Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Showing posts sorted by date for query bagong bayani. Sort by relevance Show all posts
Showing posts sorted by date for query bagong bayani. Sort by relevance Show all posts

Puspusang kampanya para ibasura ang OEC, sinusulong sa HK

Posted on 30 January 2023 No comments

  

Maaring pumirma sa petisyon para sa pagtatanggal ng OEC dito sa Chater Road

“Isang bangungot, dagdag-gastos at perwisyo…”

 

Ilan lamang ito sa mga salitang ikinakabit ng mga militanteng migrante sa Hong Kong na kasalukuyan ngayong isunusulong ang pandaigdigang kampanya para tanggalin ang overseas employment certificate o OEC.

 

Tuwing Linggo at piyesta opisyal ay lumilibot ang mga miyembro ng iba-ibang organisasyon na kasapi sa United Filipinos in Hong Kong (Unifil-Migrante) para mangalap ng pirma tanda ng suporta para sa panawagan kontra sa OEC.


 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Kabilang sa kanila ang Gabriela Chater Road, Association of Concerned Filipinos, Filipino Migrant  Workers Union, Filipino Migrants Association at marami pang iba.

 

Ayon sa isang lider ng samahan ay nakakakalap na sila ng 2,500 lagda simula nang umpisahan ang kampanya laban sa OEC.

 

Bukod dito ay may 1,225 pang pumirma sa isang online petition na matatagpuan dito: (https://www.change.org/p/ibasura-ang-pahirap-na-overseas-employment-certificate/f)


 

Pindutin para sa detalye

Sa kanilang istasyon sa Chater Road, Central ay nagtalumpati ang isang kasapi ng grupo noong Linggo, Jan 29, at ipinaliwanag kung bakit dapat nang wakasan ang pag-oobliga sa lahat ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na kumuha ng OEC bago umalis ng bansa.

 

Ayon sa kanya, ang OEC ay “naging kapitan ng ibang mandatory fees.” Ibig sabihin, hindi inaalis ng gobyerno ang OEC dahil balak nilang kabitan ito ng mga iba pang singilin, katulad ng para sa PagIBIG, na kasalukuyan nang ipinatutupad.

 

Inaala din ng nagtalumpati ang pangako ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na tatanggalin niya ang OEC sa loob ng tatlong buwan- bagay na hindi niya nagawa.


 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nanawagan siya ng sama-samang pagkilos laban sa OEC dahil malaki daw ang maitutulong nito para mas madaling makamit ang kanilang hiling.

 

Isang halimbawa aniya ang pagpayag ng Konsulado na buksan ang pintuan nito bago mag Pasko sa lahat ng mga may problema sa OEC, hindi katulad dati na hindi sila inaasikaso kung wala silang appointment.

 

Narito ang paliwanag ng Unifil-Migrante kung bakit nananawagan sila na tanggalin na ang OEC:


 

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

“Sa matagal na panahon ang OEC ay isang bangungot sa ating OFWs. Sa tuwing uuwi tayo para magbakasyon ay pwersado tayong kumuha ng OEC, dahil kung wala tayo nito hindi tayo makakabalik sa ating trabaho. Hindi palalabasin ng bansa ang mga OFW na walang maipakitang OEC sa airport.


'Bangungot' sa Disyembre, nang dumagsa ang nangailangan ng OEC 

“Bakit HINDI kailangan ng mga OFW ang OEC?

1) Dagdag gastos at perwisyo lamang ang dulot ng OEC, digital man o manual ang pagkuha. Nauubos ang day-off sa mahabang pila at hindi makaalis sa pila para kumain at makapunta sa CR.

2.  Mayroon na tayong working visa at employment contract na validated ng POEA at verified ng POLO.  Sapat na ito bilang patunay na tayo ay lehitimong OFW sa bansang ating pinagtatrabahuhan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

3.  Ginagamit ang OEC para ikabit ang iba pang mandatory na bayarin gaya ng OFW compulsory insurance at Pag-IBIG. Maaari din itong ikabit kahit sa PhilHealth at SSS. Ang mga OFW sa Macau at mga nasa Pilipinas ay puwersadong bumili muna ng insurance bago mabigyan ng OEC.

4.     Ito ay pangongotong ng Gobyerno sa OFWs na tinaguriang bagong bayani. Gatasang baka ang turing ng gobyerno sa atin, at sa halip na maglingkod, pinagkakakitaan tayo.

5.   Balon ito ng korupsyon. Saan napupunta ang sinisingil na P100 pesos ($20 sa Hong Kong) sa bawat OFW na lumalabas ng bansa gayung hindi naman napupunta sa serbisyo sa ating kagalingan? 

Pumirma, suportahan, at palaganapin ang ating petisyon!

Ibasura ang pahirap na Overseas Employment Certificate!”    

 

Lider ng Unifil, napaiyak habang nananawagan na ibasura ang OEC

Posted on 28 November 2022 No comments

Ng The SUN

 

Gumaralgal ang boses ni Balladares nang manawagan na ibasura na ang OEC

Hindi napigilang mapaiyak sa sama ng loob  ang matapang na pinuno ng United Filipinos (o Unifil-Migrante) in Hong Kong na si Dolores Balladares-Pelaez habang nananawagan sa isang protesta nitong Linggo na ibasura na ang overseas employment certificate o OEC dahil sa pahirapang pagkuha nito.

“Hindi ba tayo naiintindihan ng gobyerno? Hindi ba nila naiintindihan ang hirap? Ang tagal na nating hindi nakakauwi, tapos OEC lang, pinagdadamot sa atin,” ang mangiyak-ngiyak na sabi ni Balladares-Pelaez sa kanyang talumpati sa labas ng Konsulado.

“Nakakagalit po, Nakakagalit kasi OFW kang bayani, ang dami mong tinutulong sa bansa, tapos OEC lang pinagkakait pa?,” dagdag niya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nanawagan ang lider ng Unifil na magsagawa ng protesta ang mga migranteng manggagawa sa Hong Kong tuwing Linggo para mas marinig ang kanilang mariing pagtutol sa patuloy na paghingi ng OEC sa lahat ng mga OFW o overseas Filipino workers na umaalis ng bansa.

Ayon sa mga nagpo protesta, hindi naman kailangan ang OEC para patunayan na may trabahong pupuntahan sa ibang bansa ang isang Pilipinong paalis. May employment visa naman sila at kontrata na dumaan sa POLO, bakit kailangan pa ang dagdag na dokumento na ito?

Lalong tumindi ang kanilang pag-aalsa dahil mas lalong naging mahirap ang pagkuha ng OEC nang biglang dumagsa ang bilang ng mga pauwing OFW ngayong malapit na ang Kapaskuhan, at wala nang hotel quarantine na kailangan pagbalik dito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Kahit online dapat ang pagkuha nito ay hindi nasusunod dahil sa maraming problemang lumalabas sa tuwing susubukan ng migrante na makapasok sa bagong website ng OEC sa ilalim ng Department of Migrant Workers.

May mga lumibot din sa Central para ipanawagan ang pagtanggal sa OEC

Nariyan yung hindi nila mailipat sa bagong website ang kanilang dating record na nasa lumang sistema ng Balik Manggagawa Online. Mayroon ding sinasabihan na may “multiple registration” sila at dapat na sa mga sangay ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa Pilipinas nila ito ipaayos.

Kapag sinubukan naman nilang kumuha ng appointment sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) ay inaabot sila ng hindi kukulangin sa tatlong araw para dito. Marami tuloy ang napipilitan na gugulin ang kanilang kakaunting araw na bakasyon sa Pilipinas para lang makakuha ng OEC dahil hindi sila makakabalik sa Hong Kong kung wala sila nito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa mga nag protesta, bakit daw hindi tumutulong ang POLO para ayusin ang anumang problema sa kanilang record dito sa Hong Kong mismo para hindi na sila maabala pa sa kanilang pagbabakasyon?

Bakit noong panahon ng dating Labor Attache Jalilo dela Torre ay nagagawan ng paraan na makuha nila ang OEC dito sa Hong Kong, gaano man ang hirap nilang makarehistro online?

Sabi ni Balladares-Pelaez, grabe ang ginagawang pahirap ng POLO sa mga migrante dito ngayon. Kung dati-rati ay may pinapatuloy silang mga volunteer sa kanilang opisina para gabayan ang mga kumukuha ng OEC, ngayon ay pinagbawal na nila ito.

Press for details

Ayaw din daw nilang tulungan ang mga walang appointment kahit biglaan ang kanilang pag-alis at sandal lang maglalagi sa Pilipinas.

“Akala ko ba mahal ng pangulo ang mga OFW?,” tanong niya. “Day-off natin nagagamit natin para dito, pinagpeperahan pa tayo. Tapos pag nag protesta tayo, terorista (agad), reklamador?”

Inireklamo din ng mga nagsalita sa protesta ang diumano’y paniningil sa kanila ng ilang mapagsamantalang negosyante sa mismong gusali kung saan nandoon ang POLO at Konsulado.

BASAHIN ANG DETALYE

Sinisingil daw sila ng hindi kukulangin sa $40 para lang makakuha ng appointment sa POLO para sa OEC. Hindi raw ito mangyayari kung ginagawa ng mga taga POLO ang trabaho nila na pagsilbihan ang mga OFW dito.

Ayon naman kay Lia Quirante ng Tigil Na Movement, ,may mga tauhan pa sa POLO ang nangungutya sa hirap magpalista online para sa OEC na bakit hindi nila ito magawa samantalang lagi silang nasa Facebook o nag ti Tiktok.

Hanggang hindi naibabasura ang OEC ay dapat daw ibalik ng POLO ang dating “assistance desk” sa kanilang opisina para tulungan ang mga may problema sa pagkuha nito. Dapat din daw tanggalin ang patakaran na kailangan munang mag miyembro sa Pag-IBIG Fund bago makakuha ng OEC.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Pagbabayad sa PhilHealth, hindi raw sapilitan sa mga OFW

Posted on 01 August 2022 No comments

Ni Daisy CL Mandap

 

'Pinagkakakitaan!" Ito ang sagot ng mga OFW sa tanong na ito ni Alann Mas

Hindi kailan man ikinabit sa OEC (overseas employment certificate) ang pagbabayad para sa PhilHealth kaya hindi ito sapilitan sa mga overseas Filipino workers.

Ito ang sinabi ni Ringo Danao, senior social insurance officer ng PhilHealth o Philippine Health Insurance Corporation, sa isang pakikipag-usap sa mga lider ng migranteng Pilipino sa Hong Kong na ginanap nitong Linggo sa Wesleyan building sa Wan Chai.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Isinagawa ang pulong sa pagitan ng mga kinatawan ng mga opisyal at ahensya ng gobyerno at mga lider ng komunidad sa pakikipag-ugnayan ng Rise Against Government Exactions o Rage, na itinatag ng ilang grupo ng mga OFW matapos ipasa ang Universal Health Care (UHC) Law noong Pebrero ng 2019.

Bukod kay Danao, dumalo din sa online na pagtitipon ang manager ng OFW Operations Centre Department ng Pag-IBIG Fund na si Rosette Ignacio, Consul Paulo Saret ng Konsulado at Assistant Labor Attache Angelica Sunga.

Ayon kay Danao, hindi isinama ang pagbabayad para sa PhilHealth sa listahan ng mga singilan na ikinabit sa OEC noong Agosto ng taong 2015.

“Hindi requirement ang pagbabayad sa PhilHealth sa pagkuha ng OEC,” sabi ni Danao.

Humingi din siya ng pag-unawa sa mga OFW lider na mariing tinututulan ang puwersahang paniningil para sa PhilHealth. Ayon sa kanya, ipinapatupad lang nila ang mga panuntunan na nakasaad sa UHC law na pinirmahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

PRESS FOR DETAILS

Sa ilalim ng batas na ito ay umaabot na sa 4% ng buwanang suweldo ng isang OFW ang dapat nilang ibayad para sa PhilHealth. Ibig sabihin, ang dapat bayaran ng isang OFW sa Hong Kong na kumikita ng pinakamababang sahod na $4,630 ay mahigit Php15,500 sa isang taon, o Php31,000 sa bawat dalawang taon na kontrata.

Ayon sa kinatawan ng mga OFW, kung pagsasamahin ang lahat ng mga pwersahang singilin sa mga OFW kasama ang para sa PhilHealth ay aabot ito sa mahigit Php40,000 bawat taon.

“Kaunti na lang ay pwede nang bumili ng tricycle,” sabi ni Eman Villanueva ng Bayan Hong Kong and Macau na isa sa mga nagsalita. Pero kahit sa mga OFW-driver na higit na malaki ang sinasahod ay mahihirapan daw maglabas ng ganito kalaking halaga taon-taon.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon kay Danao, ipinaabot na daw nila kay Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople ang kanilang posisyon tungkol sa usaping ito, dahil una nang isinapubliko ng kalihim ang kanyang pagkabahala sa malaking halaga na sinisingil sa mga OFW para dito.

Naging palaisipan naman ito sa mga lider ng RAGE na pinangungunahan nina Dolores Balladares-Pelaez at Alann Mas, dahil naging malaking balita noong 2020 ang pagpatigil ni Duterte sa paniningil para sa PhilHealth nang umalma ang maraming OFW sa iba-ibang parte ng mundo.

Pinakita ni Mas ang sisingilin para sa PhilHealth sa isang OFW na kumikita ng minimum sa HK

Pero kung nakaluwag sa isipan nila ng bahagya ang sinabi ng taga PhilHealth ay kabaligtaran naman ang epekto ng pahayag ni Ignacio ng Pag-IBIG.

Kinumpirma ni Ignacio na simula ngayong Lunes, Aug 1, ay ipapatupad na ang pagkakabit sa ng Pag-IBIG sa OEC. Ibig sabihin, lahat ng kukuha ng OEC ay dapat nang ilagay ang kanilang Pag-IBIG membership number sa online form na kailangan nilang sagutin, bago sila makakuha ng exemption at makaalis ng bansa.

Press for details

Dagdag niya, para daw ito masiguro na ang bawat perang binabayad ng isang OFW para sa Pag-IBIG ay naipapasok sa kanilang account. Kahit magpalipat-lipat daw sila ng bansang pagtatrabahuan ay sa iisang account lang papasok ang kanilang bayad.

Nagbigay din si Ignacio ng datos na nagpapakita na mula sa Php100 kada buwan na binayad ng mga OFW ay libo-libo na ang nakinabang sa pamamagitan ng housing loan at iba pang benepisyo.

Nilinaw naman ni Balladares-Pelaez na hindi nila tinututulan ang pagbabayad para sa Pag-IBIG ng mga OFW dahil marami din naman ang naniniwala na malaki ang naitutulong nito para sila kumita o magkabahay.

Tunghayan ang isa na namang kwentong Dream Love

Ang ayaw lang daw nila ay ang gawin itong sapilitan dahil higit na nakakarami ang mga OFW na gipit sa pera o walang balak mangutang para sa pagpapatayo ng bahay.

Ang iba pang nakalinyang bayarin na mahigpit na tinututulan ng mga OFW sa pangunguna ng RAGE ay ang para sa expanded mandatory insurance na kasalukuyan nang ipinatutupad, at sa SSS o Social Security System na ayon kay Mas, ay di hamak na malaki ang idudulot na kawalan sa mga OFW.

Nanawagan sila na ibasura na lang ang OEC para hindi na daw ito gamitin ng iba-ibang ahensya na gustong makasingil nang sapilitan sa mga OFW.

“Bagong Bayani ba tayo o Gatasang Baka?” sabi ni Mas sa paninimula ng kanyang pagbabahagi sa pulong. Ang nagkakaisang tugon ng mga OFW sa pulong, ""Gatasang Baka."

SA SUSUNOD: Ang singilan para sa expanded mandatory insurance at sa SSS

CALL US!
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!


Trekkers hold beach cleanup to raise funds for cancer patient

Posted on 01 October 2021 No comments

By Vir B. Lumicao 

The Trekkers picked up this much trash in their beach cleanup charity drive

A group of Filipino domestic workers who combine hiking with charity work scheduled a beach cleanup in Sai Kung for Sept 19, hoping to raise funds for a cancer patient in Manila.

But barely a week before the cleanup, the intended beneficiary, Marc Arquisola Palapaz, 38, passed away at the Jose Reyes Memorial Medical Centre due to Stage 3 sarcoma in his right leg.

Call now!

Palapaz’ death did not deter the Bagong Bayani (The Trekkers) group from their plan to help, though. They decided to push through with the project as scheduled, but this time, the funds to be raised would be sent to the family of the deceased.

Trekkers is a group founded nearly two years ago by Ligaya Francisco to hold charity hikes and trail or beach cleanups regularly to raise funds for members of the group whose families back home may have urgent need for financial help.

PRESS FOR DETAILS 

Francisco has said in a previous interview the priority is her fellow OFWs who have been excluded from any government dole-outs even if they, too, need help.

She said the group reaches out to any OFW, even a non-member, who is in dire need, especially those with a sick family member. In this particular case, Palapaz was a nephew of a group member.

Pindutin para sa detalye

On Sept 19, a handful of Trekkers numbering 13 led by Ligaya Lorilla, the “Ate” or big sister of the group, met up in Tseung Kwan O and headed all together to Clear Water Bay Beach 2.

The group targeted Clearwater Bay beach 2 for the 2-hour cleanup

The beach cleanup began at 11am and lasted until 1pm. The Trekkers were joined by a local Chinese resident who said it was her first time to participate in such a cleanup and found it fun.  

At the end of the two-hour endeavor, the group collected 11 plastic rubbish bags of litter from the right flank of the beach. At the same time, the group was able to collect donations totaling the equivalent of Php12,400.

PRESS FOR DETAILS!

The fundraising was triggered by an appeal from a niece of Trekkers member Mary Ann Rebucan Bautista for a charity cleanup to help Palapaz. The cancer-stricken patient at the time also suffered from pneumonia.

Bautista consulted Lorilla and the group, who agreed to the proposed cleanup for the cancer patient, who had a wife and two young children.

Palapaz passed on before the group could hold its fundraising for him

“Naawa sila sa sitwasyon niya kasi ang bata pa niya, 38 years old, may asawa at dalawang anak. Natigil din siya sa work kasi nagkasakit,” said Bautista. (They took pity on his [Palapaz’] situation because he was young, only 38, married and had two children.)

“Sa kasamaang palad, binawian din siya ng buhay, Sept 13, isang linggo after his surgery and before our cleanup for a cause event para sa kanya,” she added. (Unfortunately, he died on Sept 13, one week after his surgery and before our cleanup for a cause dedicated to him.)

Tunghayan ang isa na namang Kwentong Dream Love

Bautista said the Trekkers frequently carried out beach or trail cleanups to raise funds for the needy and to protect the environment.

“Ang paglilinis ng coastal areas ay malaking tulong para mapanatili nating ligtas ang ating kalikasan at kayamanang pandagat, lalo na sa mga seafoods na ating kinakain,” she said.  (Cleaning up the coastal areas is a big help in keeping nature and marine resources, especially the seafood we eat, safe.)

On Oct 3, the group will hold a more relaxing project near Discovery Bay Beach. The so-called “hammock festival” will see members tying colorful hammocks to tree trunks, in which they can take a nap or simply rest and enjoy the breeze.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

OFW artists assert unity, fortitude and hope in battle vs virus

Posted on 18 June 2021 No comments

By Vir B. Lumicao  

Consulate officials pose with the contestants in the drawing and poetry contests

Art-minded overseas Filipino workers in Hong Kong were the stars on Sunday, Jun 13, as the Consulate celebrated the 123rd Araw ng Kalayaan and 26th Migrant Workers Day indoors for the second year in a row.

Guia Mae C. Ico from the Filipino Image Society won the grand prize in the drawing contest while Gemma Lauraya, president of the National Organization of Professional Teachers Hong Kong Chapter, topped the poetry-writing contest.

Call us!

The event was described as a success, despite being constrained by safety protocols to fight the coronavirus pandemic.

The twin events were aptly themed “Bangon Manggagawa sa Kabila ng Pandemya” (Rise despite the pandemic, Worker) and featured the talent of the OFW participants in both visual and literary arts.

“We celebrate this day in recognition of the valuable contributions and sacrifices of our overseas Filipino workers,” Consul General Raly Tejada said in a speech delivered by his deputy, Germie Aguilar-Usudan.

CONTACT US!

ConGen Tejada said Migrant Workers Day is a celebrated by virtue of the enactment or RA 8042, which aims to advance the well-being of OFWs, their families, and specially distressed overseas workers.

“The PCG organized the contest “to encourage the Filipino creativity and ingenuity through sketching and expressing their ideas clearly and effectively through writing,” ConGen Tejada said.

Guia Mae Ico with her obra that won the grand prize in the drawing competition

The 21 aspiring poets and 18 artists who participated in the poetry and drawing contest adhered to the theme and expressed their views about Covid-19, the impact of the health crisis on their own and their family’s lives, as well as their hopes.

Pindutin para sa detalye

The strength of a migrant worker in the face of great challenges is evident in their work: from the bleakness and uncertainty brought about by the virus as it initially ravaged the Chinese city of Wuhan and then crept into Hong Kong and other places in early 2020, hope helped her keep her nerves as the disease hit her relatives and friends back home.

Ico, who was adjudged as the best in the drawing contest, depicted Hong Kong people from various sector joining hands to fight the virus.

Noemi Manguerra's piece that depicts the virus being trampled took second place

In second prize was Guhit Kulay’s Noemi Manguerra whose drawing shows a domestic worker joining other members of Hong Kong society in crushing the virus underfoot. Manguera was sponsored by United Migrants for Entrepreneurship and Livelihood Association (Umela).

Third-place winner Jacklyn Evangelista, a pencil portraitist also from Guhit Kulay, depicts a boatload of masked Hong Kong people on a mask-boat navigating a sea of coronaviruses.  She was sponsored by Balikatan sa Kaunlaran Hong Kong Chapter.  


On all three winning drawings, the sun shining in the sky represents hope in overcoming the crisis as society joined hands to combat the virus.

Jacklyn Evangelista's depiction of unity amid the pandemic won 3rd place

Angst caused by the pandemic as OFW mothers separated from their families by the need to build a better future for everyone is palpable in the poems, but hope, as in the drawings, was the underlying thread that kept the worker intact, body and soul, in the face of the pandemic.

Lauraya’s winning entry, “Pagbangon sa Pandemya,” expounds on the virtues of “bayanihan” (helping hands) and national unity, to help the country rise above the crisis.

Lauraya combines her adeptness in the national language with anti-pandemic slogans to come up with prosody that lends smoothness to her verses:

Bayanihan para sa ating Inang Bayan,

Buong mundo sa krisis ng pandemya ay lumalaban.

Sa panahong ito tayo ay pantay-pantay

Walang mahirap, walang mayaman

Sandigan ang Diyos, We pray as one.

Katatagan sa kabila ng takot at pangamba

Buhay at kalusugan pati kaligtasan ng pamilya

Ngayon ang bakuna ay naririto na.

Alisin ang takot, huwag mawalan ng pag-asa.

Palawakin ang kaalaman, We heal as one.

The former teacher urges the modern-day heroes to stay on the right path as they earn bread for their families and renew their hope in order to overcome this dark episode:

Itaguyod ang pamilya sa marangal na paraan.

Sa likas na talino at sipag mong taglay.


Bagong pag-asa ang tanging hiling

Anumang unos malalampasan natin.

Magandang kinabukasan paggising natin

Second placer Amelita Jr. Alba’s winning piece, “Bangon Manggagawa sa Kabila ng Pandemya,” affirms her resolve in fighting Covid-19 as she expresses her hope of reuniting with her loved ones in the near future.

Lugmok man at pag-asa ay pansamantalang naantala,

Sa pagsubok ng pandemya ako ay di madadala

Bagkus pagtitiis ko’t sapalaran ay pag-iigtingin pa

Para sa pamilyang naghihintay sa akin tuwina.

She urges her fellow OFWs to take care of themselves but remain firm and armed with prayer:

Kahinaan ay ipagwalang-bahala, katatagan ating ialsa

Alalahanin lagi ang ating mga pamilyang umaasa

Na naghihintay sa ating pagbabalik bukas makalawa.

Third-prize winner Margie Cataina Belardo’s poem “Pinoy Tayo, Matatag, Palaban” shows OFWs’ fear for the safety of their loved ones as the pandemic began to take hold across the globe.

Ano itong ganap, sa mundo ay lumaganap?

Nagdulot ng takot, takot sa pagkatao mo’y bumabalot

Pangamba at kaba para sa pamilyang sa iyo ay umaasa

Umaasa na sa isang umaga, ikaw ay makasama, mayakap, madama.

But Belardo, representing Happy Hearts Isabela Federation, advises her fellow migrant workers not to lose hope and keep pursuing their dreams:

Masdan mo ang liwanag ng araw na nagbibigay pag-asa

Pag-asa na dapat tayo’y lumalaban sa pagsubok

Pagsubok na sumusubok upang tayo ay pilit na ilugmok

Ngunit ito’y hindi dahilan para itigil ang bawat pangarap na nasimulan.

The winners received cash and prizes in kind donated by sponsors from the Filipino community.

The twin competitions were held under the auspices of the Consulate and managed by Welfare Officer Virsie Tamayao of the Overseas Workers Welfare Administration.

Lauraya's winning entry in full: 

Gemma Lauraya's poem on fortitude won the grand prize

Pagbangon sa Pandemya

Bayanihan para sa ating Inang Bayan,

Buong mundo sa krisis ng pandemya ay lumalaban.

Sa panahong ito tayo ay pantay-pantay

Walang mahirap, walang mayaman

Sandigan ang Diyos, We pray as one.

Katatagan sa kabila ng takot at pangamba

Buhay at kalusugan pati kaligtasan ng pamilya

Ngayon ang bakuna ay naririto na.

Alisin ang takot, huwag mawalan ng pag-asa.

Palawakin ang kaalaman, We heal as one.

Mabuhay ka, manggagawang Pilipino!

Sa mga kamay mo nakasalalay paglago ng bayan mo.

Itaguyod ang pamilya sa marangal na paraan.

Sa likas na talino at sipag mong taglay.

Saludo kami sa’yo, Bayani kang totoo.

 Pagbangon sa krisis na dulot ng pandemya.

Malasakit sa isa’t-isa at solusyon sa problema.

Iwasan ang sisihan bagkus ay magtulungan

Sumunod sa batas para tayo’y maging ligtas

Sa COVID-19 tayo ay maka-iwas.

 Bagong pag-asa ang tanging hiling

Anumang unos malalampasan natin.

Magandang kinabukasan paggising natin

Adhikain ng pangulo makalikha ng trabaho

Sapat na proteksyon at serbisyong totoo.

CALL US NOW!

Don't Miss