Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

4 na linggong kulong dahil sa paulit-ulit na pagnanakaw

Posted on 18 October 2023 No comments

 



Apat na linggong kulong ang naging sentensya sa isang Pilipino matapos niyang aminin sa Eastern Court ang pagtangay ng mga pagkain mula sa isang tindahan sa North Point na may kabuuang halagang $350.

Nakita kasi sa kanyang record na bago ang kasong ito ay limang beses na siyang nahuli na nangungupit ng paninda. 

Pindutin para sa detalye

Kinasuhan si RJ Raqueno, 34 taong gulang, dahil sa pagnanakaw ng tatlong pakete ng kending tsokolate, tatlong pakete ng biskwit na may palamang cream chocolate, at isang pakete ng Ferrero Rocher chocolate mula sa Dai Sang Groceries sa Metropole Building sa King's Road noong Sept. 21.

Nakita sya ng isang tauhan ng tindahan na nagsilid ng mga produkto sa kanyang knapsack bago umalis, kaya tumawag ito ng pulis.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nang buksan ng pulis ang bag, nakita sa loob ang mga produkto at walang maipakitang resibo si Raqueno bilang patunay na binili niya ang mga ito. Nalaman din ng pulis na may $2.20 siya sa bulsa.

Sa kabila ng hiling ng abogado ni Requeno na huwag siyang ikulong dahil sa liit ng halaga ng ninakaw at naibalik naman ang mga produkto sa may-ari, binigyan pa rin siya ni Magistrate Stephanie Tsui ng karaniwang parusang anim na buwan, na binawasan ng 1/3 dahil sa kanyang pag-amin.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang dahilan ni Magistrate Tsui sa hindi pagtugon sa hiling ay ikaanim na ito sa mga kasong naparusahan siya, na ang pinakahuli ay shoplifting din noong 2022 kung saan nakulong din siya ng apat na linggo.

Dahil nakakulong na siya simula pa nang maaresto noong Sept. 27, makakalabas na si Raqueno bago matapos ang buwang ito.

Pindutin dito

Ayon sa abogado niya, napilitang magnakaw si Requeno dahil sa matinding pangangailangan. Hindi pa daw kasi siya pwedeng magtrabaho habang nilalakad ang kanyang dependent’s visa matapos siyang kunin sa Pilipinas ng kanyang mga magulang na parehong residente.

Naiwan niya sa Pilipinas ang asawa at tatlong anak na kailangan niyang suportahan, dagdag nito.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Pilipino, abswelto sa kasong pagbabanta sa buhay ng kapitbahay na Indian

Posted on No comments
Si Ledesma at ang kanyang partner sa labas ng korte matapos siyang maabswelto

Nakahinga nang maluwag kanina si Rolando Ledesma, 54 taong gulang at dating musikero, matapos siyang mapawalang-sala sa Eastern Court, tatlong buwan mula nang ipahuli ng kapitbahay niyang Indian dahil diumano sa pagbabanta sa kanyang buhay.

Hindi na nag-aksaya ng panahon ang abugado ni Ledesma na sagutin ang inilatag na ebidensya ng tagausig dahil lumitaw sa isinagawang pagtatanong ng magkabilang panig sa nagreklamong si Singh Santokh na panay kasinungalingan ang sinasabi nito.

Pati ang anak na dalaga ni Singh na tumestigo din ay hindi naging malinaw ang pagsasabi kung talaga bang sinabihan ni Ledesma ang kanyang ama ng, “I will kill you” na aniya ay nakunan pa niya ng video.

Pindutin para sa detalye

Dahil sa paulit-ulit at paligoy-ligoy na pananalita ni Singh na nasa mga edad 70 ay nasigawan pa ito ni Magistrate Jeffrey Sze ng tatlong beses para lang ito patigilin.

Halatang halata ang pagpipigil ng mahistrado, pero noong bandang huli ay nagalit na nang husto at sumigaw ng napakalakas na “Stop” nang kabog-kabugin ni Singh ang mesa habang sinasagot ang mga tanong ng abugado ni Ledesma.

Pagkatapos ng ilang oras na pagdinig ay hiniling ng panig ni Ledesma na ideklara ng korte na wala siyang dapat isagot sa mga paratang sa kanya dahil halatang nagsisinungaling ang mag-ama nang tumestigo sila.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon pa sa abugado matagal nang may hidwaan ang pamilya nina Ledesma at ni Singh, at dahil dito ay ilang beses nang tumawag ng pulis ang Indian dahil sa bintang na ninanakawan siya ng Pilipino, pero hindi siya pinapansin.

