Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pasahero na nakitaan ng produktong may CBD, kulong ng 2 buwan

Posted on 09 July 2023 No comments
Ang produktong may CBD na nakita sa pasahero

Sa unang pagkakataon ay may nakulong na tao sa Hong Kong dahil sa pagdadala ng produkto na may cannabidiol (CBD), o sangkap na mula sa cannabis, sa kanyang gamit.

Nasentensyahan ng dalawang buwang pagkakakulong ang isang babaeng pasahero na bagong dating dahil nakitaan sa kanyang bagahe ng dalawang bote na pamahid sa masakit na parte ng katawan, na ang sangkap ay may 5% na CBD.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Dumating ang babae na 32 taong gulang, sa Hong Kong noong March 29 mula sa United States.

Bukod sa produktong may CBD, nakita din sa bagahe ng babae ang 2.2 gramo ng ketamine na nasa isang bote, at 10 pang-ineksyon na mukhang ginagamit sa ipinagbabawal na gamot.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sinampahan siya sa Western Magistrates Court ng dalawang kaso ng pagdadala ng pinagbabawal na gamot at isa ng para sa mga gamit para sa pagtuturok ng droga, na labag sa Dangerous Drugs Ordinance.

May ketamine din at mga pang-ineksyon na nakita sa gamit ng babae

Dati ay hindi pinagbabawal ang pagdadala at paggamit ng  CBD sa Hong Kong, pero winakasan ito nitong Pebrero ng kasalukuyang taon, nang ipasa ang batas na nagsama dito sa listahan ng mga pinagbabawal na gamot.

Sa opinyon kasi ng ibang eksperto ay nakaka "high" din ang CBD dahil mula ito sa katas ng hemp, na isang uri ng cannabis katulad ng marijuana.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa Customs Department, masaya sila sa sentensyang ipinataw ng korte dahil magsisilbi itong babala kanino man na isang seryosong kaso ang magdala ng pinagbabawal na gamot sa Hong Kong,  kabilang ang anumang produkto na may CBD.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ang pinakamabigat na parusa sa sino mang makitaan ng may dala o nagtatago ng pinagbabawal na droga para sa sariling gamit ay pitong taong kulong at multang $1 million.

Ang pagdadala naman ng gamit para sa pagsinghot, langhap o pang-ineksyon ng droga ay maaring parusahan ng hanggang tatlong taon sa kulungan at patawan ng $10,000 na multa.

BASAHIN DITO

Sa maraming bansa katulad ng Canada, United Kingdom at iba pang parte ng Europe ay nagkalat ang mga produkto na may CBD dahil hindi ito bawal doon.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

22.5 buwang kulong sa asylum seeker na nagtrabaho ng illegal

Posted on No comments
Ang isa sa mga raid na isinagawa ng Immigration noong nakaraang buwan (File)

Mukhang naghihigpit na nang husto ang mga  awtoridad sa mga nahuhuling nagtatrabaho ng illegal, lalo na yung mga asylum seeker, o yung pinipigilan ang pagpapauwi sa kanila.

Hindi lang sunod-sunod ang mga raid ng Immigration sa mga nagdaang buwan para tugisin ang mga nagtatrabaho nang illegal, humahaba rin ang kulong na ipinapataw sa kanila.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Nitong Sabado ay ibinalita ng gobyerno na sinentensyahang makulong ng 22 buwan at 2 linggo ang isang 46 taong gulang na Sri Lankan na nahuling nagtatrabaho nang illegal sa Lau Fau Shan Market sa Yuen Long noong April 24, pero hindi umamin.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Kasama sa nahuli sa raid ang tumayong employer nya, na patuloy pa ring iniimbestigahan.

Nang hanapan ng dokumento ang empleyado ay nadiskubre na may hawak siyang recognizance form, na nagpapatunay na tinututulan niya ang pagpapauwi sa kanya. Hindi rin siya maaring magtrabaho sa Hong Kong dahil dito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Bagamat ang pinakamahabang pagkakakulong na maaring ipataw sa ganitong paglabag ay tatlong taon bukod sa multa na $50,000, madalas na hanggang 15 buwan lang sa kulungan ang parusang ibinibigay ng korte, batay sa pamantayan na inutos ng Mataas na Hukuman.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Pero sa kasong ito ay kinailangan ng paglilitis dahil tumanggi sa paratang ang nasasakdal, dahilan para humaba ang pagdinig sa korte at bumigat ang kanyang sentensya.

Bukod sa asylum seekers ang mga nag-overstay din ng visa habang nagtatrabaho nang illegal ang nakakatanggap ng ganito kabigat na sentensya. Mas malala kung makitaan pa sila ng pekeng HKID card.

BASAHIN DITO

Paalala ng Immigration, huwag magtrabaho ng walang kaukulang visa, bayad man o hindi, dahil mabigat ang parusang kakaharapin.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Coins for Bethune House re-launched on Sunday

Posted on 08 July 2023 No comments
Filcoms are urged to join Coins for Bethune and help the shelter continue its mission

Coins for Bethune, the community-wide fundraising event for Bethune House Migrant Women’s Refuge, will be re-launched this Sunday, July 9, on Chater Road in Central.

The campaign, launched in 2011, was temporarily halted during the pandemic although Bethune House continued to provide shelter, food and financial help to migrant workers in need, including those who contracted Covid-19 or were in mandatory quarantine.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Filipino community leaders and other supporters are invited to take part in the launch which will start at 10:30am in the morning at the BH tent along Chater Road, where the anniversary celebration of United Filipinos in Hong Kong will be held at the same time.

Cans with the Coins for Bethune stickers will be distributed among the donors, who are encouraged to fill them with loose change, then submit them anytime afterwards to the Mission for Migrant Office at St John’s Cathedral on Garden Road.

Pindutin para sa detalye

Coins for Bethune is a campaign that enjoins individuals, organizations and businesses to help sustain the 37-year-old shelter’s programs and expenses for migrant domestic workers through ways as simple as giving them their spare coins.

Apart from helping raise much-needed funds, the project aims to raise public awareness about what the shelter does to help migrant women who not only need a roof over their heads, but also support with their cases and other needs.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Bethune House executive director Edwina Antonio is making a special appeal for help, as the shelter’s resources were largely depleted during the pandemic.

 “As many people could imagine, the recent Covid-19 hit us hard, with a big number of migrant workers knocking on our doors for help, from extra food while in quarantine, to finding shelter after they were thrown out of their employer’s house after contracting Covid-19,” said Antonio.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

“We are always grateful for the support of everyone who extends help to our migrant workers in distress.”

Bethune House, which cares for up to 30 migrant women in its two shelters in Sheung Wan and Jordan, needs at least $150,000 each month to pay for rent, food, visa expenses and other essentials.

BASAHIN DITO

It is funded entirely from private donations as it does not get help from any government.

For more information on how you can help Bethune House, please call 9338 0035 or 9444 2491.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

19 arrested in anti-illegal worker raids

Posted on No comments

 

Some of those arrested in the 4-day raids

Raids on 96 establishments for four days until yesterday (July 6) netted 17 suspected illegal workers and two employers, the Immigration Department (ImmD) reported today.

Immigration said the arrests were made during its territory-wide anti-illegal worker operations codenamed "Lightshadow" and "Twilight", and joint operation with the Hong Kong Police Force codenamed "Windsand".

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
Pindutin para sa detalye

Immigration Task Force officers arrested 15 suspected illegal workers and two suspected employers when they raided 96 locations, including a garage, industrial buildings, premises under renovation, a recycling yard, residential buildings, restaurants, retail shops and a vegetable stall.

Those suspected of doing illegal work comprised three men and 12 women, aged 27 to 54. Among them, one man and two women were holders of recognisance forms, which prohibit them from taking any employment. One woman was suspected of using and being in possession of forged Hong Kong identity card.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Two women, aged 33 and 45, were also arrested for employing the illegal workers.

The two other arrests were made during operation "Windsand" with the help of police.

BASAHIN DITO

Two men who were Mainland visitors, aged 40 and 46, were arrested for breaching their condition of stay by being involved in suspected illegal parallel trading activities at San Wan Road in Sheung Shui district. The goods were mainly food and milk powder.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Bagong pagsasanay mula sa Kasambuhay ngayong Linggo, July 9

Posted on No comments

 

Isa itong pagsasanay pangkabuhayan mula sa Kasambuhay

Bukas, July 9, ay isasagawa ng grupong Kasambuhay Hong Kong Foundation ang pagtuturo ng paggawa ng mga palamuting alahas sa Rooftop ng Harcourt Garden sa Admiralty, (malapit sa exit E ng MTR), mula 9:30 hanggang 11 ng umaga.

Bahagi ito ng kanilang pagbabahagi ng mga pwedeng pagkakakitaan, lalo na ng mga nagbabalak nang umuwi sa Pilipinas, o kaya ay mapaglilibangan man lang.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Pindutin para sa detalye

Kahit sinong migranteng manggagawa ay maaaring sumali sa pagsasanay na ito, bagamat dahil maliit ang lugar na pagdarausan, ay gagawing first-come, first-served ang pagpapalista. Para makasiguro na makakasama sa pagtuturo ay sikaping dumating nang maaga.

Ang Kasambuhay ay itinatag ng dating pamunuan ng Card OFW Hong Kong para gabayan ang mga migranteng manggagawa sa wastong paggamit ng kanilang sahod, pag-iipon at pagnenegosyo sa tamang pamamaraan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Kasama din sa kanilang ibinabahagi ang pagkakaroon ng livelihood skills o kaalaman na maaring magamit para sa paghahanapbuhay.

BASAHIN DITO

Para sa dagdag na impormasyon, mangyari lang na bisitahin ang kanilang Facebook page, Kasambuhay Hong Kong Foundation @KasambuhayHK.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Pilipina, itinangging sinaktan ang alagang nagwala habang naliligo

Posted on 07 July 2023 No comments

 

Si Carmela  (itim na pantalon) ay sinamahan sa korte ng taga MWO.

Itinanggi ng isang Pilipina ang paratang na sinaktan niya ang kanyang alagang bata nang humarap siya sa Eastern Court ngayon.

Dahil sa pagtanggi ni Carmela Sulpico, 34 taong gulang, itinakda ni Principal Magistrate Ivy Chui ang dalawang araw na paglilitis ng kaso sa Aug. 19-20.

Pansamantala siyang pinalaya sa piyansang $200.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
Pindutin para sa detalye

Inakusahan si Sulpico ng pananakit sa kanyang alagang siyam na taong gulang, na tinawag na X, na nagsanhi ng kakaibang sakit o masamang epekto sa kalusugan nito. Ito ay paglabag sa Section 27(1) ng Offenses Against the Person Ordinance.

Sinabi ng taga-usig na handa silang magharap ng mga testigo, kasama na ang umano’y nasaktang bata, at CCTV recording noong araw na naganap ang insidente sa bahay ng amo ni Sulpico sa Central.

Ayon naman sa abugado ng kabilang panig, may ipakikita rin siyang dalawang minutong video na magpapatunay na walang kasalanan ang nasasakdal.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ang umano’y pananakit ay nag-ugat sa pagpilit ni Sulipico na maligo ang bata noong Feb. 20, pero tumanggi ito at nagwala. Pagkatapos ng insidente ay nakitaan ng mga pasa ang katawan ng bata.

Pero ayon kay Sulpico, siya rin ay nagtamo ng pasa dahil sa insidente.

Sinamahan siya sa korte ni social welfare attache Remilene Marcelino at isa pang tauhan ng Migrant Workers’ Office.

BASAHIN DITO

Siya ay tumutuloy sa shelter ng MWO sa Kennedy Town habang nilalabanan ang kaso.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Don't Miss