Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Gusto din naming tanggalin ang OEC, sabi ng mga opisyal ng DMW

Posted on 19 April 2023 No comments

Ni Daisy CL Mandap

Napuno ang Konsulado sa kauna-unahang pulong dito pagkatapos ng pandemya

Kaisa ng mga migranteng manggagawa ang Department of Migrant Workers sa kagustuhan na tanggalin na ang overseas employment certificate o OEC.

Ito ang sinabi ng mga opisyal ng DMW na nakipulong sa mga lider ng Filipino community sa Hong Kong nitong Linggo, ika-16 ng Abril.

Ayon kay Undersecretary for Finance and Internal Affairs Anthonette Allones, mismong si Secretary Susan “Toots” Ople ay gustong tanggalin ang OEC, lalo na nung makita niya ang mahabang pilahan para dito noong bago mag Pasko.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

“Nightmare ito (OEC), sabi ni Allones, dahil kinailangan pang papuntahin pa dito ni Secretary Ople ang ilan niyang opisyal sa Hong Kong noon para humanap ng paraan na mas mapadali ang pagkuha nito ng mga OFW (overseas Filipino workers).

Pero sa kanilang pagtanong-tanong ay nalaman daw nila na inumpisahan ang OEC dahil may mga OFW na madaling mabiktima ng illegal recruitment o human trafficking kaya kailangan na siguraduhin na ang bawat lumalabas na manggagawa sa bansa ay may kontrata ay visa.

Pindutin para sa detalye

Nang tanungin naman ni Allones ang mga lider sa pulong kung paano mapoprote

ktahan ang bawat OFW na lumalabas kung walang OEC, sinabihan siya ng mga lider na may pasaporte naman at kontrata na pwedeng tingnan bago sila umalis.

Napangiti si Consul General Raly Tejada sa paliwanag ni Allones 

“Pare-pareho tayo ng sinabi,” sabi naman niya. Ang direksyon daw talaga ng DMW ngayon ay kung paano matatanggal ang dokumentong ito, na hinihingi bago makaalis ng bansa ang isang OFW at masiguro na may legal na trabaho siyang pupuntahan.

Ayon naman kay USec Patricia Yvonne Caunan, layon ng DMW na pagaanin ang mga pasanin ng mga OFW kaya naghahanap sila ng mga paraan para masuri ang estado ng bawat paalis na manggagawa nang hindi na dadaanin sa OEC.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Kaya daw pumunta silang mga opisyal sa HK ay para makipag-usap sa mga OFW na nandito at makuha ang kanilang mga opinyon at suhestiyon kung paano mapapahusay ang serbisyo ng gobyerno sa kanila.

Sinabi din niya na laging bukas ang DMW sa mga OFW para pag-usapan ang mga isyu na may kinalaman sa kanilang pagtatrabaho, at nag-alok pa siya ng buwanang pakikipag-usap online sa mga Filcom lider dito para sa mas agarang mahanapan ng solusyon ang anumang problema.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Sinagot ng dalawang opisyal ang mga tanong na inilatag ni Dolores Balladares, tagapangulo ng United Filipinos in Hong Kong, tungkol sa pagtatanggal sa OEC na aniya ay siyang pinakaasam-asam ng mga OFW ngayon.

Kasama din dito ang pagpapatigil ng koleksyon ng sapilitang bayarin sa mga OFW katulad ng PhilHealth, Pag-IBIG, SSS at mandatory insurance, na pilit ikinakabit sa OEC.

Layunin ng DMW na pagaanin ang dinadala ng mga OFW, ayon kay Caunan 

Ayon naman kina Allones at Caunan, suspendido pa rin ang pangongolekta para sa PhilHealth at iba pang bayarin dahil naiintindihan ni Secretary Ople ang saloobin ng mga OFW tungkol dito.

Pero nang sabihin ni Allones na voluntary lang ang pagbabayad ng membership sa Overseas Workers Welfare Administration ay naging madiin ang pagtanggi ng mga lider.

Hindi raw ito totoo dahil hindi pumapayag ang Office for Migrant Workers (dating Polo) na i-verify ang mga kontrata ng mga OFW dito nang hindi muna sila nagbabayad ng membership sa OWWA, kaya ang labas ay nadodoble pa ang pangongolekta para dito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Karamihan naman ng mga tanong at reklamo ay patungkol sa OWWA, mula sa ipinangakong ayuda para sa mga nagka Covid-19 na hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigay, hanggang sa hindi maayos na pamamahagi ng tulong sa mga taga Abra na nasalanta ng bagyo noong nakaraang taon.

Nangako naman si Deputy Administrator Honey Quino na pag-aaralan kung paano maibibigay pa rin ang mga ipinangakong ayuda sa mga naimpeksyon ng Covid-19.

Yun naman daw nangyaring pagbagal ng serbisyo nila sa mga tinamaan ng bagyo sa Abra ay dahil nagkaroon sila ng problema sa koneksyon noon. Matatandaan na mismong si Usec Hans Cacdac ang bumisita sa Abra noon para pangasiwaan ang pamamahagi ng ayuda. 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

 

50-year-old OFW declared dead at hospital after collapsing

Posted on 18 April 2023 No comments

By The SUN

 

Chona was dead on arrival at the hospital

A Filipina working as a domestic helper in Hong Kong suddenly died this morning, shocking her friends who say she had no known illness.

Friends identified the deceased as Mechona Abad Lachica, 50 years old, and a resident of Dipolog City in the Philippines. She was married with a 15-year-old daughter.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

She had been working in Hong Kong for 10 years, and was on her second contract with her current employer in Tai Po when she passed on.

Police say they received a report at about 8 am today about a Filipina who collapsed outside Fu Shin Estate, Shin Lau House in Tai Po.

Pindutin para sa detalye

Paramedics who rushed to the scene tried to resuscitate her but failed. She was declared dead on arrival at the Nethersole Hospital in Tai Po.

Police said the cause of her death is still being investigated. Her close friends, however, say they were not aware of her being ill.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Her death comes just 10 days after another OFW also collapsed from heart failure. Mary Grace Perater is still fighting for her life in hospital after undergoing surgery.

Paramedics scramble to revive Chona on site

Several friends of Lachica posted and reposted pictures and videos of her undergoing CPR (cardio pulmonary resuscitation) on site, but she did not look responsive.

One friend said she had just taken her ward to school when she collapsed. Some said it must have been from heatstroke although the weather today was not too hot.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Her employer has already reported the death to the Consulate and a screen capture of a conversation she had with Lachica’s friend said the remains of the deceased have already been moved to the Fu Shan Public Mortuary in Shatin.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The employer and the immediate family members will go to the morgue early tomorrow to identify the body.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Kulong para sa Pilipinang nakipagsabwatan para makakuha ng DH visa

Posted on 17 April 2023 No comments

 

Babalik ang Pilipina sa korte sa May 29 para sentensiyahan

Isang Pilipina ang nakatakdang sentensiyahan matapos mapatunayang nakipagsabwatan sa dalawang iba pa upang palabasin na nagtrabaho siya sa kanila bilang domestic helper.

Itinakda sa May 29 ni Cheng Lim-chi, Acting Principal Magistrate sa Shatin Courts, ang pagpataw ng sentensiya kay Jingle Bautista, 47 taong gulang. Ibinalik sya sa kulungan hanggang sa susunod na pagdinig. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Nauna rito, umamin si Bautista sa tatlong kaso ng paglabag sa Immigration Ordinance at Crimes Ordinance. Kanina sana siya babasahan ng sentensiya, pero hindi natuloy

Ang unang sabwatan sa pagitan ni Bautista at nina  Adelia T. Wong at Warwick Wong Wai-ki ay nangyari noong  Oct. 25, 2018 hanggang Dec. 6, 2020.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa sakdal, nagsinungaling ang tatlo sa isang Immigration officer nang sabihin nila na magtatrabaho si Bautista kay Warwick Wong bilang domestic helper, at pumirma pa ng kontrata  para dito.

Batay dito  ay nabigyan ng visa si Bautista bilang domestic helper kahit hindi dapat.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Naulit ang sabwatan noong Dec. 3, 2020 hanggang Dec. 30, 2021, matapos mag-renew ng visa si Bautista para sa ikalawa niyang kontrata bilang pekeng katulong ni Wong.

Hindi niya kasama sa pagdinig ng kaso ang dalawang Wong.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Maliban sa dalawang kaso ng kuntsabahan, kinasuhan din si Bautista ng pagbibigay ng maling impormasyon sa isang registration officer, nang kumuha siya ng HKID habang nagbabalatkayo bilang  domestic helper.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

‘Arcturus’ already in HK, say experts

Posted on No comments

 By The SUN

Experts say the high vaccination rate in HK will keep the new Omicron subvariant at bay

A highly infectious subvariant of Omicron has been detected in a number of Covid-19 positive patients in Hong Kong, health experts say.

However, people should not be alarmed as the cases involving Arcturus, also known as the XBB.1.16 sub-variant, tend to be less severe than other strains.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Professor David Hui of Chinese University said that while the subvariant which has caused a spike in cases in India starting early this year is highly transmissible, it has not led to an increase in the number of severe cases.

 “The transmissibility is quite high but the severity has not gone up. In the countries that have reported cases with this subvariant, there has been no increase in patients admitted to intensive care units or deaths … We do not need to be too worried,” Hui said in a radio interview.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Hui said those who had been vaccinated or infected could produce enough T-cells, a type of white blood cells that ward off infection, to fight the sub variant. He also noted that Covid-19 drugs have been found effective in treating Arcturus.

About 40 percent of all Covid samples collected by Hong Kong authorities are said to be linked to subvariants from the XBB strain, but no outbreaks have been detected.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

But Hui noted that a number of children in India who were infected with Arcturus had developed keratitis, or inflammation of the cornea, or acute conjunctivitis, or  what is commonly known as the red eye.

He said parents should take their children to doctors if their eyes begin to tear up.

However, respiratory expert Dr Leung Chi-chiu said the keratitis spread appears to be merely anectodal or not based on reality.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Leung also said it was uncertain if the subvariant would become the dominant strain in Hong Kong as there are several hundred Covid-19 subvariantss found here.

Even if it does become the dominant strain it will not lead to a surge in cases as the city has a high level of herd immunity due to its high vaccination rate, he added.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Pilipino, ‘guilty’ sa panloloob at pagtangay ng $3k

Posted on No comments

 Ng The SUN 

Naganap ang paglilitis ng kaso sa District Court 

Tinanggihan ng hukom ang paliwanag ng isang Pilipinong residente na tinakot lang siya ng mga pulis kaya siya umamin sa panloloob sa isang restaurant sa Central kung saan siya dating nagtrabaho mahigit apat na taon na ang nakakaraan, at tumangay ng $3,000.

Ayon sa binasang desisyon ng hukom kanina sa Eastern courts, hindi kapani-paniwala ang sinabi ni Melvin A. F. Zuniga na tinakot siya, ginutom at ikinulong sa napakalamig na kuwarto ng mga pulis kaya niya inamin ang paratang na pagnanakaw.

Sabi ni Judge Daniel Tang ng District Court, mas kapani-paniwala sa lahat ng bagay ang kuwento ng dalawang pulis na humuli kay Zuniga at tumestigo sa korte.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Inutusan nitong agad ikulong ang 28-taong-gulang na binata hanggang sa pagsentensya sa kanya sa May 5 para sa isang kaso ng possession of dangerous drug, at burglary. Nauna nang inamin ng akusado ang unang paratang.

Nabalot naman ng matinding lungkot ang mukha ng mga magulang niya na nasa korte, at hindi pumalya sa pagdalo sa paglilitis.

Nahuli si Zuniga noong Set. 27, 2018, sa may Arbuthnot Road sa Central matapos patigilin ng mga pulis dahil sa kahina-hinala nitong galaw. Nakita nila sa kanyag mga gamit ang 7.88 gramo ng cannabis o marijuana, at 0.83 gramo ng cannabis resin.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nang malaman ang kanyang pangalan ay naalala ng isa sa mga pulis na iniugnay din siya sa kaso ng panloob sa unang palapag ng 53 Peel Street sa Central tatlong araw pa lang ang nakakalipas, at tumangay ng $3,000.

Sa kanyang paglalahad sa mga pulis, sinabi ni Zuniga na kasalukuyan siyang nagtatrabaho noon sa bar na dragon-I, pero  bago ito ay namasukan siya sa Chi Chi Cham restaurant na nasa Peel Street. Madali niya itong napasukan dahil alam niyang hindi nila-lock ang likod na pintuan nito.

Sinabi din niya sa kanyang pahayag na may galit siya sa dating opisina dahil ang pakiramdam niya ay dinaya siya doon.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Para hindi siya makilala sa CCTV ay gumamit siya ng napkin para pantakip sa kanyang mukha.

Noon na dinala sa Central Police si Zuniga at kinuhanan ng ilang pahayag. Bagamat alam nila na nakakaintindi ng Ingles ang akusado ay kumuha pa sila ng Pilipinong tagasalin para mas maintindihan niya ang akusasyon laban sa kanya.

Ganun pa man, sinabi ng abugado ni Zuniga na hindi dapat tanggapin ang mga pinahayag nito sa pulis dahil sa ilang kadahilanan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Wala pa daw siya sa huwisyo dahil sa paghitit ng mariuana nang siya ay dalhin sa presinto at pagawaan ng salaysay. Gutom na gutom din daw siya noon kaya nang alukin siya ng isang pulis na bibigyan ng masarap na pagkain kung pipirmahan niya ang salaysay ay pumayag siya agad.

Ang isa pang dahilan na binanggit ng tagapagtanggol ay hindi masyadong bihasa si Zuniga sa salitang Ingles, na pinabulaanan naman ng huwes sa kanyang desisyon. Nag-aral daw kasi ito sa isang English school kaya malabong hindi niya naintindihan ang pinirmahan niya.

Dagdag pa ni Judge Tang, ni hindi hiniling ni Zuniga na ipatawag ang kanyang mga magulang at abugado habang siya ay iniimbestighahan. Ang nung ng tanungin siya kung mayroon pa siyang gustong idagdag sa kanyang salaysay ay sumagot siya ng “No.”

“In short, I did not believe the defendant’s stories. He is not an honest witness,” sabi ni Tang. (Sa madaling sabi, hindi ko pinaniwalaan ang mga kuwento ng akusado. Hindi siya matapat na testigo).

Ang burglary o sapilitang panloloob ay may kaparusahan na pagkakakulong ng hanggang 14 taon sa ilalim ng Theft Ordinance ng Hong Kong.

Ang possession o pagdadala naman ng droga ay maaring parusahan ng hanggang pitong taong pagkakakulong at multa ng hanggang $1 million.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Indo DH, kasama sa 4 na nahuling nagpagamit ng SIM cards sa scammers

Posted on 16 April 2023 No comments

 Ng The SUN

May 7,300 na SIM card na naipagamit ng mga suspek sa scammers

Isang 35 taong gulang na Indonesian domestic helper ang nahuli kasama ng tatlong lalaking Intsik dahil diumano sa paggamit ng pekeng HK ID card para mairehistro ang mahigit 7,300 na SIM cards na ibinenta nila sa mga scammer sa telepono.

Pero ayon sa mga pulis, ang Indonesian ay binayaran lang ng tatlong lalaki na walang trabaho at kinilalang  sina Wong, 28, Poon, 26, at Fung, 24 – para magbukas ng mga pekeng account sa social media.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ang isa sa mga lalaki ay ginamit ang sariling HKID at pinagpapalitan lang ang mga numero nito para makapagrehistro ng SIM ng maraming beses.

Nahuli silang tatlo sa isinagawang raid sa mga gusali sa Cheung Sha Wan at Sau Mau Ping, matapos makatanggap ng tip ang mga pulis na may gumagamit sa kanila ng pekeng HKID card para mag rehistro ng SIM card.

Pindutin para sa detalye

Kumikita daw ang grupo ng $10 hanggang $20 sa bawat SIM na pinapagamit nila sa mga scammer.

May tatlo nang online shopping scam sa Yuen Long, Chai Wan at Cheung Sha Wan ang pinaghihinalaang naisagawa sa tulong ng mga suspek, at nagdulot ng pagkawala ng $16,396. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nang mahuli ay nakitaan ang tatlo ng 65,000 pa na mga SIM card, kasama ang 95 na modem pools, 29 na computer, pitong telepono, at isang router.

Sabi ng pulis, ang mga modem pools ay nilagyan nila ng maraming SIM card para makatawag nang minsanan sa libo-libong mga numero.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Gamit ito at mga computer ay nakakuha din sila ng one-time password para makagawa ng account ang mga scammer sa WhatApp, Facebook at Instagram.

Nagsimula daw mag-ipon ng SIM card ang grupo simula pa noong Marso ng nakaraang taon dahil sa inaasahan nilang pagpapatupad ng batas para sa pagpaparehistro ng mga ito.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Simula noong katapusan ng Pebrero ay hindi na pinayagan ng gobyerno na magamit pa ang mga SIM card na hindi rehistrado base sa HK ID card ng may-ari. Layon nito na mabawasan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga tao na nabibiktima ng mga iba-ibang uri ng scam.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Patuloy na nag-iimbestiga ang pulis sa kung paano nakuha ng mga suspek ang libo-libo nilang mga SIM card. Malamang daw na may iba pang tao na sangkot, at maaaresto dahil dito.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss