Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pilipinong DH, pinagmulta matapos makunan ng nicotine para sa 'shisha'

Posted on 11 August 2023 No comments

 


Gusto lang sana ni J. Aguila, 41 taong gulang, na matigil sa paninigarilyo kaya sinubukan niyang humitit ng nicotine gamit ang shisha, isang sinaunang paraan ng paglanghap ng usok.

Ang hindi niya alam, ang nicotine, na nakukuha sa tabako, ay isang Part 1 na lason kaya bawal magkaroon nito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
Pindutin para sa detalye
Pindutin para sa detalye

Noong May 26, nasita ng pulis si Aguila habang naglalakad ito sa kanto ng O’Brien at Lockhart Road sa Wanchai.

Sa imbestigasyon, nakitaan siya ng apat na botelya at isang paketeng palara na naglalaman ng nicotine, na nakumpirma sa pagsusuri ng llboratoryo ng gobyerno. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Dahil dito, sinampahan si Aguila, isang domestic helper,  ng kasong possession of Part 1 poison, na dininig noong Aug. 8 sa Eastern Courts.

Matapos aminin ni Aguila ang sakdal, pinagmulta siya ni Principal Magistrate Ivy Chui ng $3,000, kasabay ng babala na huwag nang uulit.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS
BASAHIN ANG DETALYE

Dahil nakapag-piyansa na siya ng $500, ibinawas ito sa kanyang bayarin.

Ayon sa kanyang abogado, kabibili lang ni Aguila ng nicotine sa isang tindahan sa Wanchai sa halagang $345 upang gamiting paraan sa pagtigil sa paninigarilyo.

Hindi niya alam na bawal pala ang pagkakaroon nito, dagdag ng abogado.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Payo ng Customs sa mga FDH, mag-ingat sa pag remit ng pera

Posted on 10 August 2023 No comments

 

Magpadala ng pera sa mga kilalang ahensya, o usisain kung may kaukulan silang lisensya (File)

Hinuli ng Hong Kong Customs ang dalawang babaeng may-ari ng isang grocery store sa Tai Po, matapos nilang mabasa ang isang post sa social media tungkol sa reklamo ng isang foreign domestic helper na hindi nakarating ang perang ipinadala niya sa kanyang pamilya gamit ang remittance service ng tindahan.

Agad na nag-imbestiga ang Customs at nalaman nilang walang lisensiya ang tindahan para tumanggap ng pera para sa remittance. Dahil dito ay inaresto nila ang babaeng edad 44 taong gulang na may-ari ng tindahan noong July 21. Kanina ay inaresto din ang 19 taong gulang na kapwa niya may-ari sa tindahan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ang isinagawang pag-aresto ay alinsunod sa Anti-Money Laundering and Counter-Terrorist Financing Ordinance (AMLO), kung saan kasamang pinagbabawal ang pagpatakbo ng “money service” ng walang kaukulang lisensiya.

Pinayagang magpiyansa ang dalawa habang patuloy na iniimbestiga ang kanilang kaso.

PINDUTIN PARA SA DETALY

Sa ilalim ng AMLO, ang sino mang mapatunayan na tumanggap ng remittance ng walang lisensiya ay maaring pagmultahin ng hanggang $1 million at makulong ng hanggang dalawang taon.

Dahil sa nangyari ay nakipag-ugnayan ang Customs sa mga Konsulado at mga organisasyon na tumutulong magpalawak ng kaalaman ng mga FDH na magsagawa ng mga pagsasanay at pagtuturo para sa pagpili sa mga kumpanyang gagamitin nila sa pagpapadala ng pera sa kanilang pamilya, at para din mas maintindihan nila kung ano ang AMLO.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Maari ding bisitahin ng mga FDH ang website ng Custons: eservices.customs.gov.hk/MSOS/index?request_locale=enpara masiguro nila na lisensiyado ang kumpanya o grupo na pagpapadalhan nila ng pera.

Pinapayuhan din sila na huwag papatol sa alok na “Bayad Muna Bago Remit,” at sa halip ay agad repasuhin ang kanilang resibo bago lisanin ang tindahan para masiguro na ipinadala na agad ang kanilang pera ayon sa kanilang utos.

BASAHIN ANG DETALYE

Nakikiusap din ang Customs sa mga employer at agency na iparating ang mensaheng ito sa mga bagong dating na FDH para maiwasan nila ang magantso. Mas maigi ay tulungan silang pumili ng pagpapadalhan nila ng pera para siguradong makarating ito sa kanilang pamilya sa Pilipinas.

Ang sino mang nagdududa na ang isang remittance company ay pinapatakbo ng walang lisensiya ay inaanyayahang iparating ito sa Customs sa pamamagitan ng kanilang 24-hour hotline: 2545 6182 o sa isang email account na sadyang itinatag para sa mga ganitong kaso: crimereport@customs.gov.hk o sa pamamagitan ng online form: eform.cefs.gov.hk/form/ced002/).

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

68 taong gulang na overstayer, kulong ng 9 na buwan

Posted on No comments

 

Nanatiling buhay ang kaso sa Shatin

Limang taon matapos siyang sampahan ng kasong overstaying, humarap kanina si Leticia Agpad, 68 taong gulang, sa Shatin Courts upang aminin ang kasalanan.

Pero hindi siya binigyan ni Acting Principal Magistrate Cheang Kei-hong ng nakagawiang 1/3 discount sa parusa na ibinibigay sa mga umaaming nagkasala.

Sa halip ay ibinawas lang sa sentensiya niyang siyam na buwang pagkabilanggo ang naunang 28 na araw na pagkakulong sa kanya. Dahil binuo sa isang buwan ang ibinawas, ang natirang pagdurusahan niya sa kulungan ay walong buwan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ang kasong paglabag sa kundisyon ng pamamalagi sa Hong Kong laban kay Agpad ay isinampa noon pang 2018.

Bumalik siya sa Shatin kanina matapos mabigo sa kanyang paghingi ng asylum, na umabot sa Court of Final Appeal hanggang ito ay tinuldukan ng isang desisyon noong Feb. 10, 2022.

PINDUTIN PARA SA DETALY

Sinabi ng kataastasang korte na walang batayan ang apela ni Agpad laban sa desisyon ng gobyerno na tanggihan ang kanyang hiling na non-refoulement, o ang pagbabawal sa pwersahang pagpapaalis sa kanya sa Hong Kong.

Nang mahuli siya ng pulis noong Feb. 26, 2015, nag-overstay na siya nang 15 na taon dahil ang visa niya ay nag-expire noong April 27, 2000, matapos siyang ma-terminate bilang domestic helper noong Feb. 18, 2000.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nag-apply siya ng asylum, at sinabi niya sa Immigration Department na papatayin siya ng New People’s Army kapag umuwi sa Pilipinas. Ito ay dahil tumiwalag siya sa NPA noong 1981, isang taon matapos siyang sumali.

Nang tanggihan siya ng Immigration, umapela naman siya sa Torture Claims Appeal Board hanggang umabot siya sa High Court, na kumatig sa mga naunang desisyon.

BASAHIN ANG DETALYE

Samantala, nanatiling buhay ang kaso niya sa Shatin. 

Dahil binigyan na ng tuldok ng CFA ang kanyang kampanya para siya payagang manatili sa Hong Kong ay wala nang balakid para sa pagpapauwi sa kanya pagkatapos niyang pagsilbihan ang kanyang sentensya.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

No additional fees for hiring Indo DHs, HK assured

Posted on No comments

Indonesian officials assure HK there is no plan to charge employers more

The Indonesian government has belied claims by a group of employment agencies that Hong Kong employers will have to pay around $5,000 more when hiring its nationals to work as domestic helpers in the city.

This was according to Hong Kong’s Secretary for Labour and Welfare, Chris Sun, after meeting with the Acting Indonesian Consul General, Slamet Noegroho today.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

In a statement, Sun said, "The Acting Consul-General clarified at the meeting that there is no change to the cost structure of fees for arranging IDHs to work in Hong Kong. As to the information communicated by the Indonesian Manpower Placement Agency Association (Aspataki) with employment agencies in Hong Kong last week, the Acting Consul-General also stated that the Aspataki does not represent the Indonesian Government.”

PINDUTIN PARA SA DETALY

Sun also said Noegroho assured him that the Indonesian government’s policies and regulations remain the same, and issues concerning the employment of Indonesian DHs in Hong Kong will continuously be discussed by the two sides as before.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The assurance was made after Sun told the Acting Consul General that to maintain the cordial and mutually beneficial relationship between Hong Kong and Jakarta, the Indonesian side should not unilaterally introduce changes that would increase the burden on the city’s employers and affect the employment opportunities of its nationals here.

BASAHIN ANG DETALYE

Sun sought the meeting after a delegation from Aspataki said at a news conference last week that because of Jakarta’s implementation of a no-placement fee policy for Indonesian domestic helpers, the fee previously charged to the workers would be passed on to employers.

The Aspataki members also said they had the blessing of the Indonesian government in announcing the policy change.

Sun with the Cambodian CG

Meanwhile, Sun also met with the top officials of Cambodia and Bangladesh in Hong Kong, to discuss the government’s plan to widen the sources of FDHs in Hong Kong.

..and the Bangladeshi CG (left)

Sun told Israt Ara and Pech Puthisathbopeaneaky, Consuls General of Bangladesh and Cambodia, respectively, that their nationals are welcome to work in Hong Kong.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Pilipina, kinasuhan ng pagnanakaw sa amo ng halos $300k na cash at alahas

Posted on 09 August 2023 No comments

 


Dalawang Pilipinang domestic helper ang humarap sa korte kanina sa magkahiwalay na kasong pagnanakaw sa kanilang mga amo. Pareho silang ibinalik sa kulungan upang doon hintayin ang susunod nilang pagdinig.

Si Merlyn Bugtaoen, 31 taong gulang, ay humarap sa Fanling Magistracy sa kasong pagnanakaw ng $297,098 na halaga ng cash at alahas sa kanyang amo na nakatira sa Tai Wing Lane, Tai Po, mula Dec. 25, 2022 hanggang March 25 ng taong ito.

Dahil sa laki ng halagang sangkot, iaakyat ang kaso ni Bugtaoen sa District Court.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Itinakda ni Magistrate Kely Shui sa Oct. 4 ang susunod na pagdinig sa kaso upang pormal na ilipat ang kaso sa mas mataas na korte.

Si Bugtaoen ay akusado sa pagnanakaw ng mga sumusunod:

PINDUTIN PARA SA DETALY

  • Cash na HK$50,000
  • Cash na 5,000 Thai baht
  • Cash na 15,000 Taiwan dollar.
  • Isang diamond na singsing na mmay halagang $20,000.
  • Iba’t ibang alahas na may halagang $223,100.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Sa hiwalay na pagdinig sa West Kowloon Courts, si Ivy Jane Bartolome, 33 taong gulang, ay sinampahan ng dalawang kasong pagnanakaw sa among si Lam Si-ni sa bahay nito sa Horizon Place, Kwai Chung.

Ang unang kaso ay ang pagnanakaw ng cash na $300 noong nakaraang June 2.

BASAHIN ANG DETALYE

Ang ikalawang kaso ay ang pagnanakaw ng isang singsing na diamond, na nagkakahalaga ng $5,900 noong July 15.

Itinakda ni Magistrate Tsang Hing-tung ang susunod na pagdinig sa Sept. 1.

 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

 

Mga kaso ng panloloko, tumaas ng 58%

Posted on No comments
Magkatuwang ng inilunsad ng pulis at gobyerno ang kampanya laban sa panggagantso

Halos umabot sa 60% ang itinaas ng bilang ng mga kaso ng fraud o panloloko na naitala sa unang limang buwan ng kasalukuyang taon, kumpara sa parehong panahon noong 2022.

Ayon sa pahayag ng pulis ngayong hapon, umabot sa 15,792 na kaso ng panloloko ang naiparating sa kanila mula lang nitong Enero hanggang Mayo, na lampas ng 58% sa kabuuang bilang noong mga kaparehong buwan ng 2022.

Mahigit 3 sa bawat 4 na kaso, o 74.6% (11,700 na kaso) ay may kinalaman sa online fraud, o panloloko gamit ang internet. Ang halagang nakuha sa mga biktima ay umabot sa $1.58 billion.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ang 15% ay phishing scams, o yung panloloko sa pamamagitan ng pagbibigay ng link sa pekeng websites. Ang halaga ng nawala dahil sa ganitong panloloko ay $50 million.

Sabi ng pulis, marami sa mga biktima ay hindi sinasadyang ibinigay ang mga detalye ng kanilang credit cards sa mga scammer na nagpanggap na taga bangko, kumpanya ng telepono o kawani ng pamahalaan.

Ang kadalasang dahilan na ginagamit na mga manloloko ay mage-expire na daw ang mga points nila sa kanilang credit card, o iba pang benepisyo na dapat nilang matanggap.

PINDUTIN PARA SA DETALY

Dahil sa patuloy na pagdami ng mga nabibiktima ng mga scammer ay naglunsad ang Police Anti-Deception Coordination Centre (ADCC) at ang Office of the Communications Authority (OFCA) ng malawakang kampanay laban sa phishing.

Sa isang panayam, sinabi ng isang opisyal ng OFCA na kasalukuyan silang nakikipagtulungan sa mga pulis at kumpanya ng telepono para magkaroon ng talaan ng lahat ng mga nagpapadala ng SMS bago matapos ang taon.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Dagdag nito, kumplikado ang isasagawang sistema, at kakailanganin ng tulong ng mga bangko at industriya ng komunikasyon.

Ayon naman sa isang opisyal ng pulis, hindi lang iisa ang solusyon sa problema ng panggagantso.

Ang dapat daw unang gawin ng bawat isa ay maging alerto at tapat, at huwag basta papaniwalaan ang mga mensaheng natatanggap, lalo na sa text at sa email.

BASAHIN ANG DETALYE

Iwasan din ang pagkagat sa mga alok na investment o trabaho, lalo na kung masyadong malaki ang pinapangakong balik sa pera, o suweldo.

Sa unang limang buwan ng taon, nakatanggap ng 1,243 na reklamo ang pulis na may kinalaman sa investment scam, at ang halaga na natangay ng mga manloloko ay umabot sa $620 million.

Sa kaparehong panahon, ang perang nawala sa mga biktima ng mga inalok ng pekeng trabaho ay umabot naman sa $370 million.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Don't Miss