Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Labour may briefing tungkol sa karapatan ng FDH

Posted on 25 June 2023 No comments

 

Information kiosk para sa FDH

Nagtakda ng isang briefing ang Labour Department para sa mga employer upang mas maintindihan nila ang mga batas at kalakaran sa pag-empleyo ng foreign domestic helper..

Sa isang patalastas, sinabi ng Labour na ang talakayan ay gagawin sa salitang Cantonese at wala itong bayad.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ilan sa mga tatalakayin ay ang mga karapatan at obligasyon sa trabaho ng mga FDH, upang mas maintindihan ng mas maraming employer.

Nag-imbita rin sila ng taga-pagsalita mula sa Equal Opportunities Commission upang ibahagi ang mga pinakamahusay na paraan para lumikha ng isang lugar ng trabaho kung saan malugod na tinatanggap ang mga FDH.

EXTENDED TO JUNE 30!!

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ayon sa LD, inaasahan na makakatulong ito sa mga domestic helper na may hindi-pagkakaunawaan sa kanilang amo tungkol sa kanilang mga karapatan, gaya ng lingguhang day off at bakasyon.

Inaanyayahan ng Labour ang mga employer na dumalo sa briefing, na gagawin sa June 28 (Miyerkules), mula 2:45pm hanggang 5:00pm, sa Lecture Theatre, Hong Kong Central Library, 66 Causeway Road, Causeway Bay, Hong Kong.

BASAHIN DITO

Para sa dagdag na kaalaman, kumontak sa Foreign Domestic Helpers Division ng  Labour Department (Fax no.: 3101 0604) o e-mail (fdh-enquiry@labour.gov.hk) o tumwag sa 3582 8993.

Ang pagsali ay batay sa first-come, first-served basis. 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

2 Pilipina, inakusahang nanakit ng alagang bata

Posted on 24 June 2023 No comments

 

Pananakit sa alaga ang kaso ng dalawa.

Isang Pilipinang domestic helper ang nakapag-piyansa samantalang ibinalik sa kulungan ang ikalawa matapos silang humarap sa magkahiwalay na kaso ng pananakit sa kanilang mga alagang bata.

Ipinagpatuloy ni Principal Magistrate Ivy Chui ang piyansang $500 ni Aurelia Lucas, 44 taong gulang, upang makalaya hanggang sa susunod na pagdinig sa Aug. 4, pero  tinanggihan ang alok na $1,000 ng abogado ni Florena Dulla, 53 taong gulang.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Sa pagdinig sa Eastern Courts noong Biyernes (June 23), humarap si Lucas sa kasong pananakit sa bata,  na labag sa Offences Against the Person Ordinance.

Ayon sa reklamo, sinaktan niya ang alagang batang lalaki na limang taong gulang, dahilan para magdulot ito ng pinsala.

Pindutin para sa detalye

Inaresto siya ng pulis noong Nov. 6, 2022 sa Stanley, sa Hong Kong island.

Pinayuhan siya ni Magistrate Chui na magpunta sa opisina ng Duty Lawyer Service na nasa 2nd floor ng gusali, upang mapag-usapan ang kanyang depensa.

BASAHIN ANG DETALYE

Si Dulla naman ay inakusahang nanakit sa kanyang alagang sanggol na babae na isang taong gulang.

Hindi ibinigay ang detalye ng pananakit, na nangyari diumano noong June 20 sa isang flat sa Ap Lei Chau.

EXTENDED TO JUNE 30!!

Pero nang hingin ng abogado ni  Dulla na payagan siyang magpiyansa – kasama na ang iba pang kondisyon gaya ng pagreport niya sa Yau Ma Tei Police at hindi pag-alis sa Hong Kong -- tumayo ang taga-usig upang hadlangan ito.

Sinabi ng taga-usig na mabigat ang kaso ni Dulla at may CCTV footage na magpapatunay sa krimen.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

At dahil nasisante siya ng kanyang amo, wala siyang matitirhan at hindi niya masigurong hindi siya papalya sa mga susunod na pagdinig ng kanyang kaso.

Kahit tinanggihan ni Chui ang alok na piyansa, binigyan pa rin niya si Dulla ng bail review hearing sa June 28.

BASAHIN DITO

Itinakda rin niya ang susunod na pagdinig sa Aug. 11.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Spot check sa mga di nagbabayad ng tamang pasahe, sisimulan sa Lunes

Posted on No comments

 

Aarestuhin ang mga gagamit ng discounted na card na hindi para sa kanila

Simula sa Lunes ay magtatalaga ng mga grupo ng inspektor sa mga tren, bus, minibus at ferries para masakote ang mga taong gumagamit ng Octopus card para sa mga edad 60 taon pataas at may kapansanan, na nababawasan lang ng $2 kada sakay sa mga pampublikong sasakyan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ayon kay Deputy Transport Commissioner Macella Lee sa isang panayam kanina, mga opisyal ng gobyerno, tauhan ng mga travel agency at mga security guards ang bubuo sa grupo ng mga inspector na may tatlong tauhan bawat isa.

Pindutin para sa detalye

Tatagal daw ang mga sorpresang inspeksyon ng dalawang buwan o higit pa, at isasagawa tuwing oras ng trabaho araw-araw, kabilang ang araw ng Linggo at piyesta opisyal.

“Layon namin na matigil ang ganitong gawain ng ilang tao na ginagamit ang Octopus card para makuha ang diskwento kahit hindi dapat,” sabi ni Lee.

BASAHIN ANG DETALYE

Wala daw silang balak na ipahiya ang mga gumagawa ng ilegal na gawaing ito, dahil ang gusto lang nila ay matigil sila sa pang-aabuso sa pribihileyong hindi para sa kanila.

Sabi naman ng isang opisyal ng MTR, nag-umpisa na silang maghigpit sa kanilang mga pasahero nitong nakalipas na linggo.

EXTENDED TO JUNE 30!!

Pinaalala din niya na itataas ang multa sa mga pasahero na mahuhuling hindi nagbabayad ng tamang pamasahe simula sa Linggo, June 25.

Ang bawat sakay ng MTR na lalabag sa batas na ito ay pagmumultahin ng $1,000 samantalang $370 naman ang multa sa mga pasaherong mahuhuli sa LRT at bus ng MTR.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Sabi ni Lee, ipaaresto din sa mga pulis ang mahuhuli sa ganitong paglabag.

Kung noon ay naging maluwag daw sila at pinapabayaang magbayad lang ng tamang pamasahe ang mga taong nahuhuli na gumamit ng $2 na card, ngayon ay ipapahuli na sila, bukod pa sa pagpataw sa kanila ng mabigat ng multa.

BASAHIN DITO

Ang $2 na bayad sa pamasahe ay unang ipinagkaloob sa mga edad 65 taon pataas at mga may kapansanan noong taong 2012. Noong Pebrero ng nakaraang taon ay inilunsad ng gobyerno ang JoyYou card, na maaring makuha ng mga edad 60 pataas, para makamit ang pribilehiyong ito.

Kasunod nito ang paglabas ng resulta ng isang pag-aaral na nagpakitang mahigit 4,000 na katao ang nahuli na lumalabag sa sistemang ito, at 95.7 porsyento ay mga pasahero ng MTR.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Pilipina kulong nang 5 buwan dahil sa overstay, 10 araw sa droga

Posted on 23 June 2023 No comments

 

Naganap ang paghahatol sa Eastern law courts

Isang Pilipina ang nakulong ng limang buwan at 10 araw matapos mahatulan sa Eastern Courts ngayon na nagkasala ng overstaying at pagkakaroon ng mapanganib na gamot.

Si Janice Sahagun, 41 taong gulang, ay isang domestic helper na na-terminate noong March 16 at hindi na umalis noong March 30., pagkatapos ng dalawang linggong palugit upang maghanap ng bagong amo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Pindutin para sa detalye

Para sa 13 araw na pag-overstay nang maaresto siya noong April 12, pinarusahan siya ni Principal Magistrate Ivy Chui ng 7.5 na buwang pagkabilanggo.

Pero .dahil agad nyang inamin ang pagkakasala nang basahan siya ng asunto noong nakaraang pagdinig, binawasan ni Magistrate Chiu ng 1/3 ang parusa kaya naging limang buwan ang kanyang pagkakakulong.

BASAHIN ANG DETALYE

EXTENDED TO JUNE 30!!

Ang dagdag na 10 araw sa kanyang sentensiya ay dahil, nang arestuhin si Sahagun noong April 12 sa Sai Wan, nakitaan din siya ng isang plastic bag na may lamang 1.26 gramo ng methamphethamine hydrochloride o shabu.

Inutos ni Chui na pagsibihan ni Sahagun nang magkasunod ang dalawang parusa.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

BASAHIN DITO

Matapos ang pagsusuring inutos ni Magistrate Chiu kay Sahagun, nakompirma na ito ay gumagamit ng bawal na gamot, at ang nakitang droga sa kanya ay para sa pangsariling gamit.

Sinabi ng kanyang abogado na maliban sa dalawang kasong ito, malinis ag rekord niy sa Hong Kong.

Naligaw daw siya ng landas matapos mawalan ng trabaho at mabigong makakita ng panibago.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

ATN cases to be handled by MWO from next month

Posted on No comments

 

Repatriation services will also be provided by MWOs from July 1

All legal and welfare cases involving overseas Filipino workers that occur starting July 1 will be handled by the Migrant Workers Offices (MWO) abroad instead of the Assistance to Nationals section of the Department of Foreign Affairs.

This was according to Department of Migrant Workers Undersecretary Hans Cacdac during a media briefing on Thursday.

“At the DMW, we consider the transfer of the ATN OFW services as being faithful to DMW’s nature… with respect to the DMW being a home for OFWs [where] OFWs are safe, protected, and there is inclusivity, and a diverse or multifaceted set of services for our OFWs and their families,” said Cacdac.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

The transfer of ATN services for OFWs is part of Republic Act No. 11641, the law signed in December 2021 that created the DMW.

In line with the law, the MWOs (which used to be called Philippine Overseas Labor Office or POLO) will carry out ATN services for OFWs in their host countries. But the DFA will continue to retain an ATN fund to aid non-OFWs like permanent residents and students.

The law also provides the transfer of the Department of Social Welfare and Development’s attached office from Philippine embassies and consulates abroad to the MWOs.

Pindutin para sa detalye

However, the Overseas Workers Welfare Administration which has been taking care of the medical and other welfare services for OFWs, will remain an attached agency of the DMW.

Along with the streamlining of functions under the DMW, the Aksyon Fund, short for “Agarang Kalinga at Saklolo para sa mga OFW na Nangangailangan,” will be used to fund the ATN services.

Congress granted the DMW a seed budget of Php1.2 billion for Aksyon Fund 2023, and there’s still Php1.082 billion left from that fund.

BASAHIN ANG DETALYE

Cacdac said the fund will initially be used to hire legal retainers in nine posts - Taiwan, Brunei, Singapore, Dubai, Riyadh, Jordan, Lebanon, and Prague --- and for humanitarian aid to distressed OFWs from Sudan, Kuwait and Turkey.

It will also be spent helping pay for the medical expenses of gravely ill OFWs and pay for their repatriation.

He clarified that ATN will continue handling ongoing cases with support from the Aksyon Fund until July 1. It will also continue taking care of such cases beyond the cut-off date in overseas posts where there are no MWOs.

EXTENDED TO JUNE 30!!

“The transition should be smooth and seamless in a sense that… there is no disruption in the delivery of services on the ground. That’s the key. And we know our colleagues at DFA have done their job in these ATN OFW services, so we want to make sure that when the baton is passed, the services will continue undisrupted,” Cacdac said in a mix of English and Filipino.

He said the ATN had been training MWO staff on the handling of legal and welfare cases for a year now, and the sessions are now on their fourth and final leg.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

According to the DMW, the following services will now all be handled by them MWO:

Legal assistance

Assistance to detained and/or convicted OFWs

Assistance in immigration concerns

Provision of legal services through a lawyer/legal counsel for all criminal and labor cases involving OFWs

BASAHIN DITO

Provision of information on host country’s laws, including criminal and legal procedures

Jail visitation

Assistance during court hearings

Payment of court-imposed penalties and charges

Repatriation of distressed OFWs

Provision of one-way airfare to the Philippines

Medical repatriation, including medical escort, if required

Securing exit visas and payment of immigration penalties

Shipment of remains/cremains (cremated remains) of OFWs and their personal belongings

Report of death

Quarantine clearance/s

Coordination with next of kin

Funeral/burial assistance

Coordination with OWWA for airport assistance upon arrival and transfer to home province

Labor-related services

Employment-related complaints

Assistance to victims of illegal recruitment or human trafficking

Claims pertaining to death benefits, end-of-service benefits, insurance, money claims and other benefits arising from employee-employer relationship

Welfare assistance

Location of whereabouts and ascertaining condition of OFW

Medical referrals/assistance and hospital visitation

Non-performance of family obligations

Custody of runaway cases

Counseling

Compassionate visit of next of kin

Shelter assistance

Food and transportation assistance

Provision of hygiene/emergency supplies

Reintegration and training

Emergency/crisis response

Food assistance

Transportation assistance

Temporary shelter/accommodation

Provision of hygiene/emergency supplies

Medical assistance

Financial assistance

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Pulis nagpaalala: Ingatang hindi mapasakamay ng kriminal ang ATM card

Posted on 22 June 2023 No comments

 

Resibo ng pasok at labas ng pera sa bank account na ginamit sa money laundering (file photo).

Nagpaalalang muli ang Hong Kong Police sa publiko na ingatan ang kanilang bank account, lalo na ang kanilang ATM (automated teller machine) card, upang hindi mapasakamay ng mga scammer at gamitin sa money laundering.

Kasama ang paalalang ito sa report ngayon ng pagkaaresto ng 109 katao kaugnay ng operasyon nila laban sa money laundering mula noong Lunes hanggang kahapon (June 21).

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Karamihan sa mga nahuli, na may edad mula 18 hanggang 82, ay may-ari ng mga bank account na ginamit ng mga sindikato upang linisin ang $59 million na nakulimbat nila sa 76 na scam. Pinakawalan sila matapos magpiyansa, pero pinababalik sila sa Hulyo upang harapin ang pormal na kaso.

Ayon sa report, iba’t ibang scam ang ginamit ng mga kriminal upang makakuha ng pera mula sa kanilang biktama, gaya ng pekeng trabaho, pautangan, online match-making, investment, at online shopping.

BASAHIN ANG DETALYE

Ang perang nakolekta nila ay ipinapasok sa mga bank account at agad inilalabas. Dahil dumaan sa bangko, nalilinis mula sa pera ang bahid ng krimen.

Kapag nagreklamo ang mga biktima sa pulis, ang unang natutunton ay ang may-ari ng bank account na dinaanan ng kanilang pera.

EXTENDED TO JUNE 30!!

“Mananagot ang may-ari ng bank account kahit na sabihin nilang hindi nila alam na ginagamit ito sa money laundering,” ayon sa pahayag ng pulis.

Ang parusa sa krimeng ito ay multang aabot sa $5 million at pagkabilanggo na aabot sa 14 na taon.

Noong May 4, dalawang Pilipina ang nakulong nang masangkot sila sa money laundering dahil nagamit ang kanilang ATM card, kahit nangatwiran ang isa sa kanila na nawala ang kanyang ATM, at ang isa ay ipinagkatiwala daw sa isang kaibigan.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Si Hazel V. Gepulgani ay nahatulan ng 12 buwang kulong matapos syang arestuhin noong November 2021 dahil pumasok at lumabas ang $281,400 sa kanyang HSBC ATM account mula June 13, 2020 hanggang June 18, 2020.

Si Marissa C. Mesa naman ay nahatulan ng 15 buwang pagkabilanggo dahil pumasok at lumabas ang $1 million sa kanyang HSBC ATM account. Ang pera ay galing sa love scam, kung saan isang taga-Hong Kong ay nawalan ng $2.5 million.

BASAHIN DITO

May tatlo pa silang kasama sa kaso, pero agad umamin at naparusahan ng dalawa hanggang walong buwan sa kulungan.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss