly whenever possibly contaminated;

PINDUTIN PARA SA DETALYE

  • When hands are not visibly soiled, clean them with 70 to 80 per cent alcohol-based handrub;
  • Cover the mouth and nose with tissue paper when sneezing or coughing. Dispose of soiled tissue paper properly into a lidded rubbish bin, and wash hands thoroughly afterwards;
  • Maintain good indoor ventilation;
  • When having respiratory symptoms, wear a surgical mask, refrain from work or attending classes at school, avoid going to crowded places and seek medical advice promptly; and
  • Maintain a balanced diet, perform physical activity regularly, take adequate rest, do not smoke and avoid overstress.

For the latest information on influenza activity, please visit the CHP's influenza page and COVID-19 & Flu Express. As for vaccination, the public may visit the CHP's Vaccination Schemes page

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!



2 Pilipina, kulong dahil sa paglabag sa patakaran ng immigration

Posted on 06 April 2023 No comments

 


Dalawang Pilipina ang magkasabay na nahatulan sa Shatin Magistracy ng pagkabilanggo kanina dahil sa paglabag ng Immigration Ordinance.

Si Leah Sagao, 45 taong gulang, ay nahatulan ng 15 buwan sa kulungan dahil sa pagtatrabaho sa Causeway Bay kahit ito’y bawal para sa mga nag overstay ng kanilang visa na gaya niya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Nahuli siya ng Immigation sa pinaglilikurang shop sa Causeway Bay noong Feb. 20.

Sa imbestigasyon, lumabas na 17 buwan na siyang overstay dahil ayon sa kanyang visa, nakauwi na dapat siya noon pang Sept. 6, 2021.

Pindutin para sa detalye

Dahil sa bigat ng kasong ilegal na pagtatrabaho habang siya ay overstaying na, ipinataw ni Magistrate David Chum ang parusa niya nang walang bawas.

Ang isa pang kasong inihain sa kanya -- ang paglagi sa Hong Kong nang lampas sa itinakdang petsa na Sept. 6, 2021 -- ay iniurong ng taga-usig.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ito ay dahil nag-apply si Sagao ng non-refoulement, na pumipigil sa pagpapalis sa kanya nang sapilitan habang pinoproseso ang kanyang hiling na bigyan siya ng refugee status.

Ang kasama niyang humarap sa korte na si Rowena Leano, 39 taong gulang, ay pinarusahan ng apat na buwang pagkakakulong dahil nagsinungaling siya sa isang Immigration officer.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Inamin niya na noong Aug. 29, 2022, habang nag-aaplay siya ng extension of stay, nagsinungaling siya nang sabihin niya sa officer na magtatrabaho siya bilang domestic helper sa isang Intsik, na hindi naman pala niya totoong amo.

Mula sa anim na buwan, binawasan ni Magistrate Chum ng 1/3 ang parusa ni Leano dahil sa kanyang pag-amin.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Hindi ipinaliwanag ng taga-usig kung bakit nagkasama ang dalawang Pilipina sa isang asunto, samantalang magkaiba ang kanilang kaso.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Biyaya pagkatapos ng unos

Posted on No comments

 Ni Jovelyn Lontoc

Si Jovelyn at 2 anak sa hotel nila sa Bangkok na binayaran ng kanyang amo

Una sa lahat ay nais ko munang magpasalamat sa ating Panginoon sa lakas na ipinagkaloob niya sa bawat isa sa atin. Pangalawa, salamat po sa lahat ng staff at management ng The SUN Hong Kong. More power po.

Ako si Jovelyn Lontoc, 52 yrs old proud single mom of two boys, at tubong Aritao, Nueva Vizcaya, at nakatira ngayon sa Tierra Nevada, Brgy San Francisco Gen Trias Cavite.

Nagsimula akong magtrabaho dito sa Hong Kong mula January 2003 hanggang sa kasalukuyan. Sa loob ng 20 taon ay dalawa lang ang naging amo ko dito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Buo pa ang pamilya ko noon nang ako’y dumating sa aking amo na nakatira sa Mid-Levels, at pagkalipas ng apat na taon ay lumipat sa The Belchers, bago sa Bel Air sa Pokfulam.

Noong umalis ako sa Pilipinas ay punong-puno ng pangarap ang aking puso at isipan, at ang tanging hangad ko ay mabigyan ng magandang kinabukasan ang aking mga anak. Buong-buo din ang tiwalang binigay ko sa aking asawa sa aking paglisan. Balak ko na magkaroon ng sariling bahay dahil nakikitira lang kami noon sa aking mga biyenan.

Sa awa ng Diyos ay naging mabait naman ang aking mga amo sa akin, at itinuring din ako na kapamilya. Dalawang batang babae ang alaga ko, at kada dalawang taon ang uwi ko sa Pilipinas.

Pindutin para sa detalye

Noong lumampas ako ng dalawang taon sa aking amo ay nasundan ang panganay niya at kumuha sila ng isa pang helper na makakasama sa pag-alaga ng bta. Purihin ang Diyos dahil yung ate ng nakuha nilang kasama ko ay ahente ng Camella Homes kaya nakakuha ako ng bahay doon thru Pag Ibig.

Taong 2013 nang dumating ang bangungot sa buhay ko. October 2013 ang wedding anniversary namin ng asawa ako at nagtaka ako kung bakit hindi niya ako binati. Nang sabihin ko ito sa panganay kong anak na noon ay 16 taon gulang pa lamang ay sinabi niya na nakita niya na dalawa ang cellphone ng tatay nya. Yung isa ay laging nakabulsa at kasama niya sa pagligo at nasa ilalim ng unan pag natutulog.

Sinabihan ko ang anak ko na tuklasin kung anong meron sa cellphone na isa at bakit hindi maalis sa katawan niya. Nagkaroon siya nang pagkakataon nang minsan na napasarap ng tulog ang ama niya at sa kamamadali dahil late na sa trabaho ay naiwan ang cellphone sa ilalim ng unan na walang security code. Nakita lahat ng anak ko ang usapan nila ng kabit ng tatay niya pero hindi sinabi sa akin dahil ayaw niyang masira ang pamilya namin.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero ang epekto ng paglilihim niya sa akin ay unti-unting pagbagsak ng katawan niya. Napansin iyon ng aming mga kapitbahay at may isa sa kanila ang nagsabi sa akin, bandang May 2014. Tinawagan at kinausap ko ang anak ko nangpuso sa puso. Pagtanong ko palang kung may problema siya ay umiiyak nang sinabi niya na may ibang babae ang ama nila.

Umiyak ako nang umiyak at nakita ako ng mga amo ko at tinanong ako kung bakit. Nang sabihin ko na may ibang babae ang asawa ko ay pinakalma ako ng amo kung babae at ang amo kong lalaki ko naman ang tagaabot ng tissue.

Noong medyo ok na ako ay tinawagan ko ang asawa ko pero hindi ko kinumpronta kasi plano kong umuwi. Pero noong November 2014 ay may nag message sa akin na kaibigan ko at sinabing may inuwing babae ang asawa ko sa bahay ng mga biyenan ko at tinanggap naman nila ng dalawang araw.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ang ginawa ko ay tinawagan ko ang hipag ko at tinanong kung totoo na may inuwing babae ang asawa ko at ang sabi ay oo. Tapos ay tinawagan ko ang asawa ko at inamin niya sa akin na buntis ang kabit niya kaya niya inuwi sa magulang niya.

Noong oras na iyon ay para akong kandila na nauupos at puro galit ang laman ng puso ko. Pero nang nagsabi ako sa mga amo ko na uuwi ako ay hindi nila ako pinayagan at ang sabi ay kung hindi ako mamamatay ay ako ang makapatay dahil sa galit na nararamdaman ko.

Galit na galit ako sa amo ko dahil dito kaya hindi na rin ako makapag-isip ng maayos at matino, kaya lagi na kaming nag-aaway. Kahit mga simpleng bagay lang ay pinapalaki ko. Hindi ko na rin naiisip ang mga anak ko sa mga panahong iyon, hanggang dumating sa punto na gusto ko nang wakasan ang buhay kong hiram sa Diyos.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Isang araw, 2am, ay parang mababaliw na ako sa sobrang pag-iisip kaya nawala ako sa aking sarili. May narinig akong boses na tumatawag sa akin na lumabas ako sa terrace at umakyat sa ibabaw ng washing machine at tumalon sa bintana mula doon. Nasa ika-39 na palapag kami ng Bel Air noon. Yung boses na bumubulong sa akin, ang sabi ay isang hakbang na lang at nasa baba ka na. Punong puno ng luha ang mga mata ko noon at gusto ko nang wakasan ang buhay ko. Pero nagising ang alaga ko noon at umiyak nang walang dahilan kaya na distract ako sa plano ko na wakasan ang buhay ko. Bumaba ako sa washing machine at nanginig ang aking mga tuhod nang mapatingin ako sa ibaba. Pumasok ako sa kuwarto namin at hinalikan ang alaga ko dahil niligtas niya ang buhay ko.

Muntik na rin daw siyang magpakamatay dahil sa problema, sabi ni Jovelyn

Unti unti kong ginamot ang sakit ng puso ko sa tulong ng Facebook. May nakilala ako dito na siyang tumulong sa akin para mag move on, at handang makinig sa aking mga pag-iyak noon. Hindi ako nahihiyang umiyak na tumutulo ang sipon at luha ko habang kausap ko siya sa video call. Hindi nagtagal ay naging boyfriend ko siya.

Noong makita ng amo ko na ok na ako ay pinayagan niya akong umuwi noong June 2015. Pagdating ko sa Pilipinas ay hindi ko tinatawagan ang asawa ko kasi ang gusto kong makausap ay ang mga anak ko. Tinawagan ko sila at sinabi na hihiwalayan ko na ang ama nila at magpakatatag at magpakalakas sila kasi sa kanila ako huhugot ng lakas para kayanin ang bawat pagsubok na darating sa amin.

Pagkatapos ng 14 na araw ay bumalik na ako sa Hong Kong na walang kapera-pera. Noong August 2015 ay may kailangang bayaran ang anak ko sa eskwela kaya kinausap ko ang amo ko kung pwede akong mag advance ng aking sahod. Hindi siya pumayag kaya nangutang ako sa bangko.

Kinalingguhan ay naghanap ako ng bagong amo, kahit naka 11 years and 7 months na ako sa kanila. Ang dami kong interview dahil newborn ang alaga ko at marunong akong magluto ng Chinese food. Dito ko nakilala ang mga amo ko ngayon.

Noong August 30, 2015 ay ininterview nila ako at nagpirmahan na din kami. Nagbigay ako ng one month notice sa amo at pinauwi nila ako pagkatapos ng dalawang araw. Binayaran naman nila ako para sa aking long service at iba pa na mas higit pa sa computation ng ating Konsulado.

Dahil kailangang kailangan ako ng mga amo dahil may baby sila na limang buwan ay pina expedite nila ang processing ng aking kontrata sa agency.

October 27, 2015 nang mag-umpisa akong magtrabaho sa mga amo ko dito sa Tsing Yi at nag-alaga ng baby na noon ay halos pitong buwang gulang pa lang.

Sa mga anak daw siya humugot ng lakas noon, sabi ni Jovelyn

Mababait ang aking mga amo, dahil two months pa lang ako noon sa kanila ay pinauwi ako sa Pilipinas ng limang araw dahil graduation ng panganay kong anak sa kanyang culinary course. Sabi ng amo kong babae, “graduation happens only once”. Ang maganda doon ay sagot niya ang aking ticket. Binigyan pa niya ako ng Parker pen kung saan naka engrave ang pangalan ng anak ko.

Ang hindi ko alam, ang pag-uwi ko ay ginawa niyang pagsubok sa pangako kong babalik ako sa kanila. May kasama sila kasi dati na Pilipina din. Namatay ang tatay niya at humiram ng pera sa kanya bago umuwi. Hindi na ito bumalik.

Kaya nang makita ako ng amo paglabas ng Airport Express station sa Tsing Yi ay bigla niya akong niyakap at sinabi ang, “Thank you for coming back.”

Buong pagmamalaki kong ipinakita sa kanya ang litrato naming mag-iina sa graduation ng anak ko. Habang tinitingnan niya ang mga litrato namin ay niyakap niya ako ulit para i-congratulate ako.

Pagdating ng April 2016 ay graduation naman sa high school ng bunso kong anak. Isang gabi habang kumakain kami ay tinanong ako ng amo kong lalaki kung kumusta na ang mga anak ko at sinabi kong OK naman sila. Wala sa loob na sinabi ko na sa loob lang ng ilang araw ay ga graduate naman sa high school ang bunso ko. Bigla niya akong tinanong kung gusto kong umuwi. Sabi ko sana, kaya lang kakauwi ko lang last December. Hindi ko alam na pagkatapos niya akong tanungin ay nag book na pala siya ng ticket ko pauwi. Kaya ganoon na lang ang gulat ko nang pagkatapos naming kumain ay nagpadala siya sa WhatsApp ng itinerary ko sa limang araw.

Nakuha ko ang tiwala ng mga amo ko dahil nakita nila kung paano ko alagaan at asikasuhin ang anak nila habang sila ay nasa trabaho. Kahit may tatlo kaming CCTV ay hindi ako kailan man nailang na gampanan ang aking trabaho. Mabisita at mahilig sa party ang mga amo ko pero hindi ako nagrereklamo kahit madalas na late na ako matapos. Inilagay ko na sa puso’t isipan ko na trabaho ang ipinunta ko dito para sa kinabukasan ng aking mga anak.

Pagkalipas ng ilang buwan July 2017, ay magbe magbirthday naman ang bunso ko at mag de “debut” naman ang panganay ko dahil 21 taong gulang na siya. Pinayagan na naman akong umuwi sa pangatlong pagkakataon kahit hindi pa tapos ang akong kontrata, at libre ulit ang ticket.

Lumipas ang ilang buwan at nagpirmahan kami ulit sa aming pangalawang kontrata. Sa awa ng Diyos ay dinagdagan ang sahod ko.

Sa panahon ng aking pangalawang kontrata ay humiram ako ng pandagdag para mabayaran ko nang buo ang aking bahay at lupa. Ang kabuuang balanse ay Php326,000. Pagkatapos ko itong bayaran ay kailangan kong umuwi sa Pilipinas para personal kong kunin ang titulo sa Pag-IBIG.

Dahil sa paghihiwalay namin ng asawa ko ay hindi natirhan ang bahay namin ng halos dalawang taon. Pagkakuha ko ng titulo ay umuwi kami ng anak ko sa aming bahay. Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko noon papasok dahil nakita akong halos lahat ng gamit sa bahay namin ay sira na.

Pagbalik ko sa Hong Kong ay nanlulumo pa rin ako. Nang tanungin ako ng amo ko ay tinanong ako kung nakuha ko yung titulo at sinagot ko ng “Yeah, I did.” Sagot naman niya, “That’s good.” Noon ko pinakita ang mga litrato ng mga sirang gamit namin. Kinabukasan nagulat ako nang abutan niya ako ng $10,000 para bumili daw ng mga gamit sa bahay namin – at hindi daw utang. Umiyak ako at niyakap ko ang amo kong babae na buong puso ang pasasalamat.

Ang isa pang blessing na binigay nila ay noong mag graduate sa K12 ang bunso kong anak. Tinanong ni amo kung anong kurso ang kukunin ng anak ko, at sinabi ko na “computer engineering.” Nagulat na naman ako nang regaluhan niya ang anak ko ng Lenovo laptop na may printer pang kasama.

Noong nagka pandemic ay hindi ako nakauwi ng Pilipinas, at hindi rin ako naka pag dayoff ng ilang buwan. Binayaran naman nila ako ng $500 tuwing day-off ko na hindi ako lumabas. Sa laki ng kinita ko dahil dito ay nag-umpisa na din akong mamigay ng relief goods sa probinsiya namin at sa ibang lugar, at suportado pa rin ako ng aking mga amo. Ang daming tao at pamilya ang natulungan namin dahil dito.

Nitong January 5, habang kumakain kami ng hapunan ay nasabi ko na ang kaibigan ko ay tatlong beses na delay ang flight. Tinanong ako ng amo ko kung ilang araw na ba ng annual leave ko at sinabi ko na 25 days pag babayaran niya pero kung uuwi ako e magiging 28 days.

Biglang sinabi niya sa akin na “voided” na niya ang annual leave ko. Bigla akong nakaramdam ng pangamba at nanginig ako dahil sa isip ko ay baka i-terminate na niya ako. Pero ilang sandali pa ay tinanong niya kung may passport na ang mga anak ko. Ang sabi ko, sa January 26 pa yung appointment nila. Sumagot lang siya ng “ok.”

Pagkatapos nito ay sinabi niya na hindi niya ako papayagang umuwi sa December kasi busy sila sa trabaho, at may limang party daw sila sa buwang ito. Tapos, sinabihan niya ako na magkita na lang kami ng mga anak ko sa Thailand at sila ang bahala sa mga gagastusin. Isasabay na rin nila ako pagpunta doon.

Sa narinig kung yon ay hindi ko na naubos ang pagkain ko sa sobrang saya. Tapos nang sinabi niya na pupunta din sila dito sa Hong Kong lalo na akong nanginig at naiiyak na hindi maipaliwanag ang nararamdaman.

Sabi pa niya, yung gastos sa biyahe nila Manila to Chiang Mai at Bangkok at tapos ay Hong Kong ay sasagutin nilang lahat, kasama ang hotel accommodation at pati show money ng mga anak ko na Php60,000. Bibigyan din kami ng pocket money na 15,000 na Thai baht.

Ngayong March 31 ay magkikita na kami ng mga anak ko sa Thailand, kasama ang mga amo at alaga ko. Pagkatapos ay sabay-sabay kaming babalik sa Hong Kong, kung saan titira naman sila ng siyam na araw sa Rambler Oasis Hotel na nasa Tsing Yi din.

“Work with gladness in our hearts, no matter what, without complaining. And be patient to wait for our plans and dreams in life will happen in God’s perfect time. God bless us all.”

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Pilipina, kinasuhan ng pagmamalupit sa kuneho

Posted on 05 April 2023 No comments

 

Inalok ng libreng abogado ang Pilipina

Isang Pilipinang nagtatrabaho bilang waitress ang nahaharap sa dalawang kaso sa West Kowloon dahil sa pagmamalupit na dinanas ng isang kuneho habang nasa kanyang pangangalaga.

Itinanggi ni Aeprille Anne Esplana, 28 taong gulang, ang dalawang paratang na pagmamalupit sa hayop, na labag sa Cruelty to Animals Ordinance, nang basahin ito sa kanya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Nang idinagdag niya na hindi niya alam ang gagawin upang ipagtanggol ang sarili, tinanong siya ni Acting Principal Magistrate Veronica Heung kung may abogado siya.

Nang sumagot siya ng wala, tinanong ulit siya kung gusto niya ng libreng abogado.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nang sumagot siya ng oo, inalok siya ni Magistrate Heung ng abogado mula sa Duty Lawyer Service.

Itinakda ni Heung ang susunod na pagdinig sa May 23, at pinagpiyansa ng $500.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Pinayuhan din niya si Esplana na magkonsulta agad sa abogado upang mapaghandaan ang kanyang depensa.

Kinasuhan si Esplana ng pagmamalupit sa hayop nang mahuli siya noong Aug. 16, 2022 sa Tai Wo Hau Estate sa Kwai Chung na nagkukupkop ng kuneho sa paraang nagpapahirap dito, o paglabag sa Section 3(1) (g) ng Cruelty to Animals Ordinance.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Inakusahan din siya na pinayagang pagmalupitan ang kuneho na kanyang pinangangalaga, o paglabag sa Section 3(1) (a) na nasabing batas.

Hindi dinetalye sa korte kung anong klaseng pagmamalupit ang ginawa niya diumano sa hayop.

Ang parusang itinakda para dito ay multang aabot sa $200,000 at pagkabilanggo ng aabot sa tatlong taon.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Filipina DH spends annual leave in Thailand with 2 sons, courtesy of employer

Posted on No comments

By Daisy CL Mandap

Jovelyn Lontoc with her two sons on arrival in Thailand

When it comes to employers’ kindness and generosity, only a very few can match the Hong Kong couple that has hired Jovelyn Lontoc, a 52-year-old single mother, for the past seven-and-a-half years  

In lieu of paying her annual leave which by her reckoning should add up to 28 days, Lontoc’s employers offered to take her with them to Thailand, where she was to meet her two sons who are both in their 20s.

Lontoc said she got even more overwhelmed when her employers told her they would pay for their seven days’ stay in Chiang Mai and Bangkok, and a further nine days in Hong Kong.

That meant, paying for their 4-star hotel with free meals, plus pocket money of ThB15,000 (HKD3,500); and her sons’ “show money” at the airport (to prove their financial means to travel) of Php60,000 (HKD8,630).

Lontoc and her brood are now in Bangkok where they flew to, after being treated to a sumptuous dinner by her employers on their last day of stay in Chiang Mai.

“They treat us like family, with no boundaries,” said Lontoc, as she shared a picture of their dinner together. “I am not perfect, but I’m lucky to have them as my employers.”

Lontoc's employers treated them to dinner on their last day in Chiang Mai

But as Lontoc herself says, this is not the first time her employers have shown not just generosity, but empathy towards her.

During her first contract with them, she was allowed to go home three times, with her round-trip air fare fully paid for. The first time was when her eldest son graduated from college, the second time, when the younger one finished high school, and the third, when the boys celebrated their birthdays.

These came with thoughtful gestures such as sending her graduating son a pen engraved with his name, and for the younger boy, a brand new Lenovo computer and printer, after Lontoc told her male employer that he was planning to take up computer engineering in college.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

At the start of her second contract, Lontoc was given a raise, but this was not all the blessing she would get from them. When she asked if she could borrow money to pay the outstanding balance of Php326,000 for the house in Cavite that she had bought earlier, her employer immediately said yes.

She was also allowed to go home again to personally receive the title to her house. But her joy at completing payment for the house soon dissipated when she saw its rundown state. The house had been unoccupied for two years since she and her husband had an acrimonious parting, and most of the furniture she had bought had fallen into disrepair.

When she got back to Hong Kong and her female employer asked if she managed to get the title to the house, she said “yes” in a sad voice, then showed her photos of how the house looked. The very next day, her employer gave her $10,000 and said she should use it to buy new furnishings for the house, and that she should not worry about paying it back.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Overwhelmed by yet another kind gesture from the couple, Lontoc broke into tears, and hugged her employer while giving thanks.

Mother and sons in their luxurious hotel room in Chiang Mai

Lontoc said she has tried her best to repay her employers’ kindness by working conscientiously, and looking after the couple’s only child with love and care while they are both at work.

Kahit may tatlo kaming CCTV ay hindi ako naiilang gampanan ang aking trabaho,” she said. (Even if there are three CCTVs at home I am not bothered as I do my work).

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

She said her employers love to party and entertain at home, and she never complains even if she ends up sleeping late on such occasions.

Inilagay ko sa puso’t isipan ko na trabaho ang ipinunta ko dito, para sa kinabukasan ng aking mga anak,” she said. (I have put it in my heart and mind that I have come here to work to secure the future of my children).

Outside the Bangkok hotel where they are now staying

Lontoc has come a long way since arriving here 20 years ago, bright-eyed and full of hopes, but eventually suffering the same fate as many other women migrants before her – being betrayed by their husbands, then going through a painful separation.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

But she has been far luckier than many of them, as she has found employers who have not only been generous, but show true care and concern for the kind of life she aspires for, and is now within reach.

(Update: One of Lontoc’s sons is having his wisdom tooth extracted in Bangkok today in an emergency procedure, and guess what  Her ever-generous employers are again footing the bill.)

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Eroplanong laruan na dala ng HK OFW, winasak sa NAIA

Posted on 04 April 2023 No comments

 

Mga kuha ni Ramos na nagpapakita sa pagwasak sa airport ng kanyang dalang laruan

Nag viral ang post ng isang Pilipinang domestic helper kamakailan, kung saan ipinakita niya kung paano winasak ng mga ahente ng Bureau of Customs sa Pilipinas ang dala niyang laruang eroplano mula Hong Kong dahil daw mukhang may laman itong kontrabando.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ayon kay Rachelle Anne Ramos sa kanyang naunang post anim na araw na ang nakakaraan,  matapos wasakin ang laruan ay “parang aspalto” lang daw ang nakita ng mga ahente sa loob kaya ganoon na lang ang paghingi nila ng dispensa.

Pindutin para sa detalye

“Pasalamat nga sila di ko na pinabayaran eh. May awa pa naman ako kahit kaunti lang,” dagdag niya.

Sa kanyang kuwento, dalawang beses nang pinadaan sa X-ray machine at dalawang beses ding pinaamoy sa sniffer dogs ang laruan, pero walang nakita. Kaya lang, ayaw din siyang paalisin kaya inalok niyang wasakin na lang nila ito para makasiguro sila.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Bandang huli ay hindi na din daw itinuloy ng ahente ang pagwasak sa buong eroplano dahil ayaw daw nitong mabasag ang semento kung saan ipinatong ang laruan.

Si Ramos habang kinakapanayam ng GMA-7

Ayon sa panayam sa kanya ng GMA-7 kahapon, sinabi ni Ramos na pasakay na siya sa kanyang connecting flight sa Laoag City nang pigilan siya ng mga taga airport.

“Baka akala nila may droga nga…There’s something inside nga, doon na ako nagtaka,” ang sabi niya.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Mungkahi ni Ramos, mas maganda kung mag-upgrade ng X-ray machine ang airport para talagang malinaw yung imahe na nakikita nila, at hindi mangyari sa ibang pasahero ang nangyari sa kanya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon pa rin sa GMA-7, nanghingi ng paumanhin sa nangyari ang tagapagsalita ng Bureau of Customs na si Vincent Maronilla, at sinabing susundan nila ang mungkahi ni Ramos para mas mapaayos ang pag screen sa bagahe ng mga pasahero.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Don't Miss