Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

$3.5M in jaywalking fines imposed in 3 weeks

Posted on 07 September 2023 No comments

 

Police urge people to cross when the green light is on, and use the designated pedestrian crossing

The Hong Kong Police Force said today, Thursday, that it issued $2,000 tickets to 1,785 individuals over the past three weeks as part of its territory-wide crackdown on jaywalkers.

That would have earned the government a total of $3,570,000 from the campaign.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Under a new law that took effect last month, the jaywalking fine was doubled to $2,000 amid an alarming increase in fatal traffic accidents in the city. Prosecution may also be initiated, depending on the gravity of the violation.

In the first eight months of the year a record 71 traffic fatalities were recorded, a 34% increase in the same period last year, and the highest in three years.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The police said at a press conference today that a quarter of those ticketed in the law enforcement operation that began in mid-August were seniors aged 65 years and above.

A majority of those who were imposed the penalty were found to have disobeyed traffic light signals or crossed within 15 meters of a pedestrian crossing instead of staying in the designated lane.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Meanwhile, a total of 2,411 drivers have been prosecuted for committing traffic offences during the same period.

Most of those detained were professional drivers, and their violations ranged from using phones while driving and disregarding traffic or road signals.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

A police spokesman said they hope to change residents’ erroneous or even dangerous behaviour by imposing sanctions that have deterrent effect.

Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Photo exhibit shows DHs during fun, leisure times

Posted on 06 September 2023 No comments

 

One of the featured photos by Gretchen So

Pictures which capture domestic helpers during their fun, leisure times are being presented in an ongoing photo exhibit in a local gallery until Sept. 24

“Hidden Narratives: Portraits of Resilience in Hong Kong’s Migrant Domestic Helper Community” is a collection of pictures taken by photographer and educator Gretchen So.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The exhibit opened on Aug. 20 and will run until Sept. 24 at the Lumenvisum, L2-02, JCCAC, 30 Pak Tun St., Shek Kip Mei, Kowloon. It is open from Tuesday to Sunday, 11am-1pm and 2-6pm. Guided tours can be arranged by calling 3177-9159.

 “This exhibition sheds light on the invaluable contributions and stories of the Indonesian and Filipino helpers within our community,” So said.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

PINDUTIN PARA SA DETALYE

“The media is often focused on the struggles of domestic helpers but I wanted to capture this wonderful community during their fun, leisure times with photos that are vivid and pulsating with energy,” she added.

“Through ‘Hidden Narratives’, I seek to highlight their unique experiences, their challenges, and their aspirations, ultimately fostering a deeper understanding and appreciation of their role in our society."

More details at www.gretchenso.com.

A selection of her photographs:

Happy Entanglement

 
Birthday Feast

Beauty Queen


Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Away ng mag-live-in, nauwi sa aregluhan

Posted on No comments

 

Humantong sa korte ang away ng magka live-in.

Nahantong sa areglo ang pag-aaway ng magka-live-in na Pilipina at Pakistani, na parehong asylum seeker at may dalawang anak, matapos silang humarap sa West Kowloon Court kanina.

Sumang-ayon sa Bind Over sina G. Tabaranza, 32 taong gulang, at ang Pakistani na si H. Norani kung saan nangako silang hindi lalabag sa batas sa loob ng dalawang taon. Pagbabayarin sila ng $1,000 kapag lumabag sila sa pangako.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Pinayuhan sila ni Acting Principal Magistrate Veronica Heung na huwag nang gumamit ng dahas o pagbantaan ang isa't isa upang hindi sila ulit magkaproblema sa batas.

Si Tabaranza ay kinasuhan ng pananakit kay Norani noong June 14 sa kanilang flat sa Ki Lung St., Mongkok, Kowloon.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ganoon din ang reklamong isinampa ni Tabaranza kay Norani.

Ang kasong isinampa laban sa kanila ay paglabag sa Common Law, at sa Offences against the Person Ordinance.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Matapos silang tawagin sa pagdinig, tumayo ang taga-usig upang sabihing bukas siya sa isang bind over order para sa dalawa. Ibig sabihin, walang record na maitatala sa kanila kung susundin nila ang utos ng korte na hindi na muling lalabag sa batas sa loob ng itinakdang panahon.

Sumang-ayon ang dalawa sa kasunduan, na kapalit ng pag-urong ng parehong kaso laban sa kanila, na kung natuloy ay may parusa na aabot sa tatlong taon na pagkakakulong.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nakita silang magkasabay na lumabas ng korte, kasama ang kani-kanilang interpreter, at sumakay ng lift papunta sa opisina sa 3rd floor, kung saan nila pinamirmahan ang kasunduan.

Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Multang $1.5k dahil sa ninakaw na $198 na hikaw

Posted on No comments
Bumalik pa muli ang akusado sa mall na ito pagkatapos niyang magnakaw kaya siya nahuli

Isang Pilipina na tatlong dekada nang nagtatrabaho bilang domestic helper sa Hong Kong ang pinagmulta kanina sa Eastern Court ng $1,500 matapos umamin na nagnakaw ng isang pares ng hikaw  na nagkakahalaga lang ng $198 noong Disyembre ng nakaraang taon.

Bakas ang kasiyahan sa mukha ni F.V. Pascua, 61 taong gulang, nang marinig ang hatol sa kanya ni Principal Magistrate Ivy Chui, na hindi na pinakinggan ang iba pang sasabihin sana ng kanyang abugado para mapababa ang sentensya, at sinabing papagbayarin na lang siya bilang parusa.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Dahil nakapiyansa sa halagang $500 ay pinadagdagan na lang ng $1,000 ang halagang pinabayad sa Pilipina bago ang 4pm na pagsasara ng kahera ng korte.

Sabi ng mahistrado, nagdesisyon siyang pagmultahin na lang si Pascua dahil malinis ang record nito sa Hong Kong, at agad na umamin sa kasalanan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Batay sa sinang-ayunan niyang salaysay nangyari ang nakawan noong December 3 sa shop ng Wheres Design sa ground floor ng Provident Square sa North Point. 

Napansin daw agad ng tindera na may nawalang isang pares ng hikaw na naka display matapos tumingin doon si Pascua at isang kasamahan. Nang tingnan ng tindera sa CCTV ay nakita si Pascua na dinampot iyon bago lumabas ng shop. Hindi nagreklamo ang tindera nang araw na iyon.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Dahil marahil naisip na nakalusot siya sa kanyang ginawa ay bumalik si Pascua sa tindahan noong January 18, bandang 12:40pm, kasama ang kaibigan. Agad siyang namukhaan ng tindera kaya ito tumawag ng pulis.

Matapos siyang arestuhin ay sinamahan si Pascua ng mga pulis sa bahay ng kanyang amo sa at nakita sa kanyang kuwarto ang lalagyan ng hikaw, na nagkataong suot din niya. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Noong una ay itinanggi ni Pascua ang paratang na ninakaw niya ang hikaw, at sinabing binili niya ito sa bangketa mula sa isang babaeng hindi niya kilala, pero umamin din bandang huli.

Batay sa pahayag ng kanyang abugado, si Pascua ay walang asawa at walang ibang kamag-anak, at tanging ang nanay niya na nasa Pilipinas ang sinusuportahan. Sumasahod siya ng minimum at halos 30 taon na siyang nagtatrabaho sa Hong Kong.

Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Ingat sa pagpasyal ng aso

Posted on No comments

 

Dinala sa ospital ang helper na mukhang Pilipina dahil nasugatan ang kamay (TheStandard)


UPDATED)

Isang aso ang namatay matapos maipit ang kanyang tali sa pintuan ng isang elevator sa Kennedy Town kahapon ng umaga.

Ayon sa mga pulis, nangyari ang insidente bandang 9:47 ng Martes matapos ipasyal ng isang 46 taong gulang na foreign domestic helper ang tatlong aso sa labas ng kanilang tirahan sa Kam Ho Court sa Belcher’s Street.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pagbalik nila sa gusali ay pumasok ang helper sa elevator kasama ang mga aso, ngunit biglang tumakbo palabas ang isa bago nagsara ang pintuan nito. Naipit ang tali nito sa pintuan, dahilan para masakal ito nang mag-umpisa nang umakyat ang elevator.

Agad namang tumawag ng pulis ang bantay sa gusali na nabigong buksan ang pintuan ng elevator pagkatapos makita sa CCTV ang nangyayari sa aso. Tumigil sa pag-akyat ang elevator pero hindi nagbukas ang mga pintuan.

Pagdating ng mga bumbero ay nakitang patay na ang aso kaya tinakpan na lang nila ng kumot.

Patay na ang aso nang balikan ng helper sa lobby ng gusali

Agad namang tumakbo pababa sa lobby ang helper pero patay na ang aso nang makita niya. Dinala siya sa Queen Mary Hospital na may sugat sa kamay dahil pinilit nitong hilahin pabalik sa lift ang aso bago nagsara ang pintuan. 

Ang 24 taong gulang na may-ari ng aso na agad ding tinawag pauwi ay naiyak nang makita ang alagang patay na. 

Agad na nagpaalala ang mga awtoridad sa publiko na bantayang maigi ang mga alagang aso tuwing pumapasok o lumalabas sa elevator.

Ito ang pangalawang beses na nangyari ang ganitong insidente. Noong June 26 ay naipit din ang tali ng isang aso sa Sham Shui Po nang di mapansin ng may-ari na hindi ito sumabay sa kanya pagpasok sa elevator. 

Mabuti na lang at naagapan ng security guard na patigilin ang elevator kaya nakakawala ang aso sa tali bago tumakbo. Ang may-ari ang nakulong sa elevator ng mga 20 minuto bago napakawalan ng mga bumbero.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Iniimbestigahan pa rin ng mga pulis ang pangyayari.

Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Kasong pagnanakaw ng bag sa airport, itinanggi ng Pilipinang saleslady

Posted on 05 September 2023 No comments

 

Sa West Kowloon Court nagsimula ang kaso 

Nakatakdang litisin sa Nov. 28-30 ang isang Pilipinang saleslady na kinasuhan ng pagnanakaw ng rucksack o backpack sa Hong Kong International Airport noong Marso.

Dapat ay nilitis na ang kaso sa West Kowloon court noong Lunes, Sept. 3, ng Pilipinang si Ana Labicane, 54, pero hindi ito natuloy dahil dumagsa ang maraming kaso na naipagpaliban noong Biyernes dahil sa T8 signal.

Dahil tambak pa rin ang kaso sa West Kowloon ay inilipat ang paglilitis kay Labicane sa Kwun Tong Courts.
Muling pinayagang magpiyansa sa halagang $500 si Labicane na nauna nang tumanggi sa paratang.

Kinasuhan siya ng Airport Police ng pagnanakaw ng isang rucksack na may lamang cash na HK$630, isang Octopus card, dalawang prepaid transportation card para sa Taiwan, cash na 11,100 Taiwan dollar, isang cosmetic bag, dalawang passport holder, isang HK passport, isang wallet, isang HKID card, isang WeWu UnionPay card, at apat na ATM card.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang pagnanakaw ay naganap umano sa tapat ng shop ng Tung Fung Hung sa tabi ng escalator sa Departure Hall ng HK Airport noong March 5.

Bago dininig ang kaso sa Court No. 14 sa ilalim ni Acting Principal Magistrate Veronica Heung, ay inilista ito sa Court no. 19 sa ilalim ni Magistrate Andrew Mok.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ang dahilan ay nag-overload sa mga kaso ang Court 19 dahil sa pagsasara ng mga korte noong nagdaang Biyernes, na resulta ng Typhoon Signal No. 10 na dala ng Typhoon Saola.

Nang gawin ang pagdinig sa Court 14, humingi ng tatlong araw na paglilitis ang taga-usig dahil kailangang isalin ang salitang gagamitin sa Pilipino at English.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ibinigay ni Magistrate Heung ang petsang hinihingi ng taga-usig, Nov. 28-30, pero inilipat niya ang kaso sa Kwun Tong dahil puno pa rin ang schedule ng West Kowloon sa mga araw na iyon.

Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss