Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Hindi na kailangan ng patunay na bakunado ang mga pumapasok sa Pilipinas

Posted on 17 August 2023 No comments

 

Bakunado man o hindi, dapat pa ring mag eTravel pass ang mga papasok o palabas ng Pilipinas

Lahat ng mga papasok sa Pilipinas mula sa ibang bansa ay hindi na kailangang magpakita ng patunay na bakunado sila kontra sa Covid-19, ayon sa pahayag ng Department of Health noong nakaraang linggo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

“Lahat ng mga darating mula sa ibang bansa ay tatanggapin bakunado man sila o hindi,” ayon sa DOH.

Sa pinakahuling patakaran bago ito, ang mga hindi bakunado o hindi nakapagpabakuna ng dalawang beses na edad 15 pataas ay kinakailangang magpakita ng negative na resulta para sa Covid-19 sa antigen test na isinagawa sa laboratoryo.

Pindutin para sa detalye

Sa kabila nito, hindi pa rin tinatanggal ang patakaran na magrehistro sa eTravel ang lahat ng mga papasok at lalabas ng Pilipinas, bagama’t madalas na hindi na ito hinihingi sa mga paliparan ng Pilipinas. Makukuha ang eTravel pass 72 oras bago ang takdang paglipad ng pasahero.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero ayon sa tauhan ng Cathay Pacific sa Pilipinas, mas maganda pa din na sumunod na lang sa patakaran dahil may mga pasahero pa rin na hindi pinapalusot ng mga taga Immigration kapag nalaman nilang walang eTravel ang mga ito, lalo ang mga paalis.

“Sa haba ng pila sa Immigration, may naiiwan ng kanilang eroplano dahil pinabalik ng taga Immigration sa dulo ng pila dahil walang eTravel pass,” sabi ng isang taga Cathay na nasa check-in counter.

Pindutin para sa detalye

Ang eTravel pass ay ipinalit sa arrival at departure cards na dati nang pinapakumpleto sa mga pasahero na parating, o paalis, ng Pilipinas.

Ginagamit ito ng Immigration para malaman ang bilang ng mga taong pumapasok at lumalabas ng bansa, at para din maitala ang mga detalye ng bawat pasahero na dumadaan sa kanila.

Paalala ng Konsulado tungkol sa bagong patakaran

Ayon pa din sa DOH, ang mga paalis ng Pilipinas ay dapat na alamin kung ano ang patakaran ng bansang kanilang pupuntahan pagdating sa bakuna kontra sa Covid-19 para hindi sila magkaproblema pagdating doon.

Kabilang dito ang mga paalis na overseas Filipino workers na ang destinasyon ay maaring nangangailangan pa ng patunay na bakuna, hindi lang laban sa Covid-19, kundi pati sa iba pang sakit.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ang Hong Kong ay matagal nang hindi nanghihingi ng patunay ng bakuna o Covid-19 test, kaya ang mga paalis papunta dito ay wala nang kailangang dalhin na dokumento, bagamat katulad ng nasabi na, dapat pa ring kumuha ng eTravel pass para makasiguro.

Katulad ng Hong Kong, hindi na rin obligado ang mga tao sa Pilipinas na magsuot ng mask sa mga pampublikong lugar. Pero ang mga bata, may edad, may sakit o mahina ang pangontra sa mikrobyo ay pinapayuhan pa ring mag mask kapag nasa labas ng bahay.

BASAHIN ANG DETALYE

Ang pagbabago ng patakaran sa Pilipinas ay isinagawa matapos ideklara ng gobyerno noong July 22 na hindi na public health emergency ang Covid-19.

Bago ito ay ilang buwan na ding idineklara ito ng World Health Organization.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Right to free air ticket during pandemic negotiable?

Posted on No comments

 

The case continues at Labour Tribunal

By Leo A. Deocadiz

If you renewed your employment contract but failed to avail of the free round trip air ticket you were entitled to because of the Covid-19 pandemic, you may not recover that air ticket’s equivalent value even if you include it in your claims at the Labour Tribunal.

The opinion of Presiding Officer Catherine Cheng, speaking during a hearing today between Filipino domestic helper April Maniquiz and her employer Tai Yick-tung, is that getting that ticket is subject to negotiation.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Cheng acknowledged that the standard domestic helper contract provides for a free air ticket at each start and end of a contract.

Clause 7 (a) states: “The employer shall provide the helper with free passage from his/her place of origin to Hong Kong and on termination or expiry of this contract, free return passage for his/her place of origin.”

Pindutin para sa detalye

But Cheng said that because of the pandemic, “it is difficult to say if the employer is accountable” because the circumstances were out of their control.

Thus, she told the two parties, “to save time, I urge you to try to negotiate to settle on the amount.”

PINDUTIN PARA SA DETALYE

If they still disagree, “I will set this case for trial to deal with the interpretation of the clause,” she added.

She gave the two parties 10 minutes to negotiate.

Pindutin para sa detalye

When they returned, Maniquiz had given up her claim to a round-trip ticket she said she was entitled to after completing her third contract. The employer agreed to pay for a one-way ticket to the Philippines after the fourth contract, payable on their case’s last day of trial.

The dispute arose after Maniquiz was terminated by her employer less than two months before she was to complete her fourth contract.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Tai, on the other hand, claimed she terminated Maniquiz for cause -- which she has to prove in the trial.

With her employer also agreeing to her claim to $100 for travel expenses, Maniquiz still has four claims to pursue in the next hearing on Nov. 15:

BASAHIN ANG DETALYE

  • $4,630: One month’s salary in lieu of notice.
  • $3,534: Annual leave.
  • $24,750: Severance pay.
  • $24,750: Long Service pay.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Kalahati lang ang pamasahe sa MTR sa Sabado

Posted on 16 August 2023 No comments

 

Dahil sa pagkaantala ng kanilang serbisyo kaya nagbibigay ng bawas-pasahe ang MTR

Suwerte ang labas ng Sabado, o ang mga kailangang sumakay ng MTR sa araw na ito dahil kalahati lang ang babayaran nilang pamasahe.

Ito ay dahil itinalaga ito ng MTR na “Thank You Day” o araw ng pasasalamat sa publiko para makabawi ito sa ilang kapalpakan sa kanilang serbisyo noong nakaraang taon.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Pindutin para sa detalye

Ayon sa patakaran, kapag lumampas sa $25 million ang multa sa MTR dahil sa nadiskaril nitong serbisyo, katulad ng pagtigil ng takbo ng mga tren dahil sa sira o aksidente, ay kailangan nilang magbigay ng benepisyo sa mga pasahero.

Ang tinawag na “half-day fare day” ay siyang ipinalit ng MTR sa dati nitong patakaran na magbigay ng “rebate” o pagbabalik ng 3 porsyento ng binayad ng bawat kostumer, tuwing sumasablay ang kanyang serbisyo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Kabilang din sa magbibigay ng kaparehong diskwento sa pamasahe ngayong Sabado ang mga MTR bus sa bumibiyahe sa Northwest New Territories kapag Octopus ang ginamit na pambayad ng pasahero.

Yun namang magbabyahe gamit ang MTR heavy rail network, kasama yung papunta sa Lo Wu at Lok Ma Chau stations ay maaring makuha ang discount sa pamamagitan ng pag scan ng QR code.

BASAHIN ANG DETALYE

Dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga mananakay ay dadagdagan ng 370 ang bilang ng mga biyahe sa pitong linya ng MTR. Pati mga sasakyan ng Light Rail na nililipatan ng mga pasahero ng MTR ay dadagdagan din ang biyahe.

Pinahayag din ng MTR na dadagdagan nila ang biyahe ng train sa linya ng Tseung Kwan O, Tuen Ma at South Island tuwing Linggo at piyesta opisyal simula sa darating na Linggo, Aug. 20.

 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

BILI NG SIM, MAG E-TOP UP AT MANALO SA PINAS NG KYMCO MOTORSIKLO!

Posted on No comments

 

Tuloy pa rin ang bonggang paraffle ng SmarTone! Pwede ka pang makahabol at baka ikaw na ang manalo.

Ito ang Summer Promo Lucky Draw ng Kymco VISA R Motorcycle para sa mga OFW sa Hong Kong.

Paano sumali? Madali lang!

Bumili ng SIM na $50 ng SmarTone. May kasama na itong 1 month data na mabilis ang speed at may $20 E-coupon pang bili ng load. Huwag kalimutang mag register ng iyong HKID. Subok nang mas mabilis talaga sa iba ang SmarTone.

Tapos, mag E-TOP UP sa SIM gamit ang mga e-wallets gaya ng WeChat Pay, Alipay HK, Octopus Wallet o SmarTone Self-service counters at pasok ka na sa lucky draw ng KYMCO VISA R Motorcycle. Kada e-top up mo ng $50, may 1 lucky draw entry ka.

Kung madami kang e-top up, madami ka ring entries at chance manalo.

Kung SmarTone ka na, open mo lang ang My SIM Account app para mag e-top up or i-press ang link na ito: https://bit.ly/3NR7pkx

Reminder na ito ay para lang sa mga E-TOP UP. Hindi kasali ang mga voucher sa lucky draw.

Dali! Hanggang Sept 30, 2023 na lang ito kaya mag E-top up na!

Ang prize ay i-dedeliver sa Pamilya o bahay mo sa Pinas.

Para sa buong detalye ng lucky draw, tap https://bit.ly/43dOFQy.

Para naman malaman ang iba pang mga latest offers, tingnan ang Barkadahan leaflets o tap https://bit.ly/3yc6fFU .

Mas bongga talaga sa Barkadahan, pramis!
Kaya mag Barkadahan sa SmarTone ka na!

Trade Promotion Competition Licence no.: 57277

 

Asylum seeker, kulong ng 17 linggo dahil sa pag-overstay

Posted on No comments

 

Loob ng piitan sa HK. (Photo: CSD)

Isang Pilipinang nag-overstay nang halos limang taon bago naging asylum seeker, ang ikinulong ng 17 linggo matapos umamin nitong Martes sa Shatin Courts na lumabag siya sa kondisyon ng kanyang pamamalagi sa Hong Kong.

Hindi nabawasan ang parusa ni Arnelyn Vargas, 56 taong gulang, kahit pinansin ni Acting Principal Magistrate Cheang Kei-hong na maliban sa pag-amin ay sumuko rin siya sa Immigration Department.

Tumagal ang kaso ni Vargas nang anim na taon dahil, matapos itong isampa laban sa kanya noong 2017, nag-apply siya ng non-refoulement sa Immigration Department upang hindi siya pwersahang pauwiin.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
Pindutin para sa detalye

Ang kanyang dahilan: papatayin daw siya ng babae ng kanyang asawa, dahil siya at ang kanyang mga anak ang tanging tagapagmana kapag namatay ang lalaki.

Nang tanggihan siya ng Immigration dahil hindi sapat ang kanyang dahilan sa paghingi ng proteksiyon, umapela siya sa Torture Claims Appeal Board.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Sunod-sunod siyang nabigo sa kanyang apela, hanggang humantong sa Court of Appeal na siyang nagdesisyon na tanggihan ang kanyang hiling na judicial review at pumanig sa mga nakaraang desisyon sa kaso.

Dahil bigo ang kanyang hiling na proteksiyon, bumalik siya Shatin Courts upang harapin ang orihinal niyang kaso na pag-overstay.

BASAHIN ANG DETALYE

Dumating si Vargas  bilang domestic helper noong April 17, 2009. Na-terminate siya noong Dec. 23, 2009 at nag-overstay matapos ang 14 na araw na palugit na ibinigay sa kanya upang umuwi.

Sumuko siya sa Immigration noong Oct. 23, 2014 at nag apply ng non-refoulement noong Nov. 20, 2014.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Higaan sa toilet at mala-nitsong tulugan, ibinandera ng ilang OFWs

Posted on No comments

 

Kadikit ng makitid na tulugan na ito ang toilet bowl

Nagkanya-kanyang pakita ng nakakalungkot na tulugan ang ilang mga Pilipinang domestic worker sa Hong Kong kamakailan, matapos kumalat ang litrato ng isang mala-nitsong tulugan na binebenta ng isang kumpanya sa Mainland China sa halagang $10,000.

Umani ng pinakamaraming pag-aalala ang ipinakitang tulugan ng isang Pilipina na nakadikit sa inodoro, at sa sobrang kitid ay halos hindi magkasya ang isang taong nakahiga.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ayon sa nagpakita nito, sinubukan niyang magreklamo sa kanyang amo, pero ang sagot daw nito ay pasalamat siya dahil may libre siyang toilet. Kung hindi daw siya masaya doon ay maari na siyang magbitiw.

Hindi ito ang unang tulugan sa loob ng toilet na pinagamit sa isang foreign domestic worker sa Hong Kong.

Pinatulog si Grace sa sahig ng kasilyas

Noong March 2021 ay kinatigan ng Labour Tribunal si Grace Enicito, at pinagbayad ang dati niyang employer ng mahigit $27,000 matapos mapatunayan na pinatulog nila ang kanilang kasambahay sa sahig ng toilet, at pinakakain din doon.

Samantala, marami din ang nagsabi na hindi na bago ang pagpapatulog sa mga FDH sa mala-kahong kama, katulad ng binebenta sa China. Mas malala pa nga daw ang mga tulugan na binigay sa kanila ng kani-kanilang mga amo.

Tunay na mala-nitso ang tulugan na ito dahil ni walang butas ang pintuan

Ang isa sa mga tulugang ipinakita sa Facebook page ng DWC Help, isang grupong binuo ng ilang Pilipinong domestic worker para magpaabot ng tulong sa kapwa, ay mas malapit pa ang hitsura sa nitso dahil ni walang siwang ang tablang pinantatakip doon.

Hindi makakapasok sa loob kung hindi pahiga, at kailangang kumapit sa metal na hawakan para magpadausdos papasok.

Pindutin para sa detalye

Katulad ng kontrobersyal na tulugan ay sobrang kitid nito kaya mahihirapang tumagilid o mag-iba ng posisyon ang isang humihiga doon. Nakapatong din ito sa mga drawer, kaya kailangan ng hagdan para makapasok.

Nakadikit na sa kisame ang higaang ito, mabuti at hindi napilit ang worker na doon matulog

Ang isa naman, nakadikit na sa kisame ang mala-kahong higaan.Binutas lang ang mga gilid nito para makapaglabas-masok ang hangin.

Mabuti na lang at nang tumutol siya sa suhestiyon ng kanyang amo na subukan niyang umakyat doon ay hindi na siya pinilit.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

May ilan ding nagpakita ng mga tulugan na mala-cabinet ang hitsura, at nasa ibabaw ng mga refrigerator at oven sa kusina ng bahay ng kanilang mga amo.

Pero ang sabi nila, mas maigi na daw iyon kaysa patulugin sila sa sala o sa sahig sa kusina.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Pero ayon sa Mission for Migrant Workers, na isa sa mga pangunahing grupo na nangangalaga sa kapakanan ng mga FDWs sa Hong Kong, hindi dapat pinapayagan ang mga employer na bigyan ang kanilang mga kasambahay ng mga tulugan na nakakababa ng kanilang dignidad.

Ang pinagkaguluhang tulugan na binebenta ng $10k
Sa isang pahayag, sinabi ng Mission na ang tulugan na ginawa sa China at tinawag ng marami na mistulang nitso o kulungan ng aso ang hitsura, ay hindi “suitable accommodation.”

Sa ilalim kasi ng kontrata ng mga FDW, dapat ay bigyan sila ng angkop na pahingahan ng kanilang mga employer.

BASAHIN ANG DETALYE

Hindi dinetalye sa batas kung ano ang ibig sabihin nito, bukod sa pagsasabing dapat ay hindi kasamang matulog ng isang FDW sa iisang kuwarto ang isang teenager o adult na iba ang kasarian.

Dapat din silang may sapat na gamit sa pagtulog at ilaw, at malayang makakagagamit ng toilet at paliguan.

Naghahanda nang humiga ang Pilipinang ito

Dagdag ng Mission, tanggap nila na maliliit ang mga bahay sa Hong Kong, kaya hirap ang maraming pamilya na bigyan ng sapat na lugar para tulugan ang mga FDW. Kaya nga daw matagal na nilang ipinaglalaban na ibalik ng gobyerno ang karapatan ng mga FDW na tumira sa labas ng bahay ng kanilang mga amo para pare-pareho silang hindi mahirapan.

Sa isang banda, natuwa naman daw sila dahil marami ang nabahala nang makita ang litrato ng mala-nitsong higaan. Ang ibig daw nitong sabihin, marami pa ring tao sa Hong Kong ang nakikiisa sa paniwalang dapat na mabigyan ng disenteng pamumuhay ang mga FDW dito.

(Para sa mga FDW na may reklamo o problema tungkol sa binibigay sa kanilang tulugan, maaring kumunsulta sa Mission for Migrant Workers sa tel no 2522 8264 o 9529 2326, o magtungo sa kanilang opisina sa St John’s Cathedral sa 4-8 Garden Road, Central).

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Don't Miss