Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

27 taon nang overstay bago nahuli

Posted on 12 October 2023 No comments

 

Sa  footbridge na ito sa Central nahuli ang akusado

Bigo ang isang Pilipina na payagan siyang magpiyansa matapos ihayag ng tagausig sa korte na 27 taon  na itong overstay  o namamalagi nang illegal sa Hong Kong.

Humarap sa Eastern Court nitong Martes, Oct. 10, si Josephine Rescate, 61 taong gulang, dahil sa sakdal na pag overstay, o pananatili sa Hong Kong ng walang pahintulot ng gobyerno.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa tagausig, overstay na si Rescate na dating domestic helper noon pang Sept. 29, 1996 matapos ma-terminate. Nanatili siyang nakatago hanggang mahuli nitong Sept. 7, 2023 sa may footbridge malapit sa Exit A ng Central MTR station. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Hindi dinetalye sa korte kung paano siya nahuli. Hindi rin pinagsalita si Rescate bagamat may tagasalin sa wikang Tagalog na nagsabi sa kanya kung ano ang mga sinasabi ng hukom at ng tagausig.

Itinakda ni Magistrate Stephanie Chui ang susunod na pagdinig sa Nov. 21 para mabigyan ng dagdag na panahon ang tagausig na pag-aralan ang kaso.

Pindutin dito

Ibinalik si Rescate sa kulungan hanggang sa itinakdang petsa. 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Pinoy na sinabunutan ang nobya, binigyan ng isa pang pagkakataon

Posted on No comments

 

Binalaan ang Pinoy sa korte na huwag nang mananakit ulit

Iniatras ang habla sa isang Pilipinong domestic helper na kinasuhan dahil sa pananakit sa kinakasama, sa isang kundisyon: na hindi na muling lalabag sa batas sa loob ng isang taon, kundi ay papagbayarin siya ng $1,000 at magkaka- record pa.

Sinang-ayunan  ni O.A., 46 taong gulang, ang “bind over” order na inutos ni Eastern Magistrate Stephanie Chui noong Martes, Oct. 10, at pati ang pagbabayad ng $200 bilang gastos sa pagdinig ng kanyang kaso, na ibabawas sa kanyang piyansa.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pumayag din siyang masentensyahan kahit wala siyang kasamang abugado sa pagdinig bagamat may tagapagsalin sa wikang Tagalog.

Bago tinapos ang pagdinig sa kanyang kaso ay sinabihan si O.A. ng mahistrado na huwag na muling lalabag sa batas, lalo na yung paggamit ng dahas.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

\Ayon sa binasang sakdal, dati nang mag nobyo sina O.A. at ang nobyang si A.T. bago pa man sila lumipad sa Hong Kong para magtrabaho. Magkasama silang nanunuluyan sa isang kuwarto sa Leighton Road,  Happy Valley nang maganap ang insidente.

Dahil sa pag-aaway nila nang matindi noong Aug. 28 ay nawalan ng control si O.A. at humantong iyon sa pagsabunot ni O.A. sa nobya, bago niya ito itinulak sa dingding. Paliwanag ng lalaki, nadala lang siya sa bugso ng damdamin noon.

Pindutin dito

Hindi daw ito ang unang pagkakataon na nagkasakitan sila, ani O.A. Katunayan ay tatlong beses na silang pinuntahan ng mga pulis noon at binalaan dahil sa kanilang bangayan.

Bagamat nakahinga siya nang maluwag nang malaman na hindi siya makukulong ay may panibagong problema pa ring kakaharapin si O.A. Matapos kasi siyang maaresto dahil sa pananakit sa nobya ay natanggal siya sa trabaho, at kasalukuyang  nag-aalala kung papayagan siya ng Immigration na manatili sa Hong Kong  para magtrabaho.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Pilipinang hindi sumipot sa korte noong 2017, tinanggihan ang alok na piyansa

Posted on 11 October 2023 No comments

 

Ang overstay na Pinay ay hindi pinayagan ng korte na magpyansa

Hindi nakalaya ang Pilipinang si Marina de Guzman, na nahaharap sa dalawang kaso ng pag-overstay, matapos tanggihan ng korte ang bagong alok nyang piyansang $4,000 nang humarap siya nitong Martes (Oct. 10) sa Shatin Court.

Ang dahilan ni Acting Principal Magistrate Amy Chan sa kanyang pagtanggi ay hindi maaasahang babalik si de Guzman sa korte sa susunod na pagdinig sa Dec. 4, dahil nagawa na niyang takasan ang korte noong 2017.

Ito rin ang dahilan kung bakit may dalawang kaso siya ng overstay, na paglabag sa kondisyon na ibinigay sa kanya upang manatili sa Hong Kong , kahit hindi siya umaalis mula nang dumating siya noong 2011 bilang isang domestic helper.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang unang kaso ni de Guzman ay nagmula sa kanyang pag-overstay na natapos noong Feb. 11, 2016, nang siya ay sumuko sa Immigration Department dalawang taon matapos ang taning niya upang umalis dahil sa pagtatapos ng kanyang kontrata noong Jan. 13, 2014.

Pero hindi siya sumipot sa pagdinig ng kasong ito noong Dec. 29, 2017 kaya ipinaaresto siyang muli.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero naaresto lang siya pagkalipas ng limang taon kaya kinasuhan ng pag-overstay simula Dec. 30, 2017 hanggang nitong July 27.

Ayon sa kanyang abogado, kailangang makalabas si de Guzman sa kulungan dahil kailangan niyang magpagamot para sa alta presyon at pamamaga ng binti.

Pindutin dito

Pero sinagot siya ni Magistrate Chan na pwede naman siyang gamutin habang nasa kulungan.

Nang idagdag ng abogado na nag-apply na rin siya ng judicial review sa High Court, sumagot si Chan na pwede niyang hintayin ang resulta nito sa kulungan.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Mga piling pagkaing Pinoy, nasa grocery na malapit sa inyo

Posted on No comments

 

Ang ilan sa mga pagkaing Pinoy na makikita sa Wellcome at Market Place

Ngayon, hindi na kailangan pang pumunta sa WorldWide Plaza o sa pinakamalapit na Pinoy store sa inyo para makabili ng mga paborito mong pagkain mula sa Pilipinas.

Simula kasi noong Oct. 6 ay binebenta na ang ilang mga paboritong pagkain ng mga Pilipino sa iba-ibang sangay ng Wellcome at Market Place sa Hong Kong, katulad ng Skyflakes,  Argentina corned beef, Oishi chips, Del Monte Filipino spaghetti mix at Mama Sita kaldereta mix.

Ang proyekto na “Philippine Flavours” na sinimulan ng Philippine Trade and Investment Center (PTIC) – Hong Kong sa ilalim ng Konsulado ng Pilipinas, ay tatagal hanggang  Nov. 2, o depende sa magiging pagtangkilik ng publiko.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa kasalukuyan ay napapamahal ang presyo ng mga tinda galing sa Pilipinas dahil kailangan pang patungan ng malaki ang pasa ng mga local suppliers dahil sa mahal ng renta sa Hong Kong. Kadalasan, ang presyo ay base sa halaga ng palitan ng piso, at pinapatungan ng doble para maging sulit ang bentahan dito.

Sabi ng PTIC ang pagbebenta ng mga produktong Pilipino sa dalawa sa pinakamalalaking supermarket chain sa Hong Kong ay patunay sa laki ng bilang ng mga Pilipino dito, at sa lumalaking interes ng mga lokal na residente sa mga pagkaing galing sa Pilipinas.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Isang ehemplo dito ang pagkakahirang sa Jollibee fried chicken bilang pinakamasarap na fast food fried chicken sa buong Hong Kong sa isang pagsisiyasat na isinagawa ng South China Morning Post noong 2017.

