Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

2 DH umamin sa kasong money laundering

Posted on 03 August 2023 No comments

Itinakda ang sentensya sa Aug. 22 sa Kwun Tong Courts

Dalawang Pilipinang domestic helper ang umamin kanina sa kasong money laundering, sa pamamagitan ng pagpapagamit nila ng kanilang automatic teller machine o ATM card upang tumanggap ng perang galing sa krimen, at i-withdraw ito agad.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
Itinakda ni Acting Principal Magistrate Daniel Tang ang pag-sentensiya kina Daisy Patricio,  56 taong gulang, at Marlene Cuhit, 35, sa Aug. 22 sa Kwun Tong Courts.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ibinalik din ni Magistrate Tang ang dalawa sa kulungan.

Kinasuhan ang dalawa ng paglabag sa Section 25 (1) at (3) ng Organized and Serious Crime Ordinance.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa Ordinance na ito, ang parusa sa ganitong paglabag ay multang aabot sa $500,000 at pagkakakulong nang hanggang tatlong taon.

Inamin ni Patricio na pinayagan niyang dumaan sa kanyang Hang Seng Bank account ang kabuuang $281,435, na alam nyang galing sa krimen, mula July 3, 2019 hanggang July 26, 2019.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Nakipagtulungan umano siya sa isang “Perez” sa pagpapatakbo sa naturang bank account.

Si Cuhit naman ay umamin sa pagpadaan ng $240,208.50 na mula sa krimen sa kanyang Hang Seng Bank account sa pagitan ng May 28 at June 28, 2019.

BASAHIN ANG DETALYE

Tinulungan din siya ng isang Perez sa pagpapatakbo ng ATM account.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Man who fell while cleaning windows not DH, says police

Posted on No comments

 

Police found the man on a terrace in Grand Panorama on Robinson Road, Mid-Levels

A man who fell to his death while cleaning windows at about  noon today, Thursday, was a local resident from the Mainland and not a domestic helper, the police said tonight.

“No, he’s not a domestic helper or a Filipino, he’s a resident from the mainland,” a police spokeswoman told The SUN in a phone inquiry.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Earlier reports said the police received a call at around 12:25 pm today from a resident of the Grand Panorama at 10 Robinson Road, Mid-Levels, saying that the windows of their unit had been damaged. They suspected that their domestic helper had fallen while cleaning windows.

Police and rescuers who responded to the call did not find the man on the ground beside the building, but on a terrace. They declared him dead on the spot.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Officers covered the man’s body and cordoned off the area until the remains could be taken away. An investigation into the incident is ongoing.

The death sparked interest in the Filipino community, as it came just over two months after a Filipina fell to her death while cleaning  the windows of her employer’s  flat in Cheung Sha Wan.

BASAHIN ANG DETALYE

The 35-year-old Filipina was certified dead after being found lying on a platform in Manhattan Hill on Po Lun Street.

An inquiry by the Department of Migrant Workers showed that while the heirs of the deceased helper could file a claim under the Employee Compensation Ordinance,  her employer could not be held criminally liable for the accident.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Bagsak ang bilang ng email scams sa HK

Posted on 02 August 2023 No comments

 

Wala pa sa 1/5 ng mga kaso ng phishing noong 2022 ang naitala sa taong kasalukuyan

May hatid na magandang balita ang Hong Kong police ngayong araw ng Miyerkules.

Ayon sa kanilang Cyber Security and Technology Crime Bureau (CSTCB) ay malaki ang ibinagsak ng bilang ng mga scam gamit ang email sa taong ito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Sa unang limang buwan ng taon ay bumagsak sa 71 ang mga kaso, at ang halagang natangay, sa $50 million. Sa kaparehang panahon noong nakaraang taon ay 391 ang bilang ng mga kasong naitala, at $750 million ang nawala sa mga biktima.

Ayon kay Senior Supt Raymond Lam, ang pinuno ng CSTCB, ang pagbagsak ng bilang ay dahil sa pinahusay na sistema ng pagkilala sa mga spam email, pinahigpit na pag log-in sa mga bank account at matagumpay na pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa “phishing” o panloloko gamit ang email

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Isa sa pinakamalaking scam sa email na naganap sa taong kasalukuyan ay ang paglipat ng pera ng mga opisyal ng isang kumpanya ng pagkain sa isang bank account dahil sa utos ng inakala nilang amo nila. 

Umabot na sa $7.8 million ang kanilang naililipat bago nila nalaman na hindi ang mga amo nila ang nag-utos sa paglilipat ng pera.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Paalala ng mga pulis, huwag pa ring magpakampante dahil laging nakakaisip ng bagong paraan ang mga sindikato para muling maka-scam ng mga tao.

Bilang bahagi ng kanilang  pagsasanay sa kanilang mga tauhan, nakipagkasundo ang CSTCB sa 186 kumpanya para magpadala ng mga phishing emails sa 10,326 nilang mga kawani. Sa bilang na ito, 1,645 katao ang nag click sa pain na link.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
BASAHIN ANG DETALYE

Sa 186 na kumpanyang sumali, may isa o higit pang empleyado ang nag click sa phishing email.

Ang pinakamadaming click na mga phishing emails ay yung mga imbitasyon sa video conferencing (7.3%), pagrehistro para sa AI chat box (5.6%) password verification (5.6%) at email account verification (3.9%)


Indonesia to enforce no-placement fee rule for FDWs

Posted on No comments

 

 Indonesian recruiters say the law took effect last year but is not strictly enforced (RTHK photo)

A group of recruiters from Indonesia has arrived in Hong Kong to ensure a new regulation mandating employers to pay agency fees currently shouldered by Indonesian workers amounting to nearly $9,000 is being implemented.

The recruiters’ group known as Aspataki, said Wednesday that it has been authorized by Indonesian authorities to conduct the check.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

The new rule set by the government in Jakarta will increase the cost of hiring a helper from Indonesia to well over $20,000 as agencies already charge around $12,000 to $18,000.

Previously, the Indonesian government allowed Hong Kong-bound workers to pay up to IDR15,550,000, which is equivalent to HK$8,600, for the costs of transportation, medical checks and training.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

According to the group’s secretary general, Filius Yandono, the rule took effect last year, but Hong Kong employers are just starting to comply with it.

“That’s why we want to come to Hong Kong to address this regulation. We hope that all the employers … [will work] together for the protection of the migrant workers,” said Yandono.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Agencies that place Indonesian domestic workers in Hong Kong say the new regulation could make employers shift to hiring helpers from other places, primarily the Philippines.

The Philippine government has long ago mandated that no agency fees should be charged to Filipino domestic workers bound for abroad, but this is rarely, if at all, followed.

BASAHIN ANG DETALYE

The prevailing practice is for the worker to pay the cost of training and medical fees, which amount to roughly the equivalent of their monthly salary.

Agencies also charge employers the hefty recruitment fee of around $12,000 - or more.

The Labour Department said it has reached out to the Indonesian Consulate General in Hong Kong regarding the matter.

It also said that the government has previously told the consulate that any change in policies on deploying Indonesian domestic helpers should not provide a significant increase in the cost of hiring them.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Libre na ang OEC, pero hindi pa rin makukuha sa app

Posted on 01 August 2023 No comments

 

Patuloy pa ring inaayos ang DMW app at OFW Pass, ayon sa DMW

Ilang pahayag ang ipinalabas ng Department of Migrant Workers ngayong araw, at inilathala sa Facebook page ng Migrant Workers Office sa Hong Kong.

Ang unang pahayag ay libre na ang overseas employment certificate o OEC, at ito ay nagsimula noong pang Sabado, July 29, bagamat walang paalala ang inilabas tungkol dito sa araw na ito mismo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ang OEC na may bias ng hanggang 90 araw ay dating binabayaran ng HK$20 o Php100 kung kukunin sa Pilipinas.

Pangalawa, bagamat maida-download na ang mobile application ng DMW ay hindi pa rin ito  magagamit para makuha ang OFW Pass na siyang ipinangakong kapalit ng OEC.

Pindutin para sa detalye

Para sa mga pauwi na at kailangang kumuha ng OEC, maari silang pumunta sa webpage na ito: onlineservices.dmw.gov.ph. Muli, libre na ang pagkuha nito, at hindi na kailangan ng resibo bilang patunay sa pagkuha ng OEC.

Para sa agarang tulong sa pagkuha nito, maaari ding makipapag-ugnayan sa OFW Pass Contact Center sa email na ito: ofwpass@dmw.gov.ph o kaya ay tumawag sa mga sumusunod na numero: +63 908 326 9344 , +63 927 147 8186 o +63 920 517 1059

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Mahigpit na pinaalala ng DMW sa mga OFW na iwasan ang magpatulong sa mga “fixer” o yung mga nag-aalok ng tulong para magamit ang mobile app at mairehistro ang kanilang OFW Pass.

“Bawal po Ito,” ayon sa DMW.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Malalaman daw ng sistema kung may pekeng dokumento na isinumite at kung may fixer na umayos ng account ng isang OFW.

“Maaring makansela ang inyong pagrehistro at baka ma-block ang inyong account” kapag nangyari ito, dagdag-babala ng DMW.

BASAHIN ANG DETALYE

Muling ipinaalala ng DMW na ang kanilang mobile app at OFW Pass ay sumasailalim pa rin sa “pilot test run.” Ang ibig sabihin, patuloy pa rin itong binabago alinsunod sa pinaka angkop na teknolohiya para mas mapabilis at maisaayos ang paggamit ng mga OFW sa app.

Ang pilot test run na ito ay kasalukuyang isinasagawa sa Pilipinas at sa 10 ibang lugar: Saudi Arabia, United Arab Emirates, Singapore, Hong Kong, Malaysia, Qatar, Oman, Taiwan, Japan at United Kingdom.

Ito ang mga dagdag-paalala ng DMW tungkol sa maga gustong sumali sa test run:

1. Paki-update ang DMW Mobile App mula sa Play Store (Google-android) o sa App Store (iOS)

2. Ang One-Time Password (OTP) authentication ay ipadadala sa iyong registered na email address

3. Paki-check ang Spam folder at siguraduhing ang email address na onlineservices@dmw.gov.ph ay kasama sa “Safe Sender’s List” para matanggap mo ang iyong One-Time Password (OTP) authentication code.

4. Ang Overseas Employment Certificate (OEC) ay valid at legal pa rin na dokumento na tinatanggap at kinikilala bilang patunay ng iyong status bilang OFW

Patuloy na hinihiling ng DMW na magpaabot sa kanila ng mga reaksyon at suhestiyon ang mga sumasali sa test run para mas mapabuti pa ang DMW mobile app at OFW Pass. Maari itong  gawin sa pamamagitan ng:

e-mail: ofwpass@dmw.gov.ph

FB at Messenger: https://www.facebook.com/dmw.gov.ph

WhatsApp at Viber (call | SMS):

+63 908-326-8344

+63 927-147-8186

+63 920-517-1059

+63 908-326-8344

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

4 na buwang kulong dahil nagsinungaling sa Immigration

Posted on No comments

 

Kinasuhan ang 2 Pilipina base sa reklamo ng Immigration. 

Ang pagsisinungaling sa isang Immigration officer ay isang seryosong paglabag sa batas, at ito ay binigyang diin kanina sa Shatin Courts nang ipakulong ng apat na buwan ang isang Pilipina.

Umamin si Vivian Solis, 35 taong gulang, sa paratang ng Immigration Department na nagsinugaling siya habang kumukuha ng extension of stay noong Jan. 10, 2023 nang sabihin niya sa isang Immigration officer na magtatrabaho siya bilang domestic helper ng isang Iris Chavez.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Dahil dito, hinatulan siya ni acting Principal Magistrate Cheang Kei-hong ng anim na buwang sentensya, pero binawasan ng 1/3 bilang discount dahil sa kanyang pag-amin.

Ayon sa Section 42 (4) ng Immigration Ordinance, ang parusa para sa ganitong paglabag ay pagkabilanggo nang hanggang dalawang taon at multang aabot sa $100,000.

Pindutin para sa detalye

Inurong ang ikalawa niyang kaso -- ang pagsumite ng pekeng dokumento noon ding Jan. 10, 2022 bilang patunay sa kanyang paghingi ng extension of stay – dahil hindi na naghain ng ebidensiya ang taga-usig laban sa kanya.

Ayon sa paratang, ang dokumentong ito ay isang sulat mula sa umano’y employer ni Solis, na humihiling na bigyan siya ng pagpapalawig ng visa, at nagsasabing nagtatrabaho siya dito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa reklamo ng Immigration, hindi totoo ang sulat.

Samantala, ang pagdinig ng isa pang Pilipinang sinampahan ng katulad na kaso sa Shatin Courts ang ipinagpaliban ni Magistrate Cheang sa Sept. 12 upang kunin ang kanyang sagot sa paratang. 

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Si Beatrice Casanova, 38 taong gulang, ay inakusahang nagsinungaling sa isang Immigration officer nang dalawang beses.

Ang una ay nangyari pagdating siya sa Hong Kong noong April 17, 2019, at sinabi niya sa Immigration assistant na nag-eksamen ng kanyang pasaporte at visa, na magtatratabaho siya sa isang amo na pinangalanang Eric Jungers. Lumabas na hindi ito totoo.

BASAHIN ANG DETALYE

Ang pagsisinungaling ay naulit nang mag-apply siya ng extension of stay noong July 18, 2019 nang sinabi niya na magpapatuloy siya sa pagtatrabaho sa naturang amo.

Nitong July 25 lang ay lumutang ang pagbebenta ng mga pekeng kontrata sa mga FDH na katatapos lang ng kontrata o na-terminate, para makapanatili sila sa Hong Kong at pumasok sa ibang trabaho katulad ng sa restaurant. Ibinebenta ng mula $20,000 hanggang $40,000 ang mga pekeng kontrata.

May 50 katao ang inaresto sa panlolokong ito, kabilang ang mga domestic helpers, employers at iba pang sangkot.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
Don't Miss