Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Iba pang biktima ng sinasabing ‘scammer,’ lumantad

Posted on 19 July 2023 No comments

 

Ang 5 Pilipino na nagreklamo sa Tai Po police laban kay Anilao noong Pebrero

Nagbunyi ang ilang mga Pilipino sa Hong Kong nang maibalita ng The SUN kamakailan na naaresto at kinasuhan sa korte ang itinuturo nila na kumuha din ng malaking halaga sa kanila pero hindi naibigay ang pangakong trabaho sa kanilang mga kaanak sa Pilipinas.

Sabin ni Janelyn, “Finally! Sana maibalik mo din ang mga perang nakuha mo sa amin.”

Ayon kay Janelyn, umabot sa P440,000 ang nakuha ng itinuro niyang nanloko din sa kanya at mga kaanak niya na si Jenalie Anilao, na sinampahan ng kaso sa Fanling Court noong June 30.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Inalok daw kasi sila ni Anilao ng mga trabaho bilang domestic helper, gardener at maintenance cleaners, na pawang mga lalaki ang kailangan.

Kasamahan nila ito sa boarding house dati kaya sila nagtiwala. Ayon sa kuwento ng akusado, ang mag-aayos daw ng papeles ng mga aplikante ay isang kaibigan niya na may asawang Briton.

Ayon kay Janelyn, lima silang nagbayad kay Anilao kapalit ng pangako nitong trabaho na tagalinis at taga paandar ng yate. Ang ibinayad daw niya kay Anilao ay $17,000, samantalang ang mister at bayaw niya ay $28,000 at ang ate nya at pamangkin ay P125,000 naman.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pagkatapos makuha ang kanilang pera ay lagi daw nagdadahilan si Anilao na delayed ang training at flight ng kanilang mga aplikante. Bandang huli ay tumakas ito sa kanilang boarding house.

“Ayun, itinakbo po ang perang hindi niya pinaghirapan at kami ngayon ang nagpapakahirap para makabangon ulit,” sabi ni Janelyn.

Lima daw silang mga biktima na nagsumbong sa Taipo police station noong Feb. 26 pero isa lang ang tinawagan kalaunan para mag report sa mga imbestigador sa Wanchai station. Ang tinawag niyang si Mrs B ay suportado ng amo kaya kahit inabot ng gabi sa istasyon ng pulis ay nagawa nitong ikumpleto ang kanyang salaysay.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Pero hindi lang daw ang $28,000 na nasa sakdal laban kay Anilao ang nakuha nito mula kay B, dahil marami itong mga kaanak na nagbayad. Sa tantiya ni Janelyn, aabot ng P700,000 o mahigit pa ang naibayad ng grupo ni B sa akusado.

Kasama diumano sa mga biktiman ni Anilao ay ang isang may cancer na inalok niya ng bagong amo, at kinuhanan ng pera. Pero nang matapos ang kontrata nito sa dating amo ay nalaman niyang peke ang bagong employer na inalok ng akusado.

Sana daw ay matuloy ang bakasyon ng kanyang mga amo sa buwang kasalukuyan para makapag report din siya sa Wanchai Police at maisama ang reklamo niya sa mga kaso laban kay Anilao.

BASAHIN DITO

Ang isa pang nag komento sa istorya ng The SUN ay si Maryden, na nawalan naman daw ng $15,000 dahil sa panloloko ni Anilao, na ipinakilala sa kanya ng isang pinsan.

“Maibalik mo lang yung perang pinaghirapan namin, malaking tulong na yun sa aming niloko mo. Nang dahil sa iyo, nagkabaon-baon kami sa utang. Grabe ka, wala kang puso sa kapwa mo Pilipino," sabi ni Maryden.

Si Anilao, 40 taong gulang, ay nahaharap sa kasong “obtaining property by deception” o pagkuha ng ari-arian mula sa ibang tao sa pamamagitan ng panloloko.

Hindi siya pinagpiyansa, at nakatakdang bumalik sa korte sa Aug. 25 habang binubuo ng taga-usig ang kaso laban sa kanya. 

Ayon sa sakdal, inalok ni Anilao si B na ihahanap ng trabaho ang asawa nito kapalit ng bayad na $28,500 bilang referral fee.

Hinulug-hulugan ito ni B mula Aug. 15 hanggang Nov. 19, 2022 sa isang flat sa Tai Po sa New Territories.

Pero nang mabuo na ni B ang bayad, hindi na mahagilap si Anilao, kaya nagreklamo ito sa pulis.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!


Kaso ng 2 Pinay iniakyat sa DC; listahan ng ninakaw nadagdagan

Posted on No comments

 

Ang lugar na pinangyarihan ng pagnanakaw.

Itinaas sa District Court kaninang umaga ang kaso ng dalawang Pilipinang akusado ng pagsasabwatan sa pagnanakaw ng mga relo at alahas ng kanilang amo sa Kowloon City, matapos dagdagan ang listahan ng mga ninakaw.