Lumitaw pa sa pagtatanong sa anak ni Singh na laging kinukunan ng Indian ang pamilya ni Ledesma tuwing lalabas sila ng kanilang kuwarto, bago sumakay sa lift.

Nang tanungin ang dalaga tungkol dito, sinabi niya na ginagawa ito ng kanyang ama para mangalap ng ebidensya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa kanyang hatol, sinabi ng mahistrado na walang obligasyon si Ledesma na depensahan ang sarili, at ang tagausig ang dapat magpatunay na malinaw at walang kaduda-duda na may ginawa itong krimen.

Dagdag ng hukom, malinaw na nagsisinungaling si Singh sa korte. Halimbawa, sinabi niya sa kanyang sinumpaang salaysay sa pulisya na dalawang beses siyang sinabihan ni Ledesma ng “I will kill you” pero nang tanungin siya sa korte ay sinabi niyang isang beses lang siya nasabihan nito.

Pindutin dito

Sinabi din ni Singh na nangyari ang pagbabanta ni Ledesma pagkatapos niya itong sundan sa lift pagkalabas ng kanilang tirahan, pero malinaw sa video na kinunan mismo ng kanyang anak na nasa tabi na siya ng lift nang pumasok ang Pilipino dito.

Pati ang anak ni Singh ay napatunayang nagsisinungaling din, sabi ni Sze. Lumitaw kasi na hindi nito talaga naintindihan ang sinabi ni Ledesma nang makapasok ito sa lift, kaya niya ito tinanong ng “Sorry?”

Malinaw din, ayon sa hukom, na ang pagsasabi nito na may ginawang pagbabanta ang akusado ay nabuo lang sa isip niya matapos panoorin nang paulit-ulit ang kinuha niyang video.

Ayon sa hukom, siya mismo ay ilang beses pinanood at pinakinggan ang video pero wala siyang narinig na sinabi ni Ledesma ang “I will kill you.”

Dahil dito ay kailangang mapawalang sala si Ledesma, sabi ni Sze.

Nangyari ang insidente noong ika-2 ng Hulyo nang kasalukuyang taon sa hinati-hating flat sa Cheung Yuen Street sa North Point kung saan nakatira ang dalawang pamilya.

Nagkaroon sila ng pagtatalo ayon kay Singh matapos buksan ni Ledesma ang pintuan sa kanilang kuwarto, at pagsabihan niya ito na isara ang pinto.

Nang tanungin siya sa korte kung bakit niya ito pilit pinapasara ay dahil daw may mabahong amoy na nagmumula sa kuwarto kung saan nakatira si Ledesma, ang kanyang partner at dalagang anak.

Hindi rin itinanggi ni Singh na mahigit 20 beses na niyang tinangkang ipahuli si Ledesma sa pulis dahil diumano sa pagnanakaw sa kanya. Ipinagpilitan niya na may ebidensya sya na magpapatunay sa bintang, kahit hindi siya pinaniwalaan ng mga pulis.

Pinagmalaki pa ng matandang Indian na sa loob ng pitong taon niyang paninirahan sa Hong Kong ay hindi siya nakasuhan ni minsan.

Ayon naman kay Ledesma at kanyang partner ay pinagpapasensyahan na lang nila ang kapitbahay dahil ayaw nila ng gulo. Pilit din nila itong inuunawa.

Sabi pa ni Ledesma, “Ayaw niya yata yung amoy ng baboy na kinakain namin.”

Pero sa loob ng pitong buwan na paninirahan nila sa flat katabi si Singh ay hindi na natahimik ang kanilang buhay. Bukod sa palaging pagsusumbong nito sa pulis laban sa kanila, lagi din nitong binabantayan ang paglabas-masok nila sa kanilang sariling bahay.

Gusto na rin daw itong paalisin ng may-ari ng flat dahil maingay at mahilig mang-away, pero hindi nila magawa.

“Pero siguro para matahimik kami ay kami na lang ang aalis,” sabi ni Ledesma.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

 

12-year-old Filipina dies after falling from building's rooftop

Posted on No comments

 

The girl reportedly fell from the rooftop of this building in Kwun Tong (Google photo)

Hong Kong Police have confirmed that a 12-year-old Filipina girl who was reported to have died in Kwun Tong yesterday, Oct. 17, had fallen from the rooftop of a building. 

The girl was found face down outside number 47 Ka Lok Street in Kwun Tong by the building’s security guard who immediately contacted the police.

Pindutin para sa detalye

Rescuers rushed the unconscious girl to United Christian hospital where she was confirmed dead.

“After a preliminary investigation, personnel believe the subject fell from the rooftop of the site,” said a police statement.

PINDUTIN PARA SA DETALY

Police said no suicide note was found at the scene and that her cause of death will be determined after an autopsy.

However, some reports suggested academic pressure may have caused distress to the girl, leading her to take her own life

PINDUTIN PARA SA DETALYE

A few hours later, a 13-year-old local boy studying at Pui Ching Middle School in Ho Man Tin was also found to died after falling from a height within the school premises.

Faculty members immediately reported the incident and paramedics who responded rushed the unconscious student to hospital.

Pindutin dito

Despite efforts to revive him, the student who sustained severe injuries from the fall, was pronounced dead at 2.25 pm.

School officials are now looking into the case to better understand events that led to the tragedy.

If you have suicidal tendencies or depression, please call the 24-hour multi-lingual hotline at The Samaritans Hong Kong : 28960000.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

DH na nagnakaw ng pera sa amo, iwas-kulong

Posted on 17 October 2023 No comments

 


Nakaiwas sa kulong ang isang Pilipinang umamin sa pagnanakaw ng $3,000 cash sa kanyang amo, nang bigyan siya kanina ng sentensiyang apat na buwan sa kulungan, pero suspendido nang dalawang taon.

Gulat na lumabas sa korte si A. Torres, 32 taong gulang, at naintindihan lang niya ang nangyari nang payuhan siya ng guwardiya na bumaba sa cashier ng Fan Ling Court upang bawiin ang $300 na inilagak niya bilang piyansa.

Dahil pauwi na siya sa Pilipinas bukas, hindi na rin niya problema ang ipinataw na kundisyon ni Acting Principal Magistrate Cheng Lim-chi na huwag siyang lalabag sa batas ulit sa susunod na 24 buwan kundi ay makukulong siya. 

Pindutin para sa detalye

Kinasuhan si Torres ng pagnanakaw ng anim na pirasong $500 sa amo niyang taga- Lok Ma Chau sa New Territories noong Aug. 26.

Nang mapansin ng amo na nawawala ang pera sa kanyang wallet at nagtanong, agad umamin si Torres na siya ang kumuha at ibinalik ang pera.

Pero tumawag pa rin ng pulis ang amo at inaresto siya, bago kinasuhan ng paglabag sa Theft Ordinance.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sa pagdinig kanina, humingi ng pag-unawa ang abogado ni Torres kay Magistrate Cheng.

Ayon sa abugado, pinagsisisihan ni Torres ang kanyang ginawa, na malaki ang nawala sa kanya dahil naputol ang kita niyang $4,300 kada buwan mula nang makasuhan siya, at natigil ang kanyang pagpapadala ng pera sa kanyang mga magulang at isang kapatid sa Pilipinas, na umaasa sa kanya.

Mula nang dumating siya sa Hong Kong noong 2015 para magtrabaho bilang domestic helper, dagdag ng abogado, ngayon lang siya nagkaproblema sa batas at ito ay dahil na-stroke ang kanyang ina at nangailangan ng malaking halaga upang maipagamot.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero sabi ni Magistrate Cheng kay Torres hindi lang nito nilabag ang batas, kundi binalewala din ang  tiwala ng kanyang amo. Dagdag niya, ang mga ganitong kaso ay karaniwang pinaparusahan ng pagkakakulong ng anim na buwan,pero dahil sa kanyang pag-amin ay mababawasan ito ng dalawang buwan.

Gayunpaman, nanaig pa rin ang awa sa mahistrado.

 “Malinaw na nagawa mo ito para sa iyong ina,” paliwanag  niya sa wikang Inggles. “Nawalan ka ng trabaho, at mapipilitan kang umuwi dahil ikaw ay hindi na makakakita ng bagong amo, kaya wala nang panganib na muli kang magkakasala.”

Dahil dito ay idinagdag niya na suspendido ang sentensiya nang dalawang taon.

Pindutin dito

Sa gulat ay hindi agad umalis sa kinatatayuan si Torres, hanggang pinalabas siya ng guwardiya. Saka lang niyang naintindihan ang desisyon ng Magistrate nang ipinaliwanag ito sa kanya sa wikang Ilokano ng kanyang Pilipinong interpreter. .

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

17 Philippine companies to take part in Mega Show HK

Posted on No comments

 

Products shown here are made by some of  the companies taking part in Mega Show HK

Filipinos’ exceptional craftsmanship will be  on display at the upcoming Mega Show 2023 in Hong Kong, considered as the largest sourcing  trade show in the city.

Seventeen companies who are part of  HAPI –the Home Accents Group of the Philippines, Inc. – will participate in the exhibit, and will showcase different houseware products that were made in the country using indigenous materials. These products include toys, Christmas and home decors as well as gift items.

Pindutin para sa detalye

PINDUTIN PARA SA DETALY

The Mega Show 2023 will be held from Oct 20 (Friday) to Oct 23 (Monday) at Hall 1B and 3B of the Hong Kong Convention and Exhibition Centre in Wan Chai.

The Filipino companies’ participation in the trade exhibit is made possible by the Philippine Trade and Investment Center – Hong Kong (PTIC-HK) led by Trade Attache Roberto Mabalot, Jr.

Flyer for the trade show with names of participating Philippine companies

PTIC HK is also behind the idea to make Philippine food products readily available in Hong Kong through an agreement with two of the city’s retail giants, Wellcome and Market Place.

On the next Sunday, Oct. 29, PTIC HK will also resume its entrepreneurship seminar for overseas Filipino workers who are planning to set up businesses in the Philippines. They will be given basic investment tips, business ideas and a how-to guide on registering their company.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pindutin dito

But for now, Mabalot is inviting all Filipinos living in Hong Kong as well as buyers from the city, Mainland China and other overseas markets to visit the Philippine booths at the Mega Show 2023 and lend support to the country’s artisans.

For more information, contact the PTIC-HK at hongkong@dti.gov.ph. You may also follow the official Facebook page of the PTIC-HK at DTI Hong Kong.    

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Guhit Kulay artists hold free sketching workshop at Consulate

Posted on 16 October 2023 No comments

 

Work by Rochelle Dulay, who is one of 2 Guhit Kulay artists conducting the workshop

Two Filipina domestic workers in Hong Kong who are both acclaimed artists, will provide a free lesson on basic sketching this coming Sunday, Oct. 22, 9:30am to 12noon, at the Sentro Rizal at the Philippine Consulate.

Rochelle Dulay and Jonalyn Molina, both members of the all-migrant workers group, Guhit Kulay, will lead the sketching workshop which is organized by the Consulate in celebration of Museums and Galleries Month 2023.

Pindutin para sa detalye

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Dulay, who works as a family driver and does taekwondo on the side, describes herself as a self-taught artist and a proud overseas Filipino worker. She comes from a family of artists in the Philippines.

Molina whose art works were recently featured in a local publication, found her artistic bent while she was still in high school in Laguna, when she joined non-formal lessons in art. She has been working as a migrant worker in Hong Kong for seven years.

Jonalyn Molina with some of her works

Busy as they are with their domestic duties, both women still find time to dabble in various art forms and join exhibitions co-organized by Guhit Kulay International, a Filipino migrant artist collective set up in 2017 by Cristina Cayat, who excels in designing and sewing native Cordillera outfits.

The group’s immediate past president, Noemi Manguera, has migrated to Canada, where her artworks are often featured in exhibits and are highy prized.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pindutin dito

One of Guhit Kulay’s latest projects is a short documentary shot in collaboration with foreign filmmakers. It continues to be shown in venues abroad, with the latest being Fabrica Brighton in the United Kingdom only last October 5.

Those who want to learn the basic techniques of sketching and expressing themselves through art may register by scanning the QR code in the poster, or visit: ๐ก๐ญ๐ญ๐ฉ๐ฌ://๐›๐ข๐ญ.๐ฅ๐ฒ/๐œ๐ฎ๐€๐‘๐“๐จ๐’๐ž๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง๐Ÿ.

The sketching workshop will be held at the Consulate this Sunday

Please note that only a few slots are available and participants will be accommodated on a first-come first-served basis.

For more information, you may contact the Consulate’s Cultural Section at 2823-8535 or email cultural.pcg@gmail.com Thank you.

Basahin ang detalye

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!
Don't Miss