Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Inaresto ang Pilipina na binitbit ang alaga sa leeg, ayon sa pulis

Posted on 16 September 2023 No comments

 

Ang Eastern District Police Station sa North Point ang nag-iimbestiga ng kaso

Sa gitna ng patuloy na debate tungkol sa kumalat na video ng isang yaya na binitbit ang alagang bata sa leeg habang patawid ng kalsada sa Tin Hau ay sinabi ng pulis sa The SUN na inaresto nila ang tagapag-alaga noong Miyerkules, Sept. 13, sa North Point.

Kinumpirma din nila na ang inaresto ay isang Pilipinang domestic helper na 37 taong gulang. Pinayagan nila itong magpiyansa pero inutusang bumalik sa Eastern District Police Station sa kalagitnaan ng Oktubre para sa patuloy na pag-iimbestiga ng kaso.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Inaresto ang Pilipina dahil sa suspetsa na inabuso o sinaktan niya ang alagang batang lalaki na apat na taong gulang.

Pero ayon sa pulis, walang nakitang anumang sugat o pasa sa bata at nananatili itong alerto kaya bahala na daw ang mga magulang ng bata na patingnan ito sa doktor.

CONTACT US!

Ang pag-aresto sa Pilipina ay isinagawa sa kabila ng pagkalat ng balita na mismong ang ina nito ang nagsabi na walang ginawang masama ang tagapag-alaga na tinawag pa nito na “little sister.” Nataranta lang daw ito at baka mahuli sa eskwela ang bata.

May ilan ding Pilipina na nakiusap na tigilan na ang pagpapakalat ng video dahil nagdudulot na daw ito ng kaba at tensyon sa tagapag-alaga na binatikos ng marami.

Kita sa video na binitbit sa leeg ang bata ng yayang Pilipina

Kabilang sa mga nagalit sa lumitaw na video na inabot ng 14 segundo ay ilang mga expatriate na ina, na nagkaisa sa pagsasabi sa isang Facebook page na isang pang-aabuso ang ginawa ng Pilipina sa bata. Kahit pa daw nag-aalburuto ito ay hindi dapat ito binitbit sa leeg ng tagapag-alaga dahil siguradong nasaktan ito.

Karamihan ng mga sumagot naman para kontrahin ang ganitong pananaw ay mga Pilipina din, na sinabi na kung ang mismong ang ina ng bata ay hindi sinampahan ng reklamo ang yaya, bakit sila pa na hindi naman alam ang buong pangyayari ay pinipilit na may ginawang pang-aabuso ito?

Pindutin para sa detalye

May ilan ding nagsabi na hindi nakita sa video ang buong pangyayari kaya mali na husgahan agad ang Pilipina.

Sa video ay maririnig na sinisita ang tagapag-alaga ng isang local na babae at sinasabing mag-ingat sa paghawak sa bata dahil ito ay nasasaktan. Binalaan din niya ito na kinukunan siya ng video.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

“Be careful, you’re hurting her (sic). I’m recording you. You’re being rude to this kid. What happened to you?”, sabi ng nag video.

Sinagot lang ito ng Pilipina na ayaw daw kasing pumasok sa eskwela ng bata bago umalis papalayo kasama ang alaga. Dito na natapos ang video.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Habang kinukuhanan sila ng video sa tawiran ay makikita na naiiyak ang bata na base sa kanyang uniporme ay estudyante ng Victoria Kindergarten sa di kalayuan. Sinubukan nitong tanggalin ang kamay ng tagapag-alaga sa kanyang leeg at nang lumapit ang nag video ay tumingin dito ang bata na parang nagmamakaawa.

Sa kabila nito, maraming Pilipina ang nagsabi na marami kasing bata sa Hong Kong na pasaway, lalo na kung kinakampihan ng mga magulang lagi. Mayroon ding nagsabi na mismong ang magulang daw ng kanilang mga alaga ang nagsabi na gawin nila ang nararapat kapag tumatawid silang magkasabay para masiguro ang kanilang kaligtasan.


PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero sabi naman ng iba, kahit gaano kalikot o hirap kontrolin ang isang bata ay dapat pa ring maging pasensyoso at maingat ang mga tagapag-alaga sa pagdisiplina sa kanila. Bukod sa mas makakatulong ito para mapalapit sa kanila ang alaga, maiiwasan pa nila ang katulad ng nangyari sa Pilipina sa video na inaresto na ay inulan pa ng batikos sa social media.

Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

DH pauwi mula sa Dubai, nag-stopover nang 8 buwan sa kulungan sa HK

Posted on 15 September 2023 No comments

 

Dininig ang kaso laban sa OFW mula Dubai sa West Kowloon Court

Naunsiyami ang pag-uwi sa Pilipinas ng Isang Pilipinang domestic helper mula sa Dubai matapos mahatulan kanina ng walong buwang pagkabilanggo dahil sa pagnanakaw sa eroplanong sinasakyan niya.

Si Joana Ramos, 24 taong gulang, ay unang pinatawan ng isang taon sa kulungan, pero binawasan ito ng 1/3 (o apat na buwan) ni Acting Principal Magistrate Veronica Heung dahil sa kanyang pag-amin nang humarap sa West Kowloon Court.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
CONTACT US!

Naganap ang pagnanakaw noong Aug. 14 habang lumilipad ang isang eroplano ng Cathay Pacific na sinasakyan ni Ramos.

Inakusahan ng isang kapwa pasahero si Ramos na kumuha ng pitaka nito na naglalaman ng cash na US$925 at 150 Arab Emirate Dirham.

Pindutin para sa detalye
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nang ireklamo siya ng may-ari ng wallet, na kapwa niya Pilipina, itinawag ng piloto ang kaso sa Hong Kong airport, kung saan papunta ang eroplano para sa stopover.

Naghihintay na ang pulis para arestuhin si Ramos nang lumabas siya sa eroplano.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sinampahan siya ng paglabag sa Theft Ordinance na nagpaparusa ng pagnanakaw ng hanggang 10 taon na pagkakulong,  at sa Aviation Security Ordinance na nagsasabing ang krimeng naganap sa isang lumilipad na eroplanong kontrolado ng Hong Kong, ay ituturing na krimeng naganap sa Hong Kong.

Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Indonesian DH files racial discrimination suit vs former employers

Posted on No comments

 

The traditional jilbab that Dwi-Lestari was allegedly forbidden to wear (File)

An Indonesian Muslim who used to work as a domestic helper in Hong Kong is seeking more than $250,000 in compensation from her former employers for allegedly sacking her because of her religious beliefs and practices.

Dwi Lestari took out a writ at the District Court against her retired former employer, Leung Choi, her son Ho Wai-sun and daughter Ho Wai-ngor, for their alleged breach of the Race Discrimination Ordinance.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Dwi-Lestari said she was sacked on March 16, 2020, just two weeks into her job,  after the family told her to stop wearing a a jilbab, a full-length garment covering her body; and not to pray during work.

Her religion reportedly requires adherents to pray five times a day, but Dwi-Lestari said she limited it to just three during her brief stay at Leung's flat in Wah Fu estate in Aberdeen.

CONTACT US!

Dwi-Lestari’s lawyers said she was not told before signing the contract with Leung, who is now 87, that her family would not allow her to practise her religion while working for them.

She is seeking a total of $254,620 for unpaid wages, a month’s salary in lieu of notice, injury to feelings, loss of earnings and punitive damages.

Pindutin para sa detalye

In the nine years that she had worked for four other families, Dwi-Lestari said she was not stopped from wearing the jilbab, or pray at designated times.

But shortly after she started working for Leung’s family, Wai-ngor allegedly complained about her wearing a jilbab, and told her to stop wearing the garment whenever she  accompanied their family in public.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Lestari relented by wearing only a headscarf and cap when she had to step out, according to the writ.

Later on, the siblings also reprimanded her for doing her daily prayers inside the flat, with the son allegedly saying that it would scare their elderly mother “to death” if that was what she saw as soon as she woke up.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

The helper reportedly apologised and offered to pray outside the flat, but the son insisted she must stop the practice altogether.

