Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pilipina, inakusahang 3 beses na nagtulak ng droga sa isang araw

Posted on 25 July 2023 No comments

 

Ang gusali kung saan nahuli ang Pilipina

Isang Pilipina ang humarap kanina sa West Kowoon Courts sa tatlong kaso ng pagtutulak ng droga noong July 17 sa isang building sa Tsim Sha Tsui.

Ibinalik sa kulungan si Sherlita Guia, 37 taong gulang na asylum seeker, matapos hilingin ng taga-usig na ipagpaliban ang pagdinig para sa karagdagang imbestigasyon at payong legal mula sa Department of Justice.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Itinakda ni Principal Magistrate Don So ang susunod na pagdinig sa Sept. 12.

Ang unang kasong isinampa ng Anti-triad section ng Yau Ma Tei-Tsim Sha Tsui Police District laban kay Guia ay ang pagtutulak ng droga noong July 14 sa 2nd floor na hagdanan ng Block C Tsim Sha Tsui Mansion sa Nathan Road.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Naulit ang pagtutulak ng droga noong araw ding iyon sa Room 1, Flat D4 ng Block  D ng naturang gusali.

Ang ikatlong kaso ay ang pagtutulak ng droga sa Room 2, Flat D4 ng Block  D ng naturang gusali pagkalipas ng ilang oras.

Hindi binanggit sa sakdal kung gaano kadami ang droga na nakuha mula sa akusado.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ang tatlong kaso ay paglabag sa Dangerous Drugs Ordinance.

Ayon sa Section 4(1) (a) ng batas na ito, na ginamit ng pulis na basehan ng kaso, pwedeng kasuhan ng drug trafficking ang isang tao na nagbenta ng droga para sa sarili, o para sa ibang tao. 

BASAHIN DITO

Ang parusang itinakda para sa pagkakasalang ito ay multang hanggang $500,000 at pagkakakulong ng hanggang pitong taon sa pinakamabigat na kaso na kailangan ng indictment, o multang aabot sa $100,000 at pagkakakulong ng hanggang isang taon kung mas magaang ang kaso.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

 

Bagyong papalapit sa HK, maaring maging 'super typhoon'

Posted on 24 July 2023 No comments

 

Pinapakita sa mapa ang paglakas ng bagyo (pula) habang lumalapit sa Pilipinas (Google maps)

Ang bagyong Doksuri ay patuloy na lumalakas habang papalapit sa Luzon Strait at maaring maging super typhoon nitong Martes ng hapon bago dumaan sa Hong Kong, ayon sa Observatory.

Huling namataan ang bagyo sa layong 520 km sa bandang hilaga ng Maynila, at tinatayang tumatahak sa lakas ng 195km bawat oras. Ibig sabihin, maaring maging super typhoon ito habang binabagtas ang baybayin ng Pilipinas patungo sa Batanes.

Ayon sa Observatory, ang bagyong Doksuri (agila sa salitang Korean) ay maaring mapunta sa Taiwan mula sa Pilipinas, o lumihis papunta sa baybayin ng Guangdong, kabilang ang Hong Kong.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pinag-aaralan pa nila kung dapat bang itaas ang signal no 1 sa Hong Kong sa Miyerkules dahil lalapit daw ang bagyo sa distansyang 800 km papasok ng Hong Kong. 

Kapag lumayo ito papuntang Taiwan ay lalo pa daw iinit sa Hong Kong, pero kapag dumiretso ito sa Guangdong ay maaring dumalas ang pag-ulan na may kasamang malakas ng hangin dito.

Sa kasalukuyan ay nanatiling mainit sa Hong Kong at iba pang parte ng southern China dahil sa mainit na hanging dala ni Doksuri.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

BASAHIN DITO

Pinapayuhan ng Observatory sa mga nagpaplanong bumiyahe papauntang Taiwan, Fujian at Guangdong na pag-aralan muna ang takbo ng panahon at baka sila maipit sa biglang pagsama ng panahon.

Noong isang linggo lang ay itinaas ang signal no 8 sa Hong Kong dahil sa paglapit ng malakas na bagyong Talim, at tumagal ito ng mahigit 15 oras. Ito ang unang bagyong tumama sa Hong Kong sa taong kasalukuyan.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!


Elderly couple get to share health care vouchers from Friday

Posted on No comments

 

Elderly couples must be together to register the pairing of their vouchers (Caritas photo)

Eligible elderly persons or those aged 65 and above, who are in a spousal relationship in Hong Kong, will be able to share the use of each other’s health care vouchers from Friday, July 28.

The move is part of the measures to enhance the Elderly Health Care Voucher Scheme as announced by the Chief Executive in his Policy Address last year.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

The spouses need to pair up their voucher accounts before a health care provider to avail of this new benefit. After pairing, either spouse can, upon exhaustion of his/her voucher account balance, use the other spouse’s account.

As of this year, each elderly resident is entitled to a $2000 voucher which they can use to seek private health care, including from dentists and optometrists. All unused vouchers can be accumulated up to $8,000, thus allowing both spouses to share a maximum pool of $16,000.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Elderly couples who wish to share their accounts will not be required to register in advance. Instead, either of them who uses the voucher to pay for healthcare services, must be accompanied by the other to register for the pairing scheme in front of the service provider.

The partners will not be allowed to provide any documentary proof of spousal relationship, but they must declare their consent to share the use of their vouchers.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

If either spouse is unable to register in person due to exceptional circumstances such as being bedridden, he or she can complete and sign a consent form which the other party may bring, along with a copy of the incapacitated HKID card, to register.

Once the pairing of accounts is done, there is no further need to register for the scheme again when the vouchers are used. However, each time an elderly person uses his or her spouse’s voucher balance a copy of the latest HKID card of the one whose account is being used.

BASAHIN DITO

At the same time, a notification via SMS will be sent to the spouse whose account is being used through a listed contact mobile phone number to make him/her aware of the account pairing.

The Department of Health will conduct regular or random checks to ensure the proper use of public funds.

Previously, the DH held briefing sessions for healthcare service staff to make them better understand the procedures for pairing elderly couple’s voucher accounts.

The new policy could benefit around 950,000 elderly people who are married in Hong Kong,

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

 

May Pilipina na naman na ibinalitang nawawala

Posted on 23 July 2023 No comments

 

Isang buwan na daw nawawala si Janeth Delizo 

May isa na namang Pilipinang domestic helper sa Hong Kong ang binalitang nawawala nitong Linggo.

Ang pangalan ng hinahanap ay Janeth Delizo na isang buwan na raw hindi makontak, ayon sa pinsan nitong si Jenelyn Dauz.

Sa isang post sa Facebook page ng Social Justice for Migrant Workers, sinabi ni Dauz na nag-aalala na daw ang mga magulang at anak ni Delizo dahil kahit ilang beses na daw nilang tinawagan ito ay “cannot be reached” lang ang nakukuha nilang mensahe.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa WhatsApp naman daw ay walang sumasagot kahit nagri ring ang telepono nito. Huli daw siyang nakitang “seen” o nagbukas ng mensahe noon pang June 20.

“North Point lang po ng alam namin na location niya at hindi po namin alam ang exact address e, sana po may makatulong sa amin na makontak siya kung sakali po,” sabi ni Dauz. Dagdag niya, hindi din nila alam ang address ng amo ng pinsang nawawala.

Sinubukan niya na daw magpatulong sa Konsulado sa paghahanap sa pinsan, pero ang sabi ay hindi sila nagbibigay ng impormasyon kundi sa “immediate family member” ng nawawalang overseas Filipino worker, at kailangan pa nilang ipadaan sa Overseas Workers Welfare Administration ang kanilang hiling.

BASAHIN ANG DETALYE

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Kahit man lang daw sana sa anak lang niya ay makatawag si Delizo para hindi sila nag-aalala.

May ilang nagkomento na baka dinala ito ng amo sa China, bagamat agad ding nagsabi ang ilan na pwede pa namang makontak ang mga pumupunta doon. Ayon naman sa ilan ay baka nag “cross country” ito o pumunta ng ibang bansa para magtrabaho.

Sumang-ayon naman ang isang nagkomento sa sapantahang ito dahil yung pinsan daw niya na tatlong buwan na nawala ay nasa Norway na nung nagparamdam.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

BASAHIN DITO

Nitong July 6 lang ay may isang employer ang nag post sa isa pang Facebook page dahil sa nawawala daw nitong helper na si Ivy Christian Diaz Guzman. Nagpaalam itong uuwi ng Pilipinas noong June 30 at dapat ay bumalik na noong July 5 pero hindi na nila makontak.

Sabi pa ng employer na si “Andy” ay nakita nila sa CCTV na maayos namang ginawa ni Ivy ang mga dapat gawin sa kanilang bahay bago umalis para sa kanyang bakasyon. Pero yun na ang huling beses na nakita nila ito.

Ayon sa pinakahuling balita ng employer, hanggang ngayon ay wala pa rin silang balita tungkol sa Pilipina na dati nang nagtrabaho sa kanila ng dalawang taon bago umuwi sa Pilipinas, at nagbalik mga anim na buwan pa lang ang nakakalipas.

Mismong ang employment agency nila ay hindi raw makontak si Guzman sa Pilipinas. Ang mga pulis naman at Immigration Department ay wala din daw bagong impormasyong maibigay sa kanya.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Paano umiwas sa sexual harassment

Posted on No comments

 

Kuha ni Lyn nang biglang pumasok ang amo sa kwarto nya para saktan siya

Ang istorya ni Lyn na lumabas sa The SUN kahapon ay nagdulot ng pagkabahala sa ilang mga kapwa niya domestic worker, lalo at tumanggi siyang ihabla ang amo na nanakit at nagmolestiya sa kanya.

Pero ang ganitong kuwento ay hindi na kakaiba dahil marami ang mga foreign domestic worker ang dumadaan sa ganitong pagsubok, lalo na at sila ay nagtatrabaho sa loob ng isang kabahayan.

Marami din sa kanila ang katulad ni Lyn ay nanatiling tahimik dahil takot na mabalikan, o kaya ay mawalan ng trabaho.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Pero ayon sa Equal Opportunities Commission o EOC, hindi dapat pinapalampas ang ganitong maling pagtrato ng mga employer dahil may batas na nagpoprotekta sa mga biktima ng sexual harassment.

At nananatili ang proteksyong ito kahit (1) ang panggigipit o harassment ay hindi sinasadya, nangyari lang ng isang beses o walang sinuman ang nakasaksi; (2) kahit pagkatapos mangyari ang panggigipit na sekswal ay patuloy na nagtrabaho sa employer ang isang FDW.

Paano naman masasabi na ang inasal ng amo ay sexual harassment?

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa EOC, ang sexual harassment ay tumutukoy sa hindi hininging seksuwal na atensyon. Kabilang dito ang paghipo; pagsabi, pag-iingay o pagpahiwatig ng mga sekswal na bagay; paghiling sa isa na hipuan siya o pumayag na makipagtalik.

Maari ding magawa ito nang hindi diretsahan, katulad ng paghuhubad o panonood ng pornographic na pelikula sa harap ng biktima, na nagsasanhi ng kanyang pagkatakot.

Ano ang dapat gawin ng isang biktima ng sexual harassment? Ayon sa EOC, maraming pwedeng lapitan o hingan ng tulong, pero ang mahalaga ay matigil agad ang gawaing ito na labag sa batas.

BASAHIN ANG DETALYE

Una, tumanggi o iprotesta ang ginagawang panggigipit ng harasser. Kung hindi ang employer ang gumagawa nito, agad magreklamo sa employer.

Para may ebidensya, isulat kung ano ang nangyari, kasama ang mga detalye tulad ng petsal, oras at lugar na pinangyarihan ng insidente. Isama kung ano ang mga sinabi at ginawa ng maysala, pati na rin kung sino ang mga nasa paligid nang mangyari ang insidente.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Agad na humingi ng tulong sa mga kaibigan, NGO, union sa paggawa, Konsulado ng Pilipinas (o Indonesia, etc) o ibang samahan, at i-record kung kailan ito ginawa.

Pagkatapos nito ay magsampa ng reklamo sa OEC sa loob ng 12 buwan magmula nung mangyari ang insidente, o magsampa ng kasong sibil sa District Court, at dapat mag-umpisa ang paglilitis sa kaso nang hindi lalampas sa 24 buwan magmula sa naganap na insidente.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Kung ang nangyari ay paulit-ulit na pang-aabuso katulad ng paghipo, paghalik o pilit na pakikipagtalik gamit ang bunganga - o panggagahasa, magreklamo agad sa pulis.

Ang mahalaga ay hindi dapat pinapalampas ng biktima ang ganitong pagyurak sa kanyang dangal at pagkatao.

BASAHIN DITO

Sa mga gustong maghain ng reklamo sa EOC, maari silang puntahan sa kanilang opisina sa 16/F, 41 Heung Yip Road, Wong Chuk Hang, Hong Kong, o tumawag sa kanilang hotline, 2511 8211. Ang EOC ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes, 8:45am hanggang 5:45pm.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Pilipinang minolestya at sinaktan, gusto na lang daw umuwi

Posted on 22 July 2023 No comments

 

Ganito ang gayak ng amo ni Lyn nang hatakin siya mula sa kama at saktan noong July 14

Sa loob ng mahigit isang taong pagtatrabaho sa lalaking amo na hiwalay sa asawa ay paulit-ulit na nakaranas ng pambabastos si Lyn, 29 taong gulang, balingkinitan ang katawan, at maamo ang mukha. 

Ayon kay Lyn, ilang beses siyang hinipuan at niyakap ng amo pero dahil sa takot ay tiniis niya ang lahat ng ito, at nakontento na lang sa pagtawag-tawag sa mga kaibigan para maglabas ng sama ng loob. Pero tanda niya ang lahat ng mga insidenteng ganito, kaya alam niya na ang pinakahuling pang-aabuso sa kanya ay nangyari noong Mayo lang.

Nitong July 14 ay sumabog lahat ang kanyang galit dahil ginising siya ng madaling araw at sinaktan ng among lasing dahil lang hindi niya naluto nang mabuti ang manok na pinakain sa anak nito na limang taong gulang.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ayon kay Lyn, bandang 2:30 ng madaling araw nang bigla siyang hilahin mula sa kama ng amo, sinabunutan at kinalmot, bago pinagsisigawan.

Agad na tumawag ng pulis si Lyn at bumaba sa bahay ng amo noon din na mga gamit lang ang dala at walang bayad. Gusto na lang kasi niyang makaalis sa bahay na iyon na naging saksi sa lahat ng mga pagdurusa niya.

Ang masaklap lang ay pauwi sana siya noong July 18 para magbakasyon at makapiling ang asawa at anak sa La Union, at ang perang pinambili niya ng tiket ay galing sa sarili niyang bulsa. Ayon kasi sa amo niya ay babayaran nito ang kalahati ayon sa kanilang kontrata, kapag nakabalik na siya. 

Pindutin para sa detalye

Ngayon, kasama ito sa mga gusto niyang singilin sa amo, bukod pa sa mahigit $14,785 na dapat bayaran sa kanya para sa suweldong hindi nabayaran ng buo, isang buwang sahod kapalit ng pasabi, annual leave, traveling allowance at panibagong tiket dahil ang inabonohan niya ay hindi nagamit dahil sa ginawang pananakit sa kanya.

“Gusto ko din po sanang bayaran niya yung tiket na hindi ko nagamit sa pamemerhuwisyo niya,” sabi ni Lyn.

Pinayuhan din si Lyn ng kanyang case officer sa Mission for Migrant Workers na ituloy ang reklamo niya sa pulis hindi lang dahil sa ginawang pananakit sa kanya ng amo, kundi pati rin ang ilang buwang pang-aabuso na sinapit niya sa kamay nito.

BASAHIN ANG DETALYE

Ayon kay Ester Bangcawayan ng Mission, maari ding magsampa ng kaso si Lyn sa Equal Opportunities Commission sa ilalim ng Sex Discrimination Ordinance dahil sa pangmomolestiya na ginawa sa kanya ng amo.

Nakatakda siyang makipagharap sa amo sa Lunes sa Labour Department para pag-usapan ang mga sinisingil niyang pera mula dito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ilang araw pagbaba niya sa bahay ng amo ay pinapadalhan siya ng mga mensahe nito, at sinisisi dahil nilagnat daw ang anak niya at si Lyn ang hinahanap. Pero ayon sa nobya nito na madalas ding tumira sa bahay ng lalaki ay gusto daw siyang pabalikin at kung pera ang gusto niya ay mapag-uusapan nila. Huwag na lang daw niyang kasuhan ang amo.

Bagamat napalapit na rin sa alaga ay nanatiling matigas si Lyn sa pagdedesisyon na huwag nang bumalik sa bahay ng amo. Gayunpaman, pinanghihinaan siya ng loob, at sinabing ayaw na niyang kasuhan ang amo at gusto na lang makuha ang perang dapat nitong ibayad sa kanya.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

“Ayoko na, gusto ko na lang umuwi,” ang paulit-ulit niyang sabi.

Umaasa naman ang mga tagapayo niya sa Mission na pag-iisipan niya munang maigi ang susunod niyang hakbang. Kailangan niyang ipaglaban ang karapatan niya, at papanagutin ang amo sa lahat ng mga kasalanang ginawa nito.

Malamang naman daw na payagan siya ng Immigration Department na makalipat sa ibang amo nang hindi na kailangang umuwi muna sa Pilipinas. Mabigat din ang laban niya dahil marami siyang ebidensya katulad ng video, litrato ng mga galos niya sa mukha at braso, at mga chat nila sa telepono.

BASAHIN DITO

Pero sa bandang huli, ang desisyon pa rin ni Lyn ang mananaig. Sana lang daw ay hindi niya ito pagsisihan balang araw, at sana ay wala na ring migranteng kasambahay ang magdusa sa kamay ng kanyang amo.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Don't Miss