Para malaman ang pinakamalapit na sangay ng dalawang supermarket na may tindang mga produkto mula sa Pilipinas ay  click lang ang link na ito: https://shorturl.at/cuGJS (para sa Wellcome) at https://shorturl.at/eiwZ4 (para sa Market Place)

Pindutin dito

Pagsisikapan daw ng PTIC na makumbinsi ang iba pang mga grocery, department stores at iba pang tindahan na magbenta din ng sari-saring pagkain mula sa Pilipinas.

Para sa karagdagang detalye, maaring mag  email sa hongkong@dti.gov.ph o sundan ang Facebook page ng PTIC-HK at DTI Hong Kong.  

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Tulfo warns LGUs to stay away from group at center of illegal recruitment claims

Posted on No comments

 

Tulfo tells the crowd in Tagum live about the complaints against Opportunities Abroad 

In a surprise move, Senator Raffy Tulfo on Monday, October 9, stopped the holding of an “orientation seminar” by PinoyCare Visa Center-Opportunities Abroad Visa Processing Services in Tagum City, Davao del Norte amid complaints of illegal recruitment, large-scale estafa and human trafficking against the group and its founder and chief executive officer Prisca Nina Mabatid.

The senator, who heads the Senate Committee on Migrant Workers, also announced that there will be a Senate inquiry into the complaints against Mabatid and her group.

The operation to halt the seminar that was reportedly booked with help from a local city councilor was broadcast live on Tulfo’s popular radio program “Wanted sa Radyo” and simulcast on OneTV network, as well as the Facebook and YouTube channels of the senator.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Tulfo himself addressed the crowd of hundreds via an online hookup with the chief investigator of the Philippine National Police in the city, and told them about the pending complaints against the two companies and Mabatid, who used to be a Cebu City councillor.

Gusto ko lang ipaalam sa inyo na itong si Nina Mabatid at ang kanyang Pinoy Care Visa Center Opportunities Abroad ay maraming reklamo na ang nakarating sa amin, sa NBI at maging sa Hong Kong. Nangangako sya na bibigyan kayo ng student visa sa Canada at papautangin kayo ng one million (peso) interest free, para gamitin ninyo sa inyong tuition fee, pero once nagbigay kayo ng pera, goodbye na yung pera ninyo at hindi na matutuloy  ang pangako,” said Tulfo.

(I just want to inform you that a lot of complaints have been filed with us, the NBI and in Hong Kong against this Nina Mabatid and her PinoyCare Visa Center and Opportunities Abroad. She will promise you a student visa to Canada and will offer to lend you one million pesos, interest free, that you can use for your tuition fee, but once you pay up, it’s goodbye to your money and her promises will not be kept).

PINDUTIN PARA SA DETALYE

He said it was up to them if they wanted to stay even after hearing about the complaints.

During the show, Tulfo tried to speak with Tagum City Mayor Rey Uy but he was reportedly nowhere to be found. Neither was Mabatid around although her partner, lawyer Russ Mark Gamallo, could be seen surveying the crowd.

Tulfo ended up warning all local government officials who facilitate the holding of Mabatid’s orientation seminars that they could be held equally liable for any adverse consequences of such  activities.

Pindutin dito

For your information magkakaroon ng Senate inquiry (tungkol dito) pagkatapos ng recess, at kapag di kayo tumupad, nag due diligence…isasalang ko kayo sa Senate hearing. Gisisahin kayo doon,” he said.

(For your information there will be a Senate inquiry after the recess and if you don’t comply, do not exercise due diligence, you will be told to appear at the Senate hearing where you will be roasted).

Gamallo (left, with phone) surveying the venue after Tulfo managed to convince participants to leave

Tulfo also revealed that at a budget hearing held earlier that day, he asked the National Bureau of Investigation to pursue the cases against Mabatid and her group.

This was after NBI director Medardo de Lemos said in reply to Tulfo’s query that they had received complaints in Cebu against the alleged recruiters as far back as 2015. He showed six thick folders that held the complaints and other documents.

However, he said not one of the complainants showed up when summoned for further investigation, so the case was closed. But he agreed to look into the case again in light of the new complaints filed against the group.

During the radio program, Migrante International chairperson Joanna Concepcion told Tulfo that the complainants who sought their help had not heard back from the NBI. She surmised that some might have gotten cold feet because they knew Mabatid used to be a city official, and was powerful.

Concepcion, along with The SUN editor Daisy CL Mandap who was also asked to shed light on the complaints against Mabatid in Hong Kong, both informed Tulfo that all the case files had already been forwarded to the Department of Migrant Workers and the NBI.

On Sunday, Tulfo called a meeting with the complainants, which was also attended by DMW's two top officials, OIC Hans Cacdac and Undersecretary Bernard Olalia.

The senator urged the DMW officials to fast-track the filing of the charges against Mabatid and company by convening an immediate meeting with the NBI. Cacdac responded that the first case that should be "ripe' for filing was syndicated estafa.

Officials from DOJ, Immigration and NBI respond to queries from Tulfo

On August 4, Cacdac also met with the complainants and their advocates at the DMW office, and said he saw “badges of fraud” in the case, so he was forwarding it to the NBI for the filing of charges.

He said the cases could be for large-scale estafa and illegal recruitment while human trafficking could be considered for the victims who are abroad. 

In Hong Kong, the case arose after Mabatid, Gamallo and two female staff came on February 19 this year, and held two half-day seminars during which they enticed about a thousand overseas Filipino workers to move to Canada for a “work and study program” they could join using a student visa.

The seminars which were captured on video by many of the participants, were promoted extensively in Hong Kong by OFW blogger Bryan Calagui, who also opened the events and introduced Mabatid as the CEO of PCVC-Opportunities Abroad.

To entice the OFWs, Mabatid promised a three-month processing time, and an interest-free loan of P1million to each applicant to be used as “show money” or proof of financial capacity before Canadian authorities.

But after they paid the full fee of $18,731 (about P132,000) the complainant said they received little support from the company’s staff with their application and were given the run-around even after submitting all of the documents they were asked to supply.

When they tried to ask for a refund, all were told the fee was non-refundable under an agreement they were made to sign after they had paid the fee, and the contents of which were not explained to them.

After they filed complaints with the Hong Kong Police and the DMW had taken over their case, a number of the applicants were sent letters warning them that they could be sued and made to pay a penalty of P500,000 in line with the no-refund agreement that they signed.

Migrante's Concepcion tells Tulfo the complainants in Cebu did not receive the NBI summons

But in the wake of Tulfo’s all-out campaign to stop their operation, the Hong Kong applicants all received emails from Opportunities Abroad encouraging them to pursue their application for student visa. However, one applicant said it was obviously a ruse as the emails could not be responded to.

In any case, they said they had lost all trust in Mabatid and her group, especially after their appeals for a refund were brusquely set aside earlier, and when they were threatened with a lawsuit afterwards.

Meanwhile, Opportunities Abroad responded to Tulfo’s maneuvers by posting on their Facebook account visas supposedly granted by the Canadian government to a number of their recent applicants and their families.

“These are just one of the many applicants (sic) that are successful through Opportunities Abroad,” said the post. It called on its applicants to disregard “the bad publicity” and just continue working on their applications.

The post ended with a challenge to the company’s detractors to prove their charges in court and not on social media.

Mabatid posted nearly the same thing on her personal Facebook page, where she also shared two photos of her and her grandson, with the Hong Kong skyline in the backdrop. 

Separately, she posted that she was at the airport about to fly to Hong Kong, as if to show that she can move in and out of the city freely.

This did little to impress the OFWs here who are bent on pursuing the case against her as they all remember Mabatid making the same claim shortly after hot-footing it back to Cebu in June, despite a promise  to give back their money. 

A video she posted then which was supposedly taken in Hong Kong showed her and her companions all wrapped up for the cold – when it was sweltering throughout the city.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Pilipina ipinaaresto dahil hindi sinipot ang patong-patong na kaso

Posted on 10 October 2023 No comments

 

Dinidinig ang kaso sa Sha Tin Magistracy

Isang Pilipina ang ipinaaresto matapos hindi sumipot kanina sa Shatin Court sa pagdinig ng walong kaso laban sa kanya.

Inutos rin ni Acting Principal Magistrate Amy Chan na kumpiskahin ang piyansang inilagak sa pulis ni Leila W. Fonte, 55 taong gulang, at huwag payagang makapagpiyansang muli.

Ang kasama niyang kinasuhan sa dalawa sa walong kaso, si Ricardo de Austria, 53 taong gulang na kapwa Pilipino, ay nakapagpiyansa ng $1,000 at nakalaya hanggang sa susunod na pagdinig sa Nov. 22.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang dalawa ay inakusahang nagsabwatan sa pagpapagamit ng Hong Kong ID ni de Austria sa isa pang tao, si Mohammed Shah, noong July 2020, na labag sa Crimes Ordinance at sa Registration of Persons Ordinance.

Sila rin ay inakusahan ng money laundering dahil ang account ni de Austria sa Hang Seng bank at CMB Wing Lung Bank ay nagamit sa pagpasok at paglabas ng kabuuang $414,781 na galing sa krimen mula Aug. 6, 2020 hanggang Sept. 7, 2022, na labag sa Organized and Serious Crimes Ordinance..

Maliban sa dalawang kasong ito, si Fonte ay sinampahan ng anim na karagdagang kaso.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Noong 2016, nilabag umano niya ang Registration of Persons Ordinance nang ipinagamit ang sarili niyang HKID sa kapwa Pilipinang si Merlyn Ibon.

Naulit ang pagpapagamit niya sa kanyang HKID kay Ibon noong September 2021.

Sa ikatlong pagkakataon, Ipinagamit muli ni Fonte ang kanyang HKID kay Ibon noong January 2022.

Pindutin dito

Sa pagitan ng July 2018 hanggang September 2021, nakipagsabwatan si Fonte kay Ibon sa pagpasok at paglabas sa isang HSBC account ng kabuuang $596,611.4 na galing sa krimen, na labag sa Common Law at Crimes Ordinance.

Dahil sa pagpapagamit ng HKID ni Fonte kay Ibon sa pagitan ng July at August 2018, nakakuha si Ibon ng utang na $10,003 mula sa United Asia Finance, na labag sa Common Law at Crimes Ordinance.

Ang ikawalong kaso laban kay Fonte ay ang paglabag sa Immigration Ordinance nang magsinungaling siya sa Immigration officer dahil sinabi niya noong Feb. 11, 2020 habang siya ay kumukuha ng dependant visa, na siya ay nagtatrabaho sa isang restaurant kahit hindi.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Pilipinang nakitaan ng $1M sa kanyang bank account, kulong ng 8 buwan

Posted on No comments

 

Mahigit $1M ang pumasok at lumabas sa account ni Sahagun sa WeLab (bank brochure)

Sinentensyahan ng walong buwang pagkakakulong ang isang Pilipina matapos aminin ang kasong money laundering na isinampa nang makitang dumaan ang kabuuang halaga na $1,064,000 sa kanyang bank account.

Ayon sa mahistrado na nagbaba ng sentensya kay Janice L. Sahagun, bagamat pangkaraniwan na ngayon ang ganitong kaso, kailangan pa ring maglabas ng matinding babala ang korte para hindi ito pamarisan ng iba.

Si Sahagun, 41 taong gulang at dating domestic helper, ay nakapiit simula pa noong Abril nang mahuli siya dahil sa pag-overstay at paggamit ng droga. Hindi siya pinayagang magpiyansa, at nasentensyahan noong Hunyo ng pagkakakulong ng 5 buwan at 10 araw.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Dapat sana ay maari na siyang lumaya ngayon, kung hindi nakita ang malaking halaga na dumaan sa kanyang account sa WeLab Bank.

Ayon sa tagausig, dumating si Sahagun sa Hong Kong bilang domestic helper noong 2015, at nagtuloy-tuloy sa pagtatrabaho hanggang ma-terminate noong ika 16 ng Marso ng kasalukuyang taon. Hindi siya umalis bago matapos ang 14 araw na palugit sa kanyang visa, at nang mahuli ay 13 araw nang overstay.

Noong 2021 ay naengganyo daw siyang magbukas ng account sa WeLab, isang online bank, dahil sa ipinangakong gantimpala na $150. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pagkatapos niyang magbukas ng account ay tinanggal daw niya ang mobile application para sa bangko, at hindi niya ginamit ang binuksang bank account. Wala din daw siyang natanggap na bank statement.

Pero noong nakaraang taon ay nakiusap daw sa kanya ang isang kaibigan na hiramin ang kanyang bank account at pumayag siya nang hindi muna nag-iisip.

Sa loob lang ng walong araw, o mula Nov. 8 hanggang Nov 16, 2022 ay may naglabas-masok na pera sa account ni Sahagun na umabot sa kabuuang halaga na $1,064.

Pindutin dito

Sa panahong ito ay nagtatrabaho pa siya sa Hong Kong at sumasahod lang ng $4,800 kada buwan at may food allowance na $1,200.

Ayon kay Sahagun ay wala siyang alam sa perang ipinasok sa kanyang account pero nang makuha ng mga awtoridad ang kanyang mobile phone matapos siyang mahatulang makulong  noong June 23 ay nakitang naka log-in pa siya sa kanyang bank account.

Sa kanyang unang pagharap sa korte noong Aug. 3 ay $170,000 lang ang perang galing sa krimen na unang nakita sa kanyang account, pero sa ginawang patuloy na pagsisiyasat ay nakitang di hamak na mas malaking halaga ang pumasok dito.

Nakiusap ang abugado ni Sahagun na gawing mas mababa sa 12 buwan ang pamantayan ng pag sentensya sa akusado. Nagbanggit ito ng isang kaso kung saan ang isang akusado na nakitang ginalaw ang malaking pera na dumaan sa account niya, na galing pa sa krimen na ginawa sa ibang bansa, ay 12 buwan lang ang ginamit na pamantayan.

Sa kaso daw ni Sahagun ay walang nakitang ebidensya na may naging parte sya sa malaking halaga na pinadaan sa account niya, at wala ding palatandaan na ang krimeng pinanggalingan ng pera ay naganap sa ibang bansa.

Hindi naman ito pinansin ni Magistrate Leung Siu-ling na nagsabing dapat lang na mag-umpisa sa 12 buwan ang pag sentensya kay Sahagun dahil sa laki ng halagang sangkot sa kaso laban sa kanya. Binigyang pansin din niya na ang mahigit $1 million ay pinadaan sa kanyang account sa pamamagitan ng 5 pag deposito sa loob lang ng 8 araw.

Binigyan niya ng 1/3 na discount sa sentensya si Sahagun dahil sa kanyang pag-amin at malinis na record kaya 8 buwan pa rin siyang mananatili sa kulungan.

Ang paggamit o paghawak ng perang galing sa krimen o money laundering ay isang paglabag sa sections 25(i) at 25 (3) ng Organized and Serious Crimes Ordinance, Cap 455, na nagtatakda ng  karampatang parusa na aabot sa 14 taon na pagkakakulong, at $5 million na multa.

 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss