Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Residente, kulong ng 18 buwan dahil binenta ang pasaporte at nameke ng kasal

Posted on 21 April 2023 No comments

 

Dininig ang kaso sa Shatin Law Courts

Muling ipinaalala ng Hong Kong Immigration na labag sa batas ang illegal na pagpasa, pagsanla o pagbigay ng pasaporte sa ibang tao, na ang karampatang parusa ay pagkakakulong ng hanggang 14 na taon at multa na aabot sa $150,000. 

Ipinalabas ang pahayag matapos masentensyahan kahapon sa Shatin Court ng 18 buwang pagkabilanggo ang isang local na residente na binenta ang kanyang HKSAR passport, at pagkatapos ay sinabi sa Immigration na nawala niya ito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Nang imbestigahan ay inamin din niyang binayaran siya ng pinagbentahan niya ng pasaporte para pumayag sa isang pekeng kasal sa isang babaeng taga Mainland noong 2019.

Sabi sa pahayag, patuloy pa ring iniimbestigahan ang iba pang mga taong kasabwat sa panlilinlang.

Kinasuhan ang lalaki ng illegal na pagpasa ng kanyang pasaporte, pagsisinungaling sa isang immigration officer, at pakikipagsabwatan para makapanlinlang.

Pindutin para sa detalye

Inamin niya ang lahat ng mga paratang sa kanya, at nasentensiyahan siya ng tig isang taon sa bawat kaso, na pagsisilbihan niya nang sabay-sabay, pero may anim na buwang pasobra para sa pinakamalalang kaso laban sa kanya, kaya umabot ang buong sentensya sa 18 buwan.

Ang pagpasa sa ibang tao ng kanyang pasaporte at pagsisinungaling para makakuha ng kapalit na dokumento ang pinakamalala sa tatlong kasong isinampa laban sa akusado.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang kaso ng pakikipagsabwatan para makapangloko ay may parusang pagkabilanggo na aabot ng hanggang 14 na taon, pero walang multa.

Ang pagpasok naman sa isang pekeng kasalan, kabilang ang panunumpa ng di tapat o pagpirma sa kasulatan na hindi totoo, ay maaaring parusahan ng pagkabilanggo ng hanggang pitong taon at multa, ayon sa pahayag.

Dagdag pa ng Immigration, patuloy ang kampanya nila para matunton ang mga pumasok sa isang pekeng kasal at iba pang pagpapanggap kasama ang mga hindi residente dito.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Tatanggalin din ng karapatang manirahan sa HK at babawiin ang HKID na ibinigay sa mga taong sangkop sa mga ganitong illegal na gawain, ayon sa Immigration.

Noong nakaraang buwan ay may isa pang lalaking residente na ikinulong ng 9 na buwan matapos mabisto na binenta ang kanyang pasaporte at tumanggap ng bayad para pakasalan sa isang pekeng seremonyas ang isang babaeng taga Mainland noong Disyembre, 2007.

Inimbestigahan ang 44 taong gulang na babae, at pagkatapos ay kinasuhan ng pakikipagsabwatan para makapanloko. Sinentensyahan sya ng 18 buwan sa kulungan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang 43 taong gulang na lalaki ay kinasuhan ng illegal na sabwatan at pagpasa ng kanyang pasaporte ng walang legal na dahilan. Inamin nya ang mga paratang at sinentensyahan sya ng tig-siyam na buwang pagkabilanggo, na pagsisilbihan niya nang sabay.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Kaso ng Pilipina inakyat sa DC dahil sa dami ng nasamsam na droga

Posted on 21 April 2023 No comments

 

Ang gusali sa Wanchai kung saan nahuli ang akusado

Ang huli sa tatlong kasong droga na nagmula sa isang raid ng pulisya sa isang hotel sa Wanchai ay iniakyat ngayon ng Eastern Magistracy sa District Court dahil sa dami ng ipinagbabawal na gamot na nasamsam sa akusado.

Pinayuhan ni Principal Magistrate Ivy Chui ang Pilipinang si Maria Eldha Rose Cabello, 33 taong gulang, na kumuha ng abogado sa Legal Aid upang maayos siyang maipagtanggol, ngayong hindi na siya pwede sa libreng abogado mula sa Duty Lawyers Service ng mga magistrate court.

At dahil hindi hiniling ni Cabello na makapagpiyansa, ibinalik muli siya sa kulungan hanggang sa susunod na pagdinig, na gagawin sa District Court sa May 11.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Naunang sinampahan ng apat na kaso si Cabello, pero tatlo na lang ang ipinasa sa District Court.

Ayon sa nabagong asunto, nahuli siya noong Sept. 2, 2022, sa third floor ng Hong Kong Bldg., sa Lockhart Road, Wanchai, habang nagbebenta ng 2.56 gramo ng tuyong dahon ng cannabis o marijuana.

Kinasuhan siyang muli ng pangangalakal ng bawal na gamot nang samahan siya ng mga pulis sa tinutuluyan niya, ang Room 9 ng Ming Court Hotel na nasa ikalawang palapag ng naturang gusali, at makita doon ang mas maraming marijuana at iba pang droga.

Pindutin para sa detalye

Naantala ang pagdinig ng kaso dahil sa dami ng drogang nakita sa silid, na kailangang suriin ng Government Laboratory.

Ito ang nasamsam sa kanya: 143.22 gramo ng pinatuyong marijuana, 105 gramo ng dagta ng marijuana, 1,623.5 gramo ng solidong may lamang 4.38 gramo ng tetrahydrocannabinol, 2.61 gramo ng likidong naglalaman ng 0.44 gramo ng tetrahydrocannabinol, 4.33 gramo ng solido na may lamang 2.72 gramo ng 3,4-raethylenedioxymethamphetamine, 55 tableta at 7 durog na tableta na naglalaman ng 5.22 gramo ng 3,4-methylenedioxymethamphetamine, 0.76 gramo ng solidong may lamang 0.54 gramo ng coccaine, 20 piraso ng papel na nagtataglay ng katiting na lysergide at 104.6 gramo ng solid na may lamang 0.21 gramo ng psilocia.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Maliban sa kasong droga, kinasuhan din si Cabello ng pag-overstay, o ang pananatili sa Hong Kong kahit paso na ang visa, na isang paglabag sa kondisyon ng kanyang pagtira dito.

Dumating siya sa Hong Kong bilang domestic helper, pero nang ma-terminate siya noong June 16, 2022 at dapat umalis na pagkalipas ng 14 araw, ay nanatili siya dito hanggang mahuli noong Sept. 22.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ang kasong droga ng dalawa niyang nakasamang nahuli sa Wanchai – sina Sam Burcher, 23 taong gulang at estudyanteng Briton, at Teodora Quijano, 33 taong gulang at dati ring domestic helper – ay nauna nang nadesisyunan.

Si Burcher, 23 taong gulang at estudyante, ay pinagmulta ng $5,000 matapos umamin sa sakdal na pagkakaroon (o possession) ng 2.56 gramo ng marijuana nang arestuhin ng pulis sa harap ng Hong Kong Bldg. sa Wanchai.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Bumalik sya sa korte upang umamin noong March 23, gaya ng pangako niya nang siya ay maglagak ng $50,000 kapalit ng pagpayag ng korte na ituloy muna niya ang kanyang pag-aaral sa UK.

Iniurong naman ng taga-usig ang kasong drug trafficking  laban kay Quijano at pinayagan siyang magpiyansa ng $5,000 para sa kanyang kasong overstay. Nakatakda siyang humarap muli sa korte sa May 3.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Alok ng Pilipina na piyansang $3,000 tinanggihan

Posted on 21 April 2023 No comments

Walang pagbabago sa kaso, kaya hindi pinagpiyansa ang Pilipina.
 

Tinanggihan ng Eastern Court kanina ang alok ng isang Pilipina na maglagak ng $3,000 bilang piyansa upang pakawalan siya sa kasong droga at overstay.

Sinabi ni Principal Magistrate Ivy Chui na walang nabago sa katayuan ng kaso ni Janice Sahagun, 41 taong gulang, upang makubinse siyang tanggapin ang alok nitong cash. Kasama sa alok ang pangakong magre-report siya sa pulis araw-araw at hindi aalis ng Hong Kong hanggang hindi natatapos ang kaso.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
Pindutin para sa detalye

Sinabi ni Magistrate Chui na pwede siyang umapela sa Court of First Instance ng High Court na baliktarin ang kanyang desisyon at payagan siyang mag-piyansa.

Pero iginiit ng abogado ni Sahagun ang karapatan niyang humingi ng bail review, kaya itinakda ang susunod na pagdinig niya sa April 28 upang pag-usapan muli ang hiling niyang magpiyansa, at ang regular na pagdinig sa June 9.

Pindutin para sa detalye
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Kinasuhan si Sahagun ng overstay, o paglabag sa kondisyion ng kanyang visa, dahil na-terminate siya noong March 10, 2023 at dapat ay nakaalis na pagkalipas ng 14 araw, o noong March 24, o halos isang buwang overstay nang mahuli siya noong April 12.

Kinasuhan din siya ng possession of dangerous drug matapos makita sa kanyang gamit ang bawal na gamot nang masita siya sa harap ng gusali sa 9 Sai Yuen Lane sa Sai Wan noon ding April 12.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Hindi pa ibinunyag ng taga-usig ang uri at dami ng bawal na gamot dahil ito ay sinusuri pa sa Government Laboratory.

 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

 

 

Get flu jab, expert tells public

Posted on 20 April 2023 No comments

 

Top HK officials had flu jabs last year to encourage the public to do the same

A government health adviser has urged the public to get vaccinated against the flu, in the wake of a surge in severe cases of influenza in the past week.

According to Lau Yun-lung, chairman of the Scientific Committee on Vaccine Preventable Diseases, there were 25 severe cases of influenza reported in the second week of April alone, and more than 80 percent of the patients were not vaccinated.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Lau said in an interview on a radio program on Thursday that it has been three years since Hong Kong had a surge in flu cases, which means residents’ immunity to the seasonal disease is low.

He said elderly people should consider taking the recombinant influenza vaccine instead of the inactivated type as the former has been shown to give better protection to people in this age group.

He added the government has sufficient stock of the recombinant vaccine to inoculate up to 90,000 people.

Pindutin para sa detalye

He also said secondary school students have been put in the priority group list for receiving the vaccine to avoid having both Covid and flu outbreaks at schools, which could potentially paralyze the city’s health system.

On Wednesday, Hong Kong’s panel of experts issued recommendations for seasonal influenza vaccination for the 2023-2024 flu season with secondary school students remaining in the priority groups for the second year.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The others in the group are health care workers, persons aged 50 years or above, pregnant women, residents of residential care homes, persons with chronic medical problems, children and adolescents aged 6 months to under 18 years, poultry workers, as well as pig farmers and pig-slaughtering industry personnel.

Those in these categories can get the vaccine for free at any health clinics while subsidized flu shots are made available at certain designated private clinics for those not in the priority list.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

The panel noted that the number of flu cases had risen past the baseline threshold in early April, signaling the start of the influenza season in the city.

They recommended that everyone, except those with contraindications, should receive the vaccine annually for personal protection.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

They also said Covid-19 vaccines can be given at the same time as the flu jab to anyone who gives consent.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Tamasahin ang rangya ng palasyong Versaille dito sa HK

Posted on 20 April 2023 No comments
Isa sa virtual view sa Palace of Versailles

Ang Versailles sa bansang France ang isa sa pinaka-marangya at pinaka-malaking palasyo sa buong mundo, na idineklarang isa sa mga World Heritage Site at dinarayo ng milyon-milyong turista.

Pero para sa mga nasa Hong Kong, hindi na kailangang mangibang bansa para maranasan ang sukdulan ng luho na matatagpuan dito.

Kasama sa exhibit ang art collection ng palasyo

Tampok ang Palace of Versailles sa isang virtual exhibition na nagbukas noong Miyerkules (April 19) sa Hong Kong Heritage Museum sa Shatin.

Hinati ang exhibition sa anim na thematic sections: "Time Travel Versailles", "The Splendours of Versailles", "Versailles Style", "The Nature of Versailles", "Innovation at Versailles" and "A Day in Versailles".

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Sa pamamagitan ng 360-degree at high-definition panoramic video, makikita ang mga pinakatanyag na silid ng palasyo, gaya ng Hall of Mirrors, Royal Opera House at Venus Room.

Maririnig din ang binuong boses ni Haring Louis XIV, amuyin ang natatanging pabagong gamit sa palasyo na ginawa ng isang tanyag na French master perfumer.

Pindutin para sa detalye

Habang sakay ng bisikletang interactive, puwede ring ikutin ang mga royal park at garden sa paligid ng palasyo.

Ang exhibition ay makikita hanggang July 9 bilang parte ng ika-30 taong anibersaryo ng French May Arts Festival. $10 ang regular na bayad sa entrance. Bukas ang Heritage Museum araw-araw, bukod sa Martes.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Dinala ito sa Hong Kong sa pagtutulungan ng Leisure and Cultural Services Department, Hong Kong Heritage Museum, Palace of Versailles at ng French May Arts Festival.

Suportado rin ito ng Hong Kong Jockey Club Charities Trust, Kosulado ng France sa Hong Kong at Macau, BNP Paribas, LG OLED ART at Lumina Live!

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Dagdag na kaalaman sa exhibition ay mababasa sa: htttp://www.hk.heritage.museum/en_US/web/hm/exhibitions/data/exid277.html.

Tumawag sa 2180 8188 para magtanong.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang Hong Kong Heritage Museum at bukas tuwing Sabado, Linggo at piyesta opisyal mula 10am hanggang 7pm. Sarado ito tuwing Martes.

Sumakay lang ng bus 182 mula sa Central o sa MTR East Rail Line mula sa Admiralty at bumaba sa Che Kung Temple station at kunin ang Exit A. Tumawid sa isang maiksing tulay at lumakad nang bahagya papunta sa museum.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Kainuman ng Pilipinong nabaril habang inaaresto, kinasuhan din

Posted on 19 April 2023 No comments

 

Binasahan na ng kaso ang ikalawang akusado

Humarap sa Eastern Court kanina ang ikalawang Pilipinong sangkot sa pananakit ng pulis na rumesponde sa reklamong pag-iingay ng mga nag-iinuman sa isang flat sa Peng Chau, kung saan ang naunang akusado ay nabaril.

Binasahan si Cione Chris Sacdalan ng sakdal na pananakit sa isang pulis at paghadlang sa paggawa nito ng tungkulin noong gabi ng Jan. 24 sa isang 2nd floor na silid sa Wing On St sa Peng Chau.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Pinagsama ng taga-usig ang kaso ni Sacdalan at ang kasong pananakit sa dalawang pulis na isinampa laban kay Oliver Arimas, na nabaril at naospital matapos diumano niyang sakalin at itulak ang isa sa mga pulis na umaaresto sa kanya.

Sa pagdinig kanina, pinalaya si Sacdalan, 33 taong gulang, sa piyansang $2,000.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero si Arimas, isang negosyanteng 43 taong gulang, ay ibinalik sa kulungan nang hindi na umulit sa paghingi na payagang mag-piyansa.

Noong March 29 tinanggihan ng korte ang alok niyang $5,000 na piyansa upang mas maalagaan daw niya ang sugat niya at mabantayan ang tatlo niyang anak habang ang kanyang asawa ay nagtatrabaho sa isang beauty parlor sa Central.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Nauna nang sinabi ng taga-usig na kakasuhan ang isa pang Pilipino na kasama ni Arimas na nag-iinuman noong gabi ng insidente, at inaresto rin ngunit pinayagang magpiyansa ng mga pulis.

Pinayuhan sila ni Principal Magistrate Ivy Chui na kumunsulta sa pribadong abogado dahil malapit nang kunin ang kanilang pag-amin o pag-tanggi sa sakdal.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Itinakda niya ang susunod na pagdinig sa May 31.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

2 Filipinas found guilty of money laundering

Posted on 19 April 2023 No comments

By Daisy CL Mandap

This is how a bank account used for money laundering looks like

Two Filipinas broke down in tears after they were found guilty on two separate charges of money laundering by Magistrate Vivian Ho at Eastern Court this afternoon.

Hazel V. Gepulgani, 33, sobbed as she heard the verdict while her fellow defendant, Marissa C. Mesa, 46, cried quietly.

Both were immediately taken into custody to await their respective sentences on May 4 at 2:30pm.

Gepulgani managed to hug her tearful sister who was in court, while Mesa was comforted by her employers who had stood by her side throughout her trial and had cried with her before the hearing started, apparently prepared for the worst.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

About $1.35 million was found in both their HSBC bank accounts, which a key prosecution witness said was part of some $2 million that she was told to deposit to various accounts by a man who claimed to have sent her a valuable parcel for which she had to pay customs and other duties.

Three other Filipinas implicated in the scam had earlier pleaded guilty to the same offence and were sentenced to between two and eight months in jail.

Gepulgani who did not give evidence, was found guilty of one count ot “dealing with property known or believed to be proceeds of an indictable offense,” as a result of $281,400 being deposited in her HSBC ATM account from June 13, 2020 to June 18, 2020.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

She had claimed she lost her ATM card in Wanchai market, shortly after she opened a savings account at HSBC. She said she rolled up her ATM along with a piece of paper with her PIN on it, and stuffed them inside a shopping bag from which they must have fallen.

She said she never bothered reporting the loss to the bank as she no longer felt the need to have an account, or checked if any transactions were made using it.

Mesa was acquitted of conspiracy to deal with ill-gotten money, but was found guilty on the alternative charge of dealing directly with proceeds of a crime.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

A total of $1,075,781 was found to have gone through her HSBC savings account between Apr 21, 2020 and May 25, 2020.

Mesa’s defence was that a longtime friend called Elsa had asked her to open the said account, and had asked for her ATM card without paying her anything.

However, Mesa said in court that she did borrow $1,000 from Elsa two days later to pay for services she had at a beauty parlor.

She contested a statement she gave to the police earlier, in which she admitted accepting $1,000 from Elsa in exchange for surrendering her ATM card. She said she had been tired, hungry and scared when she made the confession.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Her female employer gave testimony to vouch for Mesa’s honesty, and also said the helper and Elsa, who could no longer be found, were longtime friends.

In dismissing their claims, Magistrate Ho said she found both defendants untruthful and unreliable.

In Gepulgani’s case, the magistrate said she found it incredible that the Filipina did not notice the thick rolled-up documents faling from her bag while she did her marketing.

Ho also noted that Gepulgani had said that she opened a bank account to keep her money safe as she was sharing a room with a co-worker. Thus, it was “contradictory and unbelievable” that after she lost her ATM card she suddenly thought she no longer needed a bank account.

It also did not sound right that she never bothered to check her account when she was physically in Hong Kong and was given an email address and phone number that she could call to report the loss.

In Mesa’s case, the magistrate noted that she had displayed “unbelievable and unreasonable behavior,” particularly when she said she and Elsa never talked about money and bank accounts, yet she readily gave in to a request for her to open an account with HSBC.

Her claim that it took her three days to hand over the ATM to Elsa also sounded incredible, given that they were seeing each other six times a week, said the magistrate.

She also noted that during cross-examination Mesa often said she was confused or her mind had blanked when asked difficult questions.

In contrast, the two prosecution witnesses were described by the magistrate as reliable. PW2, a police officer, testified in a “simple, straightforward manner” and the procedure he described as having been taken after Mesa was arrested was fair.

In mitigation, the two defense lawyers said the defendants both had clear records and had family to support back in the Philippines.

Gepulgani, who has been jobless since June 2020, is married to a fellow overseas worker who is based in Oman. They have three children who are being looked after her mother.

Mesa, on the other hand, is a single mother to three grown-up children who are in the care of her parents. Her lawyer said what the defendant did was totally out of character, as was attested to by her employers.

He asked for “maximum leniency” in sentencing her.

In response, the magistrate said the offences called for an immediate custodial sentence, but ordered for background reports on the defendants prior to sentencing.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Don't Miss