Itinakda ni Principal Magistrate Don So ng Kowloon City Courts ang pagdinig ng kaso nina Bernadette Paranas, 39 taong gulang, at Gina Quinones, 35, sa District Court  sa August 8.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Pinayuhan niya ang dalawa na humingi ng tulong sa Legal Aid, dahil ito ay kanilang karapatan, upang maipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga akusasyon.

Ibinalik sila sa kulungan dahil wala silang hiling na payagang mag-piyansa. Ipinahiwatig din ng taga-usig na hahadlang sila kung hihiling silang palayain pansamantala.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nauna nang kinasuhan ang dalawa ng pagsabwatan sa pagnanakaw ng isang storage box, isang kahon para sa relo, 23 relo, 2 pendant, 10 pulseras, at isang briefcase na pag-aari ng kanilang among lalaki at nagkakahalaga ng kabuuang $2.7 million.

Naganap ang pagnanakaw sa bahay ng kanilang amo sa Sheung Shing Court sa Kowloon City sa pagitan ng May 1, 2021 at Dec. 1, 2022.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Sa pagdinig kanina, nadagdagan ang listahan ng mga ninakaw.

Si Paranas ay inakusahang nagnakaw ng isa pang singsing noong Aug. 8, 2022 sa lugar ding iyon.

Si Quinones naman ay sinampahan ng tatlo pang kaso.

Inakusahan siyang nagnakaw ng isang relo na pag-aari ng kanyang among babae noong May 2022.

BASAHIN DITO

Noong Oct. 7, 2022, ninakaw umano niya ang isa pang relo ng kanyang among lalaki.

Noong Nov. 27 ay ninakaw naman umano niya ang isang singsing ng amo niyang babae.

Ang lahat ng akusasyon ay paglabag sa Theft Ordinance at Crimes Ordinance.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Mission seeks help for 3 girls with rare blood disease

Posted on No comments

 

Elaine and her daughters with Mission case officer Edwina Antonion (second from right)

Three young Filipinas are in Hong Kong with their mother right now, hoping to get tested and treated as soon as possible for a rare blood disease that has left them bleeding heavily, particularly from the nose and mouth.

Their mother, Elaine Pacheco, rushed to get them diagnosed here as soon as she learned that the nearest places with equipment for getting them tested for what is suspected to be Von Willebrand’s disease are Singapore and Hong Kong.

According to the Mayo Clinic, Von Willebrand disease is a lifelong bleeding disorder in which the patient’s blood doesn’t clot properly. Afflicted people have low levels of von Willebrand factor, a protein that helps blood clot.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

While it is incurable, people with this disease can lead active lives with treatment and self-care.

After the case was referred to them, the Mission for Migrant Workers immediately sent out an appeal for help for the three girls, aged 19, 17 and 10.

According to the Mission’s general manager Cynthia A. Tellez, Elaine traveled all the way from Mexico, Pampanga to get medical help for her three daughters who often bleed non-stop from their noses and gums. The two older daughters experience even heavier bleeding during their monthly period.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

“After raising some funds Elaine brought the kids racing to get them tested in Hong Kong as she continues seeking financial help from good-hearted people,” said Tellez.

She added Elaine and her husband had to take turns working because someone had to be left at home to look after their daughters.

It was Elaine who used to work until she was diagnosed with sick sinus syndrome, a condition which causes slow or irregular heartbeats. She now wears a pacemaker, so her husband had to take on the role of breadwinner by working as a delivery driver.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Elaine arrived in Hong Kong with her daughters on June 28, and could only stay for 14 days. But as the doctors said they needed to stay longer for a series of medical tests, the Mission stepped in to help them get visa extensions.

The girls are scheduled to undergo blood tests on Thursday, July 20, signaling the start of greater financial woes for the family. But whatever the diagnosis and cost, Elaine and her husband are determined to get their children treated, even when they’re back in the Philippines.

BASAHIN DITO

Elaine said, 'I have to be strong for my children and the only thing I want is for them to get the right treatment! I am knocking on your hearts and begging for mercy to help my children. As a mother, I just want to see them live normal and healthy lives.”

(Donations for the girls’ medical treatment can be deposited through the Alipay account of Elaine’s cousin, Janice Bautista, at 92020757. The Mission asks that each time money is sent, a photo of the deposit slip be sent via whatsapp to 91443744 for proper monitoring and accounting)

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!


Isa na namang bagyo mula sa Pilipinas, maaring tumama sa HK

Posted on 18 July 2023 No comments
Pinakahuling mapa ng PAGASA na nagpapakita sa namumuong bagyo sa Mindanao

May isa na namang bagyo na namumuo sa Mindanao ang maaring tumama ulit sa Hong Kong, ayon sa HK Observatory, isang araw lang magmula nang itaas ang T8 sa siyudad dahil sa paglapit ni Typhoon Talim.

May 50 porsyento daw na tumama ang bagyo sa Hong Kong sa darating na linggo, na maaring magsanhi ng muling pagtaas ng signal no 8.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ayon naman sa pinakahuling balita sa Pilipinas, ang “tropical cyclone” ay maaaring pumasok sa bansa sa loob ng 24 hanggang 48 na oras, at papangalanan itong Egay kung sakali.

Inaasahang mananatili ito sa Pilipinas sa darating na mga araw bago umusad sa bandang hilagang parte ng South China Sea, kabilang ang Hong Kong, sa susunod na linggo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Kapag nangyari ito ay magiging mahangin at maulan muli sa Hong Kong sa bandang gitna ng darating na linggo.

Pindutin para sa detalye

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Kok Mang-hin ng Observatory na hindi pa rin malinaw kung magtutuloy sa kasalukuyang direksyon ang namumuong bagyo, pero may posibilidad na ito ay malakas, na magsasanhi ng pagtaas muli ng T8 sa darating na Martes o Miyerkules.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Sabin ni Kok, sa mga nakikita sa “computer simulation” sa ngayon, malakas ang bagyong parating, at lalapit ito sa Hong Kong.

Sa pinakahuling anunsyo naman ng PAGASA o Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, nasa 890 kilometro ang layo ng namumuong bagyo sa bandang kanluran ng northeastern Mindanao.

BASAHIN DITO

Ang bagyong Egay ang panlimang bagyo na tumama sa Pilipinas sa taong ito.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

T3 na sa HK dahil sa paglayo ni Talim

Posted on 17 July 2023 No comments

 

Inaasahang mananatili ang T3 hanggang mamayang gabi (RTHK File photo)

Ibinaba na saT3 ang hudyat ng bagyo ngayong 4:20pm dahil sa patuloy na paglayo ni Talim sa Hong Kong, at inaasahan itong mananatili hanggang ngayong gabi. 

Bale nanatiling nakataas ang T8 sa SAR sa loob ng 15 oras bago nito. Dahil dito ay kanselado ang lahat ng mga klase at sarado ang mga opisina sa buong maghapon, bagamat maraming mga restaurant at tindahan ang nagbukas.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Nitong 4pm ay namataan ang bagyongTalim bandang 290 kilometro ang layo sa Hong Kong, at tinatahak ang direksyon papunta sa Leizhou Peninsula sa bilis na 18 kilometro bawat oras.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa pahayag ng gobyerno, nakatanggap ito ng 32 tawag tungkol sa mga tumumbang puno, at mga pagbaha.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sabi naman ng Hospital Authority, walo katao na nasaktan dahil sa bagyo ang nagpagamot sa mga pampublikong ospital.

Nag-umpisa na  nang paghahanda ang mga bus at MTR para maging normal na muli ang kanilang mga biyahe pagkatapos na ibaba ang T8.\

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Nagpaalala naman ang Observatory sa publiko na manatiling alerto at iwasan ang magpunta sa tabing-dagat dahil nanatiling maalon at malakas ang hangin sa mga lugar na ito.

Nananatili din daw na malakas ang hangin sa mga matataas na lugar, kaya hindi dapat magpakampante.

BASAHIN DITO

Ang bagyo ay dumaan sa loob ng 300 kilometro mula sa pampang ng Hong Kong, pagkatapos manalasa sa Pilipinas.

Ang pangalang Talim o talas ay galing sa Pilipinas, na kabilang sa grupo ng mga bansa sa Asya na inaanyayahan ng United Nations Economic Commission/ World Meteorological Organization at Typhoon Committee ng World Meteorological Organization, na magbigay ng pangalan sa bagyo.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Signal no 8, itinaas sa paglapit ng bagyong Talim

Posted on No comments

 

Makikita sa mapa ang paglapit ng bagyo sa HK mula sa hilagang parte ng Pilipinas

Itinaas ng Hong Kong ang pinaka una nitong Signal No 8 sa taong ito, dahil sa paglapit ng bagyong Talim, na ang pangalan ay nagmula sa Pilipinas, kung saan din ito naunang nanalasa.

Itinaas ang signal mula sa No 3 nitong 12:40am ng Lunes, dahil pumasok na si Talim sa loob ng 300 km na distansya sa Hong Kong.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Inaasahan ang patuloy na paglakas ng hangin na may kasamang ulan sa paglapit ng bagyo sa mga darating na oras, pero malamang na hindi ito tumama ng diretso sa siyudad.

Ayon sa Observatory, malamang na manatili ang Signal No 8 nang hanggang 7am, o bago ang pagbubukas ng mga opisina at eskwelahan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Pagkatapos na itaas ang signal ay nagpahayag ang mga kumpanya ng bus na babawasan nila ang mga biyahe ngayong magdamag bilang pag-iingat.

Nagsabi din ang mga kumpanya ng ferry na ititigil nila pansamantala ang mga biyahe bandang 2am, pero ang mga tren ng MTR ay magpapatuloy sa pagtakbo, maliban na lang kung lumala ang sitwasyon.

BASAHIN DITO

Nag-umpisang maramdaman ang paglakas ng hangin dahil kay Talim nitong hapon ng Linggo, May mga punong bumigay, at isang babae na lumalangoy sa South Bay ang itinakbo sa Queen Mary Hospital nang matamaan ng parte ng isang punong natumba.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Don't Miss