Shortly afterwards the family terminated their contract and Wai-sun allegedly gave her just $100 plus an air ticket booked for Indonesia the next day. She spent the night at her employment agency’s boarding house before flying out.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

In early 2021, Dwi-Lestari was helped by the NGO,  Justice Without Borders,  in filing a complaint with the Equal Opportunities Commission. An attempt by the EOC to broker a settlement between the parties failed so the helper decided to go to court.

Dwi-Lestari filed the writ at the District Court on Wednesday, and the first hearing has been set for November

Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Police hunt for missing Filipina

Posted on 14 September 2023 No comments

Gonayon was last seen on Tuesday

Police appealed to the public last night, Sept 13, for information on a Filipina domestic helper who went missing in Aberdeen.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Police said Georgia Mer Walis Gonayon, 49, went missing after she left her employer’s residence on Pok Fu Lam Road Tuesday afternoon. Her employer made a report to Police on the same day.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

PINDUTIN PARA SA DETALYE

She is about 1.6 metres tall, 59 kilograms in weight and of medium build. She has a square face with black complexion and long black hair. She was last seen wearing a white jacket, blue trousers, white and purple shoes and carrying a black bag.


Anyone who knows her whereabouts or may have seen her is urged to contact the Regional Missing Persons Unit of Hong Kong Island on 2860 1040 or 9886 0034 or email to rmpu-hki@police.gov.hk, or contact any police station. 

Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

20 buwang kulong dahil nagbenta ng nakaw habang naka-piyansa

Posted on No comments


Nangyari ang krimen habang naka-piyansa ang Pinoy dahil sa naunang kaso

Ikinulong nitong Miyerkules ng 20 buwan ang isang Pilipinong nahuling nagbenta ng nakaw na singsing habang naka-piyansa pa sa pulisya dahil sa isang naunang kaso.

Tahimik na tinanggap ni Elvin Zuniga, 59 taong gulang at dating manager ng restaurant at bar, ang parusang binasa ni Deputy District Judge Edward Wong sa District Court.

Inaasahan na kulong ang parusa dahil sa naunang pagdinig noong Aug. 31 ay umamin si Zuniga sa akusasyong ibinenta niya ang isang brilyanteng singsing na nakuha niya sa babaeng Intsik na kapwa niya akusado.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Pero hiningi ng kanyang abogado na huwag nang dagdagan ang kanyang sentensya dahil ang piyansa ay para daw sa kasong iniimbestigahan pa ng pulisya at hindi pa nakararating sa korte.

Isinantabi ni Judge Wong ang hiling ng abogado ni Zuniga. Ika niya, dahil ang parusang iminungkahi ng taga-usig ay dalawang taong pagkakulong, at dahil naka piyansa pa ang akusado sa isang naunang kaso ay dinagdagan niya ang parusa ng anim na buwan kaya naging 30 buwan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ipinaliwanag niya na ang desisyong ito ay base sa tatlong kaparehas na kasong nadesisyunan na, kung saan ang naging tanong ay kung gaano ang dapat madagdag na parusa, at hindi kung dapat bang dagdagan ang bigat ng sumunod na krimen.

Dahil sa pag-amin ni Zuniga, binawasan ni Wong ng 1/3 ang sentensiya kaya 20 buwan ang natira. Ito lang ang nakita niyang dahilan upang bawasan ang sentensiya, ika niya.

Nagsimula ang kaso ni Zuniga nong March 21 nang ibenta niya sa isang tindahan ang nakaw na singsing. Kumita siya rito ng $1,000 bilang komisyon mula sa kasama niya sa kaso na si Cheung wai-yee.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Si Cheung naman ay nahaharap sa apat pang kaso.

Inakusahan siyang nagpanggap na buyer ng singsing sa isang online na merkado, at nagbayad ng tseke sa may-ari sa halagang $37,500. 

Ang singsing ang tinukoy na ibinenta ni Zuniga. Nalaman ng may-ari na naloko siya nang abisuhan siya ng kanyang bangko kinabukasan na tumalbog ang tseke ni Cheung.

Ganito rin ang modus ni Cheung sa panloloko sa tatlo pang tao upang makuha ang isang handbag, isang relo na nagkakahalaga ng $118,000, at tatlong mobile phone na ang kabuuang halaga ay $29,500. 

Naningil pa siya sa ikatlong biktima ng dagdag na $9,500 dahil sumobra daw ng ganitong halaga ang kanyang naibayad.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Matapos basahin ni Wong ang parusa at lumabas ng korte, pinaligiran si Zuniga ng kanyang mga abogado upang ipaliwanang na dahil mahigit isang taon na siyang nakapiit at ibabawas pa ang mga piyesta opisyal, kaunti na lang ang kanyang pagsisilbihang sentensya.

Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Video ng batang binitbit sa leeg ng tagapag-alaga, kalat na kalat

Posted on No comments


Kitang kita na hawak sa leeg ng babaa ang bata habang itinatawid sa kalsada

Umani ng batikos ang isang babae na nakuhanan sa isang 14-second video na pinulupot ang kamay sa kanyang alagang batang lalaki bago itinawid sa kalsada. Ayon sa mga nag komento, nangyari ito sa tapat ng Tin Hau MTR station nitong Martes.

Ang nag video ay maririnig na pinapagalitan ang tagapag-alaga at sinasabing mag-ingat sa paghawak sa bata dahil ito ay nasasaktan. Binalaan din niya ito na kinukunan siya ng video.

“Be careful, you’re hurting her (sic). I’m recording you. You’re being rude to this kid. What happened to you?”, sabi ng nag video na boses babae. (Mag-ingat ka, nasasaktan siya. Nire-record kita. Masyado kang salbahe sa bata. Ano ang nangyari sa iyo?)

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

“He don’t want to go to school. I told him…” (Ayaw niyang pumasok sa eskwela. Sabi ko..) sabi naman ng kasama ng bata na sa hitsura at tono ng pananalita ay isang Pilipina, bago biglang naputol ang video.

Agad na inakala ng marami na isa itong domestic helper dahil ang bata ay Intsik ang hitsura, pero walang makapagsabi ng tiyak kung ano talaga ang kanilang relasyon.

Pero makikita sa video na naiiyak ang bata na base sa kanyang uniform ay nag-aaral sa Victoria Kindergarten na nasa di kalayuan. Pilit nitong tinanggal ang kamay ng tagapag-alaga sa kanyang leeg at nang lumapit ang nag video ay tumingin dito ang bata na parang nagmamakaawa.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Na post ang video sa isang Facebook page na karamihan ng mga miyembro ay mga Intsik, bago kumalat ang balita sa iba-ibang news website.

Gayunpaman, wala daw nagreklamo sa kanila mula sa lugar na nabanggit tungkol sa ganitong insidente, sabi ng isang tagapagsalita ng mga pulis.

May ilan na din na mga reporter ang nagtanong tungkol dito pero pareho lang din ang kanilang sagot.

Pilit inaalis ng bata ang kamay ng babae habang mukhang naiiyak

Karamihan ng mga nagkomento sa istorya na nilathala sa pahina ng Domestic Workers Corner na pawang mga Pilipina ang mga miyembro ay nagsabing mali talaga ang tagapag-alaga dahil dapat ay sa kamay lang daw nito hinahawakan ang bata habang itinatawid sa kalsada.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Sabi ni Amy Sarabia, “Iba yong pagkarga ni ate. Pwede (naman) buhatin nang maayos o hawakan mabuti ang kamay o kausapin mabuti yung alaga. Ang mga bata dito makulit kaya dapat kausapin nang maayos. Laging tandaan na dito sa labas maraming nag video.”

Sagot naman ni Winnie Jimenez sa isang komento, “Makukulong siya kapag nakita ng amo yong video, sa ginawa niya sa bata. Child abuse yan.”

Agad namang may sumagot sa kanya na isang Pilipina pero Chu Biex ang gamit na pangalan, at inilagay ang reaksyon naman daw ng mismong ina ng bata, na sa salitang Intsik, pero kung isalin sa English ang lalabas ay sinasabi nito na nabigla lang daw ang kanyang “little sister” dahil natakot na baka mahuli ang bata sa eskwela. Ang totoo daw ay tunay na mahiyain at maamo ang “sister” niya na ito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Gayunpaman, nagpasalamat ang sinasabing amo sa mga nagpakita ng pagkabahala sa sinapit ng anak, pati na rin sa kumuha ng video.

Pindutin dito para sa iba pang mga detalye!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss