Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Ikatlong Pilipina na ibinalitang nawawala, pati amo di makontak

Posted on 28 July 2023 No comments

 

Si Cely Espero ay huling nakausap ng kanyang pamangkin noong Sabado

May isa na namang Pilipina ang ibinalitang nawawala sa Hong Kong – ang ikatlong domestic worker na bigla na lang tumigil sa pakikipag-ugnayan sa mga kaanak sa loob ng nakaraang tatlong linggo.

Pero taliwas sa dalawang nauna nang ibinalita na nawawala, si Cely Espero ay 52 taong gulang na, at matagal nang nagtatrabaho sa Hong Kong. Nasa panglimang kontrata na siya sa kasalukuyang amo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ang dalawa na naunang naibalita na nawawala, sina Ivy Guzman at Janeth Delizo ay parehong solong magulang sa kani-kanilang mga anak at mas bata kay Cely, kaya marami ang nagsasapantaha na lumipat lang ang mga ito sa ibang bansa para magtrabaho.

Sa kaso ni Cely ay wala daw itong problema sa trabaho, sabi ni Mayet, na nagpakilalang pamangkin niya. Katunayan ay kakapirma lang niya sa bagong  kontrata sa kanyang amo na taga Tai Po, at nakatakdang umuwi para magbakasyon ngayong darating na Disyembre.

Pindutin para sa detalye

Ayon pa dito ay huli niyang nakausap si Cely noong Sabado, July 22, at wala naman daw itong nabanggit na kakaibang pangyayari. Maayos naman daw ang samahan ni Cely at ng kanyang asawa at pati ang kanilang tatlong anak.

Ang nakapagtataka lang, ayon kay Mayet, ay pati ang amo ni Cely ay hindi nila makontak. Ilang beses na silang sumubok na tawagan o padalhan ito ng mensahe, pero hindi sumasagot at mukhang hindi din nagbubukas ng telepono.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

 “Ang pamilya niya sa Pilipinas worried na,” sabi ni Mayet, na humingi na din ng permiso sa mga anak ni Cely na ipalabas ang litrato nito para mas mapadali ang paghahanap sa kanya.

Sinubukan na daw niya na humingi ng tulong sa Overseas Workers Welfare Administration, pero sinabihan siya na ang mga malalapit na kaanak lang ang dapat nilang tugunan tungkol sa mga pribadong detalye ng isang OFW.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nitong darating na Linggo ay pupuntahan na daw ng personal ng isang hipag ni Cely na nagtatrabaho din sa Hong Kong ang Konsulado para makipagtalastasan.

Sa ngayon ay umaasa sila na baka may nakaaalam ng kinaroroonan ni Cely at makumbinsi ito na tawagan ang asawa at mga anak sa La Union nang maliwanagan kung bakit bigla itong naglaho.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

May mga nagpaabot na rin ng pakiusap sa isa sa mga kilalang OFW lider mula sa La Union na si Marites Nuval na tulungan silang mahanap si Cely.

“Nagtanong na ako sa gc (group chat) namin dahil naibalita po pero walang nakakakilala. Naireport ko na rin sa OWWA,” sabi ni Nuval.

BASAHIN DITO

Sagot daw sa kanya ng welfare attaché na si Dina Daquigan ay wala pa silang natatanggap na report tungkol kay Cely. 

Pinagtanong na din daw niya sa mga taga Bacnotan, La Union kung saan nakatira si Cely, pero wala daw nakakakilala sa kanya.

“Pero patuloy pa rin po kaming magtatanong,” dagdag ni Nuval. 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Hatol sa Pilipinong akusado ng ilegal na pagtatrabaho, itinakda

Posted on 27 July 2023 No comments

Lugar kung saan inaresto ang Pilipino (Google Maps photo).

Isang araw ang itinagal ng paglilitis kanina sa Shatin Courts ng kaso ng isang Pilipinong inakusahan ng pagtatrabaho nang labag sa batas.

Itinanggi ni Froilan Relon, 46 taong gulang, na nagtrabaho siya sa isang hotel sa Sai Ying Pun na pinagbabawal sa ilalim ng mga kondisyon ng kanyang paglalagi sa Hong Kong bilang domestic helper.

Itinakda ni Magistrate Amy Chan ang pagbasa ng kanyang hatol sa Aug. 22. Hanggang sa takdang araw ay nakakalaya si Relon sa bisa ng piyansang $4,000.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Dumating si Relon sa Hong Kong noon lang Jan. 27 at pinayagan siyang manirahan sa kondisyong magtatrabaho lamang siya bilang domestic helper ng isang Ko Ka-kan.

Pero noong Feb. 15 ay nahuli siya ng mga Immigration officer habang nagtatrabaho sa hotel sa 199 Queen’s Road West sa Sai Ying Pun at agad sinampahan ng kaso.

Ang kaso niya ay “Breach of condition of stay”, na ipinaliliwanag ng Section 41 ng Immigration Ordinance at Regulation 2 ng Immigration Regulations.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ayon sa Section 41, ang parusa dito ay multang aabot sa $50,000 at pagkabilanggo ng hanggang dalawang taon.

May matagal nang kampanya ang Immigration Department laban sa ilegal sa pagtatrabaho, na may kasabay na pagbabanta ng mabigat na parusa sa mga lumalabag.

Ang pinakahuling naparusahan sa kasong gaya nito ay isang Sri Lankan, 46 taong gulang na asylum-seeker.

BASAHIN DITO

Nadampot siya ng mga Immigration officer na nagsagawa ng Operation Powerplayer noong April 24, at kinasuhan ng pagtatrabaho nang ilegal habang may deportation order laban sa kanya.

Pagkatapos ng paglilitis sa Shatin Courts, nahatulan siya noong July 6 ng 22 buwan at dalawang linggong pagkabilanggo.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Pilipinang ‘nawawala,’ nagparamdam na

Posted on No comments

 

Ok daw siya, sabi ni Delizo sa text sa pinsan

Matapos lumabas ang balitang siya ay pinaghahanap ng kanyang pinsan ay nagpadala diumano ng text message si Janeth Delizo noong Lunes at sinabing ‘ok’ sya at hindi nawawala.

Pakiusap din niya sa pinsan na si Jenelyn Dauz na kapwa niya domestic worker sa Hong Kong, pakibura na lang daw ang post nito.

Yun lang, at hindi na naman daw muling ma kontak si Delizo sa number na ginamit niya para padalhan ng mensahe si Dauz.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Sinunod naman ni Dauz ang mensahe ng pinsan, at sinabi sa isang grupo sa Facebook na nagparamdam na si Delizo, at hindi na nawawala.

Sa kabila nito ay hindi pa rin mapakali si Dauz dahil hindi pa rin daw siya sigurado kung talagang maayos na ang kalagayan ng pinsan na pinanawagan niya matapos ang isang buwan nitong pananahimik.

“Kasi tinatawagan ko yung number na pinan text niya e di pa nagri ring, call ended agad, dagdag ni Dauz.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

“Hindi pa rin ako makatulog nang maayos sa kakaisip kung nasa maayos (na kalagayan) ba talaga siya.”

Idagdag pa rito, hindi pa rin sigurado na si Delizo ang nag-text, o kung siya man, ay baka napilitan lang din na magpadala ng mensahe dahil hindi na naman muling matawagan.

Sa nauna niyang pahayag na ipinalabas sa Facebook page ng Social Justice for Migrant Workers, sinabi ni Dauz na nag-aalala na ang mga magulang at anak ni Delizo dahil laging  “cannot be reached” lang ang nakukuha nilang mensahe kapag tinatawagan nila ito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa WhatsApp naman daw ay walang sumasagot kahit nagri ring ang telepono nito. Huli daw siyang nakitang “seen” o nagbukas ng mensahe noon pang June 20.

Kahit pareho silang nasa Hong Kong ay hindi daw alam ni Dauz kung saan ang eksaktong tirahan ng pinsan, o kahit ang pangalan lang sana ng employer nito.

Sinubukan niya na humingi ng tulong sa Konsulado, pero sinabihan daw siya na ang pinakamalapit na kaanak lang ang maaring humingi ng impormasyon tungkol kay Delizo, at hindi siya kabilang doon.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

paratingin niya daw sa Overseas Workers Welfare Administration na nagpadala ng text sa kanya ang pinsan ay sinabihan daw siyang ipasa na lang sa kanila ito.

Si Delizo ang pangalawang Pilipina na ibinalitang nawawala sa nagdaang tatlong linggo. Ang una, si Ivy Christian Diaz Guzman, ay hindi pa rin daw kumokontak sa kanyang employer.

Nagpaalam daw ito na sasabayan ang pagbabakasyon ng mga amo dahil gusto niyang makita ang anak sa Pilipinas. Umalis siya sa bahay ng mga amo noong June 30 at dapat ay bumalik na noong July 5 pero hindi nito tinupad.

BASAHIN DITO

Ang kanyang amo na nagpakilala sa pangalang Andy ay agad na naglabas ng pakiusap sa Facebook sa sinumang nakakaalam sa kinaroroonan ni Guzman na tawagan siya.

Bagamat hindi na siya nakarinig pang muli ng balita mula kay Guzman, hindi pa rin nagtanim ng sama ng loob si Andy, at sinabing malamang na nagpasya ang kanilang kasambahay na huwag nang bumalik sa Hong Kong matapos makita ang anak.

Base sa mga kaparehong kuwento sa mga nagdaang taon, may posibilidad din na pasikretong lumipat ng ibang bansa si Guzman at nagdesisyong manahimik muna.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Pilipina, lilitisin sa kasong pagnanakaw ng mga pantalon

Posted on 26 July 2023 No comments

 

Tindahan na pinangyarihan umano ng pagnanakaw

Isa sa dalawang Pilipinang akusado sa pagnanakaw ng mga produktong naka-display sa mga tindahan ang nakatakdang litisin matapos itanggi ang paratang.

Nauna nang itinanggi ni L Diones, 34 taong gulang na domestic helper, na ninakaw niya ang dalawang asul na pantalon at isang itim na pantalon sa tindahan ng Uniqlo sa Tong Yin St. sa Tseung Kwan O.

Ang krimen ay nangyari umano noong March 6

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nang humarap ulit si Diones sa Kwun Tong Courts kanina para sa pre-trial review, itinakda ni acting Principal Magistrate Daniel Tang ang paglilitis sa Oct. 24.

Pinakawalan si Diones matapos palawigin ni Magistrate Tang ang kanyang piyansang $300.

Sa ikalawang kaso, pansamantala ring pinayagang magpiyansa ng $600 si F. Pascua, 61 taong gulang na domestic helper, matapos siyang humarap sa Eastern Court dahil sa hiwalay na paratang ng pagnanakaw.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

BASAHIN DITO

Inakusahan siyang nagnakaw ng isang pares ng hikaw na nagkakahalaga ng $198 sa Where Design Store sa Provident Square sa North Point noong ika-10 ng Disyenbre, 2022.

Sa hiling ng taga-usig, itinakda ni Magistrate Minnie Wat ang susunod na pagdinig sa Sept. 6.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

 

Warning up again vs lending or selling ATMs

Posted on No comments

 

The graphics show an ATM owner being jailed for money laundering 

The Philippine Consulate has again put up a warning in its Facebook page against passing on one’s bank account to a syndicate that could use it to launder money.

The announcement was in the form of a poster from the Hong Kong Financial Intelligence and Investigation Bureau, and read: “Say no to lending or selling bank account. Avoid committing criminal offences.”

The  Bureau, which is jointly run by the HK Police and the Customs and Excise Department, is a government arm that identifies and analyzes suspicious financial transactions before disseminating them to appropriate law enforcement agencies in or outside Hong Kong.

The Consulate’s advisory came as more Filipina domestic workers appeared in court to face money laundering charges after they willingly passed on their ATM cards to people or groups who used them to launder funds generated from crime.

Among them was a Filipina who was reportedly arrested at Hong Kong International Airport early this month as she was on her way home for a vacation. She did not realize that her having been investigated for suspicious transactions in her bank account would result in her being prevented from leaving Hong Kong.

On Wednesday, another Filipina appeared in court, charged with dealing with property known to be proceeds of a crime, or money laundering.

April Rose Sumaya, 41, was arrested after a sum of $45,100 was found in her Hang Seng Bank, and was thought to have been moved there as part of a money laundering ring.

The offence for which she was charged happened between June 28 and June 30, 2021. This was around the same time when more than a dozen Filipinas were rounded up individually after suspicious fund transfers were detected in their accounts.

Some of them readily admitted to selling their ATMs to unknown people for as low as $500, while others insisted they had lent them to friends without money changing hands. A few were adamant they lost their ATMs but did not consider this a big enough reason to file a complaint with the police.

Sumaya was allowed to post bail amounting to $2,000 and told to appear again in court on Oct. 11 this year.

Early this year, the police warned of a spike in money laundering cases, after more than 1,150 people were arrested for the offence in 2022. They added this year’s figure is expected to be significantly higher, because of the lifting of pandemic restrictions.

As of February this year, they had already arrested more than 630 people on suspicion of laundering some $7.8 billion.

A police spokesperson said anyone who sells or lends his or her account to someone else should be held equally liable for money laundering. He said their excuse of not knowing anything about the illicit transactions was “unacceptable” and “unreasonable.”

He said the police was stepping up efforts to instill in people’s minds that it is not right to let someone else use their bank accounts for whatever reason.


50 katao, arestado sa bentahan ng pekeng kontrata para sa FDH

Posted on 25 July 2023 No comments

 

Pinakita ng mga taga Immigration ang mga pekeng kontrata na nakuha nila mula sa sindikato

Dalawang Pilipino – isang 67 taong gulang na residente at 40 taong gulang na asylum seeker – ang nahuli nitong Martes sa isang flat sa Temple Street, Yau Ma Tei dahil sa pagbebenta diumano ng mga pekeng kontrata sa mga foreign domestic helpers.

Nauna nang hinuli ang may 50 FDH at employer, na Pilipino, Indonesian at Indian, edad 27 hanggang 67, na pumirma sa mga pekeng kontrata kapalit ng bayad na $20,000 hanggang $40,000.

Kumita daw ang dalawang lalaki at ang sindikato na kinabibilangan nila, ng mga $1.2 million sa loob ng nakaraang anim na buwan mula sa krimen.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Nabuwag ang sindikato matapos isa-isang mahuli ang mga FDH na nagpasa ng mga pekeng kontrata sa Immigration Department at nahuling nagtatrabaho ng ilegal.

Sa isang panayam pagkatapos ianunsyo ang paghuli sa dalawang suspek, sinabi ito ni Senior Immigration Officer So Mei-shan: “About 50 people, mainly domestic workers, have been arrested in relation to this syndicate. We do not rule out the possibility of more arrests as our operation is still under way.”

(“Mga 50 katao, na karamihan ay mga domestic worker, ang naaresto na dahil sa sindikatong ito. May posibilidad na madagdagan pa ang bilang ng mga naaresto dahil patuloy ang aming operasyon).

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Marami daw sa mga naaresto ang nakasuhan na, samantalang ang natitirang iba ay kakasuhan din matapos ang imbestigasyon.

Ayon kay So, iba-ibang ahensya ang ginamit ng sindikato para maproseso ang mga pekeng kontrata.

Aabot daw sa 10 sa mga FDH ang nabigyan ng pekeng kontrata para makapagtrabaho hindi bilang FDH kundi sa mga kumpanya, katulad ng restaurant, na kailangang kailangan ng mga manggagawa ngayon.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Karamihan sa mga FDH ay nakatapos na ng kontrata, at naengganyong magtrabaho hindi bilang FDH dahil sa ipinangakong mas mataas na suweldo.

Ayon naman sa Hong Kong Federation of Asian Domestic Workers Union, ang ilan sa mga naaresto ay mga bagong FDH na iba sa ipinangakong trabaho sa kanila ng ahensya ang nadatnan sa Hong Kong.

Dahil gipit at alam na hindi sila pwedeng makalipat sa ibang amo nang basta-basta ay pumayag na lang silang gawin ang ibinigay sa kanilang trabaho dito.

BASAHIN DITO

Ayon sa mga taga Immigration, nakumpiska mula sa dalawang suspek ang ilang computer at iba-ibang dokumento, katulad ng mga bank statement, employment contract, at pekeng patunay ng suweldo at tirahan ng mga lumagdang amo sa pekeng kontrata.

Babala ni So, ang sinumang magsinungaling o magbigay ng pekeng dokumento sa isang immigration officer ay maaring maparusahan ng hanggang 14 taong pagkabilanggo, at multa na aabot sa $150,000.

Ibinahagi ni So na nagkaroon sila ng pagdududa nang makita ang mga kahina-hinalang dokumento na ipinasa sa Immigration ng ilang mga FDH. Sa kanilang pag-iimbestiga, natukoy nila na iisang grupo ang nasa likod ng mga pekeng kontrata na ipinasa ng mga FDH para patuloy na makapagtrabaho sa Hong Kong.

Pagkatapos ng anim na buwang pagmamatyag ay nagdesisyon ang Immigration na buwagin na ang sindikato kaya ni-raid nila ang flat sa Temple Street kung saan naaresto ang dalawang Pilipino.

Kabilang sa mga kasong isinampa laban sa mga suspek ang pagtatrabaho ng illegal, pagbibigay ng maling pahayag, pagsasanib para makapanloko, paggamit o pagpapagamit ng mga HKID card at money laundering.

Ayon kay So, ilan sa mga FDW na nahuli ay gumamit ng HKID card ng iba para makapagtrabaho sa ibang lugar. Mula sa kanilang kinikita buwan-buwan ay binibigyan nila ng parte ang tunay na may-ari ng HKID, kaya pareho silang kinasuhan ng money laundering, na nangyayari kapag ang perang galing sa krimen ay “nalilinis” o naihahalo sa legal na pondo.

Paalala ni So, ang mga FDH ay maari lang magtrabaho batay sa kanilang kontrata, at hindi sa ibang lugar, trabaho o employer na nakapangalan doon.

Ang lalabag sa ganitong pagtatakda sa batas ay maaaring makulong ng hanggang dalawang taon at pagmultahin ng hanggang $50,000.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Pilipina, inakusahang 3 beses na nagtulak ng droga sa isang araw

Posted on No comments

 

Ang gusali kung saan nahuli ang Pilipina

Isang Pilipina ang humarap kanina sa West Kowoon Courts sa tatlong kaso ng pagtutulak ng droga noong July 17 sa isang building sa Tsim Sha Tsui.

Ibinalik sa kulungan si Sherlita Guia, 37 taong gulang na asylum seeker, matapos hilingin ng taga-usig na ipagpaliban ang pagdinig para sa karagdagang imbestigasyon at payong legal mula sa Department of Justice.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Itinakda ni Principal Magistrate Don So ang susunod na pagdinig sa Sept. 12.

Ang unang kasong isinampa ng Anti-triad section ng Yau Ma Tei-Tsim Sha Tsui Police District laban kay Guia ay ang pagtutulak ng droga noong July 14 sa 2nd floor na hagdanan ng Block C Tsim Sha Tsui Mansion sa Nathan Road.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Naulit ang pagtutulak ng droga noong araw ding iyon sa Room 1, Flat D4 ng Block  D ng naturang gusali.

Ang ikatlong kaso ay ang pagtutulak ng droga sa Room 2, Flat D4 ng Block  D ng naturang gusali pagkalipas ng ilang oras.

Hindi binanggit sa sakdal kung gaano kadami ang droga na nakuha mula sa akusado.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ang tatlong kaso ay paglabag sa Dangerous Drugs Ordinance.

Ayon sa Section 4(1) (a) ng batas na ito, na ginamit ng pulis na basehan ng kaso, pwedeng kasuhan ng drug trafficking ang isang tao na nagbenta ng droga para sa sarili, o para sa ibang tao. 

BASAHIN DITO

Ang parusang itinakda para sa pagkakasalang ito ay multang hanggang $500,000 at pagkakakulong ng hanggang pitong taon sa pinakamabigat na kaso na kailangan ng indictment, o multang aabot sa $100,000 at pagkakakulong ng hanggang isang taon kung mas magaang ang kaso.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

 

Bagyong papalapit sa HK, maaring maging 'super typhoon'

Posted on 24 July 2023 No comments

 

Pinapakita sa mapa ang paglakas ng bagyo (pula) habang lumalapit sa Pilipinas (Google maps)

Ang bagyong Doksuri ay patuloy na lumalakas habang papalapit sa Luzon Strait at maaring maging super typhoon nitong Martes ng hapon bago dumaan sa Hong Kong, ayon sa Observatory.

Huling namataan ang bagyo sa layong 520 km sa bandang hilaga ng Maynila, at tinatayang tumatahak sa lakas ng 195km bawat oras. Ibig sabihin, maaring maging super typhoon ito habang binabagtas ang baybayin ng Pilipinas patungo sa Batanes.

Ayon sa Observatory, ang bagyong Doksuri (agila sa salitang Korean) ay maaring mapunta sa Taiwan mula sa Pilipinas, o lumihis papunta sa baybayin ng Guangdong, kabilang ang Hong Kong.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pinag-aaralan pa nila kung dapat bang itaas ang signal no 1 sa Hong Kong sa Miyerkules dahil lalapit daw ang bagyo sa distansyang 800 km papasok ng Hong Kong. 

Kapag lumayo ito papuntang Taiwan ay lalo pa daw iinit sa Hong Kong, pero kapag dumiretso ito sa Guangdong ay maaring dumalas ang pag-ulan na may kasamang malakas ng hangin dito.

Sa kasalukuyan ay nanatiling mainit sa Hong Kong at iba pang parte ng southern China dahil sa mainit na hanging dala ni Doksuri.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

BASAHIN DITO

Pinapayuhan ng Observatory sa mga nagpaplanong bumiyahe papauntang Taiwan, Fujian at Guangdong na pag-aralan muna ang takbo ng panahon at baka sila maipit sa biglang pagsama ng panahon.

Noong isang linggo lang ay itinaas ang signal no 8 sa Hong Kong dahil sa paglapit ng malakas na bagyong Talim, at tumagal ito ng mahigit 15 oras. Ito ang unang bagyong tumama sa Hong Kong sa taong kasalukuyan.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!


Don't Miss