Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

$2.37M na kasong pagnanakaw laban sa 2 Pinay, iaakyat sa District Court

Posted on 21 June 2023 No comments

 

Lampas sa sakop ng Magistracy ang krimen

Iaakyat sa District Court ang kaso ng dalawang Pilipinang akusado sa pagnanakaw ng $2.37 million na kabuuang halaga ng relo at alahas sa kanilang amo na taga Kowloon City.

Sa isang pagdinig kanina sa Kowloon City Magistracy, sinabi ng taga-usig na tapos na ang imbestigasyon ng pulis at handa na rin ang kaso laban kina Bernadette Paranas at Gina Quinones, 39 at 33 taong gulang.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
BASAHIN ANG DETALYE

Humingi rin ito ng isa pang pagdinig upang pormal na ilipat ang kaso sa mas mataas na hukuman.

Itinakda ni Acting Principal Magistrate Peony Wong sa July 19 ang susunod na pagdinig bilang pag-lilipat ng kaso sa District Court, dahil ang parusa sa krimeng ito ay mas mataas sa pwede niyang ipataw, na dalawang taong pagkabilanggo o multang $100,000.

Pindutin para sa detalye
EXTENDED TO JUNE 30!!

At dahil hindi humiling ang dalawa na payagan silang mag piyansa, ibinalik sila sa kulungan.

Sina Paranas at Quinones ay inakusahang nagnakaw ng walong mamahaling relo, isang bracelet at isang gintong singsing na may kabuuang halagang $2.37 million.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS
BASAHIN DITO

Naganap diumano ang pagnanakaw sa pagitan ng May 2021 at Nov. 26, 2022 sa isang flat sa Sheung Shing Court sa Kowloon City.

Sinampahan sila ng Kowloon City Police ng paglabag sa Section 9 ng Theft Ordinance, na nagpapataw ng hanggang 10 taong pagkabilanggo sa ganitong klase ng krimen.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Epekto ng sunog sa Manila Post Office ramdam pa rin sa HK

Posted on 20 June 2023 No comments

 

Kuha ng Rappler habang nasusunog ang Central Post Office sa Maynila

Nag-anunsyo ngayon ang Hongkong Post na maaantala ang mga sulat at iba pang padala papunta at galing sa Maynila.

Ito ay isa sa epekto ng sunog noong May 22 na tumupok sa Central Post Office sa gitna ng Plaza Lawton sa Maynila. Ayon sa report nagsimula ang sunog matapos pumutok ang isang baterya sa basement ng gusali.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ang epekto ng sunog ay nararamdaman na rin ng ilang Pilipina sa Hong Kong.

Noong April 30 at May 1 at nagkaroon ng libreng eye check up ang Facebok chat group na Social Justice for Migrant Workers.

BASAHIN ANG DETALYE

May 40 na kasapi ang umorder ng salamin sa mata pagkatapos ng check-up na ginawa ng grupo sa Bayanihan Center noong April 30 at sa Ramada Hotel in Sai Ying Pun noong May 1. May apat na kasapi na nakikipaglaban sa cancer ang binigyan din ng libreng salamin.

Ayon sa lider ng grupo na si Marites Palma, ika-limang taon na nila itong ginagawa sa pakikipagtulungan ni Dr. Maria Monica Cagatao Visaya ng Visaya Optical na naka base sa Santiago, Isabela.

Pindutin para sa detalye

Ang mga salamin na ito, na ginawa sa Pilipinas at nagkakahalaga ng $1,000 bawa’t isa, ay dapat nasa kamay na ng mga OFW mga 10 araw matapos ilagak sa post office ng Santiago, base sa nakasanayan na ng grupo.

Pero dahil sa sunog sa Manila, nasira ang tracking system ng Philpost kaya hindi pa malaman kung saaan na ang mga salamin na noong May 19 pa ipinadala mula sa Santiago.

EXTENDED TO JUNE 30!!

Siniguro naman ng grupo na hindi nasama sa sunog ang mga salamin dahil mula sa Santiago ay diretso itong dinala sa Central Mail Exchange sa tabi ng Domestic Airport sa Pasay City, bago ikarga sa eroplano pauntang Hing Kong.

Ayon sa tracking system, nasa Hong Kong na ang parcel pero hindi pa nai-deliver sa addressee.

BASAHIN DITO

“Sana dumating na ang parcel at masagot ang dumaraming tanong sa FB page namin kung ano ang nangyari sa kanilang salamin.,” ika ni Palma.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Mga libreng sakay, palabas at discount sa ika-26 anibersaryo ng HK

Posted on No comments

 

Libre ang sakay sa Star Ferry sa July 1.

Ipapadama ng gobyerno ng Hong Kong sa lahat ng naninirahan nito, kasama na ang mga migranteng manggagawa, ang pagdiriwang sa July 1 ng ika-26 anibersaryo ng pagkatatag ng HK Special Administrative Region sa ilalim ng pamamahala ng China.

Ayon kay Chief Executive John Lee kahapon, Martes, lahat ng taga Hong Kong ay makikinabang sa mga palibreng inihahanda ng iba’t ibang sangay ng gobyerno at organisasyong pampubliko.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ilan sa mga inihahandang palibre sa publiko:

·       Libre para sa publiko na gagamit ng pasilidad ng Leisure and Cultural Services Department gaya ng sports facilities. Kailangan lang mag book simula sa Linggo, June 25, mula 7am. 

      Libre rin ang papasok sa mga permanenteng exhibition at museum, gaya ng Hong Kong Science Museum, Hong Kong Space Museum, M+ museum, at  Hong Kong Palace Museum.

·        Libre rin ang sakay sa Star Ferry, Fortune Ferry at ilang ruta ng Hong Kong Water Taxi sa loob ng limang araw simula sa July 1.

·        Marami sa mga restaurant ang makikiisa sa selebrasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng 26 per cent discount sa araw na ito.

BASAHIN ANG DETALYE

Ang July 1na isang piyesta opisyal, ay ang anibersaryo ng Handover, o ang paglilipat ng United Kingdom sa China ng pamamahala sa Hong Kong noong 1997, matapos ang 156 na taon na naging colony niya ang HK.

Ito rin ang simula ng pagkatatag ng HKSAR bilang isang sangay ng pamahalaan sa ilalim ng Chna.

Pagkatapos ng mga pasinaya para sa anibersaryo ng HKSAR, sa July 8, magkakaroon isang buwan na mas magarbong “A Symphony of Lights” sa Victoria Harbor gabi-gabi hanggang July 31.

Sa limang magkakasunod na weekend (Sabado at Linggo) simula sa July 8, madaragdagan ang “A Symphony of Lights” ng fireworks display ang paglalaro ng ilaw sa haborfront.

Magtatanghal din ang Hong Kong Tourism Board (HKTB) ng Harbour Chill Carnival sa limang magkakasunod na weekend (Sabado at Linggo) simula sa July 8.

Pindutin para sa detalye

Magaganap ito sa Harbour Chill, Water Sports and Recreation Precinct, at Wan Chai Temporary Promenade -- mga bagong pasyalan na nasa tabi ng Wanchai Pier at Hong Kong Convention Center.

Mapapanood dito ang mga street performance, European-style acrobatics at juggling, Samba drumming at pagtatanghal ng mga kung fu master.

EXTENDED TO JUNE 30!!

Magtatayo rin ang HKTB ng outdoor X-Games performance area at bubuksan ito sa mga local, mainland, at Hapong BMX rider at skateboarder, kasamana ang No.1 skateboarder ng Hong Kong na si “Chun Chai” Luk Chun-yin.

Libre ang pasok dito.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Sa music show, higit sa 40 grupo ng musician mula sa Hong Kong, mainland, Taiwan at overseas ang magtatanghal sa stage.

Ilan sa kanila ay ang Cantopop diva na si Kelly Chen na tampok sa unang araw, singer-songwriter Jay Fung, Ivana Wong, at mga mas batang musician na sina Tyson Yoshi, Ng Lam-fung, at Lolly Talk.Ang kanilang pagtatanghal ay batay sa mga temang “Asia Power,” “Fresh Finds,” “Indie Rocks,” “Cantopop Hits,” and “DJ Nights.”

BASAHIN DITO

Ang mga performer na galing sa ibang bansa ay kinabibilangan ng mainland band na Project Ace, “Queen of OST” Queena Cui, Golden Melody Awards nominee Hush and YELLOW mula sa Taiwan, ang Thai supernova na TYTAN, ang South Korean R&B sensation na Reddy at marami pang iba.

Upang makapasok sa musical show, kailangan ng ticket, na makukuha nang libre sa HKTB e-platform, pagkatapos mag-rehistro sa https://my.discoverhongkong.com/frontend/signin?login_challenge . Ang pagkuha ng ticket ay bubuksan lang sa June 27 (Martes) at July 17 (Lunas) sa first-come, first-served basis.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Konsulado, nagbabala laban sa e-visa scam

Posted on 19 June 2023 No comments


May 3 paraan para i-verify ang e-visa gamit ang app ng Immigration Dept

Nagpalabas ng babala nitong Lunes ang Konsulado laban sa mga pekeng ahente na naniningil ng mula $7,000 hanggang $10,000 kapalit ng pagkuha ng electronic working visa (o e-visa) sa mga Pilipino na naghahanap ng trabaho bilang domestic helper.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ayon sa babala, ilang Pilipino na ang nabiktima na sa scam na ito. Papipirmahan daw sila ng pekeng kontrata, at pagkatapos ay bibigyan ng pekeng e-visa na nagdulot sa kanila ng kapahamakan.

BASAHIN ANG DETALYE

Malamang na ang mga nabiktima ay mga na terminate na mga foreign domestic worker na agad na tinatanggap ang ganitong alok dahil sa kagustuhang makakuha ulit ng trabaho nang hindi na kailangang lumabas pa ng Hong Kong.

Pero dahil peke naman ang visa na binibigay sa kanila ng mga illegal na recruiter na ito ay mao –overstay sila nang hindi nila alam.

EXTENDED TO JUNE 30!!

Para maiwasang masabit sa ganitong panloloko ay pinapayuhan ng Konsulado ang mga nakatanggap ng e-visa na i-verify agad ito dito: https://www.gov.hk/en/residents/immigration/nonpermanent/evisaenquiry.htm?fbclid=IwAR313teo6qTNPccR57Z-B1b2nNpVu5wK-Xaqn7L4_AW6e0jSj9aY8aia1U4

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ang isa pang paraan ay ang paggamit sa mobile application o mobile app ng Immigration Department. Maaring i-scan ang QR code na nasa e-visa o ilagay ang reference number na nakalagay dito at ang araw ng kapanganakan ng aplikante.

BASAHIN DITO

Kapag hindi ma-scan ang QR code o hindi tanggapin ng app ang reference number ay malamang na peke ang e-visa. Pumunta na agad sa Immigration Department para mag-report tungkol ditto.

Nasa kalakip na litrato sa itaas ang mga tatlong paraan sa paggamit ng mobile app para masiguro na rehistrado ang e-visa na hawak.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Pilipinang sinaktan umano ng among lalaki, naghahabol ng danyos

Posted on No comments

 

Hindi pa tapos ang kaso ng Pilipina.

Isang Pilipina ang nakipag-ayos kanina sa halagang $2,775.39 na babayaran ng dating amo na nilayasan niya matapos siyang suntukin ng asawa nito, pero itutuloy ang kaso sa Labour Tribunal para sa danyos at iba pa niyang hinahabol.

Ipinagpaliban ni Presiding Officer Charmaine Lo ang susunod na pagdinig, na magtatakda sa paglilitis, upang hintayin ang resulta ng imbestigasyon ng pulis sa pananakit kay Sharon Moreno.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ayon kay Lo, dito nakasalalay ang iba pang hinahabol ni Moreno laban sa among si Wong Chi Sing.

Nag kontra-demanda naman si Wong para habulin ang $4 million na nawala umano sa kanyang negosyo dahil kalahating araw na lang siyang nakakapasok mula nang umalis si Moreno, isang buwang sahod dahil lumayas ito nang walang pasabi, at tatlong buwang pamasahe sa taxi na $80 araw-araw dahil siya na ngayo ang naghahatid sa kanyang mga anak sa paaralan.

Pero ayon kay Lo hindi pwedeng singilin ang isang helper sa pagbagsak ng negosyo ng amo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sinabi rin ni Lo na hindi makatarungang sumakay si Wong sa taxi upang ihatid ang mga anak niya, samantalang may sasakyang pampubliko gaya ng minibus, at pagbayarin si Moreno dito. Ayon kay Moreno, naglalakad lang siya at mga bata mula bahay hanggang paaralan.

Pero depende rin sa resulta ng imbestigasyon ng pulis kung pananagutin si Moreno sa pag-alis niya, dagdag ni Lo.

BASAHIN ANG DETALYE

Sa pinirmahan ng dalawang panig, ang matatanggap ni Moreno ay ang hindi nabayarang araw na pinagtrabahuan niya, air ticket na $1,132.92, allowance para sa paglalakbay na $200, at refund sa binayaran niyang OEC (overseas employment certificate) na $65.50.

Ang nakabinbin pa sa sinisingil ni Moreno ay ang danyos na $107,335, na dapat ay suwelduhin niya sa 22 buwan at 21 araw na natitira pa sa kanyang kontrata sa amo, ang isang buwang sahod ($4,730) na kapalit ng abiso.

EXTENDED TO JUNE 30!!

Sinabi ni Lo na may karapatan si Moreno na lumayas sa illalim ng Section 10 ng Employment Ordinance, kung totoo na siya nga ay sinaktan.

Pero idinagdag niya na wala sa batas na may karapatan siyang sumingil ng isang buwang sahod bilang kapalit ang abiso.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Nang imungkahi ni Lo na gawin itong bayad-pinsala, tumutol si Moreno dahil mabubura nito ang danyos na hinahabol niya -- ang halos 23 buwang suweldo, na ayon kay Lo ay wala rin siyang karapatang singilin.

Dahil mauuwi sa paglilitis ang usapin, pinayuhan ni Lo ang dalawang panig na magsumite ng mga dokumento at ebidensiyang kailangan nila.

BASAHIN DITO

Ayon sa kanya, sa isang kaso ay may panalo at may talo, at ang talo ang mananagot hindi lang sa mga dapat ibigay sa nanalong naghahabol kundi sa mga gagastusin din sa paglilitis. 

Pinaalala rin niya na ang gastos sa pagsangguni sa abogado ay hindi pwedeng isama sa ibabayad sa mananalo sa kaso.

 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

HK bids Twin Ducks goodbye

Posted on 18 June 2023 No comments

 

The ducks' parting was recorded on hundreds of cameras (RTHK photo)

Hundreds of people rushed to Victoria Harbor on Sunday amid heavy intermittent rain to catch a final glimpse of the two giant rubber ducks that had been drawing crowds since being set up across Tamar in Central on June 9.

One of the yellow ducks left its place to “swim” towards Causeway Bay, Fortress Hill and Tsim Sha Tsui, before ending its two-hour journey in Wanchai, where it was deflated and taken ashore.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

PINDUTIN PARA SA DETALYE


The other duck will remain in place until Monday morning.

The two 18-meter ducks, created by Dutch artist Florentijn Hofman and brought to Hong Kong by AllRightsReserved, helped bring joy back to Hong Kong after three years of near-isolation due to the Covid-19 pandemic.

Hofman first brought his endearing yellow artwork to Hong Kong in 2013,  and stationed it off Ocean Terminal in Tsim Sha Tsui where it became an instant hit.

BASAHIN ANG DETALYE

EXTENDED TO JUNE 30!!

The twin ducks sparked a renewed craze, with entire walls of the Central MTR being decorated with news of their visit, and four cable cars on Ngong Ping 360 being plastered with their photos.

One of the ducks had to be deflated earlier because of the intense heat

Organisers earlier announced the twin ducks would leave Hong Kong a week earlier than planned because of “unexpected challenges” during their stay.

These included Hong Kong’s unseasonably hot weather, which led to one of the ducks being deflated at one point because the rubber material covering it was melting in the heat.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS
BASAHIN DITO

In contrast, overcast skies hung over the harbour on Sunday and there was heavy rain throughout, but it did not stop a number of people taking to the promenade to have a final glimpse of the ducks and take pictures.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss