Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Balik-kulungan ang Pinay na akusado sa pagnanakaw ng alahas ng amo

Posted on 05 September 2023 No comments

  

Ang Pacific View sa Stanley, kung saan naganap diumano ang nakawan (23Hse photo)

Muling humarap sa Eastern Court nitong Lunes, Sept 4 ang isang Pilipina na inakusahan ng pagnanakaw ng sari-saring alahas ng amo na nagkakahalaga ng $81,300.

Sa hiling ng tagausig na magkaroon pa ng dagdag na panahon para pag-aralan ang kaso laban kay Malta May D. Siguenza ay pinagpaliban muli ni Mahistrado Tsang Chiung-yu ang pagdinig sa October 10.

Ibinalik si Siguenza, 43 taong gulang, sa kulungan hanggang sa susunod niyang pagharap sa korte.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Si Siguenza ay inakusahan ng pagnanakaw ng tatlong gintong singsing, isang silver na singsing at isang gintong kuwintas na pag mamay-ari ng kanyang  amo na si Julien Paul Lepine.

Nangyari ang diumanong pagnanakaw sa mga hindi matukoy na petsa sa pagitan ng Pebrero at Abril ng kasalukuyang taon sa isang flat sa Block 4, Pacific View, Tai Tam Road, Stanley.

Wala nang iba pang impormasyon ang binanggit sa pagdinig.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa sakdal, labag ang krimen sa section 9 ng Theft Ordinance ng Hong Kong. Ang pinakamabigat ng parusa sa pagnanakaw ay 10 taon sa kulungan.

Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Pilipina, lusot sa kasong pagnanakaw

Posted on 05 September 2023 No comments

 

Hapon na nang matapos ang kaso sa West Kowloon Court

Agad na pinalaya ang isang Pilipina na inakusahan ng kanyang amo ng dalawang kaso ng pagnanakaw – isang $300 cash noong Hunyo at isang brilyanteng singsing na nagkakahalaga ng $5,900 nitong Hulyo, dahilan para siya ikulong.

Sa pagharap ni I.J. Bartolome, 33 taong gulang sa West Kowloon Court nitong Lunes, nagkasundo ang magkabilang panig na isailalim siya sa bindover, o pangakong hindi gagawa ng paglabag sa batas sa loob ng isang taon, kundi ay magbabayad siya ng $1,000.

Pumayag din siyang bayaran ang amo ng $300 bilang danyos.  

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Kapag tumupad siya sa napagkasunduan ay hindi siya magkakaroon ng criminal record sa Hong Kong.

Samantala, nauna nang nagdesisyon ang tagausig na iatras ang kasong pagnanakaw ng brilyanteng singsing na nagkakahalaga diumano ng $5,900 dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Dahil sa paratang na ito kaya inaresto si Bartolome noong July 16 sa bahay ng kanyang amo sa Horizon Place, Kwai Chung.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Itinanggi naman ni Bartolome ang unang paratang, na ninakawan niya ang among si Lam Si-ni ng $300 noong June 2 sa kanyang bahay.

Ayon sa Pilipina, totoong kinuha niya ang $300 sa isang kahon ng amo, pero pinambili niya ito ng gatas ng kanyang alagang bata, alinsunod sa utos ng magulang nito, na siyang  amo niya mismo.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Dahil sa pagtanggi, naghanap si Acting Principal Magistrate Veronica Heung ng petsang puwedeng gawin ang paglilitis sa lalong madaling panahon.

Nang mabigo siyang itakda ang pagilitis sa dalawang pinakamalapit na petsa – Sept 12 at Sept. 29 – dahil hindi magkatugma ang libreng  araw ng magkabilang panig, nagreklamo si Magistrate Heung na sobra nang tumatagal ang pagkakapiit ni Bartolome sa maliit na halagang $300.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Dapat nang pag-usapan nila kung paano ma-resolba ang kaso dahil hindi ito makatarungan kay Bartolome, dagdag niya.

Nang bumalik sa korte ang dalawang panig sa panghapong sesyon at iprisinta kay Magistrate Heung ang bindover na kasunduan, agad niya itong inaprubahan.

Dahil sa nangyari, talo pa rin si Bartolome dahil hindi man siya magka record, nawalan naman siya ng trabaho at nakulong pa siya ng mahigit isang buwan.


Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Sa Barkadahan, mura na, mabilis pa! Internet ng OFW sa Hong Kong!

Posted on 05 September 2023 No comments

 


Dapat ang mobile SIM network ay maaasahan! Ang dapat sa iyo si SmarTone at yan ang Barkadahan, ang pinakasikat at gamit na SIM ng mga OFW sa Hong Kong, ayon sa survey ng Anova Market Research Company.

Halos 2 dekada na sa serbisyo ang SIM card na ito sa Filipinos.

At pag OFW, buhay mo ang internet para laging updated sa lahat ng bagay at higit sa lahat ang makapagFacebook. Sabi nga nila, kung kilay is life, internet is love life!

At dahil nga diyan, may promo ngayon na $160 lang ang 3 Months Internet kapag nilipat mo iyong number galing sa ibang network o sumakabilang bahay ka sa SmarTone. Yes! Pwede mo ilipat iyong number galing sa iba at same number pa rin.

Naka 3 months data ka na, may extra pang $20 E-coupons pang bili ng loads at 800 VIP Spoints sa loyalty program para meron kang Free gifts.

Ito ang loyalty na pang OFW.

Kada gastos mo sa SIM may points kang maiipon para makakuha ng mga regalo. May terms at conditions ang offer na ito ha.

Meron din all in 1 app ang Barkadahan na My SIM Account App at nandito na lahat ng kailangan mo para mas easy i-manage ang SIM card. May Pasaload sa Pinas, iba’t ibang data plans, Globe tawag IDD pass, Macau / China data roaming, loads pang bayad sa Google Playstore at marami pang iba.

Kaya punta lang sa Barkadahan Shop 159 WWH Central o Shop B Jollibee Shopping Arcade Castle Peak Road, Yuen Long. Yes tama! Nasa loob ng Jollibee si SmarTone!

Pwede din kayo sa mga promoters, sa mga suking Pinoy tindahan sa HK.

Para sa iba pang detalye, press https://bit.ly/3syBWv0 . Para sa iba pang offers ng SmarTone,  tingnan aming leaflets o press https://bit.ly/2Uy81zi.

Mas bongga talaga sa Barkadahan, pramis!
Barkadahan sa SmarTone for the OFW, with the OFW!

Ligtas sa kulong ang isang Pilipinang nahuling nagtitinda sa Central

Posted on 04 September 2023 No comments

 

Nahuli ang Pilipina sa exit K ng Central MTR na nasa kaliwa ng istatwa ni 'Blackman'

Todo-suporta ang employer ng isang Pilipina na humarap sa Eastern Court kanina, para aminin ang sakdal na pagbebenta ng mga sombrero na may pekeng tatak, at paglabag sa kundisyon ng kaniyang pananatili sa Hong Kong bilang domestic helper.

Dahil sa sulat ng kanyang employer, at pati na rin sa sinulat niyang pakiusap, ay nakumbinsi si Magistrate Ivy Chui na suspendihin ng isang taon ang sentensiya ni C.L. Liddawa na apat na linggong pagkakakulong.

Paliwanag ng mahistrado, hindi makukulong si Liddawa kung hindi siya muling lalabag sa batas sa loob ng 12 buwan. Kapag gumawa siya ulit ng kasalanan ay agad siyang ikukulong at pagsisilbihan din ang kung anumang bagong parusa na ipapataw sa kanya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Napangiti nang husto si Liddawa sa desisyon ng mahistrado, dahil dumulog siya sa korte na mukhang handa na sa anumang ihahatol sa kanya. May dala-dala na siyang maleta at isang stuffed toy, na mukhang balak niyang dalhin hanggang sa kulungan, sakaling ito ang  maging hatol sa kanya.

Si Liddawa, 39 taong gulang, ay nahuli noong January 15 sa may Prince’s Building, tabi ng Exit K ng Central MTR Station, habang nagbebenta ng 22 piraso ng sombrero na may pekeng tatak na Nike, Champion, Puma at Adidas.

Ang sabi nya sa mga humuli sa kanya ay may isang babae daw na di niya kakilala na nag-alok na itinda nya ang mga sombrero sa halagang $20.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa sakdal, ang pagtitinda o pagnenegosyo ng kahit anong bagay na may pekeng tatak ay labag sa Section 9(2) ng Trade Descriptions Ordinance.

Ang pagtitinda naman niya ay labag sa kundisyon ng kanyang visa, na nagtatakda na maaari lang siyang magtrabaho para sa among nakalagay sa kanyang kontrata.

Bilang pakiusap para mabigyan siya ng magaan na sentensya, sinabi ng abugado ni Liddawa na siya ay isang single mother na may dalawang anak na iniwan niya sa kanilang bayan sa Kalinga. Tatlong na siyang naninilbihan sa kanyang mga amo, at siya ang nagpalaki sa kanilang anak.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ang mga magulang na niya na parehong magsasaka ay sinusuportahan daw niya, at tinutulungan din ang kanyang limang kapatid. Mula sa kanyang buwanang sahod na $4,900 ay pinapadala niya ang $3,000 at itinatabi ang $500 para sa sarili. Ang iba ay pinambibili niya ng mga damit at iba pang gamit na pinapadala sa Pilipinas.

Si Liddawa ay nakapag-aral sa kolehiyo, at dahil mahusay siyang magtrabaho ay nais daw ng kanyang amo na patuloy siyang papagtrabahuin sa kanila sa kabila ng kasong kinaharap niya.

Dagdag pa ng abugado, maliit lang ang halagang sangkot, kaya hindi dapat na patawan siya ng mabigat na parusa para patuloy pa rin siyang makapagtrabaho sa Hong Kong.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sumang-ayon naman si Magistrate Chui sa mga sinabi ng abugado, at dinagdag pa na malaking  tulong ang ginawang pagsulat ng kanyang employer para sabihin na si Liddawa ay isang simple at matapat na manggagawa kaya dapat na mabigyan ng pangalawang pagkakataon.

Kahit na sinabi ng abugado na payag si Liddawa na pagmultahin siya dahil sa kanyang nagawa ay hindi na ito sinunod ng mahistrado, na nagdesisyon na suspendihin na lang ang hatol sa kanya.

Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Pilipinang overstay, nakitaan ng mahigit $1M sa bank account

Posted on 04 September 2023 No comments

 



Dati nang nasentensyahan ang Pilipina sa Eastern Court dahil sa drogat at pag-overstay 

Muling humarap sa Eastern Court kanina, Lunes, ang Pilipinang si Janice Lavinia Sahagun, 41 taong gulang, para sa kasong money laundering matapos itaas ang halaga ng perang galing sa krimen na dumaan sa kanyang account sa WeLab Bank sa $1,064,000.00

Si Sahagun ay dati nang nakakulong matapos mahatulan na makulong ng limang buwan at 10 araw noong June 23 dahil sa pag-overstay at paggamit ng droga.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Sa kanyang unang pagharap sa korte noong Aug. 3 ay $170,000 lang ang perang galing sa krimen na unang nakita sa kanyang account na ginamit niya ng walong araw lang, mula Nov. 8 hanggang Nov 16 noong nakaraang taon.

Ayon sa sakdal, ang paggamit o paghawak ng perang galing sa krimen ay paglabag sa sections 25(i) at 25 (3) ng Organized and Serious Crimes Ordinance, Cap 455.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ibinalik si Sahagun sa kulungan at inatasang bumalik sa korte sa October 9 para sa muling pagdinig ng kanyang kaso. Nauna dito ay nagpahiwatig siya na handa na siyang umamin sa bagong sakdal laban sa kanya, pero sa hindi malinaw na dahilan ay hindi niya tinuloy.

Ayon sa binasang salaysay bago siya sentensyahan sa kanyang naunang kaso ay na-terminate si Sahagun bilang domestic helper noong March 16 at hindi umalis ng Hong Kong pagkatapos ng itinakdang dalawang linggong palugit. Nang mahuli siya ay 13 araw na siyang overstay.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Para sa kanyang pananatili sa Hong Kong ng walang visa ay dapat siyang nakulong ng 7.5 buwan, pero binawasan ito ng 1/3 dahil sa kanyang ginawang pag-amin kaya naging 5 buwan na lang.

Ang dagdag na 10 araw ay dahil nakitaan siya ng isang plastic bag na may lamang 1.26 gramo ng shabu nang mahuli siya noong April 12 sa Sai Wan.

 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Matapos ang pagsusuring iniutos ni Magistrate Ivy Chiu kay Sahagun ay nakumpirma na ang droga ay para sa kanyang pangsariling gamit.

Ayon sa kanyang abugado, malinis ang record ni Sahagun bago siya maaresto.

Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Protesters call for scrapping of suspended rules for Filipino travelers

Posted on 03 September 2023 No comments

 

Protesters say the Philippine goverrnment is punishing victims, not the traffickers

A group of Filipino domestic workers staged a rally this afternoon outside the Philippine Consulate holds offices, to condemn an attempt by the government’s Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) to revise rules for all Filipinos departing the Philippines, including requiring those traveling as tourists to show proof of their financial capacity, or migrant workers to provide additional documents showing they have visas to work abroad.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

The rules were suspended on August 31 by the Department of Justice, and by IACAT itself on September 1, but the protesters said this was not enough.

“Scrap, not suspension of additional requirements for all Filipino travellers,” was what the protesters from United Filipinos in Hong Kong (Unifil-Migrante) demanded during their brief rally, which appeared to have received support from other Filipinos transacting business at the Consulate.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

One protester from Mission Movers held up a poster that said, “OEC (overseas employment certificate) nga hirap na kaming kumuha, yun pang dagdag na requirements pa kaya!”

Another’s poster read, “Go after human traffickers, not their victims!”

Protesters want the the revised rules scrapped, not just suspended

In defending their attempt to specify the additional documents that may be asked from outbound Filipinos, both the IACAT and the DOJ, which supervises the Bureau of Immigration, said they were merely protecting travelers from falling prey to human trafficking.

However, the Philippines is among a few countries in the region that has consistently received Tier 1 ranking from the US State Department Report on Human Trafficking, indicating its ability to trump the menace.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Hong Kong, which rarely, if ever, requires departing residents proof of their ability to support themselves while abroad, is in Tier 3.

Unifil-Migrante said that although the DOJ suspended the rules due to criticism from various sectors including OFWs, “the fear of Filipinos that this will be implemented again is always there.”

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

The group cited as an example the difficulty imposed by the revised rules on OFWs who want to invite their children and spouses to their workplace. Under the suspended rules, the visiting spouse and the children will have to present original marriage or birth certificates issued by the Philippine Statistics Authority before they are allowed to leave the Philippines.

For those who are not immediate family members, like parents or siblings, the OFW will have to go to the Consulate or embassy concerned and obtain a notarized affidavit of support which must then be sent to the Philippines - as only original documents will be accepted by immigration officers at the departure gates.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

“If the Marcos Jr. government is really sincere in suppressing human trafficking in the country, it should go after the recruitment agencies and not the ordinary travellers who just want to work or spend vacation with their family,” said the protesters.

What the government should prioritize are the long-standing demands by OFWs to be spared of mandatory exactions and be given proper and adequate services, said the protesters.

Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Ang iyong mga karapatan bilang FDH, ipapaliwanag ng Labour Dept

Posted on 03 September 2023 No comments

 

Alam mo ba ang iyong karapatan?

Magsasagawa ang Department of Labour ng isang briefing para ituro sa mga foreign domestic helper ang kanilang karapatan bilang manggagawa at residente ng Hong Kong.

Ang pagtuturo, na gagawin sa Sept. 24 (Linggo), ay libre at bukas sa lahat.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Para sa mga Pilipino, ang briefing ay gagawin sa wikang Tagalog sa Lecture Room 1 ng Tuen Mun Town Hall, sa Sept. 24, 2:30-4:30 pm. May hiwalay na sesyon sa salitang Bahasa-Indonesia at English sa araw ding ito.

Hinihiling ng Labour na sumali ang mga lider ng organisasyon at kanilang mga opisyal, upang mas mabilis mapalaganap ang kaalaman sa kanilang mga kasapi.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang briefing ay hinati sa dalawang bahagi:

Part I: Karapatan ng mga FDH sa ilalim ng batas at ng employment contract, na ipaliliwanang ng kinatawan ng Labour.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Part II: Mga karapatan sa ilalim ng mga anti-discrimination ordinance, na ipaliliwanag ng kinatawan ng Equal Opportunities Commission.

Ang enrollment form ay mabubuksan dito: https://www.fdh.labour.gov.hk/res/pdf/Enrolment_Form.pdf

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ang huling araw para sa pagsumite ng form sa pamamagitan ng fax (3101 0604) o email (fdh-enquiry@labour.gov.hk) ay Sept. 20 (Miyerkules).

Maaring magpasa ng form ang isang indibiduwal, o lider ng bawat grupo.

Para sa mga organisasyon, ang kailangan lamang ay listahan ng pangalan at phone number ng kasaping sasali, at pangalan ng grupo. Ipadala ito sa email (fdh-enquiry@labour.gov.hk) bago mag-Sept. 20 (Miyerkules).

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Kung may tanong, pwedeng tawagan di Andrew Wong ng Labour Department sa 3582 8993.

Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS


Don't Miss