Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

HK tightens entry rules for FDH with criminal records

Posted on 11 July 2023 No comments

 

People who get arrested for illegal work or overstaying are among those in the watchlist

If you are a foreign domestic worker who was sentenced after conviction for a criminal case committed in Hong Kong, think twice before attempting to apply for work again here.

This is not just because of Hong Kong’s new policy requiring all new entrants, including FDHs, to declare their criminal past starting on July 19, although this in itself is making those who had a previous brush with the law nervous. It is more because Immigration has started restricting the re-entry of those who had been sent home after being sentenced for an infraction, no matter how slight.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Consul Paulo Saret, head of the assistance to nationals section of the Philippine Consulate, said it would be better for those who had been sent home after being found guilty of a crime to carefully consider if it is worth risking an attempt to come back.

Marami po kasi ang mga na A to A (airport to airport) ngayon,” said Saret. (There’s been quite a number of people who ended up traveling from one airport to another recently).

He made the statement when asked if a Filipina who was sent home last December after being meted a suspended four-month jail term for lying to an immigration officer and giving false particulars, could come back as there is an employer willing to sign her up.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The strict new policy appears to apply even for those who were sentenced for a slight misdemeanor.

In the case of M, the Filipina, Immigration recognized that she had been a victim of a rogue employment agency owner who tricked her into coming to Hong Kong despite knowing that the employer who signed the contract had already left the city.

This was compounded when the agent told M to apply for a Hong Kong ID card using the fake contract, and then making her go back to Immigration to present a termination letter from the supposed employer.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

The agent was subsequently jailed for six months but M was convicted as well of three charges of violating her visa condition and lying to an immigration officer as she pleaded guilty to them early on, thinking it would hasten her return home. Little did she know that her conviction would stick with her, and prevent her from re-applying for a domestic helper job in Hong Kong.

Recently, M applied to work in Taiwan as a caregiver, but after her papers were processed, the elderly woman she was supposed to look after died, leading to the cancellation of her contract, and leaving her hopes of going abroad to work dashed yet again.

The apparent crackdown by Immigration on FDWs with a criminal record was first noted by solicitors Arthur Chan and Jasmine Kwong of Boase, Cohen and Collins, in an article published in November 2021.

BASAHIN DITO

In the article, the authors cited the case of an Indonesian domestic worker whose application for a renewal of her work contract was denied in January of the same year, after Immigration noted she had been convicted of theft in September 2020 for which she was fined $800.

In its decision rejecting the application for contract renewal, the Director said the helper failed to meet the criteria given in the ‘Guidebook for Employment of Domestic Helpers from Aboard.’

The helper and employer appealed to the Director to reconsider, stating that the conviction was “very insignificant” and should have been spent in two years. The helper was also said to have shown remorse for what she did. In addition, the letter said the employer had a medical condition that made her vulnerable during the pandemic, and that the helper had already developed a bond with the family she was serving.

But the Director stood firm in his decision, so the case was taken to the High Court, where it was again rejected. In his decision, Justice Russel Coleman said the Director of Immigration was within his rights to refuse the application based on the criteria cited in the Guidebook, and that internal memos in the Department showed he had considered the employer’s circumstances.

While the solicitors conceded that the court merely reiterated the long-standing policy of allowing the Director discretion in the granting of FDH visas, its decision opened the door wide open to questions such as, if a non-recordable offence such as careless driving could be held against a helper with driving duties.

“Further, there remains uncertainty over spent convictions, since the objective of these is to allow an offender to put a past mistake behind them. In the highlighted case, can the helper re-apply once her conviction is spent?,” asked the solicitors.

They also suggested that adopting such stringent rules could lead helpers with a minor conviction to  consider overstaying because of the possibility that their employment visa will not be renewed.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Pilipinang overstay pinaaresto dahil hindi sumipot sa korte

Posted on 10 July 2023 No comments

 

Hindi sumipot sa pagdinig ng kanyang kaso sa Shatin courts ang Pilipina

Ipinaaresto kanina ang isang Pilipinang nakademanda dahil sa pag-overstay, matapos na hindi siya  sumipot sa pagdinig ng kaso sa Shatin Courts.

Inutos ni Acting Principal Magistrate Cheang Kei-hong na isantabi ang dating piyansa ni Lyria Garillo, 39 taong gulang, at hindi na siya payagang magpiyansang muli kapag hindi niya maipaliwanag kung bakit  hindi siya nakarating.

Unang nakalista ang kaso ni Garillo sa Court 3, pero dahil para sa “paper disposal” ang pitong kaso dito, mabilis na natapos ang sesyon.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Inilipat ang kaso ni Garillo sa Court 1, marahil sa pagbabaka-sakaling naantala lang siya at hindi umabot sa Court 3, pero nang tawagin ang kaso niya bandang 11:40 ng umaga, ay wala pa rin siya kahit sa labas ng korte.

Ayon sa mga dokumento ng korte, nagpasabi siya noong March 3 na lilipat ng tirahan sa Tok Wa Wan, mula sa Tsim Sha Tsui.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Domestic helper si Garillo nang dumating sa Hong Kong, pero siya ay nasisante ng amo noong  April 24, 2019. May 14 na araw siya upang humanap ng bagong amo, pero nabigo at nagtago na lang.

Nahuli siya noong April 14, 2020, matapos ang halos isang taong pag-overstay.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Upang hindi siya agad pauwiin, nag-apply siya ng non-refoulement, na kung ibibigay sa kanya ay magbabawal sa gobyerno ng Hong Kong na pwersahan siyang pauwiin sa Pilipinas. Bilang tanda na may hinihintay siyang ganitong desisyon ng gobyerno, may hawak siyang “recognizance form”.

Sa isang hiwalay na kasong dininig din ni Magistrate Cheang kanina, isa pang Pilipinang kinasuhan dahil nag-overstay at may hawak ding recognizance form, ang binigyan ng mahabang pagpapaliban ng pagdinig ng kanyang kaso.

BASAHIN DITO

Ipinagpatuloy ang bisa ng piyansang $500 ni Ma. Luna Siva, 45 taong gulang, hanggang sa susunod na pagdinig sa Nov. 22.

Si Siva, na dumating bilang turista, ay dumating noong March 2008 at naaresto matapos ang 13 taong pag-overstay, noong January 2021.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

8 buwang kulong dahil sa pekeng kontrata

Posted on No comments

 

Walong buwan sa kulungan ang parusa sa isang Pilipina matapos siyang umamin sa Sha Tin Courts kanina na nagsinungaling sa mga opisyal ng Immigration upang mabigyan ng visa bilang domestic helper at makakuha ng bagong Hong Kong ID.

Tig-limang buwang kulong sana ang sentensiya ni Jingle Bautista, 47 taong gulang, sa tatlong kasong isinampa laban sa kanya --  dalawang kaso ng pakikikutsaba sa pagsisinungaling upang mabigyan ng visa bilang DH, at isang kaso ng pagsisinungaling sa isang opisyal upang makakuha ng bagong HK ID card.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Pero matapos patawan ng kabuuang parusang limang buwan si Bautista sa unang kaso, pinatawan lang siya ni Acting Principal Magistrate Cheang Kei-hong ng dalawang buwan para sa ikalawang kaso at isang buwan para sa ikatlong kaso.

Ito ay matapos humingi ang abogado ni Bautista ng kaluwagan sa pagpaparusa, dahil gusto na daw nitong umuwi sa kanyang pamilya sa Pilipinas.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Malamang na matupad ang kagustuhan niyang makauwi makalipas lang ang dalawang buwan.

Ito ay dahil hindi na niya kailangang pagdusahan nang buo ang tatlong buwan pang natitira sa kanyang parusa mula nang ipiit siya noong Feb 8 -- ibabawas kasi sa kanyang sentensiya ang mga piyesta opisyal at iba pang kunsiderason, gaya ng pagiging mabait niya habang nasa loob.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ang unang kaso ni Bautista ay paglabag sa Immigration Ordinance dahil sa pekeng kontratang pinirmahan niya bilang domestic helper ni Warwick Wong, sa tulong ni Adelia Wong, sa pagitan ng Oct. 25, 2018 at Dec. 6, 2020.

Ang pagsisinungaling ni Bautista at ni Wong ang naging dahilan kung bakit nabigyan ng visa ang Pilipina kahit hindi dapat.

BASAHIN DITO

Naulit ang krimen nang pumirma naman si Bautista sa pekeng kontrata para maging DH ni Nikke George Wong sa tulong muli ni Adelia Wong, mula Dec. 3, 2020 hanggang Dec. 30, 2022, at nakakuhang muli ng visa si Bautista.

Ang ikatlong kaso, ang paglabag sa Registration of Persons Regulations, ay mula sa kanyang pagkuha ng bagong HK ID. Nagsinungaling siya nang ilagay niya sa aplikasyon ang domestic helper bilang trabaho niya, kahit hindi totoo.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Pasahero na nakitaan ng produktong may CBD, kulong ng 2 buwan

Posted on 09 July 2023 No comments
Ang produktong may CBD na nakita sa pasahero

Sa unang pagkakataon ay may nakulong na tao sa Hong Kong dahil sa pagdadala ng produkto na may cannabidiol (CBD), o sangkap na mula sa cannabis, sa kanyang gamit.

Nasentensyahan ng dalawang buwang pagkakakulong ang isang babaeng pasahero na bagong dating dahil nakitaan sa kanyang bagahe ng dalawang bote na pamahid sa masakit na parte ng katawan, na ang sangkap ay may 5% na CBD.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Dumating ang babae na 32 taong gulang, sa Hong Kong noong March 29 mula sa United States.

Bukod sa produktong may CBD, nakita din sa bagahe ng babae ang 2.2 gramo ng ketamine na nasa isang bote, at 10 pang-ineksyon na mukhang ginagamit sa ipinagbabawal na gamot.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sinampahan siya sa Western Magistrates Court ng dalawang kaso ng pagdadala ng pinagbabawal na gamot at isa ng para sa mga gamit para sa pagtuturok ng droga, na labag sa Dangerous Drugs Ordinance.

May ketamine din at mga pang-ineksyon na nakita sa gamit ng babae

Dati ay hindi pinagbabawal ang pagdadala at paggamit ng  CBD sa Hong Kong, pero winakasan ito nitong Pebrero ng kasalukuyang taon, nang ipasa ang batas na nagsama dito sa listahan ng mga pinagbabawal na gamot.

Sa opinyon kasi ng ibang eksperto ay nakaka "high" din ang CBD dahil mula ito sa katas ng hemp, na isang uri ng cannabis katulad ng marijuana.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa Customs Department, masaya sila sa sentensyang ipinataw ng korte dahil magsisilbi itong babala kanino man na isang seryosong kaso ang magdala ng pinagbabawal na gamot sa Hong Kong,  kabilang ang anumang produkto na may CBD.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ang pinakamabigat na parusa sa sino mang makitaan ng may dala o nagtatago ng pinagbabawal na droga para sa sariling gamit ay pitong taong kulong at multang $1 million.

Ang pagdadala naman ng gamit para sa pagsinghot, langhap o pang-ineksyon ng droga ay maaring parusahan ng hanggang tatlong taon sa kulungan at patawan ng $10,000 na multa.

BASAHIN DITO

Sa maraming bansa katulad ng Canada, United Kingdom at iba pang parte ng Europe ay nagkalat ang mga produkto na may CBD dahil hindi ito bawal doon.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

22.5 buwang kulong sa asylum seeker na nagtrabaho ng illegal

Posted on No comments
Ang isa sa mga raid na isinagawa ng Immigration noong nakaraang buwan (File)

Mukhang naghihigpit na nang husto ang mga  awtoridad sa mga nahuhuling nagtatrabaho ng illegal, lalo na yung mga asylum seeker, o yung pinipigilan ang pagpapauwi sa kanila.

Hindi lang sunod-sunod ang mga raid ng Immigration sa mga nagdaang buwan para tugisin ang mga nagtatrabaho nang illegal, humahaba rin ang kulong na ipinapataw sa kanila.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Nitong Sabado ay ibinalita ng gobyerno na sinentensyahang makulong ng 22 buwan at 2 linggo ang isang 46 taong gulang na Sri Lankan na nahuling nagtatrabaho nang illegal sa Lau Fau Shan Market sa Yuen Long noong April 24, pero hindi umamin.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Kasama sa nahuli sa raid ang tumayong employer nya, na patuloy pa ring iniimbestigahan.

Nang hanapan ng dokumento ang empleyado ay nadiskubre na may hawak siyang recognizance form, na nagpapatunay na tinututulan niya ang pagpapauwi sa kanya. Hindi rin siya maaring magtrabaho sa Hong Kong dahil dito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Bagamat ang pinakamahabang pagkakakulong na maaring ipataw sa ganitong paglabag ay tatlong taon bukod sa multa na $50,000, madalas na hanggang 15 buwan lang sa kulungan ang parusang ibinibigay ng korte, batay sa pamantayan na inutos ng Mataas na Hukuman.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Pero sa kasong ito ay kinailangan ng paglilitis dahil tumanggi sa paratang ang nasasakdal, dahilan para humaba ang pagdinig sa korte at bumigat ang kanyang sentensya.

Bukod sa asylum seekers ang mga nag-overstay din ng visa habang nagtatrabaho nang illegal ang nakakatanggap ng ganito kabigat na sentensya. Mas malala kung makitaan pa sila ng pekeng HKID card.

BASAHIN DITO

Paalala ng Immigration, huwag magtrabaho ng walang kaukulang visa, bayad man o hindi, dahil mabigat ang parusang kakaharapin.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Coins for Bethune House re-launched on Sunday

Posted on 08 July 2023 No comments
Filcoms are urged to join Coins for Bethune and help the shelter continue its mission

Coins for Bethune, the community-wide fundraising event for Bethune House Migrant Women’s Refuge, will be re-launched this Sunday, July 9, on Chater Road in Central.

The campaign, launched in 2011, was temporarily halted during the pandemic although Bethune House continued to provide shelter, food and financial help to migrant workers in need, including those who contracted Covid-19 or were in mandatory quarantine.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Filipino community leaders and other supporters are invited to take part in the launch which will start at 10:30am in the morning at the BH tent along Chater Road, where the anniversary celebration of United Filipinos in Hong Kong will be held at the same time.

Cans with the Coins for Bethune stickers will be distributed among the donors, who are encouraged to fill them with loose change, then submit them anytime afterwards to the Mission for Migrant Office at St John’s Cathedral on Garden Road.

Pindutin para sa detalye

Coins for Bethune is a campaign that enjoins individuals, organizations and businesses to help sustain the 37-year-old shelter’s programs and expenses for migrant domestic workers through ways as simple as giving them their spare coins.

Apart from helping raise much-needed funds, the project aims to raise public awareness about what the shelter does to help migrant women who not only need a roof over their heads, but also support with their cases and other needs.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Bethune House executive director Edwina Antonio is making a special appeal for help, as the shelter’s resources were largely depleted during the pandemic.

 “As many people could imagine, the recent Covid-19 hit us hard, with a big number of migrant workers knocking on our doors for help, from extra food while in quarantine, to finding shelter after they were thrown out of their employer’s house after contracting Covid-19,” said Antonio.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

“We are always grateful for the support of everyone who extends help to our migrant workers in distress.”

Bethune House, which cares for up to 30 migrant women in its two shelters in Sheung Wan and Jordan, needs at least $150,000 each month to pay for rent, food, visa expenses and other essentials.

BASAHIN DITO

It is funded entirely from private donations as it does not get help from any government.

For more information on how you can help Bethune House, please call 9338 0035 or 9444 2491.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Don't Miss