Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

May bagong biktima na naman si ‘Rhonna Reyes’

Posted on 05 July 2023 No comments

 

Ang gusali sa Broadway, Mei Foo, kung saan pumapasok si Rhonna bago mawala


Ingat lang sa mga nagpo post na naghahanap ng employer dahil baka matapat kayo kay “Rhonna Reyes.”

Ito yung matagal nang nirereklamo ng ilang mga Pilipinang domestic helper sa Hong Kong dahil pagkatapos silang alukin ng amo at kuhanan ng mula $2,000 hanggang $3,000 ay bigla na lang mawawala.

Ang laging gamit ng scammer para kontakin ang mga biktima ay ang Facebook account sa pangalang “Rhonna” o “Rhona” Reyes. Ito daw ay isang Pilipina na edad 40 pataas, maliit, at malumanay kung magsalita kaya agad silang napapaniwala.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Kapag nakipagkita sa kanila ay may dala na itong kontrata na pirmado kunyari ng among ibibigay. Ipapakausap pa daw sa kanila sa telepono ang isang Intsik na nagpapakilalang employer na kailangan na agad ng helper kaya lang ay abala, kaya walang oras makipagkita.

Pagkatapos ay hihingan na sila ng paunang bayad para sa pagproseso ng kanilang kontrata,at sasabihin na ibabalik din ito sa kanila kapag lumabas na ang kanilang visa. Pero pagkatapos na makuha ang kanilang pera ay hindi na ito makokontak sa messenger o sa telepono.

Ang pinakahuling lumantad para magreklamo ay si Irene R., na nagpadala ng mensahe sa The SUN para tanungin kung paano niya mahahabol si Rhonna na hindi na niya makontak matapos siyang kunan ng pera noong Linggo, July 2.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Patapos na sa kanyang kasalukuyang kontrata si Irene nitong July 30 kaya naisipan niyang mag post na naghahanap siya ng lilipatan. Agad siyang nakatanggap ng mensahe mula sa Facebook account ni Rhonna Reyes na nagtanong kung may nakuha na siyang amo dahil gusto daw nitong tumulong.

Ayon kay Rhonna, kailangan ng kapatid ng amo niya ng helper, at pipirma na agad kaya pumayag si Irene na makipagkita dito sa Mei Foo MTR station. Sa may exit D daw sila nagkita pero dinala siya sa may malapit sa exit C.

Doon ay sinabi ni Rhonna na kailangang magpaluwal muna si Irene ng $2,200 na pang-abono sa pag-aayos ng kanyang kontrata dahil busy pa ang among kukuha sa kanya. Dahil wala siyang barya ay umabot lang sa $2,160 ang naibigay ni Irene sa kanya.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

“Sabi kasi ako muna ang magbabayad pero i-refund naman daw pag nagka visa na ako,” sabi ni Irene.

Pero pagkatapos nilang maghiwalay ay hindi na siya sinasagot ni Rhonna sa messenger at pati sa numero ng telepono na binigay sa kanya.

“Nagri ring ang cp nya at naka online palagi ang FB account niya pero di siya sumasagot,” sabi ni Irene.

Nagdesisyon siyang magreklamo na sa pulis at makipag-ugnayan sa iba pang biktima ni Rhonna na matagal nang may chat group kung saan sila nagpapalitan ng impormasyon tungkol sa scammer, at pati ng litrato nito.

Litrato ni Rhonna na mula sa isang biktima

Karamihan sa kanila ay sa Mei Foo pinapunta ni Rhonna, na ayon sa biktimang si Rose, ay Annabelle daw ang tunay na pangalan, at nasukol ng isang niloko niya sa WorldWide House kaya napilitang magsauli ng pera.

Bukod sa MTR ay pinapapunta din ang mga nabibitag niya sa labas ng no 25 Broadway, Mei Foo, kung saan sila hinihingan ng pera. Pagkatapos nito ay papasok na siya sa loob ng building, pero hindi na muling makikita.

Karamihan sa mga biktima ay mga na terminate at desperadong makakuha ng bagong amo sa loob ng 14 araw na palugit na bigay ng Immigration, kaya madaling napaniwala. Kapag napapirma niya sa pekeng kontrata ay papayuhan silang umuwi na sa Pilipinas at doon na maghintay ng kanilang visa.

BASAHIN DITO

Ganito ang nangyari kay Bea kamakailan, na panay ang paghihimutok ngayon dahil pumayag siyang umuwi agad matapos makipagkasundo kay Rhonna sa halagang $2,500 noong June 25 lang.

Kabilang din sa mga umuwi si Irene na kinontak ni Rhonna noong Enero matapos mag post sa isang online recruitment agency tungkol sa paghahanap niya ng employer. Ayon daw kay Rhonna ay inutusan siya ng employer na makipag-usap sa kanya dahil kamamatay lang ng asawa nito at walang oras makipagkita.

Dinalhan siya ni Rhonna ng kontrata na pirmado ng employer at hiningan ng $2,600 at ibabalik na lang daw sa kanya kapag nakabalik na siya sa Hong Kong.

“Nagtiwala ako kasi Pinay ang kausap ko, Rhona Reyes ang FB account niya,” sabi ni Irene sa kanyang post noong Pebrero, na humihingi ng tulong.

“Pero until now, one month and one week na ako nag-aantay, wala, di ko na sila makontak. Sana po may makatulong sa akin na makuha ko ang pera ko.”

Sa ngayon ay mahigit 10 biktima na ng parehong grupo na ang gamit ay ang Facebook account ni Rhonna o Rhona Reyes, ang nag-uusap at balak na magsumbong sa pulis nang sabay sabay para mapahuli siya.

Pero hindi sa lahat ng sandali ay nakakaloko si Rhonna. Kamakailan ay may nag post sa isang Facebook page ng mga naghahanap ng trabaho sa Hong Kong tungkol sa naunsyaming pagsubok ni Rhonna na mang scam ulit.

Ayon sa post ni D’Moom Sun, nag post daw sya sa Facebook page na terminated sya, at agad na may nag-alok sa kanya ng amo na isang Pinay na “matanda na”. Nakipagkita daw sa kanya ang Pinay dala ang kontrata na pirmado na, at sa harapan niya ay tinawagan pa kunyari ang amo sa telepono.

Pero nang sabihin ng recruiter na kailangan niyang magbigay ng $2,500 ay hindi siya pumayag.

Sabi ko, ate mahirap magtiwala sa panahon ngayon na kalat na (ang manloloko na) kapwa pa Pinoy,” sabi niya. Dagdag pa niya, bakit daw kaya may mga kapwa Pinoy na gusto ng “easy money.” Terminated na nga daw ang kapwa e lolokohin pa.

“Alam natin na mahirap kitain ang pera, ang hirap magkuskos ng inidoro, tapos magbigay ka ng $2,500?”, pagtatapos niya.

Ang iba pang biktima ni Rhonna na gustong magreklamo ay pinapayuhang dumulog sa Sham Shui Po Police Station na syang may sakop sa kaso.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Pilipina, umamin sa pagnanakaw; pero ang isa, tumanggi

Posted on No comments

 

Parehong humarap sa Kwun Tong court ang 2 akusado

Dalawang Pilipinang domestic helper na kinasuhan ng pagnanakaw sa Kwun Tong Courts ang nagkahiwalay ng landas kanina nang isa sa kanila ang umamin at ang ikalawa ay tumanggi sa akusasyon.

Si J. E., 42 taong gulang, ay umaming nagnakaw ng dalawang bote ng baby oil, isang bote ng baby shower gel, isang bote ng baby shampoo at isang bote ng paminta, na nagkakahalaga ng kabuuang halaga na $253.

Bagamat nasentensyahan ng kulong, sinuspindi naman ito sa utos ng hukom kaya malayang nakaalis sa korte ang akusado.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Inamin ni .E. ang pagnanakaw matapos makita ang mga ito sa mga gamit niya. Ini-report siya ng kanyang among si Wong Ka-wa sa pulis at inaresto sa bahay nito sa Beaumont Phase I sa Tseung Kwan O.

Sinabi ng kanyang abogado na kinuha niya ang mga ito sa loob ng anim na buwan mula Feb. 1 hanggang July 23, dahil lahat ng kanyang kinikita ay ipinadadala niya sa kanyang mga magulang at apat na anak sa Pilipinas at hindi siya binibigyan ng kanyang amo ng mga gamit na pansarili.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Maliban sa kasong ito, malinis ang rekord ni J.E., dagdag ng abogado.

Dahil sa pag-amin, hinatulan siya ni Acting Principal Magistrate Daniel Tang ng dalawang linggong pagkakakulong pero ito ay suspendido nang 18 buwan, kaya hindi niya kailangang makulong kung hindi siya magkakasalang muli sa loob ng isa’t kalahating buwan.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Sa hiwalay na pagdinig, itinanggi ni L. Diones, 34 taong gulang, na ninakaw nya ang dalawang itim at isang asul na pantalon na nagkakahalaga ng kabuuang $597 mula sa tindahan ng Uniqlo sa Tseung Kwan O noong March 6.

Ayon sa kanyang abogado, mula sa una ay hindi nagbago ang pahayag ni Diones na hindi niya ginawa ang krimen at pangangatawanan niya ito sa paglilitis.

BASAHIN DITO

Dahil sa pagtanggi ni Diones, ikinasa ni Magistrate Tang ang pre-trial review sa July 23 upang ilinya ng dalawang panig ang mga ebidensiya at testimonya ng kani-kanliang mga saksi, at pagkasunduan ang mga tunay na nangyari.

Pinalaya si Diones nang pansamantala sa bisa ng piyansang $300. 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Balik-kulungan ang Pinay na akusado ng panloloko sa kaibigan

Posted on 04 July 2023 No comments

  

Muling humarap sa Eastern Court ang Pinay na akusado ng panggagantso 

Hindi itinuloy kanina ang pormal na pagpapahayag ng Pilipina kung inaamin o tinatanggihan niya ang akusasyong nanloko siya ng kapwa Pilipina nang mag-alok siya ng mas murang iPhone, na hindi niya ibinigay matapos mabayaran siya nang buo.

Nang malaman ng kanyang abogado na may pagbabago sa kasong isinampa laban kay Lerma Ann Larosa, 32 taong gulang na walang trabaho at walang permanenteng tirahan, humingi ito ng isa pang pagdinig.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Itinakda ito ni Eastern Courts Principal Magistrate Ivy Chui sa Aug. 15.

“Sa susunod na pagdinig ay dapat handa ka nang umamin o tumanggi,” ika ni Chui.

Inutos rin niyang ibalik sa kulungan si Larosa.

Pindutin para sa detalye

Ayon sa asunto, sinabi niya sa biktimang si Jay Ann L., na may kaibigan siya sa Apple Store na makukunan ng isang iPhone 13 Pro Max sa discounted na halagang $6,800. Ang presyo ng modelong ito sa ilang online store ay nagsisimula sa $9,399.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Isa sa mga pagbabago sa kaso, na inilahad ng taga-usig nang basahin ulit kanina ang akusasyon kay Larosa, ay ang pagdaragdag ng paraan ng pagbabayad kay Larosa. Nilipatan daw siya ni Jay Ann ng dalawang hulog sa kanyang Alipay at WeChat account mula March 15 hanggang March 21.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Hindi na rin nabanggit sa bagong akusasyon na nangyari ang transaksyon sa Pier 3 sa Central noong March 18 at 21, at nagpunta si Larosa sa Macau matapos makuha ang bayad.

Dahil daw hindi ibinigay ni Larosa ang nabiling iPhone kahit bayad na, nagreklamo ang biktima sa pulis at siya ay inaresto pagbalik mula sa Macau.

BASAHIN DITO

Ang kasong isinampa laban kay Larosa ay "fraud", na paglabag sa Section 16A(1) ng Theft Ordinance, na ang kaparusahan ay pagkakakulong na aabot hanggang 10 taon.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Pilipina na nabanlian ng kumukulong sopas, agarang pinauwi

Posted on No comments

 

Itinakbo sa Kwong Wah Hospital si Joy matapos matapunan ng kumukulong sopas

Kalalabas pa lang ni Joy Gabriel sa ospital matapos matapunan ng sopas na pinakulo niya ng apat na oras nang sabihan siya ng kanyang tiya na mas makakabuti na sumabay na siya sa pag-uwi nito sa Pilipinas kinabukasan, July 1, dahil baka mahirapan siya kung wala siyang kasabay sa eroplano.

Mula sa Kwong Wah Hospital kung saan ginamot si Joy ng apat na araw dahil sa paso niya sa tiyan ay agad silang nagpunta ng kanyang tiya sa bahay ng kanyang amo sa Mong Kok, kung saan binayaran lang siya ng isang buwang suweldo, at agad siyang binook ng ticket pauwi.

Si Joy, 29 taong gulang, ay walong buwan pa lang sa kanyang amo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Kahit panay ang payo sa kanya ni Marites Palma ng Social Justice for Migrant Workers na huwag munang umuwi dahil kailangan niyang magsampa ng kaso para sa pinsala na tinamo niya habang nagtatrabaho ay walang nagawa si Joy dahil sa pagpipilit ng kanyang tiya.

Nasabihan na rin ang Bethune House Migrant Women’s Refuge na kailangan niya ng titirahan, pero nanaig ang kagustuhan ng tita ni Joy na sumama na lang ito sa kanya pag-uwi.

Mabuti na lang at kahit paano ay nakarating sa Overseas Workers Welfare Administration sa Hong Kong ang kanyang kaso bago siya umuwi sa Aurora Province para makapiling muli ang kanyang asawa at dalawang maliliit na anak.

Pindutin para sa detalye

Kanina ay masayang ikinuwento ni Joy na dinalaw na siya ng mga taga OWWA sa Aurora para mag-imbestiga at alamin din kung magkano ang nagagastos niya sa araw-araw na pagpunta sa ospital para patingnan ang kanyang sugat, at pati sa gamot.

Sinabihan din daw siya ng mga taga OWWA na tutulungan siyang magsampa ng kaso laban sa kanyang dating amo kung kinakailangan.

Noon lang naliwanagan si Joy na bagong salta sa Hong Kong, na marami pala siya dapat ikinaso sa kanyang amo, at posible pang nakalipat siya sa iba nang hindi umuuwi muna sa Pilipinas.

Apat na araw sa ospital si Joy dahil sa paso, at patuloy pa ring naggagamot ngayon

Ayon kay Joy, siya ang nagsabi sa amo noong nakaraang buwan na gusto na niyang magbitiw at umuwi sa Pilipinas dahil palagi siyang pinapagalitan ng asawa nitong lalaki.

Bukod sa mag-asawang amo na may edad na ay kasama din sa dalawang palapag na bahay na pinagtrabahuan niyang mag-isa ang dalawang anak nila, at pati ang asawa ng isa sa mga ito, at dalawang maliliit na apo.

May limang kotse daw ang pamilya na pinapalinis lahat sa kanya tuwing ikatlong araw.

Kahit mabigat ang trabaho ay kaya naman daw niyang pagtiisan, pero ang laging paninigaw ng matandang lalaki ang hindi niya kinaya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pumayag naman ang amo niya na umalis siya, pero nakiusap daw na huwag munang magbitiw habang hindi pa dumarating ang papalit sa kanya. Nagkasundo sila na mananatili si Joy sa mga amo hanggang June 26 bagamat wala silang pinirmahang anumang kasunduan.

Sa mismong takdang araw na kanyang pagbaba ay nangyari ang aksidente, at itinakbo sya sa ospital kung saan nanatili siya ng hanggang June 30.

Ayon daw sa kanyang amo ay hanggang June 26 na lang ang kanyang visa kaya kinailangan nila itong i-extend sa Immigration, pero hanggang June 30 lang daw ang binigay na palugit. 

Sinabi din daw sa kanya na dahil nagbitiw na siya ay wala na siyang insurance, kaya hindi na mababayaran ang naging pinsala sa kanya dahil sa mga tinamo niyang sugat.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Sabi ni Joy, ang lahat ng ito ay kinuwento lang ng kanyang employer, at dahil baguhan lang siya ay hindi niya naisip na baka may mga karapatan siyang nalabag. 

Unang una, wala naman siyang pinadalang sulat sa Immigration na nagbibitiw na siya, at tanging ang amo lang niya ang nagsabi na putol na ang kanyang visa sa mismong araw na dinala siya sa ospital. Kataka-taka din na sa mismong araw ng paglabas niya sa ospital ang ibinigay na palugit sa kanyang visa.

Kung walang nakarating na sulat ng pagbibitiw mula sa kanya ang Immigration, dapat ay binayaran siya ng kanyang amo ng isang buwang suweldo kapalit ng pasabi, at baka higit pa.

Saka na lang din niya nalaman sa payo ni Palma at ng OWWA na dapat ay may pananagutan pa rin sa kanya ang kanyang amo dahil nasaktan siya sa oras ng pagtatrabaho, batay sa Employee Compensation Ordinance.

BASAHIN DITO

Kabilang sa dapat bayaran sa kanya ay ang gastusin habang siya ay nagpapagaling, at pati na rin sa patuloy na pagpapatingin at gamutan. Sa ngayon, halimbawa, ay dinagdagan ng antibiotics ang mga reseta niya para daw masigurong hindi maimpeksyon ang kanyang sugat.

Umaasa na lang si Joy ngayon na magagawan pa rin ng paraan ng OWWA na habulin sa kanyang amo ang lahat ng mga dapat nitong binayad sa kanya, at kasuhan na rin dahil sa agarang pagpapauwi sa kanya para maiwasan ang mga dapat na panagutan sa kanya.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Funeral viewing set Sunday for deceased Filcom leader Jong Inocencio

Posted on 03 July 2023 No comments

 

Jong, big brother to many, died of cardiac arrest on June 18

Family and friends of the late Filipino community leader Jonathan “Jong” Inocencio will have a chance to pay last respects to him on Sunday, July 9, at International Funeral Parlor in Hung Hom.

Inocencio, who was known to many in the community as an events organizer and artist, died of cardiac arrest on June 18, Father’s Day. He was 52.

His son, Ian Christian, said his father was having dinner with his partner, Jingle, along with two friends, when he had a seizure and collapsed. He was taken to Queen Mary Hospital where he was declared dead.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

“I love you dad … No more pain, no more sufferings. Thank you for everything you have done for the family,” Christian said in a Facebook a few hours after his father passed on.

“You have fought many battles in your life, yet you remained strong for us. You were a fighter, most of all, a loving father to us…”

Christian recalled how Jong, who was previously confined to a wheelchair and was heavyset, took lots of medicines and exercised so he would lose weight and become healthier.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The effort paid off, as Jong managed to bounce back and resume organizing events, with the last one being a two-day fundraiser in November last year for St Joseph’s Church in Central, which was in the midst of restoration work.

But not a lot of people knew that while he struggled to regain his footing in the field he loved the most, Jong continued to battle several ailments, including a chronic kidney disease that required him to undergo dialysis three times a week.

“Thank you for always fighting thru it all,” said Christian in his tribute.

Jong was a loving father to his son, Christian

In his heyday, Jong was known as the organizer of nearly every big event in the community, from the Philippine Independence Day Ball organized by the Philippine Association of Hong Kong, to the next day’s community celebration on Chater Road.

He also did events for the two biggest TV stations in the Philippines, GMA-7 and ABS-CBN, and for a while, even became the latter’s events coordinator and technical point person in Hong Kong.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Jong was, however, not just the director who ordered people around and spent all his time checking out the sounds and visuals of every production he took charge of. He was also known as the ever jolly, ever friendly, big brother to many in the community, including the Filipino migrant workers he often hung out with.

Maria Cristina Carmen Vitug, who started an online fundraiser for Jong’s funeral, said of him: “The lives he’s touched with his kindness and humanity is countless and the memories of a happy, helpful and compassionate gentle giant that he is will live on in our hearts.”

“He is loved by everyone he met with his generous big-hearted spirit. Jong was known as a hard worker and most of all, he was a devoted father to his son.”

BASAHIN DITO

Vitug said Jong’s ailments took a toll not just on his body, but also on his finances. Thus, she started the fund raiser to help Jong’s family manage “the mounting burial bills that they will be facing before he is finally laid to rest.”

The crowdfunding campaign can be found here: https://gogetfunding.com/jongs-funeral-costs/

Those who wish to pay their final respects can do so on the 3rd floor of Tsz Yan Hall of  the International Funeral Parlor on Sunday, between 4 and 11 pm; and the next day, Monday, from 7am to 10 am.

For any inquiries, please call Christian at 68494582 or email cinocencio28@gmail.com

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Pinay na amo, nagtataray sa OWWA dahil pinapulis ng kasambahay

Posted on No comments
Ang opisina ng OWWA kung saan nangyari ang insidente

Isang Pilipinang employer ang nagbitaw ng mga maanghang na salita sa harap mismo ni welfare officer Dina Daquigan sa opisina ng Overseas Workers Welfare Administration kanina, kung saan sila nagharap ng kanyang domestic helper na lumayas matapos tumawag ng pulis.

Sa malakas na boses ay tinarayan ng employer ang dating helper na si Lyn, at sinabing alam niya na pera lang naman daw ang habol nito sa kanya. Sabi pa ng amo, yun lang naman talaga ang gusto ng mga domestic worker na katulad ni Lyn, at kayang kaya niyang bayaran ito.

Narinig at nasaksihan ng ilang mga Pilipina na nasa opisina din ng OWWA ang pagtataray ng amo, bago ito nagbayad ng kabuuang halaga na $4,600 para sa hindi naibayad na suweldo ni Lyn, pati sa air ticket food allowance.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ayon kay Lyn, pinayuhan siya ni WelOf Dina na huwag na lang niyang pansinin ang matatalim na salita na ibinato ng amo sa kanya, dahil mukhang may pinagdadaanan ito.

Nasa sa kanya pa rin kung gusto niyang sampahan ng kaso ang amo, pero dahil pumirma siya sa isang kasulatan na siya ang pumuputol sa kanilang kontrata ay baka mahirapan na siyang maghabol ng dagdag na kabayaran.

Si Welof Dina ang humarap sa mag-amo sa opisina ng OWWA (File) 

Sabi naman ni Lyn, ginusto niyang magreklamo laban sa dating amo hindi dahil gusto niyang maghabol ng pera, kundi dahil sa masamang pagtrato na ginawa nito sa kanya sa loob ng anim na buwan niyang pagsisilbi.

Sa umpisa ay maganda daw ang pagtrato sa kanya, pero pagkalipas ng ilang buwan ay walang oras na hindi siya sinisigawan nito, at sinasaktan pa.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Noong Sabado, July 1, ay hinampas daw siya ng damit ng amo sa loob ng kanilang bahay sa Lohas Park,  Tseung Kwan O, kaya nagdesisyon siyang sundan ang suhestiyon ng isang kaibigan, at tumawag ng pulis.

Patapos na ng anim na taong pagtatrabaho sa Hong Kong si Lyn nang makilala niya ang amo habang naghahanap siya ng lilipatan. Inalok daw sya nito ng suweldong $6,000at ang sabi ay gusto niyang bihasa at maganda ang record ng kukuning kasambahay, kaya siya pumayag.

“Maayos naman ang usapan naming noon kaya napapayag ako,” sabi ni Lyn.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Huli na niyang malaman niya na masyadong mataas ang pamantayan ng among Pilipina na kasal sa isang Intsik kaya lagi siyang pinapagalitan, at noong bandang huli ay sinasaktan siya.

Ang isa pang gustong ireklamo ni Lyn ay ang pagtanggi ng amo na ipagamot siya o bigyan man lang ng gamo, noong magka Covid-19 silang lahat sa bahay. May mga natago daw siyang chat nila ng amo kung saan makikitang nakikiusap siya sa amo na payagan siyang magpatingin sa doktor.

Sa payo ng isang nagmamalasakit na kaibigan ay nagdesisyon na tumawag ng pulis si Lyn noong Sabado, July 1, matapos diumano siyang hampasin ng damit ng amo. Pero pagdating ng mga pulis ay maayos naman daw nakipag-usap ang among Pinay sa kanila. 

BASAHIN DITO

Walang ginawang aksyon ang mga pulis dahil wala silang nakitang bakas ng inireklamo niyang pananakit.

Dahil nanlalambot pa rin sa galit sa ginawa sa kanya ng amo ay pinayuhan si Lyn ng mga pulis na bumaba muna ng bahay at magpalamig, bago sila umalis. Ayon kay Lyn, wala siyang kadala-dala nung bumaba siya kaya bumalik sa bahay para kunin ang mga gamit niya.

Doon daw niya nakita na pinagsisira ng amo niya ang mga gamit niya, kabilang ang kanyang apple watch, kaya tumawag siya ng pulis ulit. Sa pagkakataong ito, at para matapos na ang pagwawala ng kanyang amo ay pumayag daw siyang pumirma sa kasulatan na siya ang pumutol ng kanilang kontrata.

Balak pa rin ni Lyn na patuloy na magtrabaho sa Hong Kong, kaya lang ay kinakabahan daw siya dahil nalaman niyang inunahan na siya ng amo sa pagre report sa Immigration na siya ang kusang umalis sa kanyang trabaho dahil hindi niya kayang magawa nang maayos ang kanyang trabaho.

Pero nananaig pa rin ang kagustuhan niya na makaganti sa pahirap at pananakit daw sa kanya ng amo, kaya malamang na ireklamo pa rin niya ito sa labour o sa immigration. Ang tanging gusto na lang daw niya ay wala nang ibang kasambahay na dumanas ng hirap na katulad ng kanyang pinagdaanan.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

 

Don't Miss