Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

15 katao, naaresto sa bagong operasyon kontra ilegal na pagtatrabaho

Posted on 17 June 2023 No comments
Ang ilan sa mga naaresto noong nakaraang linggo sa patuloy na operasyon ng Immigration

May 15 katao na naman ang naaresto sa magkakasunod na raid kontra sa pagtatrabaho ng ilegal na isinagawa ng Immigration Department mula June 12 hanggang Huwebes, June 15, sa iba-ibang parte ng Hong Kong.

Ayon sa pahayag ng Immigration kahapon, 11 sa mga naaresto ay pinaghihinalaang mga illegal worker, dalawa ang employer at dalawa ang overstayer.

Sa naunang raid na isinagawa sa 29 na lugar kabilang ang car park, massage parlor, mga pribadong tahanan, restaurant, mga shop at puwesto sa palengke, walong pinagdududahang illegal worker ang hinuli, kasama ang dalawang employer.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ang mga trabahador ay kinabibilangan ng apat na lalaki at apat na babae, edad 31 hanggang 57. Tatlo sa mga ito ay may hawak na “recognizance paper” o patunay na tinututulan nila ang pwersahang pagpapauwi sa kanila.

Ang kanilang mga employer naman ay parehong lalaki, edad 49 at 63.

Pindutin para sa detalye
Sa sumunod na raid naman, 68 na lugar ang pinasok sa Eastern District, Hung Hom at Kowloon City, kabilang ang mga masahian, kainan at tindahan.

Inaresto ang dalawang pinagsususpetsahang nagtatrabaho ng illegal, isang lalaki at isang babae, edad 48 at 49. Ang babae ay nakitaan din daw ng pekeng HKID card.

BASAHIN ANG DETALYE

May dalawang babae din na nabistong overstay na, edad 21 at 23.

Sa pinakahuling operasyon na isinagawa sa Sheung Shui, isa muling turista galing ng Mainland ang inaresto sa salang paglabag ng kanyang visa dahil nakitang nagtitinda sa kalsada ng samu’t saring gamit sa bahay.

EXTENDED TO JUNE 30!!

Muli ay nagpaalala ang Immigration na mahigpit na pinagbabawal sa Hong Kong ang pagtatrabaho ng walang kaukulang visa o pahintulot ng Immigration Department.

Ang pinakamataas na parusa sa simpleng pagtatrabaho ng illegal ay 15 buwang pagkakakulong at multa na $30,000.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Mas mabigat ang parusa sa mga turista, na maaring makulong ng hanggang dalawang taon at pagmultahin ng $50,000. Kung overstayer naman, ang kulong ay maaarig umabot ng hanggang tatlong taon.

Mas malalang kaso ang paggamit ng mga pekeng dokumento katulad ng HKID card dahil ang parusa dito ay hanggang 10 taong kulong at multa na $100,000.

BASAHIN DITO

Ganitong kahaba na kulong din ang haharapin ng mga nagpapatrabaho ng illegal, bukod pa sa multang maaring umabot sa $500,000.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

MAY FREE TRAVEL BAG PAG NAG SMARTONE KA!

Posted on 16 June 2023 No comments

 


Isa sa pinakaimportanteng kasama ng mga OFW para mas maging maginhawa at masaya ang buhay sa HK ay ang mobile network o SIM card. Dito papasok si Barkadahan, ang most used network sa Pinoy community!

Ito ang SIM card na ginawa ni SmarTone para sa mga OFW. Lahat ng kailangan mo nandito na, mula sa internet plans na murang halaga na unlimited pa, pasa load pa para sa Pamilya at mga loyalty points pwede  maka-redeem FREE gifts na pang OFW.

Gaya ng appliances, gadgets, Food e-vouchers, Door to door boxes, Beauty products at marami pang iba.

Basta gamitin ang SIM at magkakapoints ka. Lahat ng ito sa bonggang My SIM Account App https://wap.smartone.com/bssapp/ na pang manage ng Barkadahan SIM.

At para naman mas masayahan ka pag nag SmarTone ka, may regalo kami para sayo. Pag bumili ng Barkadahan sa SmarTone $50 SIM + $50 Recharge Voucher may FREE TRAVEL BAG ka na worth $99! 6 pc set bagay sayo pang travel. While stocks last ito!

Dali! Punta na sa Barkadahan store Central, shop 159, World Wide House o sa Yuen Long sa 1/F Jollibee Shopping Arcade, Castle Peak Road. May tanong? Mag WhatsApp sa https://wa.me/85294478231

3 Pilipina, tumangging nagtrabaho nang bawal

Posted on No comments

 

Lilitisin ang tatlo sa Aug 1-2

Tatlong Pilipina na inaresto Immigration Department at HK Police sa isang raid noong Agosto bilang parte ng kanilang kampanya laban sa bawal na pagtatrabaho, ang tumanggi kanina sa kasong inihain laban sa kanila sa Eastern Magistracy.

Isa-isang binasahan ng kanya-kanyang asunto sina Mary Jean Batalla, Myrna Reyes at Rowena Abelido at lahat ay sumagot ng “Not guilty”.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Dahil dito, itinakda ni Principal Magistrate Ivy Chui ang paglilitis ng tatlo sa Aug. 1-2, sabay payo na magpunta agad sila sa opisina ng Duty Lawyer Service sa ikalawang palapag ng gusali, upang paghandaang mabuti ang kanilang depensa.

Si Batalla, 52 taong gulang, ay inakusahan ng pagtitinda ng inuming nakalalasing nang walang lisensya matapos na siya ay arestuhin noong Aug. 15, 2022 sa 8th floor ng Fai Man Bldg., sa Ale-ale sa Central.

Pindutin para sa detalye

Nahuli siyang nagtitinda diumano ng siyam na bote ng inuming may sangkap na alkohol, na paglabag sa Dutiable Commodities Ordinance.

Nabisto rin na nag-overstay siya sa kanyang visa, na ipinagbabawal naman sa ilalim ng Immigration Ordinance. Ayon sa tagausig, 14 na taon nang overstay si Batalla. 

EXTENDED TO JUNE 30!!

Nahuli din sa araw at lugar na iyon si Myrna Reyes, 33 taong gulang, na nagtitinda din diumano ng 9 na bote ng inuming nakakalasing ng walang lisensya. 

Maliban dito, mayroon ding removal order laban sa kanya, o utos na paalisin na siya sa Hong Kong. Ang pagtatrabaho habang may ganitong utos laban sa kanya ay isa ring paglabag sa Immigration Ordinance.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ganito rin ang sitwasyon ni Abelido, 42 taong gulang, na kinasuhan din ng ilegal na pagtatrabaho kahit may utos nang siya ay pauwiin.

Ang tatlo ay kasama sa 19 na nahuli sa magkakasunod na operasyon na isinagawa ng Immigration at Police noong Aug. 15-19 sa 157 na establisimyento sa iba’t ibang parte ng Hong Kong.

BASAHIN DITO

Ayon sa report, 10 sa kanila ay kinasuhan ng pagtatrabaho nang labag sa batas, anim na employer, isang tumutulong sa ilegal na pagtatrabaho , isang overstayer at isang illegal immigrant mula sa China.

Kasama sa mga ni-raid ang mga tindahan, kainan, shop na ginagawa, recycling yard, pribadong bahay, pagawaan ng sasakyan, bodega at shopping mall.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS


Workers can no longer be compelled to get Covid-19 vaccine

Posted on No comments

 

From today, it is again illegal to force an employee to get vaccinated against Covid-19

Hong Kong has repealed a provision under the Employment Ordinance that allows employers to sack workers - foreign domestic helpers included - who do not want to get vaccinated against Covid-19.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Pindutin para sa detalye

A statement released by the government said, "Starting from today, there is no longer any provision under the Employment Ordinance relating to vaccination request. Any such request made under the Employment Ordinance prior to this date ceases to have effect.”

EXTENDED TO JUNE 30!!

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

The government earlier announced that following the removal of the vaccine pass requirement, the vaccination provisions introduced in the EO in June 2022 will be repealed from today, June 16, 2023.

Previously, employees who failed to comply with a legitimate vaccination request by an employer was a “valid reason” for dismissal or variation of a contract.

BASAHIN DITO

Employers are now advised that the vaccination requests they made earlier will cease to have effect from today.

This means, workers can no longer be dismissed for failing to comply with such a request, even if their employer had managed to obtain permission to enforce such an action previously.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Dalawang Pinay, kinasuhan ng drug trafficking

Posted on 15 June 2023 No comments

 

Babalik sa korte and dalawa sa pagpapatuloy ng kanilang kaso

Dalawang Pilipina ang humarap sa Eastern Magistracy kanina upang harapin ang magkahiwalay na kasong pangangalakal sa droga (o trafficking in dangerous drugs).

Matapos ng maikling pagharap sa magkaibang korte, ipinagpaliban sa magka-ibang petsa ang dalawang kaso – sa June 21 ang para kay Thelma Lobo, 57 taon gulang, at sa Aug. 17 naman ang kay Chymbelyn Cadelina, 39 taong gulang.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Kinasuhan si Lobo ng drug trafficking o paglabag sa Dangerous Drugs Ordinance, matapos siyang mahuli noong May 31 sa unang palapag ng isang gusali sa Tin Hong Lane sa Central.

Nahaharap din siya sa kasong overstaying, o paglabag sa Immigration Ordinance, matapos mabisto ang kanyang kalagayan habang iniimbestigahan sa Central Police Station.

EXTENDED TO JUNE 30!!

Ayon sa dokumento mula sa korte, dumating siya noong 2013 at binigyan lang ng hanggang Nov. 26, 2013 para manatili sa Hong Kong, pero hindi siya umalis hanggang nahuli pagkaraan ng sampung taon.

Inutos ni Principal Magistrate Ivy Chui na ibalik si Lobo sa kulungan matapos tanggihan ang alok nitong $3,000 bilang piyansa, dahil wala namang nagbago sa sitwasyon.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Itinakda ni Chui sa June 21 ang susunod na pagdinig sa hiling niyang mapalaya nang pansamantala.

Isinakdal si Cadelina, kasama ang Bangladeshi na si Amit Foysal, 41 taong gulang, ng pangangalakal ng droga matapos na mahuli sila sa 13th floor ng Mirador Mansion sa Tsim Sha Tsui nong Nov. 14, 2022.

BASAHIN DITO

Nasamsam sa kanila ang crystal na may bigat na 30.64 gramo. Nang suriin sa Government Laboratory nalamang naglalaman ito ng 30.2 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu.

Ibinalik din ang dalawa sa kulungan upang doon hintayin ang susunod na pagdinig.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PhilHealth, magbibigay serbisyo sa Konsulado sa Linggo

Posted on No comments
Paalala mula sa Konsulado

Nakatakdang magbigay ng serbisyo at sumagot sa mga katanungan ang mga taga PhilHealth sa Konsulado ngayong darating na Linggo, June 18, mula 9am hanggang 4pm.

Pwede ang mag walk-in sa mismong araw para makasama sa PhilHealth Service Mission. Paalala lang nila, dalhin ang mga kaukulang dokumento.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ang mga serbisyong maaring makuha ay ang pag mimiyembro sa PhilHealth, pagpalit sa record (katulad ng pagtama sa pangalan na nakarehistro at pagpalit ng civil status), pagtanggap ng claim ng mga nagkasakit habang nasa Hong Kong at pagbigay ng member’s ID.

EXTENDED TO JUNE 30!!

Matatandaan na matinding inalmahan ng mga overseas Filipino workers ang batas na nagtatalaga ng pwersahang pagpapamiyembro at pagbabayad nila para sa PhilHealth, na sa ngayon ay nasa 4% ng buwanang suweldo.

Pero dahil nasa batas pa rin ang sapilitang pagbabayad ng mga OFW sa PhilHealth ay maari pa rin itong ipatupad anumang sandal.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Bilang paglilinaw sa mga isyung may kinalaman sa pambansang health insurance provider, magsasagawa din sila ng orientation para sa mga lider ng Filipino community sa Hong Kong sa kaparehong araw, 4:30pm, sa Konsulado.

May imbitasyon mula sa Konsulado para sa pag-uusap na ito, at ang makakatanggap ay kailangang magparehistro agad dahil limitado ang bilang ng mga upuan.

BASAHIN DITO

Narito naman ang link sa mga serbisyong ibibigay ng PhilHealth, at kung ano-anong dokumento ang dapat na dalhin:

https://drive.google.com/file/d/1BOGScRlEi940YvIEt1_EqsT7PU9N2F8E/view?fbclid=IwAR2ydvq67M4e3_fRWiK7KL6-JPmiP77ecC9XmHHiPNe8iutYZ3ZgufYl0iw

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Balik-pila na naman para sa OEC

Posted on No comments
Si ALA Sunga (nakaharap) habang nagpapaliwanag sa mga dumagsang aplikante ng OEC

Bumalik muli ang siksikan sa Migrant Workers Office dahil sa dami ng mga kumukuha ng overseas employment certificate o OEC, na kailangan ng lahat ng pauwing migranteng manggagawa para makabalik sila sa kani-kanilang mga trabaho sa ibang bansa.

Paliwanag ni Assistant Labor Attache Angelica Sunga, sila man ay nagulat sa biglang pagdagsa ng mga aplikante nitong Martes at Miyerkules.

“Sobrang daming tao po talaga ngayon. Akala po namin kahapon ay dahil nag holiday lang kaya madami, pero this morning madami pa din talaga, sabi ni ALA Sunga.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Sarado ang Konsulado at MWO noong Biyernes hanggang Lunes, na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Dagdag ni ALA, baka ito na ang umpisa ng graduation season, kung kailan maraming OFW ang nagsisipag-uwian dahil may anak na magtatapos sa eskwela.

Ayon pa sa kanya, 90% ng mga aplikante ay walang appointment kaya kailangan pa nilang tulungan na gumawa ng account bago makapag apply ng OEC, dahilan para lalong tumagal ang pag-aasikaso nila sa lahat.

Ani ALA Sunga, hihingi sila ng tulong sa DMW sakaling magpatuloy ang siksikan para sa OEC

Isa si Beth D. sa mga naghintay nang ilang oras sa MWO (dating Polo) sa 29th floor ng United Centre nang magpunta siya doon kahapon, Miyerkules, para kumuha ng OEC para sa kanyang nalalapit na bakasyon.

“Kumukuha ako ng OEC, grabe ang pila, kahit buong araw di ka matatapos,” balita ni Beth,na noon ay nanghihina pa ang buong katawan dahil galing sa trangkaso.

Nilakipan niya ang mensahe ng mga litrato kung saan makikita si ALA Sunga na mukhang aligaga sa pagkausap sa mga aplikante na hindi pa makapasok sa loob dahil walang appointment.

EXTENDED TO JUNE 30!!

Dahil sa dami ng mga walk-in ay mas lalong tumatagal ang kanilang paghihintay dahil kailangang unahin muna yung mga may appointment.

Ayon kay Beth, sa haba ng pila ay pati yung mga dumating doon noon pang umaga ay nandoon pa rin kahit 3:30 na ng hapon, at 30 minuto na lang bago ang regular na oras ng pagsasara ng MWO.

Dahil sa pag-alala niya na hindi na niya matapos ang pagkuha ng OEC ay bumaba si Beth sa 2nd floor ng United Centre at nagbayad ng $50 para gawan siya ng appointment at magpa print na rin ng kanyang kailangang dokumento bago bumalik para makapila sa mga may appointment..

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

"Sobrang haba ng pila, masama ang pakiramdam ko kaya ayaw kong maghintay nang sobrang tagal," paliwanag niya.

Inabot din daw siya ng tatlong oras bago niya nakuha ang papel na magsisilbing pases niya para masiguro ang kanyang pagbabalik sa Hong Kong pagkatapos ng bakasyon.

Kopya ng OEC, na oras ang inabot bago makuha  

“Tapos na po ako,” balita niya. “Nagbayad na lang ako para magpa appointment at print para medyo madali dahil kapag ipila ko lahat aabutin ako ng gabi,” sabi niya.

Ayon naman kay Sunga sadyang napapabilis na ang pag-asikaso sa mga aplikante sa hapon dahil kapag naubos na yung kanilang mga kliyente sa ibang section ay nililipat nila ang mga nabakanteng tauhan sa OEC processing.

Sa ngayon ay oobserbahan daw muna nila kung magpapatuloy ang pagdami ng mga aplikante sa mga ordinaryong araw, pero naghahanda na rin sila na manghingi ng dagdag na tao mula sa Department of Migrant Workers sa Maynila, sakaling patuloy silang dagsain.

BASAHIN DITO

Ginawa na daw nila ito noong Disyembre ng nakaraang taon dahil dinumog din sila ng mga pauwing OFW matapos tanggalin ng Hong Kong ang mga mahigpit nitong panuntunan para maiwasan ang pagkalat ng Covid-19.

Kamakailan lang ay bumisita ang mga opisyal ng DMW sa Hong Kong, at sinabing pabor sila sa pagtatanggal ng OEC dahil may iba namang paraan para mapatunayan na OFW ang isang paalis ng bansa. Pero wala na muling nabalitaan tungkol dito magmula noon.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Don't Miss