Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

HK ditches policy allowing firms to sack unvaccinated workers

Posted on 12 April 2023 No comments

 

Photo: Centre for Health Protection

The Hong Kong government will roll back its policy allowing employers to terminate workers who do not heed their requirement to get vaccinated against Covid-19.

That policy,which was in the Employment (Amendment) Ordinance provision, stated that the termination of an employee who fails to get the Covid-19 vaccine will not be considered unreasonable dismissal. It took effect on June 17 last year.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

The provision was made applicable to all workers, including migrant domestic helpers.

The Employment (Amendment) Ordinance 2022 (Commencement) Notice for the removal of that provision will be published on Friday 14 (April) in the Gazette, Hong Kong’s compilation of new laws and policies, and will take affect on June 16, LD said in an announcment.

Pindutin para sa detalye

 “Starting from June 16, there will be no vaccination provisions under the Ordinance, and any legitimate vaccination request made under the Ordinance prior to the aforesaid date shall cease to have effect on or after that date,” Labour said.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

 “The government will repeal the vaccination provisions under the Ordinance on June 16 after Legislative Council’s full negative vetting period has run its course,” it added.

LD said the Health Bureau and the Department of Health have been consulted on the matter.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

The new policy, which reverses the earlier order, follows the lifting of all restrictive measures imposed during the pandemic as life in Hong Kong normalized.

Among such measures was the Vaccine Pass requirement, which allowed only fully vaccinated people to enter most establishments, including restaurants, sports facilities and even markets at some point. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

For more details, visit the Labour Department’s homepage at www.labour.gov.hk or call 2717 1771 (the hotline is handled by 1823) for enquiry.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Text o tawag na babala sa posibleng scam sa telepono, inilunsad

Posted on 11 April 2023 No comments

 

Isang pagsasanay ng pulis tungkol sa mga klase ng panloloko at paano makaiwas dito (File)

Inumpisahan na ng mga mobile network operators sa Hong Kong ang pagbibigay ng babala sa publiko sa pamamagitan ng tawag o text na posibleng ang tumatawag sa kanila ay isang scammer na nasa ibang bansa.

Ayon sa pahayag ng Office of the Communications Authority kanina, April 11, layon ng bagong kampanya na ikalat sa lahat na mag-iingat kapag nakatanggap ng tawag sa hindi nila kakilala, kahit pa ang lumalabas ay isa itong local call.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Posible daw kasing scammer na nasa ibang bansa ang tumatawag, kahit ang lumalabas na numerong gamit nito ay may “+852” na siyang area code ng Hong Kong.

Ayon sa OFCA, ang mensahe ay ipapadala ng text o voice recording sa taong tinatawagan ng isang nasa laba ng Hong Kong bago pa man niya ito sagutin.

“Ang tawag na ito ay galing sa labas ng Hong Kong. Mag-ingat sa mga manloloko.” Ito ang mensahe na ipapadala agad, sa wikang English, Cantonese at Putonghua, sa tinatawagang tao.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang Hong Kong ang isa sa may pinakamalaking problema sa mga panggagantso gamit ang telepono. Karamihan na ang mga tawag ay galing sa ibang bansa, bagamat ang numerong lumalabas ay may +852 na siyang area code ng Hong Kong.

Marami sa mga ginagamit na numero ng mga manloloko ay nag-uumpisa sa numerong 3, na siya ring ginagamit ng mga kawani ng gobyerno at maging ang pulis.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Nitong Linggo lang ay napabalitang naglipat ng kabuuang halaga na RMB800,000 ang isang 22 taong gulang na babaeng taga Mainland dahil nakatanggap ng tawag sa isang nagpakilalang imbestigador daw ng isang kaso ng money laundering kung saan ang biktima ay isa daw mga suspek.

Sa takot ay sumunod ang babae sa utos ng tumawag na maglipat ng pera sa apat na magkakaibang accounts sa China, bago nakapag-isip isip. Kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ang kaso.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang pagpapadala ng mensahe ng babala ay libre, at hindi na kailangang mag rehistro, mag download ng app o may gawin pa ang may-ari ng numerong tinatawagan para makatanggap nito.

Bagamat naumpisahan na ang pagbibigay ng babala sa telepono ay ganap itong palalaganapin ng mga awtoridad simula sa May 1.

Para sa iba pang detalye, mangyari lang na i-click ang link na ito:  (www.ofca.gov.hk/en/consumer_focus/galley/video/index_id_98.html)

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Umulit sa shoplfting, nadagdagan ang multa ng $1k

Posted on No comments

 

Pinagmulta ng korte ang Pilipina sa ikalawang kaso ng shoplifting

Napalaki ang gastos ng isang Pilipinang domestic helper nang siya ay pagmultahin ng karagdagang halaga na $1,000 matapos siyang umamin sa isang kaso ng shoplifting ng deodorant at sabon mula sa Wellcome Supermarket sa Tok Wa Wan na nagkakahalaga ng $119.90.

At dahil lumabas sa pagdinig kanina sa Kowloon City Courts na ikalawang beses na itong ginawa ni N. Arellano, 45 taong gulang, ay dinagdagan pa ni Magistrate Jacky Ip ang babayaran niya ng $500, kaya umabot ang kabuuang halaga sa $1,500.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ang dagdag na $500 ay multa sana na hindi pinabayaran ng isang magistrate sa Eastern Court noong isang taon, kapalit ng pangako niya sa ilalim ng bindover order na hindi na siya uulit lalabag sa batas sa loob ng dalawang taon.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa kanyang abogado, pinagsisisihan ni Arellano ang pagnanakaw ng tatlong botelya ng deodorant at apat na pakete ng sabong panlaba sa Wellcome noong March 24.

Idinagdag nito na magulo ang isip noon ni Arellano, na ang amo ay nakatira sa isang flat na malapit sa tindahang nabanggit, dahil sa mga problema ng kanyang pamilya sa Pilipinas.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ayon sa isang saksi, na kawani ng tindahan, kinuha ni Arellano ang mga produkto at dumaan lang sa cashier nang hindi nagbabayad, kaya hinarang niya ito at tumawag ng pulis.

Sa imbestigasyon ay inamin ni Arellano na nagnakaw nga siya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nang tingnan ang pitaka niya, mayroon itong laman na $2,000 na cash, ATM card at isang Octopus card na maari sana nyang ipinambayad sa mga produktong kinuha niya.

Hindi na sinabi kung ano ang ninakaw niya sa unang kaso na kinasangkutan niya.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Pilipinang DH, nakatakas matapos tutukan ng patalim

Posted on 10 April 2023 No comments

 

Ang Pilipinang biktima habang iniimbestigahan ng mga pulis (Photo from The Standard)


Isang Pilipinang domestic helper ang nakatakas matapos tutukan ng patalim ng isang lalaki habang papunta sa grocery sa Tseung Kwan O kaninang umaga.

Imbes matakot ay biglang nagsisigaw ang Pilipina at tumakbo papunta sa basement ng Kwong Cheong House sa Kwong Ming estate para doon magtago, at tumawag sa pulis.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Agad namang rumesponde ang Hong Kong Police, at gamit ang mga baton at panangga ay inikot ang lugar para hanapin ang lalaki na ayon sa Pilipina ay nasa pagitan ng 25 hanggang 30 ang edad, at nakasuot ng puting pantaas at pantalon.

Hindi agad nahuli ang lalaki, pero makailang sandali ay nakita ito sa kalapit na Tong Chun Street na nakasuot pa ng taekwondo uniform, maskara at headband na may bunny ears.

Pindutin para sa detalye

Nakumpiska sa kanya ang isang letter-opener na hugis-kutsilyo.

Walang nasaktan sa insidente, ayon sa pulisya, na kinumpirma din na ang biktima ay isang Pilipina. Natanggap daw nila ang tawag tungkol sa insidente ng 9:18 ng umaga kanina.


PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa isang panayam ng The SUN, sinabi ng isang tagapagsalita ng pulis na ang inarestong suspect ay 26 taong gulang, at pinaghihinalaang may sakit sa pag-iisip. 


BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS
Dinala ito sa Tseung Kwan O Hospital kung saan ito nananatili hanggang ngayon, habang patuloy ang pag-iimbestiga sa kaso.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!







iRehistro para sa mga Pilipinong botante sa ibang bansa, inumpisahan na

Posted on No comments

 

Malaking tulong ang iRehistro para mabawasan ang pilahan kapag malapit na ang eleksyon

Hindi ka pa ba nakapagparehistro bilang botante sa Hong Kong, o nailipat ang iyong rehistro dito? Iwasan ang pagpila sa Konsulado para lang makakuha ng overseas voter form 1 (OVF1), at pagpila muli para maisumite ito matapos kumpletuhin. May iRehistro ka na!

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ayon sa isang pahayag na ipinalabas ng Konsulado kamakailan, binuksan na ng Commission on Elections ang iRehistro platform para sa mga botante na nasa labas ng bansa.

Pindutin para sa detalye

Ang isang gustong magparehistro ay maaring i click ang link na ito para ma download ang OVF1: https://irehistro.comelec.gov.ph/irehistro/ovf1?fbclid=IwAR0dajbr66HYWxjPbFAv8SyCy8qnL0H0T6kKtjvXi0SM0ul7IIwOHGNBjT8

Punan lang ang mga hinihinging impormasyon, at pagkatapos ay i-save ang form at i-print ito sa isang A4 size na papel. Dalhin ang printed form na ito at dalhin sa Konsulado, kasama ang kopya ng pahina ng iyong passport na may litrato at pangalan mo para doon ka kunan ng biometrics, o fingerprints at litrato.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Paalala ng Comelec: Ang iRehistro ay hindi online system ng pagpaparehistro dahil hindi kukunin ng server dito ang iyong mga personal na datos at itatago.

Ito ay ginagamit lamang upang ang isang botante ay makakuha ng form, at mapunan ang mga hinihinging impormasyon. Kailangang ang botante mismo ang mag save ng nakalagak na datos dito, at hindi ito pumapasok sa server ng Comelec.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Kapag hindi na save ng botante ang kinumpleto niyang form at hindi na print ay kailangan niyang kumpletuhin ito ulit, i-save at i-print bago dalhin sa Konsulado.

Layon ng bagong sistema na ito na maiwasan ang mahabang pilahan ng mga nagpaparehistro, lalo na kapag malapit na ang botohan. Tumatagal din kasi ang marami sa pagpuno lang ng registration form, pag sumite nito, bago sila makunan ng biometrics.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Gayun pa man, pinapayuhan muli ng Konsulado na magparehistro na habang maaga pa ang mga gustong bumoto sa susunod na eleksyon, na nakatakda sa Mayo 2025.

Inumpisahan ang pagrerehistro para sa overseas voting noong Dec. 9, 2022 at isasagawa ito hanggang Sept. 3, 2024.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Labour warns of punishment for unlicensed FDH recruiters

Posted on 09 April 2023 No comments

 

Labour prosecuted a woman for operating an unlicensed employment agency (RTHK file)

People operating employment agencies and recruiting foreign domestic workers for employers in Hong Kong must obtain a license or face severe punishment, the Labour Department has warned.

The warning came after the LD successfully prosecuted a woman for operating an EA without a license.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

She was fined $20,000 at Kwun Tong Magistrates' Courts last March 2 and ordered to refund the service fee of $6,800 she had collected from an employer.

The case began in November 2018 when the Employment Agencies Administration (EAA) of the LD received a complaint against a woman from an employer hiring a foreign domestic helper. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

“As the investigation revealed sufficient evidence that the woman was operating an unlicensed EA and the complainant was willing to act as prosecution witness, the LD decided to take out prosecution,” LD said.

“All establishments or persons operating a business in Hong Kong for the purpose of obtaining employment for another person or supplying personnel to an employer are governed by Part XII of the Employment Ordinance and the Employment Agency Regulations,” LD said.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

“Irrespective of the modus operandi or the types of jobs involved, all EAs must obtain a licence issued by the LD before undertaking any relevant activities. Except for the EA license holder or his/her associates, no one shall operate, manage or assist in the management of an EA. Offenders may face prosecution,” it added.

The LD also reminded the agencies to comply with the law as well as the Code of Practice for EAs at all times.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

“Failure to do so may lead to prosecution and/or revocation of licence. The maximum penalty for unlicensed operation of an EA or overcharging of job-seekers' commissions is a fine of $350,000 and imprisonment for three years,” it said.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

For inquiries or complaints about employment agency malpractices, please call the EAA at 2115 3667, or visit its office at Unit 906, 9/F, One Mong Kok Road Commercial Centre, 1 Mong Kok Road, Kowloon.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Don't Miss