Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Workers can no longer be compelled to get Covid-19 vaccine

Posted on 16 June 2023 No comments

 

From today, it is again illegal to force an employee to get vaccinated against Covid-19

Hong Kong has repealed a provision under the Employment Ordinance that allows employers to sack workers - foreign domestic helpers included - who do not want to get vaccinated against Covid-19.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Pindutin para sa detalye

A statement released by the government said, "Starting from today, there is no longer any provision under the Employment Ordinance relating to vaccination request. Any such request made under the Employment Ordinance prior to this date ceases to have effect.”

EXTENDED TO JUNE 30!!

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

The government earlier announced that following the removal of the vaccine pass requirement, the vaccination provisions introduced in the EO in June 2022 will be repealed from today, June 16, 2023.

Previously, employees who failed to comply with a legitimate vaccination request by an employer was a “valid reason” for dismissal or variation of a contract.

BASAHIN DITO

Employers are now advised that the vaccination requests they made earlier will cease to have effect from today.

This means, workers can no longer be dismissed for failing to comply with such a request, even if their employer had managed to obtain permission to enforce such an action previously.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Dalawang Pinay, kinasuhan ng drug trafficking

Posted on 15 June 2023 No comments

 

Babalik sa korte and dalawa sa pagpapatuloy ng kanilang kaso

Dalawang Pilipina ang humarap sa Eastern Magistracy kanina upang harapin ang magkahiwalay na kasong pangangalakal sa droga (o trafficking in dangerous drugs).

Matapos ng maikling pagharap sa magkaibang korte, ipinagpaliban sa magka-ibang petsa ang dalawang kaso – sa June 21 ang para kay Thelma Lobo, 57 taon gulang, at sa Aug. 17 naman ang kay Chymbelyn Cadelina, 39 taong gulang.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Kinasuhan si Lobo ng drug trafficking o paglabag sa Dangerous Drugs Ordinance, matapos siyang mahuli noong May 31 sa unang palapag ng isang gusali sa Tin Hong Lane sa Central.

Nahaharap din siya sa kasong overstaying, o paglabag sa Immigration Ordinance, matapos mabisto ang kanyang kalagayan habang iniimbestigahan sa Central Police Station.

EXTENDED TO JUNE 30!!

Ayon sa dokumento mula sa korte, dumating siya noong 2013 at binigyan lang ng hanggang Nov. 26, 2013 para manatili sa Hong Kong, pero hindi siya umalis hanggang nahuli pagkaraan ng sampung taon.

Inutos ni Principal Magistrate Ivy Chui na ibalik si Lobo sa kulungan matapos tanggihan ang alok nitong $3,000 bilang piyansa, dahil wala namang nagbago sa sitwasyon.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Itinakda ni Chui sa June 21 ang susunod na pagdinig sa hiling niyang mapalaya nang pansamantala.

Isinakdal si Cadelina, kasama ang Bangladeshi na si Amit Foysal, 41 taong gulang, ng pangangalakal ng droga matapos na mahuli sila sa 13th floor ng Mirador Mansion sa Tsim Sha Tsui nong Nov. 14, 2022.

BASAHIN DITO

Nasamsam sa kanila ang crystal na may bigat na 30.64 gramo. Nang suriin sa Government Laboratory nalamang naglalaman ito ng 30.2 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu.

Ibinalik din ang dalawa sa kulungan upang doon hintayin ang susunod na pagdinig.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PhilHealth, magbibigay serbisyo sa Konsulado sa Linggo

Posted on No comments
Paalala mula sa Konsulado

Nakatakdang magbigay ng serbisyo at sumagot sa mga katanungan ang mga taga PhilHealth sa Konsulado ngayong darating na Linggo, June 18, mula 9am hanggang 4pm.

Pwede ang mag walk-in sa mismong araw para makasama sa PhilHealth Service Mission. Paalala lang nila, dalhin ang mga kaukulang dokumento.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ang mga serbisyong maaring makuha ay ang pag mimiyembro sa PhilHealth, pagpalit sa record (katulad ng pagtama sa pangalan na nakarehistro at pagpalit ng civil status), pagtanggap ng claim ng mga nagkasakit habang nasa Hong Kong at pagbigay ng member’s ID.

EXTENDED TO JUNE 30!!

Matatandaan na matinding inalmahan ng mga overseas Filipino workers ang batas na nagtatalaga ng pwersahang pagpapamiyembro at pagbabayad nila para sa PhilHealth, na sa ngayon ay nasa 4% ng buwanang suweldo.

Pero dahil nasa batas pa rin ang sapilitang pagbabayad ng mga OFW sa PhilHealth ay maari pa rin itong ipatupad anumang sandal.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Bilang paglilinaw sa mga isyung may kinalaman sa pambansang health insurance provider, magsasagawa din sila ng orientation para sa mga lider ng Filipino community sa Hong Kong sa kaparehong araw, 4:30pm, sa Konsulado.

May imbitasyon mula sa Konsulado para sa pag-uusap na ito, at ang makakatanggap ay kailangang magparehistro agad dahil limitado ang bilang ng mga upuan.

BASAHIN DITO

Narito naman ang link sa mga serbisyong ibibigay ng PhilHealth, at kung ano-anong dokumento ang dapat na dalhin:

https://drive.google.com/file/d/1BOGScRlEi940YvIEt1_EqsT7PU9N2F8E/view?fbclid=IwAR2ydvq67M4e3_fRWiK7KL6-JPmiP77ecC9XmHHiPNe8iutYZ3ZgufYl0iw

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Balik-pila na naman para sa OEC

Posted on No comments
Si ALA Sunga (nakaharap) habang nagpapaliwanag sa mga dumagsang aplikante ng OEC

Bumalik muli ang siksikan sa Migrant Workers Office dahil sa dami ng mga kumukuha ng overseas employment certificate o OEC, na kailangan ng lahat ng pauwing migranteng manggagawa para makabalik sila sa kani-kanilang mga trabaho sa ibang bansa.

Paliwanag ni Assistant Labor Attache Angelica Sunga, sila man ay nagulat sa biglang pagdagsa ng mga aplikante nitong Martes at Miyerkules.

“Sobrang daming tao po talaga ngayon. Akala po namin kahapon ay dahil nag holiday lang kaya madami, pero this morning madami pa din talaga, sabi ni ALA Sunga.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Sarado ang Konsulado at MWO noong Biyernes hanggang Lunes, na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Dagdag ni ALA, baka ito na ang umpisa ng graduation season, kung kailan maraming OFW ang nagsisipag-uwian dahil may anak na magtatapos sa eskwela.

Ayon pa sa kanya, 90% ng mga aplikante ay walang appointment kaya kailangan pa nilang tulungan na gumawa ng account bago makapag apply ng OEC, dahilan para lalong tumagal ang pag-aasikaso nila sa lahat.

Ani ALA Sunga, hihingi sila ng tulong sa DMW sakaling magpatuloy ang siksikan para sa OEC

Isa si Beth D. sa mga naghintay nang ilang oras sa MWO (dating Polo) sa 29th floor ng United Centre nang magpunta siya doon kahapon, Miyerkules, para kumuha ng OEC para sa kanyang nalalapit na bakasyon.

“Kumukuha ako ng OEC, grabe ang pila, kahit buong araw di ka matatapos,” balita ni Beth,na noon ay nanghihina pa ang buong katawan dahil galing sa trangkaso.

Nilakipan niya ang mensahe ng mga litrato kung saan makikita si ALA Sunga na mukhang aligaga sa pagkausap sa mga aplikante na hindi pa makapasok sa loob dahil walang appointment.

EXTENDED TO JUNE 30!!

Dahil sa dami ng mga walk-in ay mas lalong tumatagal ang kanilang paghihintay dahil kailangang unahin muna yung mga may appointment.

Ayon kay Beth, sa haba ng pila ay pati yung mga dumating doon noon pang umaga ay nandoon pa rin kahit 3:30 na ng hapon, at 30 minuto na lang bago ang regular na oras ng pagsasara ng MWO.

Dahil sa pag-alala niya na hindi na niya matapos ang pagkuha ng OEC ay bumaba si Beth sa 2nd floor ng United Centre at nagbayad ng $50 para gawan siya ng appointment at magpa print na rin ng kanyang kailangang dokumento bago bumalik para makapila sa mga may appointment..

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

"Sobrang haba ng pila, masama ang pakiramdam ko kaya ayaw kong maghintay nang sobrang tagal," paliwanag niya.

Inabot din daw siya ng tatlong oras bago niya nakuha ang papel na magsisilbing pases niya para masiguro ang kanyang pagbabalik sa Hong Kong pagkatapos ng bakasyon.

Kopya ng OEC, na oras ang inabot bago makuha  

“Tapos na po ako,” balita niya. “Nagbayad na lang ako para magpa appointment at print para medyo madali dahil kapag ipila ko lahat aabutin ako ng gabi,” sabi niya.

Ayon naman kay Sunga sadyang napapabilis na ang pag-asikaso sa mga aplikante sa hapon dahil kapag naubos na yung kanilang mga kliyente sa ibang section ay nililipat nila ang mga nabakanteng tauhan sa OEC processing.

Sa ngayon ay oobserbahan daw muna nila kung magpapatuloy ang pagdami ng mga aplikante sa mga ordinaryong araw, pero naghahanda na rin sila na manghingi ng dagdag na tao mula sa Department of Migrant Workers sa Maynila, sakaling patuloy silang dagsain.

BASAHIN DITO

Ginawa na daw nila ito noong Disyembre ng nakaraang taon dahil dinumog din sila ng mga pauwing OFW matapos tanggalin ng Hong Kong ang mga mahigpit nitong panuntunan para maiwasan ang pagkalat ng Covid-19.

Kamakailan lang ay bumisita ang mga opisyal ng DMW sa Hong Kong, at sinabing pabor sila sa pagtatanggal ng OEC dahil may iba namang paraan para mapatunayan na OFW ang isang paalis ng bansa. Pero wala na muling nabalitaan tungkol dito magmula noon.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

HK set to announce details of labour import scheme

Posted on 14 June 2023 No comments

 

The biggest quota of 12,000 will be allotted for the construction industry

Chief Executive John Lee said earlier today, Tuesday, that the government’s plans for importing workers to ease shortages in certain sectors will be unveiled soon. 

Speaking to reporters before this morning’s Executive Council meeting, CE Lee said the importation of labour is crucial to Hong Kong’s economic development and competitiveness.

But he assured that this is a temporary measure and that the government will only allow the importation of workers in sectors where there are manpower shortages, and they will receive no less than what local employees are paid on average. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

The CE stressed that the government will continue protecting the job security of local workers, and will nurture and attract local talents by stepping up vocational training and improving the working environment.

Yesterday, the government announced plans to allow the hiring of up to 12,000 foreign workers for the construction sector and 8,000 for transport, while the airport will be given permission to import up to 6,000 staff.

This is on top of the 3,000 imported caregivers who should start joining the local workforce anytime soon.

EXTENDED TO JUNE 30!!

Meanwhile, the hotel and catering industry is also pushing for an industry-specific labour importation scheme to fill the more than 9,000 vacancies in their sector, including those for room attendants, cleaners, waiters, chefs and front desk staff.

For the construction industry, priority will be given to those who will be hired for key infrastructure projects like the railway.

Those aiming to be hired from abroad as drivers will be required to take lessons on such topics as driving courtesy, and pass the Hong Kong driving test before being allowed to fill the transport quota.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

According to the Transport Department it will soon set up an express lane for would-be imported drivers to facilitate their enrolment for driving lessons and test.

The CE said that before the government decided to push through with the labour importation project, the views of representatives of different sectors were sought.

"In the course of making all these assessments, the policy bureaux and the responsible officials have been talking and listening to views by representatives of different sectors," he said.

BASAHIN DITO

Meanwhile Secretary for Labour and Welfare Chris Sun said the government will be updating the  Labour Advisory Board every six months on the progress of the scheme, and will continue seeking its views and suggestions. 

Sun also said the relaxation of restrictions on foreign hiring in 26 job categories will last for only two years.

He also said that employers will be required to prove that no local workers can be hired to fill the posts offered to imported workers.

“So, it is not for sure that their applications will be processed. What we are allowing them now is, for these 26 categories of jobs, at least they can make an application, but the prerequisite is they have to prove there is a local shortage, said Sun.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

2 Pinay, dawit sa money laundering

Posted on No comments

 

Iaakyat sa District Court ang kasong dininig ngayon sa Eastern Magistracy

Magkakasamang kinasuhan ng money laundering sa Eastern Court kanina ang dalawang Pilipinang domestic helper at isang lalaking Intsik dahil dumaan sa kani-kanilang bank account ang malalaking halaga ng pera na hinihinalang galing sa krimen.

Agad pinayagan ni Principal Magistrate Ivy Chui si Richel Gania, 45 taong gulang, at Rachel Galvadores, 47 taong gulang, na mag-piyansa ng tig $5,000 at ang kasama nila sa kaso na si Wong Chi Tang, 37 taong gulang, na maglagak ng $20,000 para sa kanilang pansamantalang paglaya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ipinagpaliban din ni Magistrate Chui sa July 26 ang susunod na pagdinig upang pag-usapan ang mga kondisyon sa pag-aakyat ng kaso ng tatlo sa District Court, na kinailangan dahil sa laki ng halaga ng perang sangkot.

Ang tatlo ay sinampahan ng kasong “Dealing with property known or believed to represent proceeds of indictable offence” o paggamit ng ari-ariang galing sa isang krimen, na paglabag sa Organized and Serious Crimes Ordinance ng Hong Kong.

EXTENDED TO JUNE 30!!

Ayon sa kasong inihain ng HK Police, dumaan sa account ni Gania sa Hang Seng Bank ang hinihinalang galing sa krimen na $189,110.04 sa pagitan ng April 1, 2018 at Nov. 1, 2020.

Kinasuhan naman si Galvadores dahil lumabas at pumasok sa kanyang Hang Seng Bank account ang kalahatang $577,302 mula April1, 2018 hanggang Nov. 20, 2020.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Si Wong, na isang decoration worker, ay inakusahang humawak ng perang galing sa krimen na may halagang $3,667,329.22, na dumaan sa kanyang China Bank account mula April 1, 2018 hanggang March 2020.

BASAHIN DITO

Kasama sa piyansa ang mga kondisyong hindi aalis ng Hong Kong ang tatlo, na magre-report sila sa malapit na police station dalawang beses isang linggo at hindi nila kokontakin ang mga posibleng maging testigo laban sa kanila.

 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Don't